19.11.2017 Views

NOVEMBER 19, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 19, 2017 7

‘Di raw totoong mabenta…

BUKING: LIBRO NI MAINE, KONTI LANG ANG

IPINA-PRINT KAYA KOPYA, UBOS AGAD

B

ALIK-‘PINAS na agad si Anne Curtis matapos

idaos ang kanilang kasal ni Erwan Heussaff sa

New Zealand nu’ng Nov. 12. Agad-agad ay may

schedule na siya ng shooting ng pelikulang

Sid and Aya katambal si Dingdong

Dantes. Nandiyan din ang pagho-host

niya ng It’s Showtime.

Hindi naman seloso at istrikto ang

kanyang mister na si Erwan. Ever since,

naiintindihan nito ang nature of work ng

mga artista dahil artista rin ang kanyang Ate Solenn.

Hindi naman ini-expect ng lahat na matapos magpakasal

ni Anne kay Erwan ay agad itong magla-lie-low sa showbiz

upang gampanan ang pagiging Mrs. Erwan Heussaff. Kung

may mababago man siguro sa sitwasyon at buhay ni Anne,

‘yun ay ang pagkakaroon ng limitasyon sa mga roles sa

pelikula na kanyang tatanggapin. Hindi na siguro kasingdaring

na tulad ng ilan sa kanyang mga nagawa. Maglalaan

na rin siya ng panahon para sa kanyang mister.

BALI-BALITANG lumaki na ang ulo at nalunod agad

sa isang baso ng tagumpay si Christian Bables matapos

mapansin sa pelikulang Die Beautiful na pinagbidahan

ni Paolo Ballesteros.

Kaya naman, hindi na rin siya ipinu-push at tinutulungan

ngayon nina Direk Jun Lana at Direk Perci

Intalan at ang project sana ni Christian na Born Beautiful

ay kay Martin del Rosario na ibinigay.

Flattered si Martin na sa kanya ipinagkatiwala ang

Born Beautiful. Isang malaking challenge ito sa kanyang

kakayahan bilang aktor. Pakiusap lang niya, huwag

siyang i-bash ng mga fans ni Christian.

THREE months nang Mrs. Arthur Solinap si Rochelle

Pangilinan kaya may nagtatanong kung buntis na ba ito.

Hindi pa ba sila nasasabik ni Arthur na magkaroon na ng

kanilang little angel na makakalaro nila?

Nang dumalaw kami sa set ng Alyas Robin Hood,

natanong namin si Rochelle kung hindi pa ba siya naglilihi?

Panay-panay pa rin kasi ang kanyang TV guestings.

“Wala pa po, hindi pa ibinibigay ni Lord,” sagot

lang ng dancer-turned actress.

Ini-enjoy lang muna nila ni Arthur ang kanilang

buhay as husband and wife. Nasa honeymoon stage pa

lang daw sila ngayon.

MARAMING fans and supporters ni Maine Mendoza

ang nagtatanong kung kailan magre-reprint ng librong

Yup, I Am That Girl na super hit at nabili agad ang

mga kopya sa bookstores ilang oras lang mula nang i-

launch ito.

Nakailang ikot na sila sa mga bookstores pero wala

pa rin daw mabiling kopya ng libro ng Dubsmash Queen.

Ang tanong, ilang libong kopya lang ba ang ipinaprint?

Bakit tinipid, samantalang libulibo

naman ang mga tagahanga ni Maine

Mendoza? Pati ang mga fans niya

abroad, gustong makabili ng Yup, I Am

That Girl ni Menggay.

BONGGA ang programang Road Trip

dahil hindi lang sa local tourist spots kinukunan ang mga

challenges ng kanilang mga contestants. This time, dumayo

pa sa Singapore sina Betong Sumaya, Katrina Halili, Boobay

at Maey Bautista para sa kakaibang adventure na

kanilang haharapin.

Anu-anong challenges ang kanilang pagdaraanan sa

Singapore?

Bilib naman kami sa comedian na si Betong Sumaya.

May Bubble Gang na siya at All-Star Videoke, nagagawa

pang tumanggap ng mga TV guestings at shows abroad.

Halos wala na siyang pahinga sa sobrang sipag at

napakapropesyonal pa!

ISA pang Kapuso talent na kinakitaan din namin

ng sobrang sipag at dedikasyon sa trabaho ay si Jak

Roberto na kapatid ni Sanya Lopez. Maganda ang

work habits na natutunan niya noon sa programang

Walang Tulugan ng yumaong si Kuya Germs (Moreno).

Kaya nang mabigyan ng break ng GMA-7 at

nagkasunud-sunod ang kanyang mga shows ay

kanya itong kinarir at sineryoso. Nagpatuloy siya

sa pagwo-workshop at hindi umaayaw kahit na

ano’ng role pa ang ibigay sa kanya.

