06.05.2013 Views

Dr. Jose Rizal

Dr. Jose Rizal

Dr. Jose Rizal

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

DR. JOSE RIZAL – NOON, NGAYON AT HABANGPANAHON,

IDOLO NG BANSA, INSPIRASYON NG CALAMBA

[Talumpati ni Punong Mahistrado Renato C. Corona ng Kataas-taasang Hukuman sa Ika-149

taong Kaarawan ni Dr. Jose Rizal; Calamba, Laguna, ika-19 ng Hunyo 2010.]

Kinatawan Justin Marc Chipeco, Punong Lungsod

Joaquin Chipeco, Pangalawang Punong Lungsod Pursino

Oruga, Director Gabriel Lopez, Atty. Manuel Ladrido, mga

pinagpipitagang panauhin, mga magigiting na konsehal,

mga mahal kong taga-Calamba;

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ipinaaabot ko sa lahat ang aking taos-puso at mainit

na pagbati sa pagdiriwang natin ng ika-149 taong

kaarawan ng minamahal na anak ng Calamba, ang ating

pambansang bayaning si Gat Jose Rizal.

Tunay ngang mapalad kayong mga taga-Calamba

dahil dito isinilang ang pinakadakilang bayani ng ating

2

bayan. Isang likas na taga-Calamba ang naging mitsa ng

apoy na siyang nagpaliwanag sa kaisipan ng marami, na

siyang nagpa-init sa adhikain at laban ng isang bansa

para sa anyang kalayaan. At ito ay kanyang nakamit,

hindi sa pamamagitan ng dahas kung hindi sa

pamamagitan ng kanyang talino, ng kanyang paniniwala

na ang pagbabago ay maaring makamit sa mapayapang

pamamaraan, at ng kanyang hindi matutumbasang

pagmamahal sa inang bayan.

May isang manunulat na nagsabing ang isang bayang

walang bayani ay isang bayang walang kaluluwa.

Paano nga ba maging isang pambansang bayani?

Ayon sa Philippine National Heroes Committee, ang

isang pambansang bayani ay isang bayani na naghangad

at lumaban para sa kalayaan ng ating bayan; isang

3

bayaning nag-ambag upang bigyan tayo ng isang sistema

o buhay na malaya; isang bayaning humubog sa

kinabukasan ng isang lahi; isang bayaning kumakatawan

sa iniisip at ninanais ng isang bayan; isang bayaning

iniisip ang kinabukasan ng isang lahi, ng mga susunod na

henerasyon.

Marami tayong naging bayani. At patuloy na

magkakaroon ng mga bayani at nagpapakabayani. Ngunit

iisa lamang ang ating pambansang bayani. Si Gat Jose

Rizal.

Ang pagkamatay ni Rizal noong ika-30 ng Disyembre

1896 sa Bagumbayan ang sinasabing naging dahilan

upang ang mga Pilipino ay magkaroon ng lakas ng loob

upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ang

kanyang pagkamatay ay naging mitsa upang sumiklab ang

4

isang Rebolusyon na nagpabago sa kasaysayan ng ating

bayan.

Napakaraming mga kuwento ng kabayanihan ang

ating bayan na dapat nating balikan at pagkunan ng

inspirasyon habang patuloy tayong sumusulong tungo sa

isang bansang dakila at maunlad. Mula sa mga

kuwentong ito, makikita natin ang likas na anyo ng

kaluluwa ng isang Pilipino: may mabuting kalooban at

masidhi ang pagmamahal sa bayan.

Saan man tayo pumunta, may mga bayaning nag-

aalay ng kanilang makakaya para sa kabutihan ng kapwa

at ng ating bansa. Iniaalay nila ang kanilang mga

kakayanan dahil naniniwala sila sa pagmamahal at

pagpapahalaga sa dignidad ng kapwa at bansa. Sa mga

bayaning ito, nananatiling mainit ang damdaming

pinukaw ni Rizal: ang pagkakaisa at pagtutulungan para

5

sa paglaya ng bansa. Sa kabila ng mga paniniil na dinanas

niya at ng kanyang pamilya mula sa mga Kastila, nanatili

sa kanyang pangarap ang pagbabalik sa dignidad ng

kanyang mga kababayan at ang pagkilala sa kanilang mga

karapatan.

