11.07.2015 Views

Pilipino - philippinerevolution.net

Pilipino - philippinerevolution.net

Pilipino - philippinerevolution.net

SHOW MORE
SHOW LESS

Transform your PDFs into Flipbooks and boost your revenue!

Leverage SEO-optimized Flipbooks, powerful backlinks, and multimedia content to professionally showcase your products and significantly increase your reach.

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng PilipinasPinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoTaon XLII Blg. 1Enero 7, 2011www.<strong>philippinerevolution</strong>.<strong>net</strong>EditoryalItigil ang mapaminsalangmalakihang pagmiminaIpinagbabawal ng demokratikong gubyernongbayan ang operasyon ng lahat ng mga empresangmapandambong, mapaminsala sa kalikasanat kontra sa interes ng mamamayan at ng kanilangrebolusyonaryong kilusan. Tampok sa mgaito ang malalaking kumpanya sa pagmimina. Haloslahat ng mga ito ay 100% pag-aari ng mga dayuhangimperyalistang kumpanya.Halos lahat din ng mga empresang ito ay mayoperasyon sa mga lugar na saklaw ng mga base ngarmadong rebolusyonaryong kilusan. Malinaw angpatakaran ng rebolusyonaryong kilusan hinggil samga salot na empresang ito. Dapat patigilin atpanagutin sila dahil sa idinudulot nilang kapinsalaanat patalsikin sila sa mga larangan, sona atbaseng gerilya at sa kabuuan ng bansa.Muling inililinaw ang naturang patakaran saharap na pagbabanta kamakailan ng malalakingdayuhang kumpanya sa pagmiminana aalis na raw sila dahil sa bumibigatna pagbubuwis sa kanila ng rebolusyonaryongkilusan. Umasta paang mga ito kasabay ng mga kasabwatnilang matataas naupisyal ng papet nareaksyunaryong gubyernoat hukbo na dapat itongpag-usapan sa nalalapit namuling pagbubukasng usapang pangkapayapaansapagitan ng NationalDemocraticFrontof the Philippines(NDFP)at Governmentof the Republic ofthe Philippines (GRP).Huwad ang pinalalabas nilang mga benepisyonghatid sa ekonomya ng bansa at sa kabuhayanng mga komunidad sa lugar ng kanilang mgaoperasyon. Katunayan, dalawa sa pinakamahihirapna prubinsya sa buong bansa ay nasa rehiyonng Caraga na siyang itinuturing ngayong “miningcapital of the Philippines and Asia.”Napakalaking pinsala ang idinudulot ng mgaoperasyon sa pagmimina: Nilalapastangan nilaang pambansang patrimonya. Malawakan angpangangamkam ng lupa. Dinadambong nila anglikas na yaman ng bansa at winawasak ang kapaligiran.Nilalason nila ang tubig, mga pananim,pangisdaan, pastuhan at iba pang natural na pinagkakabuhayan.Isinasapanganib nila ang buhayng tao. Labis ang pagsasamantalanilasa mga manggagawa.Niyuyurakannila angkabuuang interes atkagalingan ng mamamayan.Sa kalakhan ay mgapambansang minorya ang tinatamaanng pinsalang ito dahilsila ang karaniwang nakatiraat kadalasang nakararamisa mga lugar ngoperasyon ng malalakingminahan.Walang pahintulotng mamamayanat rebolusyonaryongkilusanang pagpasok at operasyonng malalaking minahan, at lumala-Mga tampok saisyung ito...Dayuhang pagmimina,salot sa bayan PAHINA 3“Pista” sa bayan ngSan Agustin PAHINA 5Lupa, hindi militarisasyonPAHINA 11


Dayuhang pagmimina,salot sa bayanMula nang sakupin ng US ang Pilipinas noong pagtatapos ngika-19 na siglo, pinag-iinitan na ng mga imperyalista angmga likas na yaman ng bansa. Tampok dito ang pagmiminang mineral at iba pang kayamanan.Bago pa man agawin ng USang Pilipinas mula sa kolonyalna paghahari ng Spain, batidna at pinaglalawayan na nitoang pagiging masagana ngPilipinas sa ginto at iba panglikas na kayamanan. Kaya nangunang sakupin ng US ang bansa,pangunahing tiniyak nito angpagbubukas ng mga minahan ngginto at iba pang mahahalagangmetal. Sa buong paghahari nito,bilyun-bilyong dolyar na halagana ng ginto, iba pang mahahalagangmineral at likas na yamanng bansa ang hinuthot ngmga imperyalistang kumpanya,pangunahin na ng mga kumpanyangAmerikano.Tukoy ng mga sakim na imperyalistana sa kabila ng napakaraminang nahuthot na yamanng bansa, marami pangmalilimas dito. Ang Pilipinasay kabilang sa limang bansa sadaigdig na pinakamayaman satanso (copper), nickel at ironore. Pinakamalaking halaga parin sa mga mineral na nabubungkalat nailuluwas sa bansaang ginto.Sa pinakahuling pananaliksikng US State Department, maymaaaring mabungkal pang mahigitpitong bilyong tonelada ngmga yamang mineral nanagkakahalaga ng $840 bilyon.Kabilang dito ang mahigit100,000 tonelada ng ginto atmga limang bilyong toneladangtanso. Bukod dito, may mabubungkalpang mahigit 50 bilyongtonelada ng mga di mineralna bato, tulad ng marmol, atmay natukoy na ring malakingpotensyal sa pagbubungkal ngmga deposito ng langis at naturalna gas sa mga latian at karagatan.Batay sa kanilang tuluy-tuloyna pagsasarbey, may tinutukoyang mga imperyalistangkumpanya sa pagmimina na mahigitsangkatlo ng kalupaan sabansa na mayaman sa mga depositongmineral, pangunahinna sa ginto, tanso at nickel.Umaasa ang papet na rehimenna makapagpapapasok ng hanggang$13 bilyong bagong pamumuhunanang mga dayuhangkumpanya sa pagmimina. Patina ang mga katubigan, kabilangna ang mga latian sa loob ngbansa (tulad ng Liguasan Marshsa Mindanao) at karagatan sapaligid (tulad ng sa Palawan) aypinag-iinteresan nang husto parasa pagmimina ng natural nagas at langis.Todo-todo ang pangangayupapaat pagbibigay ng maramingkaluwagan ng iba’t ibangpapet na rehimen para akitinang mga dayuhang kumpanyasa pagmimina. Kinatampukanito ngpaglalabas ng PhilippineMining Act of1995, na nagbukasng halos buong bansasa pagmimina.Nagpapahintulot itong pagpasok ngmga kumpanya sapagmimina na100% pag-aari ngmga dayuhan, sakabila ng isinasaadsa saligangbatas ng mismongreaksyunaryonggubyernona angpagbubungkal ngmga yamang mineralsa bansa ay nakareserba sa mga<strong>Pilipino</strong> o mga korporasyong dibababa sa 60% kontrolado ngmga <strong>Pilipino</strong>.Nagbibigay ang batas na itong tatlong klaseng awtoridad sapagmimina ng mga kumpanya.Isa na ang Financial and TechnicalAssistance Agreement (FTAA)na nagbibigay ng awtoridad saisang kumpanya para sa eksplorasyonng hanggang 81,000 ektaryasa loob ng 25 taon sa bawatkontrata. Kailangan dito ngminimum na $50 milyong puhunan,kaya mga dayuhang kumpanyaang nakakopo sa halos lahatng mga FTAA. Nagagawa panilang masaklaw ang daan-daanglibong ektarya sa pamamagitanng maraming FTAA.Ang iba pang awtoridad naibinibigay ng Mining Act ay angMineral Production Sharing Agreement(MPSA), kung saan maypagtutulungan ang kumpanya atang gubyerno. Mayroon dingExploration Permit na nagbibigaysa kumpanya ng awtoridadna maghanap ng mga mineral saiba’t ibang saklaw sa loob ngdalawang taon.Nasasakop na ng mahigit100 FTAA ang umaabot sa siyamna milyong ektarya o halossangkatlo ng 30 milyong ektaryangkabuuang kalupaan ngbansa. Halos lahat (99) ngmga ito ay direktang hawakng mga dayuhangkumpanya sa pagmimina.Dagdag parito ang malawaknanasasakopdin ng mgaMPSA at EP.Mayoryan gANG BAYAN Enero 7, 20113


