10.02.2015 Views

THE RESPIRATORY SYSTEM

THE RESPIRATORY SYSTEM

THE RESPIRATORY SYSTEM

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG RESPIRATORY SYSTEM

Mga Layunin:

• Alamin ang gamit ng respiratory system

• Alamin ang mga bahagi ng respiratory

system at ang kaukulang gamit ng bawat

isa sa paghinga at sa palitan ng hangin

• Matunton kung papaano nito

pinoprotektahan ang kanyang sarili

mula sa mga dumi sa kapaligiran

Ano ang gamit ng repiratory system

Ang respiratory system ang

nagdadala ng oxygen (O 2 ) papasok sa ating

katawan at siya rin namang nag-aalis ng

carbon dioxide (CO 2 ).

Ang oxygen ay mabuting hangin na

nagbibigay sa ating katawan ng enerhiya o

lakas habang ang carbon dioxide naman ay

maduming hangin na ating inilalabas.

Anu-ano ang mga bahagi ng respiratory

system

Ang respiratory system ay binubuo ng

ilong, trakea, pangunahing bronchi, baga at

mga masel sa paghinga tulad ng nasa

butuhan ng dibdib at diaphragm.

Paano pumapasok ang hangin sa ating

katawan

Ang oxygen ay nilalanghap natin sa

ilong o maging sa bibig. Ang ilong ang

nagsisilbing filter upang masala ang mga di

kanais-nais na alikabok at usok. Ang ilong

din ang nagpapainit at nagdadagdag ng

moisture sa hanging pumapasok. Sa

pagkakataong mas maraming hangin ang

kinakailangan, mas malaking naitutulong ng

paghinga sa bibig. Ito ay madalas na

ginanagamit kapg nag-eehersisyo.

trakea

bronhus

bronhioles

ilong

alveoli

trakea

baga

diaphragm

Ang Respiratory System

Ang Daanan ng Hangin

Ang daanan ng hangin ay anyo ng

nakabaliktad na puno at ng mga sanga nito.

Mula sa ilong o bibig, ang hangin ay

dumadaloy pababa sa trakea. Ito ay isang

malaking tubo ng daanan ng hangin malapit

sa ating leeg. Ang trakea ay naghihiwalay

sa dalawang bronchi, tig-isa papunta sa

kanan at kaliwang bahagi ng ating baga.

Ang bawat bronchi naman ay nag- hihiwalay

pa sa mas maliliit na tubong daanan ng

hangin na tinatawag na mga bronchioles.

Ang bawat bronchiole naman ay nagtatapos

sa mga maliliit na air sacs o alveoli kung

tawagin.

Ang mga alveoli ay napapaligiran ng

mga maliliit na ugat (capillaries). Ang

oxygen na laman ng mga alveoli ay lumilipat

sa mga maliliit na ugat na ito na nagsisilbing

daanan ng dugo at siya namang dinadala

patungo sa iba’t ibang bahagi ng ating

katawan. Ang carbon dioxide naman mula

sa mga maliliit na ugat ay lumilipat patungo

sa mga alveoli at ito naman ang hanging

inilalabas ng ating katawan kapag

humihinga palabas. Ito ang tinatawag na

palitan ng hangin o gas exchange.

hangin ang baga. Ito ay tinatawag na

inhalation o inspiration. Kapag nag-relax na

ito, ang baga naman ay naglalabas ng

hangin. Ito ay tinatawag na exhalation o

expiration. Ang baga, tulad ng pag-ihip ng

lobo, ay nangangailangan ng enerhiya

upang maglagay o humigop ng hangin

ngunit hindi naman nangangailangan nito

kapag naglalabas ng hangin.

Ang iba pang masel na ginagamit sa

paghinga ay mga masel sa buto ng dibdib

at masel sa leeg o scalene muscle. Kung

kinakailangan ay maaari ring gamitin ang iba

pang mga masel ng leeg at balikat.

