30.11.2012 Views

Pilipino - The Philippine Revolution Web Central

Pilipino - The Philippine Revolution Web Central

Pilipino - The Philippine Revolution Web Central

SHOW MORE
SHOW LESS

Transform your PDFs into Flipbooks and boost your revenue!

Leverage SEO-optimized Flipbooks, powerful backlinks, and multimedia content to professionally showcase your products and significantly increase your reach.

Editoryal

Mga tampok

sa isyung ito...

ANG

Kilos-protesta

ng mga kabataan,

binuwag PAHINA 4

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Pagkaisahin ang mamamayan

laban sa digmang mapanupil

ng rehimeng US-Aquino

D uguan

na ang "tuwid na daan" ng rehimeng

US-Aquino matapos ang isa't kalahating taon

lamang nito sa poder . Kabi-kabila ang

mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao bunsod

ng inilulunsad nitong digma laban sa bayan. Hindi

kayang pagtakpan ng bukambibig na "kapayapaan"

at "paggalang sa karapatang-tao" ni Benigno

Aquino III ang kalupitan ng mga armadong

tauhan ng kanyang rehimen

laban sa mamamayang

Pilipino.

Pagkaluklok pa lamang

niya sa poder, inatasan na

ni Aquino ang Armed Forces

of the Philippines

(AFP) at Philip-

Tagumpay at papatinding

laban sa Hda.

Luisita PAHINA 7

Tomo XLII Blg. 23

Disyembre 7, 2011

www.philippinerevolution.net

pine National Police (PNP) na lupigin ang Bagong

Hukbong Bayan (BHB) sa loob ng tatlong taon.

Alinsunod rito, binuo ng AFP ang Oplan Bayanihan

(OPB), ang pinaigting na digmang mapanupil

ng militar laban sa mamamayan.

Sa ilalim ng OPB, inilunsad ang mga operasyong

militar na nakatuon sa mga baryo na pinagsususpetsahan

ng AFP at PNP na aktibo sa rebolusyonaryong

kilusan. Ipinwesto ng AFP ang mga

pangkat ng sundalo sa mga sentrong baryo upang

manghalihaw, manakot at dahasin ang mamamayang

itinuturing nilang "kaaway ng estado". Ang

mga operasyong ito ay nakapadron sa mga brutal

na operasyong inilunsad ng berdugong si Gen.

Jovito Palparan mula 2004-2010.

Saan man nag-ooperasyon, pinaiiral ng AFP

at PNP ang batas militar. Ipinapataw ang curfew

at pagrerekisa ng mga tao. Ang mga pinaghihinalaang

sangkot sa rebolusyonaryong

kilusan

ay ginigipit ng militar

sa iba't ibang

paraan. Kinokontrol

ang paglalakbay maging

ang pagtatrabaho

ng mga

residente sa

kanilang mga

bukid. Nililimitahan

ang

dami ng binibiling

pagkain at iba

pang kagamitan ng mga

residente. Pwersahang pinapasok

ang mga bahay.

Pulang pangayaw

PAHINA 9

Nagkakampo ang militar sa gitna

ng mga bahayan sa mga baryo

at sa loob o tabi ng mga eskwelahan

at iba pang pampublikong

lugar. Laganap ang mga

kaso ng pagsusugal at paglalasing

ng mga sundalo.

Ito ang mukha ng terorismong

"nakasentro sa tao." Pinakamaigting

at pinakamalupit

ang mga operasyong ito ng AFP

at PNP sa mga lugar kung saan

puspusang nakikibaka ang mga

magsasaka para sa reporma sa

lupa at ang mga minoryang mamamayan

para sa kanilang lupaing

ninuno laban sa pagpasok

ng dayuhang malalaking plantasyon

at mga kumpanya sa pagmimina.

Sa kalunsuran, ang mga maralitang

komunidad ang dumaranas

ng kalupitan ng rehimeng

US-Aquino. Libu-libo nang pamilya

ang naging biktima ng

mararahas na demolisyon. Di bababa

sa isang demolisyon bawat

buwan ang ipinatutupad ng

gubyerno ni Aquino upang bigyang-daan

ang mga proyekto ng

malalaking burgesyang kumprador.

Patuloy ding ginigipit ang

mga unyon ng mga manggagawa.

Di na iilan ang mga unyonistang

biktima ng pamamaslang.

Layunin ng rehimeng US-

Aquino na supilin ang mga naninindigan

para sa interes ng ma-

ANG

Taon XLII Blg. 23 Disyembre 7, 2011

Ang Ang Bayan ay inilalabas sa

wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,

Waray at Ingles.

Maaari itong i-download mula sa

Philippine Revolution Web Central na

matatagpuan sa:

www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at balita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad

ng ating pahayagan. Maaabot

kami sa pamamagitan ng email sa:

angbayan@yahoo.com

mamayan. Katulad ng nagdaang

mga rehimen, tinatarget ng kasalukuyang

gubyerno ang mga

aktibista at lider na nasa unahan

ng mga pakikibakang masa.

Patuloy na dumarami ang mga

kaso ng iligal na pag-aresto,

pagdukot at pagpatay. Halos bawat

linggo ay isang aktibista o

lider-masa ang pinapatay ng

mga armadong tauhan ni Aquino.

Mahigit 350 na ang mga detenidong

pulitikal (kabilang ang

78 inaresto sa ilalim ng rehimeng

Aquino). Subalit katulad

ni Marcos, iginigiit ni Aquino at

kanyang mga upisyal na walang

kahit isang detenidong pulitikal

sa bansa.

Kabilang sa mga patuloy na

ibinibimbing detenidong pulitikal

ang 13 konsultant ng National

Democratic Front of the

Philippines (NDFP) sa usapang

pangkapayapaan. Tumatanggi

ang rehimeng US-Aquino na palayain

sila sa kabila ng tatlong

ulit nitong pagpangakong palalayain

ang naturang mga konsultant.

Alinsunod ito sa Joint

Agreement on Safety and Immunity

Guarantees (JASIG) na

nagbibigay-garantiya sa mga

tauhan ng magkabilang panig

na sangkot sa negosasyon laban

sa pagmamanman, pang-aaresto,

pagkulong at iba pang panggigipit.

Ang pagtanggi ni Aquino na

Nilalaman

Editoryal: Pagkaisahin ang mamamayan

laban sa digmang mapanupil 1

Walang pagbabago 3

Rali ng mga kabataan, binuwag 4

Huwad na peace zones 5

Paglabag sa mga karapatan, tinuligsa 6

Tagumpay sa Hacienda Luisita 7

Inspirasyon ng iba pang laban 8

Mga pakulo ni Arroyo 8

Pulang Pangayaw 9

Drones laban sa mga sibilyan 10

2 milyon, nagwelga sa UK 11

Balita 12

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

tuparin ang obligasyon nito sa

usapan ay patunay ng kawalan

niya ng interes sa pakikipagnegosasyon

sa NDFP. Nag-ingay siya

noong isang taon para sa

usapang pangkapayapaan. Pero

pagkatapos niyon ay sunud-sunod

na balakid ang kanyang itinayo

laban sa makabuluhang

pag-usad ng pag-uusap. Pawang

buladas ang binitawan ni Aquino

tungkol sa "kapayapaan" at

"paggalang sa karapatang-tao".

Lumalabas na ang usapang

pangkapayapaan ay pakitangtao

lamang ni Aquino.

Ang tunay na interes ni

Aquino ay paigtingin ang digmang

mapanupil laban sa bayan.

