08.05.2016 Views

May 8, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

MAYO 8, 2016 7

"Daang matuwid," nalalapit

na ang "dead end"

TAPOS na ang maliligayang araw ng ‘daang

matuwid’.

Ang paninikluhod ni P-Noy sa kampo nina

Grace Poe at Mar Roxas na magsanibpuwersa

ay KUMPIRMASYONG hindi na

mapipigil ang pag-upo ng bagong lider sa

Malacañang.

ISANG pag-amin sa publiko ang HULING

PAHIMAKAS ni P-Noy.

Pero, kahit sa huling sandali, nais niyang

DIKTAHAN si Poe na umatras at suportahan

si Roxas.

SA aktuwal, wala sa posisyon si P-Noy na

diktahan si Poe dahil hindi naman sila

magkapartido, pero may KAPANGYARIHAN si

P-Noy na ATASAN si Mar na suportahan si

Grace.

Ibig sabihin, kung ayaw ni P-Noy na maupo

sa Malacañang si Duterte, iisa lang ang

praktikal sa SOLOMONIC DECISION niya:

Paatrasin si Roxas at IENDORSO si Poe.

KAPAG hindi ginawa ni P-Noy ang ating

SOLOMONIC SOLUTION—magaganap ang

kinatatakutan ng LP—magwawagi si Digong.

At ang may KASALANAN ay isang tao

lamang: Si P-Noy na MAKASARILI at isang

tunay na “diktador.”

ANG napipintong kabiguan ng ‘daang

matuwid’ ay hindi ang KAMATAYAN ng

demokrasya, bagkus, ang wagas na PAGSIBOL

ng demokratikong proseso.

Idinikta ni P-Noy ang pagpapatalsik kay

dating Chief Justice Renato Corona na nang

lumaon ay NATUKOY na nagsuhol umano sa

jurors gamit daw ang DAP.

HINDI sinunod ni P-Noy ang karaingan ng

taumbayan na resolbahin ang krisis sa bigas,

elektrisidad, tubig, krimen, droga at kontraktuwalisasyon

at palpak na serbisyo ng SSS.

Pero, ngayon ay nais niyang SUNDIN ng

taumbayan ang kanyang DIKTA na iboto ang

sanhi ng ‘PROBLEMA’ sa telekomunikasyon

at transportasyon.

IMBES na bigas ang ibigay sa mga magsasaka

sa Kidapawan, BALA ang kanyang

IPINALAMON.

Hindi niya sinunod ang HILING ng taumbayan

na IKULONG ang utak sa pamamaril

sa Kidapawan pero ngayon ay nais niyang

SUNDIN siya sa kanyang DIKTA na iboto ang

kanyang BEST FRIEND FOREVER.

ANG pagtanggi ni Poe na sumanib sa

‘daang matuwid’ ay hindi KAMATAYAN ng

demokrasya, bagkus, ito ay PAGBUBU-

KANG-LIWAYWAY ng dalisay na KALAYAAN

sa ating Republika kung saan sisiwang ang

tunay na PAGBABAGO sa ating lipunan.

Ayon sa research…

PAG-AALAGA NG MISTER SA MGA ANAK,

NAKATUTULONG PARA MAGING MAS MASAYA

ANG PAGSASAMA AT SEX LIFE NG MAG-ASAWA

SA bawat pamilya,

madalas na si misis

ang nangangalaga sa

tahanan at mga anak

habang naghahanapbuhay

si mister

upang may panustos

sa pamilya.

Siyempre, para

happy ang family,

sinisiguro ng magasawa

na maibibigay

nila sa kanilang mga

anak ang pangarap

na buhay. Hindi man

maging mayaman,

sapat na ang mabigyan

ng edukasyon at

basic needs sa arawaraw

ang mga pinakamamahal

na supling.

Sa mga anak

humuhugot ng tibay

at lakas ang magasawa

upang maging

matatag ang pamilya

at ang kanilang pagsasama.

Marami mang responsibilidad

na nakaatang

sa mag-asawa,

hindi dapat sila mawalan

ng oras sa isa’t isa

upang manatili ang

pagmamahalan. Mas

magiging matatag at

masaya ang buong

pamilya kung maayos

ang pagsasama ng

Ni: LOVETH

JANE

TRINIDAD

mag-asawa kaya mahalaga

na hindi

mawala ang ‘sweetness’

at ‘affection’ tulad

noong mga panahong

nagsisimula o magdyowa

pa lamang sila.

Sino ba naman

ang may gustong

masira ang

pamilya, ‘di ba?

Walang babae o

lalaki na naghahangad

ng magulong

pamilya

kaya ginagawa

natin ang lahat

upang makamit

ang pangarap

na ‘happy family’.

Kaya mga

mister at misis,

tuloy lang dapat

ang love, love,

love sa isa’t isa

para ma-spread

ang pagmamahalan

sa buong pamilya.

Para mas maging

happy, kailangan

balance ang mga gawain

at responsibilidad

ng mag-asawa

upang hindi naman

kaagad malosyang si

misis sa kalilinis at

kaaalaga sa mga anak.

Hindi naman ibig

sabihin na porke si mister

ang nagtatrabaho,

wala na siyang gagawin

sa tahanan. Ayon

sa mga eksperto, makatutulong

sa pagsasama

ng mag-asawa

kung si mister ang

titingin at mag-aalaga

sa mga anak. Nadiskubre

ng mga researcher

mula sa Georgia

State University na

kung mayroong duty

sa pag-aalaga ng mga

anak ang mister at

hindi lang puro si misis,

nagkakaroon sila ng

satisfaction sa kanilang

relasyon at sa kanilang

sex lives. Sa pamamagitan

ng pagaanalisa

sa mga datos

ng 900 na heterosexual

na mag-asawa, napagalaman

nila na kung

puro si misis lang ang

nag-aalaga sa mga

bata, mababa ang

quality ng relasyon ng

mag-asawa habang

kung parehong nagaalaga

at naglalaan din

ng oras si mister sa

pag-aalaga sa mga

anak, nararamdaman

ng mag-asawa ang

pagiging ‘engaged’ sa

kanilang responsibilidad

na siyang mas

nagpapatibay at nagbibigay

ng satisfaction

sa mag-asawa. Dahil

umano nararanasan

ng mag-asawa na mayroon

silang ‘sharing’ sa

mga responsibilidad,

mas nagiging maayos

ang kanilang pagsasama

kaya happy sila sa

lahat ng aspeto ng

kanilang pagsasama.

Pa’no, mga daddy,

simulan na ang pagaalaga

sa mga junakis!

‘Wag na ‘wag mahihiyang

ipakita o ikuwento

sa mga tropa

na nag-aalaga kayo

ng mga anak dahil

kailangan n’yo itong

ipagmalaki dahil patunay

lamang ito na

isa kayong mahusay

at responsableng haligi

ng tahanan. Tandaan,

hindi lang alak

ang kinakarga dahil

mas mainam kung si

baby ang inyong

kakargahin. Hi-hi-hi!

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!