19.01.2013 Views

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

<strong>JADRAN</strong> <strong>PISMO</strong> d.o.o.

Information service for seafarers • Rijeka, Franje Brentinija 3

Tel. +385 51 403 188, 403 185 • Fax +385 51 403 189 • email: news@jadranpismo.hr www.micportal.com •

www.dailynewsonboard.com

Ang maiikling ulat na ito ay nakalap mula radyo, telebisyon at pahayagan sa Pilipinas. Sa pamamagitan

nito, hinihimok ng ahensya na ipamahagi ang siping ito sa mga kababayang nagnanais na makibalita.

FOREX

P43.629 sa (P43.460) US$1 Miyerkules

ANG MGA PANGUNAHING ULAT

Filipino/Tagalog <strong>News</strong>

HUWEBES, 24 NOBYEMBRE 2011

MAGANDANG UMAGA, PILIPINAS!

Ang mga sumusunod na balita ay nailathala sa mga

pangunahing pahayagan sa Pilipinas ngayong araw.

Mike Arroyo isasalang sa imbestigasyon hinggil sa umano'y anomalya sa pagbili ng PNP helicopter

ISASALANG na sa preliminary investigation (PI), ang mga sangkot sa kontrobersyal ‘chopper deal’.

Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang rekomendasyon ng special panel ng Office of the

Ombudsman na isailalim sa PI at administrative adjudication, ang mga dating police officials at iba pang

personalidad na sangkot sa kaso. Pagkatapos ng fact finding investigation ng special panel, agad iniutos ni

Morales na isailalim sa susunod na proseso ang imbestigasyon. Ang fact finding ay ibinase rin sa

rekomendasyon at reklamo ng Senate Blue Ribbon Committee at Philippine National Police-Criminal

Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Kabilang sa isasalang sa PI sina dating First Gentleman

Mike Arroyo, dating Interior Sec. Ronaldo Puno, dating PNP Chief Jesus Verzosa, isang Hilario de Vera,

Napolcom Commissioners na sina Avelino Razon, Miguel Coronel, Celia Sanidad-Leones, Dir. Conrado

Sumanga Jr., at 28 iba pa na aktibo at retiradong opisyal ng PNP. Ayon kay Morales, mayroong dalawang

buwan ang lupon na mangangasiwa sa PI para tapusin ang imbestigasyon.

Palasyo iniiwasan ang usapin sa Hacienda Luisita

UMIIWAS muna ang Malakanyang na magbigay ng komento kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na

ipamamahagi sa magsasaka ang lupain sa Hacienda Luisita. Ang Korte Suprema ay nagdesisyon na ipamahagi

na ang lupaing hinahabol ng 6,000 magsasaka ng nturang hasyenda. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin

Lacierda, wala muna silang komento dahil hindi pa naman opisyal ang lumabas na desisyon ng Korte

Suprema. Magugunitang kumalat ang balita na nakapagdesisyon na ang Korte Suprema at pinaboran ang

Land Distribution Scheme na ipamamahagi ang lupain sa mahigit 6,000 magsasaka. Ngunit nilinaw naman

agad ni SC Spokesman Midas Marquez na bagama’t natalakay sa En banc session, wala pang pinal na

desisyon ang mga mahistrado. Kaugnat nito, kinalampag ng isang kongresista si Pangulong Benigno Aquino

III at ang buong pamilya Cojuangco-Aquino na huwag ng magdahilan at agad ipamahagi sa mga magsasaka

ang lupang dapat para sa mga ito. “Start free distribution of Hacienda Luisita lands now. This is an important

initial step to justice,” ayon kay Anakpawis Rep. Rafael Mariano matapos ang unanimous decision ng Korte

Suprema na nag-aatas sa mga Cojuangco at Aquino na ipamahagi na sa mga magsasaka ang may 6,000

ektarya na aniya’y halos 50 taon ng ipinaglalaban ng mga benipisyaryo. Binabalaan din ng kongresista ang

mga Cojuangco at Aquino sa posibilidad na gumamit ito ng mga taktikang pulitika at ligal upang labanan ang

desisyon ng SC.

Isyu kay Arroyo ginagamit ni Aquino na panlansi sa mga pagkukulang ng kanyang administrasyon

PINARATANGAN ng oposisyon sa Kamara de Representantes ang administrasyong Aquino na ginagamit

lamang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para mapagtakpan ang kahinaan ng gobyerno. Sa

pulong balitaan nitong Miyerkules, sinabi ni House Deputy Minority Floor leader Rep. Danilo Suarez, na lalo

lamang nakasasama sa ekonomiya ng bansa ang ginagawang panggigipit umano kay Arroyo, kongresista na

ngayon ng Pampanga. Ang ginawa raw na pagbabago ng administrasyong Aquino sa mga polisiya ni Arroyo

para makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan ay magtataboy lamang sa mga negosyante. Batay umano sa

pinakabagong pagsusuri ng World Bank (WB), ibinaba nito ang growth projections ng Pilipinas sa 4.2 percent

ngayong taon, kumpara sa 5 percent. Samantala, mula sa dating 5.4 percent ay ginawang 4.8 percent ang

growth projection sa susunod na taon. Maaari umano itong naiwasan kung ginamit ng tama ng

administrasyong Aquino ang nakalaang pondo ngayong 2011. Dati nang pinuna ang umano’y pagtitipid na

ginawa ng pamahalaan ngayong taon. “And now we’re finding out that they intended all along to spend the

money—but only by next year, just in time for the start of campaigning for 2013 elections,” anang kongresista.

