Views
1 year ago

NOVEMBER 8, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

8 NOBYEMBRE 8,

8 NOBYEMBRE 8, 2017 Libreng medical, dental at optical services sa SSS Members’ Day NAPAKARAMING miyembro ang dumalo sa SSS Member’s Day noong Lunes, ika-6 ng Nobyembre na ginanap sa SSS Quadrangle, sa East Avenue, Diliman, Quezon City. Ang araw na ito ay paggunita at pagdiriwang sa mabuting pagsasamahan ng SSS at ng mga miyembro nito. Naglaan ang SSS ng iba’t ibang serbisyo para sa mga miyembro at pensiyunado na nakilahok sa masayang selebrasyon. Kabilang dito ang libreng medical, dental at optical service. Ang pinakamahabang pila ay ang optical service na namigay ng libreng eksaminasyon sa mga mata pati na rin salamin. Mayroon ding libreng gupitan ng buhok. Pinakapatok naman ang masahe mula sa mga ekspertong reflexologist na dinumog din ng maraming tao. Nagkaroon din ng blood-letting o blood donation mula sa publiko at mga empleyado ng SSS. Sa 75 volunteers, 55 ang pumasa na magbigay ng dugo. Naging masigla ang buong araw sa saliw ng banda ni dating Vice- Governor Andy Palma. Pagkatapos ng mensahe ni Chairman Amado Valdez, nagpakitang-gilas si Ginoong Palma ng pag-awit ng mga lumang kanta ni Elvis Presley at ng bandang Beatles. Nais ng SSS na maging matatag ang ugnayan nito sa mga miyembro. Hangad ng pamunuan na maging masigla at masigasig ang mga miyembro sa pagtataguyod ng kanilang maaasahan sa kinabukasan. Nais ipabatid ng SSS ang malasakit nito sa mga miyembro at makaaasa sila na ang ahensiya ay laging gaganap at magtatrabaho para sa ikasusulong at ikauunlad ng mga miyembro at pensiyunado. Mababakas natin mula sa mga mensahe nina SVP May Ciriaco at Chairman Valdez ang pagmamahal at pagsaalang-alang sa lahat ng mga miyembro na binigyang-pugay at pagkilala sa araw na inilaan para sa kanila. Kasabay na inilunsad ng araw ding ‘yun ang isang job fair na ginanap mula alas-otso ng umaga hanggang alasdose ng tanghali sa SSS Gallery na nasa 2nd floor ng SSS Bldg. Ito ay dinaluhan ng maraming aplikante na nagnanais makapagtrabaho sa SSS. Ang pag-unlad ng SSS ay nakasalalay sa mga miyembro. Kaya nararapat lang ang malingap at tapat na paglilingkod ng ahensiya sa mga miyembro na magiging matibay na sandigan ng pagsasamahan sa mahabang panahon. Para sa inyong mga katanungan at problema, sumulat sa BUTI NA LANG MAY SSS ni Art Amansec, BULGAR Bldg. 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa sss.bulgar@gmail.com, puwede ring magpadala ng personal na mensahe sa ating Facebook page https://www.facebook.com/ BULGAR.OFFICIAL HELLO, Bulgarians! Tayong mga millennial, nakagisnan na natin ang pagpapadala ng sulat via email o online mailing pero mula noon hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang snail mail kung saan kailangan ng stamp para maipadala ito sa gusto nating padalhan. Karamihan sa ating mga magulang o sa ating mga ate at kuya ay nangongolekta nito dahil, ‘ika nga nila, ‘pag nakikita nila ang mga stamp o selyo ay parang nakalibot na rin sila sa buong mundo. Kaya naman nitong November 4-6, 2017 ay nagkaroon ng ASEAN Invitational Philtelic Exhibition (ASEANPEx) kasama ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa SMX Convention Center Mall of Asia sa Pasay City. Bukas ito sa publiko kaya naman pinuntahan ito ng mga estudyante, guro at marami pang iba. Una itong ginanap sa Pilipinas noong 1996 at ngayon lang ulit ginanap sa ating bansa dahil bukod sa pagbisita ng mga pinuno ngayong November sa gaganaping ASEAN Summit ay ipinagmamalaki rin ng ating bansa ang mga iba’t ibang koleksiyon ng mga selyo na noon lamang unang ipinakita sa publiko. Ipinakita rin dito ang mga nagbigay ng parangal sa ating bansa tulad nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at Mansueto “Onyok” Velasco, Jr., beauty queens Megan Lynne Young, Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Alonzo