28.08.2014 Views

CODE OF PROHIBITED CONDUCT - Seattle Public Schools

CODE OF PROHIBITED CONDUCT - Seattle Public Schools

CODE OF PROHIBITED CONDUCT - Seattle Public Schools

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TAGALOG

KODA NG

IPINAGBABAWAL NA

PAG-UUGALI

2011-2012

Mga Pampublikong Paaralan ng Seattle

MGA NILALAMAN

Di-pangkaraniwang Masamang Pag-uugali Ph. 2

Mga Kasalanang Pangdistrito Ph. 15

LUPON NG PAARALANG SEATTLE

Sherry Carr -– Michael DeBell – Peter Maier – Harium Martin-Morris –Betty Patu-

Kay Smith-Blum--Steve Sundquist

SUPERINTENDENTE

Susan Enfield, EdD

Mayo 2011 1

TAGALOG

KODIGO NG IPINAGBABAWAL NA PAG-UUGALI

Sa Kodigo ng Ipinagbabawal na Pag-uugali, ang mga sumusunod na kaugalian ay ginagamit: Ang

pamagat ng kasalanan at ang kodigo nito ay isinulat ng mariin. Ang pakahulugan ng mga kasalanan

ay kasunod agad. Kung may karagdagang talata na makikita sa ilalim ng asteriko, ang mga talatang

iyon ay detalye na nagbibigay patungkol sa kahulugan, o mga paliwanag tungkol sa tamang

pagpaparusa na inaasahan, o mga pangyayari na kung saan ang patuloy na pagdidisiplina ay

maaaring hindi nararapat at ang isang administrador ay maaaring may katwiran na magsimula ng

isang mahigpit na tamang pagpaparusa ng higit sa karaniwang pamantayan ng ibinibigay ng distrito.

ANG PABATID SA MGA MAG-AARAL AT MGA MAGULANG AY INUUTOS

NG PEDERAL NA WALANG-GAMOT SA PAARALAN AT

BATAS NG PAMAYANAN NG 1989

Ipinagbabawal ng Mga Pampublikong Paaralan ngSeattle ang hindi makatarungang pagkakaroon, paggamit, o pamimigay

ng mga ipinagbabawal na gamot at alkohol ng mga mag-aaral sa bakuran ng paaralan o bilang bahagi ng mga gawain sa

paaralan. Ang pagsunod sa tuntuning ito ay iniuutos; ang mga mag-aaral na hindi pumansin sa mga ipinagbabawal ay

bibigyan ng pang-matagalang suspensyon o pagpapatalsik. Ang pag-aari at paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at

ang illegal na pag-aari at paggamit ng alkohol ay mali at makakasama sa kalusugan at pag-aaral. Ang Seattle Public

Schools ay naghahandog, o makakatulong sa pag-aayos na makakuha ng, magbibigay payo sa maling paggamit ng gamot

at alkohol, pagpapanibagong buhay, at mga programa para makabalik; para sa karagdagang impormasyon makipagugnayan

sa punong-guro o tagapayo ng inyong paaralan.

DI-PANGKARANIWAN NA MALING PAG-UUGALI

Ang pamantayan sa pagdidisiplina para sa unang pagkakasala sa alinmang Di-pangkaraniwan na

Maling Pag-uugali ay suspensyon. Ang Safety and Security Department (Departamento para sa

Kaligtasan at Katiwasayan) ay dapat abisuhan sa mga paglabag sa mga kasalanan sa bahaging ito.

Kung kinakailangan, ang Pulisya ng Seattle ay aabisuhan.

E-100 Kontroladong mga Sangkap

E-110 (Obselete 8/26/2010- Huwag gamitin) Pagbebenta ng ng may alkohol na Inumin, Bawal

na mg Gamot at Kontroladong mga Sangkap

E-111 Pagbebenta ng Bawal na mga Gamot at Kontroladong mga Sangkap

Pagbebenta, o nagbabalak magbenta, ng mga gamot o kontroladong mga sangkap, kasama

ang inereseta o gamot na nabibili ng walang reseta at anumang bagay na pagkain na may

ilegal na mga gamot doon.

Ang mga haiskul at paaralang middle na lalabag ay sususpindihin ng mahabang panahon ng

hanggang sa katapusan ng semestre at sila ay mangangailangan na kumuha ng pagtatasa mula

sa Ditrito ng isang inaprubahang propesyonal sa pag-aabuso ng sangkap at sumali sa at

lubusang makatapos ng inaprobahan ng Distrito na programa para sa kontroladong sangkap

na babayaran ng magulang 1 bago bumalik sa anumang regular na paaralan. Ang mga lumabag

ay hindi nararapat na bawasan ang araw ng suspensyon sa pamamagitan ng pagsali sa isang

inaprobahang programa sa panggagamot para sa gamot/droga o alkohol. Ang pagkakaroon ng

marami (mahigit pa sa dami ng ipinalalagay na pansariling gamit lamang) ng isang

1 Ang paaralan ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na opsiyon para sa

nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

Mayo 2011 2

TAGALOG

ipinagbabawal/ kontroladong sangkap o pagkakaroon ng maraming individual na mga pakete

ng ipinagbabawal o kontroladong sangkap ay ipinalalagay na katibayan na nais magbili.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isinasaalang-alang ang

patuloy na paggawa ng kasalanan kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Ang mag-aaral na napatalsik ay

kakailanganin rin na kumuha ng pagtatasa mula sa isang inaprubahang propesyonal sa droga

/pag-aabuso ng sangkap at sumali sa at lubusang makatapos ng inaprobahang programa para

sa droga/kontroladong sangkap na babayaran ng magulang bago bumalik sa anumang regular

na paaralan. Pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan ng pagbabago o parusa ay hindi

magtatagumpay kung ibibigay ay kinabibilangan ng:

Makasakit ng grabe o makasira sa pag-iisip at damdamin ng mag-aaral, kahit hindi

sinasadya.

Pagbebenta sa isang mag-aaral na nakababata ng dalawang taon o higit pa.

Pagbebenta ng droga na nagiging sanghi ng kaguluhan sa paaralan o sa kapaligiran ng

pag-aaral.

E-112 Pagbebenta ng mga may Alkohol na Inumin

Pagbebenta, o nagbabalak magbenta, ng mga inumin may alkohol kabilang ang anumang

inuming may nilalamang alkohol.

Ang mga haiskul at paaralang middle na lalabag ay sususpindihin ng mahabang panahon ng

hanggang sa katapusan ng semestre at sila ay mangangailangan na kumuha ng pagtatasa mula

sa Ditrito ng isang inaprubahang propesyonal sa pag-aabuso ng alkohol/sangkap at sumali sa

at lubusang makatapos ng inaprobahan ng Distrito na programa para sa alkohol/ sangkap na

babayaran ng magulang 2 bago bumalik sa anumang regular na paaralan. Ang mga lumabag ay

hindi nararapat na bawasan ang araw ng suspensyon sa pamamagitan ng pagsali sa isang

inaprobahang programa sa panggagamot para sa alkohol. Ang pagkakaroon ng marami

(mahigit pa sa dami ng ipinalalagay na pansariling gamit lamang) ng alkohol ay ipinalalagay

na katibayan na nais magbili.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isinasaalang-alang ang

patuloy na paggawa ng kasalanan kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Ang mag-aaral na napatalsik ay

kakailanganin rin na kumuha ng pagtatasa mula sa isang inaprubahang propesyonal sa

alkohol/ pag-aabusong sangkap at sumali sa at lubusang makatapos ng inaprobahang

programa para sa alcohol/ kontroladong sangkap na babayaran ng magulang bago bumalik sa

anumang regular na paaralan. Pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan ng pagbabago o

parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay ay kinabibilangan ng:

Makasakit ng grabe o makasira sa pag-iisip at damdamin ng mag-aaral, kahit hindi

sinasadya.

Pagbebenta sa isang mag-aaral na nakababata ng dalawang taon o higit pa.

Pagbebenta ng alkohol na nagiging sanhi ng kaguluhan sa paaralan o sa kapaligiran ng

pag-aaral.

2 Ang paaralan ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na opsiyon para sa

nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

Mayo 2011 3

TAGALOG

E-120 (Obselete 8/2010- Huwag Gamitin ) Pamamahagi ng may Alkohol ng Inumin,

Bawal na mga Gamot at Kontroladong mga Sangkap

E-121 Pagbibigay ng Alak, Ipinagbabawal na Mga Gamot, at Kontroladong mga Sangkap

Pamamahagi, paghahati o pagpapasa-pasa ng gamot/droga o kontroladong mga sangkap,

kabilang na ang inereseta o gamot na nabibili na walang reseta o anumang bagay na

pagkain na may ilegal na gamot.

Para sa haiskul at paaralang middle na lalabag, ang unang paglabag sa ganitong kasalanan ay

magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat

maaaring bawasan ng administrador sa 11-araw na panandaliang suspensyon 3 pagkatapos

makakuha ang mag-aaral ng pagtatasa mula sa inaprubahang propesyonal sa pag-aabuso ng

sangkap at susunod sa mga rekomendasyon ng tagatasa, ang magulang ang magbabayad. 4

Ang pangalawang paglabag ay magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang sa

katapusan ng semestre at ang mag-aaral ay kailangan na makumpleto ang inaprubahan ng

Distrito na programa sa droga /inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad. Ang

pangatlong paglabag ay magreresulta ng pagpapatalsik at ang mag-aaral ay kailangan na

makumpleto ang inaprubahan ng Distrito na programa para sa droga/inabusong sangkap, ang

magulang ang magbabayad.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isinasaalang-alang ang

patuloy na pagdisiplina kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Ang mag-aaral na napatalsik ay

maaaring mangailangan rin na kumuha ng pagtatasa mula sa inaprubahan ng Distrito na

propesyonal sa droga/inabusong sangkap at sumunod sa anumang rekomendasyon ng

tagatasa.

Pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan ng pagbabago o parusa ay hindi

magtatagumpay kung ang ibibigay ay kinabibilangan ng:

Makasakit ng grabe o makasira sa pag-iisip at damdamin ng mag-aaral, kahit hindi

sinasadya.

Pamimigay o pagbabahagi ng droga sa isang mag-aaral na nakababata ng dalawang

taon o higit pa.

Pagbabahagi ng droga na nagiging sanhi ng kaguluhan sa paaralan o sa kapaligiran

ng pag-aaral.

