03.01.2015 Views

UNIVERSITY of CALIFORNIAFILIPINOJOU RNAL • VOLUMETWO

UNIVERSITY of CALIFORNIAFILIPINOJOU RNAL • VOLUMETWO

UNIVERSITY of CALIFORNIAFILIPINOJOU RNAL • VOLUMETWO

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

U N I V E R S I T Y o f C A L I F O R N I A

F I L I P I N O J O U R N A L • V O L U M E T W O

K A R A Y O M

at

S I N U L I D

K A R A Y O M

at

S I N U L I D

iniaalay sa kinabukasan ng mga

Filipin@s / Filipin@ - Amerikanos

na nasa mas mataas na edukasyon

University of California

BERKELEY

University of California

LOS ANGELES

Filipino Journal

Volume TWO

Konsepto

Althea Marie Robes Contreras

Alvin David

Jan Tristan Arroyo Gaspi

Lupon ng mga Editors

Althea Marie Robes Contreras

Alvin David

Cher Krista Padua

Jan Tristan Arroyo Gaspi

Jed Pizarro-Guevara

Lean Bayle DeLeon

Paula Tayag

Snow Picardal

UCLA Staff

Brandon Reilly

Edwin Cruz

Lay-Out

Al Robinson Jamiro Marquez Lopez

Zarrin Madelene Pareja

Paglalathala

Dominic K. Laeno

The journal is published by SSEAS 149 (Advanced Filipino Class) with

assistance from the UCLA Center for Southeast Asian Studies and the

UC Berkeley Center for Southeast Asian Studies.

ito ay isang produkto ng © zepolla layout

Talaan ng Nilalaman

Paglalarawan Manunulat Pahina

Unang Bahagi: SEDA *** 1

Nasaan ang Pagmamahal // Snow Picardal 2 - 3

Where is the Love

Salamin Laurice Braña Gango 4

Isang Awitin Matt Bataclan 5

Upa Althea Contreras 6

Pangako Melissa Medina 7

“Sunglasses” Christine Ilagan 7

Tagalog Poem Maristelle Castro 8

Susi Casandra Satingin 8

Swing Aizel Agustino 9

Ang Nobela The Choice Michelle Loria 10

“Luv Stori” Al Robinson Jamiro Marquez Lopez 10

Ikalawang Bahagi: MAONG *** 11

Gaya-gaya Putumaya:

Isang Komentaryo Tungkol Cher Krista Padua 12 - 15

sa Telebisyon at Media ng Pilipinas

CHANGE, change, Jan Tristan Arroyo Gaspi 16 - 21

o “keep the change ... “

Tubig Debbie Cheng 22 - 23

Sister Stella L: Tungkol sa Brandon Reilly 24 - 26

Peminismo at Relihiyon sa

Pilipinas

Pag-iiba Phillip M. Cortes 27

“Posas” Nicolette Geluz 27

Pagtatagpo Joy Regullano 28 - 29

Kuking Kontest Jan Tristan Arroyo Gaspi 30 - 31

Rizal at Hostos:

Nasyonalismo sa Marilola Perez 32 - 33

Dalawang Bansa

Ang Kaugnayon ng

Kapaligiran at Edwin Cruz 34 - 39

Ekonomiya ng Albay

“buntong-hininga” Alvin David 40

Ang Batang Nakasuot Ng Jocel Ross Ramos Rivera 41

Kamiseta na Kulay Rosas

“Pugad Baboy” Dominic K. Laeno 42

Kung Paano Maging Isang Kevin Pascua 43 - 44

Tunay Na Filipino

Proposityon Otso-Otso Lean Bayle DeLeon 45

Patinig Jed Pizarro-Guevara 46

Ang Tamang Pag-kain Paula Tayag 47

Ang Tatay Ko Mira Yuzon 48

Padala: Panimulang Pag-aaral

sa Pampulitikang Gracielou Abalos 49

Ekonomiya ng Pilipinas

“Isang Bagsak” Zarrin Madelene Pareja 50 - 52

Mahalaga ang Kalusugan Heidi T. Tuason 54 - 57

ng mga Kababaihan sa Pilipinas

Ikatlong Bahagi: BALAT *** 58

Bangungot Norver Trinidad 59

Inay Nicki Nario 60 - 61

Ang Mga Bata Paulo Salta 62

Bigas Cecille Reyes 63

Stickers Rosauro Hernandez 63

Ako si Sarimanok Laurie Bailon 64

Ngiti Kathrina Wardrip 64

5th Symphony Marthina Cinco 65

Tilapia Jeannette Deano 65

Piano Iana Diesto 66

Gabi Eunice Gopez 66

Stethoscope Karen Eula Molina 67

Ang Aking Dagat Aileen Kim 67

Bagyo Clyde Villacisneros 68

Ang Aking Itim Na Tsinelas JC Alhambra 68

Kung Paano Magsimula Eugene Lloyd Lapid Pascual 69

ng PCN

Ika-apat na Bahagi: KOTON *** 70

Kape Albert Ayson 71

Journal Poem Jacob Delmundo 71

Ang Alamat ng Mga Bituin Kristine Guanzon 72

Bistek na Perpekto Catherine Start 73

Snowboarding John Haag 74

Paraan Upang Matutong Christian Abitan 74

Mag-Skateboard

“Pugon” Chelsea Anne Largoza 75

Beach Towel John Paul Quiocho 75

Alamat ng Lindol at Jan Tristan Arroyo Gaspi 76

Chu-Na-Mee

Pagkain sa Kalye Natalie Estrella 77

Paglangoy Nino-Pierre Galang 78

Tagumpay Raquel Espinosa 78

Bahay Sabrina Hamm 79

Pawikan Byron Mazire 79

Anim na Minuto John Bacolores 80

Tubig Michelle Tio 80

Puno ng Mansanas Anjelica Mendoza 81

Pamilya ng Mangga Stephen Cruz 81

Boba Grace T. Boone 82

Tango Brian Villa 82

“Ang Pawikan” Byron Mazire 83

Sibuyas Jacob Delmundo 84

Hilaw na Mangga Chona Ocampo 84

Alien Jamielyn Fong 85

Aileen Kim

Aizel Agustino

Al Robinson Jamiro Marquez Lopez

Albert Ayson

Alvin David

Althea Contreras

Anjelica Mendoza

Brandon Reilly

Brian Villa

Byron Mazire

Casandra Satingin

Catherine Start

Cecille Reyes

Chelsea Anne Largoza

Cher Krista Padua

Christian Abitan

Christine Ilagan

Chona Ocampo

Clyde Villacisneros

Debbie Cheng

Dominic K. Laeno

Edwin Cruz

Eugene Lloyed Lapid Pascual

Eunice Gopez

Grace T. Boone

Gracielou Abalos

Heidi T. Tuason

Iana Diesto

Jacob Delmundo

Jamielyn Fong

Jan Tristan Arroyo Gaspi

JC Alhambra

Jeannette Deano

Jed Pizarro-Guevara

Pasasalamat

NANGUNGUNA SA LAHAT

Guro Joi Barrios

MGA MANUNULAT:

Jocel Ross Ramos Rivera

John Bacolores

John Haag

John Paul Quiocho

Joy Regullano

Kathrina Wardrip

Karen Eula Molina

Kevin Pascua

Kristine Guanzon

Laurie Bailon

Laurice Braña Gango

Lean Bayle DeLeon

Maissa Vives

Marilola Perez

Maristelle Castro

Marthina Cinco

Matt Bataclan

Melissa Medina

Michelle Loria

Michelle Tio

Mira Yuzon

Natalie Estrella

Nino-Pierre Galang

Nicki Nario

Norver Trinidad

Paula Tayag

Paulo Salta

Phillip M. Cortes

Raquel Espinosa

Rosauro Hernandez

Sabrina Hamm

Snow Picardal

Stephen Cruz

Zarrin Madelene Pareja

Pinahabang pasasalamat para sa mga sumusunod:

COMPASS

[COMMITTEE FOR PHILIPPINE STUDIES]

DEPARTMENT OF SOUTH AND SOUTH-

EAST ASIAN STUDIES AND SEAS FACULTY:

PROFESSORS JEFF HADLER,

PENNY EDWARDS and SYLVIA TIWON

for their continued support for Filipino

language at UC BERKELEY

DR. BARBARA GAERLAN

DEPUTY DIRECTOR

PROFESSOR ALEXANDER von ROSPATT

CHAIR

UC BERKELEY

CENTER FOR SOUTHEAST ASIAN STUDIES

UCLA

CENTER FOR SOUTHEAST ASIAN STUDIES

Pagbati

Taos-pusong pagbati sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng California

Berkeley at Los Angeles!

Magandang balita para sa mga kapwa ko guro at manunulat sa Pilipinas

na maging ang mga Filipino American na tulad ninyo ay nagsusulat sa

wikang Filipino. Lubusan kong ikinasiya na nabasa ng ilan sa inyo na nasa

Advanced Filipino class ang mga akda ng grupong Katha, at kayo man ay

sumusubok na ring lumikha ng mga tula, kuwento, dula, at sanaysay na pumapatungkol

sa inyong mga karanasan, nagsasalamin sa inyong kultura, at

naglalahad ng mga suliraning panlipunan.

Kung maipagpapatuloy ninyo ang ganitong gawain, makakapagambag

kayo sa lalo pang pag-unlad ng panitikang diaspora na nasusulat sa

wikang Filipino sa Estados Unidos. Bukod dito, uunlad din sa kabuuan ang

wikang Filipino dahil mapapayaman ito ng karanasan ninyo bilang mga Filipino

Amerikana/o na naninirahan sa inyong bansa.

Ikinararangal kong nitong nakaraang mga taon ay nagkaroon ako ng

pagkakataon na magsalita kapwa sa UC Bekeley at UCLA, at nabisita rin ang

inyong klase. Saksi akong ang mga mag-aaral sa inyong mga unibersidad ay

may tunay na hangaring higit na maunawaan ang wika, kultura, at lipunang

Filipino. Dahil dito, sa tuwing may umaabot sa aking balita tungkol halimbawa

sa inyong matagumpay na kilos-protesta para sa pagtaas ng matrikula,

o kaya ay sa inyong malikhaing pagpapalit-anyo sa katutubong sayaw ng

tinikling, hindi ko maiwasang makita ang pagkakaugnay ninyo sa aking mga

estudyante dito sa Pilipinas at sa sabayang kilos-protesta rin dito hinggil sa

mga karapatan ng mga mag-aaral.

Nawa’y patuloy ninyong ipaglaban ang inyong karapatan para sa

libreng pampublikong edukasyon. Mabuhay kayo sa lahat ng inyong pagpupunyagi!

Rolando B. Tolentino, Ph.D.

Dean, College of Mass Communication

Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Founding Chair, Katha Fictionists’ Group

Paunang Salita

Althea Marie Robes Contreras

Jan Tristan Arroyo Gaspi

Sa pagsusulat ng mga tula, sanaysay,

at maiikling kuwento, patuloy na

hinahabi ng mga hiyang at matatas na magaaral

ng Unibersidad ng California- Berkeley

ang mga kuwentong kultural, pulitikal,

sosyal, at personal na sumasalamin sa iba’t

ibang mukha ng mga Pilipino mula sa apat

na sulok ng mundo. Gamit ang mga impormasyong

nakalap at masusing pagmamasid,

iniuugnay ng mga mag-aaral ang mga ito sa

kanilang mga karanasan, upang makalikha

ng mga mumunti ngunit makapangyarihang

mga obra.

Ang paglikha sa mga obrang ito

ay maihahambing sa pananahi. Gamit ang

sinulid at karayom na iniuugnay sa sariling

pananaw, kapaligiran, paniniwala, o

opinyon, unti-unting binuburda ng mga

manunulat ang mga tela ng kanilang

mga buhay. Bawat isa ay naatasan ng

kanya-kanyang uri ng tela, kaniya-kaniyang

situwasyon sa buhay. Ang mga akda sa

aklat na ito ay nahahati sa apat na uri ng

tela: seda, maong, balat, at koton. Ang Seda

ay isang uri ng magaang tela na presko sa

panahon ng taginit at nagbibigay ng init sa

panahon ng taglamig - parang pagibig. Ang

mga akdang nabibilang sa grupong ito ay

nagpapahiwatig ng mga mensahe tungkol

sa sarap at sakit na dulot ng pag-ibig.

Sinusundan ito ng Maong, na kinabibilangan

ng mga akdang tungkol sa mga isyung

sosyal. Ang maong ay isang uri ng tela na

ginagamit sa paggawa ng pantalon, isa sa

mga bagay na hindi kailanman nawawala

sa uso. Ang pagbabago-bago ng usong

klase ng disenyo nito, ay kumakatawan sa

mga pagbabago sa pananaw ng mga tao

ukol sa mga isyung sosyal na pumapaligid

sa ating mga buhay. At katulad ng telang

maong, magpabago-bago man ang mga

disenyo nito, ang mga isyung sosyal ay hindi

nawawala sa uso, nananatili, at nakakasama

natin kasabay ng paglipas ng panahon.

Balat naman ang pangatlong pangkat na

sumasalamin sa mga akdang tungkol sa

mga alaala. Ang balat ay kilala sa pagiging

matibay at pinaniniwalaang ang mga ito ay

hindi natitinag ng apoy, parang mga alalala

natin na ayaw nating pakawalan o kalimutan.

Ang tibay ng balat ay maihahambing

sa katigasan ng ulo. Kahit na nagbibigay na

ng sakit ang mga alaalang nabanggit, hindi

pa rin tayo natututong kumawala sa mga

ito. Ang huling kabanata ay ang Koton. Ang

koton ay isang klase ng tela na malambot at

presko. Kasama sa grupong ito ay ang mga

bagay na kahit simple ay nagbibigay ng kasiyahan

at inspirasyon sa ating mga buhay. Bawat

burda sa mga nasabing tela ay sumisimbulo

sa mga piling desisyon, napagdaanang

karanasan, at nakalap na karunungan.

Sa pagpapatuloy ng krusada ng

mga mag-aaral upang ipahiwatig ang

kanilang mga saloobin gamit ang malilikot

na isipan, inahahandog ng mga klase ng Tagalog

1B, Tagalog 100B, at Southeast Asian

Studies 149 ang “Karayom at Sinulid”. Mula

sa “Stateside Sinigang” noong isang taon,

ang “Karayom at Sinulid” ay isang patunay

na patuloy na hinahabi ng mga mag-aaral

ang kasaysayan ng mga Pilipino, sa tulong

ng kanilang mga mumunting ngunit makapangyarihang

mga obra.

Unang Bahagi

SEDA

1

Nasaan ang Pagmamahal

translation by Snow Picardal, UCB ‘10

Ano ang nangyayari sa mundo, Inay

Mga tao’y namumuhay ng parang

walang Nanay

Palagay ko’y buong mundo’y naaddict

sa drama

Attracted lang sa mga bagay na nagdadala

ng trauma

Overseas, sinusubukan nating ihinto

ang terorismo

Pero meron paring teroristang nakatira

dito

Ang CIA, ang Bloods and the Crypts,

at ang KKK

Pero kung pamamahal mo’y para

lamang sa sariling lahi

Nagbibigay ka lang ng pagkakataong

manlait

Ang panglalait na nagdudulot ng

pagkasuklam

At kung ika’y nasusuklam, siguradong

mauuwi sa pagkamuhi

Kabaliwan ang iyong pinapakita

At diyan eksakto nabubuo ang galit

Dapat may pagmamahal para maituwid

Ikontrol ang iyong isipan at magnilay-nilay*

(magmeditate)

Hayaan ang iyong kaluluwang

bumuo*ng pag-ibig

2

Tao’y pumapatay, tao’y namamatay

Kabataa’y nasasaktan at naririnig

mong umiiyak

Nagagawa mo ba ang mga pinapangaral

mo

O nais mong ilingon ang kabilang

pisngi*

(meaning: responding to an aggressor

without violence)

Ama, Ama, Ama tulungan mo kami

Patnubayan Mo kami mula sa itaas

Dahil sa mga tao’y napapatanong

ako

Nasaan ang pagmamahal

Nasaan ang pagmamahal

Nasaan ang pagmamahal

Nasaan ang pagmamahal, mahal,

mahal

original lyrics by the Black Eye’d Peas

What’s wrong with the world mama

People livin’ like ain’t got no mamas

I think the whole world addicted to the

drama

Only attracted to things that’ll bring ya

trauma

Overseas, yeah, we try to stop terrorism

But we still got terrorists here livin’ in

the USA

The big CIA, the Bloods and the Crypts

and the KKK

But if you only have love for ya own

race

Then ya only leave space to discriminate

And to discriminate only generates

hate

And when ya hate then you’re bound

to get irate, yeah

Madness is what ya demonstrate

and that’s exactly how ANGER works

and Operates

Man, you gotta have love just to set it

straight

Take control of your mind and meditate

Let your soul gravitate to the love y’all,

y’all

Where is the LOVE

Chorus:

People killin’ people dyin’

Children hurtin and ya hear them cryin’

Can you practice what you preach

Or would you turn the other cheek*

FATHER FATHER FATHER help us

Send some guidance from above

‘Cuz people got me got me questionin’

Where is the love

Where is the love

Where is the love

Where is the love, the love, the love

3

Salamin

by Laurice Braña Gango, UCB ‘10

Hugis-bulaklak ang salamin

sa aking kamay.

Matagal nang ito’y nasa akin.

Binantayan ako nito

Hanggang ako’y lumaki at nagpalit-anyo.

Nahuli niya akong tumitingin sa salamin.

Nahuli ako ng kanyang pansin.

Nakita niya ako

Katulad ng isang salamin.

Lahat-lahat,

Buong-buo.

Ngunit ayaw ko sa kanya,

Kaya nabasag ang salamin.

Lumipas ang pitong taon.

Nakita ko ang totoo.

Nakita ko ang kalalim-laliman

ng aking sarili.

Sa wakas bumalik siya sa aking buhay.

Ngayo’y makikita lamang ang sarili,

Kapag siya ay nasa aking tabi.

4

Isang Araw

isang awitan by Matt Bataclan, UCB ‘10

Isang araw, babalik din ako

Isang araw makikita ko ulit kayo.

Sana magkatotoo ito

Talagang miss na miss ko na yung

kinalakihan ko.

Isang araw, pagdating ko,

Sana maintindihan nyo.

Pasensya na, ngayon lang ako nakabalik

dito

Kung kaya ko lang sana, hindi naging

ganito.

Di ko naman ‘to pinili

Ngunit dito ako dinala

Di ko naman ‘to ginusto

Pero di ako susuko

Ok lang naman

Pana-panahon lang yan

Basta sa Diyos ako umaasa

Na isang araw, lahat ng gusto ay

muling makasama.

Isang araw pagbalik ko dyan

Akong bahala, ako naman ang balikbayan

Asahan nyo sagot ko yung inuman

Basta sagot ninyo ang kwentuhan at

tawanan.

Ok naman itong buhay sa states

Nakakapagod, parang palaging nagmamadali

Di katulad sa atin na patambay tambay

lang sa tabi-tabi

Pero sanay na ako kaya hindi na bale.

5

Upa

akda ni Althea Contreras, UCB ‘12

Papapasukin kita

Nang walang susi.

Papayagang tumira

nang walang upa.

Munti lang ang aking tahanan.

Higit na makulay ang bahay ng iba,

Mas marikit ang mga bintana,

Mala-kastilyong mga bubong,

At mala-haciendang mga hardin.

Subalit bakit tahanan akong iyong takbuhan

Kung bubong nya ang sinisilungan

Bakit ka nga ba pinatuloy

Nang hindi nagbabayad ng upa

Bakit walang napapala

Kundi dusa

Kung singilin kaya kita ng halaga,

Malaman kaya

Kung mas matimbang kaysa sa kanya

6

Pangako

by Melissa Medina, UCB ‘11

Ang aking Singsing,

Maganda, Mahal, Nanginginingning.

Maliit ang singsing,

Pero malaki ang pangako,

Sa pagitan ng dalawang tao.

“Sunglasses”

by Christine Ilagan, UCB ‘11

Sa sunglasses ng aking gunita,

Ito’y mahal, pula, at maganda.

Nakikita ko ang alon ng dalampasigan sa San Diego,

nararamdaman ko ang buhangin sa paa ko,

naalaala ko ang ating unang halik,

at ang iyong nawalang pag-ibig.

7

Kuwarto

by Maristelle Castro, UCB ‘12

Sa kuwarto ng aking gunita,

Nalalasahan ko ang galit,

Naririnig ko ang mga luha,

May basag na puso sa lupa.

Susi

by Casandra Satingin, UCB ‘11

Mayroon akong dalawang susi,

Isa para sa gusali,

At isa para sa aking apartamento.

Palaging nawawala ang mga susi,

Minsan, nasa pintuan

Minsan, nasa ilalim ng kama.

Isa lang ang susi sa aking puso

Pero nawala mo nang ika’y lumayo.

8

Swing

by Aizel Agustino, UCB ‘10

Nasa playground tayo.

Tinutulak mo ako sa swing.

Tahimik ang hangin.

Tinutulak mo ako,

Palakas nang palakas.

Umaakyat ako,

Pataas nang pataas.

Mahangin na ngayon.

Nakikita ko ang maraming puno.

Napakataas.

Nakakatakot.

Gusto ko nang bumaba,

Ngunit tulak ka nang tulak.

