07.05.2013 Views

Pamagat: KARAPATAN NG MUSLIM MULA SA KAPWA MUSLIM ...

Pamagat: KARAPATAN NG MUSLIM MULA SA KAPWA MUSLIM ...

Pamagat: KARAPATAN NG MUSLIM MULA SA KAPWA MUSLIM ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pamagat: KARAPATAN NG MUSLIM MULA SA KAPWA MUSLIM

Kategorya : Pangkalahatan

May-akda : Mula sa aklat "Mga Aralin sa Masjid" ng General Authority of Islamic Affairs &

Endowments

Paglalarawan: Sinabi ng Allah sa banal ng Koran;

[ Ang mga Mananampalataya ay bilang mga magkakapatid lamang [sa pananampalataya sa Islam

na relihiyon]. Kaya gumawa nang pagbabati sa gitna ng inyong mga kapatid, at matakot sa ALLAH,

upang kayo ay makatanggap nang kaawaan]

Purihin natin ang Allah, ang Siyang nagbuklod sa puso ng mga mananamplaataya. Ang Siyang nagutos

sa pagbibigay ng karapatan sa kapwa muslim. Ang pagpapala at biyaya ay mapasa-Kanyang

huling sugo , kanyang pamilya at mga kasamahang mararangal.

Sinabi ng Allah sa banal ng Koran;

[ Ang mga Mananampalataya ay bilang mga magkakapatid lamang [sa pananampalataya sa

Islam na relihiyon]. Kaya gumawa nang pagbabati sa gitna ng inyong mga kapatid, at matakot

sa ALLAH, upang kayo ay makatanggap nang kaawaan] Al-hujrat 10

Hadith ng Propeta Muhammad (saws);

[ Ang karapatan ng isang muslim mula sa kapwa muslim ay anim] kanilang sinabi: Ano ang mga

yaon? [Kapag iyong nasalubong ,ay batiin mo (Asalamu alaykum wa rahmatullah…), at kapag

inimbitahan ka niya, ay paunlakan mo siya, at kapag siya’y humingi ng payo, ay payuhan mo, at

kapag siya’y bumahing at kanyang sinabi “Alhamdu lillah”, sabihin mo “Yarhamukallah”, at kapag

siya’y nagkasakit, ay bisitahin mo , at kapag siya’y namatay ay makipaglibing ka.] Muslim

[ Ang mananampalataya para sa kapwa mananampalataya ay katulad ng isang gusali na ang mga

bahagi nito ay nagpapatibay sa isa’t-isa ] Al-bukhari at Muslim

[ Kapag isa sa inyo ay dumaan sa ating masjid o di kaya ay sa palengke na dala-dala ang isang

sibat ay dapat niyang hawakan ang talim (dulo) nito nang hindi tamaan ang ibang muslim] Albukhari

at Muslim

[ Ang kahalintulad ng mga mananampalataya sa kanilang pagmamahalan, pagkahabag sa kapwa

at pagdadamayan ay katulad ng isang katawan, na kapag may karamdaman ang isang bahagi

nito ay nakakaranas ang buong katawan ng pagkapuyat at lagnat] Muslim

[ Huwag kayong mag-inggitan sa isa’t-isa, at huwag kayong magmalabis sa pagpatong ng presyo

ng mga bilihin, at huwag kayong mamuhi sa isa’t-isa, at huwag kayong magtanim ng galit laban

sa isa’t-isa, at huwag kayong manghimasok(o agawin) sa transakyon ng iba, ngunit kayo ay

maging mga magkakapatid sa Allah. Ang isang muslim ay kapatid ng kapwa muslim, hindi niya ito

inaapi, hindi niya minamaliit at hindi nilalait. Ang takot sa Allah ay nandidito (kanyang itinuro ang

dibdib ng tatlong beses) – sapat na upang magkasala ang isang tao kapag kanyang nilait ang

