15.05.2021 Views

Digital Book

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.


Petsa: Abril 30, 2021

Oras: 9:00 - 11:30 am

Lugar: Barangay Socorro Hall

Paksa/Layunin: Pamamahagi ng School Supplies

Mga Dadalo:

1. Hon. Mae Mendezabal

2. Hon. Kimberly Austria

3. Hon. Joshua Pactor

4. Hon. Janlloyd Dugo

5. Hon. Teodulo Santos

6. Hon. Maria Mesia

7. Hon. Famela Galang

8. Hon. Engilbert Balang

9. Hon. Valeriano Balay

10. Hon. Leonido Mendoza

11. Hon. Alfredo Navarra

12. Hon. Cesar Sioson

Mga Paksa sa Adyenda Taong tatalakay Oras

1. Panimulang

Palatuntunan

Hon. Mae Mendezabal

30 minuto

2. Iba't-ibang uri ng

School Supply

Hon. Kimberly Austria

30 minuto

3. Paraan ng

pamamahagi

Hon. Janlloyd Dugo

30 minuto

4. Rekomendasyon

tungkol sa pagbibigay

ng load allowance

Hon. Joshua Pactor

30 minuto

5. Budget

Punong Barangay

Hon. Miguel Flores

30 minuto



Sintesis ng

Memorandum

at Agenda

Ayon sa memorandum at agenda na isinagawa, ang paksang

tatalakayin sa magaganap na pagpupulong sa ika-30 ng Abril sa

oras na 9:00 hanggang 11:30 am ay tungkol sa pamamahagi ng

school supplies sa mga mag-aaral ng junior at senior high school

at ano-anong kagamitan ba ang essential o importante na dapat

mapabilang sa ipapamahagi. Bukod dito, ilang rekomendasyon,

tulad ng load allowance ang tatalakayin at magiging budget para

sa proyekto at paano ipapamahagi ang mga napagpasyahang

school supply na ibibigay sa mga mag-aaral, nang hindi makahawa

at kumalat ang sakit na COVID-19 ngayong panahon ng

pandemya. Ang mga nasabing paksa ay ipapaliwanag ng mga

kagawad at ang budget naman ay ipapaliwanag ng punong

barangay.





Kalagayan ng wikang filipino sa

panahon ng pandemya

W r i t t e n T a s k 5 :

T a l u m p a t i

I s i n u l a t n i :

M i g u e l F l o r e s

1 2 - L O V E


Makapangyarihan ang

Wikang Filipino sa

Panahon ng Pandemya

Magandang umaga sa inyong lahat mga kamagaral,

mga butihing guro, at mga kapwa Pilipino!

Kay ganda ng araw kaya't magpasalamat tayo ngayon

sa Panginoon. Nais kong ipabatid sa inyo ang

kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

pandemya.

Alam nating mga Pilipino na ang bansang

Pilipinas ay binubuo ng maraming wika, tulad ng

Tagalog, Bisaya, Bikol at marami pang iba. Ngunit,

ang ating wikang pambansa ay ang wikang Filipino.

Ito ay nabuo bilang isang midyum tungo sa

pagkakakilanlan, pagkakaunawaan, at pagkakaisa ng

bawat Pilipino. Sa paglipas ng panahon, ang ating

wika ay lumalago at maraming mga salita ang

naimbento tulad ng "sana lahat," "alaws,"

"erpats," at iba pa. Subalit, sa panahon ng

pandemya, mas nananaig ang wikang Ingles bilang

midyum sa pagpapahayag ng impormasyon sa social

media at mga pook-sapot ng gobyerno. Ika nga ni

Dr. Jose Rizal, "ang hindi marunong magmahal sa

sariling wika, ay higit sa hayop at malansang

isda." Bilang isang Pilipino, naniniwala ako na

mas makapangyarihan na gamitin ang wikang Filipino

sa halip na Ingles sa pagpapakalat ng mga

mahahalagang detalye patungkol sa krisis na

kasalukuyang kinakaharap ng bansang Pilipinas.


