12.07.2015 Views

Pilipino - philippinerevolution.net

Pilipino - philippinerevolution.net

Pilipino - philippinerevolution.net

SHOW MORE
SHOW LESS

Transform your PDFs into Flipbooks and boost your revenue!

Leverage SEO-optimized Flipbooks, powerful backlinks, and multimedia content to professionally showcase your products and significantly increase your reach.

ANGTaon XLII Blg. 13 Hulyo 7, 2011Ang Ang Bayan ay inilalabas sawikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,Waray at Ingles.Maaari itong i-download mula saPhilippine Revolution Web Central namatatagpuan sa:www.philippinerevolution.netTumatanggap ang Ang Bayan ngmga kontribusyon sa anyo ng mgaartikulo at balita. Hinihikayat din angmga mambabasa na magpaabot ngmga puna at rekomendasyon sa ikauunladng ating pahayagan. Maaabotkami sa pamamagitan ng email sa:angbayan@yahoo.comlin ang internasyunal na karagatan.Kaya naman matagal nang pinangangambahanng US ang pagunladng China bilang makapangyarihangbansa sa ekonomya atmilitar. Itinuturing ng imperyalismongUS na banta sa kapangyarihannito ang patuloy na paggigiitng gubyernong China ng kasarinlannito sa usapin ng ekonomya, militarat patakarang panlabas.Nitong nakaraang apat na dekada,nakipagsabwatan ang imperyalismongUS sa mga rebisyunista saloob ng China upang uk-ukin angsosyalistang sistema at ibalik itosa landas ng kapitalismo. Subalitito rin mismong pagbalik ng Chinasa landas ng kapitalismo ang ngayo'ynagtutulak dito na mag-ambisyonng paglawak ng saklaw ngkapangyarihan nito lagpas sakanyang mga hangganan. Itinuturingng imperyalismong US angChina bilang estratehikong bantasa nag-iisang paghahari nito sa buongmundo.Nais ng US na puluputan nggalamay militar nito ang SouthChina Sea upang kontrahin angmga pagsisikap ng China na magpaunladat magpakat ng malakingbilang ng abanteng mga kagamitangmilitar tulad ng mga ballisticat cruise missile, mga modernongeroplanong pandigma at mga submarinongkargado ng mga abantengarmas. Pinangangambahan nitoang papaunlad na kakayahan ngChina sa malayuang depensangpanghimpapawid, sa elektronikongpakikidigma at kakayahang magsagawang mga atake sa mga sistemangkompyuter at programasa kalawakan. Layunindin nitong nyutralisahinang base nabalng China sa isla ngHainan na pinaniniwalaangmay mga pasilidadpara magmantineng mga submarinong maykakayahang maglunsad ngestratehiko at taktikal na atake.Sa harap ng paggigiriangmilitar at diplomatikong imperyalismongUS at ng umuusbongna kapangyarihanng China, iginigiit ngmamamayang Pilipino ang patakarangpanlabas na independyente atmapagmahal sa kapayapaan. Hangadnila ang mapayapang resolusyonsa usapin ng pag-angkin ngiba't ibang bansa sa Spratly Islandsna malaya mula sa panghihimasokng US. Sigaw nilang wakasan angpakikialam ng US sa South ChinaSea at ang pag-aalis ng lahat ngnakapakat doong mga pwersa ngUS kabilang yaong nakabase saWestern Command ng AFP sa PuertoPrincesa City at sa SouthernCommand ng AFP sa ZamboangaCity.Kinukundena ng mamamayangPilipino ang rehimeng Aquino sapagsusumamo nito sa kanyangimperyalistang amo at sa patakarannito ng pandaigdigang hegemonya.Lubos na ginagampanan ni Aquinoang papel na ibinigay sa kanya ngUS nang siya'y ipatawag noong Mayosa barkong pandigmang USS CarlNilalamanEditoryal: Labanan ang panghihimasokng US sa South China Sea 1Interes ng US sa Spratlys 3Maghanda sa SONA 4Desisyon sa Hacienda Luisita 5“Saudization” at ang migrante 5Ang 4Ps at Oplan Bayanihan 6Mga engkwentro sa Cotabato 7Lider ng kulto, patay sa tsekpoynt 861st ID, berdugo 9AFP, salot sa mga bata 9Pangangamkan sa Isabela 10Balita 11Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwanng Komite Sentral ng Partido Komunista ng PilipinasVinson. Sinasabiniyang pabor siya sa diplomatikongresolusyon ng isyu ng Spratly Islands,subalit tuluy-tuloy niyanginaatake ang China at binibigyangdaanang pagpapakat ng US ngmakinaryang militar nito sa rehiyonsa tabing ng "pagtulong sadepensa" ng Pilipinas.Nakikiisa ang mamamayang Pilipinosa pagkundena sa pagmamalaking China at sa pagtangginitong kilalanin ang pag-angkin ngiba't ibang bansa sa mga isla ngSpratly at pumaloob sa isang multilateralna negosasyon upangresolbahin ang usapin sa mapayapangparaan.Nananawagan ang sambayanangPilipino sa mamamayan ngiba pang mga bansang umaangkinsa Spratly Islands na magkaisa. Maaaringbuuin ang isang alyansa ngmamamayan ng Southeast Asiaupang labanan ang pagsusumamong kani-kanilang mga gubyerno samga dayong kapangyarihan: sapanghihimasok man ng US o saeksklusibong pag-angkin ng Chinasa rehiyon. Dapat nilang gamitinang gayong pagkakaisa upang itulakang pagkilala sa pantay nakarapatan ng mga bansa at mamamayanna sangkot sa tunggalian.Dapat nilang itulak ang multilateralna negosasyon na malaya sapanghihimasok ng US at igiit angtuwirang paglahok dito ng mgakinatawan ng bayan. Dapat abutinng gayong mga pag-uusap ang mgakasunduan na susuporta sa pampulitikaat pang-ekonomyang interesng mamamayan ng rehiyon at ngkanilang hangarin para sa kapayapaan.~2 Hulyo 7, 2011 ANG BAYAN

