28.01.2015 Views

Pamagat: ANG PAGPAPATAWAD AT PAGPAPAUMANHIN ...

Pamagat: ANG PAGPAPATAWAD AT PAGPAPAUMANHIN ...

Pamagat: ANG PAGPAPATAWAD AT PAGPAPAUMANHIN ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pamagat: ANG PAGPAPATAWAD AT PAGPAPAUMANHIN

Kategorya : Pangkalahatan

May-akda : Mula sa aklat "Mga Aralin sa Masjid" ng General Authority of Islamic

Affairs & Endowments

Paglalarawan: Sinabi ng Allah: [ Magkaloob ng kapatawaran, at ipag-utos kung ano ang

mabuti, at tumalikod ng malayo sa mga mangmang ]

Purihin natin ang Allah, ang Siyang nangako ng gantimpala para sa silang mga

mapagpatawad at mabubuti. Ang nag-utos sa atin na talikdan ang mga silang

masasama ang pakikitungo st ugali. Ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa-

Kanyang sugo na si Muhammad, ang pinakamabuti sa lahat ng nilalang, kanyang

pamilya, kasamahan at silang mga mapagbigay sa kapwa.

Sinabi ng Allah sa banal na Koran;

[ Magkaloob ng kapatawaran, at ipag-utos kung ano ang mabuti, at tumalikod

ng malayo sa mga mangmang ]Al-a’raf 199

[At ang kabayaran sa isang kasamaan ay isang kasamaan na katulad din noon;

ngunit sinuman ang magpatawad at gumawa nang pakikipagkasundo, ang

kanyang gantimpala ay nasa ALLAH. Katotohanan, hindi Niya gusto ang mga

Dhalimin [mga hindi naniniwala sa ALLAH].] Ash-shura 40

[At maglakad sa unahan sa Daan [na patungo sa] kapatawaran mula sa inyong

Panginoon, at para sa Paraiso na kasing lawak ng mga kalangitan at ng

kalupaan [ang daigdig], na inihanda para sa Al Muttaqin [sa mga banal at

matutuwid]. {134} Ang mga yaon na gumagasta [na ang dahilan ay ang ALLAH]

na nasa kasaganaan [man] O’ nasa kahirapan, na nagtitimpi sa kanilang mga

galit at siyang nagpapatawad sa mga tao; Katotohanan, minamahal ng ALLAH

ang Al Muhsinin [ang manggagawa ng kabutihan].] Al Imran 133-134

[At sa pamamagitan ng Awa ng ALLAH, iyong pakitunguhan sila ng mahinahon.

At kung ikaw ay maging mahigpit at mabagsik, sila ay magsisilayo mula sa iyo;

kaya palagpasin [ang kanilang mga kamalian], at humingi ng kapatawaran [sa

ALLAH] para sa kanila; at tanungin sila tungkol sa kanilang mga kabuhayan.

Makaraan kung ikaw ay makagawa ng kapasyahan, ilagay ang iyong

pagtitiwala sa ALLAH, katiyakan, minamahal ng ALLAH ang mga yaon na

naglalagay ng kanilang pagtitiwala [sa Kanya]. At sa pamamagitan ng Awa ng

ALLAH, iyong pakitunguhan sila ng mahinahon. At kung ikaw ay maging

mahigpit at mabagsik, sila ay magsisilayo mula sa iyo; kaya palagpasin [ang

kanilang mga kamalian], at humingi ng kapatawaran [sa ALLAH] para sa kanila;

at tanungin sila tungkol sa kanilang mga kabuhayan. Makaraan kung ikaw ay

makagawa ng kapasyahan, ilagay ang iyong pagtitiwala sa ALLAH, katiyakan,

المترجم/‏ كارلو كماتشو

minamahal ng ALLAH ang mga yaon na naglalagay ng kanilang pagtitiwala [sa

Kanya].] Al Imran 159

[At ang mabuting gawain at ang masamang gawain ay hindi magiging

magkatulad. Itaboy [ang masama] ng isa na mabuti [inutusan ng ALLAH na

maging matiisin ang mga Mananampalataya sa oras ng kanilang galit at

patawarin sila na sa kanila ay nakitungo nang masama], makaraan kotohanan

siya, sa gitna nila at kayo na may pagkakagalit, [ay magiging] katulad siya

bilang matalik na kaibigan. Ngunit walang mapagkakalooban nito [ng gayong

katangian] maliban sa mga yaon na mga matiisin – at walang

mapagkakalooban nito maliban sa ang nagmamay-ari ng malaking bahagi [ng

kaligayahan sa Paraiso at may dalisay na katauhan] sa daigdig na ito.] Fussilat

34-35

Sinabi ng Propeta Muhammad(saws);