42 taon ng pagsulong ngdigmang bayan sa Mindanaomga ito ay nasa lupang ninunong mga pambansang minorya,kaya sila ang pangunahingnabibiktima ng pangangamkamat pagpapalayas.Nasisira rin ang kanilang mgakagubatan at iba pang likasna kayamanan at nawawasakang kanilang kabuhayan nanagdudulot ng kagutuman. Nilalapastanganang kanilangkatutubong kaugalian at kultura,at dumaranas sila ngiba’t iba pang anyo ng pangaabusoat pang-aapi.Sa Cordillera, na isa samga rehiyong may pinakamalalakingkonsentrasyon ngmga pambansang minorya,umaabot sa 70% ng mga lupainang saklaw na ng mgaFTAA. Ang lahat ng ito aymga lupang ninuno ng iba'tibang tribo sa rehiyon. Galingsa mga minahan dito ang25% ng ginto at 40% ng tansona namimina at nailuluwassa bansa.Pinakamalawak ang nasasaklawng malakihang dayuhangpagmimina sa lupangninuno ng mga Lumad at Morosa Mindanao. Kung pagsasamahinang Caraga Regionat Zamboanga Peninsula, nakabilang din sa pinakamasasaklawna pinagmiminahansa bansa, mahigit 2.3 milyongpambansang minoryaang malubhang apektado ngpang-aapi ng malakihang dayuhangpagmimina. ~Mga sipi mula sa mensahe ni Jorge “Ka Oris” Madlos,Tagapagsalita ng National Democratic Front-Mindanao, noong Disyembre26, 2010 sa mga kasapi ng Partido, Pulang mandirigma,mamamayan, kaibigan at iba pang bisita sa San Agustin, Surigao delSur bilang paggunita sa ika-42 anibersaryo ng Partido Komunista ngPilipinasHindi matatamo ang mgarebolusyonaryong tagumpaynitong nagdaang 42taon kung wala ang pagpupunyagiat determinasyon ng mamamayang<strong>Pilipino</strong> na isulongang puspusang pakikibaka. Hindirin ito makakamtan kung walaang wastong pamumuno ngPKP na nagsisilbing liwanag ngmamamayan sa kanilang armadongrebolusyon at mga pakikibakangmasa.Mula sa isang grupo ng Partidonang unang umugat angPKP sa Mindanao noong 1971,mayroon nang limang PanrehiyongKomite na sumasaklaw sabuong isla. Ang ilang libong kasaping Partido sa Mindanao angnamumuno sa ilang daang libongorganisadong masa. Pinamumunuanng Partido ang ilampungplatun at kumpanya ngBagong Hukbong Bayan (BHB).Mayroon na itong 42 laranganggerilya mula 39 noong nagdaangtaon. Nakapaglunsad ngayongtaon ang BHB sa Mindanao ng250 taktikal na opensiba labansa mga pwersang militar, paramilitarat pulisya at nakasamsamng 200 malalakas na sandata.Katumbas ng isang batalyongtauhan ang nalagas sa kaaway.Pinamumunuan ng Partidoang mga pakikibakang bayan saMindanao para sa reporma sa lupaat iba pang mga isyungpang-ekonomya, karapatang-taoat iba pang karapatang pampulitika,karapatan para sa pagpapasya-sa-sariling mga Lumadkabilang ang mga kapatid natingMoro, ang pakikibaka labansa pampulitika at pangmilitar napanghihimasok ng US, pati napara sa pangangalaga at mulingpagbuhay sa ating kalikasan.Pinalakas at pinalawak ngPartido ang nagkakaisang prentesa buong isla. Nakapanaig angmga rebolusyonaryong pwersasa harap ng mararahas na sustenidongatake ng magkakasunodna reaksyunaryong rehimen mulanang ipataw ang batas militarnoong 1972. Mula noong unangbahagi ng yugto ng estratehikongdepensiba, sumulong angmatagalang digmang bayan tungosa panggitnang bahagi atngayo'y nakatanaw ito sa pagtupadng mga rekisito para lubusinang huling bahagi sa susunodna limang taon at pumasoksa yugto ng estratehikong pagkapatas.Bigung-bigo ang mga brutalna kampanyang militar ng AFPsa ilalim ng Oplan Bantay Laya4 ANG BAYAN Enero 7, 2011


