18.11.2017 Views

NOVEMBER 18, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 18, 2017 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO 3

Editoryal

Editoryal

Todo-dasal muna bago

sumakay ng MRT!

S

ABI nila, masakit ang maiwan ng minamahal lalo na

kung siya ang inaasahan mong aagapay sa‘yo.

Pero ang biruan nga ng ilang netizens, may sasakit

pa raw ba sa maiwan sa ere at maiwan ang sinasakyan

mong bagon sa kalagitnaan ng biyahe sa MRT?

Bagama’t, halos linggu-linggo na lang ay nagkakaaberya ang

MRT, mukhang sobrang aberya naman yata ang biglang pagkalas

ng bagon nito, hindi ba?

Tipong mala-pelikula na bigla na lamang nahahati ang

sasakyan.

Sakit sa ulo na, matinding abala pa sa mga pasahero.

Kaya ang tanong ng isang solon sa DOTr kung kinakailangan

pa bang isara muna o ihinto ang serbisyo ng MRT upang mabusisi

at mapag-aralan ang mga teknikal na bagay na magliligtas sa

mga mananakay?

Tulad ng solon, hangad din nating maaksiyunan agad ang isyu

sa MRT. Hindi naman kasi puwedeng kada sasakay na lang ang

mga commuter ay nalalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan.

O baka naman dapat ay magdasal muna ang mga pasahero

bago sumakay ng tren?

Kumbaga, “ride at your own risk” na ba ang magiging sistema

ng MRT? ‘Wag naman sana nating paabutin sa ganu‘ng punto.

Dahil hindi naman dapat naisusugal ang buhay ng mamamayan

dahil lamang sa kapabayaan at kabagalan sa pag-aksiyon ng iilan.

ILANG araw na lang at Pasko na! Malamig

na ang simoy ng hangin. Pero sigurado tayo,

mas masaya ang balitang ito — walang kaltas

na buwis o tax-free na ang 13th month

pay, Christmas bonus at iba’t iba pang benepisyo

ng mga empleyado na aabot sa P82,000

pababa, maging sila man ay namamasukan

sa mga pampubliko o pribadong kumpanya.

Ang ibig sabihin, mas mataba ngayon

ang bulsa ng karamihan sa ating mga manggagawa

kaysa dati.

Ito ang nilalaman o ipinag-uutos ng Republic

Act 10653, na ini-sponsor at isinulong

natin sa Senado bago pinagtibay ni dating

Pangulong Aquino noong 2015.

Kung dati, hanggang P30,000 bonuses

lamang ang tax-free, ngayon, hanggang

P82,000 na kabuuang benepisyo na ang walang

kaltas na buwis.

At huwag na tayong mainip sa mga kasamahan

nating trabahante sa gobyerno dahil

Trunk lines : 749-5664 to 65

No. 1 NEWSPAPER

FROM 2002 TO PRESENT

AS PER THE NIELSEN

PHILIPPINES

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Editorial : 749-5664 loc. 112, 114, 122

712-2874 (FAX)

Bulgar Online : 995-3732

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

Credit & Collection: 742-5434

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang opinyon ng mga manunulat ay

personal nilang pananaw at walang

pananagutan ang publikasyong ito.

Good news

para sa mga

manggagawa!

matatanggap na natin ang 14th month pay at

P5,000 cash gift ngayong linggo, ‘yan ang

tiniyak ni Secretary Benjamin Diokno ng Department

of Budget and Management. Nagpapasalamat

tayo sa ating magaling na kalihim.

Dahil sa batas na ito, ang 13th at 14th month

pay at iba pang mga benepisyo ng halos lahat

ng kawani ng gobyerno ay wala nang kaltas

na buwis.

Ibig sabihin, mas malaki na ang maiuuwi

nating benepisyo para sa Pasko. Panigurado,

masaya si misis, masaya si mister, masaya ang

mga tsikiting!

Pero sinu-sino ba ang makatatanggap ng

tax-free na benepisyo? Sila ang tinatayang

isang milyong government employees sa kabuuang

1.1 milyong kawani ng pamahalaan.

Sila ang government employees na nasa Salary

Grade 18 pababa at tumatanggap ng buwanang

sahod mula P38,000 pababa.

Para sa mga pribadong kumpanya, matatanggap

ng kanilang mga empleyado ang 13th

month pay nang hindi lalagpas sa Disyembre

24 ng kasalukuyang taon.