Pangunahing instrumento

rito ni Aquino ang militar, pulisya,

CAFGU at iba pang mga armadong

pwersa ng estado. Kaya

naman hanggang ngayon ay

wala pang kahit isang upisyal o

tauhang militar na responsable

sa nagdaang mga pasistang krimen

ang pinagharap na ng kaso

at pinarusahan. Tuluy-tuloy

ang pagpapatupad ni Aquino

ng mga hakbanging higit na

pumapabor sa mga sundalo at

pulis. Nagbibigay ng ayudang

militar ang US upang palakasin

pa ang mga sandata at iba pang

kagamitan ng AFP at PNP.

Sa harap ng tuluy-tuloy na

pag-igting ng digmang mapanupil

ng rehimeng US-Aquino, dapat

pag-ibayuhin ang tapang ng

mamamayan sa paglaban. Dapat

mapukaw sila na sama-samang

tumindig laban sa mga pang-aabuso

ng militar. Dapat palaganapin

sa kanilang hanay ang

mga pag-aaral hinggil sa karapatang-tao

gaya ng nakasaad sa

Comprehensive Agreement on

Respect for Human Rights and

International Humanitarian Law

(CARHIHL). Ang ganitong pagmumulat

ang susi para determinado

silang magtanggol ng kanilang

mga tahanan, kabuhayan

at mga kalayaan.

Hindi dapat palampasin ang

kahit isang pasistang krimen na

walang puspusang paglaban.

2 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Dapat mabilis na ipabatid

sa buong Pilipinas at

buong mundo ang bawat

kaso ng paglabag sa karapatang-tao

ng mga

abusadong sundalo, pulis

at paramilitar. Dapat

buhayin ang mabilis na

daluyan ng impormasyon

mula sa sulok ng

mga baryo patungo sa

masmidya at social media

o mga daluyan ng

impormasyon sa internet.

Ang bawat daing na

nagmumula sa kasuluksulukang

sityo ay dapat

paalingawngawin sa buong

kapuluan.

Ang pakikibaka para

sa katarungan ay pakikibaka

hindi lamang ng isa

o ilang indibidwal na

biktima laban sa partikular

na sundalo o yunit ng

militar at pulisya. Ang

pagyurak sa karapatangtao

ng bawat isa ay pagyurak

sa karapatang-tao

ng kalahatan. Ang sigaw

para sa katarungan ay siyang

dapat na sigaw ng

buong bayan.

Dapat pagbayarin

hindi lamang ang mga

upisyal at armadong

tauhan ng estado. Dapat

panagutin ang mga utak

ng pasistang digmang

mapanupil laban sa bayan.

Dapat ituloy ang

pakikibaka para pagbayarin

si Gloria Arroyo at

kanyang mga kampon ng

mga pasistang nagpatupad

ng brutal na Oplan

Bantay Laya.

Kasabay nito ay dapat

pagbayarin si Benigno

Aquino III sa kanyang

pagpapatupad ng

mapanupil na Oplan Bayanihan

at pagtangging

harapin at lutasin ang

mga saligang usaping

panlipunan na nasa ugat

ng armadong paglaban

ng mamamayan. ~

ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Rehimeng US-Aquino,

walang pagkakaiba sa dating rehimen

Walang pagkakaiba ang rehimeng US-Aquino sa pinalitan nitong rehimen.

Pagkaraan ng halos isa't kalahating taon sa poder, nagpapatuloy

ang talamak na pang-aabuso sa karapatang-tao. Ang pwersahang

pagwasak sa mga sakahan at pagtataboy ng mga Lumad at mga

magsasaka sa kanilang mga lupain at tirahan laluna sa mga lalawigan

ng Surigao, Agusan, Compostela Valley at sa General Santos City ay komun

pa ring pangyayari ngayon, tulad ng pwersahang pagpapabakwit

sa mga katutubo at mamamayang Moro at mga magsasaka sa Samar at

Negros, anang KARAPATAN sa ulat nito ngayong 2011.

Bukod sa ekstrahudisyal na pamamaslang

at pagdukot, tampok

sa mga paglabag ng rehimeng US-

Aquino sa karapatangtao

ang pagtortyur, arbitraryong

pang-aaresto,

iligal na detensyon, demolisyon

ng mga komunidad

ng mga maralitang

lunsod, pwersahang pagpapabakwit

sa mga taumbaryo,

pagwasak sa

mga ari-arian ng mamamayan,

pagbabanta, harasment,

walang habas na pagpapaputok,

pagbabawal at marahas

na pagbubuwag ng mga protesta

at pagtitipon ng mamamayan

at paggamit ng mga paaralan

at iba pang mga pampublikong lugar

bilang mga himpilan at sa iba

pang pangmilitar na gawain.

Ang rehiyon ng Bicol naman

ang nangunguna sa mga may naitalang

insidente ng mga paglabag

sa karapatang-tao bunsod ng pagpapatupad

ng Oplan Bayanihan ng

rehimeng US-Aquino. Sinundan

ito ng Southern

Mindanao Region,

Southern Tagalog, Western

Visayas, Central Visayas

at Eastern Visayas.

Isa pang tampok na

katangian ng kasalukuyang

rehimen ay ang

aroganteng pahayag

nito na walang mga

bilanggong pulitikal. Sa katunayan,

sa kasalukuyang bilang ng

356 bilanggong pulitikal, 78 rito

ay nadakip sa panahon na ng rehimeng

Aquino at 13 naman ay mga

konsultant ng NDFP. ~

Mga paglabag (Hulyo 2010-Okt. 2011) Mga biktima

Ekstrahudisyal na pamamaslang 64

Pagdukot 9

Pagtortyur 51

Bigong ekstrahudisyal na pamamaslang 27

Iligal na pang-aaresto at detensyon 135

Iligal na pagrerekisa at kumpiskasyon 120

Pambubugbog at pananakit 62

Demolisyon 6,108

Pagpasok sa bahay nang walang pahintulot 243

Pagwasak ng mga ari-arian 5,403

Pagkuha ng mga ari-arian 185

Pwersahang pagpapabakwit 4,376

Sapilitang pagpapatrabaho 112

Paggamit ng mga paaralan, klinika, kapilya at iba

pang lugar na pampubliko para sa layuning militar 10,577

Pagsikil o marahas na pagbuwag sa mga aksyong masa,

asembliya at pagtitipong publiko 842

3

Kilos-protesta ng mga kabataan,

marahas na binuwag

S inalubong

ng karahasan ng mga pulis ang kilos-protestang inilunsad

ng mga kabataan sa Recto Avenue sa Maynila noong

hapon ng Disyembre 6. Binomba ng tubig gamit ang mga trak

ng bumbero at pinagtutulak ng mga pulis ang mahigit 1,000 kabataan

at estudyanteng nagmartsa mula sa Morayta Avenue.

Balak ng mga kabataang kalahok

sa kilos-protestang tinaguriang

"Campout Mendiola" na

magmartsa tungo sa tulay ng

Mendiola at magkampo roon

nang tatlong araw. Upang biguin

ang planong ito, ilang trak ng

pulis ang ipinwesto ng gubyerno

sa Mendiola. Nagtungo ang mga

nagpoprotesta sa Plaza Miranda

sa Quiapo at doon nagtayo ng

kanilang mga tolda. Nakatakda

silang samahan sa susunod na

araw ng mga manggagawa at iba

pang sektor sa planong pagbalik

sa tulay ng Mendiola.

Ang kilos-protesta ng mga

kabataan ay pinamunuan ng

mga organisasyong tulad ng

Anakbayan, Kabataan Partylist

at League of Filipino Students.

Suportado sila ng halos 200 organisasyon

ng mga estudyante

at kabataan.

Sa kanilang manipesto, idineklara

nilang "Hindi na namin

matiis ang baluktot na kaayusang

panlipunan na nagkakait

sa mayorya ng ating mamamayan

ng disenteng buhay at saligang

mga serbisyong panlipunan.

