22.04.2014 Views

Panimula (5 mins) - WordPress – www.wordpress.com

Panimula (5 mins) - WordPress – www.wordpress.com

Panimula (5 mins) - WordPress – www.wordpress.com

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

TREASURING THE GOSPEL (1 COR. 15:1-11)

WELCOME (10 mins)

Gamitin ang oras na ito upang mas makilala ang isa’t isa sa Kaagapay Group sa

pamamagitan ng personal na mga tanong. Halimbawa, Paano ka nakakilala kay

Cristo?

WORSHIP (15 mins)

Gamitin ang oras na ito upang bigyang papuri ang Diyos. Umawit ng mga awit na

nakasentro sa Diyos. Kung maiuugnay ito sa pag-aaralang paksa, mas mainam.

Bukod sa pag-awit, maaari ding hilingan ang ilan na magbigay ng pasasalamat sa

nakita nilang ginawa ng Diyos sa buhay nila.

WORD (40 mins)

Panimula (5 mins)

1. Nitong mga nakaraang araw, ano ang pinakamasamang balita na napanood

mo sa TV o narinig mo sa radyo? Pagkatapos nito, ano naman ang

pinakamagandang balita ang nabalitaan mo? Sa panahon natin ngayon, sa tingin

mo ba ay mas marami ang masamang balita o ang magandang balita?

Tulay sa Pagsasaliksik: Sanay na tayong makarinig ng masasamang balita, at

karamihan nga ng naririnig natin ay hindi maganda. Ngunit ang Bibliya ay

nagtuturo ng pinakamagandang balita na dapat na marinig ng lahat ng tao. At

kapag narinig natin ito at naunawaan at pinaniwalaan, ito ang magiging

pinakamahalagang bagay sa ating buhay. Basahin ang 1 Corinto 15:1-11.

Pagsasaliksik (25 mins)

2. Basahin ang verses 3-4. Ano ang nilalaman ng gospel o mabuting balita na

ipinangaral ni Pablo sa mga taga-Corinto?

3. Ayon sa verses 5-8, ano ang maaaring batayan natin upang paniwalaan natin

ang mensahe ng mabuting balita? Paano mo sasagutin ang mga taong nagsasabing

ito ay gawa-gawa lamang ng tao?

4. Gospel Exercise. Humanap ng partner. Sa loob ng isang minuto, ibahagi sa

partner ang buod ng mabuting balitang ito. Gawin ito nang salitan.

5. Bakit kailangan ng mga tao na marinig ang mabuting balita? Kung kailangan

nila itong marinig, ano ang dapat nating gawin?

6. Ang mabuting balita ba ay kailangan lamang ng mga hindi pa tunay na

Cristiano o kailangan din ito ng mga tunay nang tagasunod ni Cristo? Patunayan

gamit ang verses 1-2.

7. Kung gayon, bakit ito mahalaga kahit sa ating mga Cristiano na? Paano ito

ginagamit ng Diyos sa buhay natin upang magpatuloy tayong lumakad sa

pananampalataya at maging tagumpay sa paglaban sa kasalanang nasa atin pa?

8. Basahin ang verse 2. Ayon dito, ano ang masasabi ninyo sa isang tao na dati

ay nagsabing siya ay Cristiano ngunit hindi naman nagpatuloy sa

pananampalataya? Siya kaya ay tunay na ligtas? Patunayan gamit ang ilang mga

talata sa Bibliya.

9. Kung mahalaga ang mabuting balita kahit sa ating mga Cristiano na, anuanong

praktikal na bagay ang maaari nating gawin para sa ating sarili at para sa

ibang tao?

Pagsasabuhay (10 mins)

10. Sa pinagdadaanan mo sa buhay mo ngayon (pagsubok o struggle sa

kasalanan) paano makakatulong ang mensahe ng mabuting balita upang

mapagtagumpayan mo ito? Ano’ng gagawin mo upang maisapuso ang mensaheng

ito?

11. Sino ang nais mong ipanalangin ngayon na inilalagay sa puso mo ng Diyos

upang maibahagi ang mabuting balita sa kanya?