E-122 Pamamahagi ng mga Inuming may Alkohol

Pamamahagi,paghahati o pagpapasa-pasa ng inuming may alkohol, kabilang ang inuming

naglalaman ng alkohol.

Para sa haiskul at paaralang middle na lalabag, ang unang paglabag sa ganitong kasalanan ay

magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat

maaaring bawasan ng administrador sa 11-araw na panandaliang suspensyon 5 pagkatapos

makakuha ang mag-aaral ng pagtatasa mula sa inaprubahang propesyonal ng Distrito sa pagaabuso

ng sangkap at susunod sa mga rekomendasyon ng tagatasa, ang magulang ang

3 Ang mag-aaral, o magulang/tagapag-alaga sa ngalan ng mag-aaral, na tinanggap ang mga kondisyon para sa

pagbabawas ng parusa ay isinusuko ang kanilang karapatan na mag-apila para sa ginawang pagdidisiplina.

4 Ang paaralan ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na mga pagpipilian

para sa nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

5 Ang mag-aaral, o magulang/tagapag-alaga sa ngalan ng mag-aaral, na tinanggap ang mga kondisyon para sa

pagbabawas ng parusa ay isinusuko ang kanilang karapatan na mag-apila para sa ginawang pagdidisiplina.

Mayo 2011 4

TAGALOG

magbabayad. 6 Ang pangalawang paglabag ay magreresulta ng pangmatagalang suspensyon

hanggang sa katapusan ng semestre at ang mag-aaral ay kailangan na makumpleto ang

inaprubahan ng Distrito na programa sa alkohol/inabusong sangkap, ang magulang ang

magbabayad. Ang pangatlong paglabag ay magreresulta ng pagpapatalsik at ang mag-aaral ay

kailangan na makumpleto ang inaprubahan ng Distrito na programa para sa

alkohol/inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isinasaalang-alang ang

patuloy na pagdisiplina kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Ang mag-aaral na napatalsik ay

maaaring mangailangan rin na kumuha ng pagtatasa mula sa inaprubahan ng Distrito na

propesyonal sa alkohol/inabusong sangkap at sumunod sa anumang rekomendasyon ng

tagatasa.

Pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan ng pagbabago o parusa ay hindi

magtatagumpay kung ang ibibigay ay kinabibilangan ng:

Makasakit ng grabe o makasira sa pag-iisip at damdamin ng mag-aaral, kahit hindi

sinasadya.

Pamimigay o pagbabahagi ng alkohol sa isang mag-aaral na nakababata ng

dalawang taon o higit pa.

Pagbabahagi ng alkohol na nagiging sanhi ng kaguluhan sa paaralan o sa

kapaligiran ng pag-aaral

E-130 Pagkakaroon o Paggamit ng may Alkohol na mga Inumin, bawal na Gamot, at

Kontroladong mga Sangkap

E-131 Pagkakaroon o Paggamit ng Ilegal na gamot at Kontroladong Sangkap

Pagkakaroon, paggamit o nasa impluwensiya ng ilegal na mga gamot, kontroladong sangkap,

o anumang bagay na pagkain na may ilegal na gamot.doon at/ o pagkakaroon ng mga gamit

sa gamot.

Ang mga mag-aaral ay maaring madisiplina sa pagiging nasa impluwensiya ng isang

kontroladong sangkap batay sa kanilang inaasal o hitsura na pinasyahan ng isang

administrador, nars ng paaralan, o ibang sinanay na mabuting opisyal kahit na kung mayroon

sa kanilang katawan. Ang pagpasok sa paaralan o pagdiriwang sa paaralan na “lasing” ay

hindi pinahihintulutan.

Ang urinalysis (pag iksamen ng ihi) para matiyak kung ang mag-aaral ay gumagamit ng

gamot kailan lamang ay hindi pareho ng pagtasa ng isang aparubado ng Distrito na

propesyonal sa pag-abuso sa sangkap. Ang paglabag sa kasalanang ito ay nangangailangan

ng ganitong pagtasa, hindi ng urinalysis, para matiyak kung ang isang mag-aaral ay

mayroong problema sa gamot o alkohol at kailangan niya ang mga serbisyo upang tukuyin

ang problema.

Para sa haiskul at paaralang middle na lalabag, ang unang paglabag sa ganitong kasalanan ay

magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat

maaaring bawasan ng administrador sa 11 araw na pangmatagalang suspensyon pagkatapos

makakuha ang mag-aaral ng pagtatasa mula sa Distritong inaprubahang propesyonal sa

droga/pag-aabuso ng sangkap at susunod sa mga rekomendasyon ng tagatasa, ang magulang

6 Ang paaralan ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na mga pagpipilian

para sa nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

Mayo 2011 5

TAGALOG

ang magbabayad. 7 Ang pangalawang paglabag ay magreresulta ng pangmatagalang

suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat maaaring bawasan ng

administrador sa 11-araw na panandaliang suspensyon 8 kung ang mag-aaral ay

makakatanggap ng pagtatasa mula sa isang propesyonal ng droga/inabusong sangkap at

sumali sa at kasabay na pumapasok sa inaprubahan ng Distrito na programa sa

droga/inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad. Ang pangatlong paglabag ay

magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang matapos ang semestre na

nangangailangan ng pagtatasa ng isang inprubahan ng Distrito na propesyonal sa droga/

inabusong sangkap at lubusang makumpleto ang inaprubahan ng Distrito na programa para sa

droga/inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad. Ang paaralan ay makapagbibigay

ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na pagpipilian para sa nararapat na

serbisyo na makukuha sa pamayanan.

E-132 Pagkakaroon o Paggamit ng mga Inumin may alkohol

Pagkakaroon, paggamit o pagiging lasing o nasa ilalim ng impluwensiya ng alkohol, kasama

na ang anumang inuming may nilalamang alkohol.

Ang mga mag-aaral ay maaring madisiplina sa pagiging nasa impluwensiya ng alkohol batay

sa kanilang inaasal o hitsura na pinasyahan ng isang administrador, nars ng paaralan, o ibang

sinanay na mabuti na opisyal kahit na kung mayroon silang hawak na alkohol.. Ang

pagpasok sa paaralan o pagdiriwang sa paaralan na amoy alak sa kanilang hininga o nasa

kanilang katawan ay hindi pinahihintulutan.

Ang urinalysis (pag iksamen ng ihi) para matiyak kung ang mag-aaral ay gumamit ng alkohol

/ pag-abuso sa sangkap kailan lamang ay hindi pareho ng pagtasa ng isang aparubado ng

Distrito na propesyonal sa alkohol/ pag-abuso sa sangkap. Ang paglabag sa kasalanang ito ay

nangangailangan ng ganitong pagtasa, hindi ng urinalysis, para matiyak kung ang isang magaaral

ay mayroong problema sa alkohol at kailangan niya ang mga serbisyo upang tukuyin

ang problema.

Para sa haiskul at paaralang middle na lamabag, ang unang paglabag sa ganitong kasalanan

ay magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat

maaaring bawasan ng administrador sa 11 araw na pangmatagalang suspensyon pagkatapos

makakuha ang mag-aaral ng pagtatasa mula sa Distritong inaprubahang propesyonal sa

alkohol/pag-aabuso ng sangkap at susunod sa mga rekomendasyon ng tagatasa, ang magulang

ang magbabayad. 9 Ang pangalawang paglabag ay magreresulta ng pangmatagalang

suspensyon hanggang sa katapusan ng semestre, bagamat maaaring bawasan ng

administrador sa 11-araw na panandaliang suspensyon 10 kung ang mag-aaral ay

makakatanggap ng pagtatasa mula sa isang propesyonal ng alcohol/ inabusong sangkap at

sumali sa at kasabay na pumapasok sa inaprubahan ng Distrito na programa sa

alkohol/inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad. Ang pangatlong paglabag ay

magreresulta ng pangmatagalang suspensyon hanggang matapos ang semestre na

7 Ang paaralan ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na mga pagpipilian

para sa nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

8 Ang mag-aaral, o magulang/tagapag-alaga sa ngalan ng mag-aaral, na tumanggap ng mga kondisyon para sa

pagbabawas ng parusa ay isinusuko ang kanilang karapatan na mag-apila para sa ginawang pagdidisiplina.

9 Ang paaralan ay makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na mga pagpipilian

para sa nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan.

10 Ang mag-aaral, o magulang/tagapag-alaga sa ngalan ng mag-aaral, na tumanggap ng mga kondisyon para

sa pagbabawas ng parusa ay isinusuko ang kanilang karapatan na mag-apila para sa ginawang

pagdidisiplina.

Mayo 2011 6

TAGALOG

nangangailangan ng pagtatasa ng isang inprubahan ng Distrito na propesyonal sa alkohol/

inabusong sangkap at lubusang makumpleto ang inaprubahan ng Distrito na programa para sa

alkohol/inabusong sangkap, ang magulang ang magbabayad. Ang paaralan ay

makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa mababa o walang-bayad na pagpipilian para sa

nararapat na serbisyo na makukuha sa pamayanan

E-200 Karahasan 11

E-210 Pagsalakay

Ang pagiging pisikal na marahas, sa paggamit ng hindi pinahihintulutang lakas, o

nagpapakita ng sinadya at nilayon agad na maging pisikal na marahas, patungo sa ibang tao,

kasama ang karahasang pampamilya.

Ang nilayon ay ipinaliliwanag na gawaing sinadya para saktan ang ibang tao na kung saan

ang tao ay inaasahan na ang kaniyang kaligtasan ay nasa panganib, kahit na ang pisikal na

karahasan ay naiwasan. Ito ay mahigit pa sa mga pagsenyas sa malayo (gaya ng, nakaamba

ang kamay).

Ang karahasang pampamilya E-210 Pagsalakay ay kinabibilangan ng pisikal na pananakit,

pananakot, pisikal na pagpigil, o pananakot sa isang mahal o dating kabiyak.

Ang pagsalakay ay hindi kinabibilangan ng hindi sinadyang paghawak maliban kung ito ay

garapal, sinadya, paulit-ulit, o bunga ng agaw-buhay na pinsala.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isasaalang-alang ang

patuloy na pagdisiplina kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Pinaniniwalaang dahilan na ang

ibang paraan ng pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay ay

kinabibilangan ng:

Patuloy na pagsalakay sa mag-aaral, na kung saan ang mag-aral ay nagtamo ng

pinsala.

Maging sanhi ng pang-agaw buhay na pinsala sa ibang tao sa anumang pisikal na

paraan.

