Lakbay Sanaysay
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Sariwa ang hangin sa intramuros dahil
ito ay napapalibutan ng mga puno at
halaman. Makabago man ang labas nito
ngunit napapanatili naman nito ang
itsurang lumang panahon. Malinis ang
kapaligiran sa loob at labas ng
intramuros at napapanatili nito ang
kaayusan.
Kami ay lumibot pa sa loob ng
inramuros at labis akong natutuwa sa
aking nakikita, hindi ito nakakasawang
tingnan at puntahan sapagkat malinis
ang lugar, magaganda ang tanawin at
nandoon lahat ang mga mahahalagang
nangyari sa Pilipinas.
Pumunta rin kame sa mga eskwelahan na
malapit duon, katulad na lamang ng
letran at PLM. Labis akong namangha sa
ganda at sa tanda ng eskwelehan na
iyon. Makikita mo roon na kahit luma
ay maganda parin ang disenyo nito.
Pinuntahan din namin ang Rizal park at
ang simbahan sa intramuros. Maganda at
maaliwalas sa paningin ang estraktura
ng simbahan at napapanatili nito ang
kalinisan sa loob at labas. Gano'n din
ang Rizal park, malinis ito at sariwa
ang hangin dahil sa mga nakapalibot na
mga puno at halaman.