Ito ay kailangang katumbas ng 1/12 ng

basic salary ng isang manggagawa sa kabu-

ANG SUWERTE RAW NG KAIBIGANG

MAYOR NI SEN. VILLAR NA NASABIT SA

DROGA, KASI ANG SENADORA PA ANG

SPOKESMAN NIYA?! — Kinompronta raw ni

Sen. Cynthia Villar si DILG OIC (Officer-in-

Charge) Catalino Cuy kaugnay sa pagkakasama

ng pangalan ng kaibigan niyang alkalde sa

bagong drug list na isinumite kay Pangulong

Rodrigo Duterte at isinapubliko ng DILG.

Sabi ni Sen. Villar, kilala raw niya ang kaibigan

niyang mayor at alam daw niyang hindi ito

sangkot sa illegal drugs kaya dapat daw ay hindi

basta-basta isinasapubliko ng DILG ang pangalan

ng mga pulitikong nasasangkot sa droga

kung wala naman itong sapat na batayan.

Suwerte naman ng kaibigang mayor ni Sen.

Villar, aba, mantakin n’yo, na sa isyung drogang

kinasasangkutan niya ay senadora pa ang nagmistulang

spokesman niya, boom!

KAPAG NAWALA SA DRUG LIST ANG

PANGALAN NG KAIBIGANG MAYOR NI

SEN. VILLAR, ALAM NA RAW! — Dahil

kaalyado ni P-Duterte si Sen. Villar, malaki raw

ang posibilidad na linisin ng DILG ang pangalan

ng kaibigang mayor ng senadora.

Kaya kapag daw nawala ang pangalan ng

kaibigang alkalde ni Sen. Villar sa talaan ng mga

narco-mayor ay isa lang daw ang ibig sabihin

nito, alam na!

HIRIT NG ILANG NETIZENS: JOEY DE

LEON, TUMATANDA RAW NANG PA-

URONG — Tumatanda na raw yata nang paurong

si comedian-GMA 7, Eat Bulaga! TV host

Joey de Leon, nang mag-post ito sa social media

habang naliligo siya sa dagat, na may caption

uang taon.

At para mas malinaw sa lahat ng mga

kababayan nating tatanggap ng kani-kanilang

benepisyo, sakop din sa mga tatanggap ng bonuses

at iba pang benefits ang mga manggagawang

ang estado ay contractual, casual, fixed

term, probationary at seasonal employees.

Malinaw ‘yan sa ating Labor Code.

USAPANG tax pa rin, posibleng maaprubahan

bago mag-Pasko ang panukalang tax reform

package ng administrasyong Duterte.

Dahil diyan, doble-kayod tayo sa Senado

bilang chairman ng Senate Committee on Ways

and Means ngayong linggong ito para sa mga

pagdinig tungkol sa tax reform.

Pero kahit nagmamadali tayo, sisiguruhin

nating patas at walang masasagasaan ang repormang

ito sa sistema ng ating pagbubuwis at

Panalangin ng netizens,

multuhin daw sana ni

Franco si Joey de Leon,

hmmm...

na: “Nuknukan ka na ng katangahan ‘pag

sa dead sea nalunod ka pa”, na nasabay naman

sa pagbibigay ng tribute ng kakumpitensiya

nilang noontime show ng ABS-CBN na

“It’s Showtime” sa Hashtag member na si

Franco Hernandez na namatay nang malunod

sa dagat.

Kung joke man ito, bad daw ang joke na

‘yan at dahil diyan, marami ang nananalangin

na sana raw ay multuhin ni Franco si Joey.

SAKLA NI ‘WALTER’ AT LOTTENG

NI ‘SAMBOY’, NAMAMAYAGPAG SA

MUNTINLUPA CITY?! — Namamayagpag

daw ngayon ang sakla ni “Walter” at lotteng ni

“Samboy” sa Muntinlupa City.

Sabi noon ni Mayor Jaime Fresnedi, bawal

ang illegal gambling sa Muntinlupa City pero,

bakit may sakla at lotteng ngayon sa lungsod

na ito?

Dapat ipadakma ni Mayor Fresnedi sina

“Walter” at “Samboy” para maipakita niya sa

kanyang mga kababayan na totoong galit siya

sa mga iligalista, period!

hindi hahampas nang husto sa inflation rate.

At maliban sa tax reform package, posible

ring tapusin na ng Senado ang pagdinig sa

2018 General Appropriations Act para mapagtibay

na ito ni Pangulong Duterte bago mag-

Pasko.

Naputol ang mga pagdinig natin sa mga

mahahalagang lehislasyon na ito dahil sa pagragasa

ng ika-31 ASEAN Summit.

Pero nangangako tayo na bago matapos

ang taon, bago mag-Pasko, matatapos natin sa

Senado ang mga trabaho natin.

May katanungan ka ba, reklamo o nais

ihingi ng tulong? Sumulat sa

AGARANG SOLUSYON ni Sonny

Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon

Ave., Quezon City o mag-email sa

agarangsolusyon.bulgar@gmail.com

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!