Di na namin matiis ang sis-

Salamangka ni Aquino

Sa halip na harapin at tugunan ng gubyernong

Aquino ang mga saligang suliranin ng

kahirapan, sinasalamangka nito ang mga estadistika

ng gubyerno para palabasin na nababawasan

ang bilang ng mga naghihirap na Pilipino.

Ibinunyag ni Rep. Raymond Palatino ng

Kabataan Partylist ang ginawang pagbabago

ng National Statistical Coordination Board

(NSCB) sa hangganan ng kahirapan. Kung dati,

ang sukatan ng karalitaan ay ang paggastos

ng isang indibidwal ng di lalagpas

sa `52 bawat araw para

sa pagkain, ibinaba ito sa `46.

Ginawa ito ng NSCB sa pamamagitan

ng pagbababa ng

taya nito sa araw-araw na minimum

na pagkain ng

isang tao.

Sa pamamagitan ng gayong

pagbabago sa sukatan

ng karalitaan, pinalalabas

ng gubyerno ni

Aquino na naibaba nito ang tantos ng

kahirapan mula 26.3% tungong 20.9%,

ayon kay Palatino. Pero kung imamantine

temang panlipunan na lumilikha

ng dambuhalang yaman para sa

mga dayuhang interes at iilan

habang ang mamamayan na buong

buhay na nagbabanat ng

buto ay lalong nalulubog sa kagutuman,

kahirapan at kawalang-katarungan."

Ang “Campout Mendiola” ay

inspirado ng mga pag-aalsa sa

Middle East at North Africa

hanggang sa kilusang Occupy.

Layon nitong pakilusin ang

ilampung libong mamamayan

mula sa mga kampus, komunidad

at trabahuan upang

magkampo sa Mendiola at yanigin

ang bansa ng kanilang galit

at protesta. Maglulunsad rin ng

gayong mga pagkilos sa iba't

ibang rehiyon. ~

ang dating pamantayan, lalabas na tumaas

pa nga ang tantos ng kahirapan tungong

32%.

Ang salamangka sa estadistika ay isinagawa

upang palabasin ng gubyernong Aquino na

may silbi ang programa nitong Conditional

Cash Transfer (CCT) sa pagpapataas sa antas

ng pamumuhay ng mamamayan. Nais bigyangmatwid

ng rehimeng Aquino ang pagpapalobo

sa badyet ng CCT tungong `39.5 bilyon para

2012, mas mataas nang 70%

mula sa badyet nito ngayong

2011.

Noong 2003 ay binago

rin ng NSCB ang sukatang

ito, kaya napalabas ng rehimeng

Arroyo na nabawasan

nito ang bilang

ng naghihirap. Kung

hindi binago ang mga

sukatang ito, tinataya

ng ilang grupo na

aabot sa halos 40% ng

mga Pilipino ang maibibilang

sa mga labis na

naghihirap. ~

4 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Huwad na sona

ng kapayapaan, binatikos

sa Mountain Province

M ariing

kinukundena ng Leonardo Pacsi Command ng BHB-

Mountain Province ang huwad na mga konsultasyon at reperendum

na inilulunsad ng Provincial Peace and Order Council

(PPOC) sa iba't ibang munisipalidad sa prubinsya. Ayon sa mga

dumalo sa naturang mga reperendum, lantarang minamanipula ng

Philippine National Police (PNP) ang mga botohan para sa pagbubuo

ng mga “peace zone” o “sona ng kapayapaan” sa pamamagitan

ng pagpapadagsa ng mga upisyal at tauhan ng pulisya na pabor

dito. Sadya ring mapanlinlang ang tanong sa reperendum na

"Gusto mo ba ng kapayapaan"?

Ang konsepto ng “peace

zone” ay inilalako ng mga repormistang

pwersa para magkaroon

umano ng kapayapaan at malayang

mailatag ang mga proyekto

at programang pangkaunlaran.

Alinsunod rito, hindi papapasukin

sa mga “sona ng kapayapaan”

kapwa ang AFP at Bagong

Hukbong Bayan (BHB). Sa

halip, pupwesto sa mga erya

ang mga “lokal” na armadong

pwersa tulad ng CAFGU-CAA,

gayundin ang mga pwersa

ng Cordillera People's

Liberation Army

(CPLA), kasama

ang pwersa ng

PNP. Gayunpaman,

maaaring

pasukin ng militar

ang “sona ng kapayapaan”

gamit ang anumang

dahilan, anumang

oras nito nanaisin. Sa

esensya, hindi nito inaalis

ang AFP sa lugar. Masahol pa,

pinipigilan nito ang mamamayan

para depensahan ang

kanilang mga sarili, sa pamamagitan

ng kanilang

sama-samang pagkilos

at ng kanilang hukbo,

ang BHB.

Sa aktwal, ang tunay

na layunin ng paglalatag

ng mga “sona

ng kapayapaan” ay ang

pagtataboy sa BHB at

paghihiwalay ng mamamayan

sa armadong pakikiba-

ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

ka at sa tunay nilang hukbo. Kapag

naitaboy sa “peace zone”

ang BHB, mawawalan ng tagapagtanggol

ang mamamayan.

Libre nang manalasa ang militar

at naghaharing uri sa lugar at

magpapasok ng mga mapang-

wasak at mapandambong na

mga proyekto, tulad ng malawakang

pagmimina.

Noon at ngayon, ang mga lokalisadong

“peace zone” ay sumasalungat

din sa usapang

pangkapayapaan ng GPH at

NDFP sa pambansang antas. Sa

balangkas ng “lokal na kasunduan

hinggil sa kapayapaan,” maaaring

balewalain sa mga

“peace zone” ang mga dati nang

napagkasunduan ng GPH at

NDFP tulad ng CARHRIHL.

Unang lumitaw sa Pilipinas

ang konsepto ng “peace zones”

noong panahon ng rehimen ni

Corazon Aquino. Ang mga sosyal-demokrata

o SocDem na

mayroong malaking impluwensya

sa Malacañang ang nagtulak

ng “peace zone” sa pamamagitan

ng Coalition for Peace (CO-

PE).

Mula noong panahon ng dating

rehimeng Aquino hanggang

rehimeng Ramos ay 11 ang naitatag

na “peace zone”. Ilan dito

ang sa Carmen at Tulunan, North

Cotabato; Naga City, Camarines

Sur; Tabuk, Kalinga; Mataragan,

Abra; at Sagada sa Mountain

Province.

Ang “peace zone” sa Sagada

ang ibinabandila ng

mga promotor nito bilang

matagumpay na halimbawa.

Subalit taliwas ito sa katotohanan.

Noong huling bahagi ng dekada

1980 hanggang

dekada 1990, napakamilitarisadong

lugar

ang Sagada. Matindi

ang mga paglabag sa

karapatang-tao. Tinayuan

ng detatsment

ang mga eskwelahan

at loob mismo ng munisipyo.

Binastos din ang mga sagradong

lugar tulad ng mga dapay

(pulungan ng matatanda) dahil

dito dumudumi at umiihi

ang mga sundalo. Dalawang

menor de edad ang pinatay

ng lasing na mga sundalo

noong Oktubre 1988 sa tapat

mismo ng munisipyo sa sentro

5

ng Sagada. Tinamaan at namatay

sa “crossfire” ang isa pang

bata sa labanan ng militar at

BHB sa Sagada Central School

noong Nobyembre 1988.

Dahil dito, lumakas ang panawagan

ng mga taga-Sagada

para sa demilitarisasyon ng kanilang

bayan. Iginiit nila ang

kagyat na pagpapaalis sa pasistang

tropa ng AFP, pagbibigay

ng hustisya sa mga biktima ng

dahas-militar at pagbuwag sa

mga pwersang paramilitar at iba

pang mga istrukturang paniktik

na itinayo ng AFP. Anila, naiipit

nga ang mamamayan sa labanan

ng AFP at BHB, lalo na yaong

mga pinagsususpetsahan ng militar

na sumusuporta sa rebolusyonaryong

kilusan. Ang mamamayan

ang kadalasang pinagdidiskitahan

ng mga tropa ng AFP

kapag natatalo sila sa labanan.