Estratehikong interes ng USang nasa likod ng pang-uupatsa isyu ng Spratly IslandsBago pa man mag-ingay sa usapin ng Spratly Islands si Aquino atkanyang mga upisyal panseguridad at diplomatiko, matagal nangplano ng US na pakuluin ang kaguluhan doon upang lumikha ngkundisyon para makapanghimasok ito.Sa Quadrennial Defense Reviewng US Department of Defense nainilabas noong Pebrero 2010, iginiitng US na dapat itong humadlang,magtanggol laban sa "agresyon"ng mga bansang may potensyalna maging kalaban ng US atgapiin ang mga ito. Lantad na lantadang imperyalistang mukha ngUS nang tahasang igiit nito sa QDR2010 na "kung wala ang dominantengkakayahan ng US na ipadamaang kapangyarihan nito, malalagaysa alanganin ang mga alyansa atkasunduang panseguridad ng US, atsa gayo'y mababawasan ang seguridadat impluwensya ng US at lalakiang posibilidad na sumiklab angtunggalian."Kaya gayon na lamang anginteres ng US na labanan ang pagusbongng China bilang makapangyarihangbansa. Pinangangambahanng US ang tinaguriannitong "mga estratehikong antiaccess"na anito'y naglalayongpagkaitan itong kaka-ANG BAYAN Hulyo 7, 2011yahang "magpamalas ng kapangyarihan"sa mga susing rehiyon saiba't ibang panig ng mundo.Sa isang artikulong lumabas saWashington Times noong Agosto13, 2010, isinaad ni Adm. James A.Lyons, isa sa pangunahing kinatawangmilitar ng US sa United Nationsat dating hepe ng US PacificFleet, ang pagdududa ng US sapinalalawak na relasyon ng Chinasa Vietnam, Malaysia at Indonesiaat mga bansang kabilang sa Associationof Southeast Asian Nations(ASEAN). Nagpahayag din siya ngmalaking pangamba sa nabuong 65kasunduan sa pagitan ng Pilipinasat China noong panahon ng rehimengArroyo. Aniya, ang lahat ngito ay bahagi ng "pagsisikap nabawasan ang kapangyarihan atimpluwensya ng US."Ani Lyons, malinaw na anglayunin ng China ay ang magingdominanteng kapangyarihan saWestern Pacific at pwersahin angmga alyadong US nabumaklas sak anilangrelasyon. Salayuning kontrahinang China,pinalawakngU Sangrela-syon nito sa Vietnam, Malaysia atIndonesia. Inilarawan niya na nasagitna sila ngayon ng estratehikongpakikipagkumpitensya sa China sapagbubuo ng estratehikong relasyongmilitar sa Indonesia.Lubhang nangangamba ang USsa pagtatatag ng China ng "balwarte"nito sa South China Sea.Bukod sa baseng nabal sa HainanIsland, tinukoy ni Lyons ang konstruksyonng China baseng militarsa Mischief Reef sa Spratly Islandsna anito'y banta sa Pilipinas, Japanat South Korea, pawang mga "alyado"ng US.Halos isang taon na angnakararaan nang igiit ni Lyons nabukod sa pagpapalakas ng relasyonnito sa ASEAN, dapat gamitinng US ang Mutual DefenseTreaty sa pagitan ng US at Pilipinaspara palakasin ang pusisyonng US sa isyu ng South China Sea.Iginiit ni Lyons na bukod sa pagbebentasa Pilipinas ng pinaglumaangmga kagamitang pandigma,dapat ikonsidera rin ng USang pagpapaupa ng isang iskwadronng eroplanong F-16 kasamang mga T-38 jet trainer, mga helikopter,isang C-12 twin-engine aircraftna maaaring gamitin para sacounterinsurgency at pagpapatrolyasa dagat at dalawang FFG-7 nabarkong pandigma.Itinulak din ni Lyons na dapatmagkaroon ng komersyal na kasunduanpara magamit ng militar ngUS ang mga pasilidad at lohistikasa Subic Bay. Alinsunod dito,dumating sa Pilipinas noong Abrilsina Sen. Daniel Inouye at ThadCochran ng US para inspeksyuninang Subic at alamin ang mga pasilidaddoon na pwedeng gamitin ngmilitar ng US.Sunud-sunod naman ang pagdaongsa Pilipinas ng mga barkongpandigma ng US mula nangmaupo si Aquino sa poder. Dumaongsa Maynila ang USS Washingtonnoong Setyembre 2010 atnitong Marso 2011. Nitong Mayo,dumaong din sa Maynila ang USSCarl Vinson na inilarawan ng AFPna "may dalang mensahe para saChina." Samantala, magkakasunoddin na "joint exercises" angidinaos sa Palawwan at sa karagatanmalapit sa Spratlys sa ilalimng taunang Balikatan exercises.~3

Maghanda sa SONA:Ilantad ang tunayna kalagayan ng bayan!Sa loob ng ilang linggo ay muling magbubukas ang reaksyunaryongkongreso at magsisilbi itong okasyon sa pagbibigay ni Aquino ngkanyang "state of the nation address" o SONA. Asahan na natin naang SONA ni Aquino ay magiging hungkag at magpapalaganap lamang ngmga ilusyon at kasinungalingan.Bago pa man ang SONA ni Aquino,dapat nang isagawa ng sambayanangPilipino ang aktibong paglalantadng tunay na kalagayan ngbayan. Pakilusin natin ang lahat ngrebolusyonaryong pwersa, mgaaktibista at masa sa paglulunsadng malawakang kampanyang propagandapara patampukin ang tunayna kalagayan ng bayan. Gamitinnatin ang lahat ng pagkakataon—mgaumpukan sa bukid at mgakalsada, mga klasrum, upisina, programasa radyo at iba pa—upangipahayag ang galit at kahandaanglabanan ang anti-mamamayan, maka-dayuhanat pasistang mga patakaranng rehimeng US-Aquino.Ilantad natin ang pakikipagsabwatanng rehimeng US-Aquinosa internasyunal na kartel sa langisat ang pagpapakainutil nito sa harapng tuluy-tuloy na pagtataas ngpresyo ng mga produktong petrolyopara pigain ang mamamayan atmagkamal ng supertubo ang mgadayuhang kumpanya sa langis. Tuligsainang pagtanggi ng rehimengUS-Aquinona itaas angsahod ngmga manggagawasa kabila ngmabilis na pagsiritng presyong mga bilihinat serbisyo atlubhang mababangsahod.Batikusinnatin ang pagtanggingisakatuparanangtunay na repormasa lupa saHacienda Luisitaat ibapang malalakingasyendasa buong bansa.Ilantad natin ang dinaranas nakaapihan, pagsasamantala at panunupilsa kanayunan.Batikusin natin ang patuloy nakabiguan ni Aquino na usigin atparusahan si Gloria Arroyo at mgakasapakat niya sa mga krimen ngkorapsyon, pandarambong, mgapamamaslang at iba pang paglabagsa karapatang-tao.Batikusin ang balak ng rehimengUS-Aquino na itaas ang singilsa pamasahe ng MRT at toll ng mgaexpressway, gayundin, ang pinaplanongpribatisasyon ng MRT at pagpapaubayasa dayuhang mamumuhunanng pagtatayo ng iba't ibangmga imprastruktura sa ngalan ng"public-private partnership" na lalolamang nagpapabigat sa mgapasanin ng mamamayan.Ilantad at batikusin ang pakikipagsabwatanni Aquino sa imperyalismongUS sa pagpapapasok ng libu-libongmga tropang Amerikanosa Pilipinas sa sunud-sunod na"bisita" ng mga barkong pandigmang US noong Setyembre 2010,Marso at Mayo2011. Tuligsaindinang panguupatng tenyong diplomatikoat militar sa usapinng Spratly Islands alinsunod sautos ng US upang bigyangmatwidang panghihimasokng US, pagpapakat ngmga kagamitang militarng US at pagpapalakas ngpresensyang militar ng USsa Asia-Pacific na bahaging estratehiya nito na hadlanganang paglakas ngimpluwensya at kapangyarihan ngChina.Ilantad at batikusin natin angpaghadlang sa pagsulong ng usapangpangkapayapaan ng NDF atGPH sa pamamgitan ng pagdakip atpatuloy na pagkukulong sa mgakonsultant ng NDFP nang labag saJASIG. Ilantad ang patuloy na paglabagsa karapatang-tao, kapwamga brutal na atake ng militar samamamayan (pamamaslang, pambubugbog,pagdakip, pagkulongatbp.) at mga pino ngunit sinlupitna paglapastangan (militarisasyonng mga komunidad, militarisasyonng mga serbisyong panggubyernoatbp.) na nagpapairal ng takot atsumusupil sa kanilang mga kalayaan.Dapat kumilos ang lahat ngpwersa upang ilahad ang tunay nakalagayan ng iba't ibang mga sektor,komunidad, paaralan, tanggapanat iba pa. `Dapat gamitin anglahat ng paraan ng propagandangmasa mula sa pagsasabit ng mgaistrimer o balatengga, pagpinta opagsusulat ng mga islogan sa pader,pagdidikit ng mga poster atpahayag, pamamahagi ng mgapolyeto, at iba pa. Ilunsad angmga pulong-masa sa mga paaralan,komunidad, pagawaan at mgatanggapan upang magsilbing porumpara maipahayag ng masa angkanilang mga hinaing, pagkaisahinsila sa pagsusuri laban sa rehimengUS-Aquino at himukin na bagtasinang landas ng mga pakikibakangmasa.Hikayatin ang masmidya natumulong sa paglalantad ng tunayna kalagayan ng bayan. Padaluyinsa masmidya ang mga pahayag, samga pahayagan, radyo at telebisyon.Tumawag, mag-text, magtweetat mag-facebook sa layuningmapalaganap ang mensahe ng paglaban.Hikayatin ang mga estudyantena itransporma ang kanilang mgapaaralan bilang mga sentro para sapaglalantad ng tunay na kalagayanng bayan. Hikayatin silang pagaralanang tunay na kalagayan nglipunan sa pamamagitan ng pagbibigay-daansa mga campus tour ngmga tagapagsalita ng mga unyon,samahang magsasaka at mga asosasyonng mga anakpawis at maralitanglunsod. Hikayatin din angmga estudyante na lumahok sa mgaexposure tour sa mga komunidad opabrikang malapit sa kanilang mgakampus upang alamin ang "tunayna kalagayan ng sambayanang Pilipino."~4 Hulyo 7, 2011 ANG BAYAN

