16.07.2014 Views

PRIMARYANG ELEKSIYON - California Secretary of State

PRIMARYANG ELEKSIYON - California Secretary of State

PRIMARYANG ELEKSIYON - California Secretary of State

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

PAN

42

BATAS NG 2002 PARA SA PAGPAPAHUSAY NA UKOL SA PAGSISIKIP NG TRANSPORTASYON.

PAGTATALAGA NG MGA KASALUKUYANG KITA SA BUWIS SA PAGBEBENTA AT PAGGAMIT PARA

SA TRANSPORTASYON LAMANG. PAMBATASANG SUSOG SA KONSTITUSYON.

42

Ang Panukala 42 ay batay sa prinsipyo na ang buwis sa pagbebenta ng

gasolina na binabayaran ninyo habang naglalagay sa inyong tangke ay dapat

gamitin upang pahusayin ang ating sistema ng transportasyon.

Iyan ang eksaktong ginagawa ng Pan. 42. Ito ay nag-aatas na ang buwis sa

pagbebenta ng gasolina na binabayaran na natin ay gastahin sa

PAGPAPAHUSAY NG ATING MGA HAYWEY, LOKAL NA KALYE at

PANGMARAMIHANG PAGHAHATID—NANG HINDI NAGTATAAS

O NAGPAPATAW NG ANUMANG BAGONG BUWIS.

Ang mga taon ng kapabayaan ay nag-iwan sa Califonia ng IKATLONG

PINAKABULOK NA MGA DAAN. Ang mga kalunsuran ng California ay

nangunguna sa mga pambansang pagraranggo para sa PAGSISIKIP NG

TRAPIKO. Ang KALIGTASAN ay naging nangingibabaw na problema.

Ang mga impormasyon sa Administrasyon ng Pederal na Haywey ay

nagpapakita na 6,000 TULAY SA CALIFORNIA at OBERPAS ay MAY

KAKULANGAN ANG ISTRUKTURA o hindi na nakakatugon sa mga

pamantayan sa kaligtasan o disenyo para sa haywey.

Kailangan natin ng mahusay na plano at ng MATATAG, PATULOY NA

PAGPOPONDO NG Pan. 42 upang MAPAHUSAY ANG KALIGTASAN

NG DAAN, BAWASAN ANG PAGSISIKIP at makagawa ng mas

mabuting plano para sa paglago sa hinaharap.

ANG PAN. 42 AY PINAKIKILOS MULI ANG CALIFORNIA sa

pamamagitan ng paggarantiya ng mga pondo upang tumulong na:

• PAHUSAYIN ang KALIGTASAN ng ating mga kalye, haywey, tulay

at oberpas.

• Pabilisin ang paghahatid ng nakaplanong MGA PROYEKTO SA

TULONG SA TRAPIKO AT PAGKUMPUNI sa mga haywey at

paglilipat-daan sa buong California, kabilang ang mga Ruta ng

Interstate 5, 10, 15, 880, 215, 405, 80, 605, 680 at 805; at mga Ruta ng

Estado 101, 24, 50, 60, 52, 55, 56, 58, 91, 180, 84 at 99.

• Pahusayin ang mga LOKAL NA SERBISYO NG BUS; MGA

SISTEMA NG MAGAAN NA RILES tulad ng VTA sa San Jose,

Sacramento, MUNI, Greeen at Blue Lines sa Los Angeles, at ang troli

ng San Diego; at mga SISTEMA NG NAGBIBIYAHE tulad ng

BART, Caltrain, Capitol Corridor, MetroLink ng Timog California,

ACE, at ng Coasters ng San Diego; at mga espesyal na lokal na

paghahatid para sa mga nakatatanda at may kapansanan.

• Bigyan ng kakayahan ang bawat lungsod at county na AYUSIN ANG

MGA BUTAS at mapanganib na mga interseksiyon, at PAHUSAYIN

ANG MGA LOKAL NA DAAN.

ANG PAN. 42 AY LUMILIKHA NG MGA TRABAHO AT

PINAUUNLAD ANG EKONOMIYA

Ang pagpapabilis ng paghahatid ng proyekto sa transportasyon ay may

karagdagang benepisyo ng paglikha ng libu-libong bagong trabaho sa

PANGANGATWIRANG PABOR SA PANUKALA 42

kontruksiyon, inhinyeriya at iba pang trabaho kung kailan kailangankailangan

natin ang mga ito. At ang mga impormasyon sa Kagawaran sa

Transportasyon ng U.S. ay nagpapakita na ang bawat dolyar na ginasta sa

mga pagpapahusay ng haywey ay lumilikha ng halos anim na ulit ng

halagang iyan sa mga benepisyong pangkabuhayan.

ANG MGA ORGANISASYON NG NEGOSYO AT MGA UNYON

NG PAGGAWA AY SUMUSUPORTA SA 42 dahil ang pamumuhunan sa

ating sistema ng transportasyon ay isang pamumuhunan sa ating ekonomiya

at nagbibigay ng trabaho sa mga taga-California.