Nang mag-aral sa Europa si Rizal, nanatili sa

kanyang puso at isip ang kanyang mga kababayan

bagama’t may pagkakataon na siyang mamuhay nang

malayo sa pag-uusig ng mga Kastila. Pinalakas ng

kanyang karanasang ito ang kanyang walang kamatayang

pag-ibig sa bayan. Patuloy niyang pinag-alab at ginawang

inspirasyon ang kanyang pangarap na pagkakaisa at

kalayaan para sa kanyang pamilya at bayan.

Nanatili siyang tapat sa pamamagitan ng patuloy na

pagsisikap upang kilalanin ng daigdig ang kadakilaan ng

mga Pilipino. Sa ganitong mga pagkakataon,

6

nakipagdiwang siya sa mga tagumpay ng kanyang mga

kapwa Pilipino sa Europa sa iba’t ibang mga larangan.

Patuloy siyang sumulat sa mga naiwang kababayan upang

batiin sila sa kanilang sariling mga pagsisikap at

tagumpay, at damayan sa kanilang mga kahirapan at

kabiguan. At ang bayan ding ito na pinapangarap niya ang

tanging dahilan upang isulat niya ang mga nobelang

kinikilala ngayon sa buong daigdig, ang Noli Me Tangere at

El Filibusterismo.

Ipinakita niya sa atin hindi lamang ang nasyonalismo,

kung hindi pati na rin kung paano ang masikhay at

matapang na pagkilos para sa nasyonalismo at sa

kabutihan ng bansa. Itinuro niya sa atin ang

pagpapahalaga sa kasaysayan dahil naniniwala siyang

dito nag-uugat ang tunay na pagmamahal sa bayan. Siya

ang halimbawa ng pag-aalay ng mga pagsisikap at

tagumpay hindi lamang para sa sarili bilang mga

7

indibidwal, kundi para sa sarili bilang mga mamamayan

ng isang malayang bansa dahil naniniwala siya na ang

pambansang kamalayan ang tanging susi upang

mabuksan ang isang mas mahusay na lipunan.

Binigyang diin niya na ang pagbubuo ng bansa ay

isang masalimuot at mahirap na gawain at

pagsasakripisyo ngunit ang danas na ito ang mismong

nagpapalakas sa pagkakaisa at kalayaan ng bayan.

At natupad ang pangarap na ito nang magkaisa ang

mga Pilipino, nang inilunsad nila ang Rebolusyon noong

1898 at ganap nating nabawi sa mga dayuhan ang ating

kalayaan. Ang init ng pangarap na ito ay nananatiling

apoy na umiilaw sa ating daan hanggang sa kasalukuyan.

Patuloy nitong pinag-aalab ang pangarap na tayo ay

malaya mula sa panibagong anyo ng pag-aalipin: ang mga

8

karahasan, mga katiwalian sa pamahalaan, at sa

kahirapang patuloy na umiiral sa ating lipunan.

Magagawa nating sugpuin ang mga ito kung tayo ay

magkakaisa, mahigpit na maghahawak-kamay,

magtutulungan at susulong patungo sa iisang direksyon:

sa kaunlaran. Ito ay makakamit natin kung babahagian

natin ng ating lakas at talino ang ating kapwa, kung

ipaparamdam natin sa ating kapwa ang ating pagmamahal

at pagtitiwala sa kanilang kakayahan, kung bibigyan natin

ng panahon ang ating kapwa, at kung ipapakita natin sa

pamamagitan ng ating mga gawa ang ating pag-ibig sa

bayan.

Sa kabila ng pagtapon sa kanya sa malayong bayan

ng Dapitan sa Zamboanga del Norte, nagawa pa rin ni

Rizal na mag-alay ng sarili sa kanyang mga kababayan ng

walang hinihintay na kapalit. Naging guro siya para sa

9

mga batang taga-Dapitan, naglingkod siya bilang

manggagamot para sa mga mamamayan ng Dapitan,

naglaan siya ng panahon at talino upang paunlarin at

ayusin ang kanyang kapaligiran, at ipinakita niya na ang

bawat isa ay may kakayahang kumilos at may kayang

maibigay para sa kabutihan ng lahat, upang matulungan

ang kapwa na maiahon mula sa kahirapan.

