Pilipino - The Philippine Revolution Web Central
Pilipino - The Philippine Revolution Web Central
Pilipino - The Philippine Revolution Web Central
Transform your PDFs into Flipbooks and boost your revenue!
Leverage SEO-optimized Flipbooks, powerful backlinks, and multimedia content to professionally showcase your products and significantly increase your reach.
Editoryal

Mga tampok

sa isyung ito...

ANG

Italyanong pari,

biktima ng Oplan

Bayanihan PAHINA 2

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Ka Roger, pinarangalan

at binigyang-pugay

PAHINA 5

Tomo XLII Blg. 20

Oktubre 21, 2011

www.philippinerevolution.net

Pananagutan ng GPH ang muling

pagkaunsyami ng usapan

M uli

na namang mauunsyami ang nakatakda

sanang pagdaraos ng pormal na usapang

pangkapayapaan sa pagitan ng National

Democratic Front of the Philippines (NDFP) at

Gubyerno ng Pilipinas (GPH) sa Oktubre 31-Nobyembre

12 sa Oslo, Norway. Ito'y dahil nabigong

muli ang GPH na tupdin ang mga obligasyon nito

sa ilalim ng Oslo Joint Statements ng Enero at

Pebrero 2011 na palayain ang karamihan kundi

man lahat ng 17 ibinilanggong konsultant ng

NDFP na protektado ng JASIG.

Katatapos lang ng GPH na mangako noong

Setyembre na tutupdin ang obligasyong ito bago

mag-Oktubre 10. Ito ay para mabigyan pa ng pagkakataon

ang magkabilang panig na maghanda

para sa kanilang paglahok sa negosasyong pangkapayapaan

sa Oslo.

Binitiwan pa man din ng mga kinatawan ng

GPH ang pangakong ito sa harap ng upisyal na kinatawan

ng gubyerno ng Norway na nagsisilbing

tagapamagitan sa usapang

pangkapayapaan.

Pero halos dalawang

linggo na ang lumipas

mula sa itinakdang dedlayn

na pangakong pagpapalaya

ay wala pa ring ginagawang

hakbangin ang GPH

para tuparin ito. Bagkus ay

nagmatigas ang GPH at ang

AFP na wala itong hawak na

mga bilanggong pulitikal at

pawang mga detenidong

may kasong kriminal ang

tinutukoy ng NDFP. Mismong

pinuno ng negotiating

panel ng GPH ang nagsabing

hindi makaaasa ang

NDFP na may mapalalaya pang

konsultant nito.

Nais sana ng NDFP na matuloy na ang pakikipagnegosasyon

sa GPH upang resolbahin ang mga

ugat ng armadong tunggalian at makabuo ng mga

kasunduan hinggil sa mga batayang reporma sa

lipunan, ekonomya at pulitika para mailatag ang

daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang

kapayapaan sa Pilipinas. Subalit ginawa nang imposible

ng GPH na matuloy pa ito sa Oktubre 31.

Sukatan ng sinseridad ng NDFP na ipagpatuloy

ang negosasyong pangkapayapaan ang ipinakikita

nitong pagpapasensya na maghihintay nang

kahit ilang panahon para tuparin ng GPH ang mga

obligasyon nito. Sa balikat ng GPH nakaatang ang

pananagutan at kahihiyan kung bakit patuloy na

naipagpapaliban ang pormal na usapan.

Sa kabiguan nitong tuparin ang mga obligasyon

nito, ipinakikita ng GPH na hindi ito interesado

na ituloy ang pakikipagnegosasyon sa NDFP.

Mayor Dano at 6 POW,

pinalaya na

PAHINA 9
Panay lamang ang satsat nito tungkol sa usapang

pangkapayapaan subalit wala naman itong ipinakikitang

kaseryosohan sa aktwal na pakikipagnegosasyon

para resolbahin ang mga saligang suliranin

ng bayan na siyang ugat ng rumaragasang

digmang sibil sa bansa.

Lumalabas na makabuluhan lamang ang usapang

pangkapayapaan para sa GPH kung magsisilbi

ito sa pasipikasyon at pagpapasuko sa armadong

rebolusyonaryong kilusan. Sa gayon, ginagamit

lamang itong palamuti para pagtakpan ang kalupitan

ng Oplan Bayanihan, isang brutal na kontra-rebolusyonaryong

kampanyang dinisenyo ng

imperyalismong US. Ang bukambibig na kapayapaan

ng Oplan Bayanihan ay walang iba kundi pagpapatahimik

sa mamamayang gutom, api at pinagkaitan

ng katarungan.

Nakahanda ang rebolusyonaryong kilusan na

harapin ang mapanlinlang na patakarang ito ng

GPH. Determinado nitong panghawakan ang mga

saligang kahilingan ng mamamayang Pilipino para

sa katarungang panlipunan at pambansang kalayaan,

sa larangan ng usapang pangkapayapaan

at sa larangan ng mga pakikibakang masa at armadong

paglaban.

Ang krisis ng naghaharing sistema ng malalaking

panginoong maylupa at kumprador ay patuloy

na lumalala at gumagatong sa galit at paglaban

ng mamamayang Pilipino. Sa harap ng kinakaharap

na labis na kahirapan at pagdurusa, ibayong

nagpupunyagi ang mamamayang Pilipino na

bagtasin ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka

upang labanan ang pananalasa ng mga naghaharing

uri at kanilang mga imperyalistang

amo.

Maidaos man ang negosasyong pangkapayapaan

o hindi, patuloy na susulong ang rebolusyonaryong

kilusan upang itaguyod ang tunay, makatarungan

at pangmatagalang kapayapaan. ~

ANG

Taon XLII Blg. 20 Oktubre 21, 2011

Ang Ang Bayan ay inilalabas sa

wikang Pilipino, Bisaya, Iloko, Hiligaynon,

Waray at Ingles.

Maaari itong i-download mula sa

Philippine Revolution Web Central na

matatagpuan sa:

www.philippinerevolution.net

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at balita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa ikauunlad

ng ating pahayagan. Maaabot

kami sa pamamagitan ng email sa:

angbayan@yahoo.com

Nilalaman

Editoryal: Pananagutan ng GPH

ang pagkaunsyami ng usapan 1

Italyanong pari, biktima ng OpB 2

Paglabag sa karapatan

ng mga minorya 3

Lakbayan sa Northcentral Mindanao 4

Ka Roger, pinarangalan 5

COPD, kasinsahol ng RSOT 7

19 sundalo, patay sa Ilocos Sur 9

Mayor Dano at 6 POW, pinalaya 10

Pagmimina sa Cagayan Valley 10

Armadong proteksyon sa minahan 11

Cheaper Medicine Act, niluto ng US 12

Pagkilos kontra-kapitalismo 13

Balita 14

Ang Ang Bayan ay inilalathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas

Italyanong pari,

biktima ng Oplan

Bayanihan

N akiisa

ang Partido Komunista ng Pilipinas

sa mariing pagkundena sa brutal na

pagpaslang sa antiminang Italyanong

pari na si Fr. Fausto Tentorio, 59 taong gulang.

Kabilang din sa mga kumundena sa pagpaslang

sina Rubi del Mundo, tagapagsalita

ng National Democratic Front sa Southern

Mindanao Region at Mohagher Iqbal, tagapagsalita

ng Moro Islamic Liberation Front at

pinuno ng peace panel nito. Ani del Mundo,

ang 6th ID ang pasimuno ng pamamaslang.

Idinagdag ni Iqbal na nakatanggap sila ng

impormasyon na ang salarin ay isang grupong

paramilitar sa ilalim ng AFP.

Si Fr. Tentorio ay pinaslang noong Oktubre

17, bandang alas-7:30 ng umaga, sa loob

ng kanyang parokya sa Arakan Valley,

North Cotabato. Ayon sa nakasaksi sa karumal-dumal

na krimen, kasasakay lang ng Italyanong

pari sa kanyang van nang lapitan siya

ng isang lalaking nakasuot ng helmet at

pagbabarilin hanggang sa mapatay. Sampung

beses siyang pinagbabaril gamit ang

isang pistolang may silencer. Dalawang bala

ang tumama sa kanyang ulo. Pagkatapos ng

madugong insidente ay lumakad ang salarin

palayo sa eksena at sumakay sa naghihintay

na motorsiklong minamaneho ng isa pang di

rin kilalang lalaki.

Tatlong buwan bago ang pamamaslang,

naglipana sa may kumbento ang mga ahenteng

militar na nagpanggap na mga maglalako ng

isda. Halos araw-araw nilang tinitiktikan

si Fr. Tentorio pero

bigla lahat silang nawala noong

araw na paslangin siya. Ipinagtanong

din ng mga sundalo ng

57th IB noong Oktubre ang kanyang

cellphone number. Noong

2006, sinugod ng mga militar

ang idinadaos na medical mission

ni Fr. Tentorio sa akusasyong

nagkakanlong siya ng mga sugatang

Pulang mandirigma.

Ang pagpatay kay Fr. Tentorio

ay tinuligsa ng iba't ibang

mga grupong relihiyoso, mga lokal

na residente, mga tagapagtanggol

ng kalikasan at grupong

nagtataguyod sa karapatang-

2 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
tao. Isang piket-rali ang inilunsad

ng mga kasapi ng Hustisya

sa upisina ng Department

of Justice (DOJ) sa Maynila

nitong Oktubre 18. Nagtirik

din ng mga kandila sa

Quezon City Rotonda ang Promotion

of Church People’s

Response bilang pakikiramay.