ma mula sa Pulang Diwata Command,itinayo ng mga residenteang malapad na entablado atilang mga kubo sa paligid nitopara gawing pahingahan ng mgatao at lagakan ng pagkain. Ipinwestonila ang malapad na telangpula sa isang pader at pininturahanng dambuhalangmaso't karet. Buong magdamagna abala ang mga residente atPulang mandirigma sa paghahandang pagkain, pag-aayos ngmga bandila at iba pang kagamitan,pagpwesto ng sound system,pagsasanay sa kanilangmga presentasyon at iba pa.Bandang alas-10 ng umaga,sinimulan ang programa sa pamamagitanng parada ng mgabandila at martsa ng umabot sa100 Pulang mandirigma. Nakasuotng berdeng kamisa-de-tsinona may pulang badge ng BHBsa kaliwang balikat, itinaas nilaang kanilang mga armas bilangpagtatanghal sa bandila ng PKPhabang kinakanta ang Internasyunal.Matapos ito, mainit na binatini Ka Bill, upisyal ng PKP sarehiyon, ang maayos na pagdatingng mga bisita sa kabila ngpanggigipit ng militar. Sumunodang talumpati ni Jorge “Ka Oris”Madlos, tagapagsalita ng NationalDemocratic Front-Mindanao.Inilahad niya ang pagsulong atmga tagumpay ng Partido Komunistang Pilipinas sa isla. (Tingnanang kaugnay na artikulo.)Sa pagitan ng mga talumpati,nagtanghal ang isang grupo ngKabataang Makabayan. Nakabihispula at may pintura ang mgamukha, isinadula nila ang kasaysayanng Partido mula sapagkakatatag nito hanggang sakasalukuyang yugto ng paghahandapara sa estratehikongpagkapatas sa susunod na limangtaon. Inilarawan nila sakanilang mga galaw, sayaw atkanta ang mga dahilan kung bakitlumalakas ang armadong rebolusyonsa kanayunan at angkawastuan nito.Matapos ang maiksing pangkalahatangprograma, kinapanayamsi Ka Oris ng mga kagawadng midya na dumayo sa lugar.Itinanong ng mga tagamidya siKa Oris kung ano ang mga maaaringasahan sa usapang pangkapayapaan,ang mga detalyeng pagsulong ng rebolusyon saisla, ang patakaran ng PKP sapagmimina, kalagayan ni Ka Rogerat iba pa. Masusing pinakingganng lahat ang mga sagotni Ka Oris. Lampas 40 kagawadng lokal, pambansa at internasyunalna midya ang nagpaunlaksa imbitasyon ng rebolusyonaryongkilusan at lumahoksa pagdiriwang.Pagkatapos ng tanghalian,isa-isang nagtanghal ang mgabisita. Isang myembro ng organisasyonng kababaihan ang kumantatungkol sa pagtatayo ngtunay na kooperatiba at pagsusulongng rebolusyong agraryo.Isang pitong-taong gulang nabata, kasama ang kanyang mgamagulang, ang umawit tungkolsa hinahangad niyang malaya atmaunlad na kinabukasan. Sa bahagingito, ang mga Pulangmandirigma naman ang nakinigsa ibaba ng entablado at pumalakpaksa kanila.Umuwi ang mga dumalo saselebrasyon na taglay ang masmataas na mapanlabang diwa.Sabay-sabay silang lumikas salugar para iwasan ang panggigipitng militar. Bitbit nila angmasasayang alaala ng sama-samangpagkilos at pananaig sapanggigipit ng reaksyunaryonghukbo; ng bihirang pagkakataonghayagang maisigaw angkanilang mga pampulitikangpaninindigan at makasalamuhaang kanilang hukbong bayan;ng simpleng pagsasalu-salo paraipagdiwang ang anibersaryong kanilang Partido; at ng sulyapsa pananagumpay ng rebolusyon.~Ilan pang aktibidad, inilunsadsa ika-42 anibersaryo ng PKPNaglunsad ng ilan pang aktibidad ang mga alyadong organisasyonng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilangpagdiriwang sa ika-42 anibersaryo ng Partido Komunista ngPilipinas.Nagsagawa ng OperationPinta (OP) ang mga myembrong Revolutionary Council ofTrade Unions-Southern Tagalog(RCTU-ST) malapit sa mga pabrikasa Laguna at ilang bahaging Batangas noong Disyembre12. Noong Disyembre 19,naglunsad naman ng raling iglapang 40 myembro ng RCTUsa plasa ng Biñan sa Laguna.Ayon kay Fortunato Magtanggol,tagapagsalita ng RCTU-ST,kailangang lumahok ang mgamanggagawa sa digmang bayansa pamamagitan ng pagsapi nilasa Bagong Hukbong Bayan.Nanawagan din ang RCTU-ST natupdin ng uring manggagawaang namumunong papel nito sarebolusyon.Sa Rizal naman, naglunsadng OP ang mga myembro ng KabataangMakabayan (KM) sailang bayan at syudad ng lalawigan.Sa Negros, nagsagawa ngisang press conference si Ka Marco,tagapagsalita ng PKP sa isla,kaugnay sa paglawak at paglakasng armadong rebolusyon sarehiyon. (Tingnan ang kaugnayna artikulo.)Gayundin, sa iba't ibang bahaging bansa, naglunsad ngmga programa, pag-aaral at ibapang selebrasyon bilang paggunitasa anibersaryo. ~6 ANG BAYAN Enero 7, 2011


