20.11.2017 Views

NOVEMBER 20, 2017 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

4 Column Editor: PRINCESS ERIKA SOLITARIO

NOBYEMBRE 20, 2017

Pagsusulat nang

laban sa ‘Pinas at

pagsusumbong sa

banyaga, malinaw na

pagtraydor sa bayan

MAGALIT na sila kung magalit, pero sa palagay

natin ay traydor sa bayan ang mga Pilipino na

nagsusulat ng mga artikulo sa mga diyaryo sa Estados

Unidos na grabe ang banat sa pamahalaan na hindi

naman balanse.

Mayroong masamang pananaw sa marami sa

Estados Unidos na napakagrabe raw ang mga

napapatay ng mga pulis at mga alagad nito sa digmaan

laban sa iligal na droga. Pero ito ay hindi base sa

pagsasaliksik ng mga embahada nila rito sa bayan

natin.

Lahat ng kaalaman nila sa nangyayari sa bayan

natin ay dahil lang daw sa mga iniuulat ng mga Pilipino

sa kanila na nagtatrabaho para sa kanilang mga diyaryo

o mga ahensiya.

Ang masama nito, dahil Pilipino ang mga ito ay

naniniwala sila kaagad sa mga iniuulat ng mga ito at

hindi na raw nila kinukuwestiyon kung totoo ito.

Hindi nila kinukuwestiyon kung ang isinulat ng

mga ito ay propaganda lang ng mga dilawan o

komunista.

Isang halimbawa raw dito ay ang Human Rights

Watch na base sa New York sa Amerika ay malakas

bumanat, sa bayan natin na libu-libo raw ang mga

napapatay ng mga pulis na walang kalaban-laban

dahil sa digmaan laban sa iligal na droga.

Wala naman daw talagang tao rito ang Human

Rights Watch. Isandaang porsiyento raw silang

umasa sa tao nila rito na nagngangalang Carlos Conde.

Nag-umpisa siyang magsulat noong 1990s sa

pang-internet na pahayagang bulatlat.com, na pinaparatangan

ng marami na pinatatakbo raw ng Partido

Komunista ng Pilipinas.

Nang naitayo ito noong 1968, ang hangarin daw

ng mga komunista ay pabagsakin ang anumang

gobyerno para sila raw ang makapagrebolusyon at

makapaghari sa bayan natin.

Kayo na mismo ang tumingin sa bulatlat.com para

manghusga kung totoo ang paratang na ito. Kung

Para sa inyong katanungan, suhestiyon

at reaksiyon sumulat sa BANAT ni Bobi

Tiglao, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave.,

Quezon City o mag-email sa

banat.bulgar@gmail.com

gusto ninyong malaman ang mga pinakahuling atake

ng NPA sa militar ng bayan ay tingnan na rin ninyo

sa bulatlat.com.

Pagkatapos ng bulatlat.com ay nakapagsulat pa

raw si Conde sa mga diyaryo sa Estados Unidos.

Binasa natin ang halos lahat ng isinulat nito at wala

ni isang magandang balita sa Pilipinas.

Matapos nito ay nagtrabaho siya sa Philippine

Center for Media Freedom and Responsibility at

Philippine Center for Investigative Journalism.

Isang Amerikanong institusyon na ang nagpopondo

raw ang National Endowment for Democracy

(NED). Maraming mga mananaliksik ang nagbuking

na ito ay ginagamit daw ng CIA ng Estados Unidos

para magpabagsak ng mga gobyerno na hindi nila

kakampi.

Isang halimbawa pa raw ng traydor sa bayan ay

si Manuel Quezon III na nakapagsulat sa tanyag na

diyaryo na Washington Post. Ipinakikilala ni Quezon

ang sarili niya sa Washington Post bilang kolumnista

ng diyaryong Philippine Daily Inquirer. May programa

rin daw siya sa ABS-CBN.

