You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
NOBYEMBRE 15, 2017 5

ni PABS HERNANDEZ III

KILLER NA HOLDAPER

TIKLO

TARLAC CITY — Isang killer na holdaper

ang nadakip ng mga awtoridad, kamakalawa,

sa Bgy. Sapang Maragul sa lungsod na ito.

Kinilala ang suspek na si Nelson Almoite,

residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, ang modus ni Almoite ay

holdapin at patayin sa saksak ang kanyang mga

biktima at kabilang sa mga hinoldap at pinatay

nito ay sina Christina Esteban, tubong Agusan

del Sur at Henry Alied, nakatira sa La Paz,

Tarlac.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang

cellphone ni Esteban at bag ni Alied.

LOLO DEDBOL

SA BANGIN

BENGUET — Isang lolo ang namatay nang

aksidenteng mahulog sa bangin ang sasakyan

nito, kamakalawa sa Lubas Road, Bgy. Lubas,

La Trinidad sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Camilo Tangayen,

77-anyos at nakatira sa Baguio City.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol si Camilo

sa pagmamaneho ng kanyang sasakyang Isuzu

wagon kaya nahulog ito sa bangin.

Agad namang sumaklolo ang mga

residente at dinala ang biktima sa pagamutan,

pero idineklara na itong dead-on-arrival.

MAG-AMA TODAS

SA MGA ARMADO

MASBATE — Patay ang mag-ama nang

barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki,

kamakalawa sa Bgy. Espinosa, Milagros sa

lalawigang ito.

Ang mag-amang biktima ay nakilalang sina

Nelson at Aron Mendones, kapwa nakatira

sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, pinasok ng mga rebelde ang

bahay ng mag-ama at dito pinagbabaril

hanggang sa mapatay ang mga biktima.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga

suspek sa pamamaslang sa mag-amang

biktima.

WANTED NA RAPIST

TIMBOG

NUEVA ECIJA — Isang wanted na rapist ang

naaresto, kamakalawa ng mga awtoridad sa

Bgy. Mayamot Uno, Talugtog sa lalawigang

ito.

Kinilala ang suspek na si Larry Capua,

nakatira sa nabanggit na bayan.

Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang

suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu

ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong

kasong rape.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang

dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing

lugar.

Para sa mga bes nating

wala pang birth certificate

ANG birth certificate ay katunayan hindi lamang ng kapanganakan

kundi ng pag-iral ng isang tao sa mundong ito. Kung wala

nito, hindi nakatala ang pangalan ng tao sa rehistro-sibil. Isang

pangunahing dokumento ito na kailangan para sa pag-aaral, pagtatrabaho

at maging sa pagpapakasal. Kung wala nito, hindi makakukuha

ng iba pang dokumento tulad ng pasaporte ang isang tao.

Napakaordinaryo ng pagkakaroon ng birth certificate kaya

hindi natin ito napahahalagahan. Gayunman, sa kabila ng

pagiging karaniwan nito, mayroon pa rin tayong mga kababayan

na wala nito. May mga taong lumaki at tumanda at nagkaanak

na ay wala pa rin sa talaan ng mga ipinanganak.

Isang bes natin, si C.G., ang nasa ganitong sitwasyon. Isa

siyang senior citizen na walang tirahan kundi ang Rizal Park

kung saan siya nagtitinda ng tubig para mabuhay. Ayon sa

kanya, nagmula siya sa mahirap na pamilya at ang kanyang

mga magulang ay hindi nakapag-aral. Hindi niya alam kung

kailan talaga ang tamang petsa ng kapanganakan niya, ang

alam lang niya ay ipinanganak siya noong 1955 sa isang bahay

sa bundok ng Masbate. May ginagamit lang siyang birthday.

Gusto niyang magkaroon ng birth certificate.

Gayunman, ayaw sana niyang dumaan sa delayed registration

dahil wala siyang pera. Ang tanong niya, mayroon bang

paraan para magkaroon siya ng nasabing dokumento nang

hindi dumaraan sa delayed registration?