“Sa madaling salita, ipinagpalit nila ang kapakanan ng taumbayan para sa kapakanan ng kanilang partido.”

Bunga ng mga kamalian umano ng administrasyong Aquino sa paggamit ng pondo, maraming infrastructure

projects sa bansa ang hindi naipatupad sa tamang panahon. Hanggang ngayon, wala rin daw proyekto na

inaprubahan ng ipinagmalaking Private Public Partnership (PPP) program ng gobyerno ang naipatupad.

Bukod sa pagkaantala ng mga proyekto, sinabi ni Suarez na naging dahilan din ang pagtitipid sa pagdami ng

walang trabaho sa bansa. “Let’s not miss the bigger picture of the problems in our country because of the

much-publicized issue on this…. Ano pa ba ang puwede mong gawin para mawala ang atensyon. I-cover up

mo,” pag-akusa ni Suarez.

Sen. Koko Pimentel tinakbo sa ospital

DINALA sa ospital si Sen. Aquilino “Koko" Pimentel III nitong Miyerkules nang biglang tumaas ang blood

pressure nito habang nasa Senado. Batay sa paunang impormasyon ni Dr. Mariano Blancia, chief ng medical

and dental division ng Senado, dinala si Pimentel sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City matapos

umabot sa 150/100 ang blood pressure nito. “Sumakit ang ulo at sumikip ang dibdib. Pero, mas matindi ang

sakit sa ulo," ayon kay Blancia. Kasama dapat si Pimentel sa gaganaping press conference dakong 3:00 p.m.

sa Senado hinggil sa kasunduan ng Senate Blue Ribbon at Electoral Reforms Committees nang sumama ang

pakiramdam ng senador. Ang pagdinig ay tungkol sa gagawin nilang imbestigasyon sa umano’y dayaan sa

halalan. Si Pimentel ang chairman ng electoral reforms committees, habang si Sen Teofisto Guingona III, ang

namumuno sa blue ribbon. Sinabi ni Blancia na masusing inobserbahan si Pimentel at bumalik na sa normal

ang blood pressure nito. Pinayuhan umano ng duktor si Pimentel na magpahinga. Inihayag naman ng isang

staff ni Pimentel na nagpapahinga na ngayon sa bahay ang senador.

Kaso ng Maguindanao Massacre pinapamadali ng Malakanyang

NAIINIP na rin ang Malacañang sa mabagal ng pag-usad ng Maguindanao Massacre Case. Kasabay ng

paggunita ang ikalawang anibersaryo ng karumal-dumal na krimen, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin

Lacierda na ramdam din nila ang concern ng pamilya ng mga biktima na masyadong mabagal ang takbo ng

kaso sa Quezon City RTC. Ayon kay Lacierda, umaasa silang ikonsidera ito ng hudikatura para magkaroon ng

hustisya at maresolba na ang kaso sa ilalim ng Aquino administration. Muli namang iginiit ni Lacierda na

walang kinalaman ang ehekutibo sa anumang delay ng kaso. Umapela naman ng tulong mula sa gobyerno ang

ilan sa mga naiwang pamilya sa mga mediamen na namatay sa masaker sa Maguindanao. Ayon kay Nanay

Maura Montanyo, ang ina ni Neneng Montanyo na kasama sa masaker, na hustisya at pinansyal na tulong

ang kanila sanang kailangan mula sa gobyernong Aquino. Ayon sa kanya, naghihirap na silang mga naiwang

pamilya, tulad ng kanyang anak na si Neneng na nag-iwan ng dalawang anak at siya lang ang tanging

bumubuhay nito sa ngayon. Dagdag ni Nanay Maura Montanyo, na kahapon, kasabay sa ikalawang

anibersaryo ng Ampatuan Masaker kung saan isang programa ay isinagawa sa Forest Lake Cemetery, ay

wala talaga silang dalang handa o pagkain man lang sa sementeryo at ultimo pamasahe ay nahihirapan

silang mag-anak. Siniguro naman nito na kahit anong mangyari at anong kahirapan sa buhay ang kanilang

daranasin, ay hinding hindi talaga sila aatras sa kaso.

Gubyerno maghihigpit sa mga dayuhang nag-aaral sa bansa

HINIGPITAN ng Bureau of Immigration (BI), ang kautusan hinggil sa pagsala ng mga aplikante ng student

visa matapos makatanggap ng mga ulat na mayroong mga naglipanang dayuhan na nagpapanggap na mga

estudyante. Nagpalabas ng memorandum si Immigration Commissioner Ricardo David Jr., hinggil sa bagong

guidelines sa pag-iisyu ng student visa at special study permit (SSP) sa mga dayuhan na naka-enrol sa mga

eskwelahan sa bansa. Napag-alaman na ang student visa ay iniisyu sa mga dayuhan na may edad na 18, na

kukuha ng kurso sa unibersidad, seminary at college, o anumang eskwelahan na awtorisadong tumanggap ng

foreign students. Sa kabilang dako, ang special study permits (SSPs) ay iniisyu naman sa foreign student na 18

pababa ang edad at mag-aaral naman sa elementarya, sekondarya o mag-e-enrol sa special course na hindi

aabutin ng isang taon ang pag-aaral.