Mas mainam na gamitin ang wikang Filipino at

mga katutubong wika sa pagpapahayag ng mga

impormasyon patungkol sa pandemyang COVID-19. Ang

paggamit ng wikang Filipino at mga katutubong wika

ang pinakamabisang midyum sa pagkakaunawaan ng

sambayanang Pilipino. Ang solusyon o pagresolba sa

pandemyang dinaranas ng buong mundo, partikular na

sa Pilipinas, ay hindi lang nakasalalay sa paggawa

ng epektibong bakuna. Higit pa rito, may malaking

papel ang pagkakaroon ng kamalayan ng bawat

Pilipino ukol sa virus na sa tama at naiintindihang

impormasyon ay magkakaroon ng kolektibong hakbang

ang mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng

nakakamatay na sakit at makagawa ng prebensiyon

para rito.

Ang wikang Filipino at wikang katutubo ang

tulay sa paghahatid ng kamalayan sa mga Pilipino

upang ang mapigilan ang kumakalat na sakit.

Subalit, napag-iiwanan ang mga nasa laylayan ng

ating lipunan dahil hindi maunawaan nang malalim

ang kinakaharap na sitwasyon sapagkat banyaga ang

wikang ginagamit sa pagpapaliwanag. Mawawalan ng

saysay ang mga litrato at mga impograpikong

naglalaman ng mahahalagang detalye tulad ng tamang

paghuhugas ng kamay, pagsuot ng face mask,

pagsasagawa ng social distancing at iba pa kung

hindi naman ito lubos na nauunawaan ng publiko.

Tulad ng iba pang sakit na malala, ang pag-unawa ng

sambayanan ay isang epektibong gamot na nagbibigay

ng paunang aksyon sa mga ito. Ayon sa istatistika


ng Statista.com, umabot na ng 1.1 m ang kabuuang

kaso ng COVID-19, at 61,294 ang aktibong kaso

simula noong Mayo 9, 2021, isang maaaring pahiwatig

na hindi ganoon kaepektibo ang inaanunsyong detalye

na nasa wikang Ingles.

Ang wikang ginagamit ng isang komunidad o

pamayanan ay higit na epektibo sa pagpapaalis ng

pangamba o takot dahil naipapaliwanag at napaguusapan

ang pandemyang COVID-19 sa wikang

komportable ang mga tao o mamamayan ng isang

partikular na lugar sa iba't-ibang panig ng

Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang kalagayan ng wikang

Filipino at mga katutubong wika ay humaharap sa

matinding pagsubok sa problemang hatid ng

pandemyang ito. Dahil dito, mas lumilinaw sa atin

na mas ginagamit ang wikang Ingles kumpara sa

pambansang wika at mga katutubong wika.

Nais kong ipabatid sa inyo, na ang wikang

Filipino ay makapangyarihang kagamitan sa panahon

ng pandemya, kaya't pahalagahan, mas bigyang

pansin, at gamitin ito. Sapagkat, ito ang

magbibigay-daan sa solusyong maaaring tutugon sa

iba't-ibang kalamidad at pandemyang kakaharapin pa

ng bansang Pilipinas, hindi lang ng mga mayayaman,

kundi pati na rin ang mga nasa gitna at laylayan ng

ating lipunan. Ang wika ko, ang wika mo, ang

pambansang wika nating Pilipino ang susi sa

tagumpay ng ating muling pag-ahon sa panahon

ngayon.


REPLEKTIBONG SANAYSAY

"Nagbago ang Aking buhay, simula nang

makilala ko Siya"

"When we put Him first,all other things will fall

into their proper place or drop out of our lives," ang

sabi ni Ezra Benson, na isa sa mga kasabihan na

nagbago ng aking buhay. Noong ako ay limang na gulang

pa lamang, namatay ang aking ina na nakasama ko lang

ng dalawang taon dahil siya ay may sakit sa puso.

Hindi ko siya lubos na kilala, ngunit nang siya ay

mawalay sa akin, gumuho ang mundo ko at araw-araw

pakiramdam ko ay tila isang kahon na walang laman.

