You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
AGOSTO 30, 2017 11

Babala sa mga bagong

panganak na hindi

nawawala ang manas

matapos ang isang linggo!

Dear Doc. Shane,

Ako ay single mom at kapapanganak

pa lamang sa aking

unang baby. Subalit, limang araw

na ang nakalilipas mula nang

manganak ako ay namamaga pa rin

ang aking mga paa. Kailan kaya ito

mawawala at normal lang ba ito?

— Cristy

Sagot

Sa katunayan, ang pamamaga ay

kusang mawawala habang pinakakawalan

ng katawan ang sobrang tubig

na naipon sa loob ng huling mga buwan

ng pagbubuntis. Ang mga

bato o kidney ang

responsable sa ganitong

uri ng paglilinis na

maaaring mangahulugan

na ang isang bagong

panganak ay iihi nang mas

madalas kumpara sa dati.

Ang balat ay maglalabas

din ng tubig sa pamamagitan

ng pagpapawis

nang mas marami.

Ang pamamanas o

pamamaga ng mga paa

ilang araw matapos manganak ay

bibihirang maging seryosong problema.

Ito ay kusang nawawala pagdaan ng ilang

araw. Subalit, kung ang pamamaga ay

hindi mawala sa loob ng isang linggo o

kaya ay may kasamang matinding

pagsakit ng ulo o sakit ng mga paa,

kailangang sumangguni agad sa doktor

o health center dahil ito ay maaaring

palatandaan ng mataas na presyon ng

dugo. Tumawag agad sa doktor kung ang

pamamaga ay sa isang paa lamang at may

kasamang matinding pananakit, ito ay

maaaring palatandaan ng deep vein

thrombosis o pagbabara ng mga ugat.

Para sa inyong mga katanungan, maaari pong sumulat sa SABI NI DOC ni

Shane Ludovice, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o magemail

sa sabinidok@bulgar.com.ph

Simulan na ang pag-unlad!

MGA NEGOSYONG MAGHAHATID

NG PAGYAMAN SA KABUHAYAN

DEAR MHO,

August 29, 1997 ang

birthday ko. Anong career

o negosyo ang bagay sa

akin? Codename: Sharon

ng Leyte

SAGOT

Ayon sa iyong Career

Calendar, suitable careers

will be found in communications

as teacher, lecturer

or drama critic; in business,

as secretary or civil servant;

in health, as dietician,

naturopath or public health

officer, in precision work as

analyst or statistician. There

is also a high degree of

manual dexterity and careers

as crafts persons of

all types will appeal. In addition

to that, Virgo excel in

all work in which analysis

and critical judgment are required;

also do well in all occupations

connected with

higher sciences, mechanics,

dietetics, nutrients, health,

and labor. They go into details;

are industrious; devoted

to their work, and

make good executives, organizers

and directors.

Virgo is an earthly sign and

if the natives have an inclination

for agriculture and

horticulture, they can be successful

in occupations connected

with the land. They

are also fond of collecting

things as a hobby. They are

good on the inventive side.

Due to ownership of the sign

by Mercury, they have good

histrionic abilities.

Habang, ayon sa Decadens

ng Kapalaran, kusang

aangat ang graph ng pagunlad

sa aspetong pang-career

at pangkabuhayan sa

mga taong 2021, 2022 at 2023.

DEAR MHO,

March 25, 1990 ang

birthday ko. Kailan kaya

ako makapag-a-abroad?

Codename: Mark ng

Naic, Cavite

SAGOT

Ayon sa iyong Travel

Calendar, sa taong 2018 sa

edad mong 28 pataas, may

isang mabunga at mabiyayang

pangingibang-bansang

itatala sa iyong karanasan.

DEAR MHO,

August 13, 1989 ang

birthday ko at January 30,

1980 ang asawa ko. Kailan

kaya kami magkaka-baby?

Codename: Nestor ng

San Pedro, Laguna

SAGOT

Ayon sa inyong Children

Calendar, sa taong 2018

hanggang 2019, magkakababy

na kayo!

DEAR MHO,

33 years old na ako sa

September 29 pero wala

pa rin akong boyfriend.

Kailan kaya ako magkakaboyfriend

at makapagaasawa

at sinu-sino ang

mga ka-compatible ko?

Codename: Eloisa ng

Abad Santos, Tondo,

Manila

SAGOT

Ayon sa zodiac sign

mong Libra, ka-compatible

mo silang isinilang sa zodiac

signs na Gemini,

Aquarius at kapwa mo Libra,

higit lalo silang isinilang

sa mga petsang 7, 16, 25,

4, 13, 22 at 31 kung saan

ayon sa iyong Love Calendar,

ngayong 2017 sa edad

mong 33 pataas, magkakaboyfriend

ka na at ang

magiging boyfriend mo sa

nasabing panahon ang siya

mo na ring mapapangasawa

hatid ng isang lalaking

medyo kayumanggi ang

kulay ng balat, maangas,

makuwento at medyo palabarkada.

Attention, mommies and daddies!

SEY NG EKSPERTS:

PAGPAPALIT-PALIT NG YAYA,

BAD SA HEALTH NG BATA

N i CATHLEE ANNE M. OLAES

PARA sa working parents na may maliliit pang

chikiting, isang malaking challenge talaga ang

paghahanap ng mag-aalaga o magiging yaya ng

bata. Sa panahon ngayon, napakarami na ring

napababalitang hindi magandang karanasan sa

mga yaya. Mayroong nangmamaltrato, may hindi

magandang mag-alaga, ang ilan ay napababayaan

din ang inyong anak at worst of all ay

tinatangay o kinikidnap pa nila ang bata. Scary

talaga, ‘di ba?