Marami ang pisikal na sumalakay na nakasakit sa isang mag-aaral

Pagsalakay sa isang kawani ng paaralan sa pamamagitan ng paghampas, bastos na

paghawak, itulak, pigilan, sipain, o sundutin ang kawani kung saan ang kawani ay

natakot para sa kaniyang sariling kaligtasan. Ang laki at bigat ng kawani at ng magaaral

ay maaaring maging karagdagang dahilan. Hindi kinakailangan na magkaroon ng

grabeng pinsala.

Ang pagtatanggol sa sarili o pagtatanggol ng ibang tao na sinasalakay ay maaaring

magpagaan sa pangyayari na magbubunga sa hindi pagdidisiplina, habang ang pagtatanggol

na pag-uugali ay nangyari habang ang pagsalakay ay nakakasakit sa sarili o sa iba, at hindi

malakas kaysa sa nararapat na kilos para makaiwas sa karahasan nakamit at mapigilan ang

patuloy na pinsala o pananakit sa sarili o sa iba. Ang halimbawa ng pagtatanggol sa sarili ay

iiwas sa suntok at hindi gumanti at pagpigil sa isang umaatake na mapigilan siya sa patuloy

na pagsalakay. Ang pagtatanggol na kilos na masyadong mas malakas pa sa kinakailangan

11 Ang lahat ng kasalanan sa kategoryang itoay nangangailangan na magpa-enrol sa at nararapat na

makumpleto ang programa sa pagbabago ng ugali na inaprobahan ng Distrito, lalo na para matuto sa mga

kasalanan para sa pangangasiwa ng galit at gulo. Ang Seattle Public Schools ay nagbibigay ng mga

tagubilin para sa sekundarya sa Reentry na Programa.

Mayo 2011 7

TAGALOG

para sa makatwirang pagtatanggol sa sarili ay maaaring ipalagay na pagsalakay o pakikipagaway.

12

E-215 Seksuwal na Pagsalakay 13

Pag-atake ng seksuwal o pagpigil ng kalayaan ng ibang tao.

Ang seksuwal na pagsalakay ay kinabibilangan ng hindi ginusto na hawakan o paghablot ng

maselang bahagi ng katawan, pagpapakita ng malaswa, paggamit ng lakas sa pakikipagtalik,

sex sa bibig, o iba pang paraan ng pakikipagtalik,”pantsing” na asal ng mga mag-aaral ng

elementarya 14 pakikipagtalik o sex sa bibig sa kabila ng malinaw na pagtanggi ng iba o

mental o pisikal na kawalang kaya na makapayag. Ang seksuwal na pagsalakay ay hindi

kinabibilangan ng hindi sinadayang paghawak maliban kung ito ay garapal, sinadya, o paulitulit.

Ang isang mag-aaral na matagal na suspendido sa paglabag sa pag-atakeng sekswal ay

uutusang makilahok sa isang tumpak na pagpapayo para sa seskwal na masamang asal, na

gastos ng magulang, isang ahensiya na nagbibigay ng ganoong pagpapayo o terapi. Ito ay

hindi pareho ng b-mod na pagpapayo at hindi ibinibigay na bahagi ng kurikulum sa

Programang Muli Pagpasok.

E-220 Pangingikil, Pangunguwalta, Pamimilit

Pangingikil ng pera o ari-arian o ibang konsiderasyon sa pamamagitan ng karahasan o

pagbabanta ng karahasan, o pilitin ang iba na gumawa ng labag sa kanilang kalooban sa

pamamagitan ng pagpilit o nagbabanta ng pagpilit.

E-230 Pag-ayos ng mga Away

Sinasadyang mag-ayos ng isang away, o kusang sumasali sa isang inayos na away na

magiging sanhi ng peligro ng grabeng pisikal na pinsala sa ibang tao

Mananatili sa Distrito ang karapatan na tumugon sa talumpati ng mag-aaral na nasa labas ng

kampus na gumagamit ng elektronikong pamamaraan upang magpaumpisa o mag-ayos ng

isang away, tulad ng, pero hindi limitado sa pagtetext, Facebook, My space o ibang sosyal na

Internet site, kung ang away ay nagaganap o magaganap sa lupa ng paaralan, o bago mag o

pagkatapos ng araw ng aralan.

E-240 Pakikipag-away

Kapwa na sumali sa pisikal na pag-aaway na nagpapakita ng galit o poot.

Ang pakikipag-away ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Pagsali sa pisikal na pakikipag-away sa kapwa na kinabibilangan ng galit o poot

Panunukso, panliligalig, pagbabanta o pananakot sa iba na maaring magbunga ng

12 Tingnan, E-240 Pag-aaway para sa pisikal na pagtatalo na kinabibilangan ng galit sa kapwa o poot.

13 Ang paglabag sa kasalanang ito ay maaaring mangailangan na magpatala sa ibang nararapat na inaprubahang programa

ng Distrito.

14 Tingnan, D-310 Pang-aapi, Pananakot at Panggugulo para sa “ pantsing” na asal ng mag-aaral ng elementarya.

Mayo 2011 8

TAGALOG

pisikal na pag-aaway na nagpapakita ng galit at poot.

Pisikal na pagganti sa panunukso, panliligalig, pagbabanta, o pananakot na paguugali.

Sulsulan o pisikal na suportahan ang away sa pamamagitan ng pangangantiyaw o

pagiging naroon.

Ang mga mag-aaral na nakipag-away ay kinakailangang sumali sa pamamagitan o iba pang

positibong pamaraan ng pamamagitan sa paaralan para malutas ang hindi pagkakasundo sa

oras na sila ay bumalik sa paaralan.

Ang matibay na katibayan ay maaaring hindi mabigyan ng disiplina kung ang pagkakataon ay

harapang nagpapakita na pag-aaway. Ang pagtatanggol sa sarili o ang pagtatanggol sa iba na

sinasalakay ay maaaring matibay na katibayan, habang ang kilos na ginamit sa pagtatanggol

sa sarili at hindi malakas pa sa kinakailangan para makailag sa karahasan na nakamit at

pigilin ang patuloy na pagkakapinsala o sakit sa sarili o sa iba. Ang halimbawa ng

pagtatanggol sa sarili ay iiwas ang suntok ng hindi susuntukin sila at pagpigil sa isang

umaatake na mapigilan siya sa patuloy na pagsalakay. Ang pagtatanggol na kilos na

masyadong mas malakas pa sa kinakailangan para sa makatwirang pagtatanggol sa sarili ay

maaaring ipalagay na pagsalakay.

E-250 Pananakot sa Pamamagitan ng Karahasan

Kapanipaniwala ang sinabi, nakatuon ang pagbabanta ng karahasan o makasakit sa isang tao

o grupo, direkta o hindi, kung ito man ay pisikal, pasalita, pasulat, telepono, o elektronikong

gawa, na maging dahilan na ang isang tao ay maniwala na ang kaniyang buhay, kaligtasan, o

ari-arian ay nasa panganib, o kung saan ang nakarinig ay naniniwala na ang buhay,

kaligtasan, o ari-arian ay nasa panganib. Hindi kinakailangan na ang nasabing banta ay

direktang nakaabot.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi isasaalang-alang ang

patuloy na pagdisiplina kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng

pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Pinaniniwalaang dahilan na ang

ibang paraan ng pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay ay

kinabibilangan ng:

E-260 Hazing 15

Ang pananakot na patayin ang isang kawani. Ang mga kawani ay may karapatan na

magtrabaho sa isang ligtas at hindi nakakatakot na kapaligiran. Ang distrito ay walang

pasensiya sa mga mag-aaral na nananakot sa kaninumang kawani. Bago ang

pagpapatalsik ay magamit dahil sa pananakot sa isang kawani, ang administrator ay

kailangan humiling ng serbisyo ng Safety and Threat Assessment Team (Pangkat ng

tagatasa ng Kaligtasan at Pananakot) (STAT) para malaman kung ang pananakot ay

lantaran o kapanipaniwala na makakasakit sa kawani. Maski na lantaran, patago o

ipinahiwatig na nakamamamatay na pananakot, kung ang pinayagang sumusuri para sa

panganib ng Distrito ay nakitaan na may kainaman o malakas ang peligro ng karahasan

sa isang kawani, ang mag-aral ay maaaring mapatalsik.

15 Tingnan, D-210 Hazing para sa hindi grabe na pag-uugali.

Mayo 2011 9

TAGALOG

Pagpapasimula bilang mga kasapi, o pananakot sa ibang mag-aaral ng walang kabuluhan,

mahirap, mapanganib o nakahihiyang mga gawain sa pamamagitan ng hindi ligtas o hindi

legal na mga pag-uugali, na naging dahilan o malamang na maging dahilan ng, pisikal na

pinsala o paglagay sa panganib. 16 * * * * *

Sa hazing o pagpapahirap, ang tagapayo ng club, mga coach o tagasanay, at administrador

ay malamang na hindi nasabihan kung ano ang mangyayari at hindi nagbigay ng pahintulot

tungkol sa gawain. Hindi maaring hindi nila maramdaman na kinakailangan ang

pagboboluntaryo para sa gawaing ito o ang kakayahan na umalis sa anumang oras. Ang mga

ebidensya ng hazing ay kinabibilangan, nguni‟t hindi limitado sa, alinman sa mga sumusunod

na gawain:

Pisikal na pagpigil.

Isang panganib o pahamak na gawain na maaring makamatay,

tulad ng pagpilit ng pagtalon sa tulay o estraktura, o pag-inom

ng sangkap na maaring maging sanhi ng reaksiyon sa katawan.

Mapanganib na mga gawain, gaya ng iiwang mag-isa para

humarap sa isang mapanganib sa katapusan ng gawain, halimbawa

ng, sa parke sa gabi o sa isang nakasaradong kuwarto.

Pagsira ng ari-arian

Ilegal na gawain.

E-300 Mga Armas 17

E-310 Armas –Isang-Taong Sapilitan na Paaalisin sa Paaralan

Ang pagdadala ng armas sa, o pagkakaroon ng armas sa, ari-arian ng paaaralan,

transportasyon na ipinagkaloob ng paaralan, mga lugar ng ginagamit bilang pag-aari ng

paaralang distrito, o isang pangyayari o gawain na inisponsor ng paaralan. Ang Seattle Public

Schools ay may patakaran ng hindi pagpapahintulot ng mga armas.