Bes C.G., ikinalulungkot nating ipaalam sa iyo na hindi ka

maaaring magkaroon ng birth certificate kung hindi mo susundin

Dear Chief Acosta,

Ako ay seller ng

branded bags. Nagsampa

ako ng kasong kriminal sa

isa kong ahente sapagkat

hindi siya tumupad sa

aming kasunduan na

ibabalik niya sa akin ang

mga bag na kinuha niya

kung hindi niya maibenta

ang mga ito sa loob ng

tatlong buwan at ang

malala pa rito, ginagamit

ng kanyang pinsan ang

mga bag. Nagsabi siya na

babayaran na lamang ng

kanyang pinsan ang

halaga ng bags, on installment

basis. Sapat na ba ito

upang maipawalambisa

ang kasong kriminal

laban sa kanya? —

Hannah

Dear Hannah,

Para sa inyong kaalaman,

ang novation ay ang

pagpapawalambisa sa isang

kasunduan sa pamamagitan

ng pagpapalit nito ng

panibago o pagbabago ng isa

o higit pa sa mga pangunahing

elemento nito. Ayon

sa Kagalang-galang na

Korte Suprema sa kasong

Narciso Degaños vs.

People of the Philippines

(G.R. No. 162826, Oktubre

14, 2013), sa panulat ni

Kagalang-galang na

Mahistrado Lucas P.

Bersamin, ang novation ay:

“Novation is the extinguishment

of an obligation

by the substitution or

change of the obligation by

a subsequent one that terminates

the first, either by

(a) changing the object or

principal conditions; or (b)

substituting the person of

the debtor; or (c) subrogating

a third person in the

rights of the creditor. In order

that an obligation may

be extinguished by another

that substitutes the former,

it is imperative that the extinguishment

be so declared

in unequivocal terms, or

that the old and the new

obligations be on every

point incompatible with

each other. Obviously, in

case of only slight modifications,

the old obligation

still prevails.”

Hindi malinaw sa inyong

salaysay kung kayo ay

pumayag sa proposisyon ng

inyong ahente na ang

kanyang pinsan na ang

magbabayad ng halaga ng

bags. Subalit, kung kayo,

kabilang ang kanyang pinsan

ay magkasundo tungkol dito,

ang una ninyong kasunduan

ay ituturing na novated.

Kaugnay ng inyong

katanungan sa epekto ng novation

sa kasong kriminal

laban sa inyong ahente, ayon

sa Korte Suprema sa

desisyon na nabanggit sa itaas:

“The legal effects of

novation on criminal liability

were explained by the

Court, through Justice

ang proseso ng delayed registration.

Kailangang iparehistro ang pangyayari ng

iyong kapanganakan sa local civil registrar ng

lugar kung saan ka ipinanganak. Sabi mo, sa

bundok ng Masbate ka ipinanganak, kaya sa

munisipalidad o siyudad na nakasasakop sa

nasabing lugar ka magpunta para sa

pagpapatala ng iyong kapanganakan.

Ang rehistrasyon ng kapanganakan ay

may kaakibat na interes ng publiko. Nakasalalay

dito ang pagpapanatili ng integridad

ng rehistrong sibil ng ating bansa. Dahil dito,

inilatag ng batas ang proseso para sa delayed

registration ng birth certificate.

Una sa lahat, kailangang kumpletuhin ang

Application for Delayed Registration. Kung

18-taong gulang pababa, kailangan ang mga

sumusunod na dokumento: Apat na kopya ng

Certificate of Live Birth na kinumpleto at

pinirmahan ng mga nararapat na tao; Affidavit

of Delayed Registration sa likod ng Certificate

of Live Birth ng ama, ina o

tagapangalaga ng aplikante na nagsasaad ng

pangalan ng bata, petsa at lugar ng

kapanganakan, petsa at lugar ng kasal ng mga

magulang kung legitimate ang bata, pangalan

ng ama kung illegitimate pero kinikilala ng ama

at ang dahilan kung bakit hindi nairehistro ang

kapanganakan sa loob ng 30 araw mula sa

pangyayari nito. Kailangan din ang dalawa

sa alinman sa mga sumusunod: Baptismal certificate,

school records, income tax return of

parents, insurance policy, medical records at

iba pang dokumento tulad ng barangay certification.

Bukod dito, kailangan ng Affidavit of

Two Disinterested People na maaaring

nakasaksi o nakaalam ng pagkakapanganak

ng aplikante.