[ Sinuman ang pumigil sa kanyang galit habang siya ay may kakayahang ilabas

ito, ay tatawagin siya ng Allah sa harapan ng lahat ng mga nilikha sa araw ng

muling pagkabuhay hanggang siya ay papipiliin ng Allah ng kahit sinuman mula

sa mga birhen ng paraiso na kanyang nanaisin] Abu Dawud

[ Sinumang hindi marunong mahabag ay hindi rin kahahabagan, at sinuman ang

hindi marunong magpatawad ay hindi rin patatawarin] Al-bukhari

[ Hindi dinadagdagan ng Allah ang sinumang mapagpatawad maliban sa

karangalan, at hindi nagpapakumbaba ang isang tao maliban na lamang na siya

ay itataas ng Allah (sa karangalan)] Muslim

Nagtanong ang isang tao sa sugo ng Allah: O Sugo ng Allah, Ilang beses namin

patatawarin ang aming mga katulong Hindi sumagot ang sugo hanggang sa

ikatlong pagtatanong ng tao, pagkatapos ay sumagot ang Propeta (saws): [

Patawarin ninyo siya ng pitumpung beses sa loob ng isang araw] Abu Dawud

KAHULUGAN

Ang pagpapatawad, ay ang pagpapaumanhin sa kasalanang nagawa ng isang tao,

habang ang mas malalim pa roon ay ang pagpapatawad at paglimot sa kasalanang

nagawa. Sapagkat maaaring magpatawad ang tao ngunit hindi niya lilimutin ang

kasalanang nagawa laban sa kanya. Ito ay katangian ng silang mga may mabubuting

kalooban at pusong mahabagin. Kaya’t ipinag-utos ng sugo ang pagpapaumanhin at

pagpapatawad at pagtalikod mula sa silang mga masasama (ang pakikitungo).

Ang Propeta ang siyang pinaka-mapagpatawad at pinaka-mapagpaumanhin sa lahat

ng tao. Hindi niya ginagantihan ng kasamaan ang anumang masamang pakikitungo

المترجم/‏ كارلو كماتشو

laban sa kanya. Ni hindi siya kailanman gumanti pasa sa kanyang sarili maliban na

lamang kung ang kadakilaan na ng Allah ang nilabag.

Kaya’t ang isang muslim ay marapat lamang na hindi makalimot sa mabuting

katangiang ito gaano man kasama ang naging pakitungo sa kanya ng ibang tao. Isang

magandang halimbawa nito ay ang ginawang pagpapatawad ni Abu Bakr kay Mistah,

ang taong nag-akusa sa anak nito na si Aisha-asawa ng sugo ng Allah ng

pangangalunya.

Hindi rin dapat isipin ng isang muslim na ang pagpapaumanhin at pagpapatawad ay

kawalang-dangal, sapagkat ang sugo mismo ang sumumpa na katotohanang

dadagdagan ng Allah ang karangalan ng sinumang nagpaumanhin sa kapwa at itataas

ang kanyang antas.

Kaya’t ating gawing huwaran ang sugo at mga kasamahan nito. Ating buksan ang

ating mga puso at maging mapagpatawad sa kapwa lalung-lalo na sa pakikitungo

natin sa ating mga pamilya ,mga kapitbahay at kamag-anak.

Ating hinihiling mula sa Allah ang Kanyang paraiso sa kabilang-buhay, at nawa’y itaas

niya ang ating karangalan sa pamamagitan ng ating pagpapatawad at

pagpapaumanhin, katotohanang Siya ang nakikinig at tumutugon sa mga kahilingan.

MGA ARAL

1- Ang pagpapatawad ay katangian ng mga mabubuti

2- Ang pagpapaumanhin habang may kapangyarihan ay hindi maituturing na

kawalang-dangal, bagkus ito ay karangalan ng tao sa mundo at kabilangbuhay

3- Ang pagpapatawad ay ikinasisiya ng Allah, tagumpay ng sarili at pagkatalo ng

demonyo.

4- Ang isang muslim ay dapat gumanti ng kabutihan laban sa kasamaan, habang

inaasam ang pagpapala ng Allah.

1- Ang pagpapatawad at pagpapaumanhin ay nagpapasibol ng pagmamahal sa

pagitang ng mga tao sa lipunan.

المترجم/‏ كارلو كماتشو

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!