Ang armas ay isang sandata na kung saan ito ay maaaring ibaril sa pamamagitan ng bala gaya

ng pulbura. Ito ay kinabibilangan rin ng sumasabog, nakakasunog, o lasong bomba, granada,

kuwitis, misayl, o mina. 18

Ang mga lumabag ay patatalsikin mula sa Seattle Public Schools ng hindi bababa sa isang

buong taon. Tingnan, RCW 28A.600.420. Kailangang makatapos para sa pagbabago ng paguugali

o programa para mapigil ang pagiging magagalitin. Ang Superintendente o kaniyang

kinatawan ay maaaring magbago ng pagpapatalsik base sa kaniya-kaniyang kaso.

E- 320 Mga Delikadong Armas – Hindi Sapilitang Paaalisin 19

Ang pagdadala ng mapanganib na armas sa, o pagkakaroon ng mapanganib na armas sa,

ari-arian ng paaralan, transportasyon na ipinagkaloob ng paaralan, mga lugar ng ginagamit

bilang pag-aari ng paaralang distrito, o isang pangyayari o gawain na inisponsor ng

paaralan. Ang Pampublikong Paaralan ng Seattle ay may patakaran ng hindi

16 Tingnan,E-210 Pagsalakay para sa pag-uugali na pagpapasakit na kinabibilangang ng pisikal .

17 Ang nakitang maling pag-uugali sa ilalim ng kasalanang ito ay kailangang magpatala sa at nararapat na makumpleto

ang programa sa pagbabago ng ugali na inaprobahan ng Distrito, lalo na ang pagsali para matuto sa mga kasanayan

para sa pangangasiwa ng galit at away. Ang Disrito ay nagbibigay ng pag-aaral na ito para sa sekundaryang mag-aaral

sa Re-entry na programa.

18 Tingnan, RCW 9.41.010 at 18 U.S.C para sa detalyeng kahulugan ng armas

19 Tingnan,D-410 Mga Laruang Baril at Armas para sa mg alaruan na hindi kamukha ng totong armas.

Mayo 2011 10

TAGALOG

pagpapahintulot ng mga armas. 20 * * * * *

Pakahulugan ng Estado tungkol sa mga mapanganib na armas ay kinabibilangan ng:

nunchucka sticks (isang kadena na nasa pagitan ng dalawang baston); throwing stars (bakal

na hugis bituin na inihahagis sa kaaway); air gun; tirador, sand club; metal knuckles (metal na

inilalagay sa kamay); anumang kutsilyo na ikinakasa, o kinakasa sa pamamagitan ng

paggamit ng lakas, o iba‟t-ibang paraan ng pagkasa, at anumang sandata na dinala ng

palihim. 21

Pakahulugan ng Distrito sa mapanganib na armas ay kinabibilangan ng: anumang uri ng BB na

baril, baril ng pellet, “soft air” na baril o anumang sandata na naglalabas ng anumang uri ng

pellet, tirador, hand club, sandbag, chaco sticks, tubo o bar na ang layunin ay gamitin bilang

panghampas, billy club, black jack, switchblade na kutsilyo, fixed blade na kutsilyo (gaya ng

kutsilyo sa kusina, kutsiyo para sa steak, pangangaso o military na mga kutsilyo na hindi

naitutupi), blowgun, taser gun, mga bala, at pepper gas/spray. 22 Ang kahulugan ng

mapanganib na armas ay kinabibilangan din ng anumang bagay na maaring makapinsala sa

katawan kung ang mag-aaral ay gagamitin ito bilang isang bagay para takutin o makasakit ng

kapwa, o kung walang ibang makatuwirang dahilan sa pagkakaroon ng bagay maliban sa

paggamit nito bilang armas.

Ang laser pen ay ipinalalagay na mapanganib kung ang ilaw ay sinadya na ipinuntirya sa

mata ng iba, kahit na o hindi ito sinadyang makasakit. 23

Sa pagkakaroon ng mga mapanganib na armas, ang karaniwang disiplina para sa unang

pagkakasala ay pang-matagalang suspensyon. Ang administrador ay maaaring pumili na

bigyan ng mas mababa na tamang pagpaparusa dahil sa mga partikular na bagay at

pangyayari. Isang halimbawa, kung ang mag-aaral ay may mapanganib na armas na nasa

kaniyang backpack na hindi nakitaan na ginamit para magbanta o manakot, maaaring

magbigay ang administrator ng mas mababang parusa.

Mga pangyayaring nagpapagaan ay maaaring magbigay-katwiran ng hindi disiplinahin. Mga

halimbawa ng mga pangyayaring nagpapagaan para sa mga sekundaryang mag-aaral ay

kinabibilangan ng:

Ang mag-aaral na “nakitaang may dala” ng armas matapos maalisan ng sandata ang

ibang mag-aaral, at ang armas ay ibinigay kaagad sa isang kawani.

Ang mag-aaral na “nakitaang may dala” ng armas matapos na makita ito sa lupain

ng paaralan o papunta sa paaralan at ang armas ay kaagad ibinigay sa kawani ng

paaralan. Ang mga mag-aral ay hinihikayat na iwan ang kanilang mga armas kung

saan nila ito nakita at sabihan ang kawani ng paaralan kung nasaan ito kaysa

kanilang kunin at hawakan ito.

Ang mga mag-aral na “nakitaang may dala” ng hindi alam matapos na ilagay ng iba

ang armas sa kaniyang ari-arian, at ang armas ay ibinigay kaagad sa kawani ng

makita ang armas. May dapat na makatwirang dahilan na hindi alam ng mag-aaral

na siya ay may armas.

20 “Walang pagpapahintulot sa mga armas”ay nangangahulugan na ang disiplinang pagpaparusa ay ipapataw sa

pagkakaroon ng mga armas, nguni‟t, maliban sa mga sandatang pumuputok, wlang tiyak na parusa ang ipapataw sa

bawa‟t kaso. Higit pa, ang pagdidisiplina ay ipapataw ayon sa pangyayari.

21 Tingnan,RCW 9.41.250

22 Ang pagpapatupad ng patakaran sa mga armas para sa pepper gas/spray ay kinakailangang magawa alinsunod sa RCW

9.91.160. Paunang nakasulat na permiso ay kailangang maibigay sa punong-guro ng paaralan.

23 Sumangguni sa D-110 Nanggugulong Pag-uugali para sa pagwagayway ng laser pen o pakislapin sa paligid ng silid ng

walang pahintulot maliban sa pagpapasaya sa taong winawagaywayan o sa panggugulo sa pamaran ng pagtuturo.

Mayo 2011 11

TAGALOG

Ang mag-aaral sa oras na dumating sa paaralan o gawain sa paaralan ay kusang

ibinigay ang armas na hindi sinasadyang nadala galing sa bahay o kakailanganin sa

trabaho (gaya ng, panghiwa ng kahon para sa mga mag-aaral na nagtratrabaho sa

isang tindahan para mag-ayos ng paninda).

Mga karagdagang halimbawa ng mga pangyayaring nagpapagaan na maaaring isaalang-alang

para sa mga mag-aaral sa elementarya ay maaaring kabilangan ng:

Hindi lubos na naunawaan ng mag-aaral na ang bagay ay isang armas at

samakatuwid ay ipinagbabawal sa paaralan (gaya ng, ang mag-aaral ay inosenteng

nagdala ng armas para sa “Pagpapakita at Pagkukuwento” o naniniwala ang magaaral

na ito ay laruan.)

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi tinitingnan kung

paulit-ulit itong ginawa at kung mayroong magandang dahilan na ang ibang tamang

pagpaparusa o pagpaparusa ay hindi maibibigay. Ang pinaniniwalaang dahilan na ang

ibang paraan ng tamang pagpaparusa ay hindi maibibigay ay kinabibilangan ng:

Grabeng pinsala sa isang mag-aaral o kawani, kahit hindi sinasadya.

Ginamit ang armas sa nakakatakot o sa peligrong paraan.

Nagdulot ng malaganap na takot o kaguluhan sa pagkakaroon ng armas sa

kapaligiran ng paaralang distrito.

E-330 Mga Maliliit na Natitiklop na Kutsilyo 24

Ang pagdadala o pagkakaroon ng natitiklop o pambulsang kutsilyo sa, pag-aari ng paaralan,

transportasyon na ipinagkaloob ng paaralan, mga lugar ng ginagamit bilang pag-aari ng

paaralang distrito, o isang pangyayari o gawain na inisponsor ng paaralan

Para sa layunin ng ganitong kasalanan, ang karaniwang kutsilyo ay maliit at kalimitang gamit

para sa Iskawting at kamping. Ang malaking natitiklop”buck knife”, o malaking Swiss

Army kutsilyo na maraming kagamitan kabilang ang higit sa isang talim na kutsilyo, o

natitiklop na kutsilyo na may talim na ang haba ay nabubuksan ay hindi isang karaniwang

kutsilyo sa nasabing pagpa-pakahulugan.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik o pangmatagalang suspensyon hanggang katapusan

ng semestre para sa unang pagkakasala ng hindi isinasaalang-alang ang patuloy na

pagdidisiplina kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng pagbabago o

parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay. Pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan

ng pagbabago o parusa ay hindi magtatagumpay kung ibibigay ay kinabibilangan ng:

Pagdadala ng natitiklop o pambulsang kutsilyo sa paaralan na maaaring makasakit.

Ang talim ng kutsilyo na mahigit sa 2-1/2 na pulgada ang haba ay ipinalalagay na

maaaring makasakit ng grabe. Ang pagpapatalsik sa unang pagkakasasala ay

maaaring maibigay.

Ang paggamit ng anumang laki ng natitiklop o pambulsang kutsilyo na nagbabanta

o pananakot sa sarili o sa iba. Ang pagpapatalsik sa unang pagkakasasala ay

maaaring maibigay.

Ang pagdadala ng natitiklop o pambulsang kutsilyo sa paaralan para takutin ang

iba, o para sa pansariling kaligtasan sa dahilang ang mag-aral ay tinatakot ng ibang

24 Tingnan, D-410 Mga Laruang Baril at Mga Laruang Armas para sa mga laruan na hindi mukhang tunay

na kutsilyo.

Mayo 2011 12

TAGALOG

mag-aaral, lalo na kung hindi sinabi ng mag-aaral ang kaniyang alalahanin sa isang

kawani ng paaralan. Ang pangmatagalaang suspensyon hanggang sa katapusan ng

semestre ay maaaring igawad sa unang pagkakasala.