"Existing but not living," ika nila. Nagdaan ang mga

panahon at nagsisimula na akong mag agam-agam sa

sarili kong buhay, sapagkat ang mga tao sa aking

paligid, ang aking mga kaklase at aking kapatid ay

nakatatanggap ng mga karangalan sa buhay— unang

karangalan, ikalawang karangalan, best in Science at

iba pa. Iyan ang mga bagay na hindi ko makamtan noong

ako ay nasa paaralang elementarya pa lamang. Ako ay

napaisip nang malalim, at sinabi ko sa sarili ko,

"makakamtam ko rin kaya ang mga katagumpayang ito?" At

isang araw, may binuklat akong libro na naglalaman ng

kwento tungkol sa isang taong nagsakripisyo ng buhay

niya para sa sanlibutan. Simula noon, nagbago ang

aking buhay nang makilala ko siya.

Ako ay mas naging optimismo. Tinitignan ko ang

mga magagadang bagay na mangyayari kumpara noon na

laging iniisip ang masamang mangyayari sa lahat ng

pagkakataon dahil inialay ko ang tiwala ko sa Kanya.


Halimbawa, noong ako ay nasa ikapitong baitang pa

lamang, ako ay isinali sa pandistritong paligsahan sa

"Science Quiz Bee" at hindi ako umaasa na manalo.

Ngunit, ako pa rin ay nagtiwala at naging optimismo na

kahit ika-limang puwesto ay sana makapasok ako. Sa

isang himala, ako ay nagwagi ng ikaapat na puwesto at

hindi ko ito inaasahan. Ramdam ko ang parang ulan na

pagpatak ng aking pawis at kaba nang ako ay matawag sa

entablado at ako ay galak na galak nang matanggap ko

ang medalyang kasingkulay ng ginto.

Naging bukas ang aking isipan. Tinuruan niya ako

na tignan ang bawat bagay sa iba't-ibang pananaw at

hindi lang base sa nakikita ko. Kalaunan ay nakatulong

ito sa akin na maintindihan ang dahilan kung bakit may

nagaganap na bagyo sa buhay ng isang tao at natutuhan

kong intindihin at tanggapin ang bawat opinyon at

iba't-ibang pananaw ng mga tao. Karagdagan, natuto rin

akong mag-isip na labas sa karaniwan sa bawat gawain o

aralin na aking isinasagawa.

Nakatanggap ako ng mga karangalan. Simula noong

nakilala ko siya, ang mga hinahangad ko lang noon ay

nakamit ko rin. Noong ako ay nasa ika-siyam na

baitang, nagkamit ako ng pang-siyam na karangalan. Ang

unang beses kong makapasok sa "top ten" ng buong klase

namin. At sa ika-10 na baitang, sa hindi ulit

inaasahang pangyayari, ako ay nagkamit ng unang

karangalan. Ito na ata ang isa sa masayang pangyayari

na naganap sa buhay ko. Kaya nanumbalik ako sa Kanya,

at nagpasalamat dahil simula noong nakilala ko siya,

sunod-sunod ang natatanggap kong biyaya.


Bilang konklusyon, ang pagkakakila ko sa kanya

at pagbibigay ng tiwala ay nagdulot sa akin ng

maraming pagbabago sa buhay. Naging optimismo akong

mag-isip imbis na magpokus ako sa mga hindi

magagandang pangyayari, naging bukas at malawak ang

aking isipan at tignan ang mga pangyayari sa iba'tibang

pananaw, at nagwagi ako ng maraming karangalan.

Ang dating hinahangad kong maging matagumpay ay

nakamit ko rin dahil sa Kanya. Siya ay walang iba

kundi si Hesukristo. Siya ang nagbigay sa akin ng mga

reyalisasyon, at itinama niya ang mga maling parte ng

buhay ko. Ngayon, napagtanto ko na hindi lang ako ang

matutulungan niyang magbago, gayundin sa ibang tao na

nais maging maayos ang kanilang buhay.