Pabalik-balik, taas-baba.

Hindi mo ako marinig,

Wala akong sinabi.

Iniwan ko ang damdamin ko sa iyo,

Sa swing.

9

Ang Nobela The Choice

by Michelle Loria, UCB ‘12

Sa The Choice ng aking gunita,

May isang kuwento ng romansa.

Naririnig ko ang yakap ng dalawang tao.

Nalalasahan ko ang mga ngiti at tawanan.

Nakakalimutan ko

Ang kahirapan ng buhay.

“Luv Stori”

by Al Robinson Jamiro-Marquez Lopez , UCB ‘11

Tignan mo ako, ang araw at bukas

kislap ng mata, ang tinig ng kotse

sabi mo ... ‘paano na tayo’

Pakinggan mo, ang lakas ng alon

sigaw ng puso at ang tapang ng dila

sabi ko ... ‘ayokong sumukob.’

Pakiramdam ko, ‘di mo ako naiintindihan

tama sila, ‘wala ka’ng kuwento’

at nandito ako dapat sabihin sa yo ...

tama na.

10

Ikalawang Bahagi

MAONG

11

Gaya-gaya Putumaya:

Isang Komentaryo Tungkol sa

Telebisyon at Media

ng Pilipinas

by Cher Krista Padua, UCB ‘11

“Imitation is the best form of flattery,” ika nga nila. Subalit minsan ay

nakakalimutan natin na may pagkakaiba ang pang-gaya (imitation) sa pagnakaw

(borderline stolen). Noong kabataan ko, ang mga popular na palabas

sa Pilipinas ay orihinal katulad ng Pangako Sa Yo, Esperanza, Mula Sa Puso,

at marami pang iba. Sigurado ako na noong kapanahunan ng lola ko at lola

ng lola ko ay mas marami pang orihinal na likhain ang mga artista sa Pilipinas

katulad ng mga direktor na si Eddie Romero at Gerardo De Leon. Sa mga

panahong ito, habang ako’y nanonood ng telebisyong pang Pinoy tulad ng

TFC o GMA, minsan minsan ay may makikita akong mga palabas na ginaya

lamang sa palabas ng mga ibang bansa. May mga palabas na nanggaling ang

inspirasyon sa mga bansa sa kanluran, katulad ng Pinoy Big Brother, Deal or

No Deal, at Rosalinda. Galing naman sa East Asia ang Lovers in Paris, Ako si

Kim-Samsoon, Full House, at kung ano ano pa. Ang telebisiyon sa Pilipinas ay

dinadagsa ng mga palabas na hindi ipinapakita ang tunay na kahusayan ng

mga Pinoy para makaisip ng sarili nilang orihinal at nakapupukaw na materyal.

Ang pag-impluwensiya ng ibang bansa sa medya ng Pilipinas ay

hindi makabago. Sa simula ng 1900s, naipakilala sa Pilipinas ang konsepto

ng vaudeville. Ang isang Filipino entertainer na nanggaling sa Amerika

ang nagpatayo ng kauna-unahang kompanya ng “vaudeville,” na mamaya

ay binansagang bodabil. Ang mga pinaka-popular na bodabil acts

sa kasalukuyan ay ang katulad nina Dolphy at Pilita Corrales.Ang popularidad

nila ay nagsisilbing patunay ng saklaw ng impluwensiya ng kulturang

Amerikano o banyaga sa “entertainment media” ng Pilipinas.

Katulad nito, sa kasalukuyan ay labis labis ang impluwensiya ng East Asia

sa medya ng Pilipinas. Maaaring sabihin na ang lahat ng ito ay maiuugnay sa

pagiging popular ng F4. Naaalala ko noong mabilis na sumikat ang Taiwanese

boyband na F4 dahil sa kanilang drama na Meteor Garden. Palibhasa’y nagustuhan

ng maraming tao ang ganitong tipo ng telebisyon, umapila ang dalawang

major channels sa gusto ng masa. Naalala ko pa noong nanalo si Hero Angeles sa

12

Star Circle Quest at ginawang ka-love team niya ang Korean import na si Sandara

Park. Magsimula dito, inangkop na ng GMA at ABS-CBN itong bagong trend ng

“all things Asian” upang lamang maka-akit ng tagapanood at tumaas ang ratings.

Hindi lamang konsepto, kundi pati na ang mga espesipiko

Naiintindihan ko ang konsepto ng pagkopya ng isang popular na

produkto upang maisalaysay and kuwento ng mas mabuti para sa mga

manoonood. Gayon lamang, mayroon yung pagangkop ng konsepto para

maibagay sa manoonood, at mayroon naman yung ginagaya ng husto lahat

ng aspeto nitong produkto. Ito ang eksaktong nangyayari dito sa pagkopya

ng mga Pinoy sa mga programang pang telebisyon ng mga Koreano at ng

mga ibang bansa.

Isang halimbawa ay ang adaptation ng Korean telenovela na Full

House. Bago ko sinimulang panoorin ang bersyon na ipinapalabas sa Pilipinas

ay napanood ko na ang orihinal. Marahil napanood ko na ang orihinal kaya

naman madalas habang pinanonood ko ang Tagalog version ay nararanasan

ko ang pakiramdam na tinatawagang “deja vu.”

Hindi lamang ito pag-aalala ng parehong storyline. Sa halip, ito ay ang

pag-saksi ng mga parehong linya, mga parehong akson at reaksyon, mga

parehong pananalita, at pati na rin ang pag-gamit ng mga sound effects na

partikular sa East Asian television . Lahat ng aspeto ng orhinal na bersyon ay

inulit at kinopya sa duplikadong bersyon.

Anong nangyari sa OPM

Isang magandang at maipagmamalaking aspeto ng mga lumang Tagalog

soap opera ay ang pag-gamit ng Original Pilipino Music o OPM para sa kanta nito,

o theme song. Sino ba naman ang makakalimot ng kilalang-kilalang kantang ito:

Para bang ang lahat ay walang hangganan

Dahil sa tamis na nararanasan

Kung mula sa puso, ay tunay ngang ganyan.

Paano naman itong kanta ni April Boy Regino:

Esperanza

Kahit pa kay bigat

Ang pagsubok na nasa ’yong balikat

Di maglalaon, araw mo ay sisikat

13

14

Katotohanan ang magaganap

Esperanza

Sa pagsulat ko ng mga kantang ito, natantandaan ko ang aking kabataan

at kung gaano ako namangha sa mga pinanonood ko sa telebisyon

noon. Sa gayong dahilan ako nag-aalala para sa mga kabataan ngayon. Sa

kasalukuyan, madalang na ang paggamit ng mga palabas ng OPM bilang

theme song. Ang opening music na ginagamit ng nabanggit ko kaninang palabas

ay hindi tumataglay ng parehong katangian tulad ng OPM. Para bang

ito ay “East-Asianized.” Puwede itong marinig sa iba’t ibang palabas sa Taiwan,

Korea, o Japan; pero hindi ito karaniwang maririnig sa isang Tagalog soap opera.

Ito ay purong instrumental, at ang pangunahing tono ay tinutugtog sa

electrical keyboard. Hindi maririnig ang dati-rating tunog ng grand piano at

violin (minsan full orchestra) at ang maramdaming birit ng ating magagaling

na mang-aawit. Ang pandramang epekto (dramatic effect) ay nawala na sa

theme song at pinalitan ng mas-cute na tunog na hindi lamang maririnig sa

simula, kundi pati na sa mga sound effects na ginamamit sa buong TV show.

Kung kaya mo, kaya ko rin.

Itong panggaya ng mga produkto ng East Asia ay hindi lamang eksklusibo

sa telebisyon, kundi pati na rin sa ibang aspeto ng pang-araw araw na buhay.

Malaki ang impluwensiya ng media. Kaya kung ano ang ipinapakita nito na sikat

o “in,” ginagaya din ng masa. Hindi kabigla-bigla na malaki ang market sa Pilipinas

para sa mga produkto at ng East Asia, magmula sa Hello Kitty bags at “cutesy”

na mga damit, hanggang sa make-up na makikita sa maraming artista ng East

Asia. Kung paano manamit at umasta ang mga regular at tanyag na tao sa Korea

o Taiwan ay ginaya ng mga sikat na artista sa Pilipinas. Anupa’t gagayahin din ito

ng masa upang makasama sila sa bagong “trend” – ito ang masasabing “trickledown

effect.” Gaano karami na bang miyembro ng publiko ang makikitang nakasuot

ng damit na sikat sa Japan, o umaasta na parang sila ay Korean Lahat

ng ito ay resulta ng panggaya ng Philippine media sa mga malalapit na bansa.

Globalization

Mangyari pa, hindi lamang sa mga malalapit na bansa kumukuha ng

ideya ang medya sa Pilipinas. Pati na din sa mga “pop culture” ng mga bansa sa

kanluran katulad ng USA at Mexico. Walang diperensya maging anuman ang

kategorya ng palabas kahit man palabas tungkol sa mga totoong pangyayari

(“reality shows”), “game shows,” at pati na rin mga soap opera. Ang Rosalinda

ay isang Mexican soap opera na nagtatampok kay Thalia, isang aktres popular

hindi lamang sa Mexico pero pati na din sa buong mundo. Ang orihinal na Rosalinda

ay naipalabas noong 2000 at ito ay naging isa sa mga pinaka-popular

na telenovela sa Pilipinas. Samakatuwid, hindi kataka-taka na nagpalabas na

rin sa wakas ang Pilipinas ng telenovala halaw sa orihinal. Ang I Love Betty La

Fea ay salin naman sa orihinal na soap opera sa Colombia na nangangalang

Yo Soy Betty La Fea at ang sumunod na bersiyon ng Amerika na Ugly Betty.

Dahil ginagawang mga pangunahing karakter ang mga bantog na artista o

mga sikat na “love teams,” hindi kagulat-gulat na mataas ang “ratings” ng mga

ito at marami ang araw-araw umaabang sa harap ng kanilang mga telebisiyon.

Bukod doon, marami sa mga nagbabagong palabas sa Pilipinas ay

hango sa mga popular sa Amerika. Kakaiiba ito sa mga nakukuha sa Asian

at Latin Amerika na palabas dahil karamihan ng mga adaptadong palabas

ay “reality” o “game shows.” Dahil sa mga ito, nagkaroon ang Pilipinas ng

mga sikat na palabas tulad ng Kapamilya Deal or No Deal, Pinoy Big Brother,

at The Singing Bee. Katawatawang hindi nila tinatago ang kanilang panggaya

– kinopya at pinanatili nila ang pamagat pero nilagyan nila ng “personal

touch” (sariling katangian) tulad ng Kapamilya o Pinoy. Para bang pinapakita

na ito ay kakaiba sa pinagkopyahang palabas. Malamang may kakaiba nga sa

dalawa, pero ang konsepto at ang ideya ay naggaling parin sa ibang imahinasyon

at komposisyon.

Hindi naitatanghal ng mga produktong ganito ang ubod ng talento

na nananatili sa Pilipinas. Ang kinahahangganan lamang ay kopyang produkto

na minsan ay hindi maaaring sabihing mas mahusay sa orihinal.

Hindi ko sinasabi na ang mga Pilipino ay tumutulad lamang sa

ibang bansa. Sa kanilang mga ginayang palabas ay nagawa naman nilang

malagyan ng kanilang sariling orihinal na tatak (stamp of originality).

Sa Full House, nag-dagdag sila ng mga karakter na hindi kasama sa orihinal

para lamang pang-patawa (comic effect). Ang Pinoy Big Brother naman

ay patuloy na nagpapakita ng pagdiwang ng kakaibang kultura ng Pilipinas.

Subalit ang mga ideyang ito ay hindi pa rin orihinal o sariling-gawa.

Hindi ko kinasusuklaman ang mga produkto ng East Asia. Sa katunayan,

isa din ako sa mga tagahanga at marami na akong napanood na

Taiwanese at Korean drama. Ang bumabahala lamang sa akin ay ang malimutan

nating kung gaano karaming talento mayroon ang Pilipinas sa paglikha

ng sarili nilang sanaysay at komposisyon na hindi napulot sa iba.

Hindi ko kinahihiyang pag-usapan ang mga lumang soap opera katulad ng

Esperanza, at ninanais ko na hindi din mawalan ng oportunidad ang henerasyon

ngayon para ipagmalaki ang iba’t ibang kakayahan ng mga Pilipino.

15

16

CHANGE,

change,

o “keep the change ...”

byJan Tristan Gaspi Arroyo, UCB ‘11

“Pagbabago ang ihahatid ng aking adminstrasyon sa ating bayan

kapag ang inyong likod ang ilalagay ninyo sa balota sa darating na eleksyon.”

Ito ang pauit-ulit na isinasambit ng bawat kandito mapa-administrasyon man

o mapa-oposisyon.

Salitang pagbabago o CHANGE ang numero unong salitang bukambibig

ng bawat pulitiko mula pa noong panahon ng yumaong Cory Aquino.

Pati na nga rin si Pangulong Obama ng Amerika ay nakisabay na rin sa tugtugin

ng temang Change na nadagdagan pa ng, “Yes we Can!” Isama na rin

natin si Bro. Eddie Villanueva na walang kamatayang isinisigaw “Bangon Pilipinas,

Bangon!”

Ayon sa isang diksyunaryo sa internet, ang salitang pagbabago ay

maging kakaiba. Kung ipagtatabi ang salita at ang kahulugan nito, tila napakadali

at napakadaling gawin. Sa puntong ito, dito na nagkakasubukan ang

bawat politiko. Kumbaga sa boksing, nasa tunay na ring na ang labanan.

Apat na “magagaling” na administrasyon na ang nagdaan at nangako

ng pgababago mula nang mapatalsik ang yumaong diktador, subalit ang

malaking tanong dito ay kung nakita ba talaga ang sinasabing CHANGE ng

mga mulat na mata ng 4.3 milyong Pilipino, ayon sa National Statistical Coordination

Board, na namumuhay sa ilalim ng poverty line. Siguro, kung tatanungin

mo ang isang empleyado ng call center sa Makati, kahit lagyan pa ng

EyeMo ang kaniyang mga mata, ay isang malaking HINDI ang kaniyang sagot

at ang nasabing CHANGE ay nagmistulang isang salita na tulad ng beeper,

napaso na ng panahon. Sa nalalapit na eleksyon, maraming kandidato ang

may potensyal na gawing buhay at may diwa ang salitang CHANGE, pero

meron din namang sablay at mga trapong masarap ilagay sa berdeng recyle

bin.

Sa kakatapos na pagtitipon ng mga kandidatong naglalayon na

pamunuan si Juan Dela Cruz noong ikalawa ng Disyembre, nakita ng taong

ayan kung sino ang may “K” at wala na gamitin ang salitang CHANGE. Simulan

natin sa mga hindi handa o sa madaling salita kulelat sa walong kalahok.

“Show me the Manny!!!” Kapansin-pansin ang hindi pagsipot ni Manny Villar

sa mga mahahalagang forum at ang pinakahuli ay ang nasabing pagtitipon.

Manny, nagawa na iyan ng DaKing noong nakaraang eleksyon. Paano naman

mapapninindigan ang salitang CHANGE kung sa simpleng pagsipot ay sunod

sa yapak ng yumaong hari. Pagdating sa korupsyon, mas sariwa pa sa isdang

kabibingwit pa lamang ang kaniyang kinalalagyan, dahil sa kontrobersyal na

proyekto sa C5. Lumang tugtugin na iyan Ginoong Manny. Kung sa simula

pa lamang pinuputakti na ng kontrobersiya tungkol sa korupsiyon ang isang

kandidato, ano pa kaya kapag siya ay nahalal. Magkakaroon ba tayo ng ZTEthe

sequel Kung ganito lamang ang kahahantungan, nasaan ang pagiging

kakaiba Nasaan ang sinasabing pagbabago Kaya Manny, keep the change.

“Ilagay natin ang ating Panginoong Diyos sa sentro ng ating pamumuhay

at ibalik ang moralidad sa pamahalaan.” Dalawa sa mga kalahok ang

nagbigay ng tugutuging ito, si Bro.Eddie na hindi pa rin natatauhan matapos

matalo noong nakaraang eleksyon, at isang bagito sa pulitika na abogado at

pamangkin ni Richard Gordon, si ginoong JC. Mula sa pambungad hanggang

sa pagtatapos, ito ang kanilang tema na tunay naman naglalahad ng pagbabago.

Subalit, ang konsepto ukol sa paghihiwalay ng simbahan at gobyerno

ay magiging malaking usapin kapag isa sa kanila ang mahalal. Alam ng

nakararami na si Bro Eddie ang siyang namumuno sa religious group na Jesus

is Lord Movement at di mapagkakaila na malaki ang impluwensya ng mga

pananaw ng grupo sa kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo. Kapag siya ang

mahalal maaaring mawala ang kasarinlan ng gobyerno na akma sa porma

nito. Totoong maganda at may potensyal ang pinaghuhuhutan ni Bro Eddie.

Subalit ang pagiging sangkot niya sa isang religious group ay hindi wasto sa

maraming aspeto. Siya ba ay magakakroon ng gabinete na pinangungunahan

ng mga miyembro ng kaniyang religious group Kung ganito ang mangyayari,

malaki ang posibilidad na makulong ang pamahalaan sa idelohiya ng

Jesus is Lord at tuluyan nang mawawala ang pagiging bukas ng gobyerno

sa iba pang mga ideya at opinyon. Ito ay isang pagbabago, subalit sa maling

landas na hindi kailangan ng kasalukuyang kalagayan ng ating bansa.

Pangalawa, bihasa rin siya sa ating konstitusyon, dahil sa halos na mga katanungan

na sa kaniya ay ibinato, may kasagutan siyang mula sa konstitusyon.

Siguro para na ring magpakitang gilas na may ibubuga rin siya sa pulitika. Oo,

alam ni Bro ang batas; alam din iyan ng kaniyang mga katunggali. Sa pagasapatupad

gamit ang karanasan sa pulitika ay ang punto na kung saan ang mga

kandidato magkakasubukan at sa tingin ko salat pa si Bro sa aspetong iyon.

17

Sa madaling salita, ang kayang ibigay ni Bro Eddie ay change, pagbabago na

may potensyal sa maling panahon at pamamaraan.

Halos sinasalamin ni Ginoong JC ang pananaw ni Bro Eddie maliban

sa mga sandaling kapunapunang malapitang pagtangis habang sinasambit

ang mga hinain laban sa kasalukuyang administrasyon. Karagdagan pa rito

ay ang paputo-putol na pangungusap na pinagigitnaan ng uhm..uuu..uhm.

Mga kasagutang binabalot ng walang kasiguraduhan. Atty. JC, did you do

your homework Siguradong talo ang kaniyang kaso, kung siya ay nasa korte

noong kapanhunang iyon. Ang hatol sa batang abugado, “homework now,

change later.”

Kung comedy bar ang hanap ninyo, dapat nasa UST auditorium kayo

at pinanood ninyong magala- Allan K ang totoy bibong si Joseph Ejercito Estrada.

Nagmistulang pampalubag tensyon ang dating presidente. Ang pinaka-“highlight”

ng gabing iyon ay nang tanungin si Erap, “aling bisyo niyo po

ang hindi niyo kayang isakripisyo” Ala, literal na nagbingibingihan si Estrada,

siguro nga mahina na talaga ang pandinig, pagbigyan. Biglang banat naman

ng artistang pangulo, ang paglilingkod sa bayan, lalo na ang mga mahihirap.”

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga madla. BOLERO! Paano makapaghahandog

ang isang indibidwal kung siya ay namumuhay sa mundo ng “cliché”.

Totoong nakakapagpasaya si Erap ng mga tao , subalit hindi ang Malacanang

ang tamang lugar para sa kaniya, kundi ang ABS-CBN o GMA. Kung bukal

man sa kalooban ni Erap ang paglilingkod, magtayo na lamang siya ng isang

foundation na makapagpapatupad ng kaniyang mga personal na adhikain.

Ang kaniyang maikling pagsisilbi sa bayan ay nakapagdulot ng malaking

problema sa bayan, mula sa paghina ng ating salapi sa merkado, hanggang

sa paglaganap ng iligal ng jueteng. Kung si lola Basyang ang nanood marahil

nasambit niya na, “Ang kapal naman ng apog nire he.” Siguradong nakapagpasaya

si Erap ng maraming tao noong gabing iyon at siya ay siguradong

pasado sa audition para sa sequel ng Kokey at hindi sa pagkapangulo. Siya’y

bingiyan na ng pagkakataong mag-CHANGE noong 1998, subalit ang ginawa

niya ay, “Chavit, keep the change.” Kung sinabi ni Susan Roces kay GMA, “You

stole the presidency not just once, but twice!” hindi na ako magdadalwang

isip kung sabihin ng madla kay Erap na, “Hindi mo lang kami ginagago nang

isang beses, but TWICE and more to come.”