Isang fact-finding mission

naman ang isasagawa ng Exodus

for Justice and Peace. Naniniwala

silang ang pagpaslang

kay Fr. Tentorio ay bahagi

ng Oplan Bayanihan ng

gubyerno kung saan target

ang mga indibidwal na mahigpit

na tumututol sa patakaran

nito sa pagmimina.

Si Fr. Tentorio ay aktibong

tumutulong sa pakikibaka ng

mga residente sa North Cotabato

laban sa malakihang

pagmimina partikular sa Kulaman

Valley. Aktibo rin niyang

binabatikos ang papel

ng militar bilang mga protektor

ng mga minahan. Itinaguyod

rin niya ang pakikibaka

ng mga minoryang Higaonon

para sa kanilang lupang

ninuno.

Dati nang nakakatanggap

si Fr. Tentorio ng mga pagbabanta

sa kanyang buhay mula

sa Bagani Command, isang

grupong paramilitar na nasa

ilalim ng 73rd IB. Nakaligtas

siya sa unang pagtatangka sa

kanyang buhay noong 2003 sa

tulong ng mamamayan.

Si Fr. Tentorio ang ikatlong

misyonero ng Pontifical

Institute for Foreign Missions

(PIME) na pinatay sa Mindanao.

Ang una ay si Fr. Tullio

Favali na pinatay noong Abril

11, 1985 sa Tulunan, North

Cotabato ng grupong paramilitar

na pinamumunuan ni

Norberto Manero. Ang ikalawa

ay si Fr. Salvatore Carzedda

na pinaslang ng mga lalaking

nakasakay sa motorsiklo

noong Marso 20, 1992 sa

Zamboanga City. ~

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO

Mga pambansang minorya,

biktima ng rehimeng Aquino

Sa loob ng 16 na buwang panunungkulan ni Aquino, umaabot na

sa siyam na lider-minorya ang pinaslang ng mga pwersa ng estado.

Libu-libong minoryang mamamayan ang napilitang lumikas

sa kani-kanilang mga komunidad dahil sa matinding militarisasyon

at pang-aabuso. Marami sa kanila ang dumanas ng harasment, iligal

na pang-aaresto at pambubugbog.

Pinakahuli sa mga kaso ng

pamamaslang ang pagpatay kay

Rabenio Sungit, isang lider ng

mga Palaw'an mula sa Quezon,

Palawan. Noong Setyembre, binaril

si Sungit ng dalawang nakamotorsiklong

lalaki sa palengke

ng Quezon sa naturang prubinsya.

Bago ito, madalas “bisitahin”

ng mga sundalo ng Philippine

Marines ang bahay ng

mga Sungit para itanong kung

nasaan at kung ano ang ginagawa

niya. Pangalawang myembro

na ng pamilyang Sungit si Rabenio

na pinaslang ng mga pwersa

ng estado. Noong 2005 ay pinatay

din ng mga armadong galamay

ng reaksyon ang kanyang

kapatid na si Abelino.

Mahaba ang kasaysayan ng

paglaban ng pamilyang Sungit

sa malakihang pagmimina at para

sa mga karapatan ng mga

Matinding militarisasyon

sa San Fernando, Bukidnon

pambansang minorya sa Palawan.

Dahil dito, binansagan silang

mga komunista at ginawang

target ng panggigipit ng

militar.

Noong Hunyo 30, pinatay ng

mga paramilitar si Arpe Belayong,

isang lider ng mga Higaonon

at ang kanyang manugang

na si Soltie “Amang” Daguingan.

Nasugatan ang mga anak ni Belayong

na sina Michelle, 14 at

Longlong, 6. Sina Belayong at

Daguingan ay mga lider ng mga

komunidad na tumangging umalis

sa kanilang mga lupa sa kabila

ng mga operasyon ng dayuhang

pagmimina sa Agusan del

Sur. Noong 2010 ay pinatay ng

mga pwersang paramilitar ang

kapatid ni Belayong na si Mampaagi

dahil din sa pagtutol sa

malakihang pagmimina sa kanilang

lugar. ~

W alang humpay ang militarisasyon sa mga barangay ng Bunacao,

Namnam at Magkalungay sa San Fernando, Bukidnon.

Kamakailan, inireklamo ng mga minorya sa lugar ang walang tigil

na pambobomba sa bundok ng Butay, malapit sa Pantagon Range

kung saan sila kumukuha ng pagkain at iba pang pinagkakakitaan.

Malaon nang tinitiis ng mga residente rito ang pang-aabuso ng militar

at lokal na reaksyunaryo.

Nang magsimula silang lumaban, pinaratangan silang mga

myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Pinagbawalan silang

lumahok sa mga pagkilos para sa kanilang mga karapatan. Kasabwat

ni Mayor Laurentia Edma ng San Fernando, itinatag ng militar

ang Triom Force, isang grupong paramilitar, para gipitin ang

mga residenteng lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Noong

Oktubre 11 ay pinatay ng Triom Force ang kapitan ng barangay

ng Kibungkong na si Jimmy Arion, matapos siya magpahayag

3
PANANALANTA NG PASISTANG ESTADO

ng mariing pagtutol sa grupo. Ang Triom

din ang pumatay sa mag-amang Nicomedes

de la Peña, Sr. at Nicomedes de la Peña Jr.,

noong Abril 27. Mga magsasaka silang mula

sa Barangay Mabuhay. Pinatay din ng

Triom sina Ruben Gatong at Itik Awisan,

mga residente ng Kibungkong at Namnam,

dahil tumanggi silang sumapi sa grupo.

Tuluy-tuloy ang panggigipit at pananakot

ng mga sundalo. Pinapasok nila ang lahat

ng mga sityo at tinitiktikan ang mga residenteng

lumalahok sa mga kilos-protesta.

Regular silang nagpapatawag ng mga pulong

at nagpapalabas ng mga sine kung saan

sinisiraan ang mga pagkilos. Nagtayo sila

ng detatsment sa harap ng paaralang elementarya

sa Namnam. Tinutulan ito ng mga

residente. ~

Panggigipit sa mga

magsasaka sa MisOr

N oong Setyembre 24, umabot sa Kalumbay

Regional Lumad Organization ang

ulat ng Pangalasag, isang organisasyon ng

mga minoryang Higaonon, kaugnay sa

panghaharas sa kanila ng mga tauhan ng A

Brown Company Inc. (ABCI).

Ang Pangalasag ay tumututol sa planong

pangangamkam ng ABCI sa kanilang

mga lupa sa Opol, Misamis Oriental. Balak

ng ABCI, isang dayuhang kumpanyang nagtatanim

ng palm at nagbebenta ng palm oil

na magbukas ng plantasyon sa lupang tinatamnam

ng mga Higaonon ng saging, niyog

at iba pang pananim. Kanilang iginigiit na

iatras ang proyekto ng ABCI.

Noong Marso 10, ginipit at sinindak ng

mga gwardya ng ABCI ang pitong myembro

ng Pangalasag. Plano nilang kumuha ng

“bagacay,” isang uri ng kawayan, nang bigla

na lamang silang pagbawalan ng mga

gwardya ng ABCI na pumasok sa lugar. Hindi

tumuloy ang mga magsasaka at sa halip

ay tumungo na lamang sa ibang lugar.

Isang oras matapos ito, sinundan sila ng

mga armadong tauhan at walang kaabugabog

na pinaulanan ng bala ng mga nagpakilalang

myembro ng National Bureau of Investigation.

Sinaktan sila, tinakot at iligal

na idinetine sa Opol Police Station.

Inilipat sila sa upisina ng NBI sa kapitolyo

ng Cagayan de Oro at kinasuhan ng

direct assault. ~

Lakbayan sa Northcentral

Mindanao, inilunsad

Sa Northcentral Mindanao, tatlo sa bawat apat na

magsasaka ang walang sariling lupa. Ilampung libong

mga manggagawang bukid ang nabubuhay sa

matinding kahirapan. Ang kawalan ng lupa ay lalong

pinalalala ng malawakang pangangamkam ng lupa

ng mga multinasyunal na korporasyon sa pagkain.

Kamakailan, naging sentro na rin ang rehiyon ng

madudugong kumprontasyon sa pagitan ng mga lumalabang

magsasaka at mga dayuhang kumpanya,

kanilang kasapakat na mga panginoong maylupa at

mga armadong pwersa ng estado.

Ang mga usaping ito ang dala-dala ng libu-libong

magsasakang nagmartsa galing sa kanilang

mga sakahan sa Valencia, Bukidnon; Luagit, Misamis

Oriental; at Gingoog City tungong Cagayan de Oro

City mula Oktubre 19 hanggang Oktubre 21.

Sa Bukidnon, nakikipagsabwatan ang mga dayuhang

korporasyon sa mga panginoong maylupa para

mapasakamay nila ang mga lupang mainam sana para

sa produksyon ng pagkain para sa lokal na konsumo.

Inuupahan nila, kundi man direktang binibili

ang mga lupa para sa komersyal na produksyon ng

mga produktong agrikultural na pang-eksport.

Sa 315,164 ektaryang lupang sakahan, halos

80,000 ektarya ang tinatamnan ng pinya pa lamang.

May 32,000 ektarya namang tinatamnan na ng saging.

Kabilang sa mga dayuhang kumpanyang may

mga plantasyon dito ang Del Monte Philippines Inc.

(DMPI), Lapanday Diversified Products Corp., Davao

Agriventures Corp. (DAVCO), Mt. Kitanglad Agri-

Development Corporation at Southern Fresh Fruits.

Kasabay ng malawakang pangangamkam ng lupa

ang paglaganap ng mga pang-aabuso sa karapatang-tao

ng mga magsasaka.

