Be Nice☻ Newsletter (October to November 2016 Issue)

senatornancybinay

The Be Nice☻ Newsletter is the monthly publication of the Office of Senator Maria Lourdes Nancy Binay.

Serbisyong Tunay, Serbisyong Binay!

In this issue:
- Philippine Senate's Centennial Celebration
- Typhoon Lawin Relief Operations
- Organizational Meeting with the Department of Tourism and its attached agencies
- Tourism Officers Convention

Office of Hon. Maria Lourdes Nancy S. Binay

Room 523, Senate of the Philippines,

GSIS Financial Center, Pasay City 1307

OFFICIAL MAIL

PENALTY FOR PRIVATE OR

UNAUTHORIZED USE TO

AVOID PAYMENT OF POSTAGE

P500.00 OR IMPRISONMENT

ISANG SIGLO NG SENADO Noong Oktubre 16, 2016, ipinagdiwang ng Senado ang

ika-100 taong anibersaryo nito. Sa Senate Centennial Dinner noong Oktubre 6, nagtipon ang kasalukuyang

miyembro ng Mataas na Kapulungan at ang mga nakaraang mga miyembro nito. Kasama

rin sa piging ang mga kabiyak ng mga senador. (Photo credits: Joseph Vidal of Senate PRIB)

MGA ADBOKASIYA

#LAWINPH RELIEF Binisita ni Senator Nancy Binay ang ilang mga bayan sa Isabela at

Cagayan, kasama ang kanyang ama, former Vice President Jejomar C. Binay, at kapatid, former Makati

Mayor Junjun Binay, noong Oct. 22—23 upang tignan ang pinsala na dulot ng bagyong Lawin

at mag-abot ng tulong sa mga nasalanta.


P

Newsletter of the Office of Senator Nancy Binay

Vol. 1 Issue No. 3 OctoberNovember 2016

akikipag-ugnayan

N

itong mga nagdaang buwan, tayo ay pinalad

na makasama, makausap, at makasalamuha

ang ilang grupo na kaisa

nating nagsusulong ng mga adhikain at

adbokasiya na ating sinusuportahan.

Noong Oktubre, naminsala ang bagyong Lawin sa ilang mga

probinsya sa Hilagang Luzon. Isa sa mga adbokasiya ng aking ama,

ang dating Bise Presidente Jejomar Binay, ang agarang mag-abot ng

ayuda sa mga naapektuhan ng nagpakalakas na bagyo. Agaran

kaming bumisita sa ilang bayan sa Isabela at Cagayan upang kausapin

ang mga opisyal local government units (LGU) nang aming malaman

ang kinakailangan ng kanilang mga kababayan.

Sunod-sunod din ang ating mga pakikipagtipon sa mga opisyal,

kawani, at iba't-ibang stakeholder sa turismo ng ating bansa. Bilang

Senate committee on Tourism chairperson, binusisi natin

ang mga isyu at oportunidad na nilahad mga samahang ito.

Nakausap natin ang mga miyembro ng Association of Tourism

Officers of the Philippines (ATOP) sa Clarkfield, Pam panga.

Sumangguni rin tayo sa mga opisyal ng Department of Tourism

(DOT) noong October 12 sa unang organizational m eeting

ng Senate Committee on Tourism. Nabigyan din tayo ng pagkakataon

na pumunta sa London bilang kinatawan ng bansa sa World Travel

Market 2016.

Sa mga pagtitipong ito, ating napagtibay ang kahalagahan ng masusing

pakikipag-ugnayan upang makabuo ng isang komprehensibong

plano para sa maitaguyod ang ating bansa bilang isang

primeyadong tourism destination sa mundo.

Ayon sa DOT, nilalayon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo

Duterte na palaw igin ang pangangalaga sa ating m ga tourism

destination, lalo na ang mga heritage sites, sa pamamagitan ng

sustainable tourism. Sinusulong din natin ang m asigasig na

pag-promote sa turismo sa Pilipinas abroad sa pamamagitan ng malawakang

caravans at marketing campaigns.

Sa pagbuo ng lehislatura na susuporta sa ating tourism plans, ninanais

nating maipasa ang isang batas na nagtatalaga ng kahit isang

tourism officer bilang regular na empleyado ng LGU. Ang

bawat tourism officer ang siyang mamamahala at magplaplano ng

mga tourism projects at prospects sa bawat bayan sa bansa kaya nararapat

lang maging full-fledged employee sila ng pam ahalaan.

Muli, hinihikayat ko ang lahat na suportahan ang mga planong

ito. Maraming salamat at lagi po tayong maging #BeNiCE!

TOURISM OFFICERS’ CONVENTION Nakipagsangguni

si Senator Nancy Binay sa mga opisyal at miyembro ng Association of

Tourism Officers of the Philippines (ATOP) sa kanilang ika-17 na National

Conference noong October 5, sa Royce Hotel, sa Clarkfield, Pampanga.

(Photo credits: Mark Aquino)

COURTESY CALL Bilang mga committee chair ng

Tourism sa Senado at Kongreso, nakipagkita si Senator Nancy

Binay at Congresswoman Lucy Torress– Gomez kay Ambassador

Evan Garcia ng Philippine Embassy in London. Nasa

London ang mga mambabatas para makilahok sa World

Travel Market sa ExCel London. (Photo credits: Philippine Embassy

in London Facebook Page)

DOT ORG MEETING

Nakipagpulong si Senator Binay sa

mga opisyal ng Department of Tourism

(DOT) upang talakayin ang mga

programang nais ipatupad ng ahensya

at kung paano ito mapapalawig

sa pamamagitan ng lehislatura - katulad

ng pagsulong bagong tourism

marketing campaign at pagpapatayo

ng mga bagong airport at mga pier.

Kasama niya noon si Senate Committee

on Tourism vice chair Senator JV

Ejercito. (Photo credits: Mark Aquino)

Nais ko muling batiin ang mga kawani ng Senado sa inyong pagdiriwang ng ika-100 Anibersaryo ng Senado!

Isang karangalan po ang maglingkod kasama kayo. #Senado100

facebook.com/senatornancybinay

@senatorbinay

@senatornancybinay

More magazines by this user
Similar magazines