Pagkatapos nito, ipapaskil ng local civil

registrar sa bulletin board ng munisipalidad o

lungsod ang patalastas na nagpapaalam sa

publiko ng nakahaing aplikasyon. Kailangang

nakaposte ito nang hindi bababa sa sampung

araw.

Kapag lumipas na ang sampung araw at

walang kumokontra, susuriin ng local civil registrar

ang kawastuhan at katotohanan ng

aplikasyon. Kung kumbinsido ang nabanggit

na opisyal sa katotohanan ng mga alegasyon

na talagang naganap ang kapanganakan sa

kanyang hurisdiksiyon, irerehistro niya ang ulat

nito.

Sakaling may oposisyon sa aplikasyon,

tungkulin ng local civil registrar na magsagawa

ng imbestigasyon. Kailangan niyang kunin ang

testimonya ng kapwa panig at ng kanilang

mga testigo. Matapos ang imbestigasyon,

ipapasa ng local civil registrar ang kanyang

mga natuklasan at rekomendasyon sa Office

of the Civil Registrar-General na siyang

magsasagawa ng nararapat na aksiyon. Ang

huli ang siyang magpapasya kung pagbibigyan

o tatanggihan ang aplikasyon.

Maraming salamat sa iyong pagsubaybay,

bes C.G.! Good luck sa pag-aayos mo ng iyong

birth certificate.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa

POEsible ni Grace Poe, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City

o mag-email sa poesible.bulgar91@gmail.com

Gustong malaman kung sapat

nang basehan ang pagbabayad

ng pinsan ng kaibigan sa mga

branded bag na ginamit nito

upang maipawalambisa ang

isinampa niyang kaso laban dito

J.B.L. Reyes, in People v.

Nery, viz:

The novation theory

may perhaps apply prior to

the filing of the criminal information

in court by the

state prosecutors because

up to that time the original

trust relation may be converted

by the parties into

an ordinary creditordebtor

situation, thereby

placing the complainant in

estoppel to insist on the

original trust. But after the

justice authorities have

taken cognizance of the

crime and instituted action

in court, the offended party

may no longer divest the

prosecution of its power to

exact the criminal liability,

as distinguished from the

civil. The crime being an

offense against the state,

only the latter can renounce

it (People vs. Gervacio, 54

Off. Gaz. 2898; People vs.

Velasco, 42 Phil. 76; U.S.

vs. Montañes, 8 Phil. 620).

x x x x

Novation is not a

ground under the law to

extinguish criminal liability.

Article 89 (on total

extinguishment) and Article

94 (on partial extinguishment)

of the Revised

Penal Code list down the

various grounds for the

extinguishment of criminal

liability. Not being included

in the list, novation is limited

in its effect only to the

civil aspect of the liability,

and, for that reason, is not

an efficient defense in

estafa. This is because only

the State may validly waive

the criminal action against

an accused. The role of novation

may only be either

to prevent the rise of criminal

liability, or to cast doubt

on the true nature of the

original basic transaction,

whether or not it was such

that the breach of the obligation

would not give rise

to penal responsibility, as

when money loaned is

made to appear as a deposit,

or other similar disguise

is resorted to.”

Nararapat na inyong

malaman na sang-ayon sa

nabanggit na desisyon, hindi

batayan ang novation sa

pagpapawalambisa ng kasong

kriminal na kasalukuyan

nang nakabimbin sapagkat

ang estado lamang ang

mayroong karapatang iurong

o talikdan ang kriminal na

aksiyon laban sa isang

akusado. Dagdag pa rito, ang

novation ay mayroong

epekto lamang sa pagbabago

ng katangian ng obligasyon

bago pa man mayroong

kasong kriminal na naisampa

laban sa akusado at hindi

kapag mayroon nang

nakabimbin na kasong

kriminal laban sa kanya.

Nawa ay nasagot namin

ang inyong mga katanungan.

Nais naming ipaalala sa inyo

na ang opinyong ito ay

nakabase sa inyong mga

salaysay sa inyong liham at

sa pagkakaintindi namin dito.

Maaaring maiba ang opinyon

kung mayroong karagdagang

impormasyong ibibigay. Mas

mainam kung personal

kayong sasangguni sa isang

abogado.