28.01.2015 Views

Pamagat: ANG KABUTIHAN SA MAGULANG AT MGA BUNGA NITO ...

Pamagat: ANG KABUTIHAN SA MAGULANG AT MGA BUNGA NITO ...

Pamagat: ANG KABUTIHAN SA MAGULANG AT MGA BUNGA NITO ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pamagat: ANG KABUTIHAN SA MAGULANG AT MGA BUNGA NITO

Kategorya : Panlahat

May-akda : Mula sa aklat "Mga Aralin sa Masjid" ng General Authority of Islamic Affairs & Endowments

Paglalarawan: Katotohanang ang mabuting pakikisama sa mga magulang ay isang mahalagang obligasyon

para sa lahat. Ang pakikisamang ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-abot ng anumang kabutihan ayon sa

abot ng kakayahan at ang pag-iwas sa paggawa ng anumang kasamaan laban sa kanila.

Purihin natin ang Allah, ang Siyang nag-utos ng mabuting pakikitungo sa mga magulang, at Kanyang

itinakda na ang gantimpala nito ay ang Paraiso at pagkalugod Niya. Ang pagpapala at biyaya ay mapasa-

Kanyang sugo, kanyang pamilya at mga kasamahan.

Sinabi ng Allah sa banal na Koran;

[ At ang iyong Panginoon ay nag-utos na wala kayong ibang sasambahin kundi Siya, at kayo ay maging

mabuti sa inyong mga magulang. Maging isa man sa kanila o silang dalawa sa kanilang katandaan, ay

huwag magsasalita sa kanila nang walang paggalang na salita, ni huwag silang sisigawan, ngunit

magsalita sa kanila sa mga katagang may paggalang. At kayo ay magpakumbaba sa kanila bilang

habag, at sabihin: “Aking Panginoon! Ipagkaloob sa kanila ang Inyong Awa katulad ng kanilang

pagpapalaki sa akin noong ako ay bata pa.] Al-isra’ 23-24

Hadith ng Propeta Muhammad (saws);

Dumating ang isang tao sa Propeta Muhammad(saws) at nagwika: O’ sugo ng Allah! Sino ang taong

karapat-dapat kong pakitaan ng pinakamabuting pakikisama, sinabi ng sugo(saws): [ Ang nanay mo]

kanyang sinabi: Pagkatapos ay sino , sinabi ng sugo(saws): [ Pagkatapos ay ang nanay mo] , kanyang

sinabi: Pagkatapos ay sino ,sinabi ng sugo(saws): [Pagkatapos ay ang nanay mo] , kanyang sinabi:

Pagkatapos ay sino , sinabi ng sugo(saws): [Pagkatapos ay ang tatay mo] Al-bukhari at Muslim

[ Kahiya-hiya, pagkatapos ay kahiya-hiya, pagkatapos ay kahiya-hiya ang isang tao] sinabi sa kanya: Sino

(ang kahiya-hiya) o sugo ng Allah, kanyang sinabi: [ (kahiya-hiya) ang siyang inabutan niya ang

kanyang mga magulang sa kanilang pagtanda , isa man sa kanila o silang dalawa , ngunit siya ay hindi

nakapasok sa paraiso (dahil sa hindi mabuting pakikisama sa magulang)] Muslim

KAPALIWANAGAN

Katotohanang ang mabuting pakikisama sa mga magulang ay isang mahalagang obligasyon para sa lahat.

Ang pakikisamang ito ay sa pamamagitan ng pagpapa-abot ng anumang kabutihan ayon sa abot ng

kakayahan at ang pag-iwas sa paggawa ng anumang kasamaan laban sa kanila. Ang kabutihan sa mga

magulang ay isa sa mga pintuan ng paraiso, at ito ay nagbubunga ng gantimpala mula sa Allah maging dito

المترجم/‏ كارلو كماتشو

sa mundo ngunit ang pagtalikod mula rito ay katiyakang magbubunga ng kaparusahan dito sa mundo

lalung-lalo na sa kabilang-buhay.

Dapat ninyong alamin O’ mga kapatid sa Islam na ang mabuting pakikitungo sa mga magulang ay may mga

malalaking bunga. Kabilang dito;

1- Ito ay dahilan ng kalutasan sa mga problema

2- Dahilan ng pagtugon ng Allah sa mga kahilingan

3- Dahilan ng mabuting pakikitungo ng sariling mga anak sa kanya, sapagkat ang gawaing mabuti ay

nagbubunga rin ng kabutihan, ngunit ang masamang pakikitungo ng tao sa magulang ay

magbubunga rin ng masamang pakikitungo sa kanya ng kanyang sariling mga anak

4- Ito ay dahilan ng pagpasok sa paraiso

5- Ito ay dahilan ng palawig ng buhay at paglago ng biyaya

Kaya’t marapat lamang O’ mga muslim, na pangalagaan ninyo ang obligasyong ito upang inyong makamit

ang gantimpala-paraiso ng Panginoong Allah. Ang pananatili(buhay) ng mga magulang dito sa mundo ay

isang biyaya mula sa Allah para sa anak, at sinuman ang nawalan ng mga magulang ay dapat palagi siyang

humiling para sa kanila ng kapatawaran mula sa Allah.

MGA ARAL

1- Ang mabuting pakikisama sa mga magulang ay isa sa pinakamahalagang pagsunod sa Allah

2- Ang pagkalugod ng mga magulang ay pagkalugod rin ng Allah at Kanyang sugo sa tao

3- Ang pagpapakumbaba sa mga magulang ay isang obligasyon sa batas Islamiko

4- Isa sa kabutihan sa mga magulang ay ang pagsasagawa ng dua(hiling mula sa Allah) para sa kanila

habang sila ay nabubuhay pa at maging sila man ay pumanaw na

5- Nalugi at nasawi ang siyang inabutan ang mga magulang(hanggang katandaan) ngunit hindi

nakapasok sa paraiso

المترجم/‏ كارلو كماتشو

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!