14.11.2017 Views

NOVEMBER 14, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

NOBYEMBRE 14, 2017 7

Yumaong aktres, bibigyan ng sariling star...

ISABEL, PASOK SA WALK OF

FAME-PHILIPPINES

MAPAPAAGA ang pagdaraos ng Walk of Fame-Philippines

(WOFP) sa Eastwood Park na project ng

yumaong Mastershowman na si German Moreno.

Taun-taon ay ginaganap ang

WOFP tuwing December 1 at pumipili

ng mga inductees na bibigyan ng

kanilang star sa Eastwood Park. Pero

sa taong ito, mapapaaga ang awarding

at gagawin ito sa November 21.

Ayon sa anak ni Kuya Germs na si

Federico Moreno at sa pamangkin niyang

si John Nite na siyang namamahala sa WOFP, may importanteng

family affair ang Moreno family sa USA at kailangan

nilang bumiyahe bago mag-Dec. 1 kaya nagdesisyon

silang gawing mas maaga ang nasabing event.

Nakapili na rin ng 16 inductees sa WOFP at ia-announce

bago mag-Nov. 21. Pero, ang yumaong That’s Entertainment

member na si Isabel Granada ay pagkakalooban

ng Posthumous Award at magkakaroon ng sarili

niyang star sa Eastwood Park.

NAPAKASUWERTE ni Bossing Vic Sotto sa taong ito.

Bukod sa biniyayaan sila ni Pauleen Luna ng isang

malusog at cute na baby girl,

si Talitha Maria Luna Sotto,

siya rin ang napili ng Philippine

Movie Press Club (PM-

PC) para tumanggap ng

Ading Fernando Lifetime

Achievement Award sa katatapos

lang na 31 st Star Awards

for TV nu’ng Linggo nang

gabi.

Bukod dito, may entry din

siya sa darating na MMFF

2017 na si Dawn Zulueta ang

kapareha niya. Rom-com ang

Meant to Beh movie nina

Bossing Vic at Dawn.

Taun-taon, hindi binibigo

ni Bossing ang mga batang

nag-aabang ng kanyang pelikula

sa film festival.

LUCKY at happy din ang Comedy

Queen na si Ai Ai delas Alas

dahil may malaking sorpresa at

birthday gift siyang natanggap

recently. Ito ay nang manalo

siyang Best Comedy Actress sa

katatapos na 31 st Star Awards

for Television ng Philippine

Movie Press Club.

Nauna rito ay win din si Ai

Ai ng Best Actress via the movie

Area sa L.A., California. At ang pinaka-highlight ng excitement

at kaligayahan ni Ai Ai ay ang nalalapit nilang

pagpapakasal ng BF niyang si Gerald Sibayan.

It’s raining blessings sa buhay ng Comedy Queen dahil

mabait at matulungin siya sa kapwa.

PAPASOK pa lang ang buwan ng Disyembre pero sa

programang Wowowin ay napaaga na ang Pasko dahil

sa mga premyong ipinamimigay sa mga contestants ng

bawat segment.

Nagpapagalingan ang mga talentadong contestants

ng Wil to Win na may iba’t ibang talents na ipinakikita.

Masusuwerte rin ang mga napipili sa Wil of Fortune.

Balita namin, may plano rin ang GMA Network na

i-extend ang Wowowin hanggang araw ng Sabado. Sa

ngayon kasi, Lunes hanggang Biyernes lang umeere

ang programa. Kukuha rin ng Kapuso guest co-host at

ilang beauty queens na makakasama ni Revillame sa

show.

Samantala, masaya, excited at ganadong magtrabaho

ang buong staff ng Wowowin dahil muli na namang

nanalong Best Game Show ang show ni Willie Revillame

sa nakaraang 31 st Star Awards for TV ng Phil.

Movie Press Club. Bale pangatlong taon na ito ng

Wowowin bilang Best Game Show.

Patuloy na maghahatid ng kasiyahan at mga

nakakaaliw na segments ang Wowowin sa kanilang

mga viewers. Marami na ring requests abroad na dalawin

ni Willie Revillame upang makita naman siya

ng maraming OFWs nating kababayan.

KUMPARA sa mga babae, ang mga

lalaking in love at nakikipagrelasyon ay

laging may fallback or Plan B kapag hindi

nagwo-work ang kanilang pakikipagugnayan

sa kanilang girlfriend.