At habang ginagawa niya ito, hindi lamang ang

kanyang kapwa ang kanyang iniahon kundi pati na rin

ang buong bansa.

Si Gat Jose Rizal ay naging at mananatiling idolo at

inspirasyon ng ating bansa sa habangpanahon habang

patuloy at matapang nating hinaharap ang mga hamon ng

panahon, habang patuloy tayong kumikilos, nagkakaisa at

nagsisikap tungo sa magandang kinabukasan.

10

Ang pagsasakripisyo natin para sa ating bansa ay

isang makabuluhang gawain. Makabuluhan at hindi

masasayang dahil sa pamamagitan nito, mapapalakas

natin ang tiwala ng ating kapwa sa kanilang mga sariling

kakayahan, na sila ay may kakayahang magsakripisyo

para sa bansa, na hindi sila dapat mawalan ng pag-asa

dahil narito tayong lahat para sa ating kapwa. Katulad ni

Rizal na nananatiling nakakapit sa pag-asang sisikat din

ang araw para sa Pilipinas.

Ngunit ang pangarap na ito ay mananatiling pangarap

lamang kung hindi tayo magkakaisa, magsasakripisyo at

magtutulungan para sa ating bayan. Ito ang kabayanihang

kailangan ng ating panahon. Ito ang daan para sa

katuparan ng ating pangarap.

Ito ang nais ipakita ni Rizal nang nagsikap siyang

mag-aral sa Europa, nang isinulat niya ang kanyang mga

11

nobela at tula upang pukawin ang damdaming

makabayan ng mga Pilipino at ipaalam sa daigdig ang mga

nangyayari sa bansa, nang bumalik siya at ibinahagi sa

kanyang mga kababayan ang kanyang mga kaalaman, at

nang mamatay siyang nakaharap sa silangan para sa

Pilipinas. Ito ang iniwan sa atin ni Jose Rizal: inspirasyon

at pagmamahal na nagmumula sa bayan at muling

ibinabalik sa bayan.

Ang naging huling salita ni Rizal ay siya ring mga

huling salitang sinambit ni Hesukristo - Consummatum

est. It is finished.

Natapos ang buhay ng ating pinakadakilang bayani

kasama ang paniniwalang tapos na ang kanyang misyon –

na matagumpay niyang naiukit sa puso ng bawat Pilipino

ang pagmamahal sa Diyos, sa kanyang kapwa, at sa

kanyang inang bayan.

12

Marahil ay hindi hiniling ni Rizal na ang bawat isa sa

atin ay maging bayani o kaya ay magpakabayani. Sapat

na marahil na tayong lahat ay gawin ang abot ng ating

makakaya upang bigyan ng dangal ang ating minamahal

na bayan – kahit sa pinakamaliit na pamamaraan. Na

maipakita natin na tayo ay karapat-dapat sa kalayaan na

ating ngayong tinatamasa.

Patuloy nating gawing inspirasyon si Gat Jose Rizal.

Patuloy natin siyang gawing idolo upang ang kanyang mga

halimbawa ay manatiling nabubuhay sa ating puso at pag-

alabin ang ating mga kaluluwa para sa ating sarili, sa

ating kapwa at sa ating bayan. Atin pa rin siyang gawing

idolo upang maipakita natin hindi lamang sa ating mga

sarili kundi pati na rin sa buong mundo at sangkatauhan

na ang mga Pilipino ay hindi palulupig, na ang mga

Pilipino ay mapagmahal sa kapayapaan, na ang mga

Pilipino ay maka-Diyos, at higit sa lahat, na ang mga

13

Pilipino ay handang ialay ang kanilang buhay para sa

pananatili ng kalayaan at demokrasya.

lahat.

Magandang araw po at maraming salamat sa inyong

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!