Be Nice☻ Newsletter (November-December 2017 Issue)

senatornancybinay

The Be Nice☻ Newsletter is the monthly publication of the Office of Senator Maria Lourdes Nancy Binay.

Serbisyong Tunay, Serbisyong Binay!

In this issue:
- Senate approves 2018 Nat’l Budget & TRAIN
- Sen. Nancy attends IPU confab
- Reaction on transpo issues
- Nancy on Dengvaxia

Newsletter of the Office of Senator Nancy Binay

Vol. 1 Issue No. 10 November-December 2017

SUPPORTING LOCAL TEXTILES.

Senator Nancy Binay checks on

woven products in a pop-up

store at the Senate. The store

showcases products made by

indigenous communities. As

chair of the Senate Committee

on Cultural Communities, Sen.

Nancy is a big supporter of this

sustainable industry.

Senate approves 2018

Nat’l Budget & TRAIN

Sen. Nancy attends

IPU confab

Reaction on transpo

issues

Nancy on Dengvaxia


In this Issue

LEGISLATIVE ROUND UP

Page 2

Senate Approves P3.7T National

Budget

Page 3

Senate approves TRAIN

FEATURES

Page 4 to 7

Senator Nancy represents

Philippine Senate at Intra-

Parliamentary Union Conference

- St. Petersburg, Russia

- London, United Kingdom

ADVOCACIES

Page 8

Updates on the country’s public

transportation

Page 9

Dengue vaccine issue

Page 10

Supporting organizations

- Bulacan State University

- Cebu Pharmacy Association

ON SOCIAL MEDIA

Page 11

What’s Trending

OFFICE OF SENATOR MARIA

LOURDES NANCY BINAY

Room 523, 5th Floor, Senate of the

Philippines, GSIS Financial Complex,

Pasay City 1300 Tel. No. 8043396

Newsletter is a monthly publication

of the Office of Senator Maria

Lourdes Nancy Binay and is produced by

its media team.

For comments and suggestions,

please send us an email at

media.senatorbinay@gmail.com.

Catch the interactive edition of

Newsletter here:

http://bit.ly/BeNiceIssue10

facebook.com/senatornancybinay

@senatorbinay

@senatornancybinay

These are the official social media

accounts of Sen. Nancy Binay. Follow

us on these channels for the latest

news and updates.

LEGISLATIVE UPDATES

Bago matapos ang mga sesyon ngayong taon, masusing hinimay ng

Senado ang pagpasa sa P3.767 trillion 2018 national budget.

Sa kapulungan ng Senado, 16 senador ang bumoto na ipasa ang national

budget. Bilang member ng Senate Finance Committee, kasama si Sen.

Nancy sa mga senador na bumoto para dito.

Mahigit sa P1.4 billion na pondo ang inilipat mula sa Philippine

National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government

(DILG) patungo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kasunod ito sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte noong Oktubre na ilipat

ang operasyon sa war on drugs sa PDEA, mula sa PNP.

Para sa pagtulong sa Marawi, nagtabi ang Senado ng P10 bilyon na

pondo para sa National Disaster Risk Reduction and Management

(NDRRM) para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Sa kabuuang inaaprubahang 2018 national budget ng Senado, ang sector

ng education at infrastructure and nakakuha ng malaking hati.

Nasa P684.33 bilyon ang binigay na budget sa edukasyon na nahati sa

P561.58 bilyon para sa Department of Education (DepEd), P62.33 billion

para sa mga State Universities and Colleges (SUCs), at P60.42

bilyon naman para sa Commission on Higher Education (CHED).

Dahil “Build, Build, Build” Program ng administrasyon, nakakuha ang

Department of Public Works and Highways (DPWH) ng P598.57 bilyon

na budget.

ON THE COVER

A big supporter of IPs,

Sen. Nancy meets with

weavers and artisans of

WomenWhoWeavePH

when they visited the

Senate in November. She

is seen inspecting woven

products made by Bontoc

and Mandaya artisans.

Masayang nagpakuha ng litrato ang ating mga senador

matapos pagbotohan ang 2018 national budget.


LEGISLATIVE UPDATES

#TULONGTULONGSAPAGSULONG. Buo ang Senado sa

pagbusisi sa panukalang tax reform package ng TRAIN.

Pasado na sa Senado!

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION BILL

Naging aktibo si Sen. Nancy sa pakikipagdebate sa

TRAIN. Makikita siya kasama ang mga beteranong mambabatas

at si Senate President Koko Pimentel (Taas).

Nitong katapusan ng Nobyembre, ipinasa na ng

Senado sa third and final reading ang sarili nitong

version ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion

(TRAIN) bill.

