01.10.2016 Views

October 1, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

OKTUBRE 1, 2016 5

KINOKONTRA ng mga

lady solon ang plano ng mga

male solon na mapanood sa

Congressional Hearing ang

blockbuster na sex video raw

ni Sen.Leila.

Obsession daw ba o

sex trip lang?

ISA na raw “sex symbol”

si Madame De Lima.

Macho symbol naman

daw si Pangulong Digong.

Sila ang “love team”

of the year, este, tandem

of the century.

GINULAT na naman ni

KONTROBERSIYAL ang mga naging pahayag ni

Pangulong Digong na tila gusto na niyang tuldukan ang halos

ilang dekada nang pakikipagrelasyon ng ating bansa sa Estados

Unidos at ang simula ng bagong ugnayan sa China at Russia.

Tama bang tuldukan ang ugnayan sa matagal at subok na

nating “ally” tulad ng U.S.? Ano ang epekto nito sa milyunmilyong

Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Amerika?

Paano na ang mga Amerikanong negosyante at investor sa

Pilipinas? Ilang daang libo ang puwedeng mawalan ng trabaho

dahil dito?

Ito ang mga lehitimong tanong na dapat nating isaalangalang

bago gumawa ng mga desisyon na posibleng makaapekto

hindi lamang sa usaping “trade relations” ngunit, pati sa

“security relations” kung saan tayo ay nakadepende sa tulong

ng Estados Unidos kung sakaling may tinatawag tayong

“external threat.”

NAGPAIKUT-IKOT ka na sa loob ng kuwarto pero

wa’ effect pa rin dahil kahit malapit nang mag-umaga ay

dilat na dilat ka pa rin. Kung madalas na ‘di ka makatulog

nang normal, malamang na mapag-isipan ka

na ng iba na baka ikaw ay nagda-drugs. Bakit

ba nagkaganu’n? Malamang, nagbababad ka

lagi sa pagte-text, panonood ng movies at ang paglalaro

ng games sa computer.

Ngunit, pagdating ng gusto mo ng humimlay at

matulog nang bongga, hirap ka na at ayaw nang dalawin

ng antok kahit tila pagod na pagod na ang iyong mata.

Malaki ang eyebags, nanghihina at panay hikab

pagdating sa eskuwela at opisina dahil hindi nga

nakakatulog sa oras, gabi-gabi. Walang epekto ang

pagbibilang ng tupa, marahil ay naubos mo na ang

iyong song playlist at nagawa mo na rin ang lahat ng

challenge ngunit, nananatili kang gising. #juscolored!

Ayon sleep expert na si Glenn Landry, makabubuti

raw para magkaroon ng magandang tulog ay dapat

daw magsuot ng sunglasses sa pagtulog. Siya raw

mismo ay ginagawa niya ito, ayon sa isang interview sa

kanya. Simulan ang pagsusuot ng shades o sunglasses

pagtuntong ng alas-8 ng gabi, 2 oras bago tuluyang

ipikit ang mga mata sa kama.

SEBASTIAN, SA PANGULO

LANG DAW KAKANTA; DIGONG,

AYAW MAKIPAG-USAP SA

KRIMINAL, TABLADO!

ni

ROS

NALTY

P-Digong ang daigdig sa

pagsasabing lilipulin niya ang

3 milyong adik na parang

pagmasaker ni Hitler sa mga

Hudyo.

Walang duda, si P-Digong

na raw ang pinakapopular

na lider ng bansa

sa buong daigdig.

MAGING si Donald

Trump daw ay lumalabas na

poor copy ni Duterte.

Delikadong matalo

siya ni Hillary Clinton.

DINAGSA ng ordinaryong

tao ang burol ni Madame

Miriam Defensor

Santiago.

Hindi iniulat kung

kalian dadalaw ang mga

stupid.

PERO sabi ni DOJ Secretary

Vitaliano Aguirre ay

sisilip daw siya sa burol ni

Madame Miriam.

Hindi niya sinabi kung

sa pagpunta niya ay

magtatakip naman siya

ng dalawang mata.

BINASTED ni Pangulong

Digong ang request ng

Bilibid convict na si Jaybee

Sebastian na mangumpisal sa

kanya.

Hindi naman daw kasi

siya pari.

HINDI raw kasi nakikipag-usap

ang pangulo sa

isang kriminal.