Noong Hunyo 14, pinaputukan ng mga gwardya

at goons ng Central Mindanao University (CMU) ang

nakakampong mga magsasaka sa Dologon, Maramag.

Nagkampo ang mga kasapi ng Buffalo-Tamaraw-

Limus Farmers Association para pigilan ang pagpapalayas

sa kanila sa lupang sinaka nila nang mahigit

tatlong dekada. Nakatakdang ibenta ng pamunuan

ng CMU sa DAVCO ang kanilang mga sakahan para

sa pagpapalawak ng plantasyon ng saging at pinya

ng kumpanya.

Noong Hulyo 30 naman, pinaputukan ng mga

gwardya ng Del Monte Plantation ang mga nakakampong

magsasaka sa Ocaya Ranch sa Kuya, Maramag.

Nakatakdang paalisin ang mga magsasaka sa mga

lupang kanilang sinasaka dahil ibinenta na ito ng

panginoong maylupa sa Del Monte para sa ekspansyon

ng plantasyon ng pinya. ~

4 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
Ka Roger, pinarangalan

at binigyang-pugay

B umuhos

ang mga pagpupugay at pagpaparangal sa yumaong

tagapagsalita ng Partido Komunista ng Pilipi-

nas (PKP) na si Gregorio “Ka Roger” Rosal.

Naglabas ng kani-kanilang

pagpaparangal ang sentral na

pamunuan ng PKP, mga yunit ng

Bagong Hukbong Bayan, ang

National Democratic Front at

mga rebolusyonaryong organisasyong

masang kabilang dito na

kumikilala at nagpupugay kay

Ka Roger na nagsilbing boses ng

rebolusyonaryong kilusan sa

mahigit isang dekada. Nagbigay-pugay

din ang mga progresibong

organisasyon ng mga kabataan,

magsasaka, manggagawa,

mangingisda at iba pang

sektor na kumilala sa malaking

papel ni Ka Roger sa pagtatanggol

sa interes ng mamamayang

Pilipino.

Inilabas ng Kawanihan sa

Impormasyon ng PKP noong Oktubre

9 ang impormasyon hinggil

sa pagpanaw ni Ka Roger noong

Hunyo 22. Kasabay nito ay

pinalaganap ang pahayag ng

Komite Sentral ng PKP sa pamamagitan

ng espesyal na isyu ng

Ang Bayan. Dito ay nagbigay

ang buong PKP ng Pulang pagpupugay

sa buong buhay na walang

pag-iimbot na paglilingkod

ni Ka Roger sa sambayanan.

Anang Komite Sentral, bilang

tagapaghatid ng balita ng rebolusyong

Pilipino, ang tinig ni Ka

Roger ay nagpaalab at nagbigay-inspirasyon

sa mga Pulang

mandirigma at mamamayang nakikibaka.

Naging daluyan din siya

ng mga dulog ng mga inaapi

at niyuyurakan na nag-aasam ng

katarungan, dagdag pa ng Komite

Sentral.

Kinilala ng Komiteng Panrehiyon

ng Partido sa Southern Tagalog

(KR-ST) ang malaking ambag

ni Ka Roger sa rehiyon. Sa

pahayag ng KR-ST, binaybay nito

ang naging papel ni Ka Roger

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

sa pagpupundar at pagsulong

ng rebolusyonaryong

kilusan sa rehiyon.

Nagbalik-tanaw ito sa mga ginampanang

papel ni Ka Roger sa

rehiyon bilang upisyal ng panrehiyong

pamunuan ng Partido at

bilang tagapagsalita ng Melito

Glor Command (MGC) noong

1988 hanggang 1992. Kinilala

rin ng KR-ST ang malaking bahagi

ni Ka Roger sa pangangasiwa

noon ng gawaing propaganda

sa rehiyon kabilang ang pangunguna

sa gawaing pagbobrodkas

ng Radyo Pakikibaka at

paglalabas ng Kalatas, ang rebolusyonaryong

pahayagang masa

ng ST.

Mula sa Southern Tagalog,

ang rehiyong pinagmulan ni Ka

Roger, naglabas din ng pahayag

ang Melito Glor Command

(MGC), ang Lucio de Guzman

Command (BHB-Mindoro) at ang

Eduardo Dagli Command (BHB-

Batangas). Nagbigay din ng kani-kanilang

pagpaparangal ang

mga panrehiyong balangay sa ST

ng Revolutionary Council of

Trade Unions (RCTU-ST), Pambansang

Katipunan ng mga

Magbubukid (PKM-ST), Artista

at Manunulat para sa Sambayanan

(ARMAS-ST), Kabataang Makabayan

(KM-ST) at Liga ng Agham

para sa Bayan sa UP Los

Baños (LAB-UPLB).

Isang tunay na rebolusyonaryong

bayani ng mamamayang

Pilipino: Ganito inilarawan si Ka

Roger ni Jorge “Ka Oris” Madlos,

tagapagsalita ng National Democratic

Front-Mindanao. Aniya,

ang panahon na naging tagapagsalita

si Ka Roger ng PKP

ang pinakamaningning na panahon

ng rebolusyonaryong propaganda

na hindi pa napapanta-

yan sa ngayon. Binigyang-pugay

ni Ka Oris ang pagkamapagkumbaba

at sipag ni Ka Roger.

Ipinakita ng buhay ni Ka Roger,

na nagmula sa uring magsasaka,

ang katotohanang ang masa ang

tunay na mga bayani.

Isang di mapupuksang apoy

ang itinanim ni Ka Roger sa puso

at isip ng mga rebolusyonaryo

sa kalunsuran, ayon sa Panrehiyong

Komite ng Partido sa National

Capital Region. Anila, ang

apoy na ito ang nagbibigay-liwanag

sa landas ng rebolusyonaryong

pagkilos at pupuksa sa

paghahari ng malalaking panginoong

maylupa at burgesyang

komprador.

Ginunita ni Simon “Ka Filiw”

Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera

Peoples Democratic Front

ang mahalagang aral sa gawaing

propaganda na iniwan ni Ka Roger.

Nagkasama ang dalawang lider

sa isang press conference noong

2005 sa Mountain Province

kung saan inimbitahan nila ang

mga kagawad ng midya para iulat

ang pag-unlad ng rebolusyong

Pilipino. Ayon kay Ka Filiw,

nakita niya kung paanong

mahusay na makitungo at makisalamuha

si Ka Roger sa mga

mamamahayag, masa at mga

5
Pulang mandirigma.

Nakaukit na sa puso at damdamin

ng batayang masa ang

iniwang pamana ni Ka Roger na

mga tagumpay at pagsulong,

ayon kay Ka Simeon Santiago,

political director ng Bagong

Hukbong Bayan sa Southern

Mindanao Region. Aniya, patuloy

na dadagundong ang kanyang

tinig sa buong bansa.

Inilarawan naman si Ka Roger

ni Prof. Jose Ma. Sison, tagapangulong

tagapagtatag ng

PKP, bilang ulirang kadreng komunista,

katangi-tanging makabayang

Pilipino, magiting na

Pulang mandirigma, malinaw na

tagapagpahayag at mabisang

guro at organisador sa hanay

ng masang anakpawis. Sinabi

naman ni Ka Luis Jalandoni, tagapangulo

ng NDFP-Negotiating

Panel, na walang kamatayang

boses si Ka

Roger ng rebolusyon

at ng masang inaapi

at pinagsasamantalahan.

Inilarawan naman

ng Pambansang Katipunan

ng mga Magbubukid

si Ka Roger bilang

bayani ng

uring magsasaka.Nanawagan

a n g

PKM sa

m g a

magbubukid

na

itaguyod

ang kanyang

rebolusyonaryong pamana.

Ayon naman sa Revolutionary

Council of Trade Unions, si Ka

Roger ang tambuli ng rebolusyon

na nagpasidhi sa kapasyahang

lumaban at magrebolusyon.

Mga palumpon ng pulang

rosas naman ang inialay ng Kabataang

Makabayan kay Ka Roger

na kanilang inilarawan na

idolo at inspirasyon ng mga rebolusyonaryong

kabataan.

Nagbigay-pugay din ang mga

bilanggong pulitikal sa bansa.

Sa kanilang pahayag, kinilala

nina Prospero Agudo, Alan

Jazmines, Eduardo Sarmiento at

Eduardo Serrano ang masiglang

pagbabalita ni Ka Roger at ang

matapat na pagtatanggol niya

sa interes ng mamamayan.

Nagpahayag din ang iba't

ibang mga progresibong lider at

organisasyon. Ginunita, nagbigay-pugay

at nagparangal ang

mga grupong BAYAN, Pamalakaya,

KMU, Anakbayan, ang Antonio

Zumel Center for Press

Freedom at marami pang iba. Kinilala

rin ng mga lider tulad nina

Renato Reyes, Carol Araullo,

Judy Taguiwalo, Roberto de Castro

at iba pa ang naging ambag

ni Ka Roger sa pakikibaka ng

mamamayang Pilipino.

Nagpaabot din ng pakikiramay

ang Moro Islamic Liberation

Front (MILF) na kumilala

kay Ka Roger bilang tunay

na bayani ng mga

naghahangad ng kalayaan

mula sa pang-aapi

at pagsasamantala.

Nagpaabot din ng pakikiramay

ang mga rebolusyonaryo

at progresibongorganisasyon

mula

sa Austria,

Australia,

India,

Belgium

at iba

pa.

Ang

balita

ng kamatayan

ni Ka Roger ay nagbunsod

ng mga mensahe ng pakikiramay

sa internet. Ang pangalan ni Ka

Roger ay kabilang sa pinakamainit

na mga salita sa mga palitan

ng mensahe sa Twitter at iba't

ibang website. Nagsulat ng mga

artikulo nag-alaala kay Ka Roger

ang mga reporter na naging malapit

niyang kaugnayan tulad

nila Delfin Mallari at Paul Gutierrez.