Panukala balak palitan ang pangalan ng EDSA sa Corazon Aquino Avenue

BILANG pagkilala sa yumaong dating Pangulong Corazon Aquino, isinusulong sa Kamara ang pagpapalit ng

pangalan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa pangalan ng yumaong pangulo. Sa House Bill 5422

ni Bohol Rep. Rene Relampagos, nais nitong gawing Cory Aquino Avenue ang pangalan ng EDSA bilang

pagkilala dahil ito umano ang kauna-unahang babaeng presidente at isa sa pangunahing personalidad sa

naganap na 1986 Edsa revolution. Nakapaloob sa panukala ang pagbasura sa Republic Act 2140. Ang RA

2140 ang naging daan para ipangalan ito sa Edsa noong 1959. Bago naging EDSA, ang pangalan ng kalsada

ay Highway 54 na may habang 24 kilometro at isa sa pinaka abalang kalsada sa Metro Manila . Naging EDSA

lamang ito sa bisa ng RA 2140. Si Epifanio delos Santos ay isang Filipino historian. Kinontra naman

niBayan Muna Rep. Teddy Casino ang panukala na tinawag niyang historically problematic. Niliwanag nito

na ang naganap na pag-aalsa sa EDSA ay hindi tungkol kay Cory kundi sa mga taong nakibaka laban sa da

ting pangulong Ferdinand Marcos upang makamit ang kalayaan ng bansa. Mungkahi naman ni House

Minority Leader Edcel Lagman, mas mabuting gamitin na lamang ang pangalan ng yumaong pangulong Cory

Aquino sa isang kalsada sa Tarlac. Ang panukala ay inihain noong Oktubre 13 at ipinadala na sa House

committee on public works and highways para pag-usapan.

160,000 pamilyang benipersyaro ilalaglag sa listahan conditional cast transfer ng gobyerno

TINATAYANG aabot sa 160,000 pamilya ang natanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino program

ng Department of Social Welfare and Development dahil sa maling data, pandaraya, multiple entries at hindi

pagdalo sa mga community assembly at paglipat sa ibang lugar. Sa ginanap na National Forum on

Conditional Cash Transfer implementation sa Quezon City, sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na sa

ngayon ay nasa 2.3 milyong pamilya ang nakikinabang sa nasabing programa. Target aniya ng kanilang

tanggapan na madagdagan ito ng1.3 milyong pamilya bago matapos ang taong ito. Aabot na sa P 9.6 bilyong

pondo ang nailabas ng pamahalaan para sa cash grants. Matatandaang noong 2008 unang inilunsad ni da ting

Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang conditional cash transfer program para makaagapay sa pang arawaraw

na pamumuhay ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.

Pagtapyas ng pondo para sa mga state universities at colleges sa 2012 budget, tinutulan

MAY pagkiling sa mga bangko at korporasyon ang 2012 national budget. Ito ang pananaw ng itinawag ng

militanteng grupong Anakbayan kaugnay sa ginawang pagdinig kahapon sa senado kaugnay ng 2012 national

budget. Ayon kay Anakbayan Partylist National Chairperson Vencer Crisostomo, kinokondena nila ang

pagtatapyas ng budget sa mga State Universities And Colleges at social services. Dahil dito, magkakaroon

aniya sila ng serye ng malawakang kilos-protesta hangga't hindi pa naisasabatas ang national budget na

tatawaging "Day of rage" at Mendiola camp-out. Hinimok din ng grupo na sumama ang lahat ng sektor,

organisasyon at indibidwal sa day of rage sa Nobyembre 24 hanggang 25 at Disyembre 6 naman ang camp-out

protest sa Mendiola.

OFW/MARINO

Sitwasyon ng mga Pinoy sa Egypt minamanmanan ng embahada

PATULOY na nakatutok at mino-monitor ng Philippine Embassy sa Cairo, ang mga Pinoy sa Egypt kasunod

ng sagupaan sa pagitan ng military government at mga demonstrador. Sinabi ni Vice Consul Querubine

Lacay, na wala naman umanong dapat ipag-alala dahil localized lamang ang nangyayaring kaguluhan. Sa

ngayon ay wala pa naman umanong napapaulat na Pinoy na nadadamay sa gulo.?Ayon pa sa Phl official na

nakatutok naman ang mga Pinoy sa kani-kanilang obligasyon, gaya ng kanilang pamilya at trabaho at hindi

naman sumasama ang mga ito sa mga demonstrasyon. Tinatayang umaabot sa 2,600 Pinoy ang nakabase sa

Egypt at 95 porsiyento sa mga ito ay nasa Cairo, ayon sa embahada. Hiniling din ng opisyal sa mga kababayan

na personal ding magmatyag sa mga kaganapan at hinimok din na ‘wag mangiming makipag-ugnayan sa

embahada upang mabatid ang kinaroroonan ng mga ito at magkaroon ng komunikasyon lalo na’t lumubha

ang kaguluhan.