ANG MGA GRUPO NG MAMBUBUWIS AY SUMUSUPORTA SA

42 dahil ang paggamit ng kasalukuyang mga kita sa buwis mula sa bomba ng

gas ay isang responsableng paraan upang pondohan ang mga pagpapahusay

sa transportasyon nang hindi nagpapataw ng mas matataas na buwis. At ang

ISANG TAUNANG PAGSUSURI AY IAATAS SA LAHAT NG MGA

PONDO NG PAN. 42 upang tumulong na matiyak na ang mga proyektong

ito ay naihahatid sa oras at nasa badyet.

ANG MGA OPISYAL SA PAGPAPATUPAD NG BATAS, AT

PAMPUBLIKONG KALIGTASAN at MGA INHINYERO SA

KALIGTASANG PANLINDOL AY SUMUSUPORTA SA 42 dahil ito ay

magbabawas ng mapanganib na mga kondisyon ng trapiko at daan,

mapapabilis ang oras ng pagsaklolo at makakapagligtas ng buhay.

ANG MGA MAGULANG AY SUMUSUPORTA SA 42 dahil, gaya ng

sinabi ni Miyembro ng Asembleya Barbara Matthews, ito ay nagkakaloob ng

kailangang mga pondo upang pahusayin ang kaligtasan sa mga kondisyon ng

kalye sa mga paaralan upang protektahan ang mga bata.

ANG MGA KLAB NG AWTO, MGA MOTORISTA AT MGA

PASAHERO NG PANGMARAMIHANG PAGHAHATID AY

SUMUSUPORTA SA 42 dahil ito ay tumutulong na mapabilis ang

paghahatid ng libu-libong dapat nang matanggap na mga proyektong tulong

sa trapiko, kaligtasan sa haywey at pangmaramihang paghahatid.

Inakda ng Tagapangulo sa Transportasyon ng Asembleya na si John

Dutra, ang Pan. 42 ay tutulong na GAWING MAS LIGTAS ANG ATING

MGA DAAN at BABAWASAN ANG PAGSISIKIP NANG HINDI

MAGTATAAS NG BUWIS.

BUMOTO NG OO sa 42.

KOMISYONADO DWIGHT HELMICK

Patrol sa Haywey ng California

LEO SOONG, Tagapangulo ng Lupon

California State Automobile Association—AAA

TENYENTE ED GRAY, Presidente

Organisasyon ng mga Pulis at Siyerip ng California (COPS)

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PABOR SA PANUKALA 42

Habang tayo ay bumoboto, ang California ay nasa gitna ng

paghinang pangkabuhayan. Ang Gobernador at Lehislatura ay

humaharap sa mahihirap na desisyon: magbawas nang malaki sa

mahahalagang programa ng pamahalaan tulad ng pampublikong

kalusugan at edukasyon o humanap ng mga paraan upang pataasin ang

mga kita.

Iyan ang dahilan kaya ang Pan 42 ay hindi dapat ginawa—

pinaglalaban ang mahahalagang programa—at di-angkop sa panahon

ngayon.

Ang Pan 42 ay nagpapasok sa Konstitusyon sa 2002, mga priyoridad

sa paggasta para sa 2008. At, inilalagay nito ang paggasta sa

transportasyon sa unahan ng mga priyoridad sa edukasyon, kalusugan at

kaligtasan.

Bumoto ng Hindi sa Pan 42.

Nagbabayad na tayo ng buwis sa gasolina. Kasama ng iba pang mga

nakalaang buwis, ito ay nagkakaloob ng $6.5 bilyon taun-taon sa

transportasyon. Ngayon ang Pan 42 ay nagmumungkahi ng paglalaan

sa transportasyon ng karagdagang $1.2 bilyon sa mga pangkalahatang

kita sa buwis sa pagbebenta na kasalukuyang ginagamit sa ibang

mahahalagang serbisyo.

Ngayong lumiliit ang mga kita ng California, hindi ito ang tamang

panahon upang itali sa Konstitusyon ang mga bagong restriksiyon.

Hindi natin puwedeng gastahin ang iisang dolyar nang dalawang

beses. Ang Pan 42 ay magpupuwersa ng $1.2 bilyon sa mga pagbawas ng

mahahalgang serbisyo sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at

pampublikong kaligtasan upang bayaran ang $1.2 bilyon sa pinalaking

paggasta sa transportasyon.

Hindi iyan makatwiran.

Hindi tayo dapat bumoto sa 2002 sa isang bagay na hindi

magkakabisa hanggang 2008.

Isipin ninyo ito. Anim na taon ang nakararaan si Bill Clinton ay

muling nahalal, ang kababalaghang dot.com ay bago pa lamang

nagsisimula, ang ekonomiya ay umuunlad at gayon din ang mga kita ng

pamahalaan.

Anim na taon pagkaraan tayo ay nabubuhay sa isang mundong

lubhang naiiba.

Bumoto ng Hindi sa Pan 42.

LENNY GOLDBERG, Direktor

Asosasyon sa Reporma sa Buwis ng California

VIOLA GONZALES, Direktor na Tagapaganap

Talakayan sa mga Isyung Latino

JEFF SEDIVEC, Presidente

Asosasyon ng mga Bumbero sa Estado ng California

16 Mga Pangangatwiran

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga awtor at ang katumpakan ay hindi sinuri ng anumang opisyal na ahensiya.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!