Hindi iilang tula ang inakda

para siya'y parangalan.

Bilang pagtugon sa panawa-

gan ng PKP, lahat ng yunit ng

Bagong Hukbong Bayan sa buong

bansa ay nagpormasyon

noong tanghaling tapat ng Oktubre

15 bilang pagpupugay sa

dating tagapagsalita ng PKP at

upang ihanay si Ka Roger sa

Bulwagan ng mga Bayani at

Martir ng sambayanang Pilipino.

Partikular sa Batangas, na

lupang tinubuan ni Ka Roger,

dumalo ang may isandaang Pulang

mandirigma at masang

magsasaka sa isang pagtitipon

upang gunitain ang rebolusyonaryong

buhay ni Ka Roger.

Kasabay ng pagpopormasyon

ng BHB, nagdaos ng mga raling

iglap sa iba't ibang bahagi ng

Southern Tagalog; sa Sta. Cruz,

Maynila; sa Cubao, Quezon City;

sa Davao City at iba pang lugar

ang Kabataang Makabayan at

iba pang mga rebolusyonaryong

organisasyon. Ang mga nagrali

sa US embassy at Mendiola noong

araw na iyon ay naglaan din

ng panahon para parangalan si

Ka Roger.

Idinaos naman noong hapon

ng Oktubre 15 ang isang malaking

pagtitipon sa covered court

sa Ibaan, Batangas, ang bayang

tinubuan ni Ka Roger. Dumalo

doon ang lagpas sa 500 katao.

Sinalubong sila ng kapitan ng

Barangay Talaibon, kung saan

lumaki si Ka Roger. Nagsalita

ang dalawa niyang kapatid, pinalabas

ang maiksing bidyo ng

kanyang talambuhay at ang

mensahe ng pakikiisa ni Kasamang

Joema Sison. Nagpahayag

ang iba't ibang sektor ng pakikiisa

at umawit ng mga rebolusyonaryong

himig. Bago ito, isang

misa ang isinagawa sa simbahan

ng Ibaan. Binisita rin ang lumang

bahay ng pamilyang Rosal.

Sa pangunguna ng NDF Negotiating

Panel at mga lokal na

upisyal nito, idaraos sa darating

na Oktubre 21, Araw ng mga

Magsasaka, ang isang malaking

pampublikong pagtitipon sa UP

Film Center upang bigyang-parangal

si Ka Roger. ~

6 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
COPD sa NEMR,

kasinsahol ng RSOT

M aliban

sa mapanlinlang nitong pangalan, walang anumang

pagkakaiba ang Community Organizing for Peace and Development

(COPD) Teams ng Oplan Bayanihan (OPB) at ang sirang-sira

nang Reengineered Special Operations Teams (RSOT) ng

Oplan Bantay Laya.

Batay sa karanasan ng

Northeastern Mindanao Region

(NEMR), ginagamit pa rin ng

OPB ang triad operations kung

saan sabayang isinasagawa ang

operasyong kombat, paniktik at

COPD.

Habang may mga nakapwestong

yunit pangkombat ang AFP

sa paligid para itaboy ang Bagong

Hukbong Bayan (BHB),

ang mga tim ng COPD ay nagbababad

sa sentro ng mga tinatarget

na baryo. Tulad rin ng mga

operasyong RSOT, ang mga operasyong

COPD ay anti-mamamayan

sa kaibuturan. Ginagamit

nitong pananggalang ang mamamayan,

tinatakot at dinadahas

sila, niyuyurakan ang kanilang

mga karapatan at winawasak

ang kanilang pagkakaisa.

Sadyang inookupa ng mga

tim ng COPD ang mga bahay at

pasilidad ng mga sibilyan upang

magsilbing “proteksyon” sa kanila

ang mga residente sa posibleng

pag-atake ng BHB. Ilan sa

mga kadalasan nilang kinakampuhan

ang mga eskwelahan, barangay

hall, health center, waiting

shed at iba pang pampublikong

lugar.

Oras na makapwesto ang tim

ng COPD ay nagsasagawa na ito

ng iba't ibang anyo ng saywar.

Panlilinlang. Para pagmukhaing

demonyo ang Bagong

Hukbong Bayan (BHB) at wasakin

ang pagkakaisa ng mamamayan

at ng kanilang hukbo, nagpapalabas

ang COPD ng kontrarebolusyonaryong

mga bidyo tulad

ng “Huwad na Pangarap” at

“Killing Fields.”

May mga tropa rin ang COPD

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

na magpapanggap na mga Pulang

mandirigma, pumupunta sa

bahay ng pinagsususpetsahang

tagasuporta ng BHB at nakikitulog

o kaya'y nagpapatulong na

makaugnay sa mga kasama. Gumagawa

sila ng kasiraan para

maipagkalat na ang BHB umano

ang may kasalanan.

Habang ginagawa ito sa mga

target na baryo, nakikipagsabayan

sa pagsisinungaling ang

mga tagapagsalita at upisyal ng

militar sa masmidya laban sa

BHB. Ang mga pangunahing

isyu na ibinibintang sa BHB ay

ang paglabag umano sa karapatang-tao,

pagrerekrut ng mga

menor de edad, pangingikil, panunulisan

at iba pang teroristang

gawain. Inilalarawan ding

mga myembro ng BHB ang mga

magsasakang sibilyan na kanilang

dinadakip o pinapatay.

Samantala, pilit naman nilang

pinagmumukhang maaamong

tupa ang kanilang mga sarili

sa pamamagitan ng pagga-

mit sa mga rekurso ng sibilyang

gubyerno para maghatid ng

ilang serbisyo sa mga tao. Kinokontrol

at pinamumunuan ng

militar ang pamimigay ng mga

rekurso ng mga ahensya ng gubyerno

tulad ng National Commission

on Indigenous Peoples,

Department of Social Welfare

and Development, Department

of Health at mga lokal na gubyerno.

Nagbibigay sila ng bokasyunal

na pagsasanay sa kabataan,

gamit ang mga kurikulum ng

TESDA. Nagdaraos sila ng mga

medical mission gamit ang tauhan

at gamot ng rural health

unit ng DOH. Namumudmod rin

sila ng “Biyaya ni Pnoy,” gamit

ang bigas at iba pang rekurso ng

DSWD. Layunin na rin ng ganitong

uri ng saywar na pagtakpan

ang sa aktwal ay lansakang

pagbabalewala ng naghaharing

rehimen sa interes at kagalingan

ng mamamayan. Nais nilang pasalamatan

pa ng mga tao ang

mga mumong ipinamumudmod

sa kanila habang pabulok nang

pabulok ang mga serbisyong

panlipunan.

Sinusubukan ng COPD na kabigin

ang isip at damdamin ng

mga tao sa sarisaring mabababaw

na paraan tulad ng pagnininong,

paglilinis ng mga pampublikong

lugar sa baryo, pakikipaglaro

ng basketbol sa mga

tagabaryo, pagsama sa piknik

7
ng mga organisasyon sa baryo,

panliligaw sa mga dalaga, pagiisponsor

ng disko at banda at

pakikipagkwentuhan at pagpapainom

ng alak sa kalalakihan

para makapaglabas ang mga ito

ng impormasyon kapag lasing

na.

Pero di nagtatagal at lumalabas

din ang pangil ng tim ng

COPD.

Pandarahas at pananakot.

Batas militar ang pinaiiral sa

mga komunidad na may operasyong

COPD at pirming may pagbabanta

o pananakot ang mga

kalakaran nito.

Ang mga target o pinaghihinalaang

aktibong sumusuporta

sa rebolusyonaryong kilusan ay

ipinapatawag sa kampo ng batalyon

o kumpanya ng AFP, sa

barangay hall, sa liblib o malalayong

lugar para isailalim sa interogasyon

at takutin na makipagtulungan

sa militar.

Sinesensus ang mga bahay

para alamin kung may mga nawawalang

residente sa baryo o

myembro ng pamilya. Kadalasan,

ang mga nawawala ay inaakusahang

kasapi ng BHB.

Ang mga kilalang lider magsasaka

at lider lumad ay “binibisita”

nang madalas sa kanilang

mga bahay para iharas.

Sustenidong sinusubaybayan

ang mga pinagsususpetsahang

aktibong simpatisador ng BHB.

Kung minsan ay tinatakot

ang mga residente na nasa kompyuter

ang mga pangalan nila at

papipirmahin sa isang papel para

mabura umano ang kanilang

rekord sa kompyuter. Yun pala'y

kasulatan na sa pagsurender ang

kanilang pinipirmahan. Kundiman

ay pormal na pinasusurender

ang mga “may rekord.”

Wala nang layang kumilos o

maglakbay ang mga residente

oras na babaran ang kanilang

baryo ng mga tim ng COPD. Inililista

kung sino ang lumalabas

at pumapasok sa baryo, itinatanong

kung kailan o anong oras

babalik at ano ang sadya sa

paglabas at pagpasok. May taning

ang pagpasok at paglabas.

Ang sinumang hindi agad bumabalik

ay inaakusahang pumunta

sa kampo ng BHB.

Kontrolado ang labas-masok

ng mga rekurso. Sinusukat

ang konsumo ng bawat pamilya

at batay dito, nililimitahan ang

pinahihintulutang bilhin. Nirerekisa

sa tsekpoynt ang lahat ng

mga gamit at pinamili.