Tiyak ang paglawakng BHB sa NegrosTiyak ang patuloy na paglawak ng Bagong Hukbong Bayan(BHB) sa Negros. Sa darating na mga taon, target nitong magkaroonng lakas-kumpanyang larangang gerilya sa bawat distritongkongresyunal sa isla, alinsunod sa panawagan ng lideratong Partido Komunista ng Pilipinas na umigpaw mula sa estratehikongdepensiba tungong estratehikong pagkapatas.Inilahad ang planong ito saidinaos na press conference noonghuling linggo ng Disyembresa kabundukan ng Negros kaugnayng pagdiriwang ng ika-42anibersaryo ng pagkakatatag ngPKP. Mariing sampal ang pahayagna ito sa paulit-ulit na propagandang mga tagapagsalitang 3rd Infantry Division ng PhilippineArmy na nagsasabingmahina na ang pwersa ng rebolusyonaryongkilusan sa isla.Ang gayong pagtaya, ayonkay Ka Marco, tagapagsalita ngPKP sa Negros, ay posibleng makamitdahil sa pag-unlad ng kanilangbaseng masa sa kabila ngilang kahinaan at kakulangan.Hindi nakapigil ang pagtukoy ngAFP sa Negros bilang prayoridadna target ng kampanyang kontra-insurhensyasa buong Visayasdahil lumaki rito ang basengmasa nang 30-40%. Kaugnaydin nito, iniatras ng liderato ngAFP ang kanilang dedlayn paradurugin ang rebolusyonaryongkilusan dito mula 2009 tungong2010. Muli itong binago alinsunodsa bagong oplan ng AFP.Ayon naman sa Negros OperationalCommand, may sapat napwersa ang BHB sa isla parakamtin ang mga target na ito.Bahagi ng puhunan ng BHB angmatagumpay na paglulunsad ngBHB noong nakaraang taon ngmahigit 30 taktikal na opensibaat pagsamsam ng mahigit 20malalakas na armas mula sa mgaito. Mahigit 20 tropa ng AFP angnapatay at 15 ang nasugatan.Tinataya ng PKP sa Negros namakakamit ang humigit-kumulangpitong lakas-kumpanyanglarangang gerilya sa Negros Occidentalat tatlong lakas-kumpanyanglarangang gerilya namansa Negros Oriental sa susunod nalimang taon bilang paghahandasa pagpasok sa yugto ng estratehikongpagkapatas. ~5 armas, nasamsamsa Davao OrientalLimang armas ang nasamsam ng mga Pulangmandirigma sa ilalim ng Antonio Nerio Antao Commandng Bagong Hukbong Bayan (ANAC-BHB) nangdisarmahan nila si Romeo Antuling, isang despotikongkapitan ng barangay sa Barangay Old Macopa, Manay,Davao Oriental noong Disyembre 15, bandang alas-12:10 ng tanghali.Kabilang sa mga nasamsam ang dalawang riplengM16, dalawang awtomatikong shotgun at isang kalibreng.45 pistola.Ayon kay Dyomabuk Kadyawan, tagapagsalita ngANAC, si Antuling ay despotikong upisyal ng barangay.Kinakasangkapan niya ang kanyang impluwensya paramag-ipon ng malalakas na armas at magbuo ng pribadonghukbo. Marami rin siyang kaso ng paglabag sakarapatang-tao sa bayan ng Manay. Ginagamit niyaang kanyang armadong grupo para takutin ang mgasibilyan sa lugar, dagdag ni Kadyawan.Samantala, ayon sa pinakahuling ulat ni Ka AmadoPesante, tagapagsalita ng Rodante Urtal Commandng BHB sa Northern Samar, nakakumpiska ng11 armas ang mga Pulang mandirigma sa matagumpaynilang ambus laban sa 12-kataong yunit ng BravoCompany ng 63rd IB sa Barangay Perez, LasNavas noong Disyembre 14. Kinabibilangan ito ngsampung M16 at isang K3 light machine gun, bukodpa sa mga bala at kagamitang militar. ~ANG BAYAN Enero 7, 2011Kagyat na pagpapalayakay Ka Bart, iginiitIginiit ng Partido Komunista ng Pilipinasnoong Enero 5 ang kagyat na pagpapalayakay Tirso "Ka Bart" Alcantara bilangpaggalang sa Joint Agreement on Safetyand Immunity Guarantees (JASIG). Nahuling AFP si Ka Bart sa Ibabang Iyam,Lucena, Quezon noong Enero 4. Kasamaniyang naaresto ang isang lalaking kinilalangsi Apolonio Cuarto.Matapos mahuli, kaagad siyang ipinasoksa Camp Nakar, hedkwarters ng SouthernLuzon Command at mula roon ay inilipadpatungong V. Luna Hospital sa QuezonCity dahil sa kanyang natamong sugat.Para mahawakan, kaagad din siyangsinampahan ng 23 kasong kriminal.Si Ka Bart ay konsultant sa usapangpangkapayapaan. Sa gayon, sakop siya ngJASIG. Magiging mainam para sa daratingna usapan kung kagyat siyang mapapalaya.Habang nasa kustodiya siya ng gubyernong Pilipinas, iginigiit ng PKP angmakataong pagtrato sa kanya at paggalangsa kanyang mga karapatan. Iginigiitdin nito na pahintulutang makipagkita sakanya ang kanyang mga abugado at duktor.~7