Desisyon ng Korte Supremasa Hacienda Luisita, hindi katanggap-tanggapMariing binatikos ng mga manggagawang bukidat magsasaka ang desisyon ng Korte Supremana magkaroon ulit ng reperendum sa HaciendaLuisita. Iniutos ng korte na pagbotohan ulit ng mgataga-asyenda kung mas gugustuhin nilang tumanggapng lupang mabubungkal o sapi sa Hacienda LuisitaInc. (HLI)."Kapag pinili namin ang lupa, babayaran naminiyan, at mapupunta rin sa pamilyang Cojuangco angibabayad namin. Win-win solution po ito sa pamilyangCojuangco. Sa amin, talo po talaga kami." Ganito angpagtingin ni Rodel Mesa, tagapagsalita ng Alyansa ngmga Magbubukid sa Hacienda Luisita (AMBALA), tungkolsa mandong reperendum ng Korte Suprema na ibinabanitong Hulyo 5.Napagkaisahan ng mga myembro ng AMBALA naiboboykot nila ang reperendum na iniutos ng KorteSuprema. Naging basehan ng desisyon ng korte angginawang hungkag na reperendum noong 1998 na sinang-ayunanng noo'y dilawang unyon. Sa reperendumna iyon, napasang-ayon ng pamilyang Cojuangco angmarami sa mga magsasaka na piliin ang stock optionplan sa halip na lupa sa pamamagitan ng panunuholat pananakot.Sa gayon, ang gagawing reperendum ay walangpagkakaiba sa maniobra ng pamilyang Cojuangco noong1989 at muli noong Agosto 2010 kung saan idinaansa mga reperendum na batbat ng anomalya atpanlilinlang ang pagsang-ayon ng mga magsasaka atmanggagawang bukid. Bahagi ito ng engrandeng planong mga Cojuangco-Aquino para hindi maipamahagiang lupa sa mga magsasaka.Pumapabor lamang ang desisyon ng Korte Supremasa administrasyon ng mga panginoong maylupa ni BenignoAquino III, batikos ni Rep. Rafael Mariano ngPartido Anakpawis. Malinaw sa desisyong ito na angKorte Suprema ay instrumento ng panlilinlang, pangaapiat pagsasamantala. Aniya, hindi mabibigyan ngkalutasan ng desisyong ito ang mahigit 50 taong suliraningagraryo sa Hacienda Luisita at bagkus ay gagatongpa ito sa mas matitinding pakikibakang agraryorito.Humantong sa madugong masaker ang welga saHacienda Luisita noong Nobyembre 2006 nang pagbabarilinng mga pulis, militar at armadong goons angmga nagpoprotestang magsasaka. ~"Saudization"at ang kontraktwalna migranteng PilipinoMalawakang tanggalan ng mga kontraktwal na manggagawang Pilipinosa Saudi Arabia: ito ang ibig sabihin ng patakarang "Saudization"na sinimulang ipatupad ng bansa noong Hulyo 2. Ang"Saudization" ay ang pagprayoritisa ng bansa sa kanilang sariling mgamanggagawa sa kapinsalaan ng mga trabaho ng mga kontraktwal namigranteng manggagawa roon. Pinapatampok nito ang pagkabangkaroteng labor export policy na sistematikong nagtutulak sa maraming Pilipinona magtrabaho sa labas ng bansa.Umaabot sa 350,000 Pilipinong"domestic helper" (DH) na nagtatrabahongayon sa bansang SaudiArabia ang apektado ng "Saudization".Dahil dito, tinataya ng mgaahensya sa rekrutment ng mgamigranteng manggagawa na aabothanggang 300,000 DH ang hindi namakapagtatrabaho sa susunod namga taon.Nakapako ang sweldo at apiang kalagayan ng mga Pilipinongkatulong sa Saudi. Marami sa kanilaay pinagtatrabaho nang mahahabangoras, hindi pinakakain atbinabusabos. Mayroong mga5kasong ginagawa silang mga alipingsekswal ng kanilang mga amo.Marami-rami sa kanila ang umuuwingnasisiraan ng bait, kundimanpatay na.Hindi pinapansin ng gubyernongSaudi ang anumang panawaganpara sa kagalingan at kapakananng mga Pilipino roon. Tumanggiitong ipatupad ang hinihinging$400 minimum na sahod para samga katulong na Pilipino. Tumanggirin itong tiyakin ang kanilangmga karapatan. Sa kabila nito,umaabot pa rin sa 30,000 hanggang50,000 bawat taon ang mgaPilipinong bumabalik sa SaudiArabia para magtrabaho.Walang ginagawang paghahandaang rehimeng Aquino para saluhinang mga migranteng mawawalanng trabaho. Sa halip, lalo paitong nagkukumahog na maghanapng mga pwesto sa ibang mga bansasa pag-asang hindi mawawalaang milyun-milyong dolyar naremitans ng mga migrante.Ang "Saudization" ay isalamang sa mga patakarang mangangahuluganng malawakangtanggalan ng mga kontraktwal namanggagawang Pilipino. Resultaito ng kasalukuyang krisis sa ekonomyaat mga sigalot sa pulitikasa buong Middle East. Habanglumalalim ang krisis sa kani-kanilangmga ekonomya at aktibongipinaglalaban ng sariling mgamanggagawa ang kanilang mgakarapatan sa trabaho at makatarungangsahod, tiyak na dadami angmga bansang magsasara ng kanilangmga pinto sa mga migrantengPilipino.Sa harap nito, dapat ibasura ngreaksyunaryong gubyerno ang laborexport policy at pagtuunan ng pansinang paglikha ng maraming lokalna trabaho. ~Hulyo 7, 2011 ANG BAYAN