Tingnan, E-320 Mga Mapanganib na Armas para sa mga pangyayaring nagpapagaan

na maaaring isaalang-alang rin sa ilalim ng pagkakasalang ito.

E-340 Mga Paputok, Mga Pumuputok, Kemiko, at Mga Gamit na Nakakasunog 25

Ang pagdadala o paggamit ng mga kuwitis, o ng paputok, kemikal, o gamit na nakakasunog

sa pag-aari ng paaralan, transportasyon na ipinagkaloob ng paaralan, mga lugar na ginagamit

bilang pag-aari ng paaralang distrito, o sa mga pangyayari o gawain na inisponsor ng

paaralan.

Ang mga gamit na ito ay kinabibilangan ng, ngunit hindi limitado sa, paputok, sparklers,

umuusok na bomba, o mga mabahong bomba. Ang pampasabog, cherry bomb, M80, bottle

rocket, ibang mga sumasabog, nakakasunog o lason na gaas, o pluma na gaas/gaas na lapis.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik sa unang pagkakasala ng hindi tinitingnan kung

paulit-ulit itong ginawa kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng tamang

pagpaparusa ay hindi maibibigay. Ang pinaniniwalaang dahilan na ang ibang paraan ng

tamang pagpaparusa ay hindi maibibigay ay kinabibilangan ng:

Grabeng pinsala sa isang mag-aaral o kawani, kahit hindi sinasadya

Ginamit ang armas sa nakakatakot o sa peligrong paraan

Nagdulot ng malaganap na takot o kaguluhan sa pagkakaroon ng armas sa

kapaligiran ng paaralang distrito.

E-350 Mga Laruan na Ginamit bilang Armas 26

Ang pagkakaroon at paggamit ng may malisya (nananakot) ng mga bagay na nagpapakita na

maaaring makasakit sa katawan na kung saan ang ibang tao ay naniniwala na ang kaniyang

kaligtasan ay nasa panganib, kasama na ang mga laruan na katulad ng baril gaano man kalaki

nito.

E-400 Pagnanakaw at Paninira

E-410 Panloloob 27

Pagkuha ng ari-arian sa pamamagitan ng pamimilit o pananakot.

E-420 Pagnanakaw

Pagnanakaw sa mga pag-aari ng Distrito o pag-aari ng isang miyembro na kawani, mag-aaral

o bisita ng paaralan.

Kasama dito ang pagnanakaw ng pag-aaring pangkaisipan, tulad ng, pero hindi limitado

25 Tingnan, D-220 Mga paputok para sa pangkaraniwang paputok, bomba ng usok, mabahong bomba, atbp.

26 Tingnan, D-410 Mga laruang Baril at Mga Laruang Armas para sa mga laruan na hindi kamukha na totoong armas.

27 Ang pagkakasalang ito ay kailangang magpatala sa at nararapat na makumpleto para sa pangangasiwa ng galit at away.

Ang Distrito ay nagbibigay ng pag-aaral na ito para sa sekundaryang mag-aaral sa Re-entry na programa.

Mayo 2011 13

TAGALOG

sa ,pagtingin sa o pagkuha ng eksamen ng guro o mga nota para sa eksamen, gawang sining,

anumang ibang pag-aaring pangkaisipan ng guro at mag-aaral.

E-430 Nakawan ang isang lugar

Pumasok ng sapilitan o nanatili sa gusali ng labag sa batas sa isang gusali ng distrito o silid sa

gusali na may balak na magnakaw. 28

Kasama sa pag-aari ay:

Mga ari-arian ng Distrito, guro, mag-aaral o bisita.

Pag-aaring pangkaisipan, tulad ng eksamen ng guro o mga nota

para sa eksamen, gawang sining, o dokumento o bagay ng guro o

mag- aaral.

E-440 Pagkakaroon ng Nakaw na Gamit

Pagtanggap kahit alam na nakaw, pagpapanatili, pag-aari, pagtatago, o pagtatapon ng

anumang ari-arian na ninakaw.

E-450 Malisyosong Kapilyuhan

Sinadya na sirain ang anumang ari-arian ng paaralan o ng bus ng paaralan. Pati na, ang

pagsusulat, pagpipinta, pagguhit, o iba pang sulat na graffiti sa anumang ari-arian ng paaralan

o bus ng paaralan na grabe na ang halaga ng pagtatanggal nito ay lalagpas ng $100.

Kasama dito ang pinsala ng pag-aaring pangkaisipan, tulad ng, pero hindi limitado sa pagsira

o pagwasak sa trabaho ng kawani o ng mag-aaral, kahit na artistiko, nakasulat, o nasa

kompyuter.

Malisyong Kapilyuhan 29 ay isang paglabag na pinsala sa ari-arian, hindi paglabag o pag-atake

laban sa ibang tao.

E-500 Pananakot at Panghihimasok sa mga Maykapangyarihan sa Paaralan

E-510 Nanakot sa Mga Kawani ng Paaralan 30

Hadlangan, o tangkain na hadlangan, ang pagtupad ng mga opisyal na tungkulin ng kawani

ng distrito katulad ng direktang paggamit, sinadya , o nagpakita ng pananakot, lakas, o

karahasan, na kung saan ang kawani ay naniniwala na ang kaniyang kaligtasan o pagiging

ligtas ng kaniyang ari-arian ay nasa panganib.

E-520 Panghihimasok sa Mga Kawani ng Paaralan

Ang panghihimasok sa pagpapatupad sa mga opisyal na tungkulin ng

kawani ng distrito ay:

Paggamit ng lakas o karahasan na hindi sinasadya o hindi para sa kawani, gaya

ng angkain na ipagpatuloy ang away kung pinipigilan na ng kawani ang pag-aaway at

hindi sinasadya na tamaan ang taong iyon, o

28 .Tingnan, E-710 Pumasok ng Walang Pahintulot para sa ibang layunin ng panananatili sa ari-arian ng Distrito o sa

gusali ng labag sa batas.

29 Tingnan, E-250 Pagsalakay o D-315 Pang-aapi para sa kasalanan laban sa isang tao.

30 Ang pagkakasalang ito ay kailangang magpatala sa at nararapat na makumpleto ang programa sa pagbabago ng ugali na

inaprobahan ng Distrito, lalo na ang pagsali para matuto sa mga kasanayan para sa pangangasiwa ng galit at away.

Ang Disrito ay nagbibigay ng pag-aaral na ito para sa sekundaryang mag-aaral sa Re-entry na programa.

Mayo 2011 14

TAGALOG

E-600 Pananakot 31

Hindi pagsunod sa ipinag-uutos ng opisyal ng paaralan na umalis sa paaralan o

maghiwa-hiwalay, o

Kantiyawan o takutin ang mga awtoridad ng paaralan na nagpapatupad sa batas,

gawain, pamamaraan, o palakad ng paaralang distrito na kung saan ito ay

nakakasagabal sa kakayahan na mapanatili ang kaayusan o maisagawa ang kanilang

tungkulin sa batas, kabilang na ang paggamit ng mapang-abuso o napakasamang salita

direkta sa isang kawani ng paaralang distrito at ang paggamit ng anumang

elektronikong pamaraan na ang layunin ay hiyain, siraan, o sirain ang reputasyon ng

kawani ng paaralan.

Pigilan ang imbestigasyon sa pangyayari ng kawani ng paaralan na sadyain

na magsinungaling tungkol, o hikayatin ang iba na magsinungaling

tungkol, sa katotohanan ng insidente.

E-610 Malisyosong Pananakot 32

Malisyoso at sinadyang gawin ang isa sa mga sumusunod na gawain dahilan sa pagtukoy sa

lahi, kulay, relihiyon, ninuno, bayang pinanggalingan, kasarian, kasariang seksuwal, o pagiisip,

pisikal o sensoryong kapansanan:

Pisikal na nakakasakit sa isang biktima o ibang tao.

Pisikal na nakakasira o pagsira ng ari-arian ng biktima o ng ibang tao.

Pananakot sa isang tao o grupo na kung saan ang mga tao, o miyembro ng

bawat grupo, ay may katwirang matakot na sila o ang kanilang ari-arian

ay masasaktan, kabilang ang kanilang karapatan sa isang edukasyon o

kanilang kaligtasan sa paaralan.

Ang Distrito ay tutugon sa talumpati ng mag-aaral na nasa labas ng kampus na nagiging

dahilan o nagbabanta na magkaroon ng malaking kaguluhan sa kampus o paghadlang sa

karapatan ng mga mag-aaral na maging ligtas at makuha ang kanilang edukasyon. Ang

malaking kaguluhan ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa, makahulugang paghadlang

sa instruksiyon, pamamalakad ng paaralan o mga aktibidad ng paaralan, marahas na pisikal o

salitaang pagtatalo sa pagitan ng mga mag-aaral, o isang masamang kapaligiran na

malubhang nakakasagabal sa edukasyon ng mag-aaral.

Ang paglabag sa kasong ito ay maaaring matulad sa kaso ng estado para sa Malicious

Harassment (Malaswang Pananakot). Ang malaswang pananakot ay hindi personal, nguni‟t

nangyayari dahilan sa ang biktima ay nakakaranas ng isa sa nasa itaas na pangyayari.

Tingnan, RCW 9A.36.080.

E-620 Gang/Poot na Gawain ng Grupo 33

31 Ang pagkakasalang ito ay kailangang magpatala sa at nararapat na makumpleto ang programa sa pagbabago ng ugali na

inaprobahan ng Distrito, lalo na ang pagsali para matuto sa mga mga kasanayan para sa pangangasiwa ng galit at

away. Ang Seattle Public Schools ay nagbibigay ng pag-aaral na ito para sa sekundaryang mag-aaral sa Re-entry na

programa.

32 Tingnan, D-310 Pang-aapi, Pananakot at Panggulo kapag ang pananakot ay hindi base sa katayuan o

mga personal na katangian.

33 Ang Safety and Security Department (Departamento ng Kaligtasan at Katiwasayan) ay dapat abisuhan para sa mga

paglabag na kasalanan. Kung kinakailangan, ang Pulisya ng Seattle ay aabisuhan

Mayo 2011 15

TAGALOG

Pagsali sa alinmang itinatatag na gang, hate group, o ibang katulad na organisasyon o grupo

at kilala na sumasali sa gawain ng gang/hate group sa kapaligiran ng paaralan o sa mga

gawain ng paaralan o pagtitipon.