REHIYON

Apat patay sa sumabog na granada sa North Cotabato

APAT katao ang patay sa pagsabog ng granada sa bayan ng Midsayap, North Cotabato, kagabi. Dead on the

spot umano ang isang Hilario Villaflor, 60-anyos, dahil sa tindi ng kaniyang tama. Kabilang pa sa mga nasawi

sina Eric John Quirol, 12; John Loyd Anza, 8; at Isidro Awa, 42. Habang ang mga sugatan ay kinilalang sina

Roda Mae Madrigal, 19; Isidro Awa Jr., 14; Fransbet Quirol Anza, 8; Dina Madrigal Garcia, 57; Sofia Quirol

Anza, 5; Marvin Mondia, 22; Haydee Paracuelles, 12; Lowie Baran, 23; at Wrget Baran, 3; pawang mga

residente ng Barangay Nalin 1, Midsayap. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang pagsabog sa Brgy.

Nalin 1 sa bayan ng Midsayap, pasado alas-7:30 ng gabi. Sinasabing lulan umano ng motorsiklo ang mga

suspeks na naghagis ng granada. Inihayag naman ni Eastern Mindanao Command spokesman Col. Leopoldo

Galon, na namatay sa ospital ang tatlo pang biktima habang ginagamot naman ang siyam na iba pang

sugatan. Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa nangyaring pagsabog ng

granada alas-9:33 kagabi sa harap ng bakod ng New Isabela National High School sa Purok Sampaguita, New

Isabela ng naturang lungsod. Inihayag sa Bombo Radyo Koronadal ni SPO4 Jerry Gabarlan ng Tacurong City

PNP na dalawa ang sugatan sa nasabing pagsabog na kinilalang sina Glen Meterio, 31, isang guwardiya; at

Ricky Casador, 41, na isang bystander. Ayon kay Gabarlan, agad na dinala sa Sandig Hospital sa lungsod ng

Tacurong ang mga biktima na nagtamo lamang ng minor injuries. Sa inisyal na inbestigasyon ng Tacurong

City PNP, nabatid na lulan ng pulang Yamaha motorcycle ang naghagis ng granada. Pero hindi pa matukoy

ng mga otoridad ang motibo sa pagpapasabog.

Lalaking mahilig mamboso patay sa sariling pinsan

NASAWI sa pamamaril ang isang lalake sa Ajuy, Iloilo, matapos mabaril ito ng kanyang sariling pinsan

makaraang manilip ito sa kuwarto ng huli kamakalawa. Hindi akalain ng suspek na si Jobert Basa na ang

mismong pinsan nito na si Julen Alvanses ang ilang araw na na namboboso sa kanya. Naganap ang insidente

sa Bgy. Sto. Rosario, sa nabanggit na lugar kamakalawa. Nabatid na lumalabas na ilang araw ng

nagrereklamo ang suspek dahil may naninilip sa kanyang kuwarto. Dahil sa pangyayari ay patago umanong

binantayan ng suspek kung sino ang naninilip sa kanya, na nasaktuhan nito dakong alas-10:00 ng gabi

kamakalawa. Hindi naman umano akalain ng suspek na mismong ang pinsan nito ang naninilip na biktimang

lalake kaya agad nitong binaril sa ulo.

Executive ng bangko patay sa banggaan sa Bataan

NAMIHAGIS sa kotse at namatay noon din ang isang babaeng loan manager ng isang bangko, samantalang

malubhang nasugatan ang apat na iba pa sa banggaan ng dalawang kotse sa Roman Superhighway sa Balanga

City, Bataan nitong Martes. Wasak ang dalawang kotse lalo na ang sinasakyang Toyota Revo ng nasawing si

Editha Dyangco, residente ng Puerto Rivas, Balanga City, at loan manager ng Rural Bank of Bagac.

Idineklara siyang dead on arrival sa Bataan General Hospital (BGH) sa Balanga. Malubhang nasugatan

naman ang dalawang kasamahan ni Dyangco na sina Renato Miranda, ng Villa Lina, Balanga City; at ang

nagmamaneho ng Revo na si Melvin Flores ng Tenejero, Orani sa Bataan. Sugatan din ang mga sakay ng

nakabanggaang Isuzu Crosswind ni Dyangco na sina Christopher Salvan, 35-anyos, residente ng Concepcion,

Tarlac; at Valentin Pamaluan ng Binondo, Manila Si Salvan ang sinasabing nagmamaneho ng Crosswind

nang maganap ang aksidente dakong 9:00 a.m. Sinasabing madulas ang kalsada nang sandaling iyon dahil sa

pagpatak ng ulan. Sa hindi pa malamang dahilan, bigla umanong bumalagbag sa kalsada ang Revo at

nabangga ng paparating na Crosswind. Maagap na sumaklolo ang mga rescue workers at marshals ng

Balanga City. Matapos na mabigyan ng first aid at braces ang mga napilayang mga biktima, kaagad silang

dinala sa ospital. Sa paputol-putol na salita, sinabi ni Salvan na nabigla siya sa nangyari nang biglang

humarang sa daan ang Revo . Galing umano sila sa Maynila at papunta sa Petron Bataan sa Limay, Bataan

nang mangyari ang aksidente.

