Transform your PDFs into Flipbooks and boost your revenue!
Leverage SEO-optimized Flipbooks, powerful backlinks, and multimedia content to professionally showcase your products and significantly increase your reach.
ANGPahayagan ng Partido Komunista ng PilipinasPinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoTaon XLI Blg. 15Agosto 7, 2010www.<strong>philippinerevolution</strong>.<strong>net</strong>EditoryalIlantad ang mga pambulag na gimikat buladas ni AquinoPampagwapong mga buladas sa salita, mgalumang bulok na patakaran sa gawa: Ito ang nabubuongkombinasyon sa pamamalakad ngkaluluklok na bagong papet na reaksyunaryongpangulong Benigno Aquino III.Sa pananalumpati niya sa bayan, ginagamitna istilo ng bagong luklok na presidenteang pagpapagwapo at paghahabol sa popularidad.Iniisip niya na sa gayong paraan aymagagawang katanggap-tanggap sa mamamayanang ipatutupad ng kanyang rehimenna mga patakaran, na sa kaibuturan ay walangpinagkaiba sa bulok, antinasyunal, kontra-mamamayanat malupit na mga patakaran ng rehimengArroyo.Ito ang tumampok sa kauna-unahang talumpatini Aquino sa harap ng Kongreso. Pambobolanghungkag. Retorikang huwad.Sinentruhan sa SONA ni Aquino ang temang korapsyon. Subalit sa pagkakataong ito,pinuntirya lamang niya ang nakabababangmga burukrata at kinaligtaan ang pinakamalalakingmandarambong. Upangmakuha ang palakpak ng mamamayangnoo’y nagdurusa sanapakahahabang pila-balde,isiniwalat niya ang pagpapakasasang mga upisyal ng MWSS sa mgapribilehiyong kaakibat ng kanilang pwesto.Wala sa kanyang paghahanay ang higitna napakalalaking kaso ng korapsyon at pagnanakawng mga pinunong mandarambong nitonghuling halos isang dekada, sa pangungunani Gloria Arroyo.Ang pagbatikos sa korapsyon ngrehimeng Arroyo ang isa sa tinindiganni Aquino noong eleksyon. Subalitinabot siya ng mahigit isang buwanbago pirmahan ang executive orderpara buuin ang tinagurian niyangTruth Commission.Ngayon pa lamang ay maraminang kwestyon sa kahihinatnannito lalo’t maramiitong butas para makalusotat makapagmaniobra angmga Arroyo at alipures nila.Hindi ito binigyan ni Aquinong kapangyarihang mang-usig, bagayna ipinaubaya pa rin sa Office of the Ombudsman,na hahawakan pa rin ngkilalang loyalista ng mga Arroyohanggang katapusan ng 2012.Itinaon doon ang itinakdangpagtatapos ng mga imbestigasyonnito, kaya mahigit dalawangtaon din ang panahon niArroyo na gumawa ng lahatng kailangang maniobrangligal at pulitikal upang makawalasa posibleng krimi-Mga tampok saisyung ito...Ibayong pribatisasyonPAHINA 3Kilos-protesta sa SONAPAHINA 5Pagkatalo at mgakrimen ng US saAfghanistan PAHINA 7
Hindi magtatagal ang bisa ngmga gimik ni Aquino sa harap ngpapatinding krisis na kinakaharapng mamamayan. Hindi matatabunanng mga hungkag na retorika niAquino ang sigaw ng mamamayangkumakalam ang sikmura. Hindi silamabubulag ng mga pasiklab habangnakatambad ang dinaranasnilang malawakang pagsasamantala,kahirapan at kaapihan.Higit kailanman, dapat panghawakanng mamamayan ang saligannilang mga interes at puspusangipaglaban ang mga ito sa pamamagitanng mga militanteng pakikibakangmasa at pagrerebolusyon.Dapat ipaglaban ngmasang magsasaka sa buongbansa ang tunay na repormasa lupa. Dapat isulong ang panawaganpara sa pambansang industriyalisasyon.Dapat magkaisaat ipaglaban ng masang anakpawisang pagtataas ng sahod, trabaho,pabahay at mga serbisyong panlipunan.Dapat sama-samang ipaglabanang makabayan, demokratikoat maka-mamamayang mga patakaransa pulitika, sosyo-ekonomya,kultura at iba pang saligang usapin.Dapat pag-alabin sa buongbansa ang pakikibaka para sa pambansangkalayaan, demokrasya,katarungang panlipunan at tunayna kaunlaran.Sa harap ng malawakang pagkilosng masa, ang mga pasiklab atgimik ni Aquino ay mapapawalangsaysaysa malao't madali at mabilisna lilitaw ang tunay na kulay ngkanyang gubyerno bilang tagapagtaguyodng interes ng mga dayuhangmonopolyong kapitalista atlokal na malalaking panginoongmaylupa, burgesyang komprador atburukratang kapitalista.Sa tuluy-tuloy na pagmumulat,pag-oorganisa at pakikibaka, masiglanglumalawak at lumalakasang rebolusyonaryo at demokratikongkilusan ng mamamayansa buong bansa. Sa kanilangmahabang kasaysayan,batid ng mamamayang <strong>Pilipino</strong>na digmang bayan angtangi nilang sandata paramakamit ang tunay napambansa at panlipunangpaglaya. ~“Private-Public Partnership”Ibayong pribatisasyonBatay sa kanyang SONA, ibayong pribatisasyon ng mga serbisyo atpag-aaring pampubliko ang magiging laman ng programa ni Aquino.Tampok sa mga pinupuntirya niya ngayon ang National Food Authority(NFA), Metro Rail Transit (MRT), National Power Corporation (NAPOCOR)at lupa ng Philippine Navy.Ginamit niya ang mga anomalyaat maling mga patakaran sa pagpapatakbong NFA para bigyangmatwidang planong tuluyang bitiwanna ang responsibilidad ditong gubyerno. Tinukoy niya ang sobra-sobranginangkat at nakaimbakna bigas sa mga bodega. Pero hindiniya tinuligsa ang sabwatan salikod nito ng mga pribadong komersyantesa kartel ng bigas at matataasna upisyal ng