Bibihirang may lalaki na masasabing

devastated at brokenhearted. Pinaiiral nila ang ego o pride

at ayaw magmukhang kawawa sa mata ng lahat.

At sa pelikulang Fallback ng Cineko Productions na

idinirek ni Jason Paul Laxamana, tiyak na makaka-relate

kina Daniel Matsunaga at Zanjoe Marudo, ang dalawang

naugnay kay Rhian Ramos sa Fallback.

In real life, parehong nauwi sa breakup ang mga naunang

relasyon nina Daniel at Zanjoe, pero nagawa nilang makamove

on at ngayon nga, balitang may bago nang GF si

Daniel habang nali-link naman si Zanjoe kay Bela Padilla.

STILL on Fallback movie, kasama rin dito ang dating

sexy star na si Tetchie Agbayani

na nagmarka sa Pinoy

men nang maging cover ng

Playboy magazine.

Sobrang seductive ng kanyang

iba’t ibang poses sa nasabing

men’s magazine kaya

pinagpantasyahan at kinabaliwan

siya ng kalalakihan.

In fact, hanggang ngayon

ay mabenta at marami pa ring

collectors ang naghahanap ng

kopya ng Playboy magazine na

si Tetchie Agbayani ang cover.

At may gumuhit ng nasabing

larawan ni Tetchie na libulibo

ang halaga.

Sa ngayon, nadagdagan na

ng edad at timbang si Tetchie

pero patuloy siyang maaalala

ng mga kalalakihan dahil sa

pagiging cover girl niya noon

ng Playboy magazine.

MARAMI ang nagsasabing

deserve ng Kapuso young star

na si Mikee Quintos ang manalo

bilang Best New Female TV

Personality sa ginanap na Star

Awards for TV.

Noon pa lang umapir siya

sa Encantadia bilang anak ng

sangre na kikay at jologs, effortless at napakanatural

nang umarte ni Mikee.

Maging nang ipasok siya sa Book 2 ng Alyas Robin

Hood ay tumatak at napansin din siya ng mga viewers.

At maging sa kanyang mga TV guestings ay lutang din

ang character ni Mikee Quintos kaya dapat na alagaan, i-

push at bigyan siya ng GMA-7 ng magagandang projects!

SOCIALELLA. . . . (mula sa kanan)

aniya, iniaalay niya sa mga ito ang kanilang award.

Samantala, present din ang Pambansang Bae na si

Alden Richards sa naturang event at talaga namang todosuporta

sa kanya ang Aldenatics na sumakop na yata sa

lahat ng upuan sa theater. Wagi ng Best Single Performance

By An Actor award si Alden ka-tie si John Estrada.

Pansin lang namin, malaki ang pagkakahawig nina

Joshua at Alden kaya sa tuwing isinisigaw ng Aldenatics

ang pangalan ni Alden ay todo-sagot at ayaw ding pataob

ng JoshLia fans na sumisigaw naman ng ‘Joshua!’.

Para sa amin, guwapo talaga si Alden pero iba ang

dating ng charm ni Joshua sa mga tao kaya marami ang

giliw na giliw sa kanya sa Star Awards. Patunay nga d’yan

ang kilig ng aming kasamahan na si Jasmin Joy Reyes na

gusto na raw magpalahi kay Joshua.

Hahaha! Bongga!☺

Pinagkaguluhan sa Star Awards, magkamukha raw…

ALDEN, SAPAW, TAOB SA

LAKAS NG DATING NI JOSHUA

SINCE pinagpiyestahan ng mga

netizens ang pagkikita nina Angel

Locsin at Jessy Mendiola sa kasalang

Anne Curtis-Erwan Heussaff sa New

Zealand, naungkat at binuhay na naman ng

mga bashers ang past issues ng dalawa. Nagaaway-away

na naman ang mga fans ng ex at

present love ni Luis Manzano kung saan

inaakusahan pang sabit lang sa wedding si

Jessy at hindi naman talaga invited.

Kaya, hindi na nakapagpigil pa ang GF

ni Luis at sumagot na ito sa mga nambabash

sa kanya sa Instagram.

“And sa lahat ng mga tao na makikitid

ang utak na namomroblema kung sinong

invited o hindi, hindi naman siguro ako pupunta

sa kasal na hindi ako invited. I just

think that’s crazy. Can we just all be happy

for the lovely couple who are about to get

married?” say ni Jessy bago ginanap ang

kasal ni Anne.