Wurtzbach at karamihan sa kanila ay bumisita sa exhibit. Maglalabas din ang PHLPost ng “ebolusyon ng Philippine Jeepney” at limited edition na ASEANPex commemorative stamp, tampok ang Libreng ASEAN International Stamp Exhibition, ginawa sa Pilipinas logo ng ASEAN 50 th anniversary at kasabay na rin ng 250 th anniversary ng unang post office sa bansa. Hindi lang ‘yan, nagkaroon din ng Cosplay Competition ang PHL- Post na open din sa lahat. Layunin ng event na ito na hikayatin ang lahat ng kabataan na tangkilikin ang philately. GINANAP din sa ating bansa ang 24 th ASEAN Postal Business Meeting (ASEANPOST) nitong November 6-7 sa temang Partnership for Change, Engaging the World through Post. Ito ay sa pangunguna nina Postmaster General Joel Otarra ng PHLPost at Pos Malaysia Berhad Group Chief Executive Officer Mr. Mohd Shukrie Mohd Salleh. Nagsama-sama sa event na ito ang mga ASEAN postal operator ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Brunei, Laos, Myanmar, Cambodia at Vietnam. Ito ay nagsimula noong 1992 na exclusive sa postal administration na kabilang sa ASEAN country na may layuning pagtibayin ang kolaborasyon ng bawat kasapi nito sa postal sector. Pinag-usapan din nito ang tungkol sa e-commerce, trade facilitation for micro, small and medium entrepreneurs at postal supply chain at security. Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbul garific o i-like ang aking Facebook page – https:// www.facebook.com/ Missbulgarific For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com at bulgarific @bulgar.com.ph Got to go! It’s so Bulgarific! xoxo

NOBYEMBRE 8, 2017 9 Parang tuod lang na sa malayo nakatingin... JAMES, OBYUS NA WALANG KAGANA- GANA ‘PAG KASAMA SI NADINE P AGDATING sa pagtulong sa kanyang mga kapwa artista at kahit sinong kasamahan sa industriya na nangangailangan ay isang nakabukas na pintuan ang puso ni Robin Padilla. Hindi na siya kailangan pang katukin, hindi lang palad niya ang nakabukas sa pagtulong, nakadisenyo ang kanyang puso sa mga ganu’ng pagkakataon. Napatunayan na namin nang maraming beses ang kabutihan ng puso ni Robin Padilla. Nang malagay sa indulto ang isang kasamahan naming manunulat ay nagulat kami. Agad-agad ay nagpadala siya ng tulong na pampinansiyal sa kanyang manager na si Betchay Vidanes. At hindi basta tulong lang ang kanyang ipinadala, malaking halaga ‘yun, na nasundan pa pagkatapos nang ilang buwan. Marunong siyang makisama, ramdam niya ang pinagdaraanan ng kanyang mga katrabaho, at ginagawa niya ‘yun nang tahimik at walang mga camera. Kaya naman patuloy ang pagpasok ng mga biyaya sa kanyang kaban. Milyones ang talent fee niya sa mga ginagawa niyang TV commercials, isang araw na trabaho lang ‘yun, pero busog na busog na naman ang kanyang bulsa. At mabuti rin ang puso ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez na hindi humahadlang sa ginagawang pagayuda ni Robin sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Sabi ng isang character actor na nakakuwentuhan namin, “Kung wala si Binoe, todas na ako ngayon. Pinasabihan ko lang siya kung nasaan ako, maya-maya lang, may ipinadala na siyang tulong sa akin. “Siya na ang sumagot sa pagpapaospital ko, nu’ng umuwi ako, eh, nagpabaon pa siya sa akin ng pambili ng gamot. Alam niya kasi na wala naman akong trabaho. Sabi ko nga, kapag gumawa siya ng pelikula, eh, nandito lang ako para sa kanya. “Kahit ipagbalibagan pa niya ako, walang problema. Puwede niyang gawin ang kahit ano sa akin dahil siya ang nagligtas ng buhay ko,” napakasinserong sabi ng nagkokontrabidang personalidad. Habang nakikipaglaban pa sa buhay si Isabel Granada sa Doha, Qatar ay natiyempo namang nandu’n din si Robin Padilla. Dumalaw siya kay Isabel, kinausap niya ang mga kapamilya nito, at siguradong nagbigay siya ng tulong sa pamilya ng yumaong aktres. Hindi ‘yun manggagaling kay Robin, hindi niya ipagmamakaingay ang kagandahan ng kanyang puso, pero sigurado kaming hindi umalis ng ospital ang action star na hindi nag-aabot ng tulong para kay Isabel Granada. Ganu’n kabusilak ang puso ni Binoe. Hindi na bago para sa amin ang ginagawa niyang pagtulong ngayon sa mga kababayan natin sa Marawi. Dati na siyang ganyan. Hindi siya mapapakali nang hindi nakatutulong sa mga tunay na nangangailangan. ☺☺ KAPAG pag-ibig na ang lumukob sa puso ninuman ay handa siyang maging bulag at bingi. Walang peru-pero, walang kasi-kasi, ipinaglalaban ang pag-ibig at hindi sinusukuan. Napakasakit para kay Nadine Lustre ang malaman na sa kabila pala ng sinserong pagmamahal na ibinibigay niya kay James Reid ay hindi naman siya minamahal pabalik nito. Binabalewala lang pala siya ni James, hindi nito pinahahalagahan ang pagmamahal na ibinibigay niya, mas mahalaga pa pala sa binata ang kanyang mga kaibigan kesa kay Nadine. Nagising namin ang kamalayan ng kaibigan na- TEKA. . . . (mula sa p.10) Kamakailan lang ay nagkaroon ng minor accident si Ryan Agoncillo sa kanyang pagmomotor. Kinakailangan muna niyang magpahinga at hindi makakasama sa mga events ng mga riders. Ito pa naman ang pinakalibangan at sports ni Ryan. Wish lang niya na maka-recover sa tinamong knee injury at muling makapagtrabaho. For now, goodbye muna siya sa pagmomotor dahil hindi kakayanin ng kanyang katawan. ☺ ming propesor nang dahil du’n, ang kanyang sabi, “Honestly, matagal ko nang sinabi sa iyo ‘yan. Kaya lang, ginawa mong blind item instead na pangalanan mo sina James at Nadine. “I get to watch them nu’n sa It’s Showtime. Alam mo bang kahit kudlit na kilig, eh, hindi mo mararamdaman sa kanila? Malayo ang tingin ni James kahit magkatabi sila ni Nadine. Alam mong walang friction between them. “The language of love can be felt and seen kahit sa tinginan lang. Look at Kathryn and Daniel, hindi sila nagyayakapan, hindi sila nagsasabihan ng I love you, pero mararamdaman mo ‘yun! “It’s not hugging all the time, it’s not saying I love you anytime, kahit sa tinginan lang, mapi-feel mo na ang mga taong nagmamahalan. “Puwedeng si Nadine, yes, meron. Pero kay James, wala talaga. Magkatabi na sila ni Nadine, tinutukso na sila ng mga co-hosts nila, pero parang tuod lang si James! “Walang tumatawid na love si James para kay Nadine. Mararamdaman mong dedma lang siya sa girl, parang inip na inip siya kapag magkasama sila. Nakakaawa naman ‘yung babae, bigay na bigay, pero walang balik! “Love is reciprocal. Kung ano ang ibinibigay sa atin, sinusuklian natin ‘yun nang higit pa nga dapat, ‘di ba? But with James, wala, napaka-martyr naman pala ni Nadine! “Hindi naman si James lang ang lalaki sa mundo! Ang dami-daming isda sa dagat! Bago pa mahuli ang lahat, eh, dapat nang isalba ni Nadine ang self-esteem niya. “Huwag na niyang ipaagaw ‘yun, itira na niya ‘yun para sa sarili niya. James is not worth loving. Gumising na sana si Nadine habang maaga pa,” litanya ni prop.☺ INSIDER. . . . (mula sa kanan) Hiningan din namin ng reaksiyon si Jona sa usap-usapan na bubuwagin na raw ang Birit Queens sa A.S.A.P. (kung saan kasama niya sa grupo sina Angeline Quinto, Klarisse at Morisette Amon) dahil kapansin-pansin na ‘di na sila regular na napapanood sa Sunday noontime musical variety show. Ani Jona, clueless siya tungkol dito. Pero napansin din ng singer na isinasama-sama na nga sila sa production numbers ng ibang singers. ‘Di naman daw ito isyu sa kanya dahil bukas din siyang makatrabaho ang ibang singers at performers, pero pamilya na ang turing niya sa mga kapwa Birit Queens.