Ang pinakaimportanteng hindi raw nito sinasabing

dilawan siya. Isa siya sa mga tagapagsalita noon

ni dating Pangulong Aquino at Undersecretary ng

Presidential Communications Development and

Strategic Planning Office, na ang pakay ay pabanguhin

ang rehimeng Aquino.

Dahil hindi niya ito ibinubunyag, akala raw ng

Washington Post at ang mga nagbabasa nito ay balanse

lang siyang magsulat dahil propesiyunal ito.

Pero wala na raw ginawang tama si Pangulong

Duterte sa mga pinagsusulat ni Quezon sa Washington

Post. Pinalalabas pa raw niyang libu-libo ang napapatay

ng pulis, eh, ang numerong ito ay isa lang daw

inimbento ng dilawang diyaryo at website.

Isinulat pa nga niya noong Pebrero ay pabagsak

na raw ang popularidad ni Duterte. Ang totoo ay

batay sa mga polls ay 75% ng mga Pilipino ang bilib

sa kanya noong Marso at tumaas pa ito sa 78%

noong Hunyo.

Pabagsak na rin daw ang ekonomiya dahil walang

tiwala ang mga negosyante kay Duterte. Eh, lumabas

nitong nakaraang linggo sa opisyal na ulat ay humihirit

ang ekonomiya natin – ang tinatawag ng GDP

ay tumaas ng 6.9% noong third quarter. Isa ito sa

pinakamalaking pagtaas nitong mga nakaraang taon.

Talaga raw maraming mali itong si Quezon dahil

hindi naman daw ito talagang propesyunal na “media”.

Propagandista lang daw ito ng mga dilawan.

Maituturing daw na traydor ang mga taong tulad

nina Conde at Quezon sa Pilipinas. Sinisiraan daw

nila ang bayan natin sa mundo na para bang nagsusumbong

sa mga banyaga.

Naging katanggap-tanggap lang daw ang ganitong

paggagawa noong panahon ni Marcos, dahil walang

malayang pamamahayag noon at kontrolado niya

ang lahat ng diyaryo.

Malinaw naman ngayon na napakalaya na ng

media natin.

Editoryal

BAKIT naman bumoto ang Pilipinas kontra sa

resolusyon ng United Nations General Assembly

sa krisis sa Rohingya? Sampung bansa – China,

Russia, Syria, Zimbabwe, Belarus, Myanmar,

Cambodia, Laos, Vietnam at Pilipinas lang ang bumoto

kontra sa resolusyon. Isandaan at tatlumpu’t

limang bansa naman ang bumoto pabor sa resolusyon,

habang 21 ang hindi bumoto, kabilang ang

Singapore at Thailand.

Ang resolusyon ay nananawagan ng ganap at

walang hangganang pag-access ng humanitarian aid

sa Myanmar at mabigyan ng ganap na mga karapatan

ang mga Muslim na Rohingya na itinuturing ng mga

Buddhist sa Myanmar na iligal na imigrante mula sa

Bangladesh. May mga nagsasabi na “ethnic cleansing”

na ang nagaganap.

Maiintindihan natin kung bakit bumoto nang

pabor sa resolusyon ang Indonesia, Malaysia at

Brunei Darussalam dahil mga Muslim ang naaapi

sa nasabing lugar sa Myanmar. Maiintindihan din

natin ang pagboto ng hindi ng Myanmar, Cambodia,

Laos at Vietnam dahil sa mas laganap ang relihiyong

Buddhism sa kanilang bansa. Pero, bakit naman

tayo bumoto kontra sa resolusyon?

Karapatang-pantao ang isyu rito. Kaya ba tayo

bumoto kontra sa resolusyon ay dahil human rights

na naman ang isyu o sumabay lang tayo sa China at

Russia na nais maging malapit nang husto ng

administrasyong Duterte ngayon? O wala na tayong

pakialam sa lahat ng nais gawin ng U.N.? Dapat

hindi na lang bumoto tulad ng ginawa ng Thailand at

Singapore. Baka ikasama pa ito ng mga kapatid

Editoryal

PNP, linisin muna bago ibalik

sa giyera sa droga

W

ALA namang dudang ang pagsawata sa iligal na droga

ang isa sa prayoridad ng gobyerno ngayon.