Papaano pino-protektahan ng baga ang

sarili mula sa dumi sa kapaligiran

Ang baga ay may maraming paraang

nagagawa upang maprotektahan ang

Air sacs o alveoli

Palitan ng hangin

Ang normal na baga ay naglalaman

ng mahigit sa 300 milyong alveoli. Kung ito

nga ay bubuksan, maisusukat ito na kasing

laki ng isang tennis court. Ang malaking

lapad nito ang siyang nagbibigay ng

makabuluhang palitan ng hangin.

Anu-anong masel ang tumutulong sa

paghinga

Maraming masel ang ginagamit sa

paghinga. Ang pinakamalaki at pinakamahalaga

sa mga ito ay ang diaphragm. Ito

ang masel sa ilalim ng baga na

naghihiwalay sa dibdib mula sa mga

kalamnan ng tiyan. Kapag pumapatag o

bumababa ang diaphragm, humihigop ng

Ang pagprotekta ng baga sa sarili

sarili mula sa nalalanghap na dumi mula sa

kapaligiran. Una na ang ilong na

nagsisilbing filter ng maruruming elemento

kapag humihigop ng hangin. Kung may

malanghap na dumi, ito ay dumidikit sa

manipis na sapin ng mga tubong daanan ng

hangin na mucus (dura o plema). Ang mga

daanan din ng hangin ay may sapin na

maliliit na buhok na tinatawag na cilia na

siya namang nagwawalis o nagdadala ng

nahuling dumi papunta sa lalamunan para

malunok.

Isa pang pamprotekta ng respiratory

system ay ang pag-ubo. Ito ay isang

pangkaraniwang pangyayari kapag naiirita

ng dumi ang mga daanan ng hangin. Mas

mabilis maaalis ng pag-ubo ang dumi kaysa

sa pagdadala ng mga cilia.

Ang mga daanan ng hangin ay

nababalot din ng mga maliliit na tumpok ng

masel na siya ring nagsisilbing pamprotekta

ng baga. Kapag ang daanan ng hangin ay

may nahuling dumi at naiirita, humihigpit ang

mga masel na ito na siya namang

nagpapasikip ng daanan ng hangin upang

masiguradong hindi makakapasok ang dumi

sa baga. Ang mabilis na paghigpit ng mga

masel na ito ay tinatawag na bronchospasm

or broncho-constriction.

CHRONIC OBSTRUCTIVE

PULMONARY DISEASE (COPD)

Mga Layunin:

• Maipaliwanag ang kahulugan ng chronic

obstructive pulmonary disease (COPD)

• Malaman na ang paninigarilyo ang

pinaka madalas na sanhi ng COPD

• Maipaliwanag kung paano nagkakaroon

ng COPD at ang mga sintomas ng sakit

na ito

• Malaman na ang COPD ay isang patuloy

at di naitutuwid na sakit na pangunahing

sanhi ng kamatayan

• Matunton na ang pinakamahalagang

pag-iwas sa COPD ay ang pag-iwas sa

pagsimula ng paninigarilyo

Ano ang Chronic Obstructive Pulmonary

Disease (COPD)

Ang chronic obstructive pulmonary

disease (COPD) ay ang pangmatagalan at

permanenteng pagkasira ng mga daanan ng

hangin na nagpapahirap sa maayos na

pagdaloy sa paghinga. Paninigarilyo ang

pangunahing sanhi ng COPD.

Chronic Obstructive Pulmonary Disease

Dalawang sakit ang pangkaraniwang

bumubuo ng COPD. Ito ang chronic

bronchitis at emphysema. Maaaring

magkaroon ng iisa lamang o ng parehong

sakit ang isang pasyenteng may COPD.

