Pamagat: ISLAM RELIHIYONG PAYAK (MADALI AT MAGAAN ...
Pamagat: ISLAM RELIHIYONG PAYAK (MADALI AT MAGAAN ...
Pamagat: ISLAM RELIHIYONG PAYAK (MADALI AT MAGAAN ...
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Pamagat: ISLAM RELIHIYONG PAYAK (MADALI AT MAGAAN)

Kategorya : Panlahat

May-akda : Aralin sa loob ng Masjid ,General Authority of Islamic Affairs & Endowments

Paglalarawan: Itinakda ng Allah na maging madali ang relihiyong Islam para sa sangkatauhan, na siyang pangunahing

layunin nito. Ito ay upang mailayo ang mga tao mula sa kahirapan at abala. Kanyang itnakda na ang saligan ng

relihiyon ay ang pagpapaumanhin, pagpapagaan at habag para sa mga tao.

Ang papuri ay para sa Allah lamang, ang Siyang gumabay sa atin tungo sa pananampalatayang Islam. Ang Siyang

nagpagaan para sa atin ng mga alituntunin. Ang pagpapala at kapayapaan ng Allah ay mapasa-Kanyang sugong si

Muhammad(saws), kanyang pamilya at mga kasamahan.

Sinabi ng Allah sa banal na Koran;

[Ang ALLAH ay naglalayon sa inyo ng kaginhawahan, at hindi Niya gustong gawing mahirap ang mga bagay para

sa inyo] Al-baqarah 185

[At (ang Allah) hindi nagbigay nang kahirapan sa inyong relihiyon] Al-hajj 78

[Ang ALLAH ay hindi nagbibigay ng pasanin sa isang tao ng higit sa kanyang makakaya ] Al-baqarah 286

[Taha, Hindi Namin ipinadala sa ibaba ang Quran sa iyo [ O’ Muhammad] upang maging sanhi ng iyong

kapighatian ] Taha 1-2

Sinabi ng Propeta Muhammad (saws);

[Ang Relihiyon ay napakadali at sinuman ang magpahirap ng husto sa kanyang sarili sa kanyang relihiyon ay hindi

niya maipagpapatuloy ito sa ganoong paraan. Kaya huwag kayong maging mapagmalabis, ngunit (sikapin)

gawing malapit sa pagiging ganap ] iniulat ni Al-bukhari

[ Katotohanang hindi ako isinugo ng Allah upang magpahirap, ni hindi upang maghanap ng kahirapan, ngunit

ako’y kanyang sinugo bilang isang mangangaral (ng kabutihan) at nagpapagaan ng paghihirap] iniulat ni Muslim

Ayon kay Aisha (ra):[ ( Hindi pumili ang Sugo(saws) mula sa dalawang bagay maliban na lamang na kanyang pinili

ang mas magaan at madali hangga’t hindi masama, ngunit kung ito naman ay masama ay siya ang pinakamalayo

sa bagay na ito)] iniulat ni Al-bukhari at Muslim

KAHULUGAN

Ang isa sa pinakamalagang katangian na itinakda ng Allah sa batas Islamiko ay ang kagaanan nito sa tao, na siya rin

namang isa sa mga pangkalahatang layunin ng Islam, bilang pagtanggal sa anumang kahirapan ng mga tao.

Katotohanang ang pagpapagaan at kaluwagan ay siyang saligan ng relihiyon, ito’y bilang habag sa sangkatauhan. Ang

sugo ng Allah ay palagian noong nagpapa-alala tungkol sa pagpapagaan at nagbibigay babala laban sa pagpapahirap(

sa sarili at kapwa) at pagmamalabis sa anumang bagay.

المترجم/ كارلو كماتشو
Minsan ay mayroong tatlong “sahaba” o kasamahan ng Propeta na dumating sa kanyang mga tahanan(ng kanyang

mga asawa). Kanilang layunin ang alamin ang mga gawaing pagsamba ng sugo(saws), at nang sila’s binalitaan tungkol

dito, sa pakiramdam nila’y ito ay hindi sapat para sa kanila. Kaya’t nagwika ang isa: “ Ako ay magtatayo ng salah sa

gabi (hindi matutulog)nang palagian”, sabi ng isa pa:” Ako ay mag-aayuno sa buong taon”, at sabi ng huli:”Ako ay

hindi mag-aasawa kailanman”. Ang lahat ng ito ay nalaman ng Sugo(saws), kaya’t kanyang sinabi sa kanilang tatlo:

[ Ako ay sumusumpa sa Allah na ako ay mas may pananampalataya at takot sa Allah kaysa sa inyo, ngunit ako ay

nag-aayuno ay kumakain (hindi buong taon), nagsasagawa ng salah (sa gabi) at natutulog, at ako ay nag-aasawa.

Sinuman ang tumalikod sa aking tradisyon ay hindi kasapi sa akin].

Lahat ng bahagi ng batas-Islamiko, maging tungkol man sa pagsamba o pakikitungo sa kapwa ay nakabatay sa

kagaanan at kaluwagan, kaya’t walang makikitang kahirapan dito o paghihigpit.

Isa sa mga pagpapagaan sa Islam ay ang pagpapa-ikli ng salah sa paglalakbay , ang pagkain kapag nahihirapan

(habang nag-aayuno), ang obligadong paglalakbay patungong hajj isang beses lamang sa tanang buhay at ang

pagpapagaan sa mga nahihirapan.

MGA ARAL

1- Ang Islam ay relihiyong magaan at maluwag

2- Ang Propeta Muhammad (saws) ay huwaran sa pagpapagaan at kaluwagan

3- Ang pagpapagaan(sa batas Islamiko) ay may mga alituntuning nakabatay sa Koran at tradisyon ng

Propeta (saws)

4- Isa sa mga saligan ng batas Islamiko ay ang kasabihang : “ Ang paghihirap ay may kaakibat na

kaluwagan” at “Ang isang bagay (o sitwasyon)kapag nagiging mahigpit ay lumuluwag(sa batas

Islamiko).

المترجم/ كارلو كماتشو