NFA. Sobra-sobraang prayoridad sa pag-aangkatng bigas para lamang maisubastakalaunan sa kartel ang labis na imbaknito. Samantala, napakaliit nalamang ng natitirang pondong pansubsidyokaya limitado lamang angANG BAYAN Agosto 7, 2010nabibiling palay mula sa binabaratpang masang magsasaka.Ginagamit ngayon ni Aquinoang sobrang nakaimbak sa mgabodega ng NFA para bigyang-matwidang mga panukalang lubusangtanggalin na ang suporta sa lokalna produksyon at subsidyo sa bigas,at gawing upisyal na angpakikipagsabwatan sa kartel sa pamamagitanng “Private-Public Partnership”sa NFA tungo sa tuluyannang pagbuwag nito.Ganito rin ang adyenda sa likodng plano ngayon ni Aquino na itaasang pamasahe sa Metro RailTransit (MRT) at Light Rail Transit(LRT). Sa kaso ng MRT, pinuna niyaang di pagtataas ng pamasahenoong nakaraan na aniya'y dahilansa kahirapan ng gubyerno na tuparinang garantiyang ibinigay nitosa pribadong namuhunan na tutubosa operasyon. Sa halip na repasuhinang kontratang nagbigay nglabis na pabor sa mga negosyante,plano ni Aquino na itaas na langang pamasahe para maging mas kaakit-akitsa mga dayuhan at kompradorna mamumuhunan.Pagtataas din ng singil sa kuryenteat pribatisasyon ang itinutulakna solusyon ni Aquino sa walangkatapusang pagkakalugi atpagkakautang ng NAPOCOR naumabot na sa mahigit `740 bilyonnitong 2009. Hindi niya sinasabina kaya nalubog sa utang ang NA-POCOR ay dahil sa mga kasunduanglubusang pabor sa mga pribadongprodyuser ng kuryente. Kabilangdito ang sistemang “take-or-pay”kung saan binabayaran ang buongkapasidad ng mga prodyuser kahit3
di naman ito nakokonsumo at angfuel-cost guarantee kung saan binabayaranng NAPOCOR ang lahat nggastos sa panggatong ng mgaprodyuser. Bukod pa rito ang dambuhalangpangungurakot na ginagawang mga upisyal ng NAPOCOR.Binatikos ni Aquino ang labisna pagpapakasasa ng mga upisyalng Metropolitan Waterworks andSewerage System (MWSS) peroginawa lang niya ito parabigyang-matwid ang planongisapribado ito. Ito anghinihingi kapwa ng ManilaWater Company Inc. (MWCI)at Maynilad Water ServicesInc. (MWSI), ang dalawangmalalaking pangkat ngmga dayuhan at kompradorna negosyantengkumukuha ng tubig saMWSS para isuplay saMetro Manila. Estratehikongtarget ng mga ito ang pribatisasyonng mga dam (La Mesa at Angat).Kabilang sa gabi<strong>net</strong>e ni Aquinoang mga upisyal ng mga negosyantengito: sina Public WorksSecretary Rogelio Singson mula saMWSI at Energy Secretary Jose Almendrasmula sa MWCI na kapwangayon masugid na nagtutulak nghigit na pribatisasyon ng MWSS.Hindi rin pinalagpas ni Aquinosa “Private-Public Partnership” angmalalawak na lupainng Philippine Navysa Metro Manila. Nang matunuganang pagkukumahog ni Aquino sapaghahanap ng malaking pondopara sa pagpapalakas ng AFP, nagalokang isang malaking negosyanteng planong upahan nang 100 taonang naturang lupain paratayuan ng commercial center, katuladng ginawa sa dating Fort Bonifacio.Umusad na ang pag-uusap atnag-alok na ng $100 milyongpaunang pondo para sa “kabutihangloob” ang negosyante. Ibinubukasna rin ng Armed Forcesof the Philippines (AFP) angkatulad ng “Private-PublicPartnership” sa malalawakding mga lupain ng PhilippineAir Force at PhilippineArmy. Bukoddito, marami pangmga lupain at pagaaring gubyerno angbinabalak na isapribado,ibenta o paupahan. ~Kahandaan ng NDFPsa usapang pangkapayapaan,dapat tumbasan ng GRPna ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sahalip na pawang batikos lamang?... Kayo po ba ay handa na“Handarin (sa malawakang tigil-putukan)?... Mahirap magsimulaang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin....”Ito ang mga hamong ibinato niPres. Benigno Aquino III sa PartidoKomunista ng Pilipinas (PKP),Bagong Hukbong Bayan (BHB) atNational Democratic Front of thePhilippines (NDFP) sa kanyangunang State of the Nation Addressnoong Hulyo 26.Bilang tugon, inulit ng mga rebolusyonaryongpwersa ang kahandaangmabuksang muli ang matagalnang suspendidong pakikipagusappangkapayapaan sa reaksyunaryonggubyerno. Ipinahayag ngnegotiating panel ng NDFP na naghihintaylamang sila ng ipadadalangpanel ni Aquino sa The Netherlandso sa Norway, kung saandati nang idinaraos ang usapan.Ipinaalala rin ng PKP at NDFPkay Aquino na mula pa noong 1992ay tinukoy na ang proseso at lamanng usapang pangkapayapaansa The Hague Joint Declaration.Ang sustantibong adyenda ng usapangpangkapayapaan, ayon sapagkakasunud-sunod ay 1) pagrespetosa karapatang-tao at internasyunalna makataong batas; 2)pagpapatupad ng mga repormangsosyo-ekonomiko; 3) pagpapairalng mga repormang pulitikal atkonstitusyunal; at 4) disposisyonng mga pwersa at pagtatapos saarmadong labanan.Malinaw dito na ang tamangpanahon ng pagtalakay sa tigilputukanat disposisyon ng mgapwersa ay sa pagtatapos ng mgakasunduan hinggil sa mga repormangpanlipunan, pang-ekonomyaat pampulitika. Walang dapat ipatawna mga kondisyon ang alinmangpanig para sa pagdaraos ngusapan, katulad ng paggigiit ngmatagalan at walang taning na tigil-putukanbago pa man pagusapanat lutasin ang mga batayangusapin sa likod ng armadongtunggalian.Subalit tulad ng ginawa ng re-4 ANG BAYAN Agosto 7, 2010