Isinulat ni:

MIGUEL FLORES

12 - LOVE


LAKBAY-SANAYSAY

SA INTRAMUROS

PAGLALAKBAY

I S I N U L A T N I M I G U E L F L O R E S

" P A G B A B A L I K - T A N A W A T P A N G U N G U L I L A S A N A K A R A A N N G P I L I P I N A S "

Ako ay isang uri ng tao na hindi mahilig lumabas,

"introvert" kung tawagin nila. Hindi kailan man ay ako ay naging

sabik sa pagpunta sa iba't-ibang lugar kahit pa ito ay puno ng

ng mga luntiang kapaligiran at sariwang hangin, mas pipiliin ko

pa rin na manatili sa aking tahanan. Ngunit, noong buwan ng

Nobyembre, kami ay naatasan na magsagawa ng bidyo patungkol sa

El Fili Busterismo. At upang mas maging makatotohanan ang aming

bidyo, kami ay naglakbay patungo sa Intramuros — lugar na kilala

bilang "the walled city." Nang aking masilayan ang mga hindi

pangkaraniwang lugar sa Intramuros, tila isang kakaibang

pakiramdam ang aking nadama — tulad ng isang ibong malaya na

gustong balikan ang kanyang kinagisnan.


Ang Intramuros ay matatagpuan sa timog ng ilog ng Pasig

at silangan ng Manila Bay. Ang "walled city" ng Intramuros ay

itinayo ng mga Kastila 450 taon na ang nakalilipas, bilang kuta

at "base" laban sa mga mananakop, mga pirata, at mga natural na

kalamidad.

Habang nagmamasid sa paligid ng Intramuros, napansin ko

ang mga gusali, simbahan, at "ruins" na kakikitaan ng

impluwensya ng mga Kastila sa arkitektura ng mga ito, na

makapagbibigay sa isang tao ng pakiramdam na para bang namumuhay

siya sa panahon noon.

At sa bawat sulok ng mga "gate" at gusali, kami ay

nakakita ng mga guwardiya sibil na may bukod-tanging uniporme na

hindi tulad ng isinusuot ng mga kapulisan sa panahon ngayon. Ang

kanilang uniporme ay may sombrero na parang pampirata, mahabang

manggas at pantalon na kasingkulay ng kalangitan kumpara sa

orihinal na maitim na kulay ng asul. Bukod dito, may mga kalesa

pa rin na ginagamit na pinaaandar ng kabayo. Mukha itong

masayang sakyan ngunit nakararamdam din ako ng awa dahil hindi

lingid sa aking kaalaman ang pagdurusa ng kabayo habang

itinutulak ang karwaheng may sakay na mga tao sa ilalim ng

nagliliyab na sikat ng araw.

Sa mga lugar na aking napuntahan sa loob ng Intramuros,

ang nagtatak ng marka sa aking isipan ay ang Fort Santiago. Sa

kabila ng mga nagsisigandahang tanawin at mga gusali, at itsura

ng Fort Santiago, mayroon itong madilim na nakaraan na maaaring

makapagbigay ng kilabot sa mga taong bibisita rito. Pagpasok ko

rito, marami akong nakitang mga bilangguan at mga piitan o

"dungeon" na nakakatakot pasukin. Ang kuta na ito ay itinayo

noong 1521 at nagsilbi bilang imbakan ng sandata at bala at

kalaunan ay naging bilangguan ng mga aktibista at mga taong

lumalaban sa gobyerno at pamamahala ng mga kastila noon. Dito

rin nakulong ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal

bago ang kanyang pampublikong eksekyusyon.


Tunay nga na ang Pilipinas ay puno ng mayamang kultura, at

ang Intramuros ang nagpatunay nito sa akin. Ako man ay hindi

mahilig gumala at magmasid ng mga tanawin, ang aking pagpunta sa

tinatawag na "walled city" ay nakapagbigay sa akin ng ibang

pananaw at reyalisasyon na huwag mo lamang mahalin ang Pilipinas

dahil sa magagandang mga arkitektura, mga lugar, at mga

kulturang inimpluwensya ng mga banyaga sa ating pamumuhay,

bagkus ay mahalin mo ang Pilipinas sapagkat ito ay taos-pusong

pinaglaban at sinakripisyuhan ng dugo, pawis at buhay ng ating

mga ninuno upang tayo ay makakamit ng malaya at marangyang

kabuhayan na walang sinumang banyaga ang kumokontrol sa atin at

kung ano ang dapat natin gawin.