WORKS (15 mins)

Maaaring gawin ang ilan sa mga sumusunod: (1) ipanalangin ang bawat isa; (2)

ipanalangin ang mga kapamilya o kaibigang hindi pa nakakakilala kay Cristo; (3)

pag-usapan ang plano kung paano makakatulong sa pangangailangan ng ibang tao;

(4) pag-usapan ang plano kung paano makakatulong sa mga ministeryo sa

church.

Gabay sa Pag-aaral ng Biblia para sa mga Kaagapay Groups ng BBCC Page 1

TREASURING THE GOSPEL (1 COR. 15:1-11)

LEADER’S GUIDE

What is the gospel?

Ano ba ang ebanghelyo? Ang ebanghelyo (gospel) ay galing sa salitang

Griyego euangelion na nangangahulugang “mabuting balita” (good news).

Ang larawang nakikita dito sa panahon ng mga unang Cristiano ay isang

mensaherong galing sa hari o emperador na naglalakbay sa kalye at

ipinapahayag ang “mabuting balita” na galing sa hari. Ito ‘yung inaabangan

at pinapakinggan ng mga tao. At ang “gospel” na pinag-uusapan natin

ngayon ay hindi lamang mabuting balita kundi pinakamabuting balita na

maririnig ng tao? Why is it the best news? Ipinaalala ni Pablo sa mga taga-

Corinto:

Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si

Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at

siya’y inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga

kasulatan (1 Cor. 15:3-4).

(1) The gospel is the good news about Jesus. The gospel is not

good news without Jesus. At the center of the single message of Christianity

is the person and works of Christ. Ang ebanghelyo ay mabuting balita

tungkol kay Cristo at sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Kung

hindi naparito si Jesus, kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, wala tayong

pag-asa. Lahat tayo ay alipin pa rin ng ating mga kasalanan, at nasa ilalim ng

hatol at poot ng Diyos. Ito ang mabuting balita: “si Cristo’y namatay...at

siya’y inilibing; at muling nabuhay....” Ngunit sasabihin ng ilan, ano naman

ang kinalaman ng kamatayan ni Cristo sa buhay natin?

(2) The gospel is the good news that God is for us. Ang ebanghelyo

ay mabuting balita dahil may ginawa ang Diyos para sa atin. Dati tayo ay

mga kaaway ng Diyos dahil sa pagrerebelde natin sa kanya. Ngunit si Jesus

ay “namatay para sa ating mga kasalanan.” Ibig sabihin, ang parusa na dapat

ay tatanggapin natin siya ang umako. Bayad na! Kung dati hiwalay tayo sa

Diyos, dahil namatay si Cristo ngayon ay mailalapit na niya tayo sa Diyos

dahil binayaran niya ang kasalanang humahadlang sa relasyon natin sa

Diyos. “For Christ also suffered once for sins, the righteous for the

unrighteous, that he might bring us to God, being put to death in the flesh

but made alive in the spirit (1 Pet. 3:18). Isn’t that good news?

(3) The gospel is the good news of the unfolding of God’s plan in

history. Ang ebanghelyo ay ang mabuting balita na ang layunin ng Diyos

noong simula pa ay natupad sa kasaysayan. Si Cristo’y namatay “ayon sa

mga kasulatan” at siya’y muling nabuhay “ayon sa mga kasulatan.” Sa simula

pa’y nakasaad na sa mga sulat ng mga propeta ang plano ng Diyos na iligtas

ang mga taong makasalanan sa pamamagitan ni Cristo (tulad ng Isa. 53:5-6,

10).

Kalooban ng Diyos ang nangyari. Hindi ito aksidente. At ang kanyang

plano, tunay na nangyari. Kaya nga binanggit ni Pablo na si Jesus ay

“nalibing” para patunayang siya’y namatay talaga at ang kanyang muling

pagkabuhay ay hindi haka-haka, guni-guni, o gawa-gawa ng mga taong

nahihibang o panatiko. May nakakitang siya’y muling nabuhay. Bakit naman

nila ibubuwis ang buhay nila sa pagpapahayag ng isang pangyayari na hindi

naman pala totoo?