himeng Arroyo ay binabaligtadng rehimeng Aquino ang wastongproseso ng usapang pangkapayapaan.Ito ngayon ang paulit-ulitna tema ng mga tagapagsalitaat alipures ni Aquino.Gustong unahin ang tigil-putukanbago ang anupamang pagtalakaysa mga natukoy na saligangusapin.Kung talagang interesado siAquino na magkaroon ng tigilputukansa lalong madaling panahon,kailangan lamang niyangpag-aralan at pirmahan angConcise Agreement to End CivilWar and Achieve Just Peace naipinanukala ng NDFP NationalCouncil noong 2005. Nilalamannito ang mga prinsipyo at patakarangmagtataguyod sa pambansangkasarinlan at demokrasyaat komun na mga pagsisikapna resolbahin ang mga saligangproblemang sosyo-ekonomiko atpampulitikang matagal nangpinapasan ng mamamayang <strong>Pilipino</strong>.Limang taon nang nakahapagang gayong kongkretong panukala.Pero ano na ang naging tugonng GRP sa kahandaan ngNDFP at sa mga kongkretong panukalanginihapag na nito? Niwala pa ngang naitatalaga angrehimeng Aquino na pinuno atmyembro ng panel ng GRP na haharapsa NDFP.Masama pa'y paglapastangansa totoong prosesong pangkapayapaanang pahayag ni DefenseSecretary Voltaire Gazminna mas magdiriin ang gubyernosa pakikipag-usap pangkapayapaansa antas lokal. Itongpakanang “lokal na usapangpangkapayapaan” ay lumangtugtuging matagal nang napabulaananbilang peke, walang kahihinatnanat sa katunaya’y walangiba kundi pakikipag-usap lamangng reaksyunaryong gubyerno sasarili nito. ~ANG BAYAN Agosto 7, 2010Mga kilos-protesta, inilunsadsa unang SONA ni AquinoNaglunsad ng kilos-protesta sa buong Pilipinas at sa iba pang panigng mundo ang mamamayan sa kauna-unahang State of the NationAddress (SONA) ni Benigno Aquino III noong Hulyo 26.Sa Metro Manila, umabot sa10,000 ang nakiisa sa protesta sapangunguna ng Bagong AlyansangMakabayan (BAYAN) at mga alyadongorganisasyon nito. Nagsimulaang kanilang pagkilos bandangalas-8 ng umaga sa tapat ng EverGotesco Mall sa CommonwealthAvenue sa Quezon City. Bitbit nilaang isang effigy ni Aquino na isangmadyikero. Pahiwatig nito ang tanongng mamamayan kung katotohananba o ilusyon lamang angkanyang mga pangako. Nakiisa rinsa pagkilos ang mga progresibongorganisasyon sa Southern Tagalogat Central Luzon na ilang linggonang naglulunsad ng kampo-protestasa Kamaynilaan.Ayon kay Renato Reyes, pangkalahatangkalihim ng BAYAN, angtema ng kanilang protesta ay “Karapatan,Katarungan, Kabuhayan atKalayaan” at may walong adyendana panawagan kay Aquino. Una narito ang pagsasampa ng mga kasolaban kay Gloria Macapagal-Arroyo,pagpapatigil sa kanya na lumabasng bansa, pagbabawal ng paggamitsa kanyang mga asset at bank accountpati ng kanyang mga alipuresna nangurakot sa bayan. Ikalawa,hiling din nila ang hustisyapara sa mga biktima ng paglabagsa karapatang-tao.Ikatlo, ipatupad ang tunayna reporma sa lupa.Ikaapat, itaas ang sahodng mga manggagawa.Ikalima, itigil angpampulitikang pamamaslangsa mgaaktibista at mamamahayag.Ikaanim,ibasura angmga tratado tulad ng VisitingForces Agreement (VFA) at Japan-Philippines Economic PartnershipAgreement (JPEPA). Ikapito, itaasang badyet para sa mga batayangserbisyo tulad ng edukasyon, pabahayat kalusugan. At ikawalo, mulingbuhayin ang usapang pangkapayapaansa pagitan ng Governmentof the Republic of the Philippinesat National Democratic Front.Ang mga progresibong partidonaman na dumalo sa SONA ni Aquinoay nagpakita ng kanilang panawagansa iba't ibang kasuotan. SiRep. Teodoro “Teddy” Casiño ngBayan Muna ay nagsuot ng barongTagalog na may nakatatak na “Stopthe Killings”. Si Rep. Rafael “Ka Paeng”Mariano ng Anakpawis aynagsuot naman ng salakot na maynakalagay na “tunay na reporma salupa”. Si Kabataan Party Rep. Raymond“Mong” Palatino ay may balabalna nakasulat ang mga katagang“Itigil ang pagtaas ng matrikula”.Si ACT Teachers Rep. AntonioTinio ay may pin na may nakalagayna “Itaas angsahod ngmga mang-5
Walang paglubay na mgapampulitikang pamamaslangHindi pa man nakakaisang buwan sa poder si Benigno Aquino III ay11 na ang mga aktibista at kagawad ng midya na biktima ng pamamaslang.Pinakahuling mga biktima ang apat na aktibistang pinataynitong Hulyo 19 at 24. Isa ring tagabaryo ang basta na lamang dinampotat isang dating lider-magsasaka ang iligal na inaresto at tinortyurng militar, ayon sa mga ulat na nakalap ng Ang Bayan.Hulyo 24. Dinampot ng militarsi Jovito Manzon, 50 taong gulangat residente ng Barangay Caldong,Sampaloc, Quezon. Pinaghihinalaansi Manzon na tagasuporta umanong Bagong Hukbong Bayan(BHB). Siya ay nakakulong ngayonsa himpilan ng 1st IB sa bayan ngCavinti, Laguna.Kinabukasan, nagsona ang militarsa nasabing barangay. Hinarasng mga sundalong lango pa sa alakang limang kababaihan. Pinagbibintangandin ang mga biktima natagasuporta ng BHB.Hulyo 24. Pinagbabaril ng dalawangarmadong lalaki si Joel Rezaga,45, kasapi ng National Federationof Sugar Workers, sa Sityo Binabuno,Barangay Malasibog, EscalanteCity, Negros Occidental. Papuntasiya sa Mt. Carmel