Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
21, 2017

9

Ex-misis ng mister, dahil BFF na niya ngayon…

MICHELA TAMEME, ‘DI MAN LANG MAIPAGTANGGOL SI JAMES

SA MGA BANAT NI KRIS KAHIT DUROG NA DUROG NA

K

INAPOS kami ng paglalarawan kay James Yap sa

aming kolum kahapon. Sabi namin, kapag bumuwelta

na si Kris Aquino sa maigsi lang naman

niyang sinabi ay magmimistula siyang

pinitpit na lata, kulang na kulang ang aming

paghahambing.

Sa kilometrikong litanya ni Kris kay

James ay hindi lang pala siya magiging

mukhang pinitpit na lata, magmimistula

pala siyang isda na binalatan mula ulo

hanggang buntot, saka binudburan ng asin.

Napakaigsi lang ng kanyang sinabi. Pero ang sagot ni

Kris ay hindi lang basta mahaba, punumpuno pa ‘yun ng

pagdalirot sa kanilang nakaraan, hanggang sa pagiging

iresponsable niyang ama ngayon kay Bimby.

Wala na namang ulong magdidribol at magsusyut ngayon

si James sa mga laro ng kanyang koponan sa PBA. Pansamantala

lang pala siyang makapagtataas ng noo, ngayon

ay palagi na naman siyang yuyuko, dahil sa matitinding

rebelasyon ni Kris tungkol sa kanyang pagiging ama.

PARANG latigong humahaplit sa katawan ng basketbolista

ang pinakawalang pahayag ni Kris na walang

karapatang magmukhang biktima sa senaryong ito

ang isang lalaking nagkamal nang milyones mula

sa pagpapawalang-bisa ng isang kasalang umabot

lang nang apat na taon.

Napakasakit nu’n sa pride ng isang lalaki. Kulang

na lang sabihin ni Kris na pinagnegosyohan siya ni

James dahil sa milyun-milyon nitong nakuha sa pagsasama

nila nang apat na taon lang.

Matalino si Kris. Alam niya ang batas kundi man

kabisado niya. Alam niya na anumang propyedad na

nabili nilang mag-asawa sa kabuuang panahon ng

kanilang pagsasama ay itinuturing na conjugal.

Hahatiin ‘yun nang patas na patas kapag naghiwalay

na sila.

Masakit sa pandinig

ang sinabi ni Kris dahil

parang lumalabas sa kanyang

pahayag na basta na

lang nakakuha nang milyones

si James nang wala

itong ginagawa.

Milyunan din ang suweldo ni James

sa paglalaro ng basketball. Star player

ang ama ng kanyang anak nu’n sa Purefoods

bago ito kinuha ng Rain Or Shine.

Bakit parang wala nang partisipasyon si

James sa naipon nilang kayamanan habang

nagsasama pa sila sa ginawang panunumbat

ni Kris?

Hindi lang niya sinaktan si James.

Ninakawan pa niya ito ng dignidad bilang

tao. Hindi naman kain-tulog lang ang

ginawa ni James habang nagsasama sila,

nakikipagbalyahan ito sa hardcourt,

gumana ang mga kamay ni James sa

pagbubuslo ng bola at palakpak pa siya

nang palakpak kapag nanonood ng laro

ng kanyang asawa.

Sinukat na naman ni Kris si James sa

pera. Usapin na naman ng pananalapi ang

ipinasok niya samantalang ang sinabi

lang naman ni James ay walong buwan na silang hindi

nagkikita ni Bimby.

Naungkat na naman ang pagiging

iresponsableng ama nito, ang hindi pagbibigay

ng regular na sustento sa kanilang

anak, na ang pinakahuling pagkakataon

ay tatlong taon na ang nakararaan.

Tama ang kanyang punto na ama ang

dapat bumubuhay sa anak at hindi ang

ina. Pero may regular silang komunikasyon

ni Michela Cazzola, ang kasalukuyang

karelasyon ng ama ni Bimby,

bakit hindi na lang niya ‘yun ipinaalala

sa Italyana kesa sa ipagbanduhan pa

niya ngayon ang pagkukulang ni James

sa publiko?

Kapag nagkakausap ba silang dalawa

ay saan umiikot ang kanilang kuwentuhan?

Pareho nilang sinasabi na para

lang sa mga bata ang pagiging bukas ng

kanilang linya, para lang daw kina

Bimby at MJ ‘yun, hindi man lang ba

nila napag-uusapan na walang ibinibigay

na sustento si James kay Bimby nang

tatlong taon na ngayon?

Anu-ano lang ba kasi ang pinagtsitsismisan

nilang dalawa?

PARA kay Kris ay ginamit ni James si

Bimby para sa promosyon ng bagong

negosyong pinasukan nito. Gusto lang daw

ni James na mapag-usapan ang bar kung

saan ito sumosyo.

At tinuruan pa niya si James ng dapat

gawin kapag tinatanong ito tungkol sa

kanilang anak. Ang dapat daw sabihin ni

James ay hindi ‘yun ang tamang venue para

pag-usapan si Bimby at ipagpapasalamat

nito kung pagbibigyan ang kanyang kapribaduhan.

Jusko pong itik na naging pato! Malapit

na kaming tumimbuwang sa aming upuan

nang mabasa namin ang arya ni Kris.

Pagiging tactful ba ang ituturo niya kay

James? Siya ba ang may karapatang magturo

nu’n sa kanyang ex?

Reyna ng pagiging taklesa ba ang

kailangang magrolyo kay James ng kung ano

ang dapat gawin at iwasan sa mga interbyu?

Sus naman, nang magsabog ba ang tadhana

ng pagiging tactful ay may nasalo si Kris,

(Sundan sa p.7)