Ang chronic bronchitis ay ang

pamamaga at paninikip ng mga maliliit at

malalaking tubong daanan ng hangin. Ang

mga cilia na dapat magprotekta sa baga ay

nasira na kung kaya’t namumuo ang mucus

o plema na siya namang nagpapakapal pa

ng masikip nang daanan ng hangin. Ang

pamamaga, pangangapal at paninikip ng

mga daanan ng hangin ang humhadlang sa

maayos na pagdaloy ng mabuting hangin

papunta sa baga.

hangin ay nakadarama tuloy ang pasyente

ng kapos sa paghinga.

Daanan ng hangin sa Emphysema

Anu-ano ang mga sanhi ng COPD

Daanan ng hangin sa Chronic Bronchitis

Ang emphysema ay ang permanenteng

pagkasira ng mga dingding ng air

sacs o alveoli. Dahil dito ay nawala na ang

normal na anyo nito na madaling mabanat

para maka-ipon ng mabuting hangin. Ang

normal na anyo nito ay maihahalintulad sa

isang lobo na madaling hipan. Dahil sa

emphysema, nangangailangan tuloy ng higit

na enerhiya o lakas upang mapalobo ang

mga air sacs o alveoli ng mabuting hangin

gayun din upang mailabas nito ang naipong

masamang hangin. Dahil sa naipong hangin

ay nagkakaroon tuloy ng hyperinflation o air

trapping. Ito ang nagpapahirap sa baga

upang maayos na maganap ang palitan ng

hangin. Dahil sa pagkaipon ng tirang hangin

at dagdag na enerhiya o lakas upang

makahigop ng karampatang mabuting

Ang paglanghap ng mga dumi sa

hangin tulad ng usok ang nagdudulot ng

labis na pagkapal ng mucus sa mga tubong

daanan ng hangin na siya namang

nagdudulot ng pamamaga nito. Maaaring

magka-COPD sa palaging paglanghap ng

mga ito sa loob ng mahabang panahon o

kaya nama’y sa paglanghap ng madaming

dumi sa loob naman ng mas maikling

panahon.

Ang paninigarilyo ang pinakamadalas

na sanhi ng COPD. Ang pag-pipipa, pagtatabako

at iba pang pamamaraan ng

paninigarilyo ay nagdudulot din ng COPD.

Ang paglanghap ng usok ng sigarilyo

ng iba o second hand smoke ay sanhi din ng

COPD. Kaya kahit hindi naninigarilyo ay

maaari ding magka-COPD. Ang mga

kasambahay ng mga taong naninigarilyo ay

maaari ding magka-COPD.

Ang mga dumi sa kapaligiran tulad ng

usok at alikabok sa trabaho, kemikal at

polusyon ng hangin ay maaari ding

magdulot ng COPD. Mayroon din namang

nagkaka-COPD na hindi naninigarilyo o

walang karanasan sa paglanghap ng

masasamang usok. Ang kadahilanan nito

ay hindi pa labis na napag-aralan ngunit

sinasabing maaaring may koneksyon ito sa

pagkamana o heredity o genetics.

Anu-ano ang mga senyales at sintomas

ng COPD

Ang mga sintomas ng COPD ay ang

mga sumusunod: ubo, sobrang plema,

kapos sa paghinga, humuhuni sa paghinga

o wheezing, pagkahapo at paninikip ng

dibdib. Ang patuloy at di nawawalang ubo

at pagdami ng plema ang pinakamadalas na

sintomas ng COPD. Taon pa ang

mabibilang mula sa pagkakaroon ng mga

sintomas na ito bago pa magkaroon ng

kapos sa paghinga. Ang mga sintomas na

ito ang nakakasagabal at nakakahadlang sa

mga pang-araw-araw na gawain ng taong

may COPD. Dahil sa patuloy pang paglala

ng mga sintomas na ito ay labis nilang

ikinalulungkot ang mga limitasyon sa

kanilang mga gawain.

ng baga. Ang sirang nagawa sa baga ay

hindi maaaring maisaayos o maibalik sa

dating anyo at gamit. Walang gamot sa

COPD. Ang COPD ay pang-habang buhay.