College para dumalosa isang pulong nang siya aybarilin. Nakuha ang mga basyo ngbalang 9 mm at kalibre .45 malapitsa bangkay ni Rezaga.Hulyo 22. Inaresto si Dario Tomadang limang ahente ng militarbandang alas-11 ng gabi sa Biñan,Laguna habang nagtatrabaho bilangparking attendant sa isangrestawran. Dinakip siya batay sa 15kaso ng pagpatay na nangyari noonpang 1984 sa Inopacan, Leyte.Si Tomada ay dating tagapangulong Samahan han Gudti ngaParag-uma ha Sinirangan Bisayas(SAGUPA). Umalis siya sa kanilangbarangay sa Tagaytay, Kananga,Leyte at pumunta sa Maynila noongSetyembre 2006 upang makaiwassa pagbabanta ng mga sundalo ng8th ID na noon ay nasa ilalim niMaj. Gen. Jovito Palparan. Kunganu-ano ang kanyang napasukangtrabaho para lamang masuportahanang naiwang asawa na si Amelitaat apat nilang mga anak sa Leyte.Pinosasan, piniringan at dinalasi Tomada ng mga ahente ng militarsa Camp Aguinaldo bandangalas-12 ng hatinggabi. Ininterogasiya sa loob ng 30 minuto at ilangbeses siyang sinampal. Kinabukasan,halos buong araw siyang ininteroga.Hindi siya pinakain. Habangpinahihirapan, inaalok siyang pera kapalit ang mga impormasyongmagtuturo sa isang indibidwalna nakabase umano sa Luzon.Ayon sa KARAPATAN, ang mgakasong kinakaharap ni Tomada aykaugnay ng mga gawa-gawang kasongisinampa laban kina Prof. JoseMaria Sison, Bayan Muna Rep. SaturOcampo, Randall Echanis at iba pa.Hulyo 19. Tatlong kasapi ngKatribu, isang grupo sa party-listng pambansang minorya ang pinataysa Rodriguez, Rizal, ayon saKARAPATAN-Timog Katagalugan.Kinilala ang mga biktima ng pamamaslangna sina Galvan Navarte,Demilita Largo at Benita San Jose.Nakasakay sa isang motorsikloang tatlong biktima nang sila aypaputukan ng hindi pa nakikilalangmga salarin. ~PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO3 kabataan, sapilitangnirekrut ng AFPTATLONG menor de edad napawang 17 taong gulang angdinakip at sapilitang pinalahokng 39th Infantry Battalionng 10th Infantry Divisionsa maruming digma nito labansa rebolusyonaryong kilusansa Far South Mindanao Region(FSMR). Sina “Donna,” “Jerry”at “Boy” (hindi tunay na mgapangalan,) ay hinuli ng naturangyunit ng militar paramagpanggap na mga “batangsundalo” ng Bagong HukbongBayan (BHB) sa midya at sapubliko. Si “Boy,” 17 anyos,mula sa Tagaytay, Magsaysay,Davao del Sur ay sinanay ngmilitar para pasukin ang isangyunit ng BHB at magnakaw ngarmas. Ganito rin sana angipinagagawa kay “Jerry,” 17anyos din, na nanirahan saMalawanit, Magsaysay. Dumanassi “Jerry” ng tortyur dahiltumanggi siyang magpagamitbago makatakas. Ganito rinang nangyari kay “Donna,”mula sa Dungan Pekong, Matanao,Davao del Sur. Ipiniprisintasiya ngayon bilang“batang mandirigma” sa midya.Ipinababatid ng ValentinPalamine Command ng BHB-FSMR na hindi kailanman nagingbahagi ng BHB-FSMRang tatlong kabataan bilangmga mandirigma o anupamangkapasidad. Ang tatlo aysimpleng mga kabataan mulasa baryo na biniktima ng mgasundalo at pinalalabas ngayonna pinagsamantalahan ngrebolusyonaryong kilusan. ~8 ANG BAYAN Agosto 7, 2010
Makataong pagtratosa mag-ina, naigiitMatagumpay na naigiit ng Free the 43 Health Workers Alliance sahukuman ang pagsasama nina Carina Oliveros at ng kanyang anakna sanggol na lalaki. Noong Agosto 6, iniutos ng bagong upongJustice Secretary Leila de Lima na iatras ng prosekusyon ang pagtutol sapetisyon ng mag-ina at kanilang mga tagasuporta. Nanganak si Oliverosnoong Hulyo 22 sa pamamagitan ng caesarian operation.Ilang araw pa lamang mataposito, naglabas ng kautusan ang Bureauof Jail Management andPenology (BJMP) na iwan na niOliveros ang kanyang anak dahilibabalik na siya sa piitan. Kaagadna iginiit ng Free the 43 HealthWorkers Alliance na dapat bigyanng panahong maglagi sa isang paborablenglugar si Oliveros paramapabilis ang pagbawi ng kanyangkalusugan.Ayon kay Dr. Julie Caguiat,tagapagsalita ng Free the 43Health Workers Alliance, angpagsasama ng ina at sanggol aykabilang sa reproductive rights nglahat ng kababaihan, kabilang siOliveros. Ipinaalala ng nasabingorganisasyon na ang gubyerno ngPilipinas ay isa sa mga lumagdanoong dekada 1980 sa Conventionon the Elimination of DiscriminationAgainst Women, isang tratadona nagtatanggol sa mga karapatanng kababaihan.PANANALANTA NG PASISTANG ESTADOKinikilala ng batas ang karapatanni Oliveros na alagaan angkanyang sanggol at iligal na ihiwalaysila sa isa't isa. Imoral at dagdagna inhustisya kung pagpupumilitanng BJMP na ipatupad angkanilang patakarang paghiwalayinang mag-ina, sabi ni Dr. Caguiat.Nagbarikada noong Agosto 3ang mga progresibong organisasyonsa tapat ng Philippine GeneralHospital upang pigilan ang paglilipatsa mag-inang Oliveros. ~Pagpaslang sa mga sugatangmandirigma, kinundenaTatlong mandirigmang hors decombat o wala nang kakayahanglumaban ang pinaslang ngmga pwersa ng pulis at militar sadalawang magkahiwalay na insidentesa Mindoro noong nakaraangbuwan.Pinatay noong Hunyo 24 ngmga elemento ng PNP si Ka FernandoPamorada, kilala bilang Ka Tsakoyat Ka Rokke, matapos siya mahulisa isang sagupaan sa