Sa tagal nila sa mga komunidad

ay hindi maitago na pasista

sa kaibuturan ang mga naglulunsad

ng operasyong COPD. Nariyan

ang arbitraryong pagpapaputok

sa mga bahay ng sibilyan

kapag nalalasing, mga pambobomba

at panganganyon kapag

tinutugis ang BHB at iba pang

gawaing nagtatanim ng takot sa

mamamayan at naglalagay sa

kanila sa peligro.

Pagwasak sa pagkakaisa.

Pinakalayunin ng mga operasyong

COPD ang sirain ang rebolusyonaryong

pagkakaisa ng mamamayan

para magkawatakwatak

sila at madaling mapairal

ang mga anti-mamamayang patakaran

at proyekto.

Malinaw ang layuning ito tuwing

pinupulong ng militar ang

masa at nagtatanim ng kaguluhan

at intrigahan sa kanilang

hanay. Hinihikayat silang tukuyin

ang mga namumuno sa mga

organisasyong masa at isuplong

ang mga kamag-anak o kakilala

nilang mga myembro ng BHB.

Pinalalabas nilang mayroon

nang mga nagtraydor sa kanilang

hanay kaya mas makakabuti

kung umamin na rin sila at

makipagtulungan sa AFP.

Palakasin ang pagkakaisa

ng mamamayan. Ang pinakatiyak

na paraan ng paggapi sa

COPD at Oplan Bayanihan ay

ang pagtataas sa mapanlabang

Ang larawan at artikulo ay halaw mula sa Lingkawas, rebolusyonaryong pahayagang

masa ng Northeastern Mindanao Region.

diwa ng masa at ang mahigpit

na paghawak sa inisyatibang

pulitiko-militar.

Tungo rito, nananawagan

ang National Democratic Front

sa mamamayan ng rehiyon na

magkaisa para ibunyag at tutulan

ang COPD-OPB. Anito, sa ganitong

paraan ay mabibigo ng

mamamayan ng NEMR ang Oplan

Bayanihan. Kaya walang dahilan

para hindi rin mapagtagumpayan

ng mamamayan ang OPB

ngayon.

Hinimok ng NDF-NEMR ang

mamamayan sa mga baryo na

palakasin ang pananalig sa isa't

isa at huwag magpadala sa mga

panloloko ng AFP at mga pagtatangka

nitong sirain ang kanilang

pagkakaisa. Dapat mangahas

ang mamamayan na isumbong

sa pinakamalalapit na

ahensya, institusyon at grupong

nagtatanggol sa karapatang-tao

ang mga paglabag ng pasistang

militar at mga galamay nito.

Kung sa kabila ng giit ng

mamamayan ay hindi lumalayas

ang mga tropang militar, dapat

organisadong magprotesta sa

sentro ng bayan ang mga taumbaryo.

Dalhin nilang isyu sa kilos-protesta

ang pagbubunyag

at pagtutol sa paggamit sa mga

sibilyan bilang mga pananggalang

ng militar. Maaari silang lumapit

sa mga upisyal ng gubyerbo

at simbahan upang doon makisilong

habang hindi pa sila

makakauwi sa kani-kanilang

mga baryo. Maaari rin silang pumunta

sa mga istasyon ng radyo

o telebisyon upang patampukin

ang mga paglabag ng militar sa

karapatang-tao ng mamamayan.

Nanawagan ang NDF-NEMR

sa mamamayan na huwag na huwag

makihalo sa militar at huwag

magpatira ng mga sundalo

sa bahay para makaiwas sa peligrong

madamay kung may engkwentro.

Anang NDF-NEMR, dapat

pakatandaan na paglabag sa

batas ng digma at paglabag sa

karapatang-tao na tirhan ng militar

ang mga bahay at pasilidad

ng mga sibilyan. ~

8 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
19 sundalo ng 50th IB, napatay

sa Cervantes, Ilocos Sur

S a

kabila ng paglihim ng Armed Forces of the

Philippines (AFP) ay hindi nito maitago ang

katotohanang nagtamo ito ng matinding

hambalos sa kamay ng Bagong Hukbong Bayan

(BHB) sa mga labanang naganap sa Cervantes,

Ilocos Sur noong katapusan ng Setyembre.

Ayon sa karagdagang ulat ng

Alfredo Cesar Command (BHB-Ilocos

Sur), umabot sa 19 na sundalo

ang napatay at anim ang nasugatan.

Para mailihim ang tunay na bilang

ng kanilang mga kaswalti, idinaan

ng militar ang mga bangkay at

mga sugatan sa iba't ibang ruta. Gayunman,

nabigo silang lubusang ilingid

ito sa mamamayan.

Ayon sa ulat ng mga lokal na residente,

hindi bababa sa sampung

bangkay ng mga sundalo ang nakita

nila sa ilalim ng tulay noong umaga ng Setyembre

25. Noong araw ding iyon ay isinakay sa

Operasyong militar,

salot sa kabuhayan ng masa

Sinasabi ng AFP at ng rehimeng Aquino na ang rebolusyonaryong

kilusan daw ay sagka sa pag-unlad ng kanayunan. Taliwas

dito ang karanasan ng 293 pamilyang magsasaka sa Agusan

del Norte at Surigao del Sur na napilitang magbakwit noong Mayo

hanggang Hunyo dahil sa mga operasyong COPD ng AFP.

Ayon sa isang artikulo sa

Lingkawas, rebolusyonaryong

pahayagang masa sa NEMR,

umabot sa `984,000 (o abereyds

na `3,358 bawat pamilya)

ang tinatayang nawala sa

mga nagbakwit dahil sa naiwan

nilang mga sakahan at alagang

hayop.

Tatlong mayor na pagbakwit

ang naganap noong panahong

iyon.

Ang una ay noong Mayo 26-

Hunyo 16 sa Zapanta, Bangayan,

Agusan del Norte. Pitumpu't

limang pamilyang Maman-

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

wa at magsasaka ang nagbakwit

dahil sa operasyong COPD

ng 30th IB. Sa panahong ito ay

pinigilan din ng militar sa tsekpoynt

ang mga motorsiklong

nagdadala ng kahoy na siyang

pinagkakakitaan ng mamamayan

sa lugar.

Ang ikalawa ay noong Hunyo

20-Hulyo 4 sa Mahaba, Marihatag,

Surigao del Sur kung

saan 141 pamilyang magsasaka

ang lumikas. Halos dalawang

buwang pumondo ang

COPD sa barangay hall, daycare

center, health center at

MATATAGUMPAY NA OPENSIBA NG BHB

isang helikopter ang isang sugatang sundalo at

kumpirmadong namatay ito sa ospital.

Dalawang labanan ang naganap bago ito. Ang

unang engkwentro ay naganap nang tambangan

ng BHB ang mga tropa ng 50th IB sa Barangay

Remedios noong Setyembre 23. Anim na sundalo

ang napatay at anim din ang nasugatan.

Nangyari ang pangalawang labanan kinabukasan

ng gabi sa Sityo Bulaga, Barangay Aloling.

Isa na namang labanan ang naganap

noong Setyembre 26 ng hapon sa Sityo

Maupong, Barangay Concepcion.

Dalawang sundalo ang napatay

dito.

Katawa-tawa at hindi

kapani-paniwala ang mga

pahayag ng militar kaugnay

ng kanilang mga

kaswalti. Ani Col. Eliseo Posadas,

hepe ng 503rd IB kung saan nakapailalim

ang 50th IB, isang sundalo lamang ang nasuga-

upisina ng Sangguniang Kabataan.

Tampok ang harasment,

pananakot at panlilinlang

sa operasyong COPD ng

militar.

Ang ikatlo ay noong Hunyo

26-Hulyo 2 sa Janipaan,

San Agustin, Surigao del Sur

kung saan 77 pamilyang Manobo

at Mamanwa ang nagbakwit.

Ang paglikas ay ibinunsod

ng iligal na pag-aresto

ng 29th IB-COPD sa anim

na magsasakang nangongopra

sa Upper Janipaan sa unang

araw ng operasyon. Kasama

ng mga mangongopra ang

tatlong batang dinakip din at

binansagang mga mandirigma

ng BHB.

Sa mga kasong ito ay bumalik

lamang ang mga magsasaka

nang mapag-alaman

nilang umalis na ang mga militar

na umokupa sa kanilang

mga komunidad. ~

9
10

MATATAGUMPAY NA OPENSIBA NG BHB

tan sa pananambang ng BHB

noong Setyembre 23 habang

isa ang napatay na sundalo sa

labanan noong Setyembre 24.

Sa panig ng BHB, dalawang

Pulang mandirigma, sina

Ka Dindo at Ka Likot, ang

nagbuwis ng buhay sa labanan

noong Setyembre 24. Ang

bangkay ni Ka Likot ay tinadtad

ng bala ng mga pasistang

sundalo kaya nadurog ang

kanyang bungo at dibdib.

Noon namang hapon lamang

ng Setyembre 29 natagpuan

ang bangkay ni Ka Dindo

dahil ilang araw na pinagbawalan

ng militar na makalapit

sa lugar na pinaglabanan

ang kanyang mga kamaganak.

Bunga ng pagpupursige

ng mga kapamilya at kababayan

ni Ka Dindo, mga mamamayan

ng Cervantes at mga

grupong nagtataguyod sa karapatang-tao,

natagpuan din

ang bangkay ni Ka Dindo malapit

sa lugar ng engkwentro.

Dahil sa laki ng kaswalting

tinamo nila sa kamay ng BHB,

nagbuhos ang Northern Luzon

Command ng mahigit isang

batalyong tropa sa bayan ng

Cervantes. Nagmistulang mga

asong nauulol ang noo'y mga

sundalong nagpapanggap na

mababait na tupa. Sa mga

inosenteng sibilyan nila ibinubunton

ang kanilang galit.