Sinakyan ng mga SocDem tulad

ni Teresita “Ging” Deles ang

panawagang demilitarisasyon.

(Si Deles ay istap noon ng Malacañang

at ngayo'y namumuno

sa Office of the Presidential Assistant

on the Peace Process o

OPAPP). Subalit pinalitan nila

ito ng “peace zone”.

Sa kabila ng pag-iral ng

“peace zone,” inatake ng kaaway

noong Hunyo 1991 ang

Mt. Sisipitan sa Sagada. Naghulog

ng bomba ang mga eroplano

at sumalakay ang mga sundalo.

Para makalapag ang mga helikopter,

winasak ang isang ektaryang

gubat sa tuktok ng bundok

na pangunahing pinagmumulan

ng tubig ng magkanugnog na

bayan ng Sagada at Besao. Naperwisyo

rin ang kabuhayan ng

mamamayan dahil sa pagmomortar

ng AFP sa mga bundok.

Pumasok ang libu-libong tropa

ng 702nd Brigade noong

Nobyembre 1991 at nanatili sila

hanggang 1999. Sinuyod ng

mga armored personnel carrier at

iba pang sasakyang pangkombat

ang mga kalsada hanggang sentro

ng Sagada. Kung noong panahon

ng diktadurang Marcos ay

walang sumasapi sa CAFGU sa

Paglabag sa karapatang-tao

ng kababaihan, tinuligsa

N agrali sa Mendiola, Maynila ang GABRIELA at iba pang

progresibong grupo noong Nobyembre 25 para gunitain

ang International Day for the Elimination of Violence Against

Women.

Idineklara ng United Nations noong 1999 ang Nobyembre

25 bilang araw para mabigyang-atensyon ang pangangailangang

wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.

Pinaalala ng mga raliyista sa gubyernong Aquino na dapat

panagutin si Gloria Arroyo sa mga paglabag niya sa karapatang-tao

ng kababaihan. Ayon sa GABRIELA, 153 babae ang

pinaslang, 11 ang dinukot at 290 ang iligal na inaresto sa ilalim

ng rehimeng Arroyo. Kabilang sila sa 1,208 biktima ng

ekstrahudisyal na pamamaslang, 206 biktima ng pagdukot at

1,099 biktima ng tortyur sa panahon ni Arroyo.

Ani Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng GABRIELA,

"Isang patak lamang sa isang baldeng tubig ang pananabotahe

ni Arroyo sa eleksyon. Kung gagawing kasong kriminal ang

kanyang rekord sa karapatang-tao, sapat na ito para maikulong

siya nang ilandaang taon."

Binatikos din ng mga raliyista ang nagpapatuloy na paglabag

sa karapatang-tao sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Anim na

babae na ang pinaslang at 35 babaeng detenidong pulitikal

naman ang nananatili sa iba't ibang piitan sa buong bansa.

Dagdag pa ni Linaban, madalas na ginagamit ng militar

ang karahasang sekswal para yurakan ang dignidad at determinasyon

na lumaban ng kababaihan.

Tinukoy niya ang kaso ni Charity Diño, 31 taong gulang na

guro, na pinagsuot lamang ng panty at bra habang iniinteroga

ng militar. Si Diño ay inaakusahang rebelde kasama nina

Billie Batrina at Sonny Rogelio na tinatawag na "Talisay 3". Sa

katunayan, sila ay mga boluntir na organisador ng Samahan

ng mga Magsasaka sa Batangas. Nakakulong sila sa Batangas

City Jail mula pa noong 2009.

Iginiit ng GABRIELA kay Benigno Aquino III na kagyat na

palayain ang 35 babaeng detenidong pulitikal. ~

Sagada-Besao, sa panahon ng

“peace zone” ay nakapagbuo

ang AFP ng 14 na kumpanya ng

CAFGU sa prubinsya.

Tatlong batalyon ng 702nd

Brigade ang ikinonsentra sa

sentro at iba pang bahagi ng

Mountain Province: ang 24th IB

sa Sagada-Besao; 68th IB sa

Bontoc-Sadanga; at 69th IB sa

Radian-Bauko-Sabangan. Gumawa

ang militar ng mga trinsera

sa bundok sa itaas ng Poblacion,

Sagada. Pinaligiran din ng mga

foxhole ang simbahan hanggang

tabi ng altar na ginawa nilang

lutuan. Ito rin ang nangyari sa

simbahan sa Aguid, Sagada at

Bagnen, Bauko.

Taliwas sa ipinangalandakan

ng mga SocDem, walang umiral

na kapayapaan sa “peace zone”

ng Sagada. Mauulit lamang ang

mapapait na karanasang ito

kung mailulusot ang panibagong

pakana hinggil sa “sona ng

kapayapaan” sa Mountain Province.

6 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Tagumpay at papatinding

laban sa Hacienda Luisita

I pinagdiwang

ng mga magsasaka at manggagawang bukid ng

Hacienda Luisita ang desisyon ng Korte Suprema noong Nobyembre

22 na pumabor sa kanila. Matapos ang ilang dekada

nang labanan sa husgado, iniutos na ng Korte na ipamahagi ang

4,500-ektaryang Hacienda Luisita sa mga magsasaka at manggagawang

bukid nito. Gayunpaman, batid ng mga taga-asyenda at ng

malawak na tagasuporta nila na malayo pa ang pagtatapos ng laban

at marami pang balakid ang kailangan nilang labanan at igpawan

para tuluyan nang mapasakamay nila ang lupa.

Sa desisyon ng Korte Suprema,

inoobliga rin ang Hacienda

Luisita Incorporated (HLI) na

bayaran nito ang mga magsasaka

at manggagawang bukid ng

`1 bilyon. Katumbas ito ng halaga

ng lupang naibenta na ng

HLI nitong nakaraang mga taon,

kabilang na yaong mga ginawang

subdibisyon at bahagi ng

Subic-Clark Expressway. Ipinawalambisa

ng Korte Suprema

ang Stock Distribution Option

(SDO) ng HLI na ginamit ng mga

Cojuangco mula noong huling

bahagi ng dekada 1980 upang

iwasan ang pamamahagi ng lupa.

Kinilala ng Korte Suprema

na sa pamamagitan ng SDO ay

nanatiling nasa kontrol ng HLI

ang malawak na lupain ng

asyenda.

Gayunpaman, iniutos ng korte

na bigyan ng "makatarungang

kabayaran" ang pamilyang Cojuangco-Aquino

para diumano

sa kanilang pagpapayaman sa

lupa. Kung susundin ang pagpapalagay

ng Korte

Suprema na nasa

`170,000/ektarya

ang halaga ng

lupa sa asyenda,

lalabas na kailangang

bayaran sila

ng hanggang

`836 milyon.

Ang halagang ito

ay panimulang

babayaran ng

gubyerno, gamit

ang kaban ng bayan.

Ang natitirang

halaga ay ba-

ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

bayaran nang hulugan ng mga

magsasaka nang hanggang 30

taon. Kung ang mga Cojuangco

naman ang tatanungin, `1 milyon

bawat ektarya ang halaga

ng lupa sa asyenda kaya halos

`5 bilyon ang dapat daw bayaran

sa kanila. Mabigat na pasanin

sa mga magsasaka ang pagbabayad

ng utang at di naglalaon

ay nagiging biktima sila ng

malalaking usurero at negosyante.