Gang/Poot na Gawain ng Grupo ay kinabibilangan, ngunit hindi limitado sa:

Itinataguyod ang diskriminasyon, tinatakot ang iba, nanghihingi o nangangalap

ng mga miyembro para makasali sa grupo o sa organisasyon.

Paggamit ng graffiti, senyas, salita, kulay, o kodigo na gumagawa ng gulo o

nagtataguyod sa hangarin at layunin ng nasabing grupo, kabilang na ang

paggamit ng elektronikong pamaraan para sa layuning ito na makakaapekto sa

paaralan o pamaraan ng pag-aaral.

Ang mag-aaral ay maaaring mapatalsik o pang matagalang suspensiyon hanggang sa

katapusan ng semestre sa unang pagkakasala ng hindi tinitingnan kung paulit-ulit itong

ginawa kung mayroong magandang dahilan na ang ibang paraan ng tamang pagpaparusa ay

hindi magtatagumpay o may malaking panganib ng nalalapit na karahasan kung walang

madali o karagdagang interbesyon.

Ang magandang dahilan para paniwalaan na ang ibang paraan ng pagtatama ay hindi

magtatagumpay kapag ginawa ay kinabibilangan ng:

Paggamit ng miyembro ng gang ng maliwanag, sinadya, o nakatuon na banta o

pananakot, ng ang mag-aaral o kawani ay naniniwala na siya o ang kanyang

ari-arian ay hindi ligtas.

Paggamit ng miyembro ng gang ng pananakot, lakas, pag-atake, o karahasan para

maipakilala ang gang na ang administrador ay naniniwala na mga mag-aaral at

pamayanan ng paaralan ay nasa panganib.

Marahas na pang-aapi ng miyembro ng gang, kabilang ngunit hindi limitado sa,

pisikal na pag-atake, o pagkuha ng pag-aari mula sa mag-aaral, miyembro ng

kawani sa paggamit ng lakas, mga armas o mga pagbabata.

Ang magandang dahilan para paniwalaan na may malaking pagkakataon ng nalalapit na

karahasan ng walang madali o karagdagang interbensyon ay kinabibilangan ng:

Patuloy na marahas na pagsasalita o pagmumuestra.

Patuloy na kawalan ng pagsisisi para sa karahasan.

Ang gang o hate group ay pinakahuhulugan na grupo ng tatlo o mahigit pa na may

kinikilalang pinuno na palaging nagsasabwatan at kumikilos na magkakasama para

gumawa ng krimen. Suspensyon o pagpapatalsik ang maaaring ipataw na parusa 34

E-700 Pumasok ng Walang Pahintulot

E-710 Pumasok ng Walang Pahintulot

Ang pagpasok o pananatili sa gusali ng paaralan o anumang bahagi ng kapaligiran o ari-arian

ng paaralan na labag sa batas para sa anumang layunin maliban ang pagnanakaw ng ariarian.

35

34 Tingnan, RCW 28A.600.455.

35 Tingnan, E-430 Panloloob para sa walang pahintulot na pumasok na kaugnay ang pagnanakaw ng ariarian.

Mayo 2011 16

TAGALOG

Kasama na rito ang pagpasok sa alinmang pag-aari ng paaralang distrito o pagsali sa

alinmang gawain ng paaralan sa alinmang lokasyon habang suspendido o pinatalsik sa

paaralan.

E-720 Paggamit ng Kompyuter ng Walang Pahintulot, Pakialaman, at Gumagamit sa

Maling Paraan 36

Sinadya na suwayin ang sistema o database ng paaralan o ng Seattle Public Schools.

Kabilang dito, ngunit hindi limitado sa, mga sumusunod na gawain:

Pagnanakaw, sirain, alisin, makialam sa, o pagkopya ng software, sistema, o mga

programa.

Pagsasalin ng virus o ibang materyal na hindi nararapat sa pangunahing

kahalagahan ng edukasyon sa paaralang publiko.

Palitan ang talaan ng paaralan, Distrito, o ng mag-aaral ng walang pahintulot.

Paggamit ng kompyuter ng Distrito o guro ng walang pahintulot.

Paggamit ng proxy site o iba pang Internet site mula sa kompuyter ng Distrito para

maiwasan ang mga tagasala ng Distrito o turuan ang iba kung paano maiiwasan ang

mga tagasala ng Distrito.

Ang paggamit ng mga kompyuter ng Paaralang Distrito ng Seattle at ang paggamit ng

serbisyo ng Internet mula sa mga kompyuter na pinagagamit ng distrito ay pribelihiyo na

maaaring tanggalin ng administrador ng paaralan o distrito sa anumang oras na kakitaan ng

pang-aabuso o paglabag sa patakaran ng distrito. Ang administrador ay kinakailangang

gumamit ng tamang basehan ayon sa edad o baytang ng kaalaman ng mga mag-aaral ng

malaman ang kanilang kakayahan at/o layunin ng mga mag-aaral sa sapilitang paggamit o

malisyosong masira o pagsira ng mga kompyuter, mga sistema ng kompyuter, o data ng

kompyuter.

E-800 Sunog at Maling Babala

E-810 Panununog

Sinadyang sunugin o magdulot ng pagsabog.

E-820 Maling Alarma

Paandarin ang alarma sa sunog na naiiba sa dapat na gamit ng alarma.

E-830 Maling Babala

Maling pagsusumbong ng anumang uri ng bomba o taong may armas sa alinmang bahagi o

gusali ng paaralan, sa kapaligiran ng paaralan, o mga ipinagkakaloob na transportasyon ng

paaralan, o anumang gawain na inisponsor ng paaralan.

E-900 Iba pang Mga Pagkakasala

E-910 Maling Pagbabalita 37

Sinadya at malisyosong pag-uulat ng maling tsismis o paggawa ng tsismis tungkol sa iba na

hindi naman nangyari, kabilang na ang pagkakalat ng malaswang tsismis sa paaralan, sa

36 Tingnan, D-110 Nakagugulong Pag-uugali para paggamit ng kompyuter na hindi sinasadya o kaya ay

hindi umabot sa antas ng Paggamit ng Kompyuter ng Walang Pahintulot

37 Tingnan, D-420 Maling Pag-uulat para sa mga pangyayari na walang malisya

Mayo 2011 17

TAGALOG

kapaligiran ng paaralan, sa ipinagkaloob na transportasyon ng paaralan, o sa gawaing

inisponsor ng paaralan.

Para sa layunin ng kasalanan, ang maling pag-uulat ay magbubunga sa grabeng komplikasyon

para sa taong inakusahan ng mali, kasama na ang maapektuhan ang kanilang legal,

pinansiyal, o kasalukuyang trabaho, o kapurihan, kalusugan, o karapatan sa isang edukasyon.

E-920 Malaswang Pag-uugali 38

Paggawa ng hindi nararapat na seksuwal na kilos, alinman sa mag-isa o sinang-ayunan ng

ibang tao, kasama na ang pakikipagtalik, sex sa bibig, paghawak sa maseselang bahagi ng

katawan, malaswang pagpapakita, o paninilip.

E-990 Iba pang Di-pangkaraniwan na Maling Pag-uugali

Ang pagsali sa anumang gawain na magbubunga ng isang mabigat na krimen (felony) o gross

misdemeanor, o hindi mabigat na kasalanan (misdemeanor) sa ilalim ng batas ng lungsod,

estado, o batas pederal.

Ang mga pangyayari ay dapat lumabag ng isang batas ng Estado at Pederal o Pambayang

kriminal na koda na hindi kasalukuyang nilalaman ng mga kasalanan sa Koda ng

Ipinagbabawal na Kaugalian. Ang paggamit ng kasalanan ay maaaring hindi naayon sa mga

mag-aaral sa elementarya. Tumawag sa Discipline Appeals Office (Opisina ng Pag-aapila ng

Pagdidisiplina) ng malaman kung nararapat ang pagbibigay ng kasalanan para sa nasabing

pag-uugali ng mag-aaral.

MGA KASALANANG PANGDISTRITO

D-100 Hindi Sumunod sa mga Maykapangyarihan sa Paaralan

D-110 Nakagugulong Pag-uugali

Lantaran at nakikialam sa pagtuturo o natutunan sa silid-aralan, gawaing pampaaralan, o

extrakurrikular na mga gawain

Ang nakagugulong pag-uugali ay kinabibilangan, ngunit hindi limitado sa:

Pagsali o pagbibiro ng grabe o wala sa lugar o di-tamang paraan ng paglalaro,

kasama na ang pagbibinyag ng pangalan.

Harangan ang pasukan, pasilyo, o mga hagdanan ng gusali ng mag-isa o nagsamasamang

tao na ang layunin ay manakot o sadyain na guluhin ang normal na daanan

ng iba.

Sinasadya na gamitin ang anumang elektronikong gamit, kabilang na ang teleponong

cellular, na gumugulo sa kapaligiran ng paaralan at o sa mga pagtitipon ng

paaralan.

Ang katibayan ay kailangang magpakita na ito ay nakapinsala sa kakayahan ng miyembro ng

kawani na maitatag o mapanatili ang kaayusan, o ang pag-uugaling ito at may tunay at

matibay na kaugnayan sa pamamalakad ng paaralan.

D-120 Paglabag sa Tuntunin

38 Tingnan, E-215 Seksuwal na Pagsalakay, sa pag-uugali na gumamit ng lakas o pisikal na pananakit.

Tingnan din, D-320 Seksuwal na Masamang Pag-uugali para sa hindi nararapat na mahalay na paguugali.

Mayo 2011 18

TAGALOG

Nilalalabag ang isang partikular, nakalathang tuntunin ng paaaralan. Kabilang na dito ang

paglabag sa mga alituntunin sa bus ng paaralan.

Ang mga tuntunin ng paaralan at bus ng paaralan ay kailangang nakalimbag at ang mga magaaral

ay kinakailangan na may makatwirang pag-asam para malaman ang mga tuntunin ng

paaralan. Ang mga pahayag ng tuntunin na hindi sinunod ay kinakailangan na naisulat sa

Notice of Disiplinary Action (Talaan ng Gagawing Pagpaparusa.)

D-130 Hindi Pagsunod

Lantaran, kusa, o paulit-ulit na hindi pagtupad o pagsunod sa mga itinuturo ng guro o ibang

kawani ng paaralan.

Ang katibayan ay kailangang magpakita na ito ay nakapinsala sa kakayahan ng miyembro ng

kawani na maitatag o mapanatili ang kaayusan, o ang pag-uugaling ito at may tunay at

matibay na kaugnayan sa pamamalakad ng paaralan.