BarangayOrconoma, Bongabong, OrientalMindoro. Ibinalita mismo ng PNPsa midya na sugatan si Ka Rokkenang mahuli ito. Ngunit kinabukasan,bigla na lamang inianunsyo ngPNP na napatay siya sa sagupaanat ang kanyang bangkay ay nakaburolna sa bayan ng Bongabong.Noong Hunyo 24 din, nahuling mga elemento ng 4th IB, 411PMG at mga ahente ng Military IntelligenceGroup (MIG) sa OrientalMindoro ang dalawang mandirigmangsina Christopher ”Ka Olip”Barrientos at Ulyses ”Ka Mike”Gallario sa isang tsekpoynt saPoblacion, Roxas, Oriental Mindoro.Ayon sa mga nakasaksi, nakasakaysa isang motorsiklo ang dalawangmandirigma nang haranginsila ng isang kotse at motorsikloat paputukan sila. Nasugatan siKa Mike. Nakalayo si Ka Olip perosinundan siya hanggang BarangayCantil, binangga ng sasakyan ngmga elemento ng AFP at nahulinang buhay noon ding hapongiyon.Marami ang nakakitang parehongsugatan ngunit buhay nanahuli ang dalawang mandirigmanang dalhin at itago sila ng mgaahente ng Philippine Army atPNP sa kanilang mga kampo atsafehouse. Itinanggi ng MIG nahawak nila ang dalawa nanghanapin na sila ng kanilang mgapamilya. Noong hapon ng Hunyo27, pinalabas ng militar na napataysila sa isang engkwentrosa Km. 11, Barangay Panaytayan,Mansalay, Oriental Mindoro. Maramingtama sa ulo at katawanat halos di na sila makilala ngkanilang mga kapamilya.Mahigpit na ipinagbabawalng mga internasyunal na alituntuninsa digma ang pagpatay samga kalabang hors de combat. ~ANG BAYAN Agosto 7, 20109
10MATATAGUMPAY NA OPENSIBA NG BHB10 sundalo, napatay sa mgaaksyong militar ng BHBDi bababa sa sampung elemento ng kaaway ang napatay at tatlo angnasugatan sa serye ng mga labanan sa pagitan ng Bagong HukbongBayan (BHB) at militar mula Hulyo 20 hanggang Hulyo 28. Tatlongmalalakas na armas ang nasamsam sa mga labanang ito.Hulyo 28. Katanghaliang tapatnang salubungin ng mga putok mulasa mga Pulang gerilya angsasakyang may lulan ng mga elementong PNP Public Safety ManagementBattalion sa BarangayCalpi Miyaga, Uson, Masbate. Galingsa bayan ng Armenia angsasakyan at papunta sa Uson. Tumagalnang 10 minuto ang palitanng putok. Napahinto ang sasakyandahil tinuunan ng putok ng mgagerilya ang harapan niyon.Ayon sa Bombo Radyo, apat napulis na napatay sa naturangpananambang.Hulyo 26. Binulabog ng mgaputok mula sa BHB ang kampo ng507th Police Provincial MobileGroup (PPMG) sa Cataingan, Mas-Mga kasinungalingan ng 5th ID, sinagotPinabulaanan ni Ani Ka Magno Udyaw, tagpagsalita ng Leonardo PacsiCommand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa MountainProvince ang mga kasinungalingan ng 5th Infantry Division ng PhilippineArmy (5th ID) sa rehiyon ng Cordillera.Ayon kay Ka Magno, hindi totoo ang paratang na hinubaran, pinagnakawanat binastos ng BHB ang mga bangkay ng pitong sundalo ng52nd Division Reconnaissance Company (DRC) makaraang tambanganang mga ito sa Samoki, Bontoc noong Hulyo 5. Ang sinamsam lamangng BHB ay ang mga armas at iba pang kagamitang militar. Patungoang mga sundalo sa Bontoc para makipagpulong sa pulis at lokal nagubyerno hinggil sa counterinsurgency program ng gubyerno at hindipara sa isang misyong medikal tulad nang sinabi ng DRC.Panggigipit, sapilitang pagpatrabaho sa WSamarSimula nitong Marso, nakararanas ng panggigipit at sapilitang pagpatrabahosa ilalim ng 34th IB ang mamamayan sa mga bayan ngMotiong, Jiabong at San Jose de Buan sa Western Samar. Galit ang mgaupisyal at tanod ng barangay sa pilit na pagpapadalo sa kanila sa mgapulong ng militar kung saan inuutusan silang kumbinsihin ang mga kamag-anakng hinihinalaang mga kasapi ng BHB na pasukuin ang mgaito. Inuudyok din sila na lasunin ang mga Pulang mandirigma na pumapasoksa baryo. Ginigipit silang makipagtulungan sa pagtatayo ngkanilang barangay security system.Binabantaan din sila laban sa akusasyong ibinibigay ang internalrevenue allotment ng barangay sa BHB. Samantala, umaalma angmga magsasaka ng Motiong at San Jose de Buan dahil sa sapilitangpagpatrabaho sa kanila ng militar sa paghahakot ng kahoy para gawingbakod ng kampo ng militar. ~bate. Dalawang elemento ang napatayat may di tukoy na bilang ngmga nasugatan sa labanang tumagalnang 15 minuto. Dahil sa atake,napilitang umatras ang mga nagooperasyongsundalo at PPMG sasonang gerilya at inalis ang maliitna detatsment nito sa BarangayPaguihaman, Uson, Masbate.Hulyo 23. Dalawang sundaloang napatay at isa ang nasugatansa magkasunod na labanang naganapsa Sityo Buloy, BarangayDecoliat, Maria Aurora, Aurora.Ang unang engkwentro ay naganapbandang alas-12 ng tanghalinang magpanagpo ang isang yunitng BHB sa ilalim ng DomingoErlano Command-Aurora at angnag-ooperasyong tropa ng 48th IB.Ang ikalawang labanan ay nagsimulanaman dakong alas-3 hanggangalas-4 ng hapon. Mahusay nahinawakan ng yunit ng BHB anginisyatiba sa buong labanan, at ditonagtamo ng mga pinsala ang nasorpresangkaaway.Pilit na inilingid ng militar angnaganap na mga labanan. Itinatagorin nila sa publiko ang kanilangmga kaswalti kahit kitang-kita namanng mga taga-Sityo Buloy angmga tinamaang sundalo.Hulyo 20. Tinambangan ngmga gerilya ng Armando DumandanCommand ng BHB ang nagpapatrulyangmga tropa ng 72nd IB saBarangay El Salvador, New Corella,Davao del Norte. Nasamsam ng mgagerilya ang isang M16, isang M14at isang Garand. Dalawang elementong CAFGU ang napatay at dalawarin ang nasugatan, kabilang angkumander ng detatsment sa naturangbarangay. Walang tinamongpinsala ang mga gerilya.Sumuko ang sugatang kumanderng detatsment at agad namansiyang binigyan ng paunang lunasng mga medik ng BHB. ~ANG BAYAN Agosto 7, 2010