Sa botong 17-1, inaprubahan ng Senado ang tax

reform package na ito na siyang inaasahang magbibgay

ng kabawasan sa income tax at popondo sa mga

infrastructure projects ng Duterte administration.

Ayon sa TRAIN (o Senate Bill 1592), mahigit sa 6.8

milyong manggagawa ang maililibre mula sa

income tax.

Isa si Sen. Nancy Binay sa mga bumoto sa pagpasa sa

TRAIN. Naging aktibo rin ang senadora dahil kabilang

siya sa hanay ng mga senador ng majority.

Sa ilalim ng TRAIN, ang mga kumikita ng P250,000

sa kanilang taunang sahod ay hindi na kailangan

pang magbayad ng buwis. Kasama rin dito ang

P82,000 tax exemption sa 13th month pay at iba pang

bonus. Samakatuwid, magiging tax-free ang may mga

income na P21,000.

Sa kabila nito, may iba pang buwis na ipapataw sa

gasolina, kotse, coal at sugar-sweetened beverages

(maliban lang sa gatas at 3-in-1 na kape).

Inaasahan ng Department of Finance na kikita ang

gobyerno ng P130 bilyon na siyang gagamitin para sa

“Build, Build, Build” Program.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng Senado at Kongreso

ang kanilang mga bersyon ng TRAIN sa bicameral.


FEATURES

Senator Nancy kinatawan ng Senado sa

INTRA-PARLIAMENTARY UNION (IPU)

Si Sen. Nancy at Senate President Koko Pimentel ang magkasamang

kumatawan sa Pilipinas sa IPU sa St. Petersburg, Russia nitong Oktubre.

Isa si Sen. Nancy Binay sa mga napiling

kumatawan sa Senado ng Pilipinas sa 137th Inter

-Parliamentary Union (IPU) noong Oktubre.

Ang IPU ay kapulungan ng mga mambabatas

sa iba't-ibang bansa na nagtipon-tipon upang

itaguyod ang malinis, tapat at responsableng

pamumuno na alinsunod sa batas at kumikilala

sa karapatan ng bawat isang tao. Pangunahing

tinataguyod sa mapayapang pandaigdigang

pagkakaisa.

Sa pangunguna ni Senate President Koko

Pimentel, naanyayahan ang ating mga senador

na dumalo sa mga pagpupulong sa St.

Petersburg, sa Russia at sa London, United

Kingdom.

DELEGASYON NG PHL SA IPU RUSSIA. Sa pamumuno ni

Senate President Pimentel, naging aktibo ang grupo ng

ating mga mambabatas sa pakikipag-usap sa mga kinatawan

ng Russia. Nakasama ni Sen. Binay si Senate Minority

Floor Leader Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto at ilang

kongresista. (Taas). Makikitang bumuboto si Sen. Nancy at

Sen. Drilon sa eleksyon ng bagong liderato ng IPU (Ibaba).


FEATURES

Sen. Nancy, isa mga kinatawan ng PHL sa

Mula Oktubre 14-18, 2017, magkakasamang

nakipagpulong sila Senate President Koko Pimentel,

Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon, Sen.

Ralph Recto, at Sen. Nancy Binay sa mga mambabatas

ng Russia.

Nakausap nila si Russian Deputy Chairman of the

Council Federation Yuri Vorobiev at mga council

members nito.

Kabilang sa mga napag-usapan nila ang pagkakaroon

ng mas matibay na mga diplomatic ties sa pagitan ng

dalawang bansa, lalo na at isa ito sa mga nilalayon ng

Duterte Administration. Ang pagkakaroon ng mas

maraming flights mula Manila to Russia, libreng visa

applications ang ilan lang sa mga bagay na napag-usapan.

Bilang chair ng Senate Committee on Tourism, masaya

si Sen. Nancy sa mga naging usapan dahil malaki ang

maitutulong ng pagdami ng mga turistang Russian sa

Pilipinas. Sa ngayon, kabilang ang Russia sa mga high

growth markets sa visitor arrivals.

Bumoto rin si Sen. Nancy, SP Pimentel at Sen. Drilon

sa eleksyong ng susunod na IPU president. Nagwagi si

Gabriela Cuevas Barron sa nasabing eleksyon at

nabotong ika-29 na presidente ng IPU.

Kasama ang mga council members

ng Russian Council Federation.

Si Sen. Nancy sa harap ng

embahada ng PHL sa Russia.

Si Sen. Nancy at Senate President Pimentel kasama ang ibang

kinatawan ng iba’t-ibang bansa sa IPU St. Petersberg, Russia.