D-200 Ipinagbabawal na Pag-uugali

D-210 Hazing o Pagpapahirap

Pagpapakilala ng mga mag-aaral sa paaralan, grupo, baitang, o opisina sa pamamagitan ng

pagmamalupit, pananakot o sapilitang pagkilos na magiging o maaring maging sanhi ng

pisikal na pinsala, o makasakit ng damdamin o ng lipunan.

Sa hazing o pagpapahirap ang tagapayo ng club, mga coach o tagasanay, at administrador ay

malamang na hindi nasabihan kung ano ang mangyayari at hindi nagbigay ng pahintulot

tungkol sa gawain. Hindi kinakailangang ang pagboboluntaryo ng tagapagpakilala para sa

gawaing ito o ang kakayahan na umalis sa anumang oras. Ang mga ebidensya ng hazing ay

kinabibilangan, nguni‟t hindi limitado sa, alinman sa mga sumusunod na gawain. Hinamak,

kahiya-hiya, o manghiya na pag-uugali o pakikitungo.

D-230 Pagsusugal

Paglalaro ng baraha, beto-beto, o laro ng pagkakataon na may kuwarta o ibang bagay na may

halaga.

D-240 Pagsisinungaling

• Panggagaya ng pirma ng magulang, tagapag-alaga, o kaninumang pirma sa anumang sulat

para sa paaralan o sa anumang dokumento ng paaralan o pormularyo, o anumang

dokumento o pormularyo na ginagamit ng paaralan.

• Baguhin ang mga marka o rekord ng pagpasok sa opisyal na pormularyo ng Distrito,

kabilang na ang mga papeles sa pag-uulat ng pagpasok at mga libro ng marka, sa

kaninumang mag-aaral ng walang pahintulot ng isang opisyal ng paaralan 39

• Pagbibigay ng maling pangalan kapag hiningi ng maykapangyarihan sa paaralan. 40

39 Tingnan, E-720 Paggamit ng Kompyuter ng Walang Pahintulot para sa masamang pag-uugali na may kaugnayan sa

paggamit ng kompyuter.

40 Tingnan, E-520 Panghihimasok sa mga Kawani ng Paaralan kung ang maling pagpapakilala ay balakid sa

makatwirang imbestigasyon sa ibang maling pag-uugali ng mag-aaral

Mayo 2011 19

TAGALOG

• Pagbibigay ng maling impormasyon sa kawani ng paaralan o ang paggaya sa pagsasalita ng

ibang tao o sa pagsulat para magbigay ng mali o nakalilitong impormasyon, tungkol sa

pagpasok ng mag-aaral o pagliban mula sa paaralan, kabilang, ngunit hindi limitado sa,

maling katwiran sa pagliban o payagan ang mag-aaral na maagang umalis sa klase o

paaralan

D-245 Pamamalahiyo

Pandaraya o pagkopya ng gawa ng ibang tao o pagbibigay ng papel ng ibang tao, proyekto,

mga programa sa kompyuter, at iba pa, na para sa sarili.

Kasama sa Pamamalahiyo (Plagiarism)

Paggamit sa mga nakasulat na salita ng may-akda o mga ideya ng walang tumpak

na pagbanggit, o inaayos muli lamang o binabago ang ilang mga salita ng may-akda at

ipresenta ang resulta na sariling trabaho, o hindi paggamit ng panipi kapag sinasabi ang

pinanggalingan.

Hayaan ang ibang tao na sumulat ng inyong papel, programa o proyekto, pati

tanungin ang mga kaibigan, bayaran ang isang tao, gamitin ang isang nagseserbsiyo ng

pagsulat, o kumuha ng impormasyon ng buong-buo mula sa Internet.

Pagkopya sa trabaho ng ilang mag-aaral habang may eksamen, laboratoryo, o

aktibidad sa salid-aralan at pagsumite nito para sa kanya. Ito ay “pandaraya”.

D-250 Paggamit o Pagkakaroon ng mga Produkto ng Tabako 41

Paggamit o pag-aari ng anumang produkto ng tabako ng mag-aaral sa o sa ari-arian ng

paaralang publiko, sa mga bus ng paaralan, at sa mga gawaing inisponsor ng paaralan.

D-260 Pagpapabaya sa Sunog 42

Sindihan ang posporo, lighter, papel o iba pang nakakasunog na materyal na makakasunog sa

silid-aralan, banyo, pasilyo, o ibang lokasyon sa paaralan at madaling napatay ang sunog,

kahit sa paglalaro o sa hindi pag-iingat.

Kasama na rito ang pagsisindi ng posporo o pagsindi ng lighter habang naglalaro kahit na

hindi ito nag- apoy. Ang magpasimula ng anumang nasusunog ay ipinalalagay na panununog

at kailangang maiulat agad sa Kagawaran ng Bumbero.

D-270 Maling Paggamit ng mga Kompyuter 43

Maling paggamit ng mga kompyuter ng paaralan.

Kinabibilangan ito, nguni‟t hindi limitado sa, mga sumusunod:

Panonood sa mga hindi nararapat na lugar ng Internet, gaya ng, pornograpiya.

Ang pagkopya sa internet ng pornograpiya o anumang mga materyal sa

internet na bastos, malaswa, bulgar, nakasasakit, nakatuon sa seks, o bagay na

hindi nararapat na pag-uugali sa pag-aaral sa paaralang publiko.

41. Tingnan,

F08.00 –Kapaligiran –Walang Tabako-

42. Tingnan, E-810 Panununog para sa sinadyang pagsunog o pagpapasabog.

43 Tingnan, E-720 Paggamit ng Kompyuter ng Walang Pahintulot para sa masamang pag-uugali na may kaugnayan sa

paggamit ng kompyuter.

Mayo 2011 20

TAGALOG

Pagtatayo, pagtatago, o pamamahagi ng karapatang-maglathala (copyright) ng

mga software o mga materyal sa kompyuter ng Distrito ng walang pahintulot.

Hindi tamang paggamit ng e-mail o ibang komunikasyon ng internet mula sa

kompyuter ng Distrito, gaya ng para takutin o saktan ang iba.

Ang paggamit ng mga kompyuter na pag-aari ng mga Pampublikong Paaralan ng Seattle at

ang paggamit ng serbisyo ng Internet mula sa mga kompyuter na ipinagagamit ng distrito ay

pribelehiyo na maaaring alisin ng paaralan o ng administrador ng Pampublikong Paaralan ng

Seattle sa anumang oras dahil sa pang-aabuso o paglabag sa mga patakaran ng Distrito.

Kailangang gumamit ng makatarungang pamantayan ang administrador base sa gulang o

kakayahan ng mag-aaral na malaman ang kakayahan at/o layunin ng mag-aaral na kusa o

malisyang ginamit ang mga kompyuter ng Distrito o sistema ng mga kompyuter.

D-280 Graffiti 44

Sadya na pagsusulat, pagpipinta, pagguhit, gasgasan, o iba pa mga marka na inukit, pigura, o

anumang uri ng marka sa alinmang pag-aari ng Distrito, maliban kung ang mag-aral ay

nakakuha ng pahintulot sa isang opisyal na paaralan.

D-300 Panliligalig

D-310 Pang-aapi, Pananakot, at Panliligalig 45

Pagsali sa sinadyang pagsusulat, pagsasalita, elektroniko, o pisikal na pang-aapi, pananakot, o

karahasan na: na ang layunin ay ang panghihiya o paninira sa ibang tao; pisikal na

nakakasakit ng mag-aaral o pagsira ng ari-arian ng mag-aaral; na ito ay malubha, palagi, o

kumakalat, na ito ay nagdudulot ng karahasan o nananakot para sa kapaligirang pangedukasyon;

na naaapektuhan ang kakayahang matuto ng mag-aaral; o naapektuhan ang

karapatan na magturo ng matanda o ayusin ang pag-uugali ng mag-aaral; o maapektuhan ang

maayos na palakad sa paaralan.

Walang kinakailangang pagpapakita na ang mag-aaral ay may katangian na siyang basehan

para sa pang-aapi, pananakot, o panggulo.

o “hubaran ng pantalon” ang ibang tao (kasali sa panunukso ng isang mag-aaral na

nasa elementarya) 46

o Pagsasagawa ng manakot sa email, pananakot, at panliligalig sa kapaligiran ng

paaralan, sa oras na may gawain sa paaralan, sa mga bus ng paaralan, o sa oras ng

klase.

Ang Distrito ay tutugon sa talumpati ng mag-aaral na nasa labas ng kampus na nagiging

dahialn o nagbabanta ng malaking kaguluhan sa kampus o humahadlang sa karapatan ng mga

mag-aaral na naging ligtas at makuha ang kanilang edukasyon.

D-315 Seksuwal na Panliligalig 47

Sinasadyang panliligalig sa iba para sa seksuwal na dahilan o sa isang malaswang paraan na

hindi ginusto, paghawak, o pasabi na kung saan ang taong iyon ay hindi komportable,

naliligalig, o natatakot sa ikinikilos.

44. Tingnan, E-450 May Malisyang Kapilyuhan para sa graffiti na ang pagkakasira ay nagkakahalaga ng mahigit sa $100.

45. Tingnan, E-610 May Malisyang Panankot para sa manliligalig o pananakot na pag-uugali base sa pinangangalaang klase o

kalagayan. Tingnan din, RCW 28A .300.285

46. Tingnan, E-215 Seksuwal na pagsasalakay para sa” panghuhubad ng pantalon” na mga pang-uugali ng mga nakakatandang

mag-aaral.

47.Para sa mga grabeng kaso, tingnan ang E-610.

Mayo 2011 21

TAGALOG

Ang seksuwal na paliligalig ay kinabibilangan ng paggamit ng mga salita na masagwa o

mahalay para sa layuning manligalig ng ibang tao, o pagbahagi ng nakasulat na mga

materyales na tungkol sa seks, o pagbahagi ng elektronikong larawan ng isang hubad na magaaral

o ng isang maselang bahagi ng nakahubad na mag-aaral sa iba sa paaralan kahit na kung

saan ginawa o uploaded ang larawan, kasama, pero hindi limitado sa „sexting”.

D-320 Hindi Tamang Sekswal na Kilos

Pagsali sa hindi nararapat na malisyang pag-uugali sa iba na hindi nakakatulong sa kapaligiran

ng pag-aaral sa isang paaralan.