18

Okay, ang susunod kong tatalakayin ay si Nicanor Perlas. Okay, kaniyang

pinagmamalaki na nakita niya ang mga kabalukutan ng mga nakaraang

administrasyon at may nakita na siyang solusyon, ang titulong Pangulong

Perlas. Okay, nakasentro ang mga adhikain niya sa kalikasan at may deta-

lyado siyang balangkas para sa mga programa nito. Okay…Okay…Okay…

Ang bawat kasagutan niya ay sinisimulan ng OKAY. Hindi ba nakaririndi sa

pandinig. Kung kakalimutan ang kasanayan ni Ginoong Perlas sa pagsambit

ng Okay, siya ay kakikitaan ng konting potential. Bagamat, hindi masyadong

kilala, maraming taong nagsilbi si Ginoong Perlas sa iba’t ibang ahensya ng

gobyerno. Mula rito, inihandog niya sa madla ang kaniyang mga kakaibang

progresibong. Dahil sa kakulangan sa oras, hindi nabigyan ng pagkakataon si

Ginoong Perlas na ibahagi ng pinung-pino ang kaniyang mga adhikain. Ang

kaniyang karanasan at pagiging mulat sa mga kakulangan ng mga administrasyong

nakaraan ang magsisilbing sandigan ng kaniyang kampanya at hindi

makinarya na sandalan ng dalawang kandidatong susunod na tatalakayin.

Nakalulungkot mang isipin, si Ginoong Perlas ay ang namumukod tanging

hindi mapalad na masama sa listahan ng mga kandito sa pagkapangulo sa

balota sa di malamang kadahilanan. Ang may potensyal na maisakatuparan

ang CHANGE ay pinagkait ng karapatang tumakbo ng mga taong bulag sa

diwa ng tunay na demokrsya.

Numero uno sa SWS survey at Pulse Asia ang kapatid ng echoserang

showbiz talk show host at anak ng simbolo ng demokrasya, na pinutakti ng

coup’d etat noong siya’y pangulo. Iyan si Noynoy Aquino, ang paborito ng

nakararami dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya, pangalan, at kasaysayan.

Teka, nawawala ata ang karanasan at nagawa sa bayan. Siyam na taon

sa mababang kapulungan at tatlong taon sa mataas na kapulungan nanungkulan

ang pinakamamahal na Noynoy. Ahem, may nagawa ka bang kapakipakinabang

sa bayan WALA!!! Mabuti pa si Raplh Recto, na hindi man lamang

naghahangad ng posisyon gusto mong makamit, naisapatupad niya and

EVAT na nagsalba sa ating naghihingalong ekonomiya. Si Mar Roxas, na mas

karapatdapat na tumakbo sa pagkapresidente, ay walang habas ang pagtulak

sa Healthcare Bill. Nasaan ang isang lehitimong batas o bill na puwedeng ipgamalaki

ng isang Ninoy, maliban sa siya ay anak ng yumaong Cory Aquino

Idagdag pa natin ang isyu ng Hacienda Luisita. Bilang isang inbibidwal na

may pinanghahawakang kapangyarihan sa gobyerno, walang naibigay na

tulong si Noynoy, bagkus kaniya pang sinisi ang mga nagwewelgang manggagawa

gamit ang dahilang baluktot at hindi katanggap-tanggap na may

bahid ng pagporotekta sa interes ng mga kamag-anak at may kaya.

Sa nakaraang forum, magaling sumagot si Noynoy Aquino, subalit

hindi konkreto ang kaniyang mga solusyon. Punung-puno ang kaniyang mga

talumpati ng bagay na narinig na o pampatay oras lamang. Sa makatuwid,

hindi kabilib-bilib ang pagpapakita ng ating kaibigang Noynoy noong gabing

iyon. Sa madaling salita, kahit isa siya sa mga nasabing handa, mayroon

19

20

pa ring kakulangan na kailangan bigyan ng pansin.

Maaring makapagbigay ng pagababago sa pamamaraang pagbubuklod

ng bayan, subalit batay sa mga impormasyon na nalalaman ng

taumbayan tungkol kay Noynoy, ang nakaririmamrim na sandali ay ang

nakaambang problema na sabay-sabay nating pagbagsak dahil sa mga taong

nakapalibot kay Noynoy Aquino, na magmimistulang puppet ng kaniyang

partido at ng maimpluwensya niyang kapatid. Marahil, sa unang araw

ng kaniyang pagkapangulo ay bumulaga sa ating mga telebisyon ang THE

BUZZ-the daily Malacanang update. Kung pagbabasihan ang track record ni

Noynoy, ay siguro, “Change yourself first, then CHANGE your beloved inang

bayan.”

Bar top notcher, nag-aral sa Harvard, at pambato ng pinakamalaking

partido pulitikal sa bansa, iyan si Gilbert “Gibo” Teodoro. Marami ang

nagsasabi na si Gibo ang pinaka-kwalipikadong kandidato para sa pagkapangulo,

at ako ay suma-sangyon dito. Ang primerang batayan dito ay ang

malakas na pagpapakita ni Gibo sa mga forum na inilulunsad ng iba’t ibang

institusyon. Kitang-kita ang pagiging hiyas at matatas ni Gibo sa kaniyang

mga kasagutan. Hindi lamang lohikal ang kaniyang mga soluyson, sapagakat

ideyal at makatotohanan ang kaniyang inalalahad. Bilang isang kalihim ng

Tanggulang Pambansa, si Gibo ang nakakaalam ng tunay na problema ng

ating bayan sa pangkasalukuyan. Katulad na lamang nang itinanong sa kaniya

kung anong dapat gawin ng gobyerno ukol sa massacre sa Maguindanao.

Lahat ng kandidato ay sumagot na kalasin ang mga private armies, na sinangayunan

naman ni Gibo. Subalit, pinunto niya ang tunay na problema, ang

kakulangan ng mga sundalo, at para matugunan ang suliraning ito, inimungkahi

niya na taasan ang nakalaang budget para sa Tanggulang Pambansa.

Dito makikita na mulat ang mata ni Gibo para sa mga pangmatagalan na mga

solusyon. Naipakita niya rin ito sa pamamagitan ng mga kaniyang programa

kabilang dito ang naglalayon na mapababa ang korupsyon sa hanay ng mga

military. Kung naipakita niya na may kakayahan siyang baguhin ang sistema

ng isang departamento ng gobyerno, hindi mapagkakaila na may potensyal

si Gibo na gawin ito sa ating bansa.

Hindi popular na kandidato si Gibo sa taumbayan, sapagakat siya ay

manok ng isang kinasusuklaman na administrasyon. Subalit isang malaking

katangahan ang ibase ang isang desisyon dahil lamang sa mga superpisyal

na impormasyon katulad nito. Ang kaniyang mga kasagutan ay sumasalamin

na alam ni Gibo ang kaniyang ginagawa, may panininindigan, at di magpapaimpluwensya

sa mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na kung ito ay labag

sa kaniyang mga paniniwala. Nabanggit niya sa forum na, hindi niya isasakripisyo

ang pangalang iningatan ng kaniyang mga magulang para lang sa

pansariling interes ng ibang tao. Ang karakter at talino ni Gibo ang kailangan

ni Juan Dela Cruz . Si Gilbert Gibo Teodoro ang isa sa mga kandidato na may

potensyal na gawin ang CHANGE na matagal na nating hinahanap-hanap.

“Ang pagbabago ay dapat magsimula sa ating sarili, bago ang bayan.”

Ito ang tema ni Senador Dick Gordon na sumasagot sa kung paano maisasakatuparan

ang pagbabagong gustong mangyari ng kaniyang mga katunggali

sa simple, posible, at makatotohanang paraan. Nagawa na niya ito noon

sa Subic nang siya ay alkalde pa ng lugar. Ipinatupad niya ang iba’t ibang

batas trapiko at naisaayos din niya ang sistema ng kalakalan sa lungsod. Sa

madaling salita, nadisiplina niya ng mga taong kaniyang pinamumunuan. Napaunlad

din niya ang kaniyang kinasasakupan na nagbunga ng pagganap sa

isa sa mga APEC meetings sa Subic at Expo Philippines. Tanda ito na kinilala

ng iba’t ibang bansa ang mga programa at mga bunga nito. Bilang isang kalihim

ng turismo, inilunsad ni Gordon ang WoW Philippines. Iniba ng programang

ito ang Pilipinas sa mata ng mga banyangang turista. Sa kasalukuyan

ang pagdagsa ng mga Koreyano sa Pilipinas ay isang matibay na ebidensya

ng tagumay ng programang ito. Kung nagawa ni Richard Gordon ang mga

bagay na ito, siguradong may kakayahan siya na gawin ang mga ito at ihawig

ang Pilipinas sa tagumpay ng Suibic bilang isang presidente.

Sa mga nasambit ukol kay Dick Gordon, hindi maipagkakaila na isa siyang

tipo ng pulitiko na hindi puro salita, kung hindi puro gawa. Si Dick Gordon ay

may potensyal na baguhin ang pananaw ng mga tao sa mga kasalukuyang

pulitiko na nangangako pero lagi namang napapako.

Sa nalalabing panahon ng kampanya, tila hindi pumapanig ang takbo

ng mga pangyayari at oras sa mga napiling kandidato na sina Nicanor Perlas,

Gilbert Teodoro, at Dick Gordon. Una, ay ang pagakakdiskwalipika ni Nicanor

Perlas, at pangalawa ay ang pagiging kulelat ni Gibo at Gordon sa pinakabagong

mga survey.

Gumising na tayo mga Pilipino, maging mulat tayong lahat sa tunay

na pangangailangan ng ating bayan. Gusto ba natin ng CHANGE, kulangkulang

na change, o keep the change forever

21

Tubig

by Debbie Cheng, UCB PhD

Halos bente porsiyento ng mga tao sa kalakhang Maynila ang walang

tubig. Noong 1997, nag-privatize ang sistemang pantubig, at ibinigay

ng gubyerno ang dalawang kontrata sa mga pribadong konsesyoner para

magbenta ng tubig. Bago iyon, hindi nakapagbigay ng serbisyo ang lumang

pampublikong sistema sa kalakhang Maynila. Mas malakas at katiwatiwala

ang bagong sistema, pero mas mataas din ang presyo. Ito’y mas mahusay

para sa ilang mga mahihirap na tao ngayon, pero may iba na hindi

kayang magbayad ng taripa. Samantala, kumikita ang Manila Water, isang

konsesyoner, ng maraming pera. Bumagsak ang ibang konsesyoner, tulad

ng Maynilad, pero binili ito ng iba at naging mahusay ang negosyo nila.

May mga maliit na sistemang pantubig din sa ilang mga barangay. Mayroon

silang sariling pinagmumulan ng tubig, o bumibili sila ng tubig mula sa Manila

Water o Maynilad. Sa parehong kaso, bumubuo ang komunidad – sa halip

ng mga konsesyoner – ng sistemang pantubig. Minsan, pag-aari ng kooperatiba

ang sistema, kaya puwedeng tumulong ang mga residente sa mga desisyon

tungkol sa tubig. Sa kasong ito, mas gusto ng ilang residente ang maliit na sistema

kaysa ang sistema na mga konsesyoner. Kung gustong pumasok ng konsesyoner

sa barangay, maglalaban ang mga kooperatiba at ang mga konsesyoner.

Sa ibang barangay, ang mga negosyante ang may-ari ng sistemang

pantubig, at dito, pinakamataas ang taripa. Karaniwan, hindi gustong pumasok

ng konsesyoner dahil masyadong mahirap ang mga tao dito at hindi

kapaki-pakinabang ang lugar na ito. Sa kasong ito, nagtutulungan ang

mga maliliit na sistema at ang konsesyoner, pero nagdurusa ang mga tao.

Hindi malinaw ang mga relasyon sa pagitan ng mga konsesyoner, mga

maliliit na sistemang pantubig, mga residente, gobyerno, at mga NGOs. Hindi

rin maliwanag kung ano ang mas mabuting sistemang pantubig para sa iba’t

ibang komunidad. Sang-ayon ang lahat sa kanilang mga kagustuhan at mga

benepisyo ng iba’t ibang sistema. Gayon pa man, sa palagay ng marami, mas

mahusay at mas moderno ang sistemang konsesyoner. May karapatan ang mga

tao na tumanggap ng tubig, pero may karapatan din silang pumili ng sistema.

22

About me:

Ipinanganak at lumaki si Debbie sa Makati, Philippines, at nag-aral siya sa

International School Manila. Estudyante siya ng PhD sa Energy and Resources

Group. Ang pananaliksik niya ay tungkol sa sistemang pantubig sa Maynila.

Kailan lamang nakapagbigay ng serbisyong tubig ang Maynilad sa ilang mahihirap

na barangay. Tondo, Manila.

23

Sister Stella L:

Tungkol sa Peminismo at

Relihiyon sa Pilipinas

by Brandon Reilly, UCLA

Ano ang relasyon ng Peminismo at Katolisismo sa Pilipinas Isa ito

sa mga tanong na idinidulot ng pelikula. May kapangyarihan ang mga madre

dahil sa posisyon ng Simbahan sa lipunan. Nakikisapi sila sa welga bilang

pigura ng relihiyosong awtoridad, at ibinabago nila ang mukha ng

welga. Sa kabilang dako, hindi tao ang mga babae ayon sa mismong Simbahan.

Wala silang karapatang pangkatao (human rights). Hindi sila kailanman

magiging pari, obispo, cardinal, papa, at iba pa. Hindi sila ang

nagmamay-ari ng katawan nila. Kung nais nilang magpalaglag, hindi puwede.

Kung mabubuntis sila, kailangan nilang alagaan ang sanggol; hindi

ito responsibilidad ng lalaki. Ang Katolosismo naman ang patriarkiya.

Nagsimula ang problema ng patriarkiya sa panahon ng mga Espanyol.

Kahit na kakaunti ang dokumentasyon, nalalaman natin na mas pantay ang

mga relasyon ng kasarian (gender relations). Noon, ang babae ay nagiging

pari, mangangalakal, at iba pang propesyon. Bagaman naging gerilyero ayon

sa ilang epiko, mas madali ang dibosiyo para sa babae. Hindi kahihiyan para

sa babae ang magakroon ng higit sa isang kasosyong sekswal. Hindi ibig sabihin

na pantay-pantay ang mga babae at lalaki; merong mga pagkakaiba sa

kahalagahang sosyal dahil sa dibisyon ng trabaho. Ngunit nang dumating ang

mga Espanyol, nawala ang karapatang pagkatao ng mga babaeng Pilipino.

Tinitignan natin ang dilemma ng mga babaeng Pilipino sa katauhan nina

Sister Stella at Gigi. Ipinapakita nila kung paano hinahadlangan ng lipunang

patriyarkal ang kalayaan ng mga babae. Una, si Sister Stella. Siya ang pangunahing

tauhan ng pelikula. Bagamat madre na siya sa simula ng pelikula, hindi

siya laging nasa kunbento. Mayroon siyang ibang trabaho bago siya puma-

24

pasok sa kumbento at meron din siyang nobyo, si Nick, isa pang mahalagang

tauhan. Marami siyang rasyon sa pagpasok ng kumbento: una, para baguhin

ang sosyedad, pangalawa, hindi niya alam kung minamahal niya talaga si Nick.

Bukod sa mga ito, meron pa siguro siyang ibat-ibang dahilan na hindi ipinapakita

sa pelikula. Isang paraan upang maligtas ang sarili at makatakas sa tinik

ng buhay ay ang mabuhay bilang isang madre. Ang kumbento ay naglilingkod

bilang isang pook ng kalayaan o pook ng pangapi, depende sa punto de vista.

Sa katotohanan, makaluma ang tropeng ito. Sa katapusan ng Noli na

isinulat noong 1886, si Maria Clara ay pumasok sa kumbento para iwasang

magpakasal kay Linares. Hindi malinaw sa mambabasa kung ano ang hantunga,

pero maaaring mabatid na hindi mapalad ang tadhana ng dalaga.

Kahit hindi eksaktong magkapareho, parehong tinatalakay ang problema

ng pagpasok sa kumbento: ang babaeng umalis sa isang lipunang patriyarkal

para makapasok sa isang insitusyong patriyarkal ay hindi pa rin malaya.

Sinundan ng pelikula ang paglaki at pag-unlad ni Sister Stella bilang

madre. Kahit na napapanood natin ang kakayahan ni Sister Stella na kumilos at

gumanap ng papel ng madre, hindi malinaw sa manonood ang proseso ng kanyang

isipan nang pasukin niya ang kumbento; hindi malinaw ang impluwensiya

ng patriarkiya sa desisyon niya. Mahalagang mabatid kung paano inaapektahan

ng seksismo ang kalayaan ng mga babae. Pinakamalinaw ito sa tauhan Gigi.

Kalabos si Gigi ng patriarkiya at Simbahan, ng kanyang pamiliya at

pabayang nobyo. Humaharap siya ng maraming problema. Wala siyang trabaho,

walang sigla. Buntis siya pero ayaw niyang maging nanay. Subali’t

hindi din siya sigurado kung gustong magpalaglag. Anumang desisyon

ang gawin niya, talo pa rin siya.. Palibhasa kung hindi siya mag-aaborto,

magiging ina siyang hindi handa para sa mga responsibilidad. Sa kabilang

dako, kung mag-aaborto siya, magiging taong makasalanan. Ipinapakita

ni Gigi ang suliranin ng mga babae sa Pilipinas. Mamamayang secondclass

sila, nasalanta ng relihiyon, seksismo, at samakatuwid, ng biolohiya.

Ang relihiyon ang dahilan ng pag-iral ng patriarkiya ngayon. Hindi

lamang ang mga Espanyol ang responsable para sa seksismo sa Pilipinas.

Bago sila dumating, meron nang mga pagbabago sa relasyon ng kasarian

(“gender relations”) sa timog ng kapuluan. Ang pagdating ng Islam sa Pilipinas

ang nagpabago ng posisyon ng babae. Kung nakikita natin ang kasalu-

25

kuyang kalagayan ng mga babaeng Muslim, napapansin natin na pareho

ang istado nila sa mga babae sa mga bansang Muslim. Bagaman mas malakas

ang patriarkiya sa ilang bayang Muslim katulad ng Saudi Arabia, ang Iran,

at iba pa kaysa sa Pilipinas, malinaw na “second class citizens” sila. At gayundin,

ang Katolisismo ay hindi ang kaisa-isang problema. Lahat ng mga relihiyong

dumadating sa Pilipinas ay sanhi ng pagpababa ng istado ng babae.

Ano kaya ang solusyon Kung ang relihiyon ang dahilan na mayroong

seksismo sa Pilipinas ngayon, at ang karamihan ng mga kababayan ay

Katoliko, Kristiano, Muslim, o kahit ano, paano tayo makakabago ng kasalukuyang

relasyon ng kasarian Walang madaling solusyon sa suliranin. Ang

Simbahan, at higit sa lahat ang Simbahang Katoliko, ay isang napakamahalagang

institusyon sa lipunang Pilipino. Para sa karamihan ng mga Pilipino,

ang simbahan ay bahagi na sentral sa buhay-buhay. Magbinyag, magkasal,

magmisa, kumain, magdasal, at magmatay ang mga Pilipino sa kanilang

simbahan na lokal. Isa pang problema ang konserbatismo ng mga Simbahang

Kristiyano, maging Katoloko man, Aglipayano, o Protestante. Ayaw nilang

baguhin ang doktrinang opisyal. Kung baguhin man, mabagal ang

kilos nila. Maaaring isang halimbawa dito ay ang naranasan ni Galileo. Pagkatapos

ng limandaang taon, pinatawad siya ng Iglesiyang Katolika. Ngayon,

hindi sinusuportahan ng Simbahang Katoliko ang karapatan ng mga babae

para pumili at wala silang maisip na dahilan para baguhin ang ideyang ito.

Habang pinanonood ang pelikula, kailangan nating isipin ang suliranin

ng patriarkiya at anong solusyon ang idinudulot ng peminismo. Makikita natin

na ang mga Pilipina ay namumuhay sa isang limitadong espasyo. Importante

sila bilang ina, manggagawa, at madre. Sa kabilang dako, palaging may duda

(kadalasan ang mga lalaki, pero kung minsan ang iba ding mga babae) hinggil sa

kung ano ang maari at di maaari nilang magawa. Para hanapin ang solusyon, kailangan

nating mabatid ang mga “social forces” na nais maghadlang sa peminismo.

Sa paraang ito malalaman natin kung ano o sino ba ang ating mga kalaban.

26

Pag-iiba

by Phillip M Cortes, UCB

Sa lupa ng niyebe, may isang batang gumagawa ng bola, nagiging puti ang

kamay niya. Parang puting buhangin ang kabataan niya, malambot, bagongbago,

pero sa ilalim ng paa, unti unting nadudurog.

Biglang-bigla, dumudulas siya sa yelo, nasasaktan ang ulo niya. Nababasag

din ang yelo. Kapag siya’y tumanda, magiging delikado ang katawan niya,

lalo na sa napakalamig na yelong parang kristal.

Kahit bata pa siya, siya ay parang isang niyebe, isang yelo, mamaya, matutunaw

at matutuyo.

“Posas”

by Nicolette Geluz, UCB ‘11

Sa posas ng aking gunita,

Nalalasahan ko ang dugo.

Sa aking pulso,

Naamoy ko ang mapaniil na batas,

Naririnig ko ang pangamba

dahil pinapatigil ang welga.

Pero wala akong katahimikan

kung hindi itutuloy ang laban.

27

Pagtatagpo

by Joy Regullano, UCB ‘11

Umiinom sila ng kape sa isang kapihan.

RIZAL: (tumitingin sa langit) Parang uulan.

MARCOS: How strange. Hindi umuulan kailanman dito.