Ang pagtigil sa paninigarilyo ang tanging

magpapabagal sa paglala nito gayunpaman

ay hindi na nito maibabalik sa normal ang

nasirang baga.

Paano nalalaman na ang isang tao ay

may COPD

Tinitingnan ng mga manggagamot

ang mga pangkaraniwang sintomas ng

COPD at ang kasaysayan ng paninigarilyo o

paglanghap ng mga masasamang usok.

Pinapahalagahan ang kasaysayang pangmedikal

at resulta ng eksaminasyon ng

paghinga o breathing test.

Pag-ubo

Kapos sa paghinga

Ang sakit na COPD ay may dahandahang

paglala kaya’t taon pa ang

mabibilang bago mapansin ang mga

sintomas nito. Kadalasan nga itong nakikita

sa mga may edad 40 at pataas.

Maaari bang mawala ang COPD

Ang lala ng sintomas ng COPD ay

depende sa dami ng sirang nagawa nito sa

baga. Kung mas marami at mas matagal

ang paninigarilyo mas mabilis ang pagkasira

Spirometry

Spirometry ang tawag dito. Ito ay

madali lamang gawin at walang sakit na

mararamdaman dahil susukatin lamang ang

dami ng hangin na naipapasok at nailalabas

ng baga sa pamamagitan ng paghinga at

pag-ihip sa isang makina. Natutunton nito

ang COPD bago pa man magkaroon ng

mga malalang sintomas.

Bakit mahalagang matutunan ang sakit

na COPD

Ang COPD ay isang ganap na

suliraning pangkalusugan. Ito ang pang-4 sa

mga nakamamatay at nakakabaldadong

sakit sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang

COPD ang pang-7 sa mga pangunahing

sanhi ng pagkamatay ayon sa Department

of Health. Labis ding hinahadlangan ng

COPD ang maayos at makabuluhang

pamumuhay ng isang pasyente kaya’t

mahalagang ito ay mapag-aralan upang ang

sakit na ito ay maiwasan.

daanan ng hangin. Upang makontrol ang

COPD ay kailangang araw-araw ang

gamutan at ito’y maaaraing pang-habang

buhay. Sa mga mayroong mas malalang

sintomas pa ay nagbibigay din ng oxygen.

Paano maiiwasan at magagamot ang

COPD

Ang pagtigil sa paninigarilyo ang

pinaka-mahalagang bagay na makapagpapabagal

ng paglala ng COPD.

Mahalagang iwasan ang mga lugar at

gawaing nakalalanghap ng masasamang

usok tulad ng polusyon, alikabok at mga

usok mula sa pagluluto at gawaing maiinit.

Kinakailangang magsuot ng proteksyon sa

sa ilong at bibig sa mga lugar ng trabaho

upang maiwasan ang pagkalanghap ng

masamang usok.

Bronchiodilators, antinflammatory agents at

antibiotics

Sa kasalukuyan ay walang gamot

upang maibalik ang nasirang bronchi at air

sacs dala ng COPD. Ang pagkasira sa

mga ito ay permanente o pangmatagalan.

Sa ibang bansa, maaaring operahan ang

baga upang maalis ang mga nasirang

bahagi nito (lung volume reduction) ngunit

di pa rin lubusang malulunasan ang paglala

ng COPD.

Mahalagang malaman na may mga

support groups at Pulmonary Rehabilitation

Programs na tumutulong sa mga may

COPD. Naibabahagi dito ang angkop na

pagtugon sa mga pisikal, emosyonal at

sikolohikal na pangangailangan ng mga

taong may COPD. Tumutulong din ang mga

ito at sumusuporta sa kampanya upang

tumigil sa paninigarilyo.

Itigil ang Paninigarilyo

Payo ng doctor na tumigil sa

paninigarilyo. Sila rin ay nagbibigay ng

gamot upang lumuwag ang mga tubong

daanan ng hangin (bronchodilators), maalis

ang pamamaga nito (anti-inflammatory) at

magamot ang anumang impeksyon

(antibiotics). Ang mga gamot na ito ang

nagbibigay lunas sa paninikip ng mga

GABAY SA PAG-AARAL

Punan ang patlang.