Mga paglabag ng AFPsa tigil-putukanTahasang nilabag ng AFP at PNP ang kasunduan sa magkatugongtigil-putukan ng NDFP at GRP na nagsimula noong Disyembre16 at nagtapos sa Enero 3. Ginamit ng AFP at PNPang 19 na araw na tigil-putukan para ipusisyon ang kanilang mgatropa sa loob at paligid ng mga larangang gerilya. Tiniktikan nilaat hinaras ang mga pinaghihinalaang aktibista at tagasuporta ngarmadong kilusan at nang-aresto sila ng mga pwersa ng BHB. Isangsibilyan ang napatay sa pananalasa ng AFP. Sumusunod ang mgainsidente na nakalap ng Ang Bayan:Davao City. Enero 1, 2011,nireyd ng Special Action Forceng PNP ang bahay sa Toril Districtna tinutuluyan ni Ka EdwinBrigano, isang kadre ng BHB. SiBrigano ay nagpapagamot noongpanahon ng tigil-putukanpara sa kanyang malalang sakitsa baga at atay. Ikinulong siyaat sinampahan ng PNP-SAF ngmga gawa-gawang kaso.Quezon. Disyembre 28,2010, idi<strong>net</strong>ine ng mga sundalong 74th IB ang sampung estudyanteng Polytechnic Universityof the Philippines na nasa BarangaySan Andres, San Narciso,Quezon. Pinagbintangansilang mga kasapi ngBHB pero pinakawalandin dahil wala namangkatibayan ang militar.Mula sa simula ng tigil-putukannoong Disyembre16 ay haloswalang tigil hanggangbago mag-Paskoang mga opensibongoperasyong militar ng85th at 74th sa mgabarangay ng WhiteCliff, Busuk-Busukan,San Juan, Sinagtala,Binay, SanVicente at Vigo Centralsa San Narciso.Hinaras at nilitratuhanng mga tropa angmga residente sa ilanglugar na inoperasyon.Sa Sityo Mageron,Barangay Nasalaansa bayan ng SanFrancisco, iniponng 24-kataong platun ng sundaloang kalalakihan at pwersahangpinaghubad.Surigao del Sur. Ilang arawbago at hanggang Disyembre26, naglatag ng mga tsekpoyntang mga pwersa ng 4th ID sailang barangay sa Surigao delSur, maging sa pangunahingmga lansangang pamprubinsya,upang alamin ang eksaktong lugarna pagdarausan ng pagdiriwangng anibersaryo ng PKP.Nang malaman na ng publikoang eksaktong lugar, naglatagna ng tsekpoynt ang mga pulisat militar sa paligid ng bayan ngSan Agustin upang harangin, takutinat pigilan ang mga tao nadumalo sa kasiyahan. Nabigoang militar na pigilin atmga dadalo at nagingmatagumpay angpagdiriwang. (Tingnanang kaugnay naartikulo.)OccidentalMindoro. Disyembre23, inistrapingng mga pwersa ng80th IB sa pamumuno ni Lt. Col.Roger Percol ang bahay na binibisitang isang tim ng BHB saSityo Upper Balading, BarangayBayotbot, San Jose. Napilitangumatras ang yunit ng BHB nanghindi nagpapaputok upangiwasang makatama ng sibilyan.Napatay ng militar ang sibilyangsi Stephen Lester Barrientos(tingnan ang kaugnay na artikulo.)Inaresto naman ng militar siKa Christian Bascos, isang kasaping BHB na dumadalaw sakanyang kasintahan sa panahonng tigil-putukan. Dalawa panggerilya ang inaresto ng militar.Capiz at Iloilo. Sa loob ngilang araw simula Disyembre 21ay naglunsad ng operasyongpangkombat (combat clearingoperations) ang mga tropa ng61st IB sa di bababa sa anim nabarangay sa Tapaz, Capiz at Calinog,Iloilo.Agusan del Sur. Disyembre17, inaresto ng mga operatibang pulisya si Ka Pedro Codaste,upisyal ng NDF-North CentralMindanao, at kanyang mga kasamahansa isang tsekpoynt sa bayanng Bayugan.Ifugao at MountainProvince. Disyembre 16, pumasokang isang yunit kumando ng5th ID sa hangganan ng Aguinaldosa Ifugao at Natonin saMountain Province. Kinabukasan,pumusisyon ito sa SityoTappo, Barangay Banawel, Natoninkung saan nagaganap angCivil-Military Operations bilangprente sa isinasagawang opensibongoperasyong militar ngRe-engineered Special OperationsTeam. Naglunsad din ngoperasyong militar saibang barangay saNatonin, kabilangang Alunugan,Balangaw, Banawel,Botac, Maducayan,Saliyok atTonglayan, gayundinsa Bananao,Botigue atiba pang barangay sa bayanng Paracelis. ~8 ANG BAYAN Enero 7, 2011


Lider-magsasakaat aktibista, pinaslangIsang Enero.Enero 2.Pinaslang ng mgaarmadong lalaki na nakasakay saisang motorsiklo sa Santa Rosa,Nueva Ecija si Oyi Villarosa, upisyalng Alyansa ng Magbubukidsa Gitnang Luson (AMGL), panrehiyongsangay ng KilusangMagbubukid ng Pilipinas (KMP).Pinagbabaril si Villarosa habangpauwi sa kanyang bahay mula samaghapong pagtatrabaho sa bukid.Nagtamo si Villarosa ng apatna tama ng bala mula sa kalibre.45 pistola na naging sanhi ngkanyang pagkamatay. Siya angpinakaunang biktima ng ekstrahudisyalna pamamaslang ngayong2011.Disyembre 23. Isang kabataangaktibista na kasapi nglider-magsasaka mula sa Nueva Ecija at isang aktibista mulasa Mindoro ang pinaslang ng mga armadong galamay ng reaksyunaryongestado noong Disyembre at unang mga araw ngPANANALANTA NG PASISTANG ESTADOgrupong pangkultura sa SouthernTagalog ang napatay nangsalakayin ng mga tropa ng80th IB ng Philippine Armyang isang bahay sa bayan ngSan Jose, Occidental Mindorokung saan nakahimpil angisang yunit ng Bagong HukbongBayan (BHB). Para hindimapinsalaan ang mga sibilyanay umatras ang mga Pulangmandirigma, ayon kay Ka HigomMaragang, tagapagsalitang Lucio de Guzman Commandng BHB sa Mindoro.Gayunman, napatay sa patraydorna pagsalakay ng mgapasistang tropa si Stephen LesterBarrientos, 19 taong gulangna kasapi ng Southern TagalogCultural Network (STCN), pangkulturanggrupo ng mga kabataansa rehiyon. Ayon kay NeilJohn Macuha, deputy secretarygeneral ng Anakbayan-SouthernTagalog, si Barrientos aynagpunta sa lugar na iyon parabisitahin ang kanyang amangnakatira sa Upper Balading,Barangay Bayotbot, San Jose.Aktibong kasapi ng STCN siBarrientos at ang pinakahulingpagtatanghal niya ay sa Mendiolanoong Disyembre 10 kaugnayng selebrasyon ng PandaigdigangAraw ng Karapatang-Tao.Para makaatras sa kanilangpananagutan, sinabi ng militarna napatay daw si Barrientosbunsod ng “palitan ng putok”sa pagitan nila at ng BHB. Dipa nagkasya sa kasinungalingangito, dagdag pang hinagpisang idinulot ng militarnang hindi nila payagan angpamilya Barrientos na tubusinang bangkay ng kanilang kaanak.Nang makuha na ng pamilyaang bangkay, ilang besespa silang hinaras ng militar. ~Tatlong detenidong pulitikal,pinalayadetenidong pulitikal ang pinalaya bago magtapos ang2010. Kabilang dito ang dalawa sa “Morong 43” at isang de-Tatlong tenido sa Tuguegarao City.Dalawa sa “Morong 43” nahindi nasama sa unang grupongpinalaya noong Disyembre 17ang nakalabas na sa Metro ManilaDistrict Jail (MMDJ) sa CampBagong Diwa, Taguig City noongDisyembre 28. Sina Aldrin Garciaat Antonio de Dios ay napatunayangkapangalan lamang ngibang mga akusado. Si Garcia,na sinasabing lulong daw sadroga ay pinalaya mataposmapatunayan sa pagsusuri nahindi siya gumagamit ng ipinagbabawalna gamot. Si de Diosnaman, na isang maralita atANG BAYAN Enero 7, 2011walang anumang karanasan samga tseke, ay napatunayanghindi sangkot sa kasong pagiisyung talbog na tseke.Bago pa ito, nakalabas na sabilangguan si Myrna Cruz-Abrahamna nakadetine sa Bureau ofJail Management and PenologyCenter sa Tuguegarao City. SiAbraham, isang konsultant ngmga samahan ng magsasaka atkasapi ng partidong Anakpawissa Cagayan ay lumaya noongDisyembre 23 ng umaga pagkaraanng siyam na buwan sadetensyon. Inaresto siya noongMarso dahil sa pagkakadawitniya umano sa isang krimengnangyari raw noong 2009. Isanglinggo siyang itinago't ininterogabago ihinarap sa korte. Ibinasurang korte ang kaso labankay Abraham dahil sa kakulanganng ebidensya.Samantala, sinabi ni Atty.Edre Olalia, abugado ng “Morong43,” na paglabag sa mgakarapatang pulitikal ang patuloyna pagkakakulong kina RogelioVillarisis, Edwin Demateraat Danny Pinero gayong walanamang mandamyento de arestoo “commitment order” labansa kanila.Bukod sa tatlo, may nakakulongpang limang aktibistangbahagi ng “Morong 43” sa CampCapinpin, Tanay at pinipilit natumestigo laban sa kanilangmga kasama. ~9