Why is the gospel important for Christians?

The gospel is important for us not just because we need to be prepared to

share it to others. Mahalaga ang ebanghelyo sa buhay natin, sa araw-araw.

Hindi lamang noong una tayong nakarinig nito at naging dahilan ng

kaligtasan natin kundi araw-araw. Alam ni Pablo ito kaya nga sinabi niya,

“Ngayon, mga kapatid, ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita...” (v. 1).

Ang sinulatan niya dito ay ang church sa Corinth na itinuturing niyang “mga

kapatid” kay Cristo. Ang salitang “ipinapaalala” ay literal na “ipinapaalam”

na sinasabi niya ito na para bang ngayon lang nila mapapakinggan kahit

alam niyang narinig na nila at pinaniwalaan (verse 1, “na inyo nang

tinanggap;” verse 11, “kayo naman ay nanampalataya”). Bakit sa tingin mo

ipapaalala niya ito kung hindi naman ito mahalaga kahit mga Cristiano na

sila?

Paul believes that the gospel is very important for the life of the church

in Corinth. “For I delivered to you as of first importance...” (v. 3). Ito ang

unang-unang dapat nating pagtuunan ng pansin sa ating buhay Cristiano, sa

buhay ng ating iglesia. At lahat ng anumang gawain natin ay dapat nag-uugat

dito. Bakit ganoon kahalaga ang ebanghelyo para sa ating mga Cristiano?

(1) By the gospel we are saved. Ang ebanghelyo ang ginamit ng

Diyos upang tayo ay magkaroon ng pananampalataya sa ikaliligtas natin.

The gospel is God’s instrument for our salvation. “Ngayon, mga kapatid,

ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita na ipinangaral ko sa inyo, na

inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan” (v. 1).

Ipinangaral ang ebanghelyo, tinanggap, at patuloy na kinatatayuan ng mga

Gabay sa Pag-aaral ng Biblia para sa mga Kaagapay Groups ng BBCC Page 2

TREASURING THE GOSPEL (1 COR. 15:1-11)

taga-Corinto. Dito sila nakatayo o nakatindig at hindi lalayo dahil alam

nilang mahalaga ang ebanghelyo dahil ito ang ginamit ng Diyos para sila ay

maligtas. Ganoon din ang sinasabi ni apostle Peter, “You have been born

again, not of perishable seed but of imperishable, through the living and

abiding word of God...And this word is the good news that was preached to

you” (1 Pet. 1:25).

(2) By the gospel we are being saved. Ang ebanghelyo ang

ginagamit ng Diyos upang tayo ay magpatuloy sa kaligtasang nasa atin na.

“Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which

you received, in which you stand, and by which you are being saved, if you

hold fast to the word I preached to you—unless you believed in vain” (vv.

1-2). Kapansin-pansin na ang ginamit na salita dito ay pangkasalukuyan (sa

lumang salin ng MBB, “naliligtas”), inililigtas (“and by which you are being

saved”). Pangkasalukuyan! Don’t just think of your salvation as past

(justification) but also present (sanctification). Ganito din ang tinukoy ni

Pablo sa 1:18, “For the word of the cross (that is, the gospel!) is folly to

those who are perishing, but to us who are being saved it is the power of

God.” Mahalaga ang ebanghelyo hindi lang dahil naligtas tayo sa

pamamagitan nito kundi tayo ay patuloy na inililigtas sa pamamagitan nito.

Ipinapakita dito na ginagamit ito ng Diyos ngayon sa buhay natin upang

ipagpatuloy ang kanyang nasimulang gawa sa buhay natin.

The gospel “is the power of God for salvation to everyone who

believes (not, “believed”)” (Rom. 1:16). Ang ebanghelyo ay makapagliligtas

lamang sa taong nagpapatuloy sa pananampalataya. We will be saved by the

gospel only if we hold fast and sincerely believe, “kung matatag ninyong

pinanghahawakan ang salitang ipinangaral ko sa inyo; dahil kung hindi,

walang kabuluhan ang inyong pananampalataya” (v. 2, MBB). Sinabi niya ito

para bigyang babala ang mga taong nasa Corinto na maaaring nakikinig ng

sinasabi ni Pablo ngunit hindi naman tunay na nananampalataya. Ayaw

niyang bigyan ng maling pag-asa ang mga taong ito na akalaing sila ay ligtas

dahil narinig nila ang mensaheng ito, dahil kabilang sila sa iglesia sa Corinto.