RIZAL: Dapat umulan nang umulan. (Tumitingin sa lupa, far below them both.

Pagkatapos, he shakes his head) Ano ang ginawa mo sa bayan ko

MARCOS: Ang bayan mo You mean, ang bayan ko, hindi ba

RIZAL: (sighs) Ayan ka na naman.

MARCOS: Mas marami ang ginawa ko para sa bayang ito kaysa sa iyo.

Napatawa si Rizal.

MARCOS: Ano ang ginawa mo, ha Nagsulat ng isang aklat na walang nagbabasa

RIZAL: Hoy, required reading yan sa third year high school students!

MARCOS: Di ba pinatay ka bago ka may anumang nabago

RIZAL: Di ba kicked-out ka sa Pilipinas pagkatapos ninyong mangolekta ng

asawa mo ng lahat ng sapatos sa mundo

MARCOS: (dismissively) Eh, sino ang nagkukuwenta

RIZAL: Anyway, paano na ang kalayaan Ang karapatan Ang tao

MARCOS: Ay, talagang naïve ka. Kailangan kang mag-sacrifice ng mga bagay

para gumawa ng progress, di ba

RIZAL: Depende, kung ano ang ibig sabihin mo sa salitang “progress.”

MARCOS: Tuturuan kita ng mga bagay tungkol sa mundo. Para sa akin—

hindi, para sa taong-bayan… ang kailangan nila ay material comforts. Ano

ang gagawin nila sa magandang salita Mag-build ng isang bahay sa salita

Magbigay ng isang hapunan na bagong lutong mga salita sa pamilya nila

28

RIZAL: Ang tao ay hindi nabubuhay sa tinapay lang.

MARCOS: Ang mga actions na ginawa ko, tumulong sa Pilipinas to compete

sa world sphere. Naiintindihan mo ba

RIZAL: Naiintindihan ko ang mga salita mo, pero hindi kita naiintindihan.

MARCOS: Para sa isang ilustrado, hindi ka masyadong marunong. No wonder,

pinaslang ka.

(Mas malakas na ang ulan. Tumitingin si Rizal sa langit at pagkatapos sa lupa)

RIZAL: Ay, binabaha na ang Maynila! Kawawa naman ang mga tao! Umaakyat

na sila sa mga roof nila.

MARCOS: Eh, walang epekto iyan sa akin. Bakit ka mag-aalala

RIZAL: (Nagsusuot siya ng raincoat niya.) Hali ka na, tumulong tayo!

MARCOS: Mag-aalala ako kapag sinira ng ulan ang malaking rebulto ko.

RIZAL: Bahala ka. Sige, aalis na ako. (sa sarili niya) Dapat akong magpahiram

ng isang bangka… (sa tao sa ilalim) Parating na ako!

(Umiinom si Marcos ng kape niya, unperturbed, nang ilang minuto. Bumabalik

si Rizal, tumatakbo siya, at may payong, sombrero, at oar. )

RIZAL: O nga pala, nasira ang rebulto mo.

Blackout.

29

Kuking Kontest

byJan Tristan Arroyo Gaspi, UCB ‘11

Nalalapit na ang piyesta sa bayan,

Lahat naghahanda para sa Abang santa.

Kasaganahan ng sambayanan ang nakataya,

Sa panibagong siklo ng pagsasaka.

Paligsahan ng mga putahe, inanunsyo sa madla

Kampiyon sa nakararami, siyang maguuwi ng korona

Atras abante ang mga baguhan

Habang ang ila’y nagbabalik, muling susubukan

Maugong ang paglahok, bigotilyong minanok

Nanalo na at lahat, nauwi sa kangkungan

Dahil sa amigong pumutak, tandang ay naging sisiw

Sisiw sa likod ng rehas, resulta ng pagtataksil

Sa palengke siya’s hari

Sikat mula sa karnehan hanggang sa gulayan

Iba’t ibang halo ng sangkap kaniyang nalalaman

Kaya’ swak na swak sa panlasa ng mamamayan

Subok na at nanguna sa lahat

Tawag ng sakripisyo’y, sa kanya’y pumigil

Upang magbigay daan sa kalahok na napipisil

Kasangga ni haring palengke, nagpasiyang makilahok

Gamit ang mahiwagang sangkap, mula sa inang pumanaw

Hilaw at walang tuhod, na natsitsismis pang tagilid

Ang siyang kagulat-gulat na nangunguna

Anino’y ‘sang retokada, utol ng nagungunang judessa

Siyang nagiikot, gamit ang alindog

Makakuha lang ng suporta, dahil sa mahiwagang sangkap na minana

Laki sa hirap, swerte at karunungan naging tungtungan

Ngayo’y may-ari ng sandamakmak na lupa, siya ring nakisama.

Sa pagsaliksik ng ichiban at numero uno, gamit ang yaman

Mamahaling banyagang putahe, kayang-kayang tapatan

30

Subalit pangala’y nabahiran, sa anomalyang kinasangkutan

Kaya integrida’y ang siyang salot, tropeyong puwedeng maging bato

Inaanak ng mayor at gobernador, tinulak na makipagtunggali

Di gaanong sikat gaya ng nga nauna, subalit siguradong may ibubuga

Nagtapos bilang ginintuang kusinero, sa paaralan ni Mr. Shooli

Kasalukuyang subsob sa trabaho bilang master chef,

Kaya noo’y kasingkintab na ng kaserolang gamit

Banat, subok, at buo, pero salat

Salat sa may gusto, kahit ang ihain sa tiyan ay husto.

Sa nalalapit na paligsahan, na may bagong batayan

Sino kaya ang hari ng kuking

Ang kuking sa kalan o ang kuking sa papel

31

Rizal at Hostos:

Nasyonalismo sa

Dalawang Bansa

by Marilola Pérez, UCB

Maraming mga dahilan para paghambingin ang nobelang ‘Noli me tangere’

at ‘La perenigrancion de Bayoan’. Una, may mga pagkakapareho ang mga

awtor at ang kasaysayan ng dalawang bansa. May pagkakapareho rin sa ang mga

‘plots’ o salaysay katulad ng “iconic” o maalamat na karakter, mga talinghaga

o “metaphor”, at pulitikal na agenda na hatid ng dekolonisasyon mula sa Espanya.

Gayunpaman, may malaking kaibahan na tatalakayin ang sanaysay na ito.

Lumaki si Rizal at Hostos sa mayamang mga pamilya at nag-aral sila

sa Espanya. Inilathala nila ang kanilang nobela noon sila ay mga bata pa lamang.

Si Hostos ay 23 taong gulang at si Rizal ay 26 taong gulang. Ang pinakatanyag

nilang mga nobelang ay naisulat noong sila ay nasa “exile” - si Rizal

sa Germany at si Hostos sa Espanya. Dahil parehas silang internasyonal na

traveler, maraming nalalamang wika si Rizal at si Hostos naman ay nagkaroon

ng maraming koneksyon sa South America at nakilala bilang “man of

Antilles.” Malinaw sa kanilang mga nobela na malaki ang kanilang karanasan.

Mahalaga ang konsepto ng paglalakbay sa dalawang nobela. Si Juan

Cristonomo Ibarra, ang prinsipal na tauhan sa nobela ni Rizal, ay bumalik sa

Pilipinas mula sa Alemanya, at maraming tauhan ang may koneksyon sa Espanya.

Samantala, ang salitang ‘peregrinacion’ ay naglalarawan sa paglalakbay

ni Bayoan sa Antilles. (Si Bayoan ang prinsipal na tauhan ng ‘La Peregrinacion

de Bayoan’). Parehas na nanarasan ni Bayoan at Juan Cristonomo ang

pang-api ng Espanya. Binabatikos ni Hostos ang “monarchic oppression” habang

ginagamit naman ni Rizal ang mga karakter tulad ng pare upang batikusin

ang “religious oppression.” Habang gamit ni Rizal ang mga relasyon sa

pagitan ng mga karakter upang magawa ang argumento, ginagamit naman

ni Hostos ang karakter bilang alegorya at metapora ng mga isla sa Antilles.

Ang Pilipinas at Puerto Rico ay parehong tumutulong sa paglikha ng

pambansang pagkakakilanlan. Paano nakakatulong ang mga karakter na ito

sa pagpapaliwanag ng konsepto ng nasiyonalismo sa mga bansang ito Ang

sagot ay mahalaga hindi lamang sa literatura pero para na rin sa mga istoryador,

politiko, at “anthropologists.” Kagulat-gulat na hindi pa ito itinatalakay.

32

Rizal and Hostos: crafting nationalism in two islands

There are many reasons to compare Rizal’s ‘noli me tangere’ and

Hostos ‘la peregrinacion de Bayoan’. First, there are many similarity between

the authors and the history of both countries. There are also similarities

between the plots of the novels, for example: iconic characters,

metaphors, and a political agenda to decolonize the islands from Spain.

However, there are also important differences, I discuss those in this essay.

The authors come from a high social class, they are born in wealthy

families and study in Spain. Both authors publish the novel when they were

young. Hostos was 23 and Rizal was 26. . They write their more famous

books in the exile, Rizal in Germany and Hostos in Spain. They were international

travelers, Rizal was a polyglot and Hostos was a man of the ‘Antilles’

with connections to South America. This is reflected in their work.

Traveling and moving is central to both novels. In ‘Noli me tangere’

Juan Cristonomo Ibarra returns to the Philippines from Germany and many

characters have connections with Spain. The Spanish word ‘peregrincación’ in

Spanish mentions the travels of Bayoan in the Antilles. Bayoan and Juan Cristonomo

are used to see the oppression of Spain. In La peregrinacion de Bayoan

Hostos denounces the monarchic oppression, whereas Rizal uses characters

like the friars to denounce religious oppression. Although the intention

and the means of Rizal and Hostos are similar, the similarities are also telling.

Jose Rizal’s uses relationship between characters and interactions to

make his denuncia. Hostos is more allegorical, each character in Peregrinacion

de Bayoan are a metaphor of the islands in the Antilles. Their different styles

make the comparison more interesting. Since both novels The Philippines and

Puerto Rican help shape a national identity in very similar contexts. How could

the novels ultimately help understand the different character of nation in each

country The comparison will result relevant not only for literature, but for historians,

politics and anthopologists. It is a surprise that it hasn’t been done yet.

33

Ang Kaugnayan ng Kapaligiran

at Ekonomiya ng Albay

Introduksyon

by Edwin Cruz, UCLA ‘10

Pagkatapos ng pananaliksik namin sa Albay, Bicol, marami kaming

natutunan tungkol sa lahat ng aspeto ng buhay sa rehiyong ito. Binigyan

ko ng diin ang aspetong ekonomiya, at ang kaugnayan nito sa kalakalan.

Maraming industriya sa Albay, at naging mapalad kami na nakita namin ang

iba’t iba tipo sa riserts namin. Ang paksa na pinili ko ay tungkol sa ekonomiya

ng Albay dahil ang disiplina ko ay nasa pangangalakal at ekonomiya. Mas

importante pa, interesado ako sa ekonomiya hindi lamang ng Bicol, subalit sa

ekonomiya ng buong Pilipinas. Ang kahalagahan ng pag-aaral nito sa akin ay

na binibigyan ako na magandang karanasan. Ang karanasang nito ay nagbibigay

sa akin ng pagkakataong pabutihin ang gamit kong wika. Nagkaraon

din ako ng magandang karanasan sa kultura ng mga tao dito sa pamamagitan

ng pakikipagusap sa kanila. Ang makikinabang sa isinagawa kong pagsusuri

ay ang mga mamamayan sa Bicol, at pati na rin ang nagtatrabaho sa

industriya na sinusuri ko. Ginawa ko ang saliksik na ito upang magbigay sa

kanila ng mahalagang impormasyon. Sana ang mga kaklaseng kasama kong

pumunta sa Bicol ay nakinabang rin dahil at maraming interesadong bahagi

at paksa ang rehiyon ng Bicol.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang suliranin na iriserts ay ang kaugnayan ng kapaligiran at ekonomiya

sa Albay. Ang layunin ng riserts ay malaman kung nagbibigay ng problema

ang kapaligiran sa ekonomiya o hanapbuhay sa Albay. Ayon sa panunuring

ito, binibigyan ng maraming problema ng kapaligiran ang ekonomiya

at negosyo. Maraming dahilan ito. Ang pinakamahalagang dahilan ay na

nasa “typhoon belt” ang buong rehiyon ng Bicol. Kahit na sinasabi na hindi

masyadong naaapekto ang lalawigan ng Albay, nakikita sa kapaligiran na

marami itong sinisira at maraming suliranin ang nagbubunga sa epekto ng

kapaligiran.

Ang mga Tiyak na Suliranin

Unang-una, nawawalan ng negosyo ang mamamayan sa Albay dahil

sa pagsisira ng bagyo sa lupa at kapaligiran. Ang mga bagyo ay dumadat-

34

ing kada taon at maraming nasisirang bahay, lupa, tulay, kalsada, at iba-pang

bagay sa buong lalawigan ng Albay.

Ikalawa, humahanap ang mga tao ng ibang hanapbuhay maliban sa

pagsasaka. Maraming kita ang magsasaka at negosyong agraryo sa ibang

lalawigan ng Pilipinas, subalit sa Albay, hindi uso ang pagsasaka. Hindi nila

kayang umasenso dahil sa hadlang ng klima. May mayamang lupa ang Albay,

datapwat nasasayang lamang ito at hindi nagagamit nngg mabuti sapagkat

sinisira ito ng bagyo taon-taon. Samakatuwid, tinitignan ng mga tao ang

ibang mga negosyong panghanapbuhay sa lalawigan nila.

Ikatlo, nahihirapang maghanap ng ibang trabaho ang mga tao sa

Albay. Kaunti na nga ang trabaho, binabawi pa ng bagyo ang negosyong

pagsasaka. Wala silang maraming mapagpipiliang trabaho, pero kailangan

pa rin nilang mabuhay, magpaaral ng anak, at magpakain ng pamilya, kagaya

ng ibang tao sa Pilipinas.

Ika-apat, ang ibang industriya mismo sa Albay ay mayroong sariling

suliranin. Mahirap magturo ng trabaho sa ibang tao, mas lalo pa kung wala

silang karanasan sa disiplinang iyon. Maraming oras ang napupunta sa pagtuturo

ng trabaho sa mga taong ang husay lamang ay pagsasaka.

Ikalima, ang industriya sa Albay ay may kompetisyon mula hindi

lamang sa ibang lalawigan sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa mga tao sa

ibang bansa. Halimbawa, maraming industriyang handicrafts sa Tabaco, Albay.

Dahil alam ng mga may-ari ng negosyo na may parehas na industriya sa

Tsina, kung saan ang trabaho ay mas mura, kinakailangan nilang gawin ang

produkto nila nang mas magaling o mas mura para kumita sila ng tubo.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw

Maaaring sabihing ang saklaw at delimitasyon ng pag-aaral ay malawak.

Ginawa ang riserts sa buong lalawigan ng Albay at binigyang pansin ang

tatlong lungsod. Ang mga ito ay Legazpi City, Tabaco City, at Tiwi.

Sa Legazpi, ang impormasyon ay nakuha sa Department of Tourism.

Dito makikita ang ekonomiya ng Albay na may kaugnayan sa kapaligiran.

Sa Tabaco City, pinuntahan ang dalawang malaking industriya sa Albay.

Isa dito ang kompanya ng handicrafts. Ang isa pa ay isang baranggay na

yumayari ng iba’t ibang mga kasangkapang panghiwa, o “cutlery.”

35

Sa Tiwi, pinuntahan ang isang pag-gawaan ng pottery sa barangay ng

Putsan. Mayaman sa clay ang baranggay nito.

Sa lahat ng lugar na pinuntahan, kinausap namin ang mga may-ari

ng mga negosyo at nakakuha ng maraming mahahalang impormasyon sa

pagkikipagusap sa kanila.

Delimitasyon

Siyempre naman may delimitasyon sa pag-aaral. Isa dito ang wika.

May dalawang suliranin na hinarap.

Isang suliranin sa paggamit ng wika ay ang problema sa hadlang

ng wikang Filipino. Kahit na alam nilang magsalita ng Filipino, medyo may

problema dahil ang unang wika nila ay Bicol. Ang unang wika naman namin

ay Ingles. Gayon pa man, ginagamit pa din ng mga nagririserts at nagbibigay

ng impormasiyon ang wikang Filipino. Samakatuwid, medyo mahirap kumuha

ng datos sa mga tao.

Metodolohiya

Karamihan ng instrumentong ginamit sa paghanap ng datos ay sa pamamagitan

ng mga pakikipanayam. Ininterbyu ang mga may-ari ng kompanya

o gawaan ng bagay sa Albay at pati na din ang isang kapitan ng barangay

sa Cobo, Tabaco City. Ang ibang metodolohiya na ginamit ay obserbasyon.

Ang inobserbahan ay mga tagpuan at mga sitwasyon. Halimbawa, pumunta

ako sa mga bahay na may gawaan ng cutlery sa Cobo, Tabaco City kung saan

inobserbahan din ang mga bagay na nasira ng bagyo, kagaya ng isang tulay

na naputol dahil sa Bagyong Reming. Isa pang paraan ay ang pagbas ng mga

literatura at impormasyon galing sa internet tungkol sa ekonomiya ng Albay.

Kinalabasan ng Pag-aaral

May binanggit ako kaninang limang suliranin. Ngayon naman, tatalakayin

ko ang mga problema nito.

Ang pinakamalaking problema tungkol sa ekonomiya ng rehiyon ng

Albay ay ang mga epekto ng bagyo sa negosyo. Nawawalan ang mga tao ng

trabaho kasi sinisira ng bagyo ang kanilang lupa at tahanan. Ayun kay Monsignor

Cris Bernate, isang pare sa Polangui, Albay, kungminsan nawawala ang

buong bayan pagkatapos dumaan ang bagyo.

36

Ang problema ng bagyo sa rehiyon ay bumubunga ng marami pang

suliranin, kagaya ng binanggit ko kanina.

Binanggit ko sa mga suliranin na humahanap ng ibang trabaho ang

mga tao sapagkat walang masyadong kita sa agraryong negosyo at pagsasaka.

Ito ang pagkakaiba ng rehiyon ng Albay sa ibang rehiyon sa Pilipinas. Sa

ibang rehiyon, kaya ng mga tao na mabuhay sa pagsasaka. Sa Albay naman,

ibang industriya ang umaasenso. Ayun kay Erlinda Binos, isang may-ari ng

negosyong handicrafts sa Tabaco City, mahigit ng 70% ng negosyo sa Tabaco

ay nasa handicrafts. Noong tinanong kung bakit ganito, sinabi niya na

ang dahilan ay mga bagyo. May sinabi rin siya tungkol sa epekto ng bagyo

sa companya niya. Dahil ang karamihan ng produkto na ginagawa niya ay

gawa sa abaca, may masamang epekto rin ang bagyo sa negosyo niya. Ayun

kay Binibining Binos, “Kapag dumaraan ang bagyo, nawawala ang abaca at

wala rin kaming maaaring magawa.” Sinabi rin niya na kung umaasa lamang

ang negosyo niya sa agraryo, hindi niya kayang kumita. Tumayo daw siya ng

negosyo kasi ganito ang usong sa Tabaco City, dahil maaaring gumagawa ng

handicrafts sa loob ng gusali. Kumukuha sila ng maraming abaca at kapag

tag-ulan (“off-season” ang tawag ni Binibining Binos), nasa loob lang sila ng

gawaan. Isa pang mahalagang bagay na binanggit ni Binibining Binos ay

na nag-iimport sila ng abaca galing sa ibang probinsiya ng Pilipinas, kagaya

ng Leyte. Ang mga ekonomiyang aspekto ng negosyo niya ay maaaring

sabihin na natural. Sabi niya na nagkakaraon sila ng shortages kapag walang

masyadong abaca at kung maraming demand. Batas ng ekonomiya ito. Sabi

rin niya na ang malaking problema niya ay kompetisyon. “Mahirap magtaas

ng presyo kasi maraming kompetisyon sa Tsina.” (Binos) Sabi rin niya na mas

maganda ang kalidad ng handicrafts sa Albay, pero mas mura naman ang

trabaho sa Tsina. Samakatuwid, maraming kompetisyon ang nanggagaling

sa Tsina kahit na mas mababa ang kalidad ng produkto nila. Nahihirapan

din si Binibining Binos sapagkat napipilitan siyang hindi taasan ang presyo

niya. Karamihan ng produkto niya ay ine-export. Pumupunta ang mga bag,

chinelas, at sombrero niya sa Estados Unidos, Japan, Tsina, at mga bansa sa

Europe. Kung paguusapan ang bolyum, sabi ni Binibining Binos na nasa higit

ng 72,000 piraso ang ginagawa ng ckmpanya niya taon-taon. Ginagawa lang

ang mga ito sa panahon ng Agosto hanggang Mayo. May binanggit din siya

tungkol sa world trade. Sabi ni Binibining Binos na ang “marketing” ay esensyal

sa negosyo niya. Maraming mahalagang impormasyon binigay niya. Dahil

siya ay isang may-ari na nagpapatakbo ng isang negosyo, marami siyang

alam tungkol sa ekonomiya. Alam din niya ang epekto ng bagyo sa negosyo

niya.