Hindi namatay sa crossfiresina Leonardo CoNapabulaanan sa resulta ng fact-finding mission ng Agham-Advocates of Science and Technology for the People ang sinasabing militar na namatay sa palitan ng putok sa pagitanng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga elemento ng 19th IB angtanyag na syentistang si Leonardo Co at dalawa niyang kasamahan.Batay sa salaysay ng mganakaligtas na biktima, iba pangmga personaheng sangkot sapangyayari at inspeksyon ng aktwalna pinangyarihan ng pamamaril,nakumpirma ng 33-kataongfact-finding team na inorganisang Agham na iisang direksyonlamang ang pinanggalinganng mga putok na umutassa buhay nina Co at kasamahanniyang sina Sofronio Cortez atJulius Borromeo.Ilang oras nang nasa kagubatanng Barangay Lim-ao, Kananga,Southern Leyte sina Conoong umaga ng Nobyembre 15para mangolekta ng mga binhing mga punong kahoy para saproyektong reporestasyon ngEDC. Kasama rin nina Co sinaRoniño Gibe, isang forest guardat Policarpio Balute, isang magsasaka.Bago sila lumakad, pormalna ipinagpaalam ng EDC samilitar bandang alas-8:30 ngumaga ang aktibidad nina Co.Bandang alas-12 ng tanghalinang biglang pagbabarilin sinaCo. Isa-isa silang nagsidapaansa lupa at nagsisisigaw ng “Maawakayo, hindi kami kalaban!”“Tama na po!” Ani Balute, nirapidosila at may malalakas pangpagsabog na nagpaugasa lupa. Tumagal itonang 15-20 minuto.Si Balute ay tyempongnasa likod ng malakingpuno nang paputukansila. Nagpasya siyangtumakbo para makahinging saklolo saEDC. Si Gibe naman aynakagapang tungo saisang malaking puno atnakapagtago rito. Angiba'y napuruhan ng mgabala dahil lantad sila sa mga namamaril.Pagsapit ng alas-12:17, nasalubongni Balute ang isangsasakyan ng EDC at nagpahatidsiya sa upisina nito para iulatang pamamaril. Halos kasabaynito ay nakapag-text si Gibe saEDC para humingi ng tulong. Bataydito, agad ding nag-text angEDC kay Co para sabihan silangumalis na sa lugar dahil mayroondaw nagaganap na engkwentro.Hindi pa batid noon ng EDCna sina Co mismo ang pinapuputukan,na nakahandusay na noonsa lupa ang duguang mgabangkay nina Co at Cortez atagaw-buhay na si Borromeo.Matapos ang pamumutok aynilapitan ng mga sundalo angmga biktima. Nang makita ngmga sundalo si Gibe, paulit-ulitsiyang ininteroga kung nasaanang kanilang mga baril, saannapunta ang mga nakatakas niyangkasama at sino ang kontaknila. Paulit-ulit din silang sinasagotni Gibe na hindi sila armado,at mga empleyado sila ngEDC na inatasang tumulong sapananaliksik ni Co. Ibinigay niyaang mga pangalan ng mgaupisyal ng EDC na maaaring kon-takin para beripikahin ang kanyangsalaysay. Ipinakita rin niyaang kanyang ID at ang sakong mga nakolekta nilang binhi.Hindi nila pinaniwalaan si Gibe.Sa halip ay pinadapa siyanang halos dalawang oras. Halosdalawang oras ding pinabayaanang agaw-buhay na si Borromeo.Saka na lamang nilapatan ngmga sundalo ng paunang lunassi Borromeo nang makatanggapna ng utos ang militar mula sakanilang mga upisyal bandangalas-2 ng hapon. Alas-3 na nghapon nang dumating ang ambulansyapara kay Borromeo. Peronamatay din siya bago pa makaratingsa ospital.Nang mabatid na ng mgasundalo ang malaki nilang pagkakamali,tinangka nilang sindakinat lituhin si Gibe para hindisiya maging kapani-paniwalangtestigo. Para makapagtanim ngpagdududa sa kanyang isip,tinanong siya kung hindi ba nilaalam na may operasyong militarsa erya, at sinabihang namatayanpa raw sila ng dalawangsundalo. Sagot ni Gibe, koordinadosa militar ang kanilangpagpunta sa gubat at walanggayong paabot sa kanila. Kinutyamuli si Gibe at sinabihang,“Imposible naman na hindi niyonakita yung tatlong tao na maymga armas? Thirty minutes nakaming nag-oobserba na palakad-lakadsila!”Malinaw na ang minatyaganng militar ay ang grupo nina Co,na basta na lamang nilang pinagbabarilnang hindi man lamangtinitiyak kung sino sila.Lumabas din sa mga pahayagng militar na wala silangnatamong anumang kaswalti,taliwas sa pinagsasabing mga sundalo kay Gibe.Nagpasya ang Agham namagsagawa ng sarilingpagsisiyasat, dahil hindi paman natatapos ang upisyal naimbestigasyon ng PNP-Kanangaay kinakatigan na ng pulisyaang mga kasinungalinganng 19th IB. ~10 ANG BAYAN Enero 7, 2011