Sa maraming pagkakataon,

napipilitan ang mga magsasaka

na ibenta pabalik sa panginoong

maylupa at mga korporasyon

ang naipamahagi nang lupa.

Ginagamit ng pamilyang Cojuangco-Aquino,

kabilang ang

kanilang numero unong kinatawan

na si Benigno Aquino III,

ang CARPER bilang ligal na batayan

para sa "makatarungang

kabayaran". Ang sagot ng mga

magsasaka: hindi nila utang sa

mga Cojuangco-Aquino ang lupa,

lalupa't nakuha lamang ito

ng angkan sa pamamagitan

ng paggamit

ng pampublikongpondo.

Higit pa rito,

silang nagtrabaho

sa lupa

ng deka-dekada

nang walang

sapat na sahod

at kompensasyon

ang nagpayaman

dito, at

hindi ang

mga Cojuangco-Aquino

na nagpakasasa sa

kanilang pawis at dugo.

Dagdag dito, bagamat kinilala

ng Korte Suprema na sagka

ang SDO sa layunin ng repormang

agraryo sa loob ng Hacienda

Luisita, hindi nito tahasang

idineklara na hindi konstitusyunal

ang iskema. Maaari pa

rin itong gamitin ng mga Cojuangco-Aquino

sa mga susunod

pang ligal na labanan. Gayundin,

hindi nito nahahagip

ang mga kaso ng marami pang

mga asyenda sa buong bansa na

ipinailalim din sa iskemang SDO.

Pinatitingkad ng ligal na tagumpay

sa Hacienda Luisita ang

pangangailangang maisulong sa

Kongreso ang Genuine Agrarian

Reform Bill (GARB) na nagtataguyod

sa libreng pamamahagi

ng lupa sa mga magsasakang

benepisyaryo ng reporma sa lupa.

Pinatitingkad rin nito ang

reaksyunaryong katangian ng

CARPER, ang ligal na balangkas

na ginagamit ngayon ni Aquino

para pigain ang mga magsasaka

at tangkaing bawiin ang kanilang

tagumpay.

Wasto lamang na igiit ng

mga magsasaka at manggagawang

bukid sa Hacienda Luisita

ang libreng pamamahagi ng lupa

at tutulan ang anumang iskemang

mag-oobliga sa kanilang

hulugan ang lupa na di makatarungang

inagaw sa kanila ng

mga Cojuangco.

Wastong ipagpatuloy ng

mga magsasaka at manggagawang

bukid ng asyenda ang kanilang

kampanya para kolektibong

pangasiwaan at bungkalin

ang lupa sa Hacienda Luisita.

Nitong nakaraang mga buwan,

nakapagtanim sila ng mga gulay

at nag-alaga ng mga hayop

upang matamasa na nila ang

biyaya ng lupa kahit wala pang

desisyon ang Korte. Dahil dito,

napataas nila ang kanilang kita

at antas ng pamumuhay, at natustusan

ang tuluy-tuloy nilang

pakikibaka. Hindi sila umasa

noon sa desisyon ng Korte at

hindi pa rin sila dapat umasa

rito ngayon. ~

7

Tagumpay sa Hda.

Luisita, inspirasyon sa

iba pang pakikibaka

L agpas sa hangganan ng Hacienda

Luisita ang epekto ng makasaysayang

desisyon ng Korte Suprema nitong

Nobyembre 22 na ipawalambisa

na ang Stock Distribution Option

(SDO) at simulan na ang pamamahagi

ng lupa ng asyenda sa mga magsasaka

at manggagawang bukid rito.

Bunsod ng desisyon ng Korte, nanawagan

ang Kilusang Magbubukid ng

Pilipinas (KMP) noong Nobyembre 25

na saklawin na rin ng repormang agraryo

ang 12 iba pang asyenda sa buong

Pilipinas na nagpapatupad din ng

SDO. Siyam dito ay nasa Negros Occidental,

dalawa sa Iloilo at isa sa Davao

del Sur. Lahat-lahat ng mga ito ay

may kabuuang laki na 2,787 ektarya.

Samantala, nagbigay-inspirasyon

din ang pinakahuling tagumpay sa

Hacienda Luisita sa mga magniniyog

para muling igiit ang pagbabalik sa

kanila ng pondong coco levy.

Noong Nobyembre 28, mahigit 200

maliliit na magniniyog mula sa Quezon

ang nagprotesta sa tapat ng upisina ng

San Miguel Corp. (SMC) sa Pasig City

dala ang mga instrumento sa paggawa

ng kopra para ipakita kung gaano kahirap

ang produksyon nito.

Anang Pinag-isang Lakas ng Magbubukid

sa Quezon at ng KMP, ang

pondong coco levy ay natipon mula sa

buwis na ipinataw sa bentahan ng kopra

noong batas militar. Noong 1983,

nang makalikom ng `2 bilyong pondo

mula rito, ginamit ito ni Danding Cojuangco

para bumili ng mayoryang sapi

sa SMC. Sa kasalukuyan ay `200

bilyon na ang halaga nito.

Ang pondong coco levy ay sapilitang

dinambong ng sabwatang Marcos-Cojuangco,

anang KMP. Pag-aari

ito ng maliliit na magniniyog at matagal

na itong dapat bawiin at ibalik

sa kanila. Nanawagan ang KMP na

kagyat nang isabatas ang panukalang

Small Coconut Farmers Trust Fund Act

na ihinain ni Anakpawis Rep. Rafael

Mariano para mailatag ang daan sa

pagbabalik ng pondong coco levy. ~

Mga pakulo ni Arroyo

N agluluto

ng kung anu-anong mga pakulo at gimik ang

kampo ni Gloria Arroyo para lamang makaiwas ang

dating pangulo na makulong sa pangkaraniwang piitan

habang siya'y nililitis. Pinakahuli rito ang katawa-tawang

kwento na may plano umanong asasinasyon kay Arroyo

na may kodang “Put the Little Girl to Sleep” (Patulugin

ang Maliit na Babae). Ayon sa kampong Arroyo, plano

umano ng gubyerno ni Benigno Aquino III na lasunin si Arroyo

o gumamit ng iba pang paraan para patayin ang dating

presidente at ngayo'y kongresista ng Pampanga.

Walang sumeryoso sa gayong

pahayag ng kampong

Arroyo. Iginigiit pa rin ng

maraming sektor na dapat

mapiit na sa ordinaryong kulungan

si Arroyo, dahil mismong

ang mga doktor niya

ang nagsasabing pwede na

siyang palabasin sa ospital.

Bago ito ay nagdesisyon na

ang korte na isailaim pa rin

si Arroyo sa “hospital arrest”

pero hindi na sa mamahaling

ospital na St. Luke's

kundi sa Veterans' Memorial

Medical Center (VMMC),

isang pampublikong ospital

kung saan idinetine rin si

dating pangulong Joseph

Estrada.

Sinusubukan din ng

kampong Arroyo na payagang

maipailalim sa “house

arrest” si Arroyo sa kanyang

magarang bahay sa La Vista,

Quezon City. Kung sa

“hospital arrest” naman sa

VMMC, hinihiling nilang

magtamasa siya ng pribilehiyong

makagamit ng kompyuter

at cellphone, bagay

na ipinagbabawal sa mga

detenido.

Dahil halos walang sumisimpatya

kay Arroyo sa

Pilipinas, sinusubukan ngayon

ng kanyang kampo na

makakuha ng internasyunal

na simpatya. Tumulak noong

Disyembre 1 patungong

Europe si Atty. Raul Lambino,

isa sa mga abugado ni

Arroyo para makipagpulong

sa Christian Democratic Par-

ty. Isusumbong doon ni

Lambino ang pampulitikang

panunupil umano ng rehimeng

Aquino sa pag-asang

makakuha siya ng internasyunal

na suporta para kay

Arroyo.