Pagkatalo at mga krimenng US sa Iraq at AfghanistanIsinapubliko kamakailan ng website na Wikileaks ang mahigit 90,000sikretong dokumento ng militar ng US kaugnay ng digmang agresyonng koalisyong NATO sa Afghanistan. Binansagang “Afghan War Diary”,nakasaad sa naturang mga dokumento ang pagkatalo ng imperyalismongUS at ang kriminal na pananagutan nito at mga kaalyado nito laban samamamayan ng Afghanistan mula 2004 hanggang 2010.Sa halos araw-araw na pagsasalarawanng di makatarungangdigma, isiniwalat sa mga dokumentoang pagpatay sa daan-daang sibilyangAfghan sa mga insidentengitinago sa midya at publiko, angpagdami ng myembro at pagtinding mga atake ng Taliban at angpagdududa ng US sa mismong mgakaalyado nito.Ang Wikileaks ay isang websitena pinatatakbo ng mga aktibistangnagtataguyod ng bahagian ng impormasyonat nagsasapubliko ngmga lihim na dokumentong nagdedetalyeng mga krimen at masasamanggawain ng mga gubyerno atmga pribadong korporasyon. Sa tulongng tatlong malalaking dyaryo,sininsin ng Wikileaks ang mga datosna nakalap nito at inilathalaang impormasyong nakuha mula rito.Nagsama-sama ang The Guardianng United Kingdom, The NewYork Times ng US at Der Spiegel ngGermany para sa dambuhalangproyektong ito.Kabilang sa mga natuklasan ngWikileaks at inilathala sa tatlongpahayagan ang sumusunod:1) Mahigit 4,000 sibilyanna ang napatay sa pananalakayng mga pwersa sa ilalimng koalisyon ng NATO, sa pangungunang US. Mayroong dibababa sa 144 na magkakahiwalayna insidente ang itinago sapubliko o di kaya'y pinagtakpanANG BAYAN Agosto 7, 2010SA IBAYONG DAGATsa pamamagitan ng mga kasinungalingan.Isang halimbawa angpambobomba ng mga pwersa ng USsa isang komunidad sa Azizabad,Herat sa hilaga-kanlurang Afghanistannoong 2008. Target daw ngmga pwersang NATO ang isang liderng Taliban. Ayon sa upisyal na report,30 mga rebelde ang napataysa isang sagupaan. Ang totoo,umabot sa 90 sibilyan ang napatay.Animnapu rito ay mga bata at 15ay kababaihan. Binabayaran na lamangng NATO ang mga pamilya ngmga sibilyang napapaslang, kadalasanng mga produktong pagkaintulad ng mga delata at tsokolate operang nagkakahalaga ng hanggang$1,500 bawat bangkay.2) Ang pag-iral ng “Task Force373” sa loob ng Special Forces napinamumunuan ng US na ang tanginglayunin ay tugisin at patayinang mga pinaghihinalaan nilang liderng Taliban nang walang paglilitis.Binansagang “black unit,” binubuoang espesyal na yunit na itopangunahin ng mga sundalo ng US.Nasa listahan nito ang 2,000 pinaghihinalaanglider ng Taliban atal Qaeda. Sa napakaraming nabunyagna insidente, basta-bastangsumasalakay at pumapatay angmga pwersa nito kahit walang kasiguruhanang kanilang target. Isanghalimbawa nito ang pang-aatakeng mga myembro ng TF373 sa Jajalabadsa silangang Afghanistannoong Hunyo 2007. Nagkataongmay nag-ilaw sa mga nakakublingsundalo at dahil dito'y basta-bastasilang nagpaputok. Nagtawag pang helicopter gunship ang yunit ngTF373 para bombahin ang buongerya. Nang mag-umaga, napag-alamannilang mga lokal na pulis angkanilang nakasagupa. Pitong pulisang napatay at apat ang nasugatan.3) Ang kakayahan ng Talibanna pabagsakin ang mga helikoptergamit ang shoulder-launched surface-to-airmissiles. Paulit-ulit naitinanggi ng mga pwersa ng NATOang kakayahang ito at madalas naisinisisi na lamang sa mga pagkakamaling piloto o pagpalya ng kanilangkagamitan ang mga nababalitaangpagbagsak ng kanilang mgahelikopter at iba pang sasakyangpanghimpapawid.4) Ang papadalas napaggamit ng mga dronespara tugisin at patayin angmga tinarget nilang myembrong Taliban. Pinalilipad at pinaaatakeang mga drones na itomula sa control room ng USsa isang base sa Nevada.5) Ang pag-armas,pagsasanay at pagpondo ngahensyang paniktik ng Pakistan sa11
SA IBAYONG DAGATmga pwersa ng Taliban mula panoong 2004. Paulit-ulit na inaakusahansa mga ulat-paniktikng militar ng US ang Inter-ServiceIntelligence (ISI) ng Pakistanng pakikiapid sa kaaway, bagayna mariing itinatanggi ngmga heneral na nagpapatakbonito.Ayon sa tagapagtatag ng Wikileaksna si Julian Assange, maramipa silang hawak na dokumentongkatulad ng “Afghan WarDiary” at handa silang isapublikoang lahat ng mga ito.Bago ang war diary, inilabasng Wikileaks ang isang bidyo nakuha mula sa isang helikopter naApache noong Abril. Sa bidyo naito, nakikita na basta-bastangpinapuputukan ng mga sundalong US na nasa helikopter angisang grupo ng mga sibilyan, kabilangang isang mamamahayagng Reuters at kanyang drayber,na naglalakad sa lansangan ngBaghdad noong 2007.Tuwang-tuwa ring