Lupa, hindi militarisasyonIbayong sumigla ang pakikibakang agraryo sa Negros bunga ngmatagumpay na kampanyang bungkalan (basahin ang artikulong“Ang kampanyang bungkalan sa Negros,” sa isyung Disyembre7, 2010 ng Ang Bayan). Napukaw ang natutulog na makapangyarihanglakas ng uring magbubukid na ipinakita nila sa mgasama-sama, sustenido at organisadong pagkilos para sa lupa, pagkain,trabaho at katarungang panlipunan. Mula nang simulan nilaang kampanyang bungkalan noong huling kwarto ng 2008, lumaganapito sa buong isla at nagbunsod ng iba't ibang anyo ng antipyudalna pakikibaka.Nangahas na kumilos angmga maralitang magsasaka atmga manggagawang bukid sapanawagang bungkalan sa harapng kabiguan ng gubyerno naipatupad ang pangakong lupa athustisyang panlipunan. Palagiitong bukambibig ng bawat pangulong bansa mula kay Quezonnoong panahon ng Commonwealthhanggang sa kasalukuyangpapet na rehimen.May kagyat na kahalagahanang pagsasakatuparan ng tunayna reporma sa lupa sa Negros.Tuwing pagdating ng “tiemposmuertos” o “patay na panahon,”hindi umaandar ang 11 sentralsa buong isla. Tigíl ang ekonomyang isla kung saan 85% ngagrikultura ay nakatuon sa pagtatanimng tubo para sa eksport.Kung walang tubo, walaring trabaho. At kung walangtrabaho ay wala ring makain angmayorya ng mamamayan. Ito ayhabang ang mga nakaririwasangpamilya ng panginoong maylupaay nagliliwaliw sa mga syudadng Europe o US.Sa gayong kalagayan, makatarunganlamang na bungkalinng mga magbubukid ang nakatiwangwangna lupa, pagyamaninito para may makain ang nagugutomnilang mga pamilya.Mas produktibo ang gayong mgaaksyon kaysa sa umasa na lamangsila sa awa't limos.Paghulagpos sa pyudal napagkaalipin at pagsasamantala.Mahigpit na tinututulan ngmga panginoong maylupa sa islaang kampanyang bungkalan.Ito ay dahil tahasan nitong hinahamonang pyudal na paghaharing mga pamilya nina Eduardo“Danding” Cojuangco (namay 11 asyenda sa buong isla),Jose Miguel Arroyo (asawa ngdating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo),Daniel “Bitay”Lacson (dating gubernador ngNegros Occidental at PresidentialAdviser for the Visayas kapwanoong administrasyon niCory Aquino at ngayon ni BenignoAquino III), Gov. Alfredo Marañonng Negros Occidental, MayorMagdaleno Peña ng Pulupandan,Negros Occidental at mgapamilyang Teves at Limkaichong.Kasabwat ang mga panginoongmaylupa, pinakilos ng reaksyunaryongestado ang mga mapanupilnitong instrumento parasupilin ang mga magbubukid.Bukod sa mga hukuman, militar,pulisya at mga pwersang paramilitar,pinakilos din nito angbayarang bandidong grupo ngRevolutionary Proletarian Army(RPA).Kriminalisasyon ng mgakasong agraryo. Itinuturing nglokal na gubyernong dominadong mga panginoong maylupa namga aktong kriminal ang mgapagkilos ng mga magbubukidpara igiit ang karapatan sa lupaat trabaho at laban sa gutom atmilitarisasyon. Sa halip na harapinang makatarungang hilingng mga magsasaka, sinasampahansila ng mga panginoongmaylupa o mga tauhan nito ngmga kasong kriminal.Batay sa ulat noong Agosto,may kabuuan nang 402 kasongkriminal na isinampa laban samga magbubukid. Napilitangmagtago at mawalay sa kanilangmga mahal sa buhay ang 152 kataongmay mandamyento dearesto (80 rito ay sa Negros Occidental).Dalawampu't anim (26)na lider at aktibistang magsasakaang nakakulong sa Bago atCadiz. Dalawang kabataang magsasakaang dinukot ng mga bandidongRPA at hindi pa inililitawhanggang ngayon. ~Aroganteng asal ng mga sundalong US, kinundenaMARIING kinundena ng mga mamamahayag ang arogantengasal ng mga sundalong Amerikano na nagbabantay sa himpilanng US Joint Special Operations Task Force (JSTOFP) saZamboanga City at ipinanawagan sa Visiting Forces Agreement(VFA) Commission na imbestigahan ang insidenteng ito.Ayon sa pahayag ng National Union of Journalists of thePhilippines (NUJP), iligal at mapangutya ang ginawang pagbabawalng mga sundalong Amerikano sa mga kagawad ng lokalna masmidya na nagkokober noon sa pagdalaw ni (ret)Gen. Edilberto Adan, myembro ng VFA Commission, sa hedkwartersng Western Mindanao Command (Wesmincom). Nangtanungin nila ang mga sundalong US kung ano ang dahilan,nagbanta pa ang mga ito na kanilang kukumpiskahin ang kagamitanng TV <strong>net</strong>work kung hindi ito titigil sa pagbibidyo.Iginigiit ng NUJP sa VFA Commission na ang arogantengasal ng mga dayuhang sundalo ay hindi dapat palampasin dahilnangangahulugan ito ng pagsuko sa soberanya ng bansa.ANG BAYAN Enero 7, 201111