FEATURES

Bilateral talks with UK sa seguridad, ekonomiya, at trade, kasado!

Mula Russia, dumiretso ang delegasyon ng

ating mga senador sa London upang

makipagpulong sa mga miyembro ng British

Group Inter-Parliamentary Union (BGIPU).

Kasama sila Sens. Koko Pimentel,

Franklin Drilon, JV Ejercito, Sherwin

Gatchalian, at Grace Poe, nakiisa si Sen.

Nancy Binay sa mga bilateral meetings bilang

kinatawan ng BGIPU.

Sa bilateral talks, tinalakay ang trade,

economic at political developments sa pagitan

ng dalawang bansa, ang kasalukuyang peace

process sa Mindanao, at ang kalagayan ng mga

Pilipinong nakatira sa UK.

Naging mainit ang pagtanggap sa kanila ni

Member of Parliament Stephen Pelham

Pound at binigyan sila ng tour ng British

Parliament.

Naghost din si Member of Parliament

Nigel Martin Evans ng isang welcome

reception kung saan pinakita ang magandang

ugnayan ng UK at Pilipinas lalo na sa turismo,

IT, healthcare, engineering at ang prestigious

na Chevening scholarship program.

Nakipagkita rin ang ating mga senador sa

Philippine Community (PhilCom) leaders

sa embahada ng Pilipinas.

Naglaan din ng oras si Sen. Nancy upang

makaharap ang mga kababayan natin sa

London at kamustahin sila.

Sina Sens. Win Gatchalian, JV Ejercito, Nancy Binay,

Koko Pimentel, Grace Poe at Frank Drilon ang kinatawan

ng bansa sa BGIPU.

Ang ating mga senador sa harap ng embahada ng Pilipinas

sa London (Taas). Habang kausap ng ating senador ang

Philippine Community leaders sa PHL embassy (Kaliwa).


FEATURES

Binigyan ni Lord Speaker Norman Fowler ng

token ang ating mga senador matapos ang mga

bilateral meetings sa House of Lords.

Kasama si Reps. Miro Quimbo at Dakila Cua

Nakipagpulong ang sa mga bilateral talks ang

ating mga senador sa mga opisyal ng British

Parliament (Itaas). Kinausap ni Sen. Nancy ang

ilan nating kababayan na kasalukuyang nakatira

sa London at United Kingdom (Kaliwa).


ADVOCACIES

On the resignation of Mr.

Cesar Chavez as DOTr

Undersecretary

We thank Mr. Cesar Chavez

for his service as Undersecretary

for Railways of the Department

of Transportation (DOTr) and his

commitment to find ways and

solutions to the problems

besetting the MRT-3 despite the

odds and challenges. We wish

him well and may he continue to

be an advocate for a safe,

efficient, and affordable

transportation service.

I call on DOTr Secretary Arthur

Tugade to immediately step in and

appoint Mr. Chavez’ replacement,

especially since the MRT-3 serves

hundreds of thousands of commuters

in Metro Manila every day.

The MRT is a vital component of

Metro Manila’s transportation network

and we owe the commuting public an

uninterrupted service to them.

D o u b l e o r t r i p l e M R T - 3

m a i n t e n a n c e c h e c k s – N a n c y

...says daily train breakdowns contribute much to holiday woes

With failing trains, commuters face a less than merry

Christmas.

Senator Nancy Binay today called on the Department of

Transportation (DOTr) and the MRT-3 management to

double the number of maintenance and inspections of its

trains and tracks to ensure the passenger safety and stable

operations in anticipation of the holiday rush.

According to Binay, it is important that the train systems

undergo additional maintenance checks as passenger volume

is expected to increase this season of Christmas.

“Naiintindihan ko ang posisyon ng DOTr na kailangan

tumakbo ng mga tren, but the safety of the riding public

should always take the front seat. Given the poor state of our

mass transportation, especially the MRT, it will be difficult for

our kababayans to spread holiday cheer as they face the

horrors of their daily commute,” said the senator.

The MRT-3 is notorious for its mishaps and faces technical

glitches on a daily basis.

Aside from increasing maintenance and inspections of the

MRT-3, Binay said that the DOTr and MRT-3 management

should also look into beefing up security checks in all train

Photo Credits: Office of the Senate President

stations to ensure the safety of train passengers.

Binay noted that a study was conducted by the Mass

Transit Railway of Hong Kong in 2014 indicating that the MRT

-3 system is at risk of derailment and the track condition

requires immediate attention. The report likewise stressed the

need to overhaul all its trains.