1. _______ ang mabuting hangin na

nagbibigay enerhiya sa katawan.

_______ ang masamang hangin na

inilalabas ng katawan.

2. ______ ang malaking tubong daanan

ng hanging malapit sa leeg na

nagdudugtong sa ilong at sa mga

maliliit pang tubong daanan ng hangin.

3. Ang mga air sacs ay napaliligiran ng

malilit na ugat na tinatawag na ______.

4. Ang paraan ng paglipat ng oxygen mula

sa alveoli patungo sa mga maliliit na

ugat at paglipat ng carbon dioxide mula

sa mga ugat patungo sa mga alveoli ay

tinatawag na ______ ______.

5. ______ ang tawag sa maliliit na buhok

na sumasapin sa mga tubong daanan

ng hangin na nagwawalis ng nahuling

dumi papunta sa lalamunan.

6. Ang tawag sa mabilis na paghigpit ng

mga masel ng tubong daanan ng

hangin ay ______ o ______.

7. Ang kahulugan ng COPD ay _____

Tama o Mali

8. Chronic bronchitis ang tawag sa

pagkasira ng dingding ng mga alveoli

na nagdudulot ng air trapping o

hyperinflation.

9. Paninigarilyo ang pangunahing sanhi ng

COPD.

10. Ang paglanghap ng usok ng sigarilyo ng

iba ay sanhi din ng COPD.

11. Ang paglanghap ng masamang hangin

tulad ng usok, polusyon at mga kemikal

ay nagdudulot din ng COPD.

12. Ang pagkasira ng baga sa COPD ay

maibabalik sa dating anyo at gamit.

13. Mabilis ang proseso ng COPD at

pangakaraniwan ito sa taong edad 30 at

pataas.

14. Ang pagtigil sa paninigarilyo ang

pinakamahalaga upang maiwasan at

mabawasan ang paglala ng COPD.

15. Ang mga gamot na bronchodilators,

anti-inflammatory agents at antibiotics

ay makapagpapagaling sa COPD.

16. Sa Pilipinas, ang COPD ang pang-4 sa

pangunahing sanhi ng pagkamatay

ayon sa Department of Health.

17. Malalaman kung may COPD sa tulong

ng spirometry.

Ilista ang mga pangkaraniwang sintomas

ng COPD

18. _______

19. _______

20. _______

Mga Sanggunian:

American Thoracic Society Patient education

Materials; COPD Statement: Patient

Education Section;

http://www-test.thoracic.org/COPD/patients.asp

Global Initiative for Chronic Obstructive Lung

Disease (GOLD) Executive Summary,

National Institute of Health, national Heart,

Lung and Blood Institute

National Heart, Lung and Blood Institute;

http:www.nhlbi.nih.gov/health/dci/Diseases/Copd

Mga Larawan:

Bodyworks 3.0 by Softkey International Inc.

1994

http://www.br-online.com

http://www. copd-alert.com

http:// copd-helper.com

http://www.copd.upmc.com

http://www.deborah.org

http://www.diseases-explained.com/COPD/home

http://www.e-chicken.com

http://www.ifap.de

http://www.medem.com

Mga Sagot:

(1) Oxygen, Carbon dioxide (2)Trakea

(3) capillaries (4) gas exchange (5) Cilia

(6) bronchospasm / bronchoconstriction

(7) Chronic Obstructive Pulmonary Disease

(8) Mali (9) Tama (10) Tama (11) Tama

(12) Mali (13) Mali (14) Tama (15) Mali

(16) Mali (17)Tama (18-20) ubo, sobrang plema, kapos sa

paghinga, humuhuni sa paghinga o wheezing, pagkahapo

at paninikip ng dibdib

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!