Bagkus, si Pangulong

Digong daw ay “tumatapos”

sa isang kriminal.

PAANO raw kapag

ipinagpilitan ni Sebastian na

makipag-meet kay Digong?

O, eh, ‘di parang

nakipag-eyeball na raw

siya kay kamatayan.

PAGKALAS NG 'PINAS

SA U.S., DAPAT PANG

PAG-ISIPAN!

Sa isang banda, tama rin si Pangulong Duterte na

napapanahon na rin at dapat na tayong tumayo sa sarili

nating mga paa. Hindi ito magiging madali ngunit, kailangang

magsakripisyo ang bawat isa.

Sa ating palagay, may punto ang ating pangulo ngunit,

sana ay maisama rin ang kapakanan ng marami sa ating mga

kababayan na puwedeng maapektuhan. Sa huli, ito ay

magiging usapin tungkol sa ating kahandaan at dapat itong

isagawa sa tamang panahon.

Napakaliit na ng mundo na ating ginagalawan. Ang

pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa ay parte ng pagunlad

ng bawat bansa.

Hindi kayang mabuhay ng isang bansa na walang

pakikipag-ugnayan sa buong mundo.

Mahalagang mapag-aralan at mapag-usapan ito nang

husto dahil malaki ang posibleng maging epekto nito hindi

lang sa kasalukuyang administrasyon kundi, pati na rin sa

mga susunod pang henerasyon.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr n ni Isko Moreno, BULGAR

Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

Para makondisyon ang mga

mata at agad na mahimbing…

PAGSUSUOT NG SHADES SA GABI, SUSI PARA

MAGING MAGANDA ANG TULOG

Sa pamamagitan daw nito ay magagawa mong

sabihin sa iyong sarili na i-set ang iyong body clock na,

natatapos na ang araw at kailangan mo ng magpahinga.

Gamit din ang sunglasses ay magagawa

mong maiwasan ang liwanag hindi muna sa

buwan kundi mula sa artificial light ng mga

ilaw o bumbilya. Ginarantiyahan niyang malaki ang

mababago sa iyong gabi at sa iyong pagtulog hanggang

sa paggising kung saan magkakaroon ka ng sapat na

energy at nakondisyon ang iyong isip at good mood

ka.

Marahil, napapaisip ka na hindi ito tama dahil mukha

nga naman tanga ang pagtulog nang nakasuot ng

salamin sa mata pero may paliwanag ito base rin sa

science na ito nga ay epektib, promise! Sinasabing ang

artificial lights mula sa mga bumbilya, TV, cellphone at

iba pang gadget ay nagsisilbing interruption sa ating

body clock kaya dapat itong iwasan.

Kaya bukod sa iyong sleep mark ay puwedengpuwede

kang gumamit ng sunglasses o shades kahit

literal na walang sun kundi moon.

Tinatayang maganda itong kombinasyon ng sense

of fashion na isa sa epektibong paraan para makatulog

nang maayos sa gabi. Ano, try na this!

‘Di lang trapik at krimen, problema sa

malnutrisyon, dapat nang solusyunan!

SANG-AYON ba kayo na isang malaking

suliranin sa malnutrisyon ang kinahaharap

ng ating bansa ngayon? Maaaring

kabilang ang inyong anak, kapatid o kaibigan

kaya hindi lang dapat tungkol sa problema sa

trapik at krimen ang pinagtutuunan ng pansin

kundi pati na rin ang mga impormasyon, datos

at solusyon kaugnay sa kakulangan sa tamang

pagkain at nutrisyon ng mga bata.

Bukod sa aspetong pangkalusugan ng mga

bata ay malaki rin ang epekto ng malnutrisyon

sa kabuuang progreso at pag-unlad ng ating

bansa lalo na ang produktibidad sa larangan

ng edukasyon, kalusugan at trabaho ng mga

mamamayan. Kaya itinuturing na seryosong

usapin talaga ito dahil pumapangalawa ang

Pilipinas sa mayroong pinakamataas na bilang

ng tinatawag na undernutrition sa mga kapwamiyembro

natin sa Association of Southeast

Asian Nations (ASEAN). Stunting o ang

kakulangan sa taas ayon sa edad ng bata ay

ang pinakamalaking kontribusyon sa undernutrition

na mayroong katakut-takot na

epekto sa kalusugan at paglaki ng bata.