Walong nawawalang mangingisda nasa ligtas na na kalagayan

LIGTAS na ngayon ang walong mangingisda na naunang napaulat na nawawala sa karagatan na sakop ng

lalawigan ng Cagayan. Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Lt. Cmmdr. Algier Ricafrente,

nakita ng search and rescue team ng Coast Guard ang mga nawawalang mangingisda sa Fuga Island, Aparri.

Sa ipinarating na ulat ni Senior Chief Petty Officer Ernesto Renon ng Philippine Coast Guard (PCG), nastranded

umano ang mga magkakamag-anak na mangingisda na pawang mga taga-Barangay Macanaya,

Aparri dahil sa mataas na alon sa karagatan matapos silang pumalaot noong Linggo

Tatlong taong gulang na bata patay matapos nalason sa binahog na mantika ng baboy

ISA ang patay habang tatlo sa magkakapatid ang naospital matapos umanong malason sa kanilang inulam na

mantika ng baboy sa Brgy. Oquendo, Balete, Aklan. Dinala sa ospital ang apat na magkakapatid ngunit,

kaninang umaga ay namatay ang isa sa mga ito na kinilalang si Daryll Zonio, tatlong taong gulang at

esidente ng naturang lugar. Naiulat na dakong alas-6:00 kagabi nang maghapunan ang magkakapatid ngunit

makalipas ang dalawang oras ay nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo at nag-LBM.

Sa ngayon ay naka-confine pa ang tatlong magkakapatid sa Aklan Provincial Hospital

Borax ipapalit sa mercury sa pagmimina

NAGBIGAY ang Ban Toxins (Bantox), isang non government organization, ng pagsasanay sa mga minero sa

Gaang Mines ng Barangay Sesec-an sa bayan ng Balbalan, Kalinga ukol sa paggamit ng borax sa pagmimina

ng ginto bilang alternatibo sa nakalalasong kemikal na mercury. Ayon kay Leoncio Na-oy ng Bantox, ang

pagsasanay ay binubuo ng information education campaign ukol sa epekto ng mercury sa tao at sa kalikasan,

at isang demonstrasyon sa paggawa ng slosh box at paggamit ng borax bilang paraan ng pagkuha ng ginto

mula sa batong mineral (ore). Sa kanilang pagsasanay, sinabi ni Na-oy na marami sa mga minero ang

nagpahiwatig ng interes sa bagong natutunan lalo na nang malaman ang masamang epekto ng mercury sa

kanilang kalusugan at sa mas malaking produksyon na kanilang makukuha kapag gumamit ng borax. Sinabi

ni Na-oy na sa kanilang demonstrasyon, ang naproseso sa mercury ay nakapagbigay lamang ng 1.2 gramo ng

ginto samantalang nakapagbigay naman ng 4.3 gramo naman ang parehong dami ng batong mineral sa

pamamagitan ng borax.

Sangay ng LBC sa San Rafael, Bulacan, nilooban

MULI na namang sumalakay ang dalawang lalaking riding in tandem matapos na looban ng mga ito ang

isang sangay ng remittance center kahapon. Hindi na nakapalag pa ang tatlong empleyado ng LBC Branch na

nasa Brgy. Cruz na Daan sa bayang ito at dalawa pang mga kostumer na kasalukuyang nakikipagtransaksyon

upang magpadala ng pera sa kanilang mga kaanak sa mga iba't ibang probinsiya. Base sa impormasyong

nakalap dakong alas-11:30 ng umaga ay biglang pumarada ang isang motorsiklong walang plaka sa harapan

ng naturang establisimyento ang dalawang lalaki na nakasuot ng helmet saka pumasok ang mga ito sa loob at

agad na nag-anunsyo ng holdap gamit ang 'di pa mabatid na kalibre ng baril saka nilimas ang pera sa mga

empleyado at biktima na umaabot sa halagang P30,000 piso saka tumakas sa hindi pa mabatid na lugar.

Napag-alaman din na nagiging paboritong looban ng mga kawatan ang naturang padalahan ng pera dahil sa

kakulangan ng security guard at cctv camera sa pasilidad nito habang ito na ang ika-pitong sangay ng

nabibiktima sa taong ito.