Ang ikatlong problema na binanggit ko ay na nahihirapan ang mga

37

taong humanap ng ibang trabaho. Hindi lamang ang hirap sa paghanap ng

ibang trabaho ang problem nila, pero bumubunga dail dito ang kahirapan sa

pang-araw araw na buhay.

Isang suliranin ng mga industriya ng Albay ay nahihirapan silang

magturo sa ibang tao. Hindi tinuturo ang paggawa ng handicrafts sa eskuwelahan.

Gayunpaman, kung walang karanasan ang gustong magtrabaho,

kailangang silang turuan. Mahirap ito kasi matagal ituro kung paanong gawin

ang isang klase ng handicraft. Ayun kay Hector Torrente, isang may-ari ng

gawaan ng pottery sa Putsan, Tiwi, Albay, ang trabahador niya ay kailangan

turuan kung paanong gawin ang pottery. Sabi niya na noon pa, pottery ang

pinakamalaking negosyo sa Tiwi dahil natural na likasyaman ito at makikita

sa ilalim ng lupa. Sabi rin niya na malaki ang tinutulong ng Department of

Trade (DTI) sa pagsolusyon ng problemang ito. Tinuturuan ng DTI ang mga

trabahador sa paggawa ng pottery. Dahil dito, maaaring makagawa ang

mga bagong trabahador ng magandang produkto nang hindi na kailangang

turuan ng manedyer. maraming tao ay lumalabas doon na magaling sa desenyo.

Ayun kay Ginoong Torrente, ang trabahador niya ay bahala sa desenyo

ng kanilang pottery. Sabi ni Ginoong Torrente na walang masyadong epekto

ang bagyo at kapaligiran sa negosyo niya sapagkat nasa loob sila ng gawaan,

katulad ng sinabi ni Binibining Binos. Ang matutunan sa kuwento ni Ginoong

Torrente ay maaaring tumayo ng negosyo na umaasenso kung may tulong at

may sipag.

Sa Cobo, Tabaco City naman, nakita namin ang isang barangay na

gumagawa lamang ng mga patalim, o cutlery. Ayun kay Wilson Bondoy, ang

kapitan ng barangay, 35% ng mga tao sa Tabaco ay nasa industriyang ito.

Simula noong 1919, kumukuha ng bakal sa junkshops ang mga tao at ginagawa

itong mga kutsilyo at gunting. Ang pangalan mismo ng lungsod na

Tabaco ay galing sa isang salita tungkol sa mga patalim. Ang “tabac” sa Bicol

ay “bolo” sa Tagalog. Ayun kay Kapitan Bondoy, ang kapaligiran ay parehong

nakakasakit at nakakatulong sa negosyo nila. Nakakatulong ang kapaligiran

sa negosyo kasi walang masyadong ibang hanapbuhay, kagaya ng pagsasaka.

Gayunpaman, maraming negatibong aspeto ang kapaligiran sa industriya

at sa mga taong-bayan. Tuwing umuulan, nagkakaraon ng sakit ang mga tao

dail kinakalawang ang bakal. Higit pa doon, kinakailangan nilang kumuha

ng likasyaman sa ibang lugar dahil walang masyadong likasyaman katulad

ng abaca at coal sa lugar nila.Bukod doon, ang pinakamalaking problema

nila ay kapital at tulong na pinansiyal. Dahil wala silang masyadong kapital,

kailangan nilang gawin ang cutlery nila sa pamamagitan ng mas mahirap na

trabahong manwal. Kung may mga makina sila, mas madali at mas mabisa

38

ang produksyon nila. Gayunpaman, nakakatulong naman ang gobyerno sa

kanila sa pamamagitan ng pagtayo at pamamahala ng gusali na gawaan ng

cutlery. Dahil dito, naging mas mabisa ang paggawa ng cutlery. Ang kompetisyon

sa ibang bansa kagaya ng Tsina ay nagdudulot rin ng problema para

sa kanila. Dahil dito, mahirap taasan ang presyo. Ayun kay Kapitan Bondoy,

ang mga mangangalakal ay hindi bibili kung masyadong mataas ang presyo.

Ang negosyo sa Cobo, Tabaco City ay isang ehemplo ng malaking epekto ng

kapaligiran sa pag-hanap at pag-tayo ng ibang negosyo.

Binanggit na ang suliranin na kompetisyon. Kahit anuman industriya

ay marami talagang kompetisyon. Si Binibining Binos ay humaharap ng

kompetisyon sa Tsina kasi mas mura ang trabaho doon. Si Ginoong Torrente

naman ay humaharap ng kompetisyon sa ibang bansa, subalit sinabi niya na

ang mga desenyo niya ay mas magaling. Si Kapitan Bondoy naman ay humaharap

rin ng kompetisyon sa Tsina kasi mura ang trabaho doon, at stainless

pa ang bakal nila. Maraming silang suliranin tungkol sa ekonomiya. Ang

natutunan ko sa lahat ng pag-aaral ay naaapekto sila ng kapaligiran. Karamihan

ng mga epekto ng kapaligiran ay masama, subalit nakakaraos naman

ang may-ari ng negosyo at mga tao.

Kahit na nahihirapan ang mga tao sa kapaligiran at iba pang suliranin,

nakakaraos pa rin sila. Ito ang tunay na kaluluwa ng mga Pilipino. Kahit

na nahihirapan sila, sige pa rin sila ng sige. Hahanapin nila ang paraan para

makabuti sila sa kanilang pamilya at sa kanilang barangay, bayan, lungsod,

lalawigan, at bansa.

Rekomendasyon

Batay sa delimitasyon ng pag-aaral, maraming maaaring irekomenda

sa mga iba pang gustong magsagawa ng katulad na pag-aaral. Una, mahalagang

mag-interbyu ng mga tao dahil sila ay merong tunay na karanasan sa

hapapbuhay. Hindi ito maaaring makamit sa iba kung hindi ang mga taong

mismong nasa industriya. Ang iba pang paraan na puwedeng gamitin ay ang

pagbabasa ng literatura tungkol sa rehiyon at ekonomiya. Siguradong may

nagsulat tungkol sa mga ito, at maraming impormasyon maaaring kunin dito.

Ang ibang mananaliksik ay puwede ring magriserts o manaliksik bago pumunta

sa imersyon dahil mas makakatulong kung may alam na sila tungkol

sa lugar na pupuntahan nila.

39

“buntong-hininga”

by Alvin David, UCB ‘10

isa.

nahihinayang

ang ngiti ng araw

sa nagbubungang lupa,

at nahihiya

ang kisap-mata ng buwan

sa pag-itim ng balat

ng bawat anak ng OFW

na humingi sa diyos

ng kaunting palugit

sa pagkulay ng kanyang

stateside na kutis.

dalawa.

pumutok

ang libo-libong bibig ng

ng maliliit na bituin

sa kakahiling

sa isat-isa

na marinig nang kahit minsan

tatlo.

nagising na parang patay

si marthina.

naglakad ng

kabagal-bagal

palabas ng terminal,

hindi narinig

ang tanong ng customs.

binalot ng matandang byuda

ang saplot

na hugis hiya at hirap.

mahigpit na mahigpit

kasing sikip

ng pagsakal sa kanyang paglaya.

na-deport si marthina.

apat.

umiyak ng ginto at tanso

ang tv screen

sa sulok ng kwadradong silid

ni mang berting.

sumayaw na lang

ng ocho-ocho sa hatinggabi

ang beterano

sa walang saysay na

paghihintay at pagkahilo

40

Ang Batang Nakasuot Ng

Kamiseta na Kulay Rosas

by Jocel Ross Ramos Rivera, UCB ‘10

Pinagtawanan at sinigawan ang batang nakasuot ng kulay rosas na

kamiseta. Pinaligiran siya ng labing dalawang estudyante, siyam na lalaki at

tatlong babae. Ang batang nakakulay rosas ay tahimik dahil anuman ang sabihin

niya, hindi nakikinig ang matatapang na estudyante. Hindi man lang siya

makalaban dahil itinulak siya sa gitna at sa bawat kilos niya ay pinigilan siya

ng mas malakas na mga bata. Pilitin mang makalabas ay hindi niya makaya.

Nanlambot ang mga tuhod niya. Itinulak siya ng isang malaking lalaki sa kanyang

kanan gamit ang maduming basketbol. “Yan ang dapat sa iyo,” sabi ng

lalake at dinuraan siya nito sa mukha. Tinapunan naman siya ng isang plastik

na ang laman ay malamig na sarsi at yelo. “Ito rin,” sabi ng isang babae sa kanyang

kaliwa. Nasugatan ang bata sa mukha dahil sa matitigas at matutulis na

yelo. Lumagkit rin ang kanyang mukha at dumikit ang mga duming galing sa

sahig. Sunod-sunod siyang tinapunan ng anumang mabato sa kanya: tubig,

sarsi, boy bawang, kanin at adobo, dura, at babol gam. Kahalo ng kanyang

pawis ang sarsi at dura. Tulak dito, dura doon. Sigaw dito, mura doon. Walang

magawa ang bata kundi piliting makaiwas sa mga estudiyanteng nakapaligid

sa kanya. Tumunog ang kampanilya at naghiwahiwalay ang mga bata. Tumakbo

siya para makalayo sa mga mapang-api at mayayabang na bata, subalit

pinatid siya ng isang estudiyante na hindi naman niya kilala. Nasugatan

ang tuhod ng bata at umiyak na lang siya. Madungis siyang tignan, mahina

ang katawan, at kinakabahan. Ang kulay rosas niyang kamiseta ay naging

kulay lupa, madumi at malagkit. Halos araw-araw, ganito ang buhay ng batang

nakakulay rosas. “Ganito ba ang buhay ng bakla,” tanong niya sa sarili.

41

“Pugad Baboy”

by Dominic K. Laeno, UCB ‘10

Ang pelikula ni Lino Brocka na “Insiang” ay nagsisimula sa katayan

ng baboy na pinagtratrabahuhan ni Dado. Importante ang imahe na ito dahil

sa madaming sinasabi ang eksena tungkol sa pagtrato ng tao sa arawaraw

na kasaysayan ng Pilipino. Tulad din sa konstruksyon site na nakikita

sa pelikula ni Brocka na “Maynila sa Kuko ng Liwanag”, hindi maganda ang

kondisyon ng mga nagtatrabaho sa katayan: maiinit, marumi, at mapanganib.

Bukod doon, hindi rin maganda ang kanilang sweldo at nananatiling

ganito na lang ang estado ng buhay ng maraming tao sa Pilipinas.

Maraming katulad ang pangunahing karakter sa “Insiang” at “Maynila

sa Kuko ng Liwanag”: ang kasaysayan ay hindi naging mabait sa kanila. Kung

titignan ang bahay ni Insiang, madaling maintidihan kung bakit mayroong

rape at patayan: maliliit ang mga lugar (ang kubeta ay nasa isang sahig sa tabi

ng kusina) at parang pinagkakasya lang ang mga tao sa loob ng isang butas. Sa

“Maynila sa Kuko ng Liwanag”, walang programa ng gobyeno na sumalo kay Julio

noong nawalaan siya ng trabaho at sa isang eksena, dahil walang matirahan

si Julio (dahil ang bahay niya sa Maynila ay galing sa trabahong konstruksyon

na nawala sa kanya), kinailangan ni Julio maging isang “giggolo” [“call boy” ba

yun sa Tagalog] para lang mabuhay. Kinailangan din ni Ligaya na pumunta sa

siyudad dahil sa kahirapan ng buhay sa probinsiya. Imbis na factory worker

ang maging trabaho ni Ligaya sa Maynila ay naging prostitute na lamang siya.

Kahit walang kasalanan ang mga karakter sa mga pelikula ni Lino

Brocka, sila ay minaltrato ng kasaysayan: sa katapusan, ang mga karakter

sa mga pelikula na ito ay tulad ng mga baboy na kinakatay ni Dado sa

unang eksena ng “Insiang”: nakasabit ng patiwarik at naghihintay na tuluyang

mataga. Pero, ang problema ay hindi sila mga baboy: sila ay tao. Hindi

tulad ng baboy, ang tao ay lalaban kapag ito’y sinaktan. Dahil sa pag-halay

ni Dado kay Insiang, ginamit ni Insiang ang nanay niya para gumanti.

At dahil sa pag-patay kay Ligaya, naging mamatay-tao naman si Julio.

Kahit pelukula lamang ang mga likha ni Lino Brocka, ang mga pinagpausapan

tungkol sa kasaysayan ng Pilipino ay substansyal dahil ang kasaysayan

ng Pilipino ay ginagawang baboy ang mga maraming tao: madaming Pilipino

ay, kahit nagtatagal sa siyudad, hindi umuunlad dahil sa maraming rason tulad

ng mga napakong pangako ng siyudad na naranasan ni Ligaya noong linoko

siya ng recruiter o ang panloloko at pagamit ni Bebot kay Insiang. Pero, tulad

rin ng pelikula, ang mga Pilipino ay lumalaban kung hindi na matiis ang

kondisyon na ibinibigay ng kanilang mga abusado. Ang biniktima ay nagiging

mang-bibiktima. Ang baboy ay nagiging tao, gumaganti sa mga mangangatay

nila. Pero, sa paghihiganti, ang tao ay walang malay na nagiging hayop.

42

Kung Paano Maging Isang

Tunay Na Filipino

by Kevin Pascua, UCB ‘10

Tumingin ka sa sarili mo sa salamin. Normal ang itsura mo; naka-suot ka ng t-

shirt at jeans. Kayumanggi rin ang balat mo at kulay kape ang mga mata mo.

Filipino ka. Malinaw iyan. Pero, iyong nasa loob ay hindi madaling hanapin sa

salamin. Ano ang ibig sabihin ng “Filipino” Paano nagiging Filipino ang isang

tao Saan ka galing at saan ka pupunta Nagdedesisyon ka na wala kang

ideya at nagiging takot ka.

Bigla na lang, maalaala mo ng lola mo. Ikaw ay nasa bahay ng lola mo at kausap

mo siya. Nagkukuwento siya sa iyo ng isang istorya tungkol sa panliligaw

ng lolo mo.

“Alam mo, apo, noong batang-bata pa sina lolo at lola, pumunta si lolo

sa bahay ko araw-araw para maninilbihan. Tuwing araw, nagdala siya ng

pinakamagandang pasalubong para sa akin. Tapos, gabi-gabi, hinaharana

niya ko kasama ang mga kaibigan niya. Siyempre, mahinhin at pakipot ako

talaga hanggang maging magkasintahan kami.”

Nag-isip ka tungkol sa istorya ng lola mo at naintindihan mo na maraming

tradisyon noon. Pero nasa bagong bansa ka sa bagong panahon. Nagbago na

ang mundo, kaya nagbago rin ang mga kaugalian. Kahit maganda mag-aral

ng panahong lumipas para mag-aral kung saan ka galing, nagdedesisyon ka

na maging Filipino sa panahon ng lolo at lola mo ay hindi pareho sa nagiging

Filipino ngayon. Kung maghaharana ka ngayon, puwede kang hulihin ng

pulis dahil iniistorbo mo ang katahimikan.

Kung gayon, ano ang dapat mong gawin para maging Filipino ngayon

Maaalaala mo nang pumunta ka sa isang salo-salo kasama ang mga kabarkada

mo. Nagbibiruan kayo tungkol sa mga kaugaliang Filipino.

“Alam mo na Filipino ka kung nag-‘oopen’ at mag-‘koclose’ ka ng mga ilaw!”

“At kung matamis ang spaghetti mo at may hotdog, Filipino ka rin!”

“Puwede akong maglaro ng basketball kahit naka-tsinelas ako! Napaka-Filipino

ko!”

“Hah, madali lang iyan! Alam mo ba kung paano gamitin ang ‘tenacious’ sa

isang sentence ‘Kahapon, pumunta ako sa tindahan ng sapatos para bumili

43

ng tenacious!’”

“Kahapon, naghintay ako ng bus sa devastation!”

“Kahapon, nag-kareoke ako ng mga kanta ni Whitney Houston at kinanta ko,

‘Inday will always love you!’”

Naisip mo na sobrang corny ang mga kabarkada mo. Naisip mo rin na hindi

ito ang mga “defining characteristic” ng isang Filipino. Maraming klase ng Filipino

at hindi siya lahat ay gumagamit ng mga iyan. Nagsimula kang mag-isip

tungkol sa ibat ibang klase ng Filipino at naalaala mo bigla ang pinsan mo sa

Pilipinas.

Noong isang bakasyon, pumunta ka sa Pilipinas kasama ang pamilya mo.

Nakilala ka ng lahat ng mga pinsan mo. Mukha silang masaya at nakilala ka,

maliban sa isa. Inakala niya na ikaw ay “stereotypical American:” isang Juan

Tamad na mayabang at ignorante. Nagtanong ka sa kanya kung bakit ganito

ang akala niya sa iyo.

“Puwes, totoo ang lahat, ‘di ba Lagi kang may daing na mainit ang panahon.

At gustong-gusto mong pumunta sa Maynila, sa Cebu, o sa Boracay. Ano ang

masama sa probinsya namin Tapos, hindi ka marunong magsalita ng Tagalog.

Ipinalit mo ang Tagalog para sa Ingles, parang nahihiya ka na maging

Filipino. Wala kang pride sa “heritage” mo! Amerikano ka lang at wala kang

pakialam sa mga nangyayari sa Pilipinas! Sana bumalik ka na sa states.”

Masakit pa rin ang mga salita ng iyong pinsan noon. Kailangang bang nakatira

sa Pilipinas at marunong magsalita ng wikang Filipino para maging

isang tunay na Filipino Puwede kang mag-aral ng Filipino para magpahayag

nang mas mabuti sa ibang Filipino, pero nakatira ka sa United States, at hindi

ka puwedeng lumipat ngayon. Naisip mo na mali ang pinsan mo at puwede

kang maging Filipino.

Paano nagiging isang tunay na Filipino ang isang tao Dapat alam mo ang

“heritage” mo para malaman kung bakit ganito ang mundo mo. Dapat kang

maging malapit sa pamilya at kaibigan mo para makatulong kayo sa isa’t isa.

Dapat mong tanggapin ang lahat ng mga hamon sa buhay mo, dahil may

diwa ng paglaban at marubdob na puso at kaluluwa ng bawat Filipino. Pagalam

mo na ito, kumuha ka ng isang maliit na piraso ng papel at magsimula

kang magsulat.

“Ang isang tunay na Filipino ay...”

44

Proposisyon Otso - Otso

Tayo’y mag-otso-otso,

Otso-otso,

Osto-osto na.

by Lean DeLeon, UCB ‘11

Pinanganak ako Deceymbre 17 – Numero UNO raw ako sa mga mahal ni

Nanay.

Nag-practice kami nang Ingles – DOS are the Amerikanos.

Lilipat raw kami sa Amerika, maraming TRES at bundoks.

Sa KUWATRO nag-away ang magulang ko.

SINGKO, ang hangin lang ang kakampi ko.

SAIS, sa edad na 20, hindi na ako natatakot.

SIYETE, nakilala ko ang unang mahal ko. Swerte.

OTSO, binawal ng boto ang mahal namin. Eto ba ang “change” na ibinoto

namin

Sayang ka California! Kasi nagmamahalan kami.

Hindi ko magiging asawa ang lalaking mahal ko.

45

Patinig

by Jed Pizarro-Guevara, UCB ‘10

a, e, i, o, u

pack, peck, peek, poke, pook

like the “oo” in spook!

peck peck gnaw’ng poke poke

Papa lack pack lack pack

Paw rung pack-pack

a, e, i, o, u

pak, pek, pik, pok, puk

spook ay di gaya ng puk!

pekpek ng pokpok

papalakpaklakpak

parang pakpak

a, e, i, o, u

Banyagang patinig,

Ang tunog ibang-iba.

Filipino, sariling tinig,

Ang magbibigay laya.

46

Ang Tamang Pagkain

by Paula Tayag, UCB ‘11

Kalamansi, toyo, patis. Amoy na amoy ang panlasang Pinoy. Nagbibigay

ito ng lasa sa kasaysayan ng ating bansa; pampaalis din kaya ito ng sangsang

ng gobyernong malansa Maaaring ilagay ang mga ito sa mga putahe

o gawing ulam ng mamayanang kapos at maraming dinaramdam.

Pinakbet, kare-kare, kaldereta ang ilan sa mga pagkaing mahirap lutuin.

Katulad din sila ng maginhawang buhay na mahirap abutin. Masagana

sa gulay at protina, subalit sa ating lipunan, iilan lang ang nabibiyayaan

ng pagkaing puno ng sustansiya. Madami tayong pinanggagalingan

ng pagkain, ngunit kakulangan sa edukasyon ang tila

isa sa mga kadahilanan kung bakit hindi sapat ang ating kinakain.

Sinigang, pinakuluan at binuro ang ilang pamamaraan ng ating pagluluto.

Sumisimbulo ito sa nagbabagang suliranin ng kahirapan na

ang natatanging solusyon ay magsilbi sa sariling bayan. Sa katunayan,

ang ugat ng kahirapan ay dulot ng pagkagutom. Bakit hindi tayo magsimula

sa paglaan ng pera tungo sa pagpapayaman ng kaalaman natin

sa pagsasaka at ng makabalik tayo sa mayabong na pamumuhay.

Jollibee, McDonalds, Lucky Me ay ang mga pagkaing dapat huwag nang namnamin.

Dahil na rin sa puno ito ng maraming sangkap na nagdudulot ng sakit.