Ang 4Ps at Oplan BayanihanAng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang programang pasipikasyon ng rehimeng US-Aquino. Pagsasakatuparan ito ngtinataguriang "conditional cash transfer program" ng World Bankna ipinatutupad sa iba't ibang bahagi ng mundo.Ang 4Ps ay kabilang sa pangunahingprograma ng gubyernongAquino. Sa panukalang badyet parasa 2012, maglalaan si Aquino ng`53.6 bilyon para sa 4Ps mula sa`34.3 ngayong 2011. Layuninumano nito na iahon sa kahirapanang tatlong milyong pamilya.Sa pamamagitan ng pamumudmodng pera kaakibat ng ilangprogramang pangkalusugan atpang-edukasyon, layunin nitonglikhain ang ilusyon na inihahatidng gubyerno ang serbisyo sa mamamayanat "muling makuha angtiwala" ng mga tao. Sa katunayan,tinatabunan lamang ng mga pasiklabna programang ito ang tunayna ugat ng kahirapan ng mamamayansa layuning pahupain ang kanilanggalit at ilayo ang atensyonnila sa paghahanap ng rebolusyonaryongsolusyon sa kanilangkaapihan.Ipinatutupad ng gubyernongAquino ang 4Ps katuwang ng OplanBayanihan (OPB). Marami saprayoridad na erya ng 4Ps ay prayoridaddin ng OPB.Sa Negros, halimbawa, inilatagkamakailan ng lokal na pamahalaanang Negros First DevelopmentAgenda (NFDA), na walang iba kundiang lokal na bersyon ng 4Ps atiba pang programang palimos ngrehimeng Aquino. Ang nagpapatupadnito ay si Gov. Alfredo Marañon,isang despotikong kumpradorpanginoongmaylupa at burukrata,na siya ring tagapagpatupad ngmadugong Oplan Bantay Laya sailalim ng rehimeng Arroyo, at isangayon sa pangunahing tagatulakng Oplan Bayanihan ngrehimeng Aquino. Ginagamitni Marañon ang kanyangupi-sina para pakilusinang mgaahensya nggubyerno atgamitin angpondo para samga operasyon ng militarat pulis laban sa mga rebolusyonaryongpwersa at ligal nademokratikong kilusan.Binuo ni Marañon ang NegrosIsland Peace and Order Council oNIPOC bilang sentro ng mga operasyongsibil-militar sa kabuuan ngisla. Nakaupo sa konsehong ito angmatataas na upisyal ng militar atpulis at binuhusan ito ng pondo.Nagpapatupad ito ng mga programangmapaniil at militarista sangalan ng "kaunlaran" at "kontrakahirapan."Sa Leyte, pinalawak kamakailanang saklaw ng 4Ps mula 10 munisipalidadtungong 22 munisipalidad.Katuwang sa pagpapatupad nito atiba pang proyektong "pangkaunlaran"at "kontra-kahirapan" ang SamarIsland Partnership for Peaceand Development (SIPPAD) napinatatakbo ng matataas na upisyalng 8th ID. Kasama sa itinutulakng SIPPAD ang paglalatag ngbinansagang "kalsada para sa gera"na tatagos sa magkabilang bahaging isla. Malaon nang prayoridad ngAFP ang Samar.Sa isla ng Panay, mas garapalang paggamit ng 4Ps para supilinat gawing pasibo ang mamamayan.Ayon sa PAMALAKAYA, isang progresibongorganisasyon ng mgamangingisda, mahigpit na ipinagbawalsa mga benepisyaryo ng 4Psang pagsali sa mga samahangbumabatikos at lumalaban sa rehimengAquino. Binalaan ang mgaresidente roon na tatanggalin angkakarampot na limos namatatanggap nilakung sasali sila saBAYAN at iba pang progresibongorganisasyon. Tahasang pagsikilito sa mga karapatang sibil ng mgaresidente roon.Sa Northeast Mindanao, angpagpapatupad ng 4Ps ay pinamamahalaanmismo ng mga sundalo.Ginagamit ng AFP ang 4Ps paramagpatawag ng mga pulong sabaryo. Probisyon ng 4Ps na dapatdumalo sa pulong ang 85% ng mgatarget na "benepisyaryo". Isasailalimdin sa imbestigasyon ang mgaresidenteng gustong pumaloob saprograma kaya't nagagamit ito ngmga sundalo para sa pagkalap ngdatos paniktik.Sa Palawan at ilang bahagi ngMindoro, ginagamit ng DSWD angmga asembleya para sa 4Ps paragipitin ang mga aktibidad ng mgaprogresibong organisasyon. Mayilang pagkakataon nang sadyangisinasabay ng DSWD ang kanilangmga "asembleyang pangkomunidad"at iba pang "sesyong pampamilya"para hindi makadalo sa mgapulong at aktibidad ng mga progresibongorganisasyon ang mga residente.Hindi bago o orihinal sa rehimengAquino ang paggamit ng 4Psat iba pang mga hungkag na programangpanlipunan bilang instrumentong pasipikasyon. Noong2003, binuo ng rehimeng Arroyoang Salaam (Special Advocacy onLiteracy/Livelihood Advancementfor Muslims) Soldiers katuwangang KALAHI-CIDSS. Ang KALAHI-CIDSS ay isang organisasyongnakakabit sa 4Ps . Marami sa mgamyembro ng Salaam Soldiers aymga sundalo at/o dating myembrong MILF o MNLF na noo'y aktibo nasa AFP.Sa papel, bahagi diumano ngmga tungkulin ng Salaam Soldiersang paghahatid ng mga serbisyongsosyal at medikal, kasabay ng pagmamantineng kapayapaan atkaayusan sa kani-kanilang mgakomunidad. Pero ayon na mismo saAFP, ang mga operasyon ng SalaamSoldiers ay hindi naiiba sa mgaoperasyon ng kanilang mgaSpecial Operations Team (SOT).Partikular na ipinagmalaki ngtagapamahala ng DSWD sa lugarna "nakabenepisyo" ang mga kamag-anakng mga kasapi ng BagongHukbong Bayan at MoroIslamic Liberation Front. ~ANG BAYAN Hulyo 7, 2011 6

