Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Babu na sa Love Radio…

PAPA JACK, NAG-OBER-DA-

BAKOD NA SA ENERGY FM

I

SA lang ang pinakaepektibong batas ng buhay. Kapag

hindi ka na masaya sa mundong iniikutan mo ay

lumabas ka na. Puwedeng sa pakikipagrelasyon ‘yun,

sa pakikipagtrabaho, sa pakikipagkaibigan.

Kapag sa paggising mo pa lang sa umaga

ay mabigat na ang katawan mo kahit pa

napakaganda ng sikat ng araw ay mag-isipisip

ka na. Kapag ang buong maghapon

mo ay napakabigat na para kang pagod na

pagod ka sa pagpasan ng krus ay magdesisyon

ka na.

Hindi ka na nakadisenyo para manatili pa sa lugar na

‘yun. Kailangan mo nang tumalikod. Dapat mo nang hanapin

ang kagaanan ng buhay sa ibang bakuran.

Kailangang masaya ka sa ginagawa mo, dapat ay

positibo ang kapaligirang ginagalawan mo, hindi ang

pinakamalambot at pinakamahal na unan ang nagbibigay

sa atin ng payapang tulog sa magdamag kundi kapayapaan

ng kalooban na may kakambal na ngiti.

Walang karapatang magreklamo ang hindi marunong

lumaban. Walang katwirang magdahilan ang mga mapagtiis.

Binibigyan tayo ng kalayaang mamili—dito pa rin ba ako

pero hindi na ako masaya o kailangan ko nang maghanap ng

ibang mundo na magiging komportable at maligaya ako?

Ito mismo ang senaryong nagtulak sa magaling na radio

anchor-TV host-komedyanteng si Mr. Fu para lumipat na

ng istasyon ng radyo

na paglilingkuran

niya.

Mula sa Lunes,

alas-otso nang umaga

hanggang alasonse

nang tanghali,

ay mapapakinggan

na si Mr. Fu sa Win

Radio 91.5 FM.

Umalis na siya sa

Energy FM, dahil

ang kanyang katwiran,

“Hindi na po

ako masaya. Wala nang energy, kaya pack-up na. Ha! Ha!

Ha! Ha!”

Ayaw na niyang magbigay pa ng mga detalye, basta ang

sinabi lang ni Mr. Fu ay pagod na siya sa pambu-bully ng

ilang tao sa naturang istasyon, sagad naman ang kanyang

pasasalamat sa muling pagtitiwala sa kanya ng Win Radio.

“Ang Win Radio po ang dating Energy, so technically, sa

91.5 talaga ako nagsimula, parang nagbabalik lang ako

ngayon sa dati kong station kung saan ako talaga nagumpisa,”

dagdag na impormasyon ni Mr. Fu.

Walang problema sa kanila ni Papa Jack na lumipat naman

sa iniwanan niyang istasyon. Nakapag-resign na si Mr. Fu

nang pumasok ito, walang dahilan para taniman ng intriga ang

kanyang pag-alis sa Energy, dahil sa pagdating ni Papa Jack.

Paboritong pakinggan-tutukan si Mr. Fu sa umaga ng

mga nag-oopisina. Siya ang kinaaaliwan ng ating mga

kababayan dahil sa positibo niyang paraan ng pang-aaliw ng

kanyang mga tagapakinig, wala kasi siyang pretensiyon,

nangunguna sa pagsuporta kay Mr. Fu ang aming anakanakang

si Obet Sapin na isang Vilmanian.

Pinasikat ni Mr. Fu ang linyang “Me ganu’n?” Kahit

saan siya magpunta ay ‘yun ang paraan ng pagbati sa kanya

ng mga nakakasalubong niya, “Me ganu’n?”

Kaya sa darating na Lunes ay iayos na ang inyong

talapihitan, mula alas-otso nang umaga hanggang alas-onse

nang tanghali ay magkakarinigan na kayo ni Mr. Fu sa Win

Radio 91.5 FM, me ganu’n nga!

RELATE na relate kami sa pinagdaanan ni Mr. Fu dahil

tatlong dekada na kaming nagraradyo. Una ay sa

DZMM, magkasama kami ni Jobert Sucaldito, hanggang

sa mapahiwalay kami at ngayo’y pitong taon nang

nagseserbisyo sa Radyo Singko-

Aksyon TV-41, 92.3 News FM.

Masayang-masaya kami sa Cristy

Ferminute dahil ang mundo namin du’n

ay walang rehas. Binibigyan kami ng

kalayaan ng aming hepeng si Ms. Luchi

Cruz-Valdes na ilantad ang aming

damdamin, hindi bawal na purihin ang mga artista ng

ibang network, literal na welkam na welkam sa CFM

maging ang balwarte ng mga tinatawag na kakompetisyon

ng aming network.

Hindi maramot ang TV5, ni minsan ay hindi kami

kinausap nina Ms. Gladys Lucas at Ms. Cherry Bayle

para sabihang bawal naming ibalita-i-promote ang mga

proyekto ng GMA-7 at ABS-CBN, malaya kami sa

istasyon.

Kung si Mr. Fu ay me ganu’n, sa amin sa Radyo

Singko ay walang ganu’n, walang bawal-bawal at

walang pagdadamutan dahil isandaang porsiyento ng

pagtitiwala ang ibinibigay nila sa amin.

At kami sa Radyo Singko ang tunay na magkakapamilya.

Bago kami magsimulang magprograma nang

alas-kuwatro nang hapon hanggang alas-sais ay

nagsasama-sama muna kami sa opisina ni Tita Cherry

Bayle para magkuwentuhan at magsalu-salo sa kung

anumang meron kaming paghaharapan.

Napakasaya ng grupo, puro halakhakan ang maririnig

sa paligid, napakagandang senyal nu’n ng isang

malusog na samahan ng mga manggagawa ng istasyon.

May isang kaibigan-anak-anakan kaming dumadaan

ngayon sa matinding pagsubok, hindi muna siya

naririnig ngayon sa himpapawid, alam namin ang mga

detalye pero hindi para sa amin ang magbulgar kung

ano ang nangyari sa linya ng kanyang trabaho.

Basta ang alam namin ay nagkaroon siya ng problema

sa kanyang istasyon, umaalma siya sa kanyang

post sa FB dahil pakiramdam niya’y hindi siya pinakinggan

ng mga itinuturing niyang boss ng istasyon,

nakakalungkot ang naganap.

Dalawang beses na rin kaming inireklamo ng mga

personalidad na napipitik namin sa himpapawid, isang

aktres ang unang nagreklamo, ikalawa ang isang

grupong mahilig makipag-away sa kung sinu-sino.

Hindi kami hiningan ng paliwanag ng mga boss

namin sa Radyo Singko para ipagtanggol ang aming

posisyon. Walang ganu’n, Mr. Fu, TOA (tape on air)

lang ang naging sagot sa mga reklamo.

Pinakinggan lang nila nang buung-buo ang episode

na sinasabi, tinilad-tilad ng mga bossing ang umpisa

at wakas ng usapin, nang wala silang nakita-narinig

na palso sa aming mga naging pahayag sa himpapawid

ay tapos na ang kuwento.

Maine, out na sa eksena?!

ALDEN, BINALIKAN

NG EX-GF

B

INIGYAN diumano ng ultimatum

si Sharon Cuneta na kailangang

may sagot na siya hanggang

April 5 para simulan niya ang kanyang indie

movie sa Cinemalaya titled Ang Pamilyang

Hindi Lumuluha.

Sey ng aming source, mapipilitan diumano

ang production na palitan ang

Megastar ‘pag hindi pa kinaya ng sked

niya.

Totoo bang kinakabahan ang production

at director ng naturang movie na hindi

sila humabol sa deadline sa Cinemalaya ‘pag

hinintay pa nila kung kailan ito gustong

simulan ni Sharon?

Maraming nag-suggest na ialok daw at

ipalit si Maricel Soriano kay Sharon. Bagay

din daw kay Marya ang naturang role.

Talbog!

KUNG magkalaban sina Maja Salvador

at Aiko Melendez sa seryeng Wildflower,

super close naman sila sa totoong buhay.

Alam n’yo bang si Maja ang screener

sa mga nanliligaw ngayon kay Aiko?

Isang taga-showbiz at isang negosyante

diumano ang mga suitors ni Aiko.

Sinabi raw ni Maja na ipakilala sa

Napakasarap at punumpuno ng

inspirasyon ang pagtatrabaho sa isang

mundong may pagmamahal, respetuhan

at pagmamalasakit.

Mula kay Sir MVP hanggang kay

Coach Chot Reyes hanggang sa mga

tagapamahala namin sa radyo hanggang

sa staff namin sa CFM ay wala kaming

masasabi kundi puro maraming salamat

lang.

Maraming-maraming salamat mula

sa puso sa walang presyong tiwala at

kalayaang ipinagkakaloob nila sa amin.

‘Yan ang Radyo Singko.☺

kanya ang dalawang manliligaw para

makilatis niya kung sino talaga ang

karapat-dapat kay Aiko.

Bagama’t mas may-edad si Aiko kesa

kay Maja, nag-aasal-ate ang huli pagdating

sa love life ng una.

Mukhang pinagkakatiwalaan naman

ni Aiko si Maja dahil ultimong text ng

mga suitors niya ay nababasa ng co-star.

“Naku, ate, focus muna tayo sa career

natin,” sambit pa ni Maja.

Kunsabagay, halos pareho rin ang

pinagdaanan nila pagdating sa love life.

Boom!

HUMBLE lang parati ang direktor ng

Destined to Be Yours na si Direk Irene

Villamor at pinatunayan ito ng mga aktor

na nakakatrabaho niya.

Sa isang post ng direktor ay nagpasalamat

siya kina Alden Richards at Maine

Mendoza sa pagiging cooperative nila sa

set at pagiging pasensiyosa sa isang

baguhang direktor na gaya niya.

Pero ang ‘di alam ng direktor ay

malaki ang paghanga ng buong production

team sa kanya. Kahit kasi

marami na ang nagsasabi na magaling

siyang direktor ay hindi lumalaki

ang ulo niya. Parati pa ring nakangiti

sa mga katrabaho.

Nagiging daan ito sa buong cast

at crew na mag-enjoy sa taping kaya

lalong nagiging feel-good ang resulta

ng teleserye nila.

Meanwhile, napanood na kagabi

si Thea Tolentino sa Destined to

Be Yours bilang si Trish, ang ex-girlfriend

ni Benjie (Alden) na nagbabalik

muli sa buhay ng binata.

Hindi napigilan ng mga viewers na magreact

sa magaling na pag-deliver ni Thea sa

kanyang karakter. Ayon sa kanila, hindi pa

rin daw talaga matatawaran ang husay ng

dalaga sa pag-arte. Kaya tanong ng mga

viewers, paano na sina Benjie at Sinag

(Maine) kung may pumapagitna sa kanilang

dalawa?

MARAMI ang nakakapansin na madalas

ay itim ang suot ni Angel Locsin

bilang guest co-host ng It’s Showtime.

Isang paraan daw ba ito para hindi

siya magmukhang mataba sa screen?

Ang sabi kasi nila ay nakakapayat ‘pag

nagsuot ng itim.

“Baka nagluluksa siya dahil nawala

na sa kanya ang Darna,” sey naman ng

isang kausap namin sa kumpulan ng

press sabay tawa.

He!he!he!☺