Ngunit, ano pa nga ba ang dapat kainin kung ang bansa’y salat sa likas na ani

47

Ang Tatay Ko

by Mira Yuzon, UCB ‘10

Noong limang taong gulang ako,

Itinataas ng Tatay ko ang kanyang braso.

Sumasabit ako sa kanyang mga bisig

at naglalakad kami sa Barangay ng Durungao.

Sa paliparan,

yakap yakap ako ni Tatay.

Mahigpit na mahigpit.

Isang halik.

Isang Kaway.

Wala na akong maalalang iba pa.

Labing-isang taong gulang na ako,

noong dumating kaming mag-iina

sa San Francisco International Airport.

Niyapos ako ni Tatay,

at naramdaman ko ang magaspang

niyang mga palad.

Umalis kami sa Pilipinas para pumunta sa Amerika,

Upang makisalamuha lamang sa buhay na mahirap.

48

PADALA:

PANIMULANG PAG-AARAL SA

PAMPULITIKANG EKONOMIYA

NG PILIPINAS

by Gracielou Abalos, UCB ‘10

Labinglimang taong gulang lang ako noong huli akong pumunta

sa Pilipinas. Sa bakasyon ko noong 2002 kasama ko ang

nanay ko at mas batang kapatid na lalaki. Bumisita kami ng maraming

destinasyong pang turista at kumain ng pinakamasarap na pagkain.

Pero nanibago ako sa kapaligiran ko. Napansin ko na maraming namumuhay

sa mahirap na kalagayan. Nagtatrabaho sa Saudi ang tito ko para magpadala

ng pera sa pamilya niya. Nagkikita sila isang beses minsan sa dalawang taon.

Pagkatapos kong manaliksik, nalaman ko na bulok ang gobyerno.

Bilang “developing nation,” dapat merong silang gingawa para

lumakas ang economiya, makapaggigay ng trabajo at magtanggol

ng buhay. ”Bumaba ang GDP ng walong percent at tumaas ang

implasyon ng singkwenta percent nung 1984 lang”. (Hedman, 104)

Kagaya ng tito ko, “maraming Pilipino ang pumupunta sa ibang

bansa pero napipilitan sila nagmatrabaho sa masamang kondisyon…

para maging katulong sa bahay o pabrika, sa industriya ng illegal drug

trade at prostitution.” (humantrafficking.org) Bakit pinababayaan ng Presidente

ng bansa na walang oportunidad para sa trabaho na maayos

Isa pang problema ang karapatan ng tao. Dahil sa “centralized control” sa

Pilipinas, maraming nagdurusa sa abuso ng “human rights abuse”. “Noong martial

law, libo libo ang kinulong. Sobra sobra na wawala o pinatay ng militaridad.”

(Hedman, 88) Add Karapatn 2002 human rights abuse information/statistics.

Sa pamamagitan ng Third World debt crisis, International Monetary

Fund at World Bank itinutulak para sa reporma ng economiya

sa Pilipinas at para sa ayos ng companya ni Marcos. Walang tiwala

ang mga banyaga sa Pilipinas dahil sa baksak ng GNP, ang utang ng

“lesser-developed” bansa, at ang tatlumpa ng percent na walang trabajo (IBON).

Napakarami ekspiryensiya ang “political globalization” ng Pilipinas mula

sa kolonisasyon at demokratisasyon. Parang apoy na hindi humihinto ang kalat-kalat

na korupsyon. Para sa matibay na pulitika, kailangan ang gobyerno

mag-trabaho para protectahin ang buhay ng mga tao, payagin ang pagsasarili

sa moda ng pulitika, at kondisyon ng kalusugan at edukasy’on. (Rotberg, 3)

Sa padala ng mga trabajador sa ibang bansa, ano ang talagang solusyon

49

“Isang Bagsak”

by Zarrin Madelene Pareja, UCB ‘12

Sa katapusan ng bawat pulong ng mga Pilipino American Alliance,

bilang isang organisasyon sa UC Berkeley, ginagawa namin ang “unity clap”

kung saan nararandaman namin ang bawat tibok ng aming mga puso at

sabay sabay naming ipinapalakpak ang aming mga kamay ng mabilis hanggang

isigaw namin ang salitang “ isang bagsak”. Ang ibig sabihin ng “Isang

bagsak” ay pang mayroon mahulog, lahat ay mahuhulog. Bago gawin ito, isa

sa miyembro nagpapaliwanag nang mensahe at ang kasaysayan sa likod ng

“isang bagsak” at sa gayon ang kanyang layunin sa pagkakaisa sa komunidad.

Nabuhay ang “isang bagsak” nung araw ng United Farm Workers (UFW), na

ay pinamunuan ng kilalang kilalang persona tulad ni Philip Vera Cruz at Cesar

Chavez na tumulong na mapagkaisa ang mga manggagawa tungo sa ikatutupad

na magpagbuti ang trabaho at kalagayan ng mga mangagawa. Bukod

dito, ang mga panlipunan etniko na groupo nang UFW, tulad ng mga Filipino

galing sa Agricultural Workers Organizing Committee (AWOL) at ang mga

Latino na parte ng National Farm Workers Association (NFWA), sa dahilan ng

pagtutulungan nila ay nagpabuti nang pagunlad nang agrikultura ng California,

higit sa lahat ang sistemang sosyal, sinong mayroon at sinong walang

kapangyarihan, at sinong mamahala sa likas na mapagkukunan. Sa simula,

ang mga groupo na ito ay minamaliit nang mga “big growers” sa pamamagitan

ng pagbuo ng malakas na puersa ngunit ito ay napaglabanan nila sa pamamagitan

ng pagkakaisa at maging isang UFW, isang grupo ng mga manggagawa

na matagumpay na naipaglaban ang di makatarungang sistema ng

pang aapi sa pamamagitan ng mga binuong stratehiya at lalong palakasin

ang relasyong kultural ng mga manggagawa. Marami sa ginawa nang UFW ay

nasa isip pa rin ngayon dahil sa abilidad nila mag bigay ng inspirasyon at pagsubok

sa komunidad na etniko, mga environmentalist, estudyante, at iba pa

para ituloy at higitan pa ang laban para sa karapatan ng mga manggagawa sa

agrikultura ng California.

Ang UFW ay nagwagi sa larangan ng kasaysayan nang karapatan ng

mga magagawa kahit na maraming hostilidad at hindi pagsunod sa kapaligiran,

habang pinamumunuan nang mga kilalang kilalang personidad sa

komunidad na ibat ibang mga lahi pero isa lamang ang gustong gawin: “To

provide farm workers and other working people with the inspiration and

tools to share in society’s bounty”. The idea and strategy behind this was to

gain worker equality and earn deserved rights, such as “ higher wages, more

50

job stability, better living conditions, and the end of violent harassment,

especially for strikers and women” (Etulain 13). Yung hostilidad at negatibong

mga reaksyon ay dahil sa tao na ayow yung mga ideolohiya ng UFW o basta

walang paniniwala sa kaya nilang gawin bilang isang organisasyon na puro

minoridad. Isang halimbawa ay yung mga filipino na UFW na meroon dating

karanasan at mga tagumpay sa Hawaii pero hindi pinansin nang mga “big

growers” na pueda mag welga para sa pagkuha ng mas mabuting sahod at

beneficio (Salomon 31). Katunayan, ilan sa mga bagong pinuno sa UFW ay

hinog sa laban sa Hawaii tulad ni Larry Itliong at Philip Vera Cruz na naglagay

ng “democracy into practice through labor organizing [...] They were veterans

of some of America’s most spectacular labor movement activities on the plantations

of Hawaii and in the fields and canneries of the Pacific Coast” (Scharlin,

Villanueva x). Hindi natuwa ang mga pinuno ng mga manggagawa dahil

yung manggagawa ay hindi na magiging mura pero dahil lagi parin magiging

kailangan, mararanasan ng mga pinuno ang pagkawala ng halaga ng

pera nila at ang karagdagan ng paghahanap nang bagong tauhan (Salomon

31). Wala din magawa ang mga pinuno dahil masasagasaan sila ng UFW at

mararanasan din nila ang realidad ng mga bagong pagsubok tulad ng pagkompromiso.

Hindi madali para sa UFW ang magtagumpay dahil kinailangan nila

gamitin ang stratehiya na tulad ng ginamit ni Chavez na nakita nya kay

Mahatma Gandhi. Hindi lang welga ang gamit ni Chavez para sa UFW kundi

pati ang mga hindi bayolente na stratehiya: “Convinced from his readings and

from Catholic teachings that all his methods must be nonviolent, he turned

to the boycott. It was a tactic that other unions seldom used, but one that

especially appealed to Chavez. Combined, the strike and the boycott focused

on the grapes and wines of Schenley Industries and the processed products

of the Di Giorgo Corporation, S & W Wine Foods, and Tree-Sweet. As grocery

chains, restaurants. and union groups throughout the country learned of the

strike and began to boycott these products, Delano area firms saw their sales

drop noticeably” (11 Etulain). Nagtagumpay ang UFW laban sa Teamsters sa

pagkamit ng Di Giorgio na kontrata. At pagkatapos nila na manalo sa botohan,

binati ni Martin Luther King at sinabi nya: “You and your valiant fellow

workers have demonstrated your commitment to righting grievous wrongs

forced upon exploited people. We are together with you in spirit and in determination

that our dreams for a better tomorrow will be realized “ (Etulain

12-13).

Pagkatapos ng maraming laban ng UFW noon at hangang ngayon,

51

52

nakuha din nila ang reputasyon na isang matagumpay na organasyon at

unyon na may tulong pa galing sa manggagawa sa ibat ibat bansa. Ang

bandila nila ay naging symbolo ng pag-asa at lakas. Lahat ito ay dahil sa mga

miyembro ng UFW na hindi naging biyolente at naging “changed forever.

They marched, sang, picketed, organized, went to jail, fasted and traveled to

strange and distance cities for their cause” (Smith 3). Dahil dito, ang UFW ay

matagumpay hindi lamang dahil sa kanyang lumalaking numero na tauhan

kundi parti na rin sa dedikasyon, matibay na mga relasyon, at kaparehas na

ideolohiya ng mga manggagawa. Ganitong dedikasyon, lakas, at mapagiisa

ay ang nakakaiba sa UFW na hindi madalas makita so ibang grupo. Dahil din

dito, napanood ko yung pelikula “Sister Stella L.” at nakita ko na dahil din sa

magpagiisa ng mga trabahador na nakayanin nila labanan ang pinuno para

sa ideolohiya at karapatan nila sa trabaho. Kung wala silang tiwala sa isat

isa at sa anong kaya nila gawin bilang isang grupo, lalo na sila mawawalan

ng laban. Pinakita ng “Sister Stella L.” at ng UFW na pag ang grupo ng tao ay

magtutulungan at magsasama, magkakaroon din sila ng kapangyarihan para

bumangon at mapabuti ang kaligayan nilang lahat.

Ang UFW ay pinapakita na ang mga pagbabago at pag-unlad ay hindi

nangangailangan ng karahasan ngunit pagtitiyaga. Bukod dito, pinapakita ng

UFW na pagnasimulan ang pagbabago, magkakaroon ng pagasa. Tulad ng

makikita sa mga kamakailan-lamang na protesta at martsa tungkol sa pagtataas

na bayad sa mga UC na nakikita dito sa UC Berkeley at sa UC LA, pati

na rin sa mga “isang bagsak” na sinasabi sa bawat tapos ng pulong ng Pilipino

American Alliance, ang UFW ay inspirasyon sa aming mga komunidad upang

mapanatili ang pakikibaka sa buhay. Parang ang sabi ni Chavez, “our survival

in this country is determined by how well we learn from the lessons of the

past” (Scharlin, Villanueva xviii).

Mahalaga ang kalusugan ng

mga kababaihan sa Pilipinas

by Heidi T. Tuason, UCB ‘10

“DONGGGGGG! DONGGGGG!” Tumugtog ang mga kampana ng Iglesia

sa Quiapo. Malakas din ang tibok ng puso ko. THUMP THUMP, THUMP THUMP.

Pumunta ako sa tiangge sa Quiapo Church sa Quezon City para bumili

ng gamot. Sabi daw, may gamot para sa pampalaglag sa tiangge na ito. Ilegal,

pero meron. Kahit hindi ligtas ang mga paraan na ito, pumunta pa ako. Gaya

ng maraming babae na pumupunta diyan araw-araw para bumili ng gamot.

Pero hindi ako buntis. Sila Palagi silang buntis na buntis.

Kalusugang pampubliko ang masters program major ko at ang pokus

ko ay ang kalusugang reproductiva ng mga kababaihan sa Pilipinas. Noong

tag-init, pumunta ako sa Pilipinas para matuto ang mga karanasan ng mga

babae tungkol sa pampalaglag.

Ang katotohanan tungkol sa pampalaglag sa Pilpinas

Kalahati ng mga pagbubuntis sa Pilipinas ay di-sinasadya. Sa 1.5 milyon

na pagbubuntis sa isang buong taon, 500,000 ang tinatapos sa pagpapalaglag.

May labing-isang babae na namamatay dahil sa panganganak at pagbubuntis

bawat araw sa Pilipinas. Mga apat sa labing-isang babae ang namamatay

dahil sa pagpapalaglag. Ilegal ang pagpapalaglag sa Pilipinas. Kahit

ganoon ang batas, bawat minuto, may isang babae sa Pilipinas na nagpapalaglag.

Isa sa apat na ito ay naoospital. Marami sa mga kababaihan na may

karanasan sa pagpapalaglag na hindi ligtas ay galling sa mga komunidad na

mahihirap, at hindi sila puwedeng makaahon sa kahirapan dahil sa maraming

anak at malaking pamilya.

Gayon pa man, ang mga problemang ito ay hindi kailangang mangyari.

Puwede itong mapigilan. Kung meron lang silang paraan upang kumuha

ng mga makakayang kontrasepsyon at pagpapalaglag na ligtas, hindi

kailangang mamatay ang mga kababaihang ito araw-araw. Kung may patakaran

at batas, hindi kailangang gamitin ng mga kababaihan ang mga bato,

kahoy, iba’t ibang inumin na herbal, mga bawal na gamot, mga hilot na hindi

ligtas, at iba pa.

Sa aking internship sa Pilipinas noong nakaraang tag-init, narinig ko

53

54

ang mga kuwento ng mga kababaihan tungkol sa aborsyon. Nagtrabaho ako

sa isang organisasyon na ang tawag ay Linangan ng Kababaihan (o “Likhaan

Center for Women’s Health”).

Ito ang mga datos na lumabas sa aking pananaliksik.

Mga Paksa sa Pananaliksik Tungkol sa Pagpalaglag

Mula sa dalawampung pakikipanayam na ginawa ko noong nakaraang taginit,

ito ang mga datos ng pananaliksik tungkol sa pagpalaglag:

Mga Dahilan ng Pagpalaglag

Ito ang mga dahilan ng pagpalaglag na sinabi ng mga kababaihan. Sinabi

nila na meron silang pagmamalasakit sa pamilya at mga anak at pagmamalasakit

na hindi puwedeng makapagbigay ng magandang buhay sa isisilang

pang anak. Meron din silang mga karanasan ng pang-aabuso (pananakit at

pambababae) ng sa mga asawa at karahasan sa bahay.

Paraan ng Pagpapalaglag

Marami ang mga paraan ng pagpapalaglag na sinabi ang mga kababaihan:

bato, kahoy, gamot at inumin (e.g. cortol & coke), inumin na herbal (herbal

concoctions e.g. pamparegla), ibang damong-gamot (e.g. makabuhay), ilegal

na gamot (e.g. cytotec), at hilot (massage abortion).

Mga Kinatatakutan

Sinabi ng mga kababaihan na natakot sila at wala silang kasama noong

nagpalaglag. Ito ang mga sagot nila tungkol sa damdamin: hindi nila itong

sinasabi sa ibang tao; may takot sila sa pagpunta sa ospital o klinika; may

takot sila sa pagsasabi ng katotohanan kapag nasa ospital; may takot sila sa

pagtsitsismis ng iba at nararamdamang kahihiyan.

Mga balakid sa ligtas na pagpalaglag

Maraming balakid na sinabi ang mga kababaihan tungkol sa ligtas sa pagpalaglag:

walang pera; walang kaparaanan; walang kaalaman; at mali ang

kaalaman nila.

Iba’t Ibang Karanasan

Iba’t iba ang mga karanasan ng mga kababaihan. Kahit alam nila ang mga

panganib, ginagawa pa rin nila. Sa ospital, gumagamit ang mga empleyado

ng pananakot na mag-rereport sila aa mga pulis. Nararanasan din ng mga

babae ang masamang trato sa mga ospital, tulad halimbawa ng mga sumusunod:

mga pananakot o banta; matagal na paghihintay bago mabigyan

ng pangangalaga; at paghihiwalay ng mga kababaihan sa ibang tao sa

ospital. Natatakot din ang mga doktor mawala ang kanilang mga lisensiya

Pero pagkatapos ng lahat na ito, itinitugma pa rin ng mga kababaihan ang

kanilang karanasan sa aborsyon sa kaniling relihiyon.

Ang gusto ng mga kababaihan

Mula sa mga pananaliksik ko sa Pilipinas, nalaman ko ang mga gusto ng mga

kababaihan:

o Kawalan ng panghuhusga sa kulturang Pilipino

o Pagtulong ng mga politiko tungkol sa RH (Reproductive Health) bill

o Pagkakaroon ng Family planning at mga makakayang kontrasepsyon

para sa lahat, pati ang mahihirap

Ilang Mga Organisasyon na Tumutulong ng mga Kababaihan sa Pilipinas

Nagtrabaho ako sa dalawang organisasyon na tumutulong ng mga kababaihan

sa Pilipinas tungkol sa reproductive health: Likhaan at Hesperian. Ito

ang mga paglalarawan tungkol sa dalawa.

Likhaan Center for Women’s Health / Linangan ng Kababaihan

Ang Likhaan ay isang organisasyon sa Pilipinas na tumutulong sa mga

kababaihan sa usapin ng reproductive health. Ilan sa ginagawa nila at tulong

na binibigay ang mga sumusunod: serbisyo sa mga klinika, edukasyon,

organisasyon sa mga komunidad para sa mga kababaihan at mga kabataan,

gawaing advocacy, pananaliksik, at patakaran.

55

56

Hesperian Foundation

Isang organisasyong may pangalang Hesperian Foundation ang

nagsusulat ng mga libro tungkol sa kalusugan ng mga kababaihan para sa

mga tao na nagtatrabaho sa Pilipinas. Ang Likhaan ay isang organisasyon na

nakipag-partner sa Hesperian Foundation para mag-produce ng bersiyon ng

libro nila na “Where Women Have No Doctor.” Ang bersiyon nito sa Pilipinas

ay “Kapag Walang Doktor Ang Kababaihan.” Pareho ang mga nilalaman, pero

isinalin ng mga tao sa Likhaan ang mga salita. Pagkatapos, naglagay sila ng

mga “culturally-competent” at “culturally-appropriate” na mga materyal.

Halimbawa, may section sa teksto tungkol sa mga gamot na ginagamit

ng mga babae sa Pilipinas at meron ding mga pangalan ng mga “brands”

na makikita sa Pilipinas. Halimbawa, isang gamot na magagamit para sa

nagpapalaglag ay misoprostol. Pero sa Pilipinas, ang pangalan ng gamot ay

“Cytotec.”

Ang Ibig kong sabihin, ang Hesperian Foundation ang nagbibigay ng

nilalaman ng mga libro sa wikang Ingles. Tapos, ang iba’t ibang bayan ang

nagsasalin sa iba’t ibang wika. Namimigay ang Hesperian Foundation at iba

pang organisasyon sa mga klinika, ospital, doktor, at CHW (community health

worker) sa komunidad.

Pagtatapos

Ang mga tema at paksa na lumabas sa panaliksik ko ay galing sa mga

kuwento ng mga babae. Bawat araw, may apat na babae na namamatay pero

puwede itong mapigilan. Ang Likhaan at Hesperian ay dalawa lamang halimbawang

organasasyon na pumapagitan para mapigilan ang nagpapalaglag at

nagpapakamatay.

“DONGGGGGG! DONGGGGG!” tumugtog ang mga bells ng Iglesia

sa Quiapo. Parang sinasabi nila, na wala nang oras para maghintay. THUMP

THUMP, THUMP THUMP, sabi ng mga puso ng mga babae na naghihintay para

sa batas at katarungan.

Mahalaga ang kalusugan ng mga kababaihan sa Pilipinas at dapat nating

suportahan ang RH bill sa kongreso. Hindi mamaya. Ngayon na.