Kalipunan ng mga nakuhang Litrato


Larawang-

Sanaysay

Isinagawa ni:

MIGUEL FLORES

12 - LOVE (STEM)


"Ang Buhay ng Estudyante

sa

Panahon ng Pandemya"

Magulong pag-aaral, maingay na kapaligiran,

hindi mawari kung ano ba talaga ang aking

pinakikinggan. Ang aking leksyon? Ang sigaw at

ingay ng mga tao at hayop? O tunog ng boses na

nagsasabing "itigil nalang ang pag-aaral kung

hindi man lang din makapag-aral nang maayos?"


Tambak na mga aralin at leksyong hindi maintindihan na

muling isinulat at binasa upang mas maintindihan nang

mabuti...

Mga hugasin at gawaing-bahay na kailangan gawin tatlo

hanggang apat na beses, pinagsasabay sa mga aktibidad at mga

"performance task" na hindi madaling gawin sa loob lang ng

isang oras.


Subalit, sa kabila ng aking hirap na dinaranas, ako ay

may natatanggap na biyaya— bagay na dapat kong pasalamatan.

Sa bawat hamon at pagsubok na umuubos ng aking lakas,

na parang naglalakad sa walang katapusang disyerto. Tila

maging isang cactus— may kakayahang mabuhay, magpatuloy at

mapanatili ang tubig ng pagganyak upang maabot ang pangarap.

Sapagkat, may pag-asa sa bawat kadiliman na dala ng buhay.


Posisyong Papel

"Ang Pagpapatupad nang mas Matagal

pang General Community Quarantine

para sa Buong Metro Manila"

Isinulat ni:

MIGUEL FLORES

12 - LOVE


P a n d e m y a n g C O V I D - 1 9 : D u l o t n g m a s

M a t a g a l n a G e n e r a l C o m m u n i t y

Q u a r a n t i n e

Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay unang inanunsyo

ng World Health Organization (WHO) noong Disyembre 31, 2019

bilang bagong uri ng pneumonia. Kalaunan ay naging pandemya ito

dahil sa mabilis na pagkalat nito sa buong mundo at nakaapekto ng

malaking bilang ng mga tao, at itinuring na ito bilang isa sa mga

matinding pandemic outbreak na naranasan sa huling mga dekada

(Hacimusalar et al., 2020). Iniulat naman ng Philippine Department

of Health noong Enero 30, 2020, ang unang kaso ng sakit na COVID-

19 sa ating bansa, na nanggaling sa 38 na taong gulang na babaeng

Intsik. Ito ay maagang naibalita sa buong Pilipinas, subalit, hindi

isinara ng Pilipinas ang borders nito sa halip ay pinayagan pa ng

ating gobyerno ang pagpapasok ng mga dayuhan, partikular na sa

Tsina na pinagmulan ng unang pagkalat ng sakit. Sa kasamaang

palad, ito ay kumalat sa isang lokal na komunidad at naapektuhan

ang maraming tao at mga healthworkers, na ibinalita noong Marso 7,

2020 (World Health Organization, 2020). Sa mabilis na pagkalat ng

sakit na COVID-19, ipinatupad ng lokal at pambansang pamahalaan

ang lockdown at ang iba't-ibang uri ng quarantine, tulad ng General

Community Quarantine sa buong Pilipinas. Ayon sa ulat ng GMA

News, ang Metro Manila ay sasailalim sa mas higpit na General

Community Quarantine simula ika-15 ng Mayo hanggang 31.

Ang pagpapatupad ng mas matagal pang General Community

Quarantine na mas mahigpit kumpara sa normal ay magdudulot ng

mas malaki na negatibong epekto kaysa sa magandang dulot nito.