Mga engkwentrosa North CotabatoTaliwas sa ibinabalita ng mga tagatambol ng Armed Forces of thePhilippines (AFP), nagtamo ito ng 16 na kaswalti habang walang kahitisang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) angnapatay o nasugatan sa serye ng mga engkwentro sa Barangay Malasila atBarangay Luayon sa Makilala, North Cotabato noong Hunyo 15, 16 at 17.Ayon sa pahayag ni Ka MacarioDilaab, tagapagsalita ng Mt. AlipOperations Command ng BHB sa FarSouth Mindanao Region, hindibababa sa pitong bangkay angagad na isinakay sa helikoptermatapos ang mga engkwentro. Itoay batay sa nakita at direktangnaobserbahan ng mga isnayper ngBHB na nakapusisyon sa mas mataasna lugar. Batay din sa mga maaasahangulat, 16 ang aktwal naMATATAGUMPAY NA TAKTIKAL NA OPENSIBAkaswalti sa panig ng PhilippineArmy, karamihan mga regular nasundalo ng 57th IB, 40th IB at39th IB bunsod ng isang misencounter`sa pagitan ng mga nagooperasyongtropa.Lubhang nalito at disorganisadoang mga pasistang tropa kayasila mismo ang nagbarilan habanginoobserbahan lamang sila ng mgaisnayper ng BHB.Matapos na maisakay sa helikopterang mga kaswalti ng militar,inianunsyo ni Lt. Col. GaudencioAsto, tagapagsalita ng 6thID, na nakapatay sila ng apat nakasapi ng BHB. Pinangalanan paniya ito na sina Alexander Selano,Miguel Ocsio, isang KumanderSammy at isa pang hindi nakikilalangtao. Pero ang totoo, ang mgabinanggit ay mga ordinaryongtagabaryo at hindi mga kasapi ngBHB. Nagkataon lamang na sila aymalapit sa lugar na pinangyarihanng engkwentro at misencounter.Hindi rin sila napatay o nasugatanman lamang.Para tabunan ang kanilangkahihiyan, binomba at inistrapingng mga eroplanong "Tora-Tora" angmga baryo ng Makilala at pwersahangginawang mga giya ang mgatagabaryo sa kanilang mga operasyongmilitar. ~Mga problema at anomalyang 4Ps sa PalawanSa bawat antas ng pagpapatupad ng 4Ps, may anomalya.Ito ang iniulat ng mga residenteng sumailalimsa programang ito. Isang halimbawa ang natuklasangmga anomalya sa isang bayan sa Palawan. Sabayang ito, inireklamo ng mga residente na maguloang proseso ng pagtutukoy ng mga benepisyaryo.Ayon sa isang itinalagang lider ng komunidad,hindi mga maralita ang nakalista kundi mga taongmalapit sa mga lokal na upisyal. Ang iba sa kanila aymay mga regular na trabaho, kundiman mga empleyadomismo ng munisipyo. Laganap ang sistemangpadrino at dahil dito, kakarampot lamang sa tunay namaralita ang nakakakuha ng benepisyo.Hindi naaabot ng sarbey ang malalayong bahay sanaturang bayan, kung saan nakatira ang karamihan sapinakamahihirap. Kapag ang isang residenteng tinukoyna benepisyaryo ay hindi nakatutupad ng mgarekisito, kahit totoong mahirap ang kanyang pamilyaay ipinapasa ang kanyang mga benepisyo sa mga "filler"o pampunong pangalan. Marami sa mga pangalangito ay nanggagaling sa munisipyo at lantarangisinasama ng mga pulitiko.Sa isang sityo, hindi lahat ng mga nakalistangbenepisyaryo ang nabigyan ng pondo. Ang ilan sakanila ay isang beses lamang nakatanggap ng subsidyo.Ang iba pa ay nakakuha ng kalahati o kulang saipinangangalandakang halaga. Hindi sulit sa ibangmga residente ang kakarampot na pondo, lalupa't angiba sa kanila ay kailangan pang mamasahe para makaratinglamang sa munisipyo. ~Puro salita, walang gawaMatapos ang isang taon sa panunungkulan,wala pa ring ginagawa ang rehimengAquino para kasuhan, litisin at parusahan sinaGloria Arroyo at kanyang mga alipures.Hanggang salita lamang si Aquino sa kanyangpagkundena sa mga kaso ng korapsyon ng nagdaangrehimen.Kabilang dito ang pinakahuling anomalyasa paggamit ni Arroyo ng pera ng PCSO na animo'ypribado niya itong pondo. Matapos angpaulit-ulit na mga imbestigasyon, wala pa niisang kasong kriminal ang nakasampa labankay Arroyo.Habang nagtatagal, lalong nagiging malinawna ginagawa lamang na tampulan niAquino ang dating presidente para pagtakpanang kainutilan at pagkabangkarote ng sarilingrehimen. Nagpapatawag ito ng mga imbestigasyon,pero wala itong ipinakikitang interes nadalhin sa korte ang mga nahahalungkat na kaso.Nagiging matingkad ang pangungutya ni Aquinokay Arroyo laluna sa mga panahong lumalawakang disgusto sa pagpapatakbo niya sa gubyerno.Sinalamin ang kawalang-aksyon ni Aquinosa pinakahuling sarbey ng Pulse Asia na isinagawanoong Mayo 21-Hunyo 4. Ayon dito,39% lamang ng mga Pilipino ang sumasangayonsa mga ginagawa ni Aquino habang 40%lamang ang naniniwala na mababawasan niyaang tantos ng karalitaan at talamak na korapsyonsa bansa. ~ANG BAYAN Hulyo 7, 20117

MATATAGUMPAY NA TAKTIKAL NA OPENSIBALider ng armadong kulto,napatay sa tsekpoynt ng BHBNapatay ng mga Pulang mandirigma ng Conrado Heredia Command-Bagong Hukbong Bayan (CHC-BHB) si SPO3 Benjamin Langbid,isang elemento ng CARAGA Regional Intelligence Division ng PhilippineNational Police (PNP) at isa ring pusakal na lider ng pribadonghukbo na tinatawag na Philippine Prayer for Peace of the Holy SpiritIncorporated (PPPHSI). Nangyari ito noong Hunyo 23, bandang alas-7 ngumaga sa tsekpoynt ng BHB sa pambansang haywey sa Purok 7, BarangayPasian, Monkayo, Compostela Valley.Kasama ni Langbid na nasabatsa tsekpoynt ang kanyang kanangkamay na si Romeo Casas, na isaring kasapi ng PPPHSI at pusakalding elemento ng Barangay IntelligenceNetwork (BIN). Imbes namagsalong ng kanilangmga armas ay nagpaulanpa ng mga putok satsekypont ng BHB si Casas.Bunsod nito ay napilitanggumanti ng putokang BHB at napatay sinaLangbid at Casas.Nakumpiska ng BHBsa kanila ang isang babyM16 at apat na pistola,ayon kay Ka Roel Agustin III, tagapagsalitang CHC-BHB.Si Langbid ay katiwala rin niJosefina "Pina" Palma-Paulo, angkilalang "supremo" ng PPPHSI, nanakabase sa Bislig City, Surigao delSur. Pinamunuan ni Langbid ang60-kataong armadong kulto nakaramihan. Kalahati ng pwersangito ay mga regular nasundalo ng 75th IB.Ang kultong ito aynag-oopereyt ng isang3,000 ektaryang minahanng karbon sa BarangaySan Jose at Pamaypayansa BisligCity. Sangkot din samalakihang pagtrotrosoat pangongotongang grupong ito sa Bislig City, Lingig,Surigao del Sur at Trento,Agusan del Sur.Upang maprotektahan ang mgainteres na ito, pwersahang pinalayasng PPPHSI ang mahigit 60pamilyang magsasaka sa San Joseat Pamaypayan. Ninanakaw ngarmadong kultong ito ang mgahayop ng mga magsasaka at dinadahasnila ang mga residente parasapilitan nilang iwan ang kanilangproduktibong lupain. Hinaharas atpinagbabantaang papatayin angmga upisyal ng barangay na nagpetisyonkontra sa pang-aagaw ng lupaat pananakot ng kulto.Katulad ng dinisenyo ng US na"low intensity conflict counterinsurgency"noong panahon ni CorazonAquino, ginagamit din ngayonng anak niyang si BenignoAquino III ang mga armadongpanatikong sekta tulad ng PPPHSIsa pagpapatupad ng Oplan Bayanihan,ayon sa CHC-BHB.Samantala, isang M16 angnasamsam ng mga kasapi ng WilfredoZapanta Command ng BHB nangsalakayin nila ang police outpostng Mati Bus Terminal sa Mati,Davao Oriental noong Hunyo 7. Napataysi PO3 Alfredo Salva nanglumaban siya sa mga gerilya. IsangPulang mandirigma naman angnagbuwis ng buhay sa operasyongito. ~Mga aksyong harasment, inilunsad sa NegrosNaglunsad ng mga koordinadong aksyong harasment ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command (LPC-BHB-Negros) laban sa binansagang "Killer Battalion"na 11th IB.Hinaras ng mga yunit ng BHB ang tatlong detatsment sa Negros Oriental at isa pa sa Negros Occidentalbandang alas-12 ng madaling araw noong Hunyo 13. Kasabay nito, nagsagawa rin ang ibang yunit ngmga tsekpoynt sa pambansang haywey ng Negros Oriental at Negros Occidental noong araw na iyon. Layonnilang harangin ang mga sundalo at kriminal na may mga utang na dugo sa bayan at yaong may mga"standing warrant of arrest" mula sa hukumang bayan.Walang lumabas o nagresponde man lamang na mga sundalo ng AFP at PNP mula sa malalapit na kamposa takot na masangkot sa labanan, ayon kay Ka JB Regalado, tagapagsalita ng LPC-BHB.Bago ang mga aksyong militar na ito, nagsagawa noong Hunyo 12 ang mga kasapi ng PambansangKatipunan ng Magbubukid (PKM) ng "noise barrage" at "bonfires" sa ilang mga baryo, bayan at lunsodng Central Negros. Lumahok sa mga koordinadong aksyong ito ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan(KM) na nagpaskil ng mga poster at nagpinta ng mga rebolusyonaryong islogan sa mga bayan at syudad.Sa pagpapakilos ng ilang daang regular na kasapi ng hukbong bayan, milisyang bayan at yunit pandepensasa sarili sa ilalim ng LPC-BHB, naipakita ang sistematiko at mas planadong mga maniobra ng Pulanghukbo na may suporta ng ilang libong baseng masa. Nagulat at hindi nakakilos ang AFP at PNP samga koordinadong aksyong ito sa kabila ng paglulubid ni Col. Jonas Sumagaysay, assistant commandingofficer ng 3rd ID, ng mga di kapani-paniwalang kwento na babagsak na umano ang rebolusyonaryong kilusansa isla ng Negros. ~8 Hulyo 7, 2011 ANG BAYAN