وشتامك ولراك / مجرتملا

kanyang kapatid na muslim. Lahat ng pag-aari ng isang muslim ay ipinagbabawal (angkinin) para

sa ibang muslim: ang kanyang dugo(buhay), kayamanan at karangalan] Muslim

[ Mag-ingat kayo mula sa paghihinala, katotohanang ang paghihinala ay ang pinakasinungaling

na pananalita, at huwag ninyong manmanan at pagdudahan ang iba, at huwag kayong magagawan,

at huwag kayong mag-inggitan sa isa’t-isa, at huwag kayong mamuhi sa isa’t-isa, at

huwag kayong magtanim ng galit laban sa isa’t-isa, at (ngunit) kayo ay maging magkakapatid sa

Allah] Muslim

[ At huwag panghimasukan ng isa ang pamamanhikan (huwag lumapit sa pamilya ng babaeng

may kasunduan ng pag-aasawa) ng kapatid (sa Islam) hanggang sila’y makasal o hindi

magkatuluyan ]

Al-bukhari

KAPALIWANAGAN

Ang mga karapatan ng isang muslim mula sa kanyang kapatid ay bagay na napakahalaga, kaya’t

marapat lamang na ito ay mapangalagaan. Kabilang sa mga karapatang ito, ay ang pagbati sa kanya

ng kapayapaan kapag nasalubong, pagpapaunlak kapag siya’y nag-imbita, pagsasabi ng “

yarhamukallah” kapag siya’y bumahing, pagbisita sa kanya kapag nagkasakit , pagsaksi sa kanyang

libing, pagbibigay-payo sa kanya kapag humingi nito, pagtatanggol sa kanyang karangalan kapag

siya’y wala at ang pagmamahal para sa kanya sa mga bagay na kamahal-mahal para sa iyo at

pagkamuhi sa mga kinamumuhian para sa sarili.

Kailangang iwasan ng isang muslim ang anumang makakasama sa mga kapatid sa Islam maging ito

man ay salita o gawain. Siya ay dapat magpakumbaba sa kapwa muslim at hindi magmataas,

katotohang hindi kamahal-mahal para sa Allah ang silang mga mayayabang. Hindi niya dapat

pakinggan ang mga pagmamalabis na pananalita ng iba laban sa iba ni iparating ang mga salitang

kanyang narinig mula sa kanila. Hindi rin marapat para sa isang muslim na talikuran ang kapatid sa

Islam ng humigit sa tatlong araw, gaano man katindi ang kanyang galit dito. Kailangang magpakita ng

kabutihan ang isang muslim sa lahat ng tao hangga’t maaari at pakitaan sila ng magandang paguugali

sa lahat ng oras. Gayunding karapat-dapat na igalang niya ang mga nakakatanda at kahabagan

ang mga bata, at maging maaliwalas ang mukha habang nakangiti sa kanila. Hindi dapat mangako ang

isang muslim maliban na lamang na ito ay kanyang tutuparin. Siya ay dapat magsumikap tungo sa

pag-sasaayos ng gusot at alitan sa lipunan, pagtakpan ang mga pagkukulang ng mga kapatid na

muslim, iwasan ang anumang paghihinala at pagdududa upang maging mapanatag ang mga puso at

maging malayo sa panlilibak. Siya rin ay dapat mamagitan para sa kapatid na muslim sa anumang

pangangailangan nito kung may kakayahan at ipagtanggol ang karangalan, buhay at kayamanan

mula sa anumang pang-aapi hangga’t makakaya.

Kabilang sa mga karapatan ng isang muslim mula sa kapwa muslim: Ang pagtulong sa kapatid tungo

sa ikabubuti nito, pagtuturo sa kanya ng mga bagay na makabubuti sa kanyang pamumuhay dito sa

mundo at kabilang-buhay, ang pag-iwas na siya ay dayain at pagtaksilan o panghihimasok sa kanyang

mga transaksyon (kalakal, pag-aasawa…) at iba pa.

MGA ARAL

وشتامك ولراك / مجرتملا

1- Ang karapatan ng isang muslim mula kapwa muslim ay napakarami na dapat lamang na

pahalagahan

2- Ang mga karapatang ito ay maaaring obligado o di kaya ay kanais-nais.

وشتامك ولراك / مجرتملا

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!