Una, mas bumababa ang ekonomiya ng bansa. Ang bansang Pilipinas

ay umaasa sa pakikipagkalakalan, turismo, at remittances kaya lubos

ang epekto nito sa ating bansa. Ayon sa ulat ng ABS-CBN News,

nasa -9.5 na porsyento ang gross domestic product (GDP) ng

Pilipinas sa taong 2020, ang pinakamalala mula 1947 o pagkatapos

ng ikalawang digmaang pangkasaysayan. Sinabi naman ng Global

Think Tank na Capital Economics, inaasahan na babagsak ng 12%

ang GDP ng Pililinas, mas mababa kumpara sa pre-crisis trend, at

pinakamalaking agwat sa anumang bansa sa Asya. Higit pa rito,

batay sa ulat ng Rappler noong Mayo 11, 2021, ang GDP ng Pilipinas

ay bumagsak ng 4.2% sa unang kwarter ng taong 2021. Ikalawa,

negatibong epekto sa kalusugang pangkaisipan. Batay sa ulat ng

Rappler, ang kaso ng pagkitil sa sariling buhay o suicide ay tumaas

ng 25.7% sa taong 2020 kumpara noong 2019. Ang sanhi ng kanilang

pagkitil sa sariling buhay ay maaring dahil sa new normal, tulad ng


pagkakaroon ng social isolation na lubos na nakaapekto sa mga

kabataan dahil sa pagkawalay sa kanilang mga kaibigan o mga

kapamilya. Bukod dito, ang modular at online distance learning ay

isa rin sa mga nagpapadagdag ng negatibong epekto sa kalusugang

pangkaisipan ng mga estudyante dahil sa mga aralin na hindi

masyadong maintindihan, partikular na sa mga malalalim at

komplikadong asignatura tulad ng Liknayan at Sipanayan. Ikatlo,

pagbaba ng employment rate. Kumakailan lang, naiulat na ang

unemployment rate noong Pebrero ay pumalo sa 4.2 m, pangatlo sa

pinakamataas magmula noong Abril 2020 na umabot ng 17.6% nang

maitala ang lockdown. Ang kawalan ng trabaho, partikular na sa mga

senior citizen na hindi pinapayagang lumabas dahil sa ipinatupad na

community quarantine, ay lubos na naaapektuhan sapagkat ang

karamihan sa iba ay walang umaalalay sa kanila kaya ay nahihirapan

na maghanap ng makukuhaan ng pera o pagkain. Halimbawa nito ay

isang lola na nag-viral online matapos hindi payagan ng Bureau of

Corrections (BuCor) na makadaan sa isinarang daanan sa Muntinlupa

City, ayon sa ulat One PH. Sinubukan daw niya makiusap sa mga

bantay sa BuCor para pumunta sa kanyang amo kung saan siya ay

maglalabandera upang ipambili ng pagkain at gamot para sa mister

niya na may sakit. Kung sa Access Road daw siya dadaan ay 25

pesos lang ang kanyang gagastusin sa paglalakbay kumpara sa 100

pesos na hindi Access Road. Kalaunan, nag-viral muli ang lola

ngunit nasa burol na siya ng kanyang asawang nasawi dahil sa sakit

na diabetes at sa kidney. Kung hindi sobrang higpit ang mga bantay

sa BuCor ay mas napadali sana ang paghahanap buhay ng lola at

pagpapagaling sa kanyang asawa.

Sa kabilang banda, nararapat lang na ipatupad ang mas

matagal pang General Community Quarantine dahil nakatutulong ito

sa kapakanan ng bawat mamamayan sa bansa. Una, ang mas matagal

pang GCQ na mas mahigpit kumpara sa dati ay nakatutulong

mapabawas ang mabilisang pagkalat ng sakit na COVID-19. Ayon sa

Philippine News Agency, umabot na ng 1.1 m ang kabuuang kaso ng

COVID-19 at may nananatiling 61,294 na aktibong kaso sa buwan ng

Mayo. Upang mas lalo pang makontrol at mapabawas ang mabilis na

pagkalat, kinakailangan ipatupad ang mas mahigpit na GCQ,

partikular na sa Metro Manila. Ikalawa, ang mahabang GCQ ay

makatutulong na pababain ang pasan ng mga doktor at nars at iba

pang healthworkers. Sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19,

nagsisipunuan na ang mga hospital beds at nag-oovertime na sila sa

kani-kanilang trabaho na kung saan hindi ito kabilang sa kanilang


hazard pay na umaabot sa puntong hindi nila kayang bumili ng

kanilang personal protective equipment (PPE). Kung patuloy ang

overflow ng bilang ng mga nagkakasakit, hindi na ito kakayanin ng

ospital at hindi ma-aadmit ang ibang tao na may ibang malala na

sakit tulad ng cancer. Ikatlo, makokontrol ang paglabas ng mga tao.