Dahil kung tutuusin, sa maraming pagkakataon, droga

pa rin ang pinagmumulan o pinag-uugatan ng iba pang

krimen.

Pero ang kampanya kontra droga ng administrasyon, hindi rin naging

madali lalo na at hindi rin naman biro ang labang ito.

Nariyang may mga malalaking tao o bigtime ang nasa likod ng kalakaran

at ang masaklap, ilang lingkod-bayan at kawani pa ng gobyerno

ang sabit sa droga.

Nang umpisahan ang kampanya at pamunuan ito ng PNP, doon na

unti-unting lumabas ang baho ng ilang tiwali sa kanilang hanay.

Nariyan ang pagkakasabit ng ilan sa droga, katiwalian at kung anuano

pa hanggang sa alisin na sa PNP ang pamumuno sa operasyon kontra

droga.

Pero ang pangulo, nagpahayag naman na ibabalik niya sa PNP ang

kampanya laban sa iligal na droga kung lalala o gagrabe pa ang problema

ng bansa sa droga.

Dahil si P-Digong, desididong matapos na ang problemang ito sa lalong

madaling panahon.

Sa ganang atin, wala namang masama sa muling pamumuno ng PNP

sa war on drugs pero ang sa atin lang, sana bago nila ito muling pamunuan

ay nalinis na nila ang kanilang hanay.

Tipong wala na sa hanay nila ang sangkot sa droga at nawala na rin

ang mga bulok sa kanilang ahensiya.

Dahil aminin man natin o hindi, kahit paano ay malaki rin naman

ang naitulong ng mga unipormado at matitinong pulis sa pagsawata ng

iligal na droga sa bansa.

PDEA, ibinida ang

achievement nila sa

isang buwang pamumuno

sa war on drugs

nating Muslim.

IPINAGMALAKI ng PDEA ang kanilang

nagawa sa loob ng isang buwan nang sila na ang

itakda ni Pangulong Rodrigo Duterte na manguna

sa mga operasyon kontra iligal na droga. Ayon sa

datos ng PDEA, sa higit isanlibo at tatlondaang

operasyon, higit limampu’t tatlong milyong pisong

halaga ng droga ang nasamsam.

Higit 400 drug pushers at users ang naaresto.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino,

nagawa nila ang malaking katuparan ng mga nahuli

at nasamsam na droga dahil sa kanilang konsentrasyon

sa mga “high-value target”. Ayon pa kay

Aquino, kahit kulang na kulang sila sa tao, pondo

at kagamitan ay magpapatuloy pa rin sila na gawin

ang hindi inaasahan sa kanilang gawain — magtagumpay.

Ang wala sa datos ng PDEA ay ang mga

napapatay sa kanilang mga operasyon. Isa lang

daw ang nanlaban, dating sundalo na nakipagbarilan

sa kanila. Kapansin-pansin din na ang kanilang

mga nahuli ay mga supplier ng droga at hindi lang

mga hinihinalang mahihirap na adik o tulak ng droga

na napapatay sa mga kalsada dahil nanlaban umano

at ilang pakete lang ng shabu ang nasasamsam.

No. 1 NEWSPAPER

FROM 2002 TO PRESENT

AS PER THE NIELSEN

PHILIPPINES

BULGAR Bldg. 538 Quezon

Avenue, Quezon City 1100

Trunk lines : 749-5664 to 65

Editorial : 749-5664 loc. 112, 114, 122

712-2874 (FAX)

Bulgar Online : 995-3732

Advertising: 749-6094 (DL) 712-2883

251-4129 (FAX) 749-1491

Credit & Collection: 742-5434

Intramuros Office: 871-9637 • 788-3479

0917-8991101 • 0928-5035343

0932-8783337

E-mail:

bosesngpinoy@bulgar.com.ph

Ang opinyon ng mga manunulat ay

personal nilang pananaw at walang

pananagutan ang publikasyong ito.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!