Be Nice☻ Newsletter (December 2016 Issue)

senatornancybinay

The Be Nice☻ Newsletter is the monthly publication of the Office of Senator Maria Lourdes Nancy Binay.

Serbisyong Tunay, Serbisyong Binay!

In this issue:
- Senator Nancy spreads the Yuletide cheer to Biliary Atresia Patients of Litro
- LGUs for Tourism Growth
- Pasko sa Intramuros

Office of Hon. Maria Lourdes Nancy S. Binay

Room 523, Senate of the Philippines,

GSIS Financial Center, Pasay City 1307

OFFICIAL MAIL

PENALTY FOR PRIVATE OR

UNAUTHORIZED USE TO

AVOID PAYMENT OF POSTAGE

P500.00 OR IMPRISONMENT

CHRISTMAS CHEER FOR BILIARY ATRESIA PATIENTS. Senator Nancy Binay initiated a small gathering for the families of Liver Transplant

Operation Babies Philippines (LITRO), a SEC-registered charitable organization that supports Biliary Atresia patients, at the Manila Ocean Park on December

10, 2016. Supporting biliary atresia patients and promoting awareness on the disease are among Senator Binay's advocacies. Over 40 patients

and their families came to join in the festivities. Biliary Atresia is a life-threatening disease that affects the liver in children and its treatment is considered

high risk and very expensive. (Photo Credit: Mark Aquino)


Newsletter of the Office of Senator Nancy Binay Vol. 1 Issue No. 4 December 2016

PASKO SA INTRAMUROS. Pinangunahan nila

Senator Binay, Sec. Tulfo Teo at Senator Gordon ang

pagbubukas ng proyektong ito na nagpro-promote ng

Intramuros bilang isang tourism destination ngayong

Pasko. Pinamunuan nila ang pagpapailaw sa mga

parol (taas), pamimigay ng mga regalo at pagsakay ng

kalesa na umikot sa Intramuros.

LGUs FOR TOURISM GROWTH. Senator Nancy Binay gave a speech emphasizing the role of local

government units (LGUs) in improving the country’s local tourism industry during the Tourism Summit of the

Department of Tourism (DOT) at the Manila Diamond Hotel on November 23, 2016. Together with DOT Sec.

Wanda Tulfo-Teo, she said that LGUs should collaborate with the DOT, regional development councils to align

with the administration’s Ambisyon Natin 2040 national development plan. (Photo credit: Mark Aquino)

facebook.com/senatornancybinay

K

ilala ang ating bansa sa buong

mundo na may pinakamahabang

panahon ng pagdiriwang

ng kapanganakan

ng ating Panginoong Hesus.

Simula pa lang ng September,

makakakita na tayo ng mga parol at

Christmas lights na nakasabit sa mga

kabahayan. Maririnig na sa ambient

music ng mga malls ang mga Christmas

carols.

Isang halimbawa nito ang pagbubukas

ng “Pasko sa Intramuros,”

isang proyekto ng Department of Tourism

(DOT) na m uling binubuhay

ang sigla sa makasaysayang Intramuros.

Sa pangunguna ni DOT Secretary

Wanda Tulfo-Teo, at kasam a si

Senator Richard Gordon, pinasinayaan

natin ang pagbubukas ng mga bazaar,

pagpapailaw ng parol at pag-iikot sa

Intramuros sakay ng kalesa.

Totoong, ramdam na ramdam na

natin ang Pasko. Kitang-kita sa mukha

ng bawat isa ang ligayang hatid ng

panahong ito.

@senatorbinay

Ngunit higit pa sa pagsasaya at pagdiriwang,

nawa'y muli nating alalahanin

ang tunay na diwa ng Pasko -

ang pakikipagkapwa at pagmamahal

para sa mga kapus-palad.

Ngayong Christmas, minabuti

nating maghatid ng pagmamahal sa

inaalagaan nating mga bata ng Liver

Transplant Operation Babies -

Philippines (LITRO). Ang LITRO

ay certified ng Securities and Exchange

Commission (SEC) na organization na

tumutulong sa mga batang may Biliary

Atresia, isang sakit sa atay.

Ang karamdamang ito ay nagdudulot

ng pamamaga ng tiyan, paninilaw

ng balat at mata, kadalasang nangyayari

sa mga sanggol, at napakamahal

ng pagpapagamot nito. Ang mga

sanggol na nasuri at nakitaan ng Biliary

Atresia ay kadalasang hindi na

umaabot ng dalawang taon.

Umaabot pa ng hanggang P6 milyon

ang kailangang gastusin para lang

mabigyan ng ginhawa ang mga pasyente

nito.

Nitong December 10, nagkaroon

kami ng maliit na salu-salo sa Manila

Ocean Park kung saan nakita ng

mga bata ang iba't ibang mga isda sa

mga naglalakihang aquarium. Nakapaghatid

tayo ng saya sa mga pasyente at

kanilang mga pamilya.

Inaanyayahan ko po kayong magabot

ng tulong, sa kahit anong paraan

na inyong makakayanan, sa ating mga

kabababayan ngayong Pasko. Nawa'y

mamayani po sa ating lahat ang diwa

ng kapanganakan ni Hesus, ang

bukas kamay na pagkakaloob ng pagmamahal

para sa lahat.

Muli, Maligayang Pasko at Isang

Masaganang Bagong Taon sa lahat!

#BeNice!

@senatornancybinay

More magazines by this user
Similar magazines