☺ ‘Di pa pumapasok, kinuyog na tulad ni Angel… PIOLO, , ATR TRAS SA SERYE NINA KATHRYN AT DANIEL MARAMI ang natuwa sa Instagram post ni Robin Padilla kung saan in-announce niyang nagbigay ng P1 million si Piolo Pascual at kalahating milyong piso naman si Direk Joyce Bernal para sa mga kababayan natin sa Marawi na naapektuhan ng pagsakop ng teroristang grupong Maute. Kuwento ni Piolo, ang kaibigang direktora ang nagsabi sa kanya na nagkuwento nga rito si Robin ng mabigat na pinagdaraanan ng mga taga-Marawi. Kaya nu’ng nakuha na nila ang kinita nila sa box office hit movie na Kita Kita ay napagdesisyunan nilang i-donate ito para na rin makatulong. Sa darating na Linggo ay handog din sa mga taga-Marawi ang episode ng A.S.A.P. kung saan ayon kay Papa P., sa pamamagitan man lang ng entertainment ay makapagbigay din sila ng aliw, inspirasyon at lakas ng loob sa mga kababayan natin sa Marawi para ipagpatuloy pa rin ang kanilang buhay sa kabila ng trahedya. Samantala, napanood sa nakaraang episode ng Home Sweetie Home si Papa P. kaya inakala ng iba na siya na ang pumalit kay John Lloyd Cruz na pansamantalang nagbabakasyon ngayon sa ibang bansa kasama si Ellen Adarna. Agad na kinlaro ni Piolo na hindinghindi niya puwedeng palitan si John Lloyd sa show. Gumanap lang siyang pinsan nito sa istorya. Hindi raw siya ang tipong nananapak ng tao o nang-aagaw ng show ng ibang artista. Hiningi lang ang tulong niya at dahil iisang pamilya naman sila sa ABS- CBN ay agad siyang umoo. Tinanong din namin si Piolo sa nabalitang papasok siya sa La Luna Sangre dahil sa ipinost niyang larawan niya na may mensaheng “La Luna Sangre, Weeknights”. Marami sa mga KathNiel fans ang nag-react dito gaya ng pagri-react nila nang pumasok si Angel Locsin sa serye. Ayon kay Piolo ay bilog kasi ang buwan nu’ng gabing ‘yun kaya naisip niya ang show na La Luna Sangre, pero hindi siya papasok sa show dahil sa ngayon ay simula na rin ng taping ng seryeng pagsasamahan nila nina Arci Muñoz, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at JC de Vera. ☺☺ SA album launch ni Kisses Delavin nu’ng Martes sa Skydome, nagbigay ng positibong mensahe ang batang aktres sa mga KissMarc fans na ‘wag malungkot ang mga ito dahil may mas malalaki siyang sorpresang ihahandog sa mga tagahanga nila ni Marco Gallo kahit pa nga buwag na ang tambalan nila. Nagsimula ang lahat nang mag-away on-air sa Kapamilya chat sina Kisses at Marco at napanood nga ng mga viewers ang pagsasagutan nila. Ayaw nang pag-usapan pa ni Kisses ang nangyari. At nang tanungin namin kung may kinalaman ba ito sa balitang inisnab ni Marco ang mga magulang niya ay nakiusap sa amin ang aktres na ‘wag nang idamay ang parents niya sa issue. Alam niyang marami sa mga KissMarc fans ang nasaktan at nalulungkot ngayon, pero naniniwala si Kisses na para sa ikabubuti nila ang nangyari. Sa ngayon ay wala na rin daw silang komunikasyon ni Marco. Sa nakikita namin kay Kisses ay mukhang nawalan na talaga ito ng amor at tiwala sa aktor pagkatapos ng mga nangyari. Ayaw na rin daw muna niyang maipareha sa ibang aktor. Mas gusto niyang gumawa ng mga solong proyekto na wala siyang ka-love team o love interest. Mukha namang buong-buo ang suporta kay Kisses ng mga fans niya. Bukod sa platinum na ang album ni Kisses ay punumpuno pa ang SM North Skydome. Marami rin ang nakapansin na may chemistry sila ni Tony Labrusca na isa sa mga guests niya sa kanyang naturang album launch. ☺☺ RAMDAM namin ang sakit pa rin ng loob ni Jona Viray sa pagpanaw ng ama pero malaking tulong pala sa singer ang sunudsunod na trabaho para ‘di siya lamunin ng lungkot at pangungulila. Kuwento sa amin ng Birit Queens member, tuwing umuuwi siya ng bahay ay nalulungkot pa rin siya at nangungulila sa ama. Inamin ni Jona na kung wala siguro siyang trabaho at nasa bahay lang ay wala siyang gagawin kundi umiyak nang umiyak at magmukmok sa pagkawala ng ama. Matapang na hinaharap ni Jona ang sitwasyon para na rin sa pamilya. Ito ang kauna-unahang Pasko na wala na ang kanyang ama kaya alam niya na magiging masakit at mahirap ito sa kanilang pamilya. (Sundan sa kaliwa)