Hindi nila nirerespeto ang

awtoridad ng lokal na gubyerno

ng Cervantes at nilalapastangan

ang mga karapatan ng

mga sibilyan. Arbitraryo silang

nagtayo ng mga tsekpoynt,

pumwesto sa maraming

baryo at nanindak ng

mga magsasaka. Sa kabilang

banda, ang tagumpay ng mga

labanan sa Cervantes ay patunay

ng kakayahan ng BHB na

magdepensa sa harap ng marahas

na mga atake ng pasistang

militar dahil ito ay nagtatamasa

ng malawak na suporta

ng masa. ~

Mayor Dano at 6 POW,

pinalaya ng BHB

S a

utos ng Panrehiyong Komite ng PKP sa Southern Mindanao,

pinalaya ng Conrado Heredia Command ng Bagong Hukbong

Bayan noong Oktubre 9 si Mayor Henry Dano ng Lingig, Surigao

del Sur at ang kanyang dalawang tauhang militar na sina Cpl.

Alrey Desamparado at Pfc. Alan Saban ng 4th ID-AFP Intelligence

Unit.

Ayon kay Rubi del Mundo,

tagapagsalita ng NDFP sa

Southern Mindanao, ang kaso

laban kay Dano at sa kanyang

mga tauhan ay pansamantalang

sinususpinde sa kundisyong hindi

na sila muling lalabag sa mga

karapatang-tao, sa internasyunal

na makataong batas at mga

patakaran ng gubyernong bayan.

Sa mga isinagawang imbestigasyon,

nakitang may tuwirang

responsibilidad si Dano at ang

kanyang mga tauhan sa mga krimen

laban sa mamamayan, kabilang

ang pagpaslang sa isang

lider magsasaka. Umamin ang

mga detenido sa kanilang mga

naging krimen. Ang pagpapalaya

sa kanila ay pagbibigay sa

kanila ng pagkakataon na magpanibagong

buhay at iwasto ang

kanilang mga krimen sa nakaraan.

Isang araw bago ito, pinalaya

naman ng BHB ang apat na

bihag sa digma o mga prisoner

of war (POW) na sina Jail Inspector

Murphy Bomoway

Todyog (Badge No. 0-08021),

Jail Warden Erico Dacillo Llamasares

(Badge No. 0-07022),

Special Jail Officer 2 (SJ02) Rogelio

Begontes (Badge No.

960187), at Jail Officer 1 (JOI)

Rolando Delta Bajoyo, Jr.

Pinalaya sila sa bisa ng kautusan

ng National Democratic

Front of the Philippines (NDFP)

dahil sa mga batayang makatao.

Matatandaang ang apat ay

dinisarmahan at isinailalim sa

kustodiya ng mga pwersa ng

Herminio Alfonso Command-

Guerrilla Front Committee 53

noong Hulyo 21. Kabilang sila

sa yunit ng Bureau of Jail Management

and Penology

(BJMP) na tinambangan ng

BHB sa Barangay Sinuda, Kitaotao,

Bukidnon upang makalaya

si Dennis Rodenas, na dadalhin

sana sa bilangguan sa

Davao.

Idineklara ang apat na tauhan

ng BJMP bilang mga prisoner

of war at ginawaran ng proteksyon

batay sa mga internasyunal

na batas ng digma na

itinataguyod ng Bagong Hukbong

Bayan.

Sa mahigit dalawang buwang

pangangalaga sa kanila

ng Herminio Alfonso Command-

BHB, maayos at makatao ang

pakikitungo sa kanila. Ang apat

mismong mga POW ang nagbigay

ng pahayag kung paano sila

inalagaan ng mga nagkustodiya

sa kanila.

Naantala ang pagpapalaya sa

kanila dahil sa sunud-sunod na

laking-batalyong operasyong

militar ng 602nd Brigade, 6th ID

at 403rd Brigade, AFP Eastern

Mindanao Command. Inilagay

nila sa peligro ang kalagayan ng

mga POW dahil sa naturang mga

bigong operasyong “rescue”.

Kabilang sa sumaksi sa pagpapalaya

ang kinatawan ng International

Committee of the

Red Cross (ICRC), mga tagapagtanggol

ng karapatang-tao at

mga relihiyoso at si Atty. Persida

Acosta ng Public Attorney's

Office (PAO). ~

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
Mapaminsalang pagmimina

sa Cagayan Valley,

nilalabanan ng mamamayan

I sang

malawak na kampanya laban sa mapaminsalang dayuhan

at korporadong pagmimina ang isinusulong ngayon sa Cagayan

Valley. Bahagi ito ng pakikibaka para sa tunay na reporma sa lupa,

pambansang industriyalisasyon at pagtataguyod ng pambansang

patrimonya at soberanya.

Nagngingitngit ang daanlibong

pamilya na napipinsala ng

pagmimina. Sa Barangay Dugo,

Camalaniugan, 78 pamilya na

ang lumikas dahil sa paglubog

ng kanilang mga bahay. Sa Gen.

E. Batalla, Sapping sa bayan din

ng Camalaniugan, natitibag na

ang lupa. Sa Aparri at Calamaniugan,

umabot na sa 180 bahay

ang natangay dahil sa pagbaha

ng Cagayan River. Sa Gonzaga,

lumalalim at natutuyuan ang

mga balon at umuuga ang mga

bahay kapag may operasyon ang

mina, habang ang dating hanggang

baywang na ilog ay umaabot

na hanggang sa leeg ang

lalim. Mabilis ang pagbaha lalo

na sa mga komunidad na malapit

sa tabing dagat dahil sa pagtatambak

ng basura ng mina sa

mga bukirin. Samantala, pinalalayas

ang mga residente ng Purok

7, Barangay Batangan sa

Gonzaga dahil may nagmamayari

na raw dito na kumpanya.

Pinakatampok na pinsala

ang suction effect. Biglang bumabagsak

ang lupa dahil sa

pagkasira ng katubigan at pagpasok

ng tubig dagat sa lupang

agrikultural at residensyal. Ito

ay dahil sa pitong-toneladang

magnet na pirming nakasuksok

sa ilalim ng tubig dagat upang

mahigop ang magnetite. Bukod

sa pagmimina ng magnetite,

may mga proyektong eksplorasyon

ng ginto sa Claveria; ginto

at pyrex sa Baggao; magnetite

sand sa Ballesteros; limestone sa

Gonzaga; at napipintong pagmimina

ng karbon (coal).

Ang pagmimina ng mag-

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

netite ay isinasagawa sa 13,843

ektarya sa 16 na kilometrong

baybay na sumasaklaw sa buong

ilog, dalampasigan at dagat ng

mga baybaying bayan sa hilagang

Cagayan. Kagyat na epekto

nito ang kawalan ng mga makukuha

at maibebentang hipon,

kabibi, talangka at iba pang makakaing

nakukuha sa mabababaw

na bahagi ng dagat, na mayor

na pinagkukunan ng masa

ng kabuhayan. Nagdudulot din

ito ng tiyak na kapahamakan sa

mamamayan dahil sa ibinubunsod

nitong mga baha na lumalamon

sa mga bahay at sakahan

sa mga baryo, mga gusali sa bayan

sa panahon ng bagyo o kahit

tuwing malakas lang ang

ulan at lalo na

kapag may tsunami.

Sa Nueva

Vizcaya, halos

lahat na ng bayan

dito ay

tadtad na ng

aplikasyon sa

pagmimina.

Maliban sa dating

erya ng

Kasibu, Dupax

at Quezon,

umabot na rin

ito sa Diadi,

Bagabag, Solano

at Bayombong.

Sa Isabela,ipinagpapatuloy

ng pambansa

at pamprubinsyang

pamahalaan

ang pagmimina

ng karbon sa 64,000 ektarya ng

24 baryo sa apat na bayan dito

na magpapatalsik sa 10,000 pamilya.

Napahinto na ang mga

ito noong 2004 bunga ng maigting

na paglaban ng mga residente.

Bukod pa ito sa 2,391 ektaryang

minahan ng ginto sa Dinapigue.

Sa mga apektadong komunidad,

hindi kinikilala ng reaksyunaryong

estado ang karapatan

ng mga magsasaka sa lupa. Binabalewala

ang karapatan ng

mga pambansang minorya sa kanilang

lupang ninuno at niyuyurakan

ang karapatan ng mga mangingisda

sa mga pook pangisdaan.

Nilalapastangan ang karapatan

ng mamamayan sa kabuhayan,

tirahan, kaligtasan at

kalusugan. Pati ang pinakamahabang

ilog sa bansa, ang Cagayan

River na nagmumula sa puno

nito sa Nueva Vizcaya hanggang

sa dulo nito sa baybay Cagayan

ay napipinsala.

Lumalala ang militarisasyon

at abusong militar sa

mga lugar ng malalaking dayuhang

minahan. Ang Oplan

Bayanihan ay pangunahing na-

11
katuon sa mga magsasaka at pambansang minoryang

lumalaban sa mapaminsalang pagmimina at quarrying.

Matitingkad na kaso ng paglapastangan sa karapatangtao

ang sunud-sunod na mga pagpaslang sa Buguey, Cagayan

at Kasibu, Nueva Vizcaya; kumakapal na presensyang

militar sa mga pinagmiminahan ng karbon sa Benito

Soliven, Isabela; pagsasampa ng mga kasong illegal

occupancy, libel, malicious mischief at iba pa at marahas

na pagbuwag sa mga kilos-masa sa Gonzaga at

barikada sa Kasibu.