The government has recently terminated the maintenance

contract of Busan Universal Rail Inc. due to its poor

performance which has been blamed for the train system’s

glitches.

"I hope the DOTr was able to review the 2014 study of MTR

-Hong Kong which says the state of the MRT-3 railway system

is alarming. Ang kaso, APT Global, which was the

maintenance operator then, ignored the Hong Kong report

and reiterated that the MRT-3 rail system is safe," Binay

added.

DOTr said it has now taken over the maintenance of the

MRT-3, and has assured the public that it would improve the

efficiency of the trains within “three to six months.”

"Let's give DOTr some leeway to address all the problems

of MRT-3. At kung tuloy-tuloy pa rin ang mga breakdown na

maaaring mauwi sa aksidente, huwag na nating hintayin pa na

may mangyaring di kanais-nais. Perhaps the DOTr may

consider temporarily suspending its operations to ensure the

safety of the riding public," Binay pointed out.


Photo Credit. Inquirer.net

ADVOCACIES

In order to warn public, parents on Dengvaxia

Nancy calls on DOH, Sanofi to launch nationwide info drive

Sen. Nancy Binay today expressed alarm

over the public health impact of the dengue

vaccine, Dengvaxia, administered to over

400,000 children.

Binay called on the Department of Health

and vaccine manufacturer Sanofi Pasteur to

launch a nationwide medical advisory and

information drive to reach out to parents

whose children have taken the vaccine.

"The latest medical report issued by

Sanofi is deeply shocking and disturbing

specially to any parent whose children have

received the vaccine. Kaya dapat gawan

natin ng paraan para mapaiabot agad sa

kanila sa pamamagitan ng iba't ibang

communication channels ang tungkol dito,"

she noted.

According to Binay, the public ---

particularly the parents --- need to know the

circumstances surrounding the vaccine, what

symptoms should be monitored, precautions,

indications, contra-indications, side effects

and possible adverse effects.

The senator asked the DOH to put in

place monitoring and public health

surveillance to avoid any medical disaster.

Sanofi Pasteur said that Dengvaxia may

have indications to "those not previously

infected by dengue virus, however, the

analysis found that in the longer term, more

cases of severe disease could occur following

vaccination upon a subsequent dengue

infection."

"It is sad that the DOH ignored the

warning of DOST about the issue of patient

safety and research integrity of Dengvaxia.

Safety should always be the paramount

concern when it comes to any immunization

program," she noted.

Binay said that Sanofi should clarify and

explain what it meant by "severe disease."

"We don't want the warning to the public come

too little, too late. Obviously, there were shortfalls

and gaps in the vaccine's safety profile, and I

believe Sanofi is morally and ethically obliged to

inform the public what severe diseases came out in

their clinical tests," she pointed out.

The senator likewise urged the DOH to

temporarily stop the immunization program and

conduct an audit which regions or provinces have

not completed, or completed, all three doses of the

vaccine.

DOH confirmed that it has administered the

dengue vaccine to about 400,000 school children

in Central Luzon, NCR and Calabarzon.

"We don't want the warning to the

public come too little, too late.

Obviously, there were shortfalls and gaps in

the vaccine's safety profile, and I believe

Sanofi is morally and ethically obliged

to inform the public what severe diseases

came out in their clinical tests.”

- Sen. Nancy Binay


ADVOCACIES

CEBU PHARMACISTS ASSOCIATION

YEAR-END GATHERING

Sen. Nancy Binay was invited

to induct the incoming officers

of the Cebu Pharmacists Association

during their year-end

gathering in Cebu.

She thanked the pharmacists

for their professionalism and

advocacy in curbing counterfeit

medicines and selfmedication.

She also updated

them on the developments

on the Tax Reform Acceleration

and Inclusion (TRAIN) bill.

50th Founding Anniversary of the College of Education of

BULACAN STATE UNIVERSITY

Sen. Nancy Binay was invited to be the keynote

speaker to the 50th founding anniversary of

the College of Education of Bulacan State University

(BulSU) in Malolos, Bulacan. She vowed

to push for the full implementation of free tuition

in the tertiary level and to increase the

salaries of teachers in state universities and

colleges (SUCs). The senator encouraged the

students, faculty and the BulSu administration

to do their best to adapt and keep up with the

challenges of modern technology.


WHAT’S TRENDING

Ang ilan sa mga post na ito ay makikita sa

official Facebook fan page ni

Senator Nancy Binay.

Para sa updated na balita tungkol kay

Sen. Nancy, maglog-on lang sa

www.facebook.com/

SenatorNancyBinay

More magazines by this user
Similar magazines