61st IB, berdugoNapilitang ilipat sa Panay ng 3rd Infantry Division ng PhilippineArmy ((3rd ID-PA) ang berdugong yunit nito na 61st IB bunsod ngmatinding protesta ng mamamayan sa Negros laluna ng mga magsasaka,manggagawang bukid, relihiyoso at iba pang mga demokratikongsektor. Dahil sa madugo nitong rekord sa paglabag sa karapatang-tao,isinailalim umano ito sa "retraining" at "reorientation" para umano pahalagahanang karapatang-tao.Gayunman, ilang buwan palamang sa Panay ay lumabas na angtunay na katangian nito bilangkaaway ng mamamayan. Ipinapakitaito ng ilang insidente sa CentralPanay.Isa na rito ang matagal nanginirereklamong ilang buwang paglalaging mga tropa ng 61st IB sasentro ng intermedya at mabundokna mga barangay ng Tapaz, Capiz.Ginagamit nilang mga pananggalango human shield sa labanan angmga mamamayan.Noong Mayo, nagpaputok nangwalang direksyon ang mga lasingna sundalo sa Barangay Roosevelt,Tapaz. Patuloy din ang paghahasiknila ng lagim at saywar sa mgamamamayan para sirain ang kanilangpagkakaisa at pakikibaka parasa kanilang mga karapatan.Pinaiiral ng mga sundalo angbulok na kultura sa mga barangay.Noong Mayo, nagdala ang mgatropa ng 61st IB ng bayarang mgababae sa Barangay Roosevelt atibinugaw sila sa ilang mamamayan.Pagpapatuloy lamang ito ngdating ginagawa ng pinalitannitong 47th IB. Tuluy-tuloy angpagpapanood ng malalaswangpelikula sa mga bata kahit sinasabihanng mga magulang ang militarna huwag itong gawin.Dumami ang mga krimen sa mgabarangay. Nang pumalit ang 61st IBsa 47th IB noong 2011, humimpilPANANALANTA NG PASISTANG ESTADOito sa Barangay Roosevelt. Mulanoon ay maraming kalabaw na anginiulat na nawawala.Instrumento rin ang 61st IB sapatuloy na pang-aagaw sa lupangninuno ng mga Tumandok. Ginagamitdin sila bilang pwersang panseguridadsa proyektong dam saJalaur River at sa pagmimina ngTeresa Marble na sumasaklaw samga mabundok na mga barangayng Tapaz, Capiz at Calinog.Walang pagkakaiba ang berdugong61st IB sa abusadong 47thIB, ani Ka Jurie Guerrero, tagapagsalitang Jose Percival EstocadaJr. Command ng BHB sa CentralPanay.Kaya hindi kataka-taka kunglabanan sila ng mamamayan.Gamit ang shotgun, pinaputukanng ilang galit na sibilyan angmga tropa ng 61st IB na nakapwestosa covered gym ng Barangay Rooseveltnoong Hunyo 12 bandangalas-9 ng gabi. Nasugatan sa bintisi Corporal Pagurayon. Dalawampungminutong nagpaputok angmga sundalo sa direksyon ng mgabahay ng mga residente. ~AFP, salot sa mga bataWalang pakundangan ang paglabag ng AFP sa mga karapatan ngmga bata sa buong bansa. Pinagtatakpan nila ang mga krimengito sa pamamagitan ng paninira sa Bagong Hukbong Bayan(BHB) at rebolusyonaryong kilusan.Noong Hunyo 26, tatlong bataang iligal na inaresto at idinetineng 401st Bde sa San Agustin, Surigaodel Sur. Pinalabas ng militarna mga "batang sundalo" ng BagongHukbong Bayan ang tatlo atinutusan silang maglatag ng landmine sa daan. Ito ay matapos ambusinng isang tim ng BHB angpinagsanib na pwersa ng 29th,36th at 75th IB gamit ang isangcommand-detonated explosive noongaraw ding iyon. Dalawa angnapatay at marami ang nasugatangsundalo sa pananambang. Angnaturang mga pwersa ay isang buwannang naglulunsad ng mga operasyongmilitar sa ilalim ng hungkagna Community Organizing forPeace and Development (COPD) ngOplan Bayanihan. Sa buong panahonna ito, pitong beses silangANG BAYAN Hulyo 7, 2011nabigwasan ng BHB.Ang totoo'y arbitraryongdinampot ng mga sundalo ang tatlongbata habang nagsasagawa silang operasyong militar sa Hanipaan,San Agustin. Kasama noonng mga bata ang kanilang ama atisa pang kamag-anak. Dahil sa pinsalanginabot ng mga sundalo saaktibong pagdepensa ng BHB salugar, at dahil din sa matibay atmilitanteng paninindigan ng mgaresidente laban sa panlilinlang ngAFP, itinuring ng mga sundalo anglahat ng mga residente roon, bataman o matanda, bilang mga myembrong BHB. Wala silang pili sapang-aaresto, pagkulong at kahitpagpatay. Para mailusot ang kanilangmga pang-aabuso at krimen,idineklara nilang "batang sundalo"o mandirigma ang mga bata,pinagbuntunan ng galit at sa proseso’ysiniraan ang BHB.Labag sa patakaran ng BHB angtumanggap ng mga menor de edad.Sa kabilang banda, napatunayan ngBHB ang paggamit ng AFP ng mgawala pa sa edad sa kontra-rebolusyonaryongdigma. Noong Hunyo 7,isang 16-anyos na elemento ngCAFGU ang napatay sa isang sagupaansa Lianga, Surigao del Sur.Samantala, isang 15-taonggulang na babae ang ginahasa ngtatlong elemento ng PresidentialSecurity Guard (PSG) noong Hunyo21. Si Rose (di tunay na pangalan)ay ibinugaw ni Barangay ChairmanAngelo Murillo sa mga sundalo ngPSG.Ayon sa salaysay ni Rose,ginahasa siya ng isang S/Sgt. WalterCandelaria at dalawa pa niyangkasamahan sa loob mismo ngbaraks ng PSG. Mariing kinundenang mga progresibong organisasyonang krimen at ipinanawagankay Aquino na imbestigahan angkanyang mga tauhan at parusahanang mga mapatunayang nagkasala.~9