Binabantayan ng PNP ang quarry sa Wangag River sa

Cagayan at minahan sa Kasibu. Pinalalakas din ng gubyerno

at ng mga dayong korporasyon sa pagmimina ang

mga armadong bantay sa mga minahan. Wala ring awat

ang pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga tumututol

na mamamayan. Kasabay nito ay nag-iibayo

ang pagsisikap ng mga kontra-mamamayang Akbayan

Party List at iba pang reaksyunaryong institusyon ng

gubyerno para ilihis ang pakikibaka ng mamamayan.

Yaman na gustong simutin. Ang Cagayan Valley ay

isa sa mga rehiyon na may malaki at hindi pa gaanong

nasisimot na yamang mineral. Mayroon itong 218 milyong

metriko toneladang yamang mineral na metal at

1.4 bilyong metriko toneladang reserbang di-metal. Sa

balangkas ng Northern Luzon Agribusiness Quadrangle

(NLAQ) ay kasama ang higanteng minahan sa Didipio,

Kasibu, Nueva Vizcaya sa 23 prayoridad na proyektong

minahan sa bansa. Nakapaloob din sa NLAQ

ang pandarambong ng mga imperyalistang

kumpanya sa mga rekurso

sa enerhiya sa rehiyon. Ilang halimbawa

nito ang Philippine National Oil

Company-Energy

Corporation

(PNOC-EC) at

Aragon Coal Resources,

Inc. na

magmimina ng

karbon at Aragon

Power and Energy

Corp. na magmimina ng

gas at langis sa Cagayan

Valley Basin. Ang mga ito'y

sumasaklaw ng 748,000 ektarya

ng agrikultural na lupain.

Labing-anim na bayan at isang syudad sa Cagayan,

mahigit walong bayan sa Nueva Vizcaya at Quirino at

anim na bayan sa Isabela ang sinasaklaw ngayon ng

mga aprubadong konsesyon sa pagmimina at quarrying.

Bukod pa ito sa dagsa-dagsang aplikasyon sa maliitang

pagmimina kung saan ginagamit ang pangalan ng ilang

lokal na mga negosyante at maging mga upisyal ng barangay

bilang aplikante pero may kasosyong kumokontrol

na dayuhang kumpanya. Lumalaganap ito dahil mas

madaling mailusot ng mga dayuhang kumpanya ang

mga permit at pagsuporta ng lokal na gubyerno at burukrata

na nakikinabang din dito. ~

Armadong proteksyon

sa mga minahan,

binatikos

Mariing binatikos ng mga progresibong

partido, grupo at tagapagtanggol

ng kapaligiran ang kautusan ng

rehimeng Aquino sa Armed Forces of the

Philippines (AFP) na makipagtulungan

sa mga kumpanya sa pagmimina sa pagbubuo

ng mga pwersang paramilitar tulad

ng Special Civilian Armed Auxiliary

(SCAA) upang proteksyunan ang kanilang

operasyon.

Ayon sa naturang mga grupo, ang

mamamayan sa kanayunan ang siyang

nangangailangan ng proteksyon laban

sa militar na matinding lumalabag sa

karapatan ng mga minoryang komunidad.

Biktima sila ng pangangamkan

ng lupa, pagkasira ng kapaligiran at

kanilang kabuhayan dahil sa walang

habas na pandarambong ng mga minahan.

Ang kautusang ito ni Aquino noong

Oktubre 14 ang tugon ng kanyang rehimen

sa inilunsad na koordinadong

pagsalakay ng Bagong Hukbong Bayan

sa tatlong minahan sa Surigao del Sur

noong Oktubre 3 para parusahan ang

mga kumpanya sa malawakang pinsalang

idinulot nila sa kapaligiran at

kabuhayan ng mamamayan. Ang pagbubuo

ng SCAA ay sinimulan noong

panahon ng rehimeng Arroyo. Ang AFP

ang siyang nagsasanay sa mga SCAA habang

ang gastos at pagpapasweldo rito

ay binabalikat ng mga minahan.

Hiniling ng mga grupo sa rehimeng

Aquino na bawiin nito ang planong pagpakat

ng SCAA dahil lalala lamang ang

mga pang-aabuso sa karapatang-tao.

Mahaba na ang listahan ng mga

paglabag ng pwersang paramilitar sa

karapatang-tao. Pinangangambahan ng

mga grupong nagtataguyod ng karapatang-tao

na ang naturang mga hakbang

ay magpapatindi ng militarisasyon at

dislokasyon sa mga komunidad ng mga

minorya.

Samantala, nagpakat na ng dagdag

na pwersang militar ang 27th IB ng

Philippine Army sa Sultan Kudarat at

South Cotabato kung saan nag-oopereyt

ang maraming malalaking dayuhang minahan.

12 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
Niluto sa US Embassy

ang pagsasabatas

ng Cheaper Medicines Act

B ago

maging batas ang Cheaper Medicines Act of 2008 ay niluluto

na ng US Embassy kasabwat si dating Senador Mar Roxas

ang pagpapalabnaw nito. Isa ito sa nilaman ng mga sikretong

ulat ng US Embassy sa Maynila na nalantad sa Wikileaks.org.

Ang Wikileaks.org ay isang website na tumututok sa pagbubunyag

ng mga katiwalian ng mga gubyerno at korporasyon.

Nakipagpulong noong Mayo

16, 2006 si Roxas kay Barbara

Weisel, ang Assistant Trade Representative

for Asia Pacific and

Pharmaceuticals Policy ng US.

Sinundan ito ng hiwalay na pakikipagpulong

ng mga tagapagpayo

sa ekonomya ng US Embassy

kina Roxas at

iba pang upisyal

ng gubyerno. Si

Roxas noon

ang namumuno

sa Committee on

Trade sa Senado samantalang

si Rep.

Junie Cua ang namumuno

sa Committee

on Trade sa

Mababang Kapulungan

ng Kongreso.

Sa harap ng

matingkad na

isyu ng napakamahal

na presyo

ng mga gamot,

Pandaigdigang kilos-protesta

laban sa krisis ng kapitalismo

M ahigit

950 demonstrasyon ang inilunsad

ng dalawang milyong mamamayan noong

Oktubre 15 sa 80 bansa sa Europe, North

America, Latin America, Middle East, Africa at

Asia-Pacific kasama na ang Pilipinas. Ang pinakamalalaking

demonstrasyon ay inilunsad sa mga

bansang tinatamaan ng malalang krisis sa pinansya

at ekonomya.

Umabot sa 1,100,000 ang nagrali sa 60 bayan

sa Spain. Umabot naman sa 700,000 ang nagde-

ANG BAYAN Oktubre 21, 2011

isinumite ni Rep. Rolex Suplico

ng Iloilo noong 2006 ang panukalang

Cheaper Medicines Bill o

Suplico Bill na muling isinampa

noong 2007 ni Rep. Ferjenel Biron.

Mayor na probisyon nito

ang pagbubuo ng Drug Regulation

Board na bibigyang-kapangyarihan

na itakda ang

presyo ng gamot. Target

nitong ibaba nang 80-

90% ang presyo ng 1,500

gamot na nakalista

sa Philippine

Drug Formulary.

Isinampa

naman ni

Roxas ang

Senate Bill

2263 o Roxas

Bill na bumabangga

sa Suplico

Bill. Tutol ito

sa pagbibigay kapangyarihan

sa gubyerno

na itakda

ang presyo ng gamot. Sa halip,

idinidiin nito ang pagpapalawak

ng importasyon ng mga gamot

bilang paraan para bumaba ang

presyo nito, kahit pa itinakda

nito kung ano lamang ang pwedeng

iangkat na gamot. Ang panukala

ni Roxas ang malao'y mananaig

at tataguriang "Universally

Accessible Cheaper and Quality

Medicines Act of 2008” o

Republic Act No. 9502.

Ang pananaig ng panukala ni

Roxas ay hindi mangyayari kung

wala ang aktibong pagsuporta

rito ng mga dayuhang malalaking

kumpanya sa gamot. Tinatayang

nagbuhos ng `1 bilyong

pondo ang mga naturang kumpanya

upang bilhin ang boto ng

mga mambabatas.

Sa mga pakikipag-usap ng

mga upisyal ng US kay Roxas,

idiniin ng mga ito ang pangangailangang

pangalagaan umano

ang tinatawag na "intellectual

property rights" ng mga

korporasyong Amerikano. Tutol

din ang US sa malawakang importasyon

ng mga gamot, laluna

mula sa India, kung saan ang

mga gamot na produkto rin ng

malalaking kumpanyang multinasyunal

ay ibinebenta nang

malayong mas mura kumpara sa

Pilipinas. Sa pamamagitan ng

pakikipag-ugnayan kay Roxas,

itinulak din ng US ang paglimita

sa mga gamot na maaaring

iangkat mula sa ibang bansa. ~

monstrasyon sa Italy; 40,000 sa Portugal; at mahigit

60,000 sa Greece, Germany, Belgium, The

Netherlands, Sweden, Croatia at Slovenia. Sa US,

mahigit 50,000 ang nagrali sa mahigit 30 estado,

habang mahigit 10,000 naman ang nagprotesta

sa Canada at Alaska, isa ring estado ng US. Umabot

naman sa 100,000 ang nagrali sa Santiago,

Chile; 15,000 sa Israel; at 20,000 sa South Africa.

Mahigit 15,000 naman ang nagrali sa Australia,

New Zealand, Taiwan, Hongkong, Japan, Pilipi-

13
nas, Indonesia at Malaysia.

"Occupy Wall Street". Ang naganap

na pandaigdigang kilos-protesta ng mamamayan

noong Oktubre 15 ay pakikiisa

sa Occupy Wall Street, isang nagpapatuloy

na kilusan sa US laban sa kapitalistang

kasakiman. Ang kilusang ito ay

nagsimula noong Setyembre 17 nang

mahigit 150 kabataan ang nagkampo sa

Zucotti Park, sa pusod ng New York City,

ang sentro ng malalaking bangko sa US.

Ang impormasyon hinggil sa kanilang

pagkilos ay tumampok at kumalat

sa internet at malaoy nagbunsod ng papalaking

mga demonstrasyon sa New

York City at iba pang syudad sa US. Daan-daan

na ang mga inarestong demonstrador

nitong nagdaang mga linggo. Sa

paglipas ng mga araw, umani ng papalawak

na suporta ang pagkilos mula sa

mga unyon, organisasyon sa komunidad,

mga kilalang artista, tagapagtaguyod ng

karapatang-tao at sibil at iba't iba pang

grupo.

Tumindi nang tumindi ang panunupil

ng mga pulis udyok ng mga bilyunaryo

sa Wall Street. Nabunyag sa midya na

nagbuhos ng $4 milyon ang Goldman

Sachs bilang insentibo sa mga pulis sa

pagbabantay sa mga nagpoprotesta. Idinedeploy

ang pinakamababagsik na pulis

na para bang humaharap sa mga kriminal.

Noong Oktubre 11, tinangkang

buwagin ng mga pulis ang kampo sa

Zucotti Park.

Pandaigdigang protesta. Ang inilunsad

na pandaigdigang koordinadong

protesta noong Oktubre 15 ay tugon sa

panawagan na suportahan at tularan

ang kilusang Occupy Wall Street. Ang lawak

at tindi ng mga protesta noong

araw na iyon sa iba't ibang panig ng

mundo ay salamin ng lawak at tindi ng

pagdurusa ng mamamayan ng daigdig sa

nagpapatuloy na krisis ng kapitalismo.

Dumagundong sa buong mundo ang

panawagan na magkaisa para labanan

ang kapitalistang kasakiman at sistema

sa pinansya na nagdulot ng napakalaking

pagdurusa sa milyun-milyong mamamayan

sa daigdig. Ipinamalas nila

ang kanilang galit laban sa malalaking

kapitalista sa pinansya at mga korap na

pulitiko na patuloy na nagpapakasasa sa

harap ng lumalalang krisis ng kapitalismo.

BALITA

19 sundalo, patay sa ambus sa Basilan

LABINSIYAM na mga elemento ng Special Forces ang

napatay nang ambusin sila ng mga mandirigma ng Moro

Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Cambug,

Al-Barka, Basilan noong Oktubre 18.

Apatnapu't isa sundalo ng Special Forces ang sumalakay

sa kinakampuhan ng MILF subalit sinalubong na

sila ng pananambang bago pa sila makaabante.

Siyam na oras na tumagal ang labanan. Ayon sa

MILF, halos pantay lang ang bilang ng Special Forces at

mandirigma ng MILF na nagkalabanan, pero bentahe ng

MILF ang paborable nitong pusisyon at pamilyaridad sa

tereyn.

Maliban sa malaking kaswalti ng AFP, nasamsam din

mula sa mga sundalo ng apat na M203, limang masinggan

at 13 M16.

Kinundena ng MILF ang pang-aatake ng Special Forces

bilang paglabag sa umiiral na tigil-putukan sa pagitan

nito at ng Gubyerno ng Pilipinas. Anito, may nauna

na ring paglabag ang AFP nang sumalakay din ito

sa pinupusisyunan ng MILF sa Payao, Zamboanga Sibugay

noong Oktubre 15. Magsasampa ang MILF ng protesta

sa International Monitoring Team laban sa paglabag

ng AFP sa tigil-putukan.

Samantala, umabot sa 1,500 sibilyan na ang lumilikas

noong Oktubre 19 dahil sa panganganyon ng militar

sa kanilang mga komunidad.

24 sundalong Turkish,

napatay sa reyd ng PKK

DALAWAMPU'T apat na sundalong Turkish ang napatay

nang salakayin ng mga mandirigma ng Kurdistan Workers

Party (Parti Karkerani Kurdistan o PKK) ang iba't

ibang detatsment ng militar sa Hakkari, Turkey noong

gabi ng Oktubre 18. Ito na ang pinakamalaking kaswalting

natamo ng mga pwersang panseguridad ng Turkey

mula sa PKK mula noong 1993.

Bilang ganti, pinagbobomba ng militar ng Turkey ang

pinaghihinalaang pinagkukutaan ng PKK sa hilagang

Iraq. Nagpadala rin sila ng mga yunit komando para tugisin

ang mga rebelde. Marami rin itong inarestong mga

sibilyang pinagsususpetsahang sumusuporta sa PKK.

Ang PKK ay malaon nang nakikipaglaban para maitayo

ang awtonomus na estado ng Kurdistan, na sumasaklaw

sa silangang Turkey, hilagang Iraq, hilagangkanlurang

Iran at hilagang Syria. Matapos ang ilang taong

paghupa, sumiklab muli ang gerilyang pakikibaka

ng PKK mula noong 2004.

Sistematikong sinusupil ng Turkey ang karapatan ng

mga Kurd. Ang timog-silangang Turkey kung saan konsentrado

ang mga Kurd ang isa sa pinakamahihirap na

lugar ng bansa. Daan-daanlibong Kurd ang sapilitang

pinalayas mula sa kanilang lupang ninuno.

14 ANG BAYAN Oktubre 21, 2011
Editoryal

Mga tampok

sa isyung ito...

ANG

Italyanong pari,

biktima ng Oplan

Bayanihan PAHINA 2

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Ka Roger, pinarangalan

at binigyang-pugay

PAHINA 5

Taon XLI Blg. 20

Oktubre 21, 2010

www.philippinerevolution.net

Pananagutan ng GPH ang muling

pagkaunsyami ng usapan

M uli

na namang mauunsyami ang nakatakda

sanang pagdaraos ng pormal na usapang

pangkapayapaan sa pagitan ng National

Democratic Front of the Philippines (NDFP) at

Gubyerno ng Pilipinas (GPH) sa Oktubre 31-Nobyembre

12 sa Oslo, Norway. Ito'y dahil nabigong

muli ang GPH na tupdin ang mga obligasyon nito

sa ilalim ng Oslo Joint Statements ng Enero at

Pebrero 2011 na palayain ang karamihan kundi

man lahat ng 17 ibinilanggong konsultant ng

NDFP na protektado ng JASIG.

Katatapos lang ng GPH na mangako noong

Setyembre na tutupdin ang obligasyong ito bago

mag-Oktubre 10. Ito ay para mabigyan pa ng pagkakataon

ang magkabilang panig na maghanda

para sa kanilang paglahok sa negosasyong pangkapayapaan

sa Oslo.

Binitiwan pa man din ng mga kinatawan ng

GPH ang pangakong ito sa harap ng upisyal na kinatawan

ng gubyerno ng Norway na nagsisilbing

tagapamagitan sa usapang

pangkapayapaan.

Pero halos dalawang

linggo na ang lumipas

mula sa itinakdang dedlayn

na pangakong pagpapalaya

ay wala pa ring ginagawang

hakbangin ang GPH

para tuparin ito. Bagkus ay

nagmatigas ang GPH at ang

AFP na wala itong hawak na

mga bilanggong pulitikal at

pawang mga detenidong

may kasong kriminal ang

tinutukoy ng NDFP. Mismong

pinuno ng negotiating

panel ng GPH ang nagsabing

hindi makaaasa ang

NDFP na may mapalalaya pang

konsultant nito.

Nais sana ng NDFP na matuloy na ang pakikipagnegosasyon

sa GPH upang resolbahin ang mga

ugat ng armadong tunggalian at makabuo ng mga

kasunduan hinggil sa mga batayang reporma sa

lipunan, ekonomya at pulitika para mailatag ang

daan tungo sa makatarungan at pangmatagalang

kapayapaan sa Pilipinas. Subalit ginawa nang imposible

ng GPH na matuloy pa ito sa Oktubre 31.

Sukatan ng sinseridad ng NDFP na ipagpatuloy

ang negosasyong pangkapayapaan ang ipinakikita

nitong pagpapasensya na maghihintay nang

kahit ilang panahon para tuparin ng GPH ang mga

obligasyon nito. Sa balikat ng GPH nakaatang ang

pananagutan at kahihiyan kung bakit patuloy na

naipagpapaliban ang pormal na usapan.

Sa kabiguan nitong tuparin ang mga obligasyon

nito, ipinakikita ng GPH na hindi ito interesado

na ituloy ang pakikipagnegosasyon sa NDFP.

Mayor Dano at 6 POW,

pinalaya na

PAHINA 9
Mga tuntunin sa paglilimbag

1. Ang sinundang pahina, na eksaktong kopya ng pahina 1 maliban sa mas

mapusyaw ang masthead o logo ay para sa mga gumagamit ng mimeo machine o

naglilimbag sa paraang v-type. Idinisenyo ito para hindi madaling makasira ng istensil.

2. Pag-print sa istensil:

a) Sa print dialog, i-check ang Print as image

b) Alisin ang check sa Shrink oversized pages to paper size

k) I-click ang Properties

d) I-click ang Advanced

e) Tiyaking naka-set sa 100% ang Scaling

d) Ituloy ang pag-print

3. Hinihikayat ang mga kasama na ipaabot sa patnugutan ng AB ang anumang

problema kaugnay ng paglilimbag sa pamamagitan ng v-type. Magpadala ng email sa

angbayan@yahoo.com