Dagdag pa niya, tigilan na ang nega

vibes dahil ang importante ay nagpakaprofessional

sila para sa event at dedma

na lang kung nagkita man sila ni Angel.

“Good vibes lang po sana, doesn’t matter

kung sinu-sino ang magkikita-kita. The

important thing is we are ready to put aside

our issues for such a wonderful event. Sana

lahat din ng tao gano’n na lang. Let’s celebrate

the love of Anne and Erwan for each

other na lang, ok? Spread love and peace

not hate please! (sorry @luckymanzano dito

na lang ako sumagot, I turned off my comments

section para iwas nega. I love you

how!)” pagtatapos ni Jessy.

Reaksiyon ng mga netizens, grabe

naman daw ang mga bashers ni Jessy. Hindi

naman daw porke invited si Angel ay hindi

na puwedeng um-attend si Jessy. Wedding

‘yun nina Anne at Erwan at hindi ni Angel

kaya ‘wag naman sanang angkinin ng mga

fans ng aktres ang naturang event.

Pak!

GRABE na talaga ang mga bashers ngayon.

Imagine, pati ang pagkamatay ng

Hashtags member na si Franco Hernandez

ay ginagawan pa ng issue ng mga

taong walang magawa sa buhay.

May isang basher kasi ang nag-tweet

at say nito, bakit daw si Franco pa ang

namatay at hindi na lang si Jon Lucas na

member din ng Hashtags?

Ang nasabing tweet ay nabasa ni Vice

Ganda kaya hindi na nakapagpigil pa ang

Unkabogable Star at sinagut-sagot ang

nasabing basher.

“Sa gitna ng pagluluksa namin ngayon,

‘di ko papayagang may lumapastangan

sa mga taong malapit sa ‘kin. Napakawalanghiya

mong hayup ka!” reply ni Vice

sa tweet.

Nagbanta rin si Vice na ipapahanap

ang basher pag-uwi niya ng ‘Pinas.

“Hintayin mong makabalik ako sa

Pilipinas at ipahahanap kitang demonyo

ka! ‘Di mo alam kung gaano kalungkot

ang pinagdadaanan namin ngayon!” say

ng gay TV host.

Dagdag pa ni Vice, gusto

niyang maka-face-to-face

ang basher at sabihin sa harap

niya ang tweet nito. Game

raw siyang paglaanan ng

oras ang basher dahil kaibigan

niya ang Hashtags.

“Gusto kitang makita sa

personal. Gusto kong sabihin

mo sa akin ‘yan ng harapan.

Gusto kitang paglaanan ng

oras. ‘Wag mga kaibigan ko.

‘Wag ngayon,” he added.

‘Yun nga lang dahil sa

banta ni Vice ay burado na

ang tweet at nag-deactivate

na ng account ang basher.

Well, we can’t blame

Vice dahil alaga niya ang

Hashtags at super close siya

sa mga ito kaya ganu’n na

lang kung ipagtanggol niya

sina Franco at Jon Lucas.

‘Yun na!

HINDI man nakadalo sa 31 st

PMPC Star Awards for Television

si Julia Barretto na

tatanggap sana ng German Moreno Power

Tandem Award kasama si Joshua Garcia,

ramdam na ramdam naman sa Henry Lee

Irwin Theater sa Ateneo de Manila University

nu’ng Linggo nang gabi ang

presensiya ng dalaga dahil special mention

siya sa acceptance speech ng aktor.

“Gusto ko pong magpasalamat sa

parangal na ito sa bumubuo po ng German

Moreno Power Tandem Award at sa PMPC

Star Awards. Maraming salamat po.

“Pasensiya po at hindi po makakarating

si Julia ngayon dahil nasa shooting po

siya pero, ipinaparating niya po sa mga

bumubuo nito na maraming-maraming

salamat daw po at nakakataba po ng puso.

“At gusto ko rin pong mag-thank you

sa Star Cinema family po. Kung hindi po

dahil sa inyo hindi ko po makikilala si Julia

at makakapareha. At sa Star Magic family,

maraming salamat po sa pag-aalaga sa

amin. At kay Julia, maraming salamat, kung

hindi dahil sa ‘yo, hindi ako makaka-receive

ng ganito,” say ni Joshua.

Pinasalamatan din ng aktor ang JoshLia

fans na sumusuporta sa kanila ni Julia at

(Sundan sa kaliwa)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!