BALITAMga kahilingan ng mga PAL flight attendant,pinaburan ng DOLEPINABURAN noong Disyembre 24 ng Department of Labor and Employment(DOLE) ang mga kahilingan ng mga kasapi ng Flight Attendants'and Stewards' Association of the Philippines (FASAP),kabilang ang pagtataas sa edad ng obligadong pagreretiro. Bunsodng desisyong ito, iaatras na ng Philippine Air Lines EmployeesAssociation (PALEA) ang nakakasa na nitong pagwewelga paratutulan ang malawakang pagsibak sa 2,600 empleyado ng PALat iba pang mapanggipit na patakaran.Ibinaba ang desisyong itopabor sa mga empleyado ngPAL makaraang mahigit isanglinggong mamagitan ang gubyernongAquino sa suliraninng PAL at ng unyon nang isailalimito sa assumption of jurisdictionorder (AJ) noong Disyembre16. Ang AJ ay kapangyarihangiginagawad sa presidenteng bansa at sa kalihimng DOLE para panghimasukanang mga sigalot sa pagitanng maneydsment atmga manggagawa at pigilinang paghantong nito sawelga.Ayon sa PALEA at sangayng Anakpawis Partylistsa PAL, mariing tinututulanng mga manggagawaang pagpapatupad ng maneydsmentng PAL sa lumangcollective bargainingagreement (CBA) nila dahillubhang dehado sila rito.Magbubunsod ito ng malawakangtanggalan sa trabaho, mapapalitansila ng hindi unyonisadoat kontraktwal lamang namga manggagawa na walangmga benepisyo at seguridad satrabaho, at sa kalaunan ay mabubuwagang kanilang unyon.Sinuportahan ng mayoryang mga unyon at asosasyon ngmga manggagawa sa buongbansa ang pakikibaka ng mgamanggagawa sa PAL dahil mayestratehikong epekto ito sa kalagayanng kilusang manggagawasa Pilipinas laban sa kontraktwalisasyonat iba pangmapaniil na mga patakaran ngimperyalistang globalisasyon.Kabilang sa mga nakamit natagumpay ng mga kasapi ng FA-SAP ang pagtataas sa edad ngobligadong pagreretiro tungong60 anyos, babae man o lalaki.Sa lumang CBA, ang mga flightattendant na babae na pumasoksa kumpanya makaraan angNobyembre 2000 ay pwersadongpinagreretiro pagsapitng kanilang ika-40 kaarawan.Marami pang napagtagumpayangkahilingan ang mga flightattendant laluna para sa interesng mga babae. Naipagwagi rinnila ang `200 milyongkabuuang halaga ngdagdag sa kanilang sweldosa susunod na tatlongtaon—`2,000hanggang `2,500 kadabuwan sa unang taon at`1,300 sa susunod namga taon.Binigyan din sila ngalawans na bigas na halagang`1,800 kadabuwan bawat kasapi atiba pang mga benepisyo.Panibagong singil sa NLEX at SLEX, tinutulanNAGLUNSAD ng rali-protesta ang mga kasapi ng Pinag-isang Samahanng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) nitong Enero 3 saAlabang viaduct sa Muntinlupa City matapos ang panibagong singilsa toll fee ng North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway(SLEX) simula nitong Enero 1.Sa SLEX, 300% ang itinaas sasingil at sa NLEX, ang sasakyangClass 1 ay magbabayad ng `41mula Balintawak tungong BocaueInterchange mula sa dating`36.Maliban sa toll fee, sumisingildin ngayon ng doble angMetro Rail Transit (MRT). Magbabayadang mga pasahero ngdagdag na sampung piso para sabyahe mula North Avenue saQuezon City tungong Taft Avenuesa Maynila.Tumaas din mula `30 tungong`40 ang flagdown rate ngmga taksi pagkaraang aprubahanng Land Transportation andFranchising Regularatory Boardang petisyon nila noong nakaraangtaon.Dahil sa laganap na mgapagtutol, inihapag ni BenignoAquino III ang anda-andana nalamang daw na pagtaas ng singilng NLEX at SLEX, na sa katunaya'ywalang malaking binawassa sobra-sobrang monopolyongtubo ng malalaking kapitalista.12 ANG BAYAN Enero 7, 2011


ANGPahayagan ng Partido Komunista ng PilipinasPinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoTaon XLII Blg. 1Enero 7, 2011www.<strong>philippinerevolution</strong>.<strong>net</strong>EditoryalItigil ang mapaminsalangmalakihang pagmiminaIpinagbabawal ng demokratikong gubyernongbayan ang operasyon ng lahat ng mga empresangmapandambong, mapaminsala sa kalikasanat kontra sa interes ng mamamayan at ng kanilangrebolusyonaryong kilusan. Tampok sa mgaito ang malalaking kumpanya sa pagmimina. Haloslahat ng mga ito ay 100% pag-aari ng mga dayuhangimperyalistang kumpanya.Halos lahat din ng mga empresang ito ay mayoperasyon sa mga lugar na saklaw ng mga base ngarmadong rebolusyonaryong kilusan. Malinaw angpatakaran ng rebolusyonaryong kilusan hinggil samga salot na empresang ito. Dapat patigilin atpanagutin sila dahil sa idinudulot nilang kapinsalaanat patalsikin sila sa mga larangan, sona atbaseng gerilya at sa kabuuan ng bansa.Muling inililinaw ang naturang patakaran saharap na pagbabanta kamakailan ng malalakingdayuhang kumpanya sa pagmiminana aalis na raw sila dahil sa bumibigatna pagbubuwis sa kanila ng rebolusyonaryongkilusan. Umasta paang mga ito kasabay ng mga kasabwatnilang matataas naupisyal ng papet nareaksyunaryong gubyernoat hukbo na dapat itongpag-usapan sa nalalapit namuling pagbubukasng usapang pangkapayapaansapagitan ng NationalDemocraticFrontof the Philippines(NDFP)at Governmentof the Republic ofthe Philippines (GRP).Huwad ang pinalalabas nilang mga benepisyonghatid sa ekonomya ng bansa at sa kabuhayanng mga komunidad sa lugar ng kanilang mgaoperasyon. Katunayan, dalawa sa pinakamahihirapna prubinsya sa buong bansa ay nasa rehiyonng Caraga na siyang itinuturing ngayong “miningcapital of the Philippines and Asia.”Napakalaking pinsala ang idinudulot ng mgaoperasyon sa pagmimina: Nilalapastangan nilaang pambansang patrimonya. Malawakan angpangangamkam ng lupa. Dinadambong nila anglikas na yaman ng bansa at winawasak ang kapaligiran.Nilalason nila ang tubig, mga pananim,pangisdaan, pastuhan at iba pang natural na pinagkakabuhayan.Isinasapanganib nila ang buhayng tao. Labis ang pagsasamantalanilasa mga manggagawa.Niyuyurakannila angkabuuang interes atkagalingan ng mamamayan.Sa kalakhan ay mgapambansang minorya ang tinatamaanng pinsalang ito dahilsila ang karaniwang nakatiraat kadalasang nakararamisa mga lugar ngoperasyon ng malalakingminahan.Walang pahintulotng mamamayanat rebolusyonaryongkilusanang pagpasok at operasyonng malalaking minahan, at lumala-Mga tampok saisyung ito...Dayuhang pagmimina,salot sa bayan PAHINA 3“Pista” sa bayan ngSan Agustin PAHINA 5Lupa, hindi militarisasyonPAHINA 11


Mga tuntunin sa paglilimbag1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa masmapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine onaglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.2. Pag-print sa istensil:a) Sa print dialog, i-check ang Print as imageb) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper sizek) I-click ang Propertiesd) I-click ang Advancede) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scalingd) Ituloy ang pag-print3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumangproblema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email saangbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!