Empleyado ng Quezon City Hall kinasuhan

SINAMPAHAN ng 300 counts ng falsification sa Quezon City court ang isang QC hall employee dahil sa

pamemeke ng resibo ng mga aplikante ng police clearance noong 2009. Ang kinasuhan ay

si Nerissa Bondame, dating nakatalaga bilang miscellaneous fees collector ng Treasurer’s Office Tax and Fees

Division sa QC hall at residente ng Villa Angelita Subd., Zabarte Road, Caloocan City. Nalaman sa sala ni

QC Regional Trial Court Branch 104 Judge Catherine Manodon na noong Hunyo 2, 2009, habang pinangangasiwaan

ang mga aplikante ni PO3 Ruben Dipasupil, criminal record division custodian at fingerprint

supervisor sa police clearance division sa compound of QC Hall nadiskubre niya na ang mga resibo ng mga

aplikante rito ay peke at hindi nagma-match sa orihinal na resibo dahil sa kulay nito.Nang tanungin ang mga

aplikante kung saan nakuha ang resibo, direktang itinuro ng mga ito si Bondame. Nang sitahin ni Dipasupil si

Bondame, itinuro naman nito na nakuha niya ang resibo mula sa city treasurer’s office. Sa preliminary

investigation, hindi naman sumipot ang akusado dahilan para lalu itong idiin sa kaso. Pinayagan ng korte na

makapaglagak ito ng piyansang P24,000 para sa bawat bilang ng kaso.

IBAYONG DAGAT

Pangulo ng Yemen pumayag nang magbitiw sa pwesto

BUMIGAY na si Yemeni President Abdullah Saleh. Sumang-ayon na kasi ito na ilipat ang kanyang

kapangyarihan sa kanyang assistant. Ito ang isiniwalat ng oposisyon dahil gusto rin ni Saleh na matapos na

ang mga karahasan sa kanilang bansa. Sinabi ni National Council of Revolutionary Forces Head Mohammed

Bassandawa, tatlong araw ng ikinokonsidera ni Saleh na bitiwan ang kanyang pwesto pero kinailangan pa

nitong pag-aralan ang mga magiging epekto nito. Samantala, niyanig naman ng 6.2 magnitude na lindol ang

Bolivia. Ayon sa U.S. Geological Survey, naitala ang magnitude 6.2 na pagyanig sa 37 milya timog-timogkanluran

ng Trinidad at may lalim na 533 kilometro kung saan ramdam ang lindol sa kabisera ng Bolivia Na

La Paz, lungsod ng Santa Cruz, Cochabamba at maging sa Peru at Chile. Hanggang sa ngayon ay inaalam pa

kung ilan ang kabuuang pinsala ng naturang insidente.

Unang taon ng naganap na palitan ng putok sa North Korea, ginunita ng South Korea

NAGSAGAWA ng Moment of Silence ang mga mamamayan ng South Korea. Ito ay bilang paggunita ng

buong bansa sa unang anibersaryo ng artillery attack kung saan apat ang namatay at naglagay sa bingit ng

giyera ang South Korea. Sa Yeonpyeong Island na siyang inatake ng North Korea, nagpakawala ng mga firing

shots ang tropa ng South Korea habang nag-alay din ng bulaklak ang mga residente. Si Prime Minister Kim

Hwang-Sik ay nakiisa sa inialay na moment of silence at tribute na ibinigay ng pamilya ng mga biktima sa

national cemetery.

Anak ni Gadhafi sa Libya lilitisin

IBINIIT ni International Criminal Court (ICC) chief prosecutor Luis Moreno-Ocampo, na sa Libya lilitisin

ang kasong kinasasangkutan ni Saif al-Islam Gadhafi, anak ng dating Libyan leader na si Moammar Gadhafi.

Ayon kay Moreno-Ocampo, may karapatan umano ang mga taga-Libya na usigin sa kanilang bansa si Saif

kasama ang dating Libyan intelligence chief na si Abdullah Senussi. Si Ocampo ay nasa Tripoli, para

makipag-usap sa bagong pinuno ng Libya kaugnay sa kaso nina Saif at Senussi na kapwa wanted ng ICC dahil

sa crimes against humanity. Nangako naman si Libyan interim Prime Minister Abdel Rahim el-Keeb, na

bibigyan nila ng patas na pagtrato sa kaso ang anak ni Moammar Gadhafi

Judge sa Texas na nakunan ng video habang binubugbog ang anak, sinuspindi

SINUSPINDI na ng Texas Supreme Court ang kontrobersiyal na hukom sa nasabing estado ng Amerika na

tampok sa viral video sa internet na sinasaktan ang noon ay teenager pa lang na anak. Pero habang

suspendido, may sahod si Aransas County court-at-law Judge William Adams. Si Adams ay nalagay sa hot

seat nang i-upload ng anak niyang si Hillary Adams ang video na sikretong kinunan habang siya ay

binubugbog ng tatay niyang hukom noong 2004 dahil sa ginawa niya na iligal na pag-download sa internet.

Ang nasabing video ay anim na milyong beses na binuksan sa video-sharing site na YouTube at bumaha ng

pagkodena laban kay Judge Adams na isang family law judge. Ayon sa Texas State Commission on Judicial

Conduct, binabaha sila ng tawag, emails at fax mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo kaugnay sa video at kay

Adams kaya napilitan ang komisyon na gumawa ng imbestigasyon. Gayunpaman, malabong makasuhan pa

ang hukom dahil ayon sa Aransas County district attorney, masyado nang matagal ang lumipas na panahon

nang mangyari ang pananakit ni Adams sa kaniyang anak para kasuhan pa.

Pito patay sa sunog sa loob ng tren sa India

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng mga otoridad ang sanhi ng pagkasunog ng dalawang bagon ng tren sa

India. Napag-alaman na patay sa insidente ang pitong pasahero kabilang na ang isang Australian researcher.