‘Pag kulang ang kinakain at kulang sa

nutrisyon ang bata, malaki ang tsansang mas

maliit siya sa kanyang edad at babagal ang

pagtangkad nito.

Base sa istadistika mula sa Food and Nutrition

Research Institute

(FNRI) ngayong taon, sa 100

mga bata ay 33 sa kanila ang

stunted, habang 22 sa kanila ang

kulang sa timbang, 7 naman ang

wasted kung saan mababa ang

timbang para sa kanilang taas

at 4 sa kanila ay may kalabisan

sa timbang.

Mabuti na lang at mayroong mga ganitong

pag-aaral upang magawan ng karampatangaksiyon

dahil hindi dapat ipinagsasawalambahala

ang ganitong uri ng problema.

Hindi lamang kabuhayan ng pamilya ng mga

bata o ekonomiya ng bansa ang nakasalalay

dito kundi ang buhay niya mismo. Nakalulungkot

dahil araw-araw ay halos 100 ang

namamatay dahil sa malnutrisyon.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga

batang hindi nabibigyan ng angkop na

nutrisyon ay lalong tumitindi ang hangarin

nating maisailalim sa feeding program ang mga

bata sa ating bansa para makamit nila ang

magandang pundasyon sa pagkabata, sa pagaaral

at maging matagumpay sa buhay.

Kung kinakailangang alamin at tingnan ang

mga proyekto sa ibang bansa tulad sa Vietnam

na mayroong sariling epektibong paraan

para rito, bakit hindi?

Maaaring mayroon silang ginagawa roon

na puwede rin nating gawin dito: Mga batas,

konsepto, polisiya at iba pa. Kaya mahalaga

talaga na tayo ay magtanong, makihalubilo at

magsaliksik ng iba’t ibang uri ng mga pagaaral

upang makabuo tayo, kaakibat ang mga

non-government organization (NGO), ng mga

programang pangkalusugan na mapakikinabangan

ng lahat.

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa WIN

TAYONG LAHAT ni WIN Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue,

Quezon City o mag-email sa bulgar_surewin@yahoo.com.

8-ANYOS NI-RAPE NG

BIYUDO

TARLAC — Isang

biyudo ang inaresto ng mga

awtoridad makaraang gahasain

ang isang 8-taong gulang

na batang babae kamakalawa

sa Bgy. Poblacion South,

Ramos sa lalawigang ito. Ang

suspek ay si Francisco Taduan,

nakatira sa nabanggit na

barangay.

Positibong kinilala ng

biktimang itinago sa pangalang

“Sucy” ang suspek na

ito ang gumahasa sa kanya

sa nasabing lugar.

Nakapiit na ang suspek

at sinampahan na ng kasong

rape at child abuse.

ni PABS HERNANDEZ III

PARAK NA ‘TULAK’

ARESTADO

BATANGAS CITY —

Isang pulis ang dinakip ng

mga kapwa pulis makaraang

mahulihan ng shabu kamakalawa

sa Bgy. 15 sa lungsod

na ito.

Nakilala ang suspek na

si P01 Randy Mindano,

nakatalaga sa Batangas City

Police Station.

Nakakumpiska ang mga

awtoridad ng ilang gramo ng

shabu at markadong pera sa

pag-iingat ng suspek.

Hindi naman nanlaban si

Mindano nang dakpin siya

ng mga kasamahan niyang

pulis.

LOLA

NINAKAWAN

AT PINATAY

CAMARINES SUR

— Isang lola ang pinagnakawan

at pinatay ng dalawang

magnanakaw kamakalawa

sa bayan ng Goa sa lalawigang

ito.

Ang biktima ay si Andrea

Alarcon, 72-anyos at

nakatira sa naturang bayan.

Nabatid na nadakip

naman ng pulisya ang isa

sa dalawang suspek na si

Danilo de Mesa, samantalang,

ang isa pang suspek

na si Russel Parpan ay

pinaghahanap pa ng mga

awtoridad.

Ayon sa ulat, nilooban

ng dalawang suspek ang

tindahan ni Alarcon at nang

manlaban ang biktima ay

pinatay ito sa pamamagitan

ng pagpalo ng matigas na

bagay sa ulo.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!