Ang pag-aakusa ng kampo

ni Arroyo ng pampulitikang

panunupil ng gubyernong

Aquino ay hindi lamang

pagtatangka na makakuha

ng simpatya ng publiko

kundi upang matabunan

ang espesyal na pagtrato na

ibinibigay ng gubyernong

Aquino kay Arroyo.

Bago pa man ang eleksyong

presidensyal noong

2010 ay nagkasundo na ang

mga kampo nina Arroyo at

Aquino na maghihinay-hinay

lamang si Aquino sa pamilyang

Arroyo kapag nakaupo

na siya sa poder. Ang gayong

kasunduan ang nagpapaliwanag

kung bakit inabot

ng 505 araw (o mahigit

isang taon) bago masampahan

ng kasong kriminal at

maaresto si Arroyo.

Dapat lamang na higpitan

pang lalo ng sambayanang

Pilipino ang pagsubaybay

sa bawat liko't ikot ng

mga pakulo't sabwatan nina

Arroyo at Aquino upang maibunyag

ang bawat akomodasyong

ibinibigay ng gubyernong

Aquino sa kampo ni

Arroyo at tiyakin na mapagdusahan

ni Arroyo ang kanyang

malalaking krimen laban

sa bayan. ~

8 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Pulang pangayaw

Di bababa sa walong armas ang nakumpiska ng

isang grupo ng mga Lumad mula sa mga gwardya

ng Sagittarius Mines Inc. (SMI) sa Barangay

Tablu, Tampakan, South Cotabato noong Nobyembre 27.

Ang mga Lumad ay kabilang

sa isang grupong nagngangalang

Pulang Pangayaw.

Itinanghal ng National Democratic

Front sa Far South Mindanao

Region (NDF-FSMR) ang

Pulang Pangayaw bilang armadong

kilusang masa ng mga Lumad

dahil sa tapang at determinasyon

nitong labanan ang

isang makapangyarihang kaaway

tulad ng dambuhalang minahang

Xstrata-SMI.

Ipinaliwanag ni Ka Efren, tagapagsalita

ng NDF-FSMR, na

bagamat ginagamit ng grupo

ang salitang “pangayaw,” hindi

simpleng personal na paghihiganti

ang kanilang layunin. Ang

Pulang Pangayaw ay isang kilusang

masa na lumalaban para sa

mga lehitimo at makatarungang

hinaing ng mga Lumad, at bahagi

ng pambansa-demokratikong

kilusan.

Ang kanilang pakikibaka ay

hindi rin tulad ng pangkaraniwang

pangayaw na tumatarget

lamang sa mga kaalitang personal

o pampamilya. Tinatarget

ng Pulang Pangayaw ang mga

armado at pasistang galamay ng

SMI tulad ng 27th at 39th IB ng

Philippine Army, mga espesyal

na CAFGU, mga pribadong goons

at mga security guard ng Xstrata-SMI

at ang Task Force Kitaco

at mga operatibang paniktik nito.

Ang Task Force Kitaco ay binuo

ng 10th ID ng Philippine

Army para tutukan ang Kiblawan,

Davao del Sur; Tampakan,

South Cotabato; at Columbio,

Sultan Kudarat, ang mga munisipalidad

kung saan pangunahing

nag-ooperasyon ang Xstrata-SMI.

Anang Pulang Pangayaw: “Sa

ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

loob ng nakaraang limang

taon mula nang

magsagawa ng eksplorasyon

ang Xstrata sa

aming lupain, mapayapa

namin silang

sinabihan

na ayaw

namin sa

minahan.

Ayaw namingwasakin

ang amingkabundukan,

ang aming

mga ilog

at lugar ng pa-

Ambus sa Paquibato

MATATAGUMPAY NA OPENSIBA NG BHB

ngangaso. Ayaw namin sa kakarampot

na sahod na ibinibigay

sa amin kapalit ng aming kabuhayan.

Subalit nagmatigas sila

sa kanilang kagustuhang kunin

ang ginto at tanso

mula sa aming lupain.

“Kaya nagkagulo.

Idineploy nila ang

27th at 39 IB,

ang Task Force

Kitaco at maraming

kumpanya

ng mga security

guard upang kami ay

patahimikin at palayasin

sa kalaunan. Sinubukan

naming makipagnegosasyon,

magbarikada at magpetisyon.

Pero wala ring nangyari.

Kaya ngayon, wala

na kaming ibang mapagpipilian

kundi ang lumaban.”

Tatlong sundalo mula sa 69th IB ang napatay nang tambangan

sila ng 1st Pulang Bagani Company noong Nobyembre

29 sa Sityo Guinobatan, Barangay Paradise Embac, Paquibato

District sa Davao City. Nakakumpiska rito ang mga Pulang

mandirigma ng isang M203. Ang mga sundalo ay bahagi ng

isang tim ng Community Peace and Development (COPD) na

nag-ooperasyon sa lugar.

Samantala, mariing binatikos ng Merardo Arce Command

ng Bagong Hukbong Bayan sa Southern Mindanao Region si

Sara Duterte, meyor ng Davao City dahil sa panawagan nitong

sumuko sina Ka Parago at Ka Oda, mga pinuno ng 1st Pulang

Bagani Company. Bago ito, ipinagtanggol din ni Duterte ang

pananatili ng mga sundalo malapit sa isang eskwelahan sa Paradise

Embac sa kabila ng mga reklamo ng mga residente. Tuluy-tuloy

din niyang binabatikos ang mga taktikal na opensiba

ng BHB laban sa 69th IB na kilala sa matitinding pang-aabuso

sa mga taga-Paquibato.

Libu-libo nang residente ng Paquibato at Panabo ang

nabibiktima ng 69th IB. Ilan lamang sa mga paglabag nila sa

karapatang-tao ang sapilitang pagpapasuko at pagpapaanib

sa CAFGU, tangkang panggagahasa, pambabastos sa kababaihan

at harasment ng kabataan at mga estudyante, pang-uupat

ng pangayaw para pag-awayin ang mga setler na Lumad at

hindi Lumad, paglalasing, pagbabanta at pananakot at

paggamit ng mga pasilidad ng mga sibilyan tulad ng mga

paaralan, bahay ng mga residente at barangay hall. ~

9

SA IBAYONG DAGAT

Drones, ginagamit ng US laban

sa mga sibilyan

U mabot

na sa halos 2,912

mamamayan—kabilang

ang 160 bata—ang pinatay

ng gubyernong US sa mga

isinagawa nitong walang pakundangang

pambobomba gamit

ang mga drone sa Pakistan,

Yemen, Somalia, Libya, Iraq at

Afghanistan. Ito ang tantya ng

mga independyendeng mamamahayag

na kabilang sa Bureau

of Investigative Journalism sa

pag-aaral na inilabas nitong

Oktubre. Ipinagpapalagay na

mas mataas pa rito ang aktwal

na bilang dahil may mga lugar

na binomba ng mga drone na pinagbawalang

pasukin ng mga

grupong nagsisiyasat.

Laganap ang paggamit ng US

ng mga drone sa pambobomba

sa Pakistan at Afghanistan. Hindi

bababa sa 300 pambobomba

ang isinagawa gamit ang mga

drone sa lugar pa lamang ng

mga katutubo sa Pakistan. Karamihan

dito (248) ay isinagawa

sa ilalim ng gubyerno ni Barack

Obama. Anang US, target ng

mga pambobomba ng mga drone

ang mga "terorista".