Pangangamkam ng lupasa IsabelaIba't ibang ahensya ng gubyerno ang nagsasabwatan para sistematikongagawan ng lupa ang mga magsasaka sa iba't ibang bayan ngCentral Isabela. Sangkot sa sindikatong ito ang iba't ibang upisyal ngDepartment of Environment and Natural Resources (DENR), Departmentof Agrarian Reform (DAR), Registry of Deeds at Land Bank of thePhilippines (LBP). Sinasakyan ngayon ng negosyong bio-ethanol ang sabwatangito para lalong mapalawak ang lupang pwede nitong kamkaminpara tamnan ng tubo.Unang panloloko ng gubyernoang pagdedeklara ng DENRna may malalawak nalupaing tiwangwang atabandonado, partikularsa San Mariano, Isabelana sesentruhan ng proyektongbio-ethanol. Angtotoo'y halos bawat sulokna ng San Mariano napwedeng tamnan ay produktibona sa palay, mais,pinya at gulay. Ayon namismo sa estadistika ngestado, 33,262 ektarya sabayang ito ay agrikulturalnoong 2003 at 14,927 ektarya ohalos 45% dito ay maisan. Subalitsadyang mali ang klasipikasyon ngDENR sa lupa para bigyang-matwidang pagpapasaklaw dito sa GreenFuture Innovations, Inc. (GFI),isang kumpanya sa bio-ethanol napag-aari ng sosyong Japanese,Taiwanese at Pilipino. Nakipagpirmahanang GFI sa gubyernongpanlalawigan ng Isabela noong2006 para magtanim ng tubo atmagtayo ng planta ng bio-ethanolsa lupang sasaklaw sa 11,000 ektaryasa 17 barangay ng CentralIsabela. Ang bio-ethanol ay gagamitinpara lumikha ng kuryente.Batay sa produksyong 125,000litro bawat araw o 54 milyong litrobawat taon, ang GFI ang magigingpinakamalaking prodyuser ng bioethanolsa buong bansa. Magigingganap na ang operasyon nito pagsapitng 2012. Subalit ngayon palamang ay nararamdaman na ngmga residente ng Central Isabelaang mapangwasak na mga epektonito.Ang Isabela ang pinakamalakingprodyuser ng mais at ikalawasa pinakamalaking prodyuser ngpalay sa bansa. Ngayo'y nanganganibnang mawala ang katanyagangito ng lalawigan sa pagpasok ngGFI dito.Sinasabi rin ng DENR sa mgamagsasaka ng San Mariano namga “protektadong erya” angmga lupaing malaonna nilang nililinang.Subalit lingid sa kanilangkaalaman ay ipinauupana pala ng DENRsa malalakingkorporasyongagribisnestulad ng GFI ang mgalupaing ito.Sarisari ring panlilinlangang ginagawa ngGFI sa mga magsasaka para makuhaang kanilang lupa. Ang mgapumapayag na gawing tubuhan angkanilang lupa ay pinangangakuanng `20,000 upa bawat taon. Maymga kumakagat dito dahil samatinding pangangailangan, subalitnalalaman na lamang nilang ibinagsakna pala ng GFI ang upa sa`5,000 bawat taon. Dahil dito,maraming mga magsasakang datingnakatitindig sa sarili ang nagmistulangpulubi at wala nang matamnanman lamang ng gulay para sapersonal na konsumo.Sa iba namang kaso, sadyanghindi inaaprubahan ang mga aplikasyonng mga magsasaka paramatitulohan ang kanilang lupaupang malapitan sila ng mga“fixer” na mag-aalok ng “tulong.”Ang mga lumalapit na ito ay mgagalamay ng sindikato.Libre umano nilang ipapasurbeyang lupa at ilalakad ang mgapapeles. Malalaman na lamang ngmga magsasaka na sa pangalan napala ng ibang tao inirehistro anglupa. Agad namang idedeklara ngsindikato na “boluntaryong ipinagbibili”ng rehistradong may-ari angnaturang lupain.Kapag naibenta ang lupa aytatanggap ng `70,000 bawat ektaryao `546,000 bawat 7.8-ektaryangparsela ang mga huwad namay-ari ng lupa na karaniwangkonektado sa DAR at sa RegionalLand Bank. Ang mga magsasakangnaghahabol ay binabayaran ng`2,000 hanggang `5,000 paramanahimik na lamang.Pwede ring biglang ideklara ngLand Bank na nakapailalim sa CLOAang lupa ng mga magsasaka atmagkakautang sila ng `35,000bawat ektarya o `273,000 bawatparsela, bukod pa sa interes, sasusunod na 30 taon. Dahil hindi itokayang bayaran ng karamihan ngmga magsasaka, naiilit ang kanilanglupa at ibinebenta.Sa dalawang kasong ito ay parehongnapupunta sa GFI ang karamihanng mga parselang ibinebenta.Daan-daang magsasaka na,kabilang ang mga pambansangminorya, ang nabibiktima ng sindikatongito.Para masikil ang sinumangtumututol sa mga pang-aabusongito, tuluy-tuloy na tinatambakanng mga sundalo ang mga lugar nasaklaw ng proyektong bioethanol attinatayuan ng dagdag na mgakampo militar. Tinatakot at dinadahasang mga tumututol, at ang ilanay tahasang inaakusahang mgamyembro ng Bagong HukbongBayan. Bukod dito, tinatanggalang kanilang mga pangalan sa mgamaaaring maging benepisyaryo ngPantawid Pamilyang PilipinoProgram (4Ps) at hindi binibigyanng patunay na sila ay mahihirappara hindi sila makakuha nglibreng serbisyong panlipunan.“Nawawala na sa mga magsasakaang kanilang lupa, kabuhayan atkanilang buhay mismo dahil saproyektong ito,” ayon kay DionyYadao, isang magsasaka at lider ngDanggayan Dagiti Mannalon tiIsabela (DAGAMI). na kaanib ngKilusang Magbubukid ng Pilipinas.“Hindi namin makain ang tubo, athindi rin namin ito maibenta. Angmga lupang agrikultural na datingtinatamnan ng palay, mais at gulayay mga tubuhan na ngayon, atwalang anumang pakinabang ditoang mga magsasaka. Mula sa pagigingmga magsasaka, nagiging mgakasamá na kami at bulnerable sapang-aabuso.” ~10 Hulyo 7, 2011 ANG BAYAN