nagkakantyawanang mga sundalo at pinupuriang kanilang mga sarili habangpinapuputukan ang isangvan na sumaklolo sa isa sa mgasugatan. Ilang segundo lamangmatapos nila paulanan ng balaang van ay naging malinaw namay dalawang batang nakasakaysa harapan. Labindalawang sibilyanang namatay sa insidentengito. Nasugatan ang dalawangbata sa van.Nakamumuhi ang kawalangrespeto ng mga mananakop sabuhay ng ordinaryong mamamayangAfghan at Iraqi at ang lawakat tindi ng kanilang mga krimenlaban sa sangkatauhan. Inaasahanng Wikileaks na magigingbahagi ng paglaban ng mamamayansa di makatarungang digmasa Afghanistan at Iraq ang mgaisinapublikong dokumento. ~Disempleyo sa US, pinagtatakpanPATULOY ang paglala ng problema ng disempleyo sa US. Mula nang magkaroonng resesyon sa US noong pagtatapos ng 2007, lumobo nang mahigitsiyam na milyon ang bilang ng mga walang trabaho rito at sa kasalukuyanay 15 milyon na ang walang empleyo kung ang upisyal na estadistikapa lamang ang pag-uusapan.Mistulang naibsan ang kawalanng trabaho nang mag-empleyo ng635,000 tagapagsensus ang gubyernongUS noong Abril hanggangMayo. Subalit pansamantalang empleyolamang ito, at nadagdaganpa ng 125,000 ang nawalan ng trabahonitong Hunyo.Ayon sa upisyal na estadistikasa paggawa sa US, di pa rin gaanongnalalayo sa 10% ng pwersa sapaggawa ang walang empleyo. Perobumaba umano nang bahagyaang tantos ng kawalan ng trabahosa 9.5% nitong Hunyo kung ihahambingsa 9.7% noong Mayo;9.9% noong Abril; at 9.7% mulaEnero hanggang Marso. Ang hulingpanahong umabot sa mga 10% angupisyal na tantos ng disempleyo saUS ay noong 1982-83.Ang ganitong pagbaba ng tantosng disempleyo ay salamin hinding pagdami ng may hanapbuhaykundi ng pagbawas sa bilang ngpwersa ng paggawa. Ginagawa itosa pamamagitan ng manipulasyonsa estadistika. Tinanggal sa bilangng pwersa sa paggawa ang mga tumigilna sa paghahanap ng trabahosa loob ng isang buwan (3.8 milyon.)Nakabilang naman sa mgamay trabaho ang mga panakanakao bahagyang panahon lamangnakapagtatrabaho dahil walangmakitang sapat na trabaho (8.63milyon.) Kung isasama sila sa 15milyong upisyal na bilang ngwalang trabaho, aabot sa mahigit27 milyon o 17% ng pwersa ngpaggawa sa US ang wala o walangsapat na hanapbuhay.Bangladesh, niyanig ng mga kilos-protestaNIYANIG ang Bangladesh ng seryeng mga kilos-protesta ng mga kabataan-estudyantesimula Hulyo26. Nagsimula ang pag-aaklas nanghumiling ang mag-aaral ng Physiotherapysa Dhaka, kabiserang syudadng bansa, na itayo na angpampublikong kolehiyo para sa kanila.Sinabayan ito ng mga estudyanteng Chittagong University(CU) laban sa pagtaas ng matrikula.Pinangunahan ng BangladeshStudents Union (CUCSU) ang mgaestudyante sa pag-walk out sa kanilangmga silid-aralan. Sumunoddin sa pagprotesta ang mga estudyanteng mga pribadong paaralansa kabisera ng bansa.Sinalakay ng mga pulis ang CUnoong Agosto 2 habang nagsasagawang mga pagkilos ang mga estudyante.Nilusob ng mga tropa nggubyerno ang kampus pati ang mgadormitoryo gamit ang tirgas, rubberbullets at batuta. Inaresto angmay 500 aktibista habang 250 namanang nasaktan. Umabot sa 90estudyante ang ginamot sa malapitna ospital bunga ng marahas napagbuwag sa mga barikada ng mgaestudyante.Sa pinakahuling ulat, sinampahanng kaso ang mga lider-estudyanteat ipinasara ang kampus ngCU hanggang Setyembre 16.Ang Bangladesh ay isang bansasa South Asia na hinahanggananng India.12 ANG BAYAN Agosto 7, 2010
BALITAKasunduan ng Hacienda Luisita Inc.at mga magbubukid, huwadISANG rali ang inilunsad sa Mendiola nitong Agosto 6 para batikusin anghuwad na kasunduan sa pagitan ng mga manggagawang bukid at maneydsmentng Hacienda Luisita Incorporated (HLI). Kaugnay nito, sinunogng mga nagpoprotesta ang kunwa'y “certificate of incorporation” ngHLI para ipakita ang kanilang pagtutol.Ayon kay Rep. Rafael Marianong partidong Anakpawis at pangulong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas,ang sinasabing kasunduanay mapanlinlang, hindi makatarunganat imoral. Layon ng kasunduangiyon na pagkaitan ang mga benepisyaryong repormang agraryong karapatang magmay-ari ng lupainng mga Cojuangco-Aquino, aniya.Pinakana ang gayong "kasunduan"para pangunahan ang nalalapitna pagdinig ng Korte Supremasa Agosto 8 sa petisyon ng HLIlaban sa desisyon ng Departmentof Agrarian Reform na dapat ipamahagina sa mga magsasaka ngasyenda ang lahat ng natitirang4,951 ektaryang lupaing agrikulturalng HLI.Ang hungkag na kasunduan aypakana at pinangasiwaan mismo niFernando Cojuangco, ang chief operatingofficer ng HLI, CentralAzucarera de Tarlac, at ng punongkorporasyon ng mga Cojuangco-Aquino, ang Jose Cojuangco &Sons. Siya ang pinakapanganayna pinsanni Pres. BenignoC. Aquino atnamumuno ngayonsa buong angkangCojuangco-Aquino.Matigas ang tindigniya nahindi kailanmanipamamahagisa mga magsasaka ang lupain ngasyenda.Ayon kay Lito Bais, pangulo ngUnited Luisita Workers Union (UL-WU), ang pangunahing unyon ngmga manggagawa sa Hacienda Luisita,iginigiit ng mga magsasaka atmanggagawang bukid sa asyendana mapasakanila ang buong natitirang4,915 