Ang malisyang pag-uugali ay kinabibilangan ng paghalik o kapwa paghawak sa maselang

bahagi ng katawan.

D-330 Hindi Tamang Paghawak sa Isang Bahagi ng Katawan 48

Panghihipo o hindi nararapat na paghawak sa pribadong parte ng katawan

ng iba ng mga mag-aaral sa elementarya.

Para sa layunin ng pagkakasalang ito, ito ay hindi kasali ang walang layunin

o aksidenteng paghipo, katulad ng kung ang isang tao ay itinulak sa isang tao ng

ibang tao.

D-340 Pasalitang Pagsalakay o Pakikipag-away 49

Sa paggamit ng mga salita na nakasasakit, nakakapinsala, hindi magandang pagkilos,

nakagagalit, o nakakahiya, kasama sa mga ito ang mga salitang bastos o bulgar, at pagtawag

ng pangalan na hindi nararapat.

D-400 Iba pang mga Kasalanan

D-410 Mga Laruang Baril at Mga Laruang Armas 50

Pagkakaroon ng laruang baril 51 o iba pang laruang armas na hindi kamukha ng tunay na baril

o armas; o kamukha ng tunay na baril o armas, ngunit hindi ginamit o ipinakita ng may

malisya.

D-420 Maling Pag-uulat 52

Pagtsitsismis o pangbibintang sa iba ng hindi tamang nangyari.

Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na sabihin ang anumang pangyayari na mapanganib na

makakaapekto sa kalusugan at kaligtasan ng iba, kahit na ang pagsusumbong ay minsang

isinasaalang-alang na sumbungera o kung pagkatapos ay nakitaang hindi tama. Ang

kasalanang ito ay lantarang pagsisinungaling.

48 Tingnan, E-215 Seksuwal na Pagsalakay para sa mas grabeng asal o hindi tamang asal ng paghipo para sa nakatatandang mga magaaral.

49. Tingnan, E-240 Pagbabanta ng Panggugulo para sa kapani-paniwala, nakapokus na pagbabanta na panggugulo.

50. Tingnan, E-300 para sa mga paglabag sa mga tunay nab aril at armas, o mga laruan na ginamit ng may malisya.

51. BB-gun at iba pang pellet na baril ay mga Delikadong Armas. Tingnan, E-320 para sa paglabag sa mga armas na ito.

52. Tingnan, E-910 Maling Pag-uulat para sa mga insidente may malisya o pagkakalat ng malisyosong tsismis.

Mayo 2011 22

TAGALOG

KASABWAT SA GAWAIN

Tandaan po na ang ang kodigo ng pag-uugali na ito ay nilabag, at maaaring disiplinahin, kung ang

isang mag-aaral ay kasabwat ng ibang tao sa paggawa ng kasalanan. Ang mag-aaral ay kasabwat ng

ibang tao kung kanilang alam na ito ay magtataguyod o mapapadali ang masamang pag-uugali na

siya ay (1) manghingi, mag-utos, manghikayat, o humiling na ang taong iyon ay gawin ang

masamang pag-uugali, o (2) tumulong o pumayag na tulungan ang ibang tao sa pagpapaplano o

paggawa ng masamang pag-uugali. Ang mag-aaral ay hindi kasabwat kung siya ay biktima o ang

pakikipagsabwatan ay tinapos bago gawin ang masamang pag-uugali at nasa oras na babala ang

ibinigay sa mga opisyales ng paaralan na ang masamang pag-uugali ay mangyayari. Kung ang magaaral

ay ginawa ang mga kasabwat na gawain, ang kasabwat ay makakasuhan ng parehong

kasalanan ng pangunahing aktor sa paggawa, na may palatandaan na ang mag-aaral na nagkamit ng

kasalanan ay kasabwat.

ASAL SA LABAS NG KAMPUS

Ang pagdidisiplina ay maaaring ibigay para sa maling gawain sa labas ng kampus kung ang

disiplina ay makatarungan sa ilalim na mga pagkakataon at may malapit na kaugnayan sa proseso

ng pag-aaral. Ang mga sumusunod na panuntunan ay dapat gamitin kung ang maling pag-uugali ay

sapat ang kaugnayan sa proseso ng pag-aaral:

(1) Lugar ng maling gawain (lapit sa paaralan o gawain sa paaralan);

(2) Oras at petsa ng maling pag-uugali (sa oras ng pasok, ngunit sa labas ng kampus;

malapit sa bago o pagkatapos ng oras ng pasok; sa transportasyon na inisponsor ng

distrito, tuwiran bago o pagkatapos umalis sa transportasyon na inisponsor ng distrito,

sa panahon ng pangyayari na inisponsor ng paaralan);

(3) Ang epekto sa ibang kasali o biktima ng maling pag-uugali (ang maling gawain ba ay

kinasasangkutan o naka-apekto sa ibang mag-aaral o kawani ng paaralang distrito);

(4) Kalubhaan ng maling pag-uugali at ang malapit na kaugnayan sa kaligtasan ng magaaral

o kawani ng paaralang distrito (gaya ng, pakikipag-away, o iba pang mga marahas

o nakakasirang kilos, pagbebenta ng pinamahalaang sangkap, o pagkakaroon ng

sandata) at

(5) Lawak ng kung paano ang gawain sa labas ng kampus ay nakaapekto sa kapaligiran ng

paaralan (gaya ng, natatakot ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan o natatakot sa

paaralan sa dahilang ito; ito ay nakakagulo sa kapaligiran ng paaralan na ang espesyal

na pag-iingat at pagkilos ay dapat gawin para mapangalagaan ang mga mag-aaral at

kawani; ang pag-aayos ng gawain ay ginawa sa kampus ngunit ginawa sa labas ng

kampus, katulad ng pagbebenta ng gamot, pag-aaway o pagsalakay, atbp.; o may

maaaring epekto tulad ng ang mga mag-aaral mula sa ibang paaralan o hindi mag-aaral

ay pumunta sa kampus para makaganti.)

(6) Ang Distrito ay tutugon sa talumpati ng mag-aaral na nasa labas ng kampus na

nagiging dahilan o nagbabanta na magkaroon ng malaking kaguluhan sa kampuso

paghadlang sa karapatan ng mag-aaral na maging ligtas at makuha ang kanilang

edukasyon. Ang malaking kaguluhan ay kinabibilangan ng, pero hindi limitado sa,

makahulugang paghadlang sa instruksyon, pamamalakad ng paaralan o mga aktibidad

ng paaralan, marahas na pisikal o salitaang pagtatalo sa pagitan ng mga mag-aaral o

isang masamang kapaligiran na malibhang nakasasagabal sa edukasyon ng mag-aaral.

MGA ALITUNTUNIN NG PAARALAN

Karagdagan pa sa mga tuntunin ng distrito sa itaas, ang bawat paaralan ay gumawa at namahagi sa

bawat mag-aaral ng mga tuntunin na mamamahala sa pag-uugali ng mag-aaral sa isang partikular

Mayo 2011 23

TAGALOG

na paaralan. Kapag ang mag-aaral ay hindi sumunod sa mga tuntuning ito ng paaralan, siya ay

maaaring disiplinahin. Tingnan, D-120 Paglabag ng Alituntunin, sa itaas.

PAMANTAYAN SA GAGAWING PAGDIDISIPLINA

Inirekomenda na pamantayan sa gagawing pagdidisiplina para sa mga Di-pangkaraniwan na Maling

Pag-uugali at para sa Mga Kasalanang Pangdistrito ay kalakip at kasama sa Koda ng Ipinagbabawal

na Pag-uugali. Ang mga pamantayan sa gagawing pagdidisiplina ay kasama sa School Board Policy

D 71.00 tungkol sa pagsulong na pagdidisiplina.

PAGPAPATIBAY NG MGA ALITUNTUNIN NG LUPON NG PAARALANG SEATTLE

Ipinatupad ng Lupon ng Paaralang Seattle ang mga alituntunin na ito noong Hunyo 2011. Ang

Pampublikong Paaralan ng Seattle ay sumusunod sa matibay at pamamalakad ng pamaraan sa karapatan

na ginagarantiya ng Tanggapan ng Superintendente ng Pampbubilong Instruksiyon sa ilalim ng RCW

28A.600.015. Tingnan, WAC 392.400. Ang kopya ng mga alituntunin ay maaaring hilingin sa

pagtawag sa Discipline Appeals Office sa 206-252-0820 o kunin sa internet ang alituntunin sa

http://apps.leg.wa.gov/WAC/default.aspx?cite=392-400

KATARUNGAN AT PAGSUNOD NA PATAKARAN

Ang Mga Pampublikong Paaralan ng Seattle ay nagbibigay ng Pantay na Pagkakataon sa Pag-aaral at Trabaho ng walang

patungkol sa lahi, pananampalataya, kulay, relihiyon, edad, angkang pinagmulan, bayang pinanggalingan, estado sa

buhay, kasarian, oryentasyong sekswal, pagkakakilanlan sa kasarian, pagbubuntis, katayuan ng matrimonyo, mga

pamilyang may mga anak, beteranong natiwalag na may karangalan, estado sa militar, pisikal na kaanyuan, o mental ,

pisikal o pandinig na kapansanan.

Ang Distrito ay sumusunod sa lahat ng naaangkop na batas ng Estado at Pederal na kinabibilangan, ngunit hindi limitado

sa, Titulo IX, Titulo VI ng Civil Rights Act, Section 504 of the Rehabiltation Act, RCW 49.60 “Ang Batas Laban sa

Diskriminasyon,” at sumasaklaw, ngunit hindi limitado sa, lahat ng programa ng Distrito, mga kurso, mga gawain,

kasama na ang mga extra-kurrikular na gawain, mga serbisyo, makagagamit ng pasilidad, at iba pa.

Ang Titulo IX na Opisyal at ang Tagapangasiwa ng 504 na may pangkalahatang pananagutan para magmonitor, magsuri,

at masiguro na sumusunod sa patakarang ito ay: Manager, Office of Equity and Compliance, MS 33-157, P.O. Box

34165, Seattle, Washington 98124-1165. Telepono: (206) 252-0024. Ang mga indibidwal na naniniwala na sila ay inapi

laban sa alinmang sa Distritong pang-edukasyonal o mga gawaing sa trabaho ay maaaring magharap ng sakdal ng

reklamo sa panloob na pang-aapi sa Tanggapan ng Katarungan at Pagsunod ng Distrito

Mayo 2011 24

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!