Ang isang tao ay mapatutunayan lamang na Cristiano kung kanyang

“matatag na pinanghahawakan (hold fast) ang salita” (logos, katumbas din

ng ebanghelyo sa talatang ito).

If the gospel is important, what should we do then?

(1) Preach the gospel to unbelievers so that they may treasure it.

Dapat natin itong ipangaral sa mga wala pa kay Cristo. Kapag ang isang

balita ay napakaganda at alam mong napakahalaga hindi ba’t ipagsasabi mo

din ito sa iba, lalo na sa mga mahal mo sa buhay? We will train you how to

share the gospel and be involved in the outreach ministry of the church.

Simulan na ninyo silang ipanalangin. If you really believe it is the power of

God for salvation, gusto mo ring marinig ito ng mga kamag-anak at mga

kaibigan mo. Katulad ni Pablo na ipinasa sa mga taga-Corinto ang kanyang

tinanggap na mahalagang mensahe, “Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa

lahat ang akin ding tinanggap” (v. 3; tingnan ang Acts 18:1-11). Kaya nais

namin kayong makapag-aral ng “Following Jesus” na anim na linggong pagaaral

tungkol sa mabuting balita upang matanim ito sa inyong puso at ipasa

naman ninyo ito sa iba.

(2) Preach the gospel to other believers and help them treasure it

everyday. Dapat natin itong ipangaral sa ibang mga kapatid kay Cristo.

Alam ni Pablong mahalaga ito sa mga taga-Corinto na ngayon ay mga

Cristiano na. Kaya naman “ipinapaalala” (v. 1) niya sa kanila ang

ebanghelyo. Ganyan ang nais kong gawin para sa inyo. Ipaalala ito. At kahit

sa araw-araw, ipapaalala natin sa mga taong nakakalimot ang mabuting

balita ni Cristo. Matuto tayo sa ginawa ni Pablo sa mga taga-Corinto. Kapag

may lumapit sa inyo at may struggle sa isang kasalanan, ipaalala mo sa kanya

na si Cristo ay namatay upang palayain siya dito, at binigyan siya ng Espiritu

Santo upang magbigay lakas na mapagtagumpayan ito. Don’t let him be

defeated by the lies of Satan. Help your brother rise up in faith by the truth

of the gospel.

(3) Preach the gospel to yourself, and treasure it everyday. Dapat

natin itong ipangaral sa ating sarili. Kay Jerry Bridges ko unang narining ang

kahalagahan ng “preaching the gospel to yourself everyday.” Dito sa sinulat

ni Pablo, ipinapaalala niya sa kanila ang ebanghelyo. Kayo rin ay may

responsibilidad na ipaalala sa inyong sarili ang ginawa ni Cristo sa krus.

Paggising mo sa umaga, sa pagharap ninyo sa salamin maaari mong

sabihin sa kaharap mo, “Ikaw ay makasalanan at hindi karapat-dapat

lumapit sa Diyos at tumanggap ng anumang mabuting bagay mula sa kanya.

Ang nararapat sa iyo ay maparusan nang 10 milyong taon at higit pa sa lawa

ng apoy sa impiyerno. Ngunit dahil sa habag ng Diyos ay ibinigay niya sa iyo

ang kanyang nag-iisang Anak na si Jesus. Binayaran sa krus lahat ng

pagkakautang mo sa Diyos. Ngayon ikaw ay ibinilang na matuwid, arawaraw

ay binabago ayon sa wangis ni Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan

ng Espiritu Santo. At balang-araw ay haharap sa Diyos upang maranasan

ang walang hanggang kagalakan sa piling niya.” Preach the gospel to

yourself everyday. You need it everyday. It is that important.

Gabay sa Pag-aaral ng Biblia para sa mga Kaagapay Groups ng BBCC Page 3

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!