ektaryang taniman saasyenda. Bukod dito, dapat mapuntarin sa mga magsasaka ang karampatangbahagi ng pag-aari atkita sa mga empresangitinayosa mahigit 1,500pang ektaryanglupain ng asyendana ginawanang industriyalat komersyal.Kasama ngULWU sa pagkundenang naturangkasunduan angAlyansa ng ManggagawangBukid saHacienda Luisita.Protesta ng mga empleyado sa PAL, sinuportahanSINUPORTAHAN ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Anakpawis ang laban ngmga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) para sa kanilang kagalinganat mga karapatan.Nagpiket ang KMU, kasama angkasapi ng Philippine Airlines EmployeesUnion (PALEA) at unyonng mga ground employees na Labanng Bagong PALEA sa harap ng upisinang Allied Bank sa Makati Citynoong Agosto 5. Ang Allied Bankay isang kumpanyang pagmamayarini Lucio Tan, kasalukuyang mayaring PAL. Kinundena nila ang dipatas na pagtrato ng pamunuan ngPAL sa mga empleyado nito. Nanawagandin sila na itigil na ang kontraktwalisasyonsa mga empleyadoANG BAYAN Agosto 7, 2010at ipatupad ang kanilang kasiguruhansa trabaho.Ang sigalot sa PAL ay nagsimulanang sabay-sabay na magbitiwang 26 na piloto dahil sa pagpapalipatng maneydsment sa kanila saAir Philippines, kapatid na kumpanyang PAL, kung saan mas mababaang sahod at kulang ang mgabenepisyo. Napipinto naman angtigil-trabaho ng mahigit 1,000flight attendant upang iprotestanaman ang sapilitang pagpaparetirosa kanila pagsapit ng edad na40-45 at diskriminasyon sa mgababaeng flight attendant. Umaabotnaman sa 2,700 ang magiging kontraktwaldahil magsasara ang tatlongdepartamento at kukuha ngtauhan sa labas ng kumpanya.Hinamon naman ng KMU si BenignoAquino III na pumanig samga piloto at empleyado at hindikay Lucio Tan. Matatandaang pinagalitanni Aquino ang mga nagbitiwat nagpahiwatig na kakasuhansila tulad ng plano ng maneydsment.Nanawagan din angKMU na imbestigahan si Tan sa iskemaniyang pagpapalaki ng tuboat panggigipit sa mga manggagawang PAL at iba pang kumpanyangpag-aari niya.13
ANGPahayagan ng Partido Komunista ng PilipinasPinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoTaon XLI Blg. 15Agosto 7, 2010www.<strong>philippinerevolution</strong>.<strong>net</strong>EditoryalIlantad ang mga pambulag na gimikat buladas ni AquinoPampagwapong mga buladas sa salita, mgalumang bulok na patakaran sa gawa: Ito ang nabubuongkombinasyon sa pamamalakad ngkaluluklok na bagong papet na reaksyunaryongpangulong Benigno Aquino III.Sa pananalumpati niya sa bayan, ginagamitna istilo ng bagong luklok na presidenteang pagpapagwapo at paghahabol sa popularidad.Iniisip niya na sa gayong paraan aymagagawang katanggap-tanggap sa mamamayanang ipatutupad ng kanyang rehimenna mga patakaran, na sa kaibuturan ay walangpinagkaiba sa bulok, antinasyunal, kontra-mamamayanat malupit na mga patakaran ng rehimengArroyo.Ito ang tumampok sa kauna-unahang talumpatini Aquino sa harap ng Kongreso. Pambobolanghungkag. Retorikang huwad.Sinentruhan sa SONA ni Aquino ang temang korapsyon. Subalit sa pagkakataong ito,pinuntirya lamang niya ang nakabababangmga burukrata at kinaligtaan ang pinakamalalakingmandarambong. Upangmakuha ang palakpak ng mamamayangnoo’y nagdurusa sanapakahahabang pila-balde,isiniwalat niya ang pagpapakasasang mga upisyal ng MWSS sa mgapribilehiyong kaakibat ng kanilang pwesto.Wala sa kanyang paghahanay ang higitna napakalalaking kaso ng korapsyon at pagnanakawng mga pinunong mandarambong nitonghuling halos isang dekada, sa pangungunani Gloria Arroyo.Ang pagbatikos sa korapsyon ngrehimeng Arroyo ang isa sa tinindiganni Aquino noong eleksyon. Subalitinabot siya ng mahigit isang buwanbago pirmahan ang executive orderpara buuin ang tinagurian niyangTruth Commission.Ngayon pa lamang ay maraminang kwestyon sa kahihinatnannito lalo’t maramiitong butas para makalusotat makapagmaniobra angmga Arroyo at alipures nila.Hindi ito binigyan ni Aquinong kapangyarihang mang-usig, bagayna ipinaubaya pa rin sa Office of the Ombudsman,na hahawakan pa rin ngkilalang loyalista ng mga Arroyohanggang katapusan ng 2012.Itinaon doon ang itinakdangpagtatapos ng mga imbestigasyonnito, kaya mahigit dalawangtaon din ang panahon niArroyo na gumawa ng lahatng kailangang maniobrangligal at pulitikal upang makawalasa posibleng krimi-Mga tampok saisyung ito...Ibayong pribatisasyonPAHINA 3Kilos-protesta sa SONAPAHINA 5Pagkatalo at mgakrimen ng US saAfghanistan PAHINA 7
Mga instruksyon sa paglilimbag1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa masmapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine onaglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.2. Pag-print sa istensil:a) Sa print dialog, i-check ang Print as imageb) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper sizek) I-click ang Propertiesd) I-click ang Advancede) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scalingd) Ituloy ang pag-print3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumangproblema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email saangbayan@yahoo.com