Tungkol sa Autor

Heidi T. Tuason, originally from Daly City, CA, is currently a Master of Public

Health (MPH) Grad Student at UC Berkeley, in the Maternal & Child Health

track with a focus on Global Health. She did her summer internship in the

Philippines at Likhaan Center for Women’s Health in Summer 2009, which

inspired the work she submitted to this journal. She is the recipient of the

Foreign Language and Area Studies Fellowship for Filipino language and

Southeast Asian Studies. She is one of the co-founders and core members of

UC Berkeley’s PAGaSA (Pilipino American Grad Student Association). She went

to undergrad at UC San Diego, where she received a B.A. in Ethnic Studies

and B.S. in Biology after studying abroad for a summer in the Philippines at

the University of the Philippines, Dilman. Before coming to UC Berkeley, Heidi

worked at the Women’s Community Clinic in San Francisco as Assistant Clinic

Manager, Volunteer Supervisor & Trainer, Pregnancy Test Counselor, HIV Test

Counselor, Street Outreach Worker, & Health Educator, at UCSD OASIS Math

and Science Tutorial Program as a workshop facilitator, and at the UCSD Cross

Cultural Center as a Diversity Peer Educator. Heidi will be graduating from

UC Berkeley in May 2010, after which she will be going to the Philippines

for a Fulbright-Hays Group Study Abroad program called Advanced Filipino

Abroad Program at De La Salle Dasmarinas and Manila.

Ikatlong Bahagi

BALAT

58

Bangungot

by Norver Trinidad, UCB ‘10

Kamamatay lang ng tatay ko at nasa sementeryo kami. Hindi humihinto

sa pag-iyak ang nanay ko kaya nilapitan ko siya at niyakap. Sabi niya hindi

na niya kayang mabuhay sa mundong ito. Tumingin ako sa langit at bigla na

lang umambon. Pagkatapos ng serbisyo, lumalakas lalo ang ulan. Tumakbo

kami papunta sa kotse.

Habang minamaneho ko ang kotse palabas ng sementeryo, meron

akong nakitang matandang babae. Puti ang buhok niya at naka puting damit

siya. Matandang-matanda na siya, sa tingin ko otsenta na. Tinignan ko siya

pero hindi ko siya nakilala. Tumingin din siya sa akin at nilakihan niya ang

mga mata niya nang itinuro niya ang daliri niya sa akin. Bigla na lang bumagsak

ang tiyan ko, natakot ako.

Pagdating namin sa bahay, gutom na gutom na ako. Walang nagluto

ng hapunan at hindi ko kayang magpaluto sa nanay ko dahil umiiyak pa rin

siya. Tinignan ko ang ref namin pero wala akong nakitang pagkain. Pumanhik

na lang ako sa kuwarto ko at nahiga na lang ako.

Naaalala ko na bago ako matulog, binibigyan ako ng tatay ko ng

gatas, pero wala na siya. Bigla na lang akong naging malunkot. Tumalikod

ako para tumingin sa bintana at parang meron akong nakitang puting damit

sa mga puno. Pumikit ako at nawala ang puting damit. Tapos, isinara ko ang

mga mata ko para makatulog.

Paggising ko, mayroon akong naamoy na putik. Nararamdaman ko

ang lamig ng hangin. Tumayo ako at nakita ko na wala na ako sa bahay ko,

ngunit nakikilala ko ang lugar na ito. Nasa sementeryo ako at nasa harap ko

ang libingan ng tatay ko. Hindi pa nila binabaon ang butas sa libingan ng

tatay ko.

Lumapit ako, at nakita ko ang ataul ng tatay ko. Bigla na lang lumakas

ang hangin; muntik na akong mahulog sa libingan. Tumingin ako sa malayo

at meron akong nakitang puting tela na dinadala ng hangin. Paglapit ng tela

sa libingan ng tatay ko, bigla na lang huminto ang hangin at nalalag ang tela

sa libingan. Naalala ko ang matandang babae na nakita ko kaninang hapon at

nanginig ang katawan ko. Tumalikod ako at nakita ko ang matandang babae.

Hindi ako makagalaw dahil sa takot. Tinulak niya ako sa libingan. Nakikita ko

siya habang nasa ilalim ako ng libingan. Meron siyang kinuhang malaking

bato. itinaas niya ang bato sa ulo niya at hinagis papunta sa akin…

Sumigaw ako habang pumipikit ako. Tapos meron akong narinig na

kumakatok. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko na nakahiga ako sa

kama ko. Inalis ko ang kumot ko at tumakbo ako papuntang pinto. Inaasahan

ko na ang nanay ko ang kumakatok. Binuksan ko ang pinto at wala akong nakitang

tao. Tinignan ko ang pasilyo at hindi ko nakita ang nanay ko. Binuksan

ko ang ilaw at tinignan ko ang paa ko.

May putik ang mga paa ko. Tumalikod ako at meron akong nakitang

puting tela na lumilapad palabas ng kuwarto ko.

Pagkatapos ng dalawang segundo, namatay lahat ng ilaw.

59

60

Inay

by Nicki Nario, UCB ‘12

Ang kampanilya ay tumutunog ng malakas. Kung kanina, ang eskwelahan

ay isang tahimik at walang tao, ngayon ito ay naging isang lugar na

puno ng ingay at mga estudyante. Sa lahat ng paligid, may mga estudyante

na masayang nagkwekwentuhan dahil tapos na ang eskwela para sa araw

na iyon. Nakita ko yung kotse na berde ng nanay ko at lumakad ako patungo

doon. Noong pumasok ako sa kotse, napansin ko na yung mukha ng nanay

ko ay medyo malungkot. Napa-isip ako kung dapat ko ba itanong kung bakit,

pero iniwasan ko na lang dahil gustong ko pa rin panatilhin ang ganda ng

araw. Nagmaneho siya ng kaunti na walang sinasabi. Wala man lang lumabas

sa bibig niya kahit isang salita. Pambihira naman ito, inisip ko sa sarili ko, siguro

may nangyari. Naghanda ako para sa kung ano man ang dumating, pero hindi

ko akalain na kailangan ko maghanda para dito. Kung ano man ang nagumpisa

na isang magandang araw ay naging isang araw na hindi ko makakalimutan.

Hindi ako makapaniwala. Sinabi ng nanay ko sa akin na namatay na

si Inay ngayon lang umaga. Hindi ako makasalita, hindi ako makakilos. Ayaw

kong tangapin ang sinabi ng nanay ko sa akin. Sa lahat ng mga araw na dinalaw

namin sa hospital si Inay, ay dapat hinanda ako para sa ito, pero hindi.

Noong panahon na iyon, naniwala ako na kaya niyang lumakas, na kaya niyang

gumaling. Ang lola ko ay malakas; siya ay isa sa mga pinaka malakas na tao na

nakilala ko. Para sa akin, akala ko na ito lang ay isang balakid na tatalunin niya.

Sa mga sumusunod na nga araw, nagkunwari ako na okey ang lahat

at wala lang nangyari. Ginawa ko ang lahat na lagi kung ginagawa arawaraw:

gumising, pumunta sa eskwela, bumalik sa bahay, gumawa ng homework,

kumain, at natulog. Kahit na gustong-gusto ko ng kalimutan ang

nangyari, hindi ko din magawa at lalong hindi din ako maiyak. Ano ang

mali sa akin, inisip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako maiyak kahit

na yumao ang isang pinaka importante na tao na nagpalaki sa akin.

Isang gabi bago siya inilibing, na-realize ko na ang lola ko ay hindi na

babalik. Ang naramdaman ko ay hindi lungkot, pero galit. Nagalit ako kay Inay

at itinatong kung bakit niya kaming iniwan, kung bakit wala siyang sinabi sa

amin na hindi na siya lalaban pa. Pinangako niya sa akin na pupunta siya sa promotion

ko, pero ngayon, hindi na siya makakapunta kahit ano pa ang gawin ko.

Noong araw ng libing, inisip ko na okey na ako pero mali nanaman ako.

Habang nakikinig ako sa mga papuri ng mga pamilya ko kay Inay, naalala ko yung

mga memorya tungkol kay Inay. Lahat kami may memorya tungkol sa kanya; lahat

iba dahil yung mga memorya namin sa kanya ay espesyal lang sa amin at sa amin

lang. Isang memorya na lagi kong naaalala ay nagyari nuong limang taon pa lang

ako. Hindi ko alam kung bakit, pero pagnaaalala ko ang lola ko, ito ang naiisip ko.

Noong bata pa ako, lagi kong gustong samahan ang mga magulang

ko sa mga pinupuntahan nila. Dahil alam nila ito, isang gabi, umalis sila ng

bahay na walang sinasabi sa akin at para na rin hindi ko malaman. Noong

na-realize ko na umalis sila na hindi ako kasama, umiyak ako ng umiyak.

Umiyak akong na parang walang bukas. Si Inay na nakaupo ay tinawagan

ako para pumunta sa kanya. Habang umiiyak, pumunta ako sa kanya. Hindi

pinansin ng lola ko na umiiyak ako, pero itinuro niya yung papel na hinahawak

niya at sinabi, “O Colette, tingnan mo ito. Ano ito” Sa papel, gumuhit

siya ng isang ungoy na nakakatuwang tingnan. Tumawa ako at gumuhit uli

ang lola ko ng isa pang hayop. Nakalimutan ko na ang mga magulang ko

at tumawa na lang kaming dalawa nang matagal. Kami ng lola ko at ako.

At nuong bumalik ang nanay at tatay ko, tumatawa pa rin kaming dalawa.

Naaalala ko rin ang iba pang mga bagay-bagay tungkol sa lola ko.

Hindi lang mga kung ano-anung ginawa naming dalawa pero yung mga

ginawa niya araw-araw. Lagi siyang maagang gumigising at alam mong gising

na siya dahil sa amoy ng kape na galing sa kusina. Lagi rin siyang nakasuot

ng mga bestidang maraming kulay at masiyadong malaki para sa kanyang

katawan. Meron siyang sariling silya na nakapwesto sa gitna ng family

room. Ang mga halik niya ay iba talaga. Parang inaamoy ka niya muna bago

ka hahalikan sa pisne. Ang tawa niya ay nakakahawa talaga; malakas at mahaba

hanggang sa lahat ng tao sa paligid ay tumatawa na rin. Lagi siyang

masaya; hindi ko maalala yung mga beses na malungkot siya. Lahat gustonggusto

ang lola ko at kung iisipin ko talaga, siya ang nagpadikit sa pamilya ko.

Sa panahon na iyon, naalala ko lahat tungkol sa lola ko at hindi ko na

kayang itago sa loob ng damdamin ko. Binitawan ko na lang lahat ng galit

ko, lahat ng damdamin ko, at umiyak ako. Umiyak ako dahil nagalit ako sa

kanya, umiyak ako dahil hindi ako nakasabi ng “good-bye,” umiyak ako dahil

hindi na siya makakasali sa bukas ko – umiyak ako para sa maraming dahilan,

pero umiyak talaga ako dahil alam ko na hindi na siya babalik kahit kailan.

Dahil wala na si Inay, marami akong natutunan tungkol sa buhay. Natutunan

ko na wala talagang nakakaalam kung anong pwedeng mangyari bukas.

Ang buhay laging nag-iiba. Siguro hindi ko natanggap yung totoo nung una

dahil hindi ko akalain na talagang iiwanan niya kami. Hindi ko naisip na pwede

pala yun magyari. Ang lola ko pa rin ang pinakamaimpluwensiyang tao sa buhay

ko. Namimiss ko ang lahat ng tungkol sa kanya: yung kape niya, yung silya

niya, yung tawa niya. Yung mga halik niya namimiss ko rin, pero bukod sa lahat,

namimiss ko siya. Hindi laging malungkot ang malakas na tunog ng kampanilya.

61

Ang Mga Bata

by Paulo Salta, UCB ‘11

Noong pitong taong gulang ako sa Pilipinas, pagkagising sa umaga ay naririnig

ko na ang mga aso at manok sa labas. Hindi pa mainit pero halata nang

magiging maiinit ang araw. Sa tuwa ko, ako ay lumundag galing sa kama para

maglaro sa labas. Inuubos ko ang gatas na tsokolate na ginagawa ng mama

ko.

Binubuksan ko ang gate namin na dahil sa pagkaluma ay maraming kalawang

at mahirap mabuksan. Ang mga kaibigan ko ay nasa labas na naghihintay

para sa magtataho. Ang tamis-tamis ng amoy ng taho. Pagkatapos

kumain, naglalaro kami ng kickball.

Pagdating ng alas dose, masyadong mainit kaya umuupo kaming lahat sa ilalim

ng puno ng niyog para kumain ng halo-halo. Pagkatapos, nararamdaman

namin ang hangin kaya gumagawa kami ng saranggola. Gumagamit kami ng

dyaryo at kanin para sa pandikit. Dahil manipis ang sinulid, mabilis maputol

at mawala ang mga saranggola sa hangin.

Pagkatapos, nagbibisikleta kami sa sapa sa likod ng barangay at naglalaro sa

tubig.

Pagkatapos, sa kagutuman namin at pumupunta kami sa tindahan at bumibili

kami ng lumpiang sariwa at pepsi na nasa plastic bag. Pagdating ng

mga mas matandang bata, naglalaro kami lahat ng patintero at bangsak.

Naglalaro kami hanggang dumilim. Pagdating ng gabi ay nagsisiratingan ang

maraming lamok at maaaring marining ang mga kuliglig. Pag-uwi namin ay

kailangang linisan ang mga paa dahil masyadong marumi ang mga ito.

Noong umuwi ako sa pilipinas, wala na ang saya sa mga kalye. Wala na ang

mga bata naglalaro sa labas. Masyadong maraming kotse para maglaro.

Ngayong ay pumupunta na lamang ang mga bata sa megamall.

62

Bigas

by Cecille Reyes, UCB ‘12

Noong bata pa ako, nagkukuwento ang lola ko sa akin kung gaano kahirap

ang buhay nila

sa Pilipinas. Wala siyang trabaho ngunit napalaki niya ang walong bata sa

kakarampot na suweldo ng

asawa niyang pulis.

May panahon na lumakad ang lolo ko sa gitna ng bagyo habang pasan ang

sako

ng bigas sa ibabaw ng kanyang ulo. Umuulan noon at ayaw niyang malunod

ito sa baha.

Ang lola ko naman ang nagluluto, naglilinis, at nagpapakain sa pamilya.

Tulad ng bigas, ang lolo’t lola ko ay mahalaga dahil hindi pwedeng mabuhay

ang

pamilya ko kung wala sila.

Stickers

by Rosauro Hernandez, UCB ‘10

Noong Enero, mayroong medical-surgical mission sa La Trinidad, Benguet,

Philippines. Sa limang araw na kami ay nanatili, sinuri namin ang halos

apat na libong mga pasyente. Bagama’t mahalaga ang lahat ng pasyente,

pinaka-espesyal pa rin ang mga bata sa medical mission.

Natakot ang maraming bata sa mga doktor, nars, at mga boluntaryo.

Binibigyan ko sila ng mga sticker para maging masaya at kumportable sila.

Ang sticker ay konting regalo na puwedeng ibigay ko sa lahat ng bata.

Ang unang bata na aking nakita ay ayaw makisalamuha sa mga ibang

tao. Nang binigyan ko siya ng sticker, ngumiti at lumiwanag ang kanyang

mukha. Pumunta ang iba pang mga bata sa mission at nag-iba ang tungkulin

o “role” ng sticker. Tumitigil ang iyak ng mga bata tuwing bininigyan ko sila

ng sticker. Naging sentro ng atensyon (“center of attention”) ang sticker at

gustong gusto ito ng lahat ng bata.

Kung tutuusin, maliit lang ang sticker pero mahalaga ito para sa

mga bata sa Benguet. Sa Estados Unidos, ang isang maliit na sticker ay hindi

mahalaga. Ang mga bagay kagaya ng sticker ay pinagpapawalang-halaga

(“taken for granted”).

Hindi lamang nagbigay ang mga boluntaryo ng regalong pangkalusugan

pero ang sticker ay simbulo na rin ng personal na koneksiyon ng

“humanitarian efforts.” Madaling magbigay ng pera o mga material na bagay,

ngunit hindi nito kayang bayaran ang tiwala ng mga tao upang sila ay tunay

na makilala at makasalamuha.

63

Ako si Sarimanok

by Laurie Bailon, UCB ‘11

Noong Abril 2009, sumayaw ako sa Pilipino Cultural Night (PCN) ng UC Berkeley.

Kasabay ng ibang mananayaw, sinayaw ko ang alamat ng mga unang

Pilipino, si Malakas at Maganda. Ito ang alamat:

“May anak si Dagat at Lupa na si Kawayan. Tinuka ni Sarimanok ang kawayan

at binuksan niya ito. Lumitaw ang isang babae at isang lalaki, si Maganda at

Malakas.”

Ang mga mananayaw ang mga tauhan sa alamat. Nakasuot sila ng asul na

damit. Nagsisilbing mga kawayan ang mga lalaki. Nakasuot sila ng mga

kayumanggi at berdeng damit. Si Maganda ay isa sa mga babaeng mananayaw

at si Malakas naman ay isa sa mga lalaking mananayaw. Ako naman si

Sarimanok.

“Graceful” o kaaya-aya ang mga galaw ng Sarimanok. Masaya ako sa entablado

dahil malaya akong gumalaw, para bang lumilipad. Gusto ko maging

huling mananayaw sa entablado.

Ngiti

by Kathrina Wardrip, UCB ‘11

Ang ngiti niya ay nasa aking gunita.

Maliwanag, nagniningning, maganda.

Nalalasahan ko ang malambot na balat,

Pero may dahas ang kanyang mga salita.

Dahil dito, palagi akong may sugat.

64

5th Symphony

by Marthina Cinco, UCB ‘10

Noong walong taong gulang ako at nasa eskuwelahan,

Naririnig ko si Beethoven at ang kanyang obra na 5th Symphony.

Nararamdaman ng mga daliri ko ang piano keys.

Gusto ko nang umuwi.

Pagkatapos ng eskuwela ay dumidiretso agad ako sa piano.

Kapag nasa keys ang mga maliliit kong kamay,

Bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nagsimula akong tumugtog.

Umabot ng isang buwan at kalahati bago ko natutunan ang 5th Symphony.

Nag-ensayo ako araw araw at minsan nang umiyak.

Masyadong maliit ang mga daliri ko para makahabol sa bilis ng tugtog.

Gayon pa man, nanalo ako sa isang kompetisyon.

Sa ngayon, nagtuturo ako ng piano sa mga bata.

Nakikita ko ang sarili ko sa kanila.

Tilapia

by Jeannette Deano, UCB ‘10

Sa tilapia ng aking gunita,

Nakikita ko ang lalamunan kong

nagsasara,

Naririnig ko ang sipol ng baga,

Unang atake ng hika.

65

Piano

by Iana Diesto, UCB ‘13

Pangit ang aking mga kamay,

Magaspang at napakahaba.

Nageensayo ako ng piyano,

Dalawang oras sa isang araw.

Paborito ko ang “Claire de Lune.”

Tahimik ang aking loob,

Kung tumutugtog.

Lumilikha ng musika

Ang aking mga kamay.

Gabi

by Eunice Gopez, UCB ‘12

Sa gabi ng aking gunita,

Nararamdaman ko sa aking balat

Ang bituin.

Nalalasahan ko ang lamig ng

hangin.

Nakikita ko ang itim na laman.

Nagdurugo ang kulay ng kalangitan.

66

Stethoscope

by Karen Eula Molina, UCB ‘10

Doktor ang tatay ko. Mayroon siyang stethoscope. Itim ang kulay ng stethoscope

niya. Nilalagay niya ang stethos-cope sa maleta at dinadala sa trabaho.

Noong kabataan ko, nilalaro ko ang stethoscope. Nagkukunwari ako na ako’y

isang doktor na may klinikang gawa sa kariton. Ang mga kapatid ko ang naging

mga pasyente.

Ngayon, Integrative Biology ang major ko sa University of California, Berkeley.

Gusto kong pag-aralan ang mga klase na tungkol sa human science. Interesado

ako sa Public Health kaya ako nag-aaral ako ng human anatomy, human

physiology, at human reproduction.

Ngayon, nagboboluntaryo ako sa Mabuhay Health Center. Gusto kong maging

isang doktor at makatulong sa mga tao. Mayroong stethoscope ang mga

medical student na nagboboluntaryo sa health clinic. Balang araw, magkakaroon

din ako ng sarili kong stethoscope.

Ang Aking Dagat

by Aileen Kim, UCB

Sa dagat ng aking gunita,

Hinihiram ng tubig ang aking t-shirt.

Hinihiwa ng mga bato ang aking mga

paa.

Nalulunod ako sa alon,

at hindi na makalaban

ang aking katawan.

67

Bagyo

by Clyde Villacisneros, UCB ‘12

Sa bagyo ng aking gunita,

maraming basa,

mga larawang aking tinago,

kumupas at tuluyang nalaos.

Aking nakaraan hindi na kayang

balikan.

Ang Aking Itim Na Tsinelas

by JC Alhambra, UCB ‘12

Meron akong itim na tsinelas na palagi kong inilalagay sa harap ng

pinto ko pag katapos kong gamitin. Isang simpleng bagay ang tsinelas na

sinusuot ng maraming tao. Tulong ito para sa paa para sa paglakad, pagtakbo,

pagtalon, at marami pang bagay.

Isang araw, sumukay ako sa bangka ng tatay ko. Dahil sa isang bagyo,

nagpunta ako sa isang isla na walang tao. Wala kong kasama. Wala kong dinala.

Suot ko lang ang damit ko at ang tsinelas ko. Natakot ako dahil walang

tubig na puwede kong inumin. Humanap ako ng isda sa dagat para puwede

akong kumain, tapos gumawa ako ng apoy.