BALITAAFP, binatikos ng LFSMARIING binatikos ng League of Filipino Students(LFS) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahilsa pahayag nito na ang LFS ay kabilang sa mga organisasyongdapat daw pakaiwasan ng mga estudyantedahil nagrerekluta umano ito ng mga kasapi na magigingrebelde.Ayon sa tagapangulo ng LFS na si Terry Ridon, iresponsableat mapanganib ang pahayag ng AFP.Kanilang pananagutin si Brig. Gen. Ernesto delRosario, hepe ng AFP-Civil Relations Service (CRS),kapag may pinaslang sa hanay ng mga kabataangestudyantebunsod ng pahayag na ito.Magsasampa rin ang LFS ng kasong administratiboat libelo laban sa naturang upisyal-militar.Batay sa mga karanasan sa ilalim ng Oplan BantayLaya (OBL), tuwing nagpapalabas ng gayong mgapahayag ang militar ay may napapaslang o dinudukotna mga lider at aktibistang masa, ani Ridon.Sinabi ng LFS na hindi ito naniniwala na ang ipinagmamayabangng gubyernong Aquino na OplanBayanihan ay kakaiba sa madugong OBL. Katunayan,anito, nagpapatuloy sa ilalim ng rehimeng Aquinoang mga pang-aatake sa kabataang-estudyante ngmga mananambol ng gera tulad nina General DelRosario.Pag-aalsang Greek, pinuri ng ILPSPINURI ng International League of Peoples Struggles(ILPS) ang Union of Working People, isang myembrongorganisasyon nito, sa pamumuno nito sa kilusangmasang nilahukan ng mahigit 500,000 mamamayan saSyntagam Square noong Hunyo 5. Pinanawagan ngmamamayang Greek na patalsikin ang mga nasa kapangyarihanna nagpapatupad ng anti-manggagawa atanti-mamamayang mga patakaran.Nakiisa ang ILPS sa mamamayang Greek at nanawagansa 300 myembrong organisasyon nito sabuong mundo na ipakita ang pakikiisa at pagsuportasa mamamayang Greek sa kanilang pakikibaka labansa mga hakbang sa pagtitipid at sa kanilang pangmatagalangpakikibaka para makamit ang tunay nademokrasya at pambansa at panlipunang kalayaan.Bukod sa mga nagtipon sa Syntagam Square, libulibopa amg nagtipon sa mga pampublikong parke sa30 iba pang lunsod para ipamalas ang kanilang galitsa mga hakbang sa pagtitipid.Ang Greece ay isa lamang sa mga kapitalistangbansa sa Europe na matinding natamaan ng pampinansyaat pang-ekonomyang krisis na bumabayo sakapitalistang sistema ng buong mundo mula pa noong2008. Pangunahing dahilan dito ang paggigiit ng mgaburgis na gubyerno na ipatupad ang mga neoliberal napatakaran.Bukod sa Greece, ang iba pang mga bansangmatinding tinamaan ng krisis ay ang Portugal, Italy,Ireland at Spain.ANG BAYAN Hulyo 7, 2011Kilos-protestasa US Embassy, binuwagMARAMI ang nasaktan sa mga raliyista nangmarahas na buwagin ng mga pulis ang kilosprotestana inilunsad ng Bagong AlyansangMakabayan (BAYAN) sa harap ng US Embassy saRoxas Boulevard, Pasay City nitong Hulyo 4kaugnay ng Fil-American Friendship Day.Mahigit 200 raliyista ang nagmartsa patungongUS Embassy para batikusin ang hindipantay na relasyon ng gubyernong US at nggubyernong Pilipinas. Kanila ring ipinanawaganang pagbasura sa Visiting Forces Agreement(VFA) na anila'y ginagawang dahilan lamangpara manatili sa Pilipinas ang mahigit 700 tropangAmerikano.Ang marahas na pagbuwag sa mgademonstrador, ayon kay Renato Reyes Jr, pangkahalatangkalihim ng BAYAN, ay nagpapatunaylamang na si Benigno Aquino III ay walang pagkakaibasa sinundan niyang presidente na siGloria Arroyo. Walang pangingimi umano angmga pwersang panseguridad nito na buwaginang anumang demokratikong pagtitipon paralamang ipakita ang pagkatuta nito sa imperyalismongUS.Mga obispo, kongresman,sangkot sa anomalya ng PCSOKINILALA sa pagdinig ng Senate Blue RibbonCommittee noong Hunyo 29 ang ilang obispo atpari ng Simbahang Katoliko na nakatanggap ngmga mamahaling sasakyan mula sa PhilippineCharity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahonng rehimeng Arroyo.Ayon sa direktor ng PCSO na si Atty. AletaTolentino, dalawang Sports Utility Vehicle o SUVang natanggap ni Bishop Juan de Dios Pueblossamanatalang nakakuha ng tig-isang SUV sinaRev. Orlando Quevedo ng Cotabato, Msgr.Augusto Laban ng Sorsogon at Fr. Roger Lood ngIligan City. Nailista ring binigyan angZamboanga Archdiocesan Social ActionApostolate, Diocese ng Banqued (Abra),Prelature ng Isabela (Basilan), ApostolicVicariate ng Bontoc at Caritas ng Nueva Segoviana sumasakop hanggang Ilocos Sur.Ayon sa batas, mga ambulansya lamang athindi mga mamamahaling sasakyan ang pwedengipamahagi ng PCSO.Pagdating naman sa mga ambulansya,napakalaking bilang ang tinanggap ng mga alyadoni Arroyo. Pitong gubernador ang nangungunasa listahan: Loreto Campos ng MisamisOccidental at Sally Lee ng Sorsogon (20), JoeySalceda ng Albay (14), Bellaflor Angara-Castillong Aurora (13), Enrico Aumentado ng Bohol (12)at Oscar Moreno ng Misamis Oriental (11).11

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng PilipinasPinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoTaon XLII Blg. 13Hulyo 7, 2011www.philippinerevolution.orgEditoryalLabanan ang panghihimasok ngimperyalismong US sa South China SeaDapat puspusang ilantad at labanan ng mamamayangPilipino ang pakana ng US na sulsulanang kaguluhan sa South China Sea sa pagitanng Pilipinas, China at iba pang bansang umaangkin sakabuuan o bahagi ng Spratly Islands. Walang ibanglayunin ang panghihimasok ng US kundi ang bigyangmatwidang pagpakat ng mga pwersang militar nito sarehiyon sa ngalan ng "pagtatanggol sa kasarinlan ngPilipinas."Dapat ding puspusang ilantad at labanan ng sambayananang pagpapagamit ng rehimeng Aquino saimperyalistang amo nito na gatungan ang gulo saSpratlys. Sa udyok ng US, ginagatungan ng rehimengAquino ang apoy ng tunggalian sa Spratly Islands sapamamagitan ng mga agresibo at mapang-upat napahayag at hakbangin laban sa China. Layunin niyonna bigyang-matwid ang "paghingi ng tulong" mula saUS gamit ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng US atPilipinas at sa gayo'y bigyang-daan ang US na magpakatng mga kagamitan at tauhang militar nito sa rehiyon.Sa balangkas ng MDT, ginagawa ng US ang"modernisasyon" ng Armed Forces of the Philippines(AFP) sa pamamagitan ng pagbenta at pagpapauparito ng mga kagamitang militar. Angpag-aarmas sa AFP ay bahagi ng pagpapalakasng presensyang militarng US sa South China Sea. Angtotoo, ang AFP ay nagsisilbingpyesa lamang salarong chess na ginagalawng US alinsunodsa estratehiyangmilitar nito. Gamitpa rin ang MDT,tuwirang nakapagpapakatangmilitar ng US ngmga pwersa nitosa rehiyon gamitang tinaguriang"joint exercises." Kabilang dito ang magkasanib naoperasyong nabal na isinagawa ng militar ng US at Pilipinasnitong Hunyo sa baybayin ng Palawan sa SouthChina Sea.Ang gayong mga hakbangin ng imperyalismongUS ay umaalinsunod sa layunin nitong "magpamalasng kapangyarihan" sa South China Sea. Pinakalayuninnito na tiyaking patuloy nitong makokontrol angmahalagang internasyunal na rutang pangkalakalangito, katulad ng pagkontrol din ng US ng mga rutangpangkaragatan sa iba pang panig ng mundo sa pamamagitanng pagmamantine ng presensyang militar nitosa mga estratehikong rehiyon. Sa imperyalistangpangangatwiran ng gubyernong US, inaangkin nitoang natatanging kapangyarihan at karapatang kontro-Mga tampoksa isyung ito...Maghanda sa SONAPAHINA 4Ang 4Ps at OplanBayanihanPAHINA 6Pangangamkamng lupa sa IsabelaPAHINA 10

Mga tuntunin sa paglilimbag1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa masmapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine onaglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.2. Pag-print sa istensil:a) Sa print dialog, i-check ang Print as imageb) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper sizek) I-click ang Propertiesd) I-click ang Advancede) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scalingd) Ituloy ang pag-print3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumangproblema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email saangbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!