Kaya, nasama siya sa Bubble Gang, Dear Uge at sa

episode ngayon ng Daig Kayo Ng Lola Ko, gaganap

naman si Jak sa kuwento ni Bernardo Carpio.

NGAYONG gabi, mapapanood na ang star-studded na

31 st Star Awards for Television ng Phil. Movie Press Club

sa ABS-CBN pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Magsisilbing host ang magkapatid na Richard at Ruffa

Gutierrez, kasama sina Jodi Santamaria at Robi Domingo.

Bukod sa mga major awards, magkakaloob din ng

Ading Fernando Lifetime Achievement Award kay Vic

Sotto. Si Martin Andanar naman ang tatanggap ng Excellence

Broadcasting Award.

Ang JoshLia love team at sina Sanya Lopez at Rocco

Nacino ang napiling German Moreno Power Tandem.

Ang 31 st Star Awards for TV ay idinirek ni Bert de

Leon at produced ng Airtime Marketing. ☺

Anak ni P-Digong, insecure at ‘di raw masaya sa buhay...

RESBAK NI MAYOR SARA KAY MARIEL: NAG-

BAR EXAM AKO, 1 TAKE LANG, IKAW, ILANG

BESES KANG NATALO SA BEAUTY CONTEST?!

SA showbiz, bibihira ang mag-ina

o magkapatid na pantay o magkapareha

ang level na inabot in

terms of popularity.

Nandiyan noon sina Susan Roces at

Rosemarie Sonora. Alam naman ng lahat

na kahit kelan, hindi umabot sa kasikatan

ni Susan ang kapatid nito.

Nandiyan din ang magkapatid na FPJ

(SLN) at Andy Poe. Andy was always in

the shadow of his elder brother.

Sa mag-iina naman, alam naming sikat

pareho sina Vilma Santos at Luis Manzano,

but each is in a different field. Si Luis, mas

forte ang pagho-host samantalang ang

kanyang ina ay pag-arte ang naging hagdanan

para marating ang tinatawag

na peak of success.

But lately, meron tayong

mother and son tandem who

both are pursuing the same genre

in showbiz. Parehong acting

ang pinasukan ng mag-inang

Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.

Matagal-tagal ding panahon

ang ipinaghintay ni Sylvia bago

niya narating ang kasikatang

tinatamasa ngayon. But how

will Arjo fare? Kaya niya kayang

abutin ang kasikatang tinatamasa

ngayon ng kanyang ina?

Since maganda ang speaking

voice ni Arjo, may nagtanong

kung balak niya bang maging

singer pagdating nang araw.

Sagot nito, “Sa banyo lang

ako paminsan-minsan kumakanta.

Pero passion ko talaga ay pag-arte.”

In the series Hanggang Saan which

will start on Nov. 27, mag-ina ang papel na

gagampanan nina Sylvia at Arjo.

Ani Arjo, “‘Yung role ko sa new series

ay total opposite ng character ko sa Ang

Probinsyano and total opposite ko. Mabait

naman po ako dito — first time.”

Sa tanong kung ano’ng pakiramdam

niya na makakatrabaho at makakaeksena

niya ang kanyang tunay na ina, he said,

“Working with her of course is easier.

She’s a very good actress as well. It was

never awkward. We are both in character

naman, not as mother and son.”

Photo by: DADA NAVIDA

Pero kahit komportable raw silang

magtrabahong magkasama, may mga challenges

din daw silang kinakaharap.

“Mother and son po [ang roles namin

sa series], but the challenge is how we will

make it different, kung paano masasabi na,

‘Uy, hindi sila ganyan sa totoong buhay.’ I

think that’s the challenge that

we have right now.”

Pero paliwanag niya naman,

“I am a team player. I

know my place. I know my job

and I immerse myself. I researched

on it. I don’t think there

will be a problem because I already

worked with her before.”

Ang tanong lang naman

namin, will the mother outshine

the son o magbibigaydaan

ang ina para mas ma-focus

ang camera sa kakayahan

ni Arjo bilang aktor?

TALUNAN na nga, lalo pang

nainis ang marami kay Mariel

de Leon dahil sa pagiging

vocal nito sa pagtira sa current

administration.

Kaya sa halip na makatanggap

ng mainit na pagsalubong

at simpatya mula sa

mga Pinoy, lalo tuloy siyang

kinainisan ng marami. Kasi naman, sa

halip na mas maging humble, she is still

biting back at paawa epek na biktima

ng panlalait.

Ayan tuloy, pinasaringan na naman

siya ni Mayor Sara Duterte dahil sa kanyang

may patamang comment na insecure

lang at malungkot sa buhay ang

anak ni Pangulong Digong Duterte.

Sa recent post ni Mayor Sara pagkatapos

siyang magpatutsada nu’ng una

na nakarma si Mariel kaya natalo, makikitang

nakasuot siya ng bathing suit at

ito ang kanyang caption: “Nase-schadenfreude

kami, insecure at unhappy kaagad,

(Sundan sa p.9)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!