Mula sa Kolkata ang tren at patungong Jharkhand nang maganap ang sunog. Naagapan ng mga engineers na

matanggal ang dalawang bagon sa tren ngunit hindi nakaligtas ang pitong pasahero. Napag-alaman na

madalas ang mga aksidente sa railway system ng India na isa sa pinakamalaki sa mundo kung saan 14 na

milyon ang mga pasahero araw-araw. Bukod sa nasunog na tren, isa pang passenger express train ang

nadiskaril sa estado ng Orissa kung saan sugatan ang apat katao. Ilang pasahero rin ang sugatan sa

pagkadiskaril ng isa pang tren sa Kashmir.

PALAKASAN

Alaska tibag sa Ginebra

NAGSUKBIT ng best output niyang 18 points bilang Barangay Ginebra player si Niño Canaleta at

mahalagang umayuda ng 13 pts. si Mike Cortez nang balikatin ang Kings sa muling paglango sa Alaska Milk,

85-77, sa PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum kagabi. Tiglimang puntos ang kinamada ng

dalawa sa 19-12 salvo sa 4th quarter ng hukbo nila para patuloy na panisin ang Aces sa season-opening

conference at makabawi sa 85-77 loss sa B-MEG noong Linggo. Sina JC Intal at Jayjay Helterbrand ang mga

tumulong pa kina Canaleta, galing sa last season sa B-MEG, at Cortez sa tinakal na pinagsamang limang

puntos tungo sa paglaklak ng 12 at 10 at kapit ng crowd-drawer sa 7th spot sa 5-5 W-L record. “Like I text on

some of our guys, we treat this game na parang do-or-die kahit hindi naman, It’s a good gauge as we want to

try to be competitive going to the next round,” komento ni Ginebra coach Siot Tanquingcen. Tinapyas ng

Aces, nameligrong umusad sa playoff sa lagpak sa pangsiyam sa barahang 3-8, ang 9-point biggest lead ng

Ginebra sa pagdikit na lang sa dalawa sa under-the-net shot ni Tony dela Cruz mula sa assist ni LA Tenorio,

77-79, 2:55 na lang sa game clock. Pero sumagot ang Kings ng 6-0 attack sa pamamagitan nina Ronald

Tubid, Cortez at Helterbrand at nagkaroon ng isang turnover at sablay sa apat na attempts ang Alaska para

mabulilyaso ang pagresbak at ang unang 3-straight victory sana para kay coach Joel Banal. Nawalan ng

kinang ang may anim na double figures sa Aces sa pagtrangko ng 13 markers ni Sonny Thoss.

PSC ipinagtanggol ang sarili a matamlay na performance ng mga manlalaro sa SEA Games

IDINEPENSA ngayon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang kanilang naunang

medal projection na 70 gintong medalya sa 26th Southeast Asian Games sa Indonesia. Ayon kay Garcia, ang

kanilang gold medal projection ay nagmula sa pag-aaral batay na rin sa rekord ng mga atleta. Nilinaw din ng

opisyal na hindi nila sinisisi ang mga atleta dahil sa pagbagsak ng bansa sa ikaanim na posisyon sa overall

standings ng 2011 SEA Games. Kabuuang 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals ang medalya na nakuha ng

national team para malagay sa sixth place sa overall ranking. Ang host country Indonesia ang big winner sa

SEA Games sa kanilang 182 gold, 151 silver at 142 bronze medals, pumangalawa ang Thailand (107-100-

120), Vietnam (96-90-100), Malaysia (59-50-81) at Singapore (42-45-73).

Football star David Beckham tampok sa friendly match ng Azkals at LA Galaxy

HINDI muna ipapagamit ang Rizal football stadium bilang paghahanda na rin sa nalalapit na friendly match

ng Philippine football team Azkals at Los Angeles Galaxy na koponan ng football superstar na si David

Beckham. Maliban sa pansamantalang hindi gagamitin ang pitch, tumataginting na P1 million din ang

magiging renta ng nasabing venue. Ayon kay Philippine Sports Commission marketing chief Albert

Almendralejo, ang naturang renta ay standard rental fee sa Rizal Memorial Football Stadium. Kabilang

umano sa P1 million na upa sa RMFC ay ang paggamit ng venue sa dalawang araw na football event, na

kinabibilangan ng December 2 football clinic, paggamit ng ilaw sa actual match sa December 3. Idinepensa

naman ni Almendralejo ang World Cup qualifiers ng Azklas laban sa Sri Lanka, Nepal at Kuwait na walang

bayad dahil ang Philippine Football Federation na isang government sports agency ay siyang main organizer.

Ang halaga ng ticket sa friendly match ng Azkals at LA Galaxy ay nagkakahalaga ng P2,000 bilang

pinakamura at ang pinakamahal ay umaabot sa P15,500. Kabilang sa mga pambato ng Galaxy ay ang British

midfielder na si David Beckham at US international player Landon Donovan. Kung maaalala, si Beckham ay

isa sa itinuturing na world's highest-paid footballer na naging malaking tulong sa Manchester United para

magkampeon ng anim na beses sa Premier League, dalawang beses sa Football Association Cup at nanguna

rin sa UEFA Champions League noong 1999. Naglaro rin si Beckham, mister ng dating "Spice Girl" member

na si Victoria, sa Preston North End, Real Madrid at A.C. Milan bago pumirma sa LA Galaxy noong taong

2007.

