Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
11

nobela at tula upang pukawin ang damdaming

makabayan ng mga Pilipino at ipaalam sa daigdig ang mga

nangyayari sa bansa, nang bumalik siya at ibinahagi sa

kanyang mga kababayan ang kanyang mga kaalaman, at

nang mamatay siyang nakaharap sa silangan para sa

Pilipinas. Ito ang iniwan sa atin ni Jose Rizal: inspirasyon

at pagmamahal na nagmumula sa bayan at muling

ibinabalik sa bayan.

Ang naging huling salita ni Rizal ay siya ring mga

huling salitang sinambit ni Hesukristo - Consummatum

est. It is finished.

Natapos ang buhay ng ating pinakadakilang bayani

kasama ang paniniwalang tapos na ang kanyang misyon –

na matagumpay niyang naiukit sa puso ng bawat Pilipino

ang pagmamahal sa Diyos, sa kanyang kapwa, at sa

kanyang inang bayan.