Kung ganito ang pinoproblema ninyo, naku, sana ay

makahanap na talaga kayo ng maayos na yaya na

siguradong magtatagal sa inyo dahil ayon sa bagong

research, ang pagpapalit-palit ng mga yaya ay hindi

maganda para sa sleep routine ng mga bata.

Ayon kay Jen Hao-Chen, lead researcher ng pagaaral

mula sa Howard University sa Washington D.C.,

hindi nakatutulog nang maayos ang bata kapag nagiiba

ang nag-aalaga sa kanya. Aniya, kritikal kasi para

sa development ng bata ang pagtulog ng mga batang

may edad tatlo hanggang lima.

Sa report ng Sleep Health, sinuri ni Chen ang datos

ng higit 3,400 mga batang Australian mula edad siyam

na buwan hanggang dalawang taong gulang. Tinanong

naman ang mga magulang ng mga bata tungkol sa

childcare experience ng bata o kung sino at paano ito

inaalagaan; kapamilya man nila o ng isang yaya.

Sa resulta, ang mga bata na may iisang tagapagalaga

mula nang sila ay sanggol hanggang sa maging

toddler ay hindi nagkaroon ng problema sa pagtulog.

Habang ang mga batang papalit-palit o paiba-iba ng

bilang ng mga nag-aalaga ay nababawasan ang oras

na itinutulog sa gabi.

Mahalaga ang kumpletong tulog para sa ating lahat,

lalo na sa mga bata dahil nakasalalay ang development

ng kanilang pangangatawan. Kaya kung isang dahilan

ang pag-iiba-iba ng nag-aalaga sa mga ito, mabuti pa

na maghanap na talaga kayo ng siguradong tagapagalaga

hanggang sa lumaki ang bata para hindi

maapektuhan ang kanyang paglaki.

Ang mga magulang kasi ay masyadong naka-focus

sa gastos, pinagmulan ng yaya, kakayahang mag-alaga

at iba pang bagay, pero hindi nila napagtutuunan ng

pansin ang magiging epekto sa kanilang anak ng

pagkakaroon ng bagong yaya o tagapag-alaga.

NABUNTIS NG BF ANG EX-GF AT

NGAYON AY TINATAKOT NG PAMILYA

NG EX-GF PARA IWAN ANG BF NIYA

Dear Roma,

5 years na kami ng

boyfriend ko at pinangakuan

niya ako ng kasal,

next year. Sabi niya,

para raw mas mabilis siyang

makaipon ng pampakasal

namin, mag-aabroad

muna siya.

Pumayag naman ako

kasi isang taon lang

naman daw. Pero,

nakalipas ang isang taon,

hindi pa rin siya

umuuwi. Isang buwan

bago mag-isang taon,

hindi na siya nagpaparamdam

sa akin.

Hanggang sa nalaman

ko na nabuntis ng boyfriend

ko ang ex niya at

kaya siya nag-abroad ay

para sa panganganak ng

ex niya at ang masakit

nu’n, nandito pa lang

siya sa Pilipinas ay

buntis na pala ang ex

niya. Ayaw akong

pakawalan ng boyfriend

ko ngayon, ang sabi niya,

susustentuhan lang niya

ang bata, pero ako pa rin

ang pakakasalan niya.

Pumayag ako ru’n pero

‘yung pamilya ng ex niya

ay tinatakot ako at

sinasabi na hiwalayan ko

ang boyfriend ko at kung

hindi

ay

magkakademandahan at

magkakamatayan daw

kami. — Jane

Jane,

Sobra mo sigurong

mahal ang boyfriend mo, to

the point na napatawad at

tinanggap mo ulit siya kahit

na ganyan ang nangyari sa

inyo. At mukhang hindi ka

rin basta susuko mula sa

laban ng pagmamahal mo

sa kanya kahit na marami

nang threats ang sumasalubong

sa iyo. Hindi ko

masasabing mali ka, pero

hindi ko rin masasabing

tama ka. Naiipit ka lang kasi

sa sitwasyon at wala kang

kamalay-malay sa mga

nangyayari sa paligid mo.

Kausapin mo ang boyfriend

mo, Jane, nasa desisyon

kasi niya ang ikapapayapa

ng buhay ninyong lahat.

Mahalagang magkaroon ng

kalinawan ang lahat. Mukha

kasing ayaw magpatalo

ng pamilya ng ex niya.

Sabagay, kahit sino ay

ipaglalaban ang sa tingin

nilang para sa kanila. Sa

ngayon, sa tingin ko ay

dapat na lumayo ka na

muna sa boyfriend mo para

na rin sa sarili mong kapakanan.

Hindi rin kasi natin

masasabi ang kakayanan

ng pamilya ng ex-GF ng

boyfriend mo. Mahalaga na

ihanda mo rin ang sarili mo

sa mga posibleng maging

desisyon ng boyfriend mo,

pabor man ito sa iyo o hindi,

kailangan ay matanggap

mo rin. ‘Wag mo munang

isipin ang kasal, darating din

ang tamang time (o tao)

para sa iyo. Kung kayo

naman ng boyfriend mo ang

nakatakda hanggang dulo,

sigurado ako na walang

kahit na ano o kahit na

sinong makahahadlang sa

inyo. Okay? Kaya mo

‘yan!