Ang drone o unmanned aerial

vehicle (walang pilotong sasakyang

panghimpapawid) na kabilang

sa bagong mga kagamitang

pandigma ng US. Kinokontrol

ang mga drone ng mahigit 2,000

Combat Systems Officer na nakapwesto

sa mga Counterterrorism

Center ng Central Intelligence

Agency (CIA). Nakabase ito sa

mahigit 60 sikretong lokasyon

sa buong mundo. Ang mga drone

na ginagamit sa Pilipinas at

ibang lugar ng Asia ay kinokontrol

mula sa Anderson Air Force

Base, isang base militar ng US

sa Guam.

Mahalagang bahagi ng teroristang

gera ng US ang paggamit

ng mga drone. Ngayong taon,

ang badyet ng US para rito ay

$4.8 bilyong mas mataas kumpara

noong nakaraang taon. Noong

2010, umabot lamang sa 50 ang

drone ng US. Sa susunod na mga

taon, balak ng US na dagdagan

ito ng mahigit 700 pa.

Ginagamit ang karamihan

ng mga drone para sa rekonaysans,

surbeylans, at elektronikong

pag-iipon ng impormasyon

laban sa mga indibidwal,

grupo o kilusan na kalaban ng

US. Subalit may mga drone katulad

ng Predator na naaarmasan

ng mga misayl o bomba.

Mariing tinututulan ng mga

grupong nagtataguyod sa karapatang-

tao sa iba't ibang panig

ng mundo ang paggamit ng mga

drone dahil mga inosenteng sibilyan

ang karamihan sa mga

biktima. Labag din ito sa internasyunal

na makataong batas na

mahigpit na nagbabawal sa

panghihimasok ng US sa mga internal

na usapin ng iba pang

bansa at paglapastangan sa soberanya.

Pananagutan ng US

ang lahat ng mga ekstrahudisyal

na pang-aatake na inilulunsad ng

mga drone mula sa iba't ibang

mga base militar nito. ~

Kaswalting sibilyan sa Afghanistan,

dumarami

M ahigit 1,500 sibilyan na ang namamatay sa mga pananalakay

sa gabi ng mga pwersa ng North Atlantic Treaty Organization

(NATO) sa Afghanistan. Ang mga pananalakay na

ito ng NATO ay mariing ipinagtatanggol nito bilang mahalagang

sandata laban sa Taliban. Subalit lumalabas sa mga estadistika

na ito na ang pinakamalaking sanhi ng mga sibilyang

kaswalti sa Afghanistan mula nang salakayin ito ng mga pwersang

pinamumunuan ng US noong 2001.

Paparami at papadalas ang mga pananalakay sa gabi ng

mga pwersang NATO habang papalapit ang pag-atras ng bulto

ng mga pwersa nito sa 2014. Bawat gabi, may abereyds na 10

reyd ang inilulunsad, at may mga pagkakataong umaabot sa

40 pananalakay ang isinasagawa. ~

10 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

2 milyong mamamayan,

nagwelga sa UK

M ahigit

dalawang milyong manggagawa sa pampublikong

sektor ang matagumpay na naglunsad ng welga noong Nobyembre

30 sa United Kingdom (UK). Tinutulan nila ang dagdag

na pagbabago sa sistema ng pensyon. Ito ang pinakamalaking

welga na naganap sa UK sa loob ng 30 taon.

Pinamunuan ang naturang

mobilisasyon ng 24 na unyon

na kumakatawan sa 2.6 milyong

manggagawa. Mahigit isang

milyon ang lumahok sa Britain,

300,000 sa Scotland, 200,000

sa Northern Ireland at 170,000

sa Wales. Malawak at malalim

ang partisipasyon ng iba't

ibang sektor sa naganap na

welga.

Galit ang mga unyon ng mga

manggagawa dahil papagbayarin

ng gubyerno ang lahat ng

mga myembro ng dagdag na

kontribusyon para sa pensyon,

palalawigin ang kanilang serbisyo

at babaguhin ang batayan

ng pagpepensyon na magreresulta

sa pagbawas ng kanilang

Mga negosyante sa India,

naglunsad ng welga

ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

sahod.

Lalong nagalit ang mamamayan

nang ianunsyo ni Finance

Minister George Osborne na madadagdagan

pa ng dalawang taon

ang pagpako sa mga sahod

ng mga manggagawa. Tatanggalin

din ang 700,000

manggagawa sa

pampublikong

sektor dahil sa

panibagong

pagtapyas sa

badyet bunsod

umano ng

mabilis na

paglala ng

krisis sa ekonomya.

Halos paralisado nang 24

oras ang pampublikong serbisyo

N apilitang iatras ng gubyerno ng India ang pagbubukas ng

sektor ng pagtitingi sa mga dayuhan matapos maglunsad

ng malaking protesta ang maliliit na magtitingi sa bansa

noong Nobyembre 30.

Pinamunuan ang welga ng Confederation of All India Traders

na sumasaklaw sa 10,000 organisasyon ng negosyo sa

pagtitingi. Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga nagprotesta

at pulis sa Lucknow, Uttar Pradesh. Bunga nito, inabandona

ang mga tindahan sa Agra at Chhattisgarh at nabulabog

ang mga garahe at mga eskwelahan.

Sa pamamagitan ng reporma sa negosyo na itinataguyod

ng gubyerno, makakapasok ang mga dambuhalang supermarket

ng daigdig sa lokal na pamilihan. Bagamat hanggang syudad

lamang ang kanilang operasyon, pinapayagan silang magmay-ari

ng 51% ng mga sapi ng mga korporasyon sa pagtitingi.

Takam na takam ang mga pandaigdigang kumpanya na pumasok

sa India dahil sa populasyon nitong isang bilyon, ito na

ang ikalawa sa pinakamalaking merkado sa buong mundo. ~

SA IBAYONG DAGAT

ng bansa nang magsilabasan sa

kanilang trabaho ang libu-libong

guro at estudyante, mga

doktor at nars, pati pasyente,

mga pulis, abugado, drayber,

manggagawa at upisyal sa mga

paliparan, imigrasyon at customs,

mga empleyado sa silidaklatan,

museo at art gallery, at

pati mga basurero, kusinero at

iba pa.

Mahigit 70% (16,000) ang

nagsara sa 21,700 pampublikong

eskwelahan ng UK. Sa

Northern Ireland, 100% paralisado

ang linya ng

transportasyon

sa tren

at bus samantalang

nagsara

ang mga

daanan sa

subway sa

Glasgow at

Merseyside. Mahigit

200 piket; 34

na malalaking demonstrasyon;

at 15 malalaking martsa ang

nailunsad sa buong bansa. Naganap

ang pinakamalaking

demonstrasyon at martsa sa mga

syudad ng London, Bristol,

Manchester, Belfast, Birmingham,

Glasgow, Edinburgh,

Brighton at Dundee na nilahukan

ng mahigit 10,000 hanggang

30,000 welgista.

Libu-libong pulis ang ginamit

ng gubyerno upang supilin

ang mga pagkilos.

Sa sentro ng London, nagtayo

sila ng steel cordon para

harangin ang mga nagmamartsa.

Sa martsa patungong Parlamento,

96 na welgista ang inaresto,

binugbog at dinetine. Naganap

ito nang mapasok ng 60kataong

myembro ng Occupy

London ang gusali ng Xstrata

Mining Company at kontrolin ito

ng anim na oras. Sa tuktok ng

gusali, matagumpay silang nakapagladlad

ng istrimer na may

islogang “All power to the 99%”

(Kapangyarihan sa 99%). ~

11

BALITA

Mga manggagawa,

ipinagdiwang

ang Araw ni Bonifacio

NAGLUNSAD ng kilos-protesta

noong Nobyembre 30 sa paanan

ng Mendiola Bridge sa Maynila

ang mga militanteng organisasyong

manggagawa at iba pang

progresibong grupo para gunitain

ang ika-148 kaarawan ni Gat

Andres Bonifacio.