Apat na oras ang nakalipas at kinakabahan ako. Akala ko walang hahanap

sa akin sa isla, pero narinig ko ang ingay ng barko. Sumigaw ako, pero

hindi nila ako narinig. Natakot ako ulit dahil umaalis na ang barko. Naka-isip

ako ng ideya. Sinunog ko ang tsinelas ko, tapos may itim na usok na pumuno

ang langit. Nakita ng barko ang usok, at iniligtas nila ako.

Kung hindi ako nagsuot ng tsinelas, siguro patay na ako. Ang itim na

tsinelas ko ang dahilan na buhay pa rin ako.

Maraming tao ang tulad ng itim na tsinelas ko. Sila ay simpleng tao

pero puwede silang gumawa ng bagay na kahanga-hanga.

68

Kung Paano Magsimula ng PCN

by Eugene Lloyd Lapid Pascual, UCB ‘10

Nang unang panahon, magkakaibigan sina malakas, maganda, at sarimanok.

Habang naglalaro, dumating si Tito Sam. Sabi ni Tito Sam, “Sumakay

kayo sa aking bangka. Ituro ninyo sa amin ang inyong laro.” Sumama

sila sa kanya. Pagdating nila sa Amerika, nagsimula silang sumayaw.

Pagtatapos, sabi ni Tito Sam, “Kailangan ninyong manatili dito. “

Dahil dito, sina malakas, maganda, at sarimanok ay nanatili doon at

sumayaw bawat taon simula noon. Kadataon, may show nila.

Inaasahan nila na mapapanood ang kanilang mga show. Malakingmalaki

ang show para makita sila ng pamilya nila mula sa ka bilang dagat. Sa

halip, ang ibang mga Pilipino ang dumating upang makita. Ang sumunod

ng mga henerasyon ay ang mga descendant ni na malakas, maganda, at

sarimanok. Nagpatuloy ang show para dumating ang mga pamilya sa

Amerika.

69

Ika-apat na Bahagi

KOTON

70

Kape

by Albert Ayson, UCB ‘11

Maitim at masarap ang kape.

Umiinom ako ng kape sa umaga at sa gabi.

Araw-araw, mainit at matamis ang binibili kong kape sa Starbucks.

Minsan ay sobrang dami ng iniinom ko.

Hindi ako makatulog.

Ganito rin ang aking pamilya.

Sobra-sobrang mag-kape sa gabi at umaga.

May sibuyas sa aking gunita.

Journal Poem

by Jacob Delmundo, UCB ‘10

Natitikman ko ang hirap at sakit sa aking mata sa bawat hiwa ng kutsilyo.

Nararamdaman ko ang tamis ng lasa pagkatapos ng bawat hiwa.

Minsan ang isang tao ay mahirap intindihin sa unang pagkakilala,

Pero mabait pala siya kapag lubos nang nakilala.

71

Ang Alamat ng Mga Bituin

by Kristine Guanzon, UCB ‘11

Noong unang panahon, ang kalangitan ay nababalot ng kadiliman.

Walang bituin o buwan na gumagabay sa mga hayop sa mga anino ng gabi.

Ngunit merong daan-daang mga gintong rosas na bumubukadkad sa gabi at

nagdadala ng liwanag sa daigdig. Isang araw, gustong balutin ng salbaheng

lobo ang mundo ng kasamaan. Sinunog niya ang hardin ng mga gintong

rosas.

Nasunog ang lahat ng gintong rosas at nawala na magpakailanman.

Maliban sa isa. Itong rosas ay itinago ng salbaheng lobo at ng mga sunudsunuran

sa kanya. Nang nawala ang mga gintong rosas,natakot ang lahat na

umalis sa kani-kanilang mga bahay pagsapit ng dilim. Ang lobo ay naging

hari ng dilim at hinuhuli niya ang kung sino mang maglakas-loob na lumabas

sa gabi.

Isang araw, daan-daang mga hayop ang nagtipon-tipon at nagkaisa

para labanan ang lobo. Pinangungunahan ng isang matapang na agila ang

mga hayop na nakikipagdigmaan. Marami ang nasugatan, ngunit sila ay determinadong

mapabagsak ang salbaheng lobo.

Sa gitna ng labanan, nasagip ng agila ang nag-iisa at huling gintong

rosas. Sinubukang atakihin ng lobo ang agila, ngunit siya ay natambangan ng

iba pang mga hayop.

Pumailanglang ang agila sa himpapawid kasama ang huling rosas.

Ikinalat niya ang mga talulot sa madilim na langit. Ang mga talulot na iyon,

ang mga bituing nakikita ngayon.

72

Bistek na Perpekto

by Catherine Start, UCB ‘11

Gusto ko ang bistek, bistek na perpekto

Pupunta ako sa tindahan para bumili ng mga sahog.

Una, sa lugar ng karne. Anong klaseng hiwa ng karne ang gusto ko

Nakakita ako ng Rib-eye, T-bone, Tri-tip, Filet Mignon, Kobe, at Sirloin...

Pero, ang pinili ko ay ang Prime Rib.

Susunod, kailangan ko ng mga pampalasa. Kumuha ako ng paminta, lemon,

bawang, at truffle salt.

Pangatlo, hindi ito karaniwang kinakain nang walang kasama. Kumuha ako

ng patatas, gulay, kanin, at mahal na alak.

Pag-uwi ko sa bahay, pinalambot ko ang karne.

Pinalo ko ito ng maso. Binuhos ko ang aking makakaya para mapalambot ang

karne.

Pagkatapos, pinagsamasama ko ang toyo at mga pampalasa.

Ibinabad ko ng maraming oras ang karne.

Pagkatapos, hinanda ko na para iluto.

Inumpisahan kong lutuin nang dahan-dahan at binantayan ko para hindi

masunog.

Pagkatapos, ay inilagay ko sa isang plato at inihanda ko para kainin.

Inayos ko ang mesa, inilagay ko sa mesa ang alak, at tumikim ako nang konti.

Napuna kong pagod na ako.

Nasa harap ko na ang pinakamasarap na ulam, pero nawalan ako ng gana.

Inalis ko muna sa mesa at itinabi ang pagkain.

Ako ay natulog.

Kinabukasan, nawalan na ako ng pagkagiliw para sa bistek.

Ang gusto ko ngayon ay ang perpektong salmon.

73

74

Snowboarding

by John Haag, UCB ‘12

Sa snowboarding ng aking gunita,

Nalalasahan ko ang niyebe.

Naririnig ko ang hangin.

Wala na akong ibang maisip.

Paraan Upang Matutong

by Christian Abitan, UCB ‘11

Mag-Skateboard

1.Bumisita sa tindahan ng skateboard.

2.Bumili ng skateboard. Pumili ng mura, pero matibay na skateboard. Ang

presyo ng matibay na skateboard ay nasa halagang limampu hangang isang

daang dolyar.

3.Ngayon, magsimula ka nang mag-ensayo

-Mag-aral ka sa pantay na daan.

-Ilagay ang paa sa unahan ng skateboard sa likod ng “trucks.”

-Ilagay ang kabilang paa sa likod ng skateboard.

-Ngayon, itulak ang sarili paabante. Itaas ang paa sa likod ng skateboard,

tapos ikahig ang paa sa daan.

-Muling ibalik ang paa sa likod ng skateboard.

-Balansehin ang sarili sa gitna ng skateboard! Dahan-dahaning hindi mahulog!

-Para kumanan o kumaliwa, pabigatin ang sarili sa direksyong papupuntahan.

-Para tumigil, ikayod ang likod na paa sa daan.

4. Magensayo araw-araw!

*Paalala:

-Magsuot ng komportableng damit.

-Magensayo kasama ang mga kaibigan.

-Tumigil mag-iskateboard kapag pinahinto ng pulis.

-Huwag sagasaan ang mga tao.

-Kapag nahulog, tumayo at mag-skateboard ulit! Magsaya na!

“Pugon”

by Chelsea Anne Largoza, UCB ‘12

Sa pugon ng aking gumita.

Naririnig ko ay na tumitindig ng init.

Naaamoy ko ay lakat masang ng lang ayaw lumapit

Pero, Nalalasahan ang pagmamahal ng aking tatay.

Ang tatay ko ang pugon ng aking gumita.

“Oven”

The oven of my memory

I hear the heat that intensifies slowly.

I smell the fear when people touch it.

I taste the love my father makes.

My father is the oven of my memory.

Beach Towel

by John Paul Quiocho, UCB ‘12

Sa beach towel ng aking gunita,

Naamoy ko ang mga footprints sa buhangin.

Nakita ko ang kanyang hininga sa hangin,

Pero nalunod siya sa kanyang mga luha.

Bukas, pagsuot ko ng beach towel, eto ang pagbati sa kanya.

75

Alamat ng Lindol at Chu-na-mee

by Jan Tristan Arroyo Gaspi, UCB ‘11

Noong unang panahon, sa isang bahagi ng planetang Aludra, may namumuhay

na dalawang angkan na kilala sa pangalan na Chukchak at Chenes.

Maayos ang pakikitungo ng dalawang angkan sa isa’t isa. Matalik na magkaibigan

ang mga datu ng dalawang kaharian, hanggang sa isang araw ay nauwi

sa isang malaking di pagkakaintindihan, nang narining ng isang prinsipe

mula sa kaharian ng Chukchak na siya ay tinawag na mukhang kabayo. Ito ay

nagdulot ng sunud-sunod na digmaan sa gitna ng dalawang kaharian.

Lingid sa kaalaman ng dalawang kaharian, may namumuong romansa sa

pagitan ng prinsesa ng Chuchak at prinsipe ng Chenes. Kinalaunan, ang

munting romansa ay nauwi sa pagtatanan. Umigting ang alitan sa pagitan

ng dalawang kaharian.

Dahil sa matinding galit ng Hari ng mga Chuchu, hindi na ito nagdalawang

isip na subukang nakawin ang pinakamahalagang kayamanan ng mga

Chenelins --- ang Tambol ng Karimlan.

Sa tagal ng pagsasama at pagkakaigan ng dalawang kaharian, hindi isang

malaking lihim para sa mga Chuchu na kahinaan ng mga Chenelins kapag

tinatambol ang Tambol ng Karimlan.

Sa pitumpu’t pitong pagsubok na makuha ang Tambol, sa gabi ng pagdiriwang

ng kaarawan ng haring Chenelin nang lahat ay nalasing sa tubig na

nilaklak ng buong kaharian, nagtagumpay ang mga Chuchu.

Dumanak ang dugo.

Sa ika-pitumpu’t pitong pagtutuos, nagpakita at pumagitna si Dyosa Ashaka.

Isinisi ang pagkagising mula sa mahimbing na pagtulog sa ingay ng digmaan

ng dalawang kaharian. Sa sobrang galit kaniyang inanib ang dalawang

kaharian sa dalawang elemento ng kalikasan, ang lupa at tubig. Ipinaubaya

ng Dyosa ang mga Chuchu kay Haring Karag-Atan at ang mga Chenelins kay

Reyna Put-ik.

Tuwing nakakawala ang dalawang angkan sa kanilang mga tagapagbantay,

bagamat nasa anyong tubig at lupa, itinatambol ng nga Chuchu ang Tambol

ng Karimlan na siyang nagdudulot ng delubyo at kasiraan sa mga Chenelins.

Dahil sa kahinaan na idinudulot ng tambol sa kalagayan ng mga Chenelin,

buong puwersang hinahalughog ng mga Chuchu na nasa anyong tubig ang

teritoryo ng mga ito, upang hanapin sa kalupaan ang nawawalang prinsesa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko ang mga Chukchak sa paghahanap

sa nawawalang prinsesa.

At ito and alamat ng lindol at Chu-na-mee.

76

Pagkain sa Kalye

by Natalie Estrella, UCB

Sa anumang oras ng araw ay naririnig ang tawag ng mga ale’t mama. Sinisigaw

nila ang “tahooo!” at “balut!”; may “kling kling kling” naman ang Mamang

Sorbetero. Ang pagkain sa kalye ay importante sa buhay ng mga Pilipino. Ito

ay indikasyon ng hirap ng buhay sa Pilipinas at ang hilig ng mga Pilipino sa

pagkain.

Maraming parte ng baboy, manok, at baka ang ginagamit ng mga tindera sa

kalye. Malimit ay mga parte ito ng mga hayop na hindi nila gustong itapon.

Isa sa mga parte na ito ay “isaw” o bituka ng manok na iniihaw at nilalagyan

ng BBQ sauce. Karaniwan ding ginagamit ang lamang loob ng baka, manok,

at baboy. Paborito rin ng mga tao ang “adidas” o paa ng manok, “kwek-kwek”

(piniritong itlog ng pugo), “banana kyu” (piniritong saging na may pulang

asukal), at inihaw na mais.

Ang mga pagkaing ito ay importante sa mga karaniwang Pilipino dahil ito’y

mura at madaling kainin. Mayroon ring mga pagkain na sa Pasko lang ipinagbibili.

Sa labas ng simbahan ay nakahilata ang mga nagtitinda ng kastanyas,

puto bungbong, at marami pang iba.

Noong nakatira pa ako sa Pilipinas ay madalas akong kumakain ng mga pagkain

sa kalye. Naaalala ko ang maiinit at maaanghang na pisbol na kagagaling

lamang sa kumukulong mantika. Kasama nito ay ang isang plastik bag at

straw na may matamis at malamig na buko dyus. Araw araw, pagkatapos ng

eskwela ay palagi akong bumibili ng isaw. Puno ako ng saya noong nalaman

ko na magbabakasyon kami ng lola ko sa Pilipinas. Sa sobrang saya ay napanaginipan

ko ang ‘dirty ice cream’, taho, at kikyam, pero nalungkot din ako ng

pinagsabihan ako ng nanay ko na hindi na kaya ng tiyan ko ang ‘maruming’

pagkaing galing sa kalye. Paano ko ulit malalasahan ang mga araw ng aking

kabataan Kahit anumang klase ng pangongopya ang gawin ng nanay ko at

kahit produkto ng Goldilocks o Island Pacific ang aming bilhin, walang kasing

sarap ang tunay na pagkain sa mga kalye ng Pilipinas.

77

Tagumpay

PAGLANGOY

by Niño-Pierre Galang, UCB ‘12

Sa isipan, ako’y lumalangoy.

Lumalangoy sa kawalan.

Sa kawalang walang tama,

Walang mga tamang salita.

Nais ko nang magpahinga.

by Raquel Espinosa, UCB ‘10

Ganito magsayaw ng tinikling. Dalawang tao ang sumasayaw sa

entablado. Nagdadala sila ng dalawang kawayan sa bawat dulo at lumuluhod

sila sa sahig. Ang kawayan ay isang instrumentong percussion:

“Klik, klik , klak, klik, klik klak.”

Pagkatapos, dalawang tao ang pumapasok sa entablado habang pumapalakpak

at sumasayaw ng “sway balance”. Kailangan nilang maingat na

tumalon sa kawayan . Sinasabi ng tao: “Isa, Dalawa, Tatlo!” Ang dalawang tao

ay tumatalon sa kawayan: una ang kanang paa at pagkatapos ang kaliwa. Ito

ay mabilisan, dahil kung hindi ay mahuhuli sila ng kawayan.

Ang “Tinikling” ay buhat sa Leyte na nasa kabisayaan. Ang kuwento ng

sayaw ay tungkol sa ibon ng Tikling na nakakatakas sa mga bitag ng kawayan

na gawa ng mga magsasaka. Ang mga taong sumasayaw ay ang mga ibon, at

ang clickers ay ang mga magsasaka. Isang malaking hamon ang Tinikling sa

mga tao.

Ganito rin sa Kolehiyo. Ang Tinikling at ang kolehiyo ay parehong

mahirap. Hindi ko alam kung kailan ako mahuhuli ng kawayan at hindi ko rin

alam kung kailan ako makakaraos sa kolehiyo, pero patuloy pa rin ako. Ang

palakpak sa sayaw ay tulad din ng palakpak sa pagtatapos. Ang katapusan

ng sayaw ay tulad rin ng pagtatapos sa kolehiyo. Natupad ko na ang aking

pangarap sa buhay!

78

Bahay

by Sabrina Hamm, UCB ‘11

Sa bahay ng aking gunita,

Nakikita ko ang pagmamahal,

Nararamdaman ko ang mga tawanan.

Nakatira ako sa isang apartamento sa Berkeley,

Pero umuuwi ako sa bahay ng pamilya ko sa San Diego.

Pawikan

by Byron Mazire, UCB ‘12

Kakaibang surfer ang pawikan.

Malakas, matapang at mabangis sa dagat.

Malakas ang pang-amoy, mahaba ang buhay,

May magandang kutis at matibay na katawan!

Kahanga-hangang nilalang.

Balang araw, magiging surfer ako

Tulad ng pawikan.

79

Anim na minuto

by John Bacolores, UCB ‘10

Sa musikang hip hop ng aking gunita,

Gusto kong sumayaw nang hindi nahihiya.

Palagi akong pagod,

At butas ang sapatos.

Bawat linggo, nag-eensayo ako ng dalawampung oras.

Ang pagod ay tinitiis ko,

Dahil bukas muli akong sasayaw ng anim na minuto.

Tubig

by Michelle Tio, UCB ‘12

Tubig,

Malinaw at malamig,

Pamatid-uhaw.

Pero, mainit

Sa ilalim ng araw.

80

Puno ng Mansanas

by Anjelica Mendoza, UCB ‘11

Sa punong mansanas ng aking gunita.

Umaakyat ang mga squirrels at ninanakaw ang mga

bunga.

Butas-butas ang mga prutas.

Gusto kong matulog sa ilalim ng punong mansanas.

Pamilya ng Mangga

by Stephen Cruz, UCB ‘10

Isang mangga na naka tingala sa langit,

Nakakapit sa kamay ng inang puno.

Hawak-hawak ng kanyang mga kapatid,

Sabay-sabay at dahan-dahang

Nakangiti sa hangin.

Nakakapit din ako sa puno.

Nakikita ko ang sarili ko sa prutas.

Isa rin akong mangga.

81

Boba

by Grace T. Boone, UCB

Sa Thai Tea Boba ng aking gunita,

Naaamoy ko ang lamig,

Naririnig ko ang tamis,

Nalalasahan ko ang saya.

Mapakla ang buhay,

Pero magtitimpla ako ng tsaa para sa

aking mahal.

Tango

by Brian Villa, UCB ‘12

Sa kusina ng aking gunita,

Pinagsasama-sama ko ang mga sangkap para magluto ng masarap.

Nararamdaman ko ang mainit-init na salsa.

Naaamoy ko ang mga manok na nagsasayaw ng tango sa kawali.

Kakain ako ngayong tanghali.

82

“Ang Pawikan”

by Byron Mazire, UCB ‘12

Ang pawikan...

Isang kaaya-ayang surfer sa kasalukuyan.

Ngunit nanatiling malakas, matapang, at mabangis sa dagat.

Siya ay isang kahangahangang nilalang.

Isang araw, ako ay magiging maluwalhati tulad ng pawikan.

The sea turtle...

So calm and patient as he waits for his wave.

A graceful surfer in the current.

But stays strong, bold, and fierce in the sea.

He is a magnificent sight.

One day, I will become glorious like the sea turtle.

83

Sibuyas

by Jacob Delmundo, UCB ‘10

Sa sibuyas ng aking gunita,

Natitikman ko ang sakit sa mata mula sa kutsilyong panghiwa.

Nararamdaman ko ang tamis ng lasa.

Mahirap intindihin ng iba hanggang sa makilala.

Hilaw na Mangga

by Chona Ocampo, UCB ‘10

Sa hilaw na mangga ng aking gunita,

Naaamoy ko ang asim,

Nararamdaman ko ang kagat.

Tumatakbo-takbo ako,

Nabitawan ang bitbit na mangga.

84

Ako ay isang alien,

Alien

by Jamielyn Fong, UCB ‘11

Nakarating gamit ang spaceship.

Mga makinang naglalakbay,

Sa langit at sa ilalim ng tubig.

Naglalakad ako sa mga berdeng tarangkahan.

Kawili-wili ang mga nilalang dito.

Sa loob ng gusali- parang mga istatwa.

Umuupo, umuupo, umuupo; tumititig sa lider.

Sa labas - nakikibaka.

Humihiyaw, Humihiyaw, Humihiyaw; tumututol sa lider.

Naririnig ko ang tunog ng mga kampanang hindi kalayuan.

Ang lugar na ito ay puno ng mga sorpresa.

Natatabunan ako ng mga papel, papel, papel sa lahat ng dako.

Makulimlim ang langit,

At heto na ang tubig, tubig, tubig;

Malakas ang ulan.

Isang bagong mundo para sa akin ang Berkeley.

85

University of California Berkeley • Volume Two • Est. 2009

MABUHAY ANG WELGA

MABUHAY SI JOI BARRIOS

MABUHAY ANG FILIPINO

Isingkaw ang kapangyarihan

Magtipon ng lakas

Layunin mo to

... Magsulat ka. . .

Maki baka, huwag matakot. Ito ang unang hakbang.

Maiba ka, huwag din matakot.

Maiiba ka, sila ang matakot.

Tayo ang kinabukasan.

Tayo ang sinulid.

Tayo ang mga tinig na hindi mapakali!

Gising na, mga kapatid!

Tara na! Nais namin na kung sino man ang makatanggap

nitong libro, matatanda ba o kapwang kabataan,

ay mabibigyan ng inspirasyon na kapag

inapi ay handang lumaban... sa pamamagitan

ng pagsulat.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!