SHOWBIZ

Maricar Reyes inamin na bata pa siya ay pangarap na niyang pumasok sa showbiz

NANGARAP din si Maricar Reyes na pasukin ang showbiz nu’ng bata pa siya sa dahilang fascinated daw siya

rito. “Mahilig akong gumaya ng tao... ng mannerisms pero not on stage or in films,” rason ni Maricar nang

makausap namin sa pictorial ng episode niyang Tamawo sa Shake, Rattle & Roll 13. Pagka-graduate niya ng

kolehiyo, sinubukan niyang mag-try sa showbiz. Nagustuhan naman siya kahit na nga board passer siya, huh!

Sa movie, kasama niya sina Zanjoe Marudo, child star na si Bugoy Carino pero kay Celia Rodriguez siya

naging malapit. “She’s very sweet. Hindi naman mataray. Saka ang dami niyang alam. Kapag

nagkukuwentuhan kami, I end up listening to her stories, hahaha!” chika pa niya sa amin. Dahil sa husay sa

pag-arte, ginawaran kamakailan ng best actress award si Maricar ng Cinema One Originals. At least, wala

mang personal na napag-usapan kay Maricar, napabilib niya ang ilang press sa pagiging intelihente niya.

Beauty and brains talaga ang dating ni Maricar.

Andi Eigenmann nagsilang ng babae

IPINAGMAMALAKI ngayon sina Mark Gil at Jaclyn Jose matapos maisilang na ng anak nilang si Andi

Eigenmann ang kanilang unang apong babae. Kahapon lang nang isilang ni Andi ang kanyang baby Adrianna

Gabrielle sa pamamagitan ng caesarian operation sa St. Luke’s Medical Center Global City sa Taguig.

Nagpapasalamat umano si Jaclyn dahil naging maayos ang panganganak ni Andi kahit bahagyang nagkaroon

ng problema nang mapulupot ang umbilical cord ng bata. Ayon pa kina Mark at Jaclyn, excited na silang

maalagaan si baby Adrianna lalo pa't kuha sa kanilang lahi ang mukha ng bata.

Pops Fernandez itinanggi ang ulat na inaresto siya sa Las Vegas

PINASINUNGALINGAN ng singer na si Pops Fernandez ang usap-usapang naaresto siya sa Las Vegas. Sa

isang panayam, nilinaw nito na narito siya sa Maynila at wala sa Las Vegas. Wala rin aniyang dahilan para

siya ay arestuhin.

Lady Gaga agaw pansin sa see through na underwear na isinuot sa Emmy Awards

OVER the top na ang pop singer na si Lady Gaga matapos ang isang shocking revelation nito sa Emmy’s.

Suot ang kanyang see-through underwear, rumampa sa red carpet si Gaga suot ang one-sleeved dress sa

International Emmy Awards. Hanggang hita ang slit ng gown kaya lantad ang unicorn tattoo nito at lace

underwear. Talagang in namangha \ ang mga fans at audience ng naturang awards night.

George Michael kinansela ang konsiyerto matapos dapuan ng sakit

NAPILITAN ang English musician na si George Michael na kanselahin ang nakatakda sanang concert nito sa

France dahil sa pagkakaroon ng pneumonia. Ayon sa kinatawan ni Michael, naka-focus muna sila sa

paggaling ng "Careless Whisper" singer at tsaka na lamang aasikasuhin ang pag-reschedule sa tatlong gig

nito. Sa ngayon ay naka-confine sa isang ospital sa Vienna, Austria ang singer at inabisuhan ng mga doktor

na magpahinga ng husto. Noong nakaraang buwan din nang kanselahin ng 48-year-old singer ang kanyang

UK Symphonica orchestral tour dahil naman sa viral infection. Kung maaalala, noong nakaraang taon ay

nakulong ang si Michael dahil sa pagmamaneho ng lasing at nasa ilalim ng impluwensiya ng iligal na droga.

Ilang beses na rin itong naaresto dahil sa iligal na droga. Kabilang pa sa mga pinasikat ni Michael ang "Wake

Me Up Before You Go Go," "One More Try" at marami pang iba.

KWENTONG KAKAIBA

Ahas na puti na may dalawang ulo ibinebenta sa US

ON sale ngayon sa Amerika ang isang albino na ahas na may dalawang ulo. Ang Honduran Milk Snake ay

napisa bago ang halloween at kasalukuyang nasa conservation group ng Sunshine Serpents sa Florida. Ayon

sa may ari ng ahas na si Daniel Parker isang biologist sa University of Central Florida, nais nitong mabili ang

kanyang alaga para mailagay sa isang zoo, aquarium o serpentarium para makita ito ng publiko. Nabatid na

nagkakahalaga ito ng 16,000 pounds..

PAUNAWA

Ang mga balita at impormasyon dito ay kinalap at iniayos ng <strong>JADRAN</strong> <strong>PISMO</strong> d.o.o – