08.05.2017 Views

May 8, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

6

MAYO 8, 2017

Hindi hahayaan ng

Panginoon na maubos ang

Kanyang mabubuting pastol

GINUNITA ng Simbahang-Katolika kahapon ang

Linggo ng Mabuting Pastol. Matibay ang pananalig

nating mga Kristiyano na tumatayong pastol ang Diyos

sa Kanyang hinirang na bayan. Itinuturing natin ang

ating sarili bilang mapapalad sapagkat kabilang tayo sa

kawan ng tupa na Kanyang inaalagaan. Panatag ang ating

kalooban dahil batid nating nariyan palagi sa atin ang

Panginoon bilang gabay upang makamit natin ang

kaligtasan.

Sa simula’t simula pa, giit ni Pope Emeritus

Benedict XVI, sinampalatayanan na ng mga Kristiyano

si Hesus bilang Mabuting Pastol. Sa Ebanghelyo ni

San Juan, Kapitulo 10, mababasa natin ang espesyal

na kaugnayan ni HesuKristo bilang Pastol at ng

Simbahan na Kanyang kawan. Ayon kay Papa Benedicto

XVI, sa loob ng higit dalawanlibong taon, hindi iniwan

at pinabayaan ni Kristo ang Kanyang Iglesia, aktibo at

personal Niya itong ginabayan at itinaguyod.

Dagdag pa ng retired Pope, sa patuloy na pakikinig

at pagsunod ng Simbahan sa Tagapagtatag nito,

napananatili ang pananampalataya ng tanan alinsunod

sa saad ng Ebanghelyo na boses lamang ng Mabuting

Pastol ang dapat pakinggan at sundin ng mga tupa.

Hiniling ni Benedict XVI sa lahat ng mananampalataya

ang patuloy na panalangin para sa lahat ng mga lider ng

Simbahan upang maging tapat sila sa pagsunod at

pagtulad kay Hesus, higit sa lahat para kay Papa Francisco.

Ginunita rin kahapon ng Simbahan ang Araw

ng Pandaigdigang Panalangin Para sa mga Bokasyon.

Nag-alay ng dasal sa mga parokya para sa Santo Papa,

mga pari at diyakono upang sila ay manatili bilang tapat

HELLO, Bulgarians! Ang

New San Jose Builders, Inc.

(NSJBI) na premier developer

ng Victoria De Manila 2 ay

Kasamang nakisaya ang

mga nasa litrato na sina Sales

Head, Mr. Carlos Arsolon

(kaliwa); Executive Vice-

President, Mr. Jun De Leon

(pangalawa sa kaliwa);

President, Mr. Cesar

Sanqui Jr. (pangatlo sa

kaliwa); Executive Vice-

President, Ms. Lorelie

Urcia (pang-apat sa kaliwa);

Senior Vice-President,

Engr. Eric Luna (pangalawa

sa kanan) at Vice-President

for Operation, Engr. Bobby

Dizon (kanan).

nag-celebrate ng kanilang topping-off

noong April 27, 2017

sa VDM 2 sa Taft Avenue

cor. Gen Malvar St. Manila.

na mga pastol ng kawan ng Diyos. Hiniling sa misa ng

mga Katoliko na pagkalooban pa ang Simbahan ng mga

kabataang nais maglingkod bilang pari at relihiyoso

ayon sa puso ng Mabuting Pastol, nang may malalim

na tiwala na hindi kailanman pababayaan ni HesuKristo

ang Kanyang Simbahan.

Batid ng Simbahang-Katolika ang panganib na

masapawan ng ibang boses ang boses ng Mabuting

Pastol. Nitong mga nakaraang taon, paulit-ulit ang

paalala nito sa mga mananampalataya tungkol sa

mahalagang papel ng mga pamayanang Kristiyano, mga

magulang at lahat ng mga may malasakit sa Iglesia na

itaguyod at alagaan ang mga bokasyon sa pagpapari at

pagiging relihiyoso lalo na ngayong makabagong

panahon ng teknolohiya kung kailan mistulang

kumakaunti na ang mga may hilig pumasok sa mga

seminaryo at kumbento.

Sa patuloy na pamumuno ng Pontifical Work for

Priestly Vocations na naitatag noong kapanahunan ni

Papa Pio XII, buo pa rin ang pag-asa ng Iglesia-Katolika

na sa kapangyarihan ni HesuKristong muling nabuhay

at sa tulong ng pamamagitan ni Maria, mabibiyayaan

pa rin ang Simbahan ng mga banal na mga manggagawa

para sa serbisyo ng bayan ng Diyos at ng mga kaanib

nito, higit sa lahat sa pagbabahagi ng mga sakramento.

Ngayong mga araw ng parangal at pagsusumamo

kay HesuKristo bilang Mabuting Pastol, panibaguhin

natin ang ating pananampalataya sa Diyos na may hawak

ng ating buhay, kabuhayan, kalusugan at kinabukasan.

Ipanatag nawa natin ang ating kalooban sa ating Gabay,

Tagapangalaga at Tagapagtanggol. Alisin nawa natin ang

anumang negatibong pangamba sa dibdib, kumbinsido

na tayo ay nasa mabuting mga kamay ng ating

Panginoon.

Tumimo nawa sa atin ang aral sa misa kahapon na

naparito nga si Hesus upang makamit natin ang buhay

at lubos na magkaroon nito. Patuloy nawa tayong

manalig, magpuri, maghandog at magsilbi sa

Panginoon; sapagkat lubos ang pagkakaroon ng buhay

ng mga marunong magbahagi, magmahal at

magmalasakit nang may pangkalinga alinsunod sa utos

ni Kristo. Sa mga susunod na araw at palagian sa ating

buhay, hayaan nawa nating pangunahan tayo ng

Mabuting Pastol na magdadala at magpapanatili sa atin

sa tamang landas.

Topping-off ceremony ng

VDM 2, ipinagdiwang

ng NSJBI

Mga katsika, abangan

n’yo ang mga picture natin

sa Instagram, i-follow n’yo

ako -@missbulgarific o i-like

ang aking Facebook page –

https://www.facebook.com/

Missbulgarific

For event invitations,

please, email bulgarific@

gmail.com at bulgarific

@bulgar.com.ph

Got to go! It’s so

Bulgarific!

xoxo

OPINYON MO, I-TEXT MO!

Send to 2786 for SUN subscribers,

0922-9992-786 for other networks

bulgar_opinyon_message

Ano ang masasabi mo sa

hirit ni P-Duterte na 9-

anyos na kriminal, puwede

nang ikulong?

DAPAT may masampulan

si P-Digong

na maipakulong na

edad siyam, para

manahimik na ang

mga pasaway na kabataang

problema ng

mga magulang. —

0939-2569***

ANO ba ‘yan?

Wala ka bang awa sa

mga bata? Aba, may

gatas pa sa labi ‘yan

at wala pang masyadong

alam! Hindi ba

puwedeng dumaan

muna sa counselling?

— Russel

BAKIT hindi pa

niya ipag-utos na

puwede nang patayin

basta sabit sa

droga, para sa ikaliligaya

niya? —

0919-9460***

TAMA, sa panahon

ngayon, pabata

nang bata ang mga

kriminal. — Beneliza

Jucruz

DAPAT talagang

ikulong dahil ang

lalakas ng loob na

gumawa ng mga kalokohan

dahil alam

nilang mahuli man,

pakakawalan din

sila. Mga bata pa

lang gumagawa na

ng kawalanghiyaan.

Pabor na pabor, Mr.

President. — 0919-

2954***

TAMA ‘yan, kasi

may mga kabataan

na kriminal at ang

kriminal ay kriminal

‘pag gumawa ng

krimen at hindi usapin

kung ano ang

edad hangga’t gumagawa

ng krimen.

‘Yan ang tunay na

hustisya at kailangang

ipatupad at

hindi dapat ‘yan

ipinagtatanggol ng

DSWD o CHR. —

Robin

TAMA lang ‘yan

kasi madalas menorde-edad

ang ginagawang

kasangkapan ng

mga sindikato sa mga

modus nila, palibhasa,

‘di puwedeng ikulong

ang mga menor.

— Richard

MAY punto ang

pangulo, bata pa lang

ay tinuturuan na ng

mga kriminal na magulang

ang kanilang

mga anak kung paano

manlimos, maging

hamog, batang salisi

sa mga sasakyan, mandurukot

sa palengke

at ang pinakagrabe ay

courier ng droga.

Wala rin itong ipinagkaiba

sa mga batang

tinuruan sa larangan

ng sports at singing

upang sa paglaki ay

bihasa na. — 0919-

5881***

TAMA, pati ‘yung

parents ikulong din.

— Otep Delaroz

HINDI naman siguro,

as in, kulungan

for the kids naman

siguro. — Edmelyn

James

SIKSIKAN na nga

ang mga kulungan

ngayon daragdagan

pa ng mga batang

kriminal. Ano na ang

mangyayari sa future

ng ‘Pinas? Ang mabuting

gawin ay ‘pag

nagkasala ang anak,

ang mga magulang

ang ikulong. — Lala

HUWAG muna,

mga 15 naman siguro.

Sobrang bata pa ng

edad nila para r’yan.

Hindi naman siguro

ganu’n kabigat ang

mga kasalanan na

nagagawa nila sa

ganyang edad. —

Mae Sahara Gail

Manalo

GO lang, as long

as may separate jail

room sila. — Mark

Evan Evangelista

GASTOS na naman

‘yan. Hindi pa

nga nasosolb ‘yung

sa selda para sa mga

adik, may hirit na

namang panibago si

P-Digong. — Leah

PUWEDE basta

hindi sa kulungan ng

mga matatanda, dapat

may iba silang

kulungan. — Joe

Ruiz Sumido

PARA sa akin, hindi

pa dapat ikulong

ang ganyan kabata.

Siguro, taasan nila

‘yung age range,

mga katorse pataas,

mas marami kasing

krimen na nagagawa

ang mga ‘yun. Saka

sana, totoong kulungan

ang paglagyan

sa kanila. Kung parang

boys town lang

kasi ang babagsakan

nila, baka gumawa

pa ulit sila ng

krimen dahil iisipin

nilang mas ayos ang

buhay sa loob. —

Queenie

OO nga! Tama

‘yan, pati kasi bata

ngayon ay kriminal

na. Pero dapat isama

ang guardian o mga

magulang kasi kung

hindi nila pinabayaan

ang anak nila,

hindi ‘yun gagawa

ng masama. —

Erwin Salcedo

PUWEDE naman,

eh, para matakot ang

mga bata na gumawa

ng masama. —

Cecille Santiago

OKEY ‘yan, ibahin

lang ang kulungan

nila at du’n turuan ng

kabutihang-asal.

Parang rehab sa mga

menor-de-edad. —

Lancelot Borromeo

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!