You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
8

Showbiz Editor: JANICE DS NAVIDA

Kaya ‘di papayag na walang prenup…

MGA ANAK NI DRA. BELO, KONTRA NA KAY HAYDEN

LANG MAPUNTA LAHAT NG NAIPUNDAR NG MADIR

I

KINATUTUWA ng mga fans ni Sarah Geronimo

ang balitang tuloy na tuloy na ang muli nilang

pagsasama ni John Lloyd Cruz sa pelikula. Matagal

na rin nilang nami-miss ang tandem ng

dalawa sa mga rom-com movies ng Star

Cinema.

For sure, hindi naman maiilang si Sarah

G. sa kanyang dating leading man na si

Lloydie. Ilang beses na rin naman silang

nagkatrabaho. At hindi naman magiging

dahilan ang BF niyang si Matteo Guidicelli upang hindi siya

maging sweet kay JLC.

Hindi na mangangamba ang kampo ng Pop Princess na

mahuhulog ang loob niya sa kanyang leading

man dahil may Matteo na nga siya

ngayon.

Kung noong single pa silang

pareho, eh, muntik nang may

mabuong romansa kina Sarah at

Lloydie, ngayon ay tinitiyak ng

mga tao sa kanilang paligid na

“just friends” na lang daw ang

dalawa.

At hindi na rin kailangang

dumalaw at magbantay pa sa

shooting si Matteo para tiyakin

na walang part 2 na magaganap

kina Sarah at John Lloyd.

Trabaho lang ang lahat.

MARAMI ang pabor sa

kahilingan ng mga anak ni

Dra. Vicki Belo na magkaroon

ito ng pre-nuptial

agreement sa BF niyang si

Hayden Kho. Bilang mga

anak, ang concern lang

naman nina Direk Quark

Henares at Cristalle Henares

ay maging parehas

ang lahat dahil may karapatan

silang pagmalasakitan ang naipundar ng kanilang

ina, lalo na’t legally adopted din nina Dra. Belo at

Hayden si Scarlet Snow.

Kapag nakasal sina Dra. Belo at Hayden Kho,

kasama na sila ni Scarlet Snow sa magmamana ng

mga ari-arian na naipundar ng doktora. Hindi nanaisin

nina Cristalle at Quark na

humantong sa pag-aaway at

samaan ng loob kung sakaling

may mangyari sa kanilang

ina pagkatapos ng kasal

nito kay Hayden.

Pero, gaano man kaganda

ang intensiyon ng magkapatid

na Cristalle at Quark

para sa kanilang ina, the fact

remains na si Dra. Vicki pa

rin naman ang magdedesisyon

kung okay sa kanya

na magkaroon sila ng prenuptial

agreement ni Hayden.

Nasa tamang edad at tamang

pag-iisip naman si

Dra. Belo at alam niya kung

ano ang makabubuti para sa

lahat.

Sampung taon nang

bahagi ng buhay niya si

Hayden Kho. Ito ang kanyang

greatest love at pakakasalan

na niya.

MAGIGING super busy ang schedule ni Marian Rivera sa

mga susunod na buwan. Ilang shows ang ibinigay sa kanya

ng GMA Network bukod sa weekly exposure niya sa Sunday

PinaSaya. May drama anthology siya sa GMA News

TV, ang Tadhana na nagtatampok sa mga kuwento ng OFWs.

Sisimulan na rin niya ang teleseryeng The Good Teacher.

Magge-guest pa rin siya sa iba pang shows ng GMA-7.

Muli rin siyang nagbalik sa Encantadia sa

kanyang dating role bilang si Reyna Minea,

ang ina nina Sang’gre Pirena, Danaya,

Amihan at Alena. Ikagugulat ng mga

viewers ang pagbabago ni Reyna Minea.

Bukod sa kanyang showbiz career,

may negosyo ring binuksan si Marian,

ang Flora Vida kung saan siya ang personal na nag-a-arrange

ng mga order na bulaklak sa kanya. Bukod dito ang

mga offers para sa mga product endorsements at pictorials

para sa magazine cover.

Papaano nga ba kinakaya ni

Marian ang ganito ka-hectic na

schedule? Hindi ba siya nagkukulang

ng oras sa kanyang magamang

sina Dingdong Dantes

at Baby Zia?

“Nasa time management

lang naman ‘yan. Basta ginusto

mo ang isang bagay, mabibigyan

mo nang sapat na oras at

panahon,” sey ng Primetime

Queen na si Marian.

PARE-PAREHONG talented

ang mga anak nina

Gary Valenciano at Angeli

Pangilinan. Ang panganay

nilang si Paolo ay luminya

na sa pagdidirek ng concert

although may singing voice

naman siya.

Si Gab naman, supergaling

sa pagsasayaw at

nag-viral pa ang mga dance

videos na kanyang ginawa.

Ang bunsong si Kiana,

nahihilig sa pagkanta, kaya

isinasama na rin bilang guest sa mga concerts ni Mr.

Pure Energy.

Isa si Kiana sa mga guests sa season finale ng Gary

V. Presents na gagawin sa The Theatre ng Solaire sa

May 12, 13, 19 at 20. Bahagi ito ng 34 th anniversary ni

Gary V. sa music scene.

Samantala, nagpahayag

naman si Gab Valenciano

na susubukan na rin niya

ang larangan ng pag-arte.

Matagal na siyang kinukumbinse

ng mga kaibigan

sa showbiz na mag-artista na

rin at tumanggap ng serye o

anumang project na masusubok

ang kanyang acting

ability. Pero, kung sakasakali,

ang type raw gampanan

ni Gab ay ‘yung may

pagka-bad boy at offbeat

role. Tiyak daw na hindi siya

mahihirapang gumanap na

bad boy onscreen.

Well, let’s see kung

kakayanin ni Gab ang challenge

na ito sa kanyang career.

For sure, kung anuman

ang pagbabagong gusto

niyang gawin bilang artista

ay nakasuporta naman sina

Gary V. at Angeli.

ANG wonder boy na si Balang na ilang beses na ring

nakapag-guest sa The Ellen Degeneres Show at certified

Zumba instructor ay ginawaran ng Internet Sensation

Award 2017 (Phenomenal Kid Category).

(Sundan sa p.10)

BF, kahit ipinakilala na sa pamilya…

MEGAN, UMAMING WALANG KASALANG

MAGAGANAP SA KANILA NI MIKAEL

A

MINADO si Jake Cuenca na before

Ikaw Lang ang Iibigin ay wala

siyang interes sa triathlon at talagang

dahil lang sa role niya sa nasabing serye

kaya niya ito sinubukan.

“Bago ko tinanggap itong role na ito, never

kong inatupag mag-triathlon, as in hindi ko…

hindi nga ako marunong lumangoy, eh,”

pahayag ni Jake.

But since isang triathlete ang role niya sa

ILAI, kinailangan niya talagang mag-training

at i-try ang sports na ito dahil ayaw naman

daw niyang dayain ang mga eksena nila.

“Hindi, kasi alam n’yo, ‘yung triathlon

community, manonood sila nito, eh. At ‘pag

dinaya, alam nilang dinadaya. Saka at the

same time, ang ganda ng oportunidad, eh.

May show ka, tapos may opportunity ka to

make a lifetime change.

“So, I took the challenge. Kasabay nu’ng

pagtanggap ko ng role, tinanggap ko na

‘yung challenge na maging triathlete.

“So, at least ngayon, si direk, hindi na

mahihirapang mandaya,” pahayag ni Jake.

Pagkatapos ng ilang buwang training,

ani Jake ay naramdaman niyang puwede

na siyang sumali sa race, kaya naman sumabak

na siya nitong nakaraang Marso sa

Ironman as his first race.

Kuwento naman ni Gerald Anderson

na co-star ni Jake, sa taping nila ng ILAI

ay hindi uso ang break time dahil during

break ay nagte-training pa rin sila.

“Ang break time sa amin, training, hindi

pahinga. Training,” sey ni Gerald.

Samantala, kahapon ay nagsimula na ang

airing ng ILAI na comeback serye ng Kim-

Erald at reunion din nilang tatlo nina Jake.

Tama lang pala na sa umaga ito eere (before

It’s Showtime) dahil pampamilya ang serye

in the tradition of Be Careful with my Heart

and Be My Lady na matatandaang sa nasabing

time slot din napanood at nag-rate nang husto.

DAHIL 6 years na ang relasyon nina

Megan Young at Mikael Daez, aminado

naman si Miss World 2013 na napaguusapan

na nila ang marriage.

“Of course, napag-usapan na namin

ang marriage. And you know, we’ve

talked about it recently, and it’s just probably

not the right time for us right now.

“And you know, we’re both adults, so

you know, it’s not something that isn’t new

to us to talk about. And we get our families

involved when we talk about it also,” sey

ni Megan.

Ipinakilala na nga raw niya si Mikael

sa family niya sa States nang pumunta

sila ru’n recently.

“Nakilala na niya ‘yung kuya ko before,

pero very briefly, and then, we stayed

with my brother at his family, so na-meet

niya rin ‘yung mom ng brother ko,

and ‘yung sister-in-law ko, and

then, ‘yung mga pamangkin ko.

So, it was a really, really nice

trip for us. Happy ako na nakilala

niya ‘yung family ko on

that side,” sey ni Megan.

Sa tingin niya ay si Mikael

na ang right man for her?

“Well, I hope so. I hope

Mikael is the final one for me. I

always hope that and in my

heart, he is,” she said.

Sa ngayon ay busy si

Megan sa promo ng movie

nila ni Ai Ai delas Alas na

Our Mighty Yaya na showing

na ngayong May 10

bilang Mother’s Day offering

ng Regal Entertainment.

HAPPY si Jodi Santamaria

para sa dating leading man na

si Ian Veneracion na nagkiclick

din ang tandem nito with

Bea Alonzo. Kung gaano nagclick

ang love team nila ng

aktor sa Pangako sa ‘Yo bilang

Eduardo at Amor, ganu’n

din kainit tinanggap ng mga tao ang

TonDeng love team nina Ian at Bea.

“Ako, natutuwa ako para sa kanila and

natutuwa ako para kay Ian na ‘di ba, parang

ngayon, makikita mo na kahit kanino

siya i-pair, nagwo-work ‘yung tandem.

“Alam ko na marami ring kinikilig sa

kanilang dalawa,” pahayag ni Jodi nang

makapanayam ng entertainment press recently.

Kung si Ian ay may Bea na ngayon,

siya naman ay susubukan ng Star Cinema

with other leading men – sina Xian

Lim at Joseph Marco sa pelikulang Dear

Other Self na malapit na ring ipalabas.

Kinunan pa sa Thailand ang movie at

sey nga ni Jodi, first time niyang gumawa ng

pelikula outside the country.

“Masaya siya (the shoot) pero sobrang

init nga lang. Pero meron kaming isang

scene du’n kung saan nakalaro namin

‘yung elephant, pinaliguan namin siya, so,

it was a different experience para sa film,”

pahayag pa ng aktres.

(Sundan sa p.10)

MAYO