Nakasuot ng damit Katipunero

ang 3,000 raliyista sa pangunguna

ng Kilusang Mayo

Uno (KMU), Partidong Anakpawis,

GABRIELA at Kalipunan ng

Damayang Mahihirap. Nanawagan

sila sa taumbayan na tularan

si Bonifacio at ituloy ang

pakikibaka para sa tunay na

pagbabago ng lipunan.

Hiniling din nila na isulong

ang dagdag sahod na `125 para

sa mga manggagawa at ibasura

ang kontraktwalisasyon.

Iginigiit din nila na ipamahagi

na ang lupain sa Hacienda Luisita

nang walang kundisyon.

Nanawagan sila para sa tunay

na repormang agraryo at tunay

na kalayaan mula sa imperyalismo.

Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo

ng KMU, kung buhay lamang

si Bonifacio ngayon ay

maglulunsad siya ng rebolusyon

para sa pagbabago. Nanawagan

si Labog sa mga manggagawa at

iba pang maralita na pag-aralan

ang tunay na kalagayan ng bansa

at ugat ng kahirapan at sumapi

o magtayo ng mga unyon

at organisasyong magtataguyod

sa kanilang karapatan.

Samantala, isang panukalang

batas ang nakasalang ngayon sa

Kongreso para gawing rekisito

sa kolehiyo ang pag-aaral sa

buhay at mga prinsipyo ni Bonifacio.

Ang panukalang inihain

ni Rep. Raymond Palatino ng

Kabataan Partylist ay naglalayong

magturo ng patriyotismo

sa kabataan.

Magkasunod na demolisyon,

isinagawa sa Quezon City

DALAWANG marahas na demolisyon ang isinagawa ng lokal na

gubyerno ng Quezon City at Philippine National Police (PNP) noong

Nobyembre 28.

Sa isang komunidad sa BIR Road, East Triangle sa Barangay

Central, isang residente ang inaresto at isa ang nasugatan matapos

lusubin ng halos 30 pulis at myembro ng demolition team

ang mga bahay ng mahigit 100 pamilya sa isang komunidad ng

mga maralita roon. Tinangka munang pigilin ng mga residente

ang demolisyon sa pamamagitan ng barikada. Nakipagnegosasyon

din sila para makapanatili sa kanilang lugar. Nang depensahan

ng mga maralita ang kanilang mga tirahan ay nagsimulang

umatake ang mga pulis. Nawasak ang ilang barungbarong. Nagpaputok

ng kanyang baril ang isang di nakaunipormeng pulis.

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng M16.

Mahigpit na tinututulan ng mga residente ang demolisyon para

maitayo ang Quezon City Central Business District na bahagi ng

proyektong Public-Private Partnership ng rehimeng Aquino.

Samantala, sa Sityo Looban, Barangay Kaligayahan sa Novaliches,

sakay ng isang trak ang mga elemento ng Task Force Illegal

Structures at Task Force Nova nang tangkain nilang pasukin

ang maralitang komunidad rito. Subalit nagtayo ng barikada at

nanlaban ang mga residente. Binuwag ng demolition team ang

kanilang barikada at nasugatan ang ilang residente. Ilan din sa

kanila ang inaresto.

Tutol ang mga maralita sa itatayong proyektong pabahay ng

lokal na gubyerno dahil itataboy lamang sila sa malayong relocation

site na walang maayos na serbisyo at kabuhayan.

Lider-komunista ng India, pinaslang ng mga pasista

MARIING binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang

reaksyunaryong gubyerno ng India sa brutal na pagpapahirap at

pagpatay kay Kasamang Malloujula Koteswara Rao, tagapagsalita

at kasapi ng Political Bureau (Politburo) ng Communist Party

of India (CPI-Maoist).

Ayon sa pahayag ng gubyernong Indian, si Rao, na mas kilala

sa India bilang Kasamang Kishenji ay napatay umano sa isang

engkwentro sa Burishol Forest Area sa West Midnapore District,

Jangalmahal, West Bengal noong Nobyembre 24. Ngunit batay sa

impormasyon ng CPI-M, si Kasamang Kishenji ay nakikipagnegosasyon

sa mga upisyal ng West Bengal nang siya ay patraydor na

dakpin at arestuhin ng mga pasistang sundalo.

Anang PKP, nagtagumpay ang mga imperyalista, mga reaksyunaryo

at kanilang mga pasistang alipures sa pagtortyur at

pagpaslang kay Kasamang Kishenji. Ngunit kanilang pagbabayaran

ito nang mahal. Magpapatuloy ang mamamayang Indian sa

pagtahak ng rebolusyonaryong landas ng armadong paglaban at

pakikibakang masa hanggang sa maibagsak ang mga reaksyunaryong

estado at maipagtagumpay ang pambansa at panlipunang

kalayaan. Sa gayon ay makakamit ang hustisya para sa mga inaapi

at pinagsasamantalahang mamamayan ng India.

12 ANG BAYAN Disyembre 7, 2011

Editoryal

Mga tampok

sa isyung ito...

ANG

Kilos-protesta

ng mga kabataan,

binuwag PAHINA 4

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Pagkaisahin ang mamamayan

laban sa digmang mapanupil

ng rehimeng US-Aquino

D uguan

na ang "tuwid na daan" ng rehimeng

US-Aquino matapos ang isa't kalahating taon

lamang nito sa poder . Kabi-kabila ang

mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao bunsod

ng inilulunsad nitong digma laban sa bayan. Hindi

kayang pagtakpan ng bukambibig na "kapayapaan"

at "paggalang sa karapatang-tao" ni Benigno

Aquino III ang kalupitan ng mga armadong

tauhan ng kanyang rehimen laban sa mamamayang

Pilipino.

Pagkaluklok pa lamang niya sa poder, inatasan

na ni Aquino ang Armed Forces of the Philippines

(AFP) at Philippine National Police

(PNP) na lupigin ang Bagong Hukbong

Bayan (BHB) sa loob ng tatlong

taon. Alinsunod rito, binuo

ng AFP ang Oplan Bayanihan

(OPB), ang

Tomo XLII Blg. 23

Disyembre 7, 2011

www.philippinerevolution.net

pinaigting na digmang mapanupil ng militar laban

sa mamamayan.

Sa ilalim ng OPB, inilunsad ang mga operasyong

militar na nakatuon sa mga baryo na pinagsususpetsahan

ng AFP at PNP na aktibo sa rebolusyonaryong

kilusan. Ipinwesto ng AFP ang mga

pangkat ng sundalo sa mga sentrong baryo upang

manghalihaw, manakot at dahasin ang mamamayang

itinuturing nilang "kaaway ng estado". Ang

mga operasyong ito ay nakapadron sa mga brutal

na operasyong inilunsad ng berdugong si Gen.

Jovito Palparan mula 2004-2010.

Saan man nag-ooperasyon, pinaiiral ng AFP at

PNP ang batas militar. Ipinapataw ang

curfew at pagrerekisa ng mga tao. Ang mga

pinaghihinalaang sangkot sa rebolusyonaryong

kilusan ay ginigipit ng militar sa iba't ibang paraan.

Kinokontrol ang paglalakbay maging ang

pagtatrabaho ng mga residente sa kanilang

mga bukid. Nililimitahan

ang

dami ng binibiling

pagkain at

iba pang kagamitan

ng mga

residente.

Pwersahang pinapasok

ang

Tagumpay at papatinding

laban sa Hda.

Luisita PAHINA 7

Pulang pangayaw

PAHINA 9

Mga tuntunin sa paglilimbag

1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas

mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o

naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.

2. Pag-print sa istensil:

a) Sa print dialog, i-check ang Print as image

b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size

k) I-click ang Properties

d) I-click ang Advanced

e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling

d) Ituloy ang pag-print

3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang

problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa

angbayan@yahoo.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!