Sa pamamagitan ng heightened restrictions ng GCQ, hindi

pinepermiso ang paglabas ng mga may gulang na 18 pagbaba at 65

pataas. Pinapayuhan na manatili lang sila sa bahay, lalo na kung

hindi mahalaga ang paglabas nila at para na rin mapigilan ang mga

kabataan na gumala at magtipon lalo na tuwing gabi dahil sa curfew.

Batay sa US Venters for Disease Control and Prevention na mas

mataas ang peligro ng mga may edad 60 pataas sa "severe illness"

kaugnay ng COVID-19 kumpara sa ibang age groups. Gayunpaman,

ipinagbabawal din ang mga batang may edad 18 pababa dahil hindi

pa ganoon kalakas ang kanilang resistensya. Sa kabaligtaran, ayon sa

datos ng DOH noong Agosto, lumalabas na mga nasa edad 20

banggang 59 ang karaniwang namamatay sa COVID-19.

Ang pagpapatupad ng mas matagal pang General Community

Quarantine with heightened restrictions, kumpara sa normal ay

magdudulot ng mas malaki na negatibong epekto kaysa sa magandang

dulot nito. Sapagkat ang mga nasa laylayan ng lipunan ang pinaka

nagdurusa, tulad na lang ng nabanggit kong lola na isang senior

citizen na dahil sa kahirapan ay kailangan lumakbay patungo sa

kanyang amo upang magkapera. Kung tutusin, madali lang manatili

sa kaniya-kaniyang tirahan kung tayo ay mayaman dahil hindi

problema ang pera o mga pagkain sa araw-araw. Subalit, ang mga

mahihirap ay kailangang lumabas upang kumayod kahit na

lumalaganap ang mapanganib na sakit sapagkat wala silang

pagpipilian. Tulad ng sinabi ni Kathryn Bernardo sa kanyang

pelikula na "Hello, Love, Goodbye," "kailangan ko magtrabaho, kasi

wala kaming pera para sa pamilya ko, kaya lahat ng ayoko,

lulunukin na lang. Ang choice ay para lang sa may pera."


Mga Sanggunian:

[1] One PH. (2021, May 11). Lola na hindi pinadaan ng BuCor sa access

road sa Muntinlupa, nasawi ang asawa. YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=w17dh4vdB-A&feature=youtu.be

[2] MA. ANGELICA GARCIA,GMA News. (2021, May 13). NCR Plus under

GCQ with heightened restrictions starting May 15, 2021 | News |. GMA

News

Online.

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/787414/ncr-plusplaced-under-gcq-with-heightened-restrictions/story/

[3] Rivas, R. (2021, May 11). PH GDP shrinks 4.2% in Q1 2021, marking

longest recession in recent history. Rappler.

https://www.rappler.com/business/gross-domestic-product-

philippines-q1-2021?fbclid=IwAR1u-

8MMZly8gcHxhJyfHjfC1J5SZ0o5VirxbAp55K70VoPbfNtD4lo7TMQ

[5] Rocamora, A. J. L. (2021, May 15). 8.9K more survive Covid-19; PH

recovery rises to 93.3%. Philippine News Agency.

https://www.pna.gov.ph/articles/1140376

[6] Hacimusalar, Y., Kahve, A. C., Yasar, A. B., & Aydin, M. S. (2020, July

21). Anxiety and hopelessness levels in COVID-19 pandemic: A

comparative study of healthcare

professionals and other community sample in Turkey. Journal of

Psychiatric Research. NCBI.

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7372275/

[4] GMA News Online. (2021, March 30). Mga walang trabaho, tumaas

sa 4.2M nitong Pebrero— PSA. Balitambayan.

https://www.google.com/amp/s/www.gmanetwork.com/news/balitam

bayan/balita/781843/mga-walang-trabaho-tumaas-sa-4-2m-nitongpebrero-psa/story/%3famp

[7] World Health Organization. (2020, May). Coronavirus disease

(COVID-19) Situation Report – 113. (2020, May). World Health

Organization.

https://www.who.int/docs/default-

source/coronaviruse/situation-reports/20200512-covid-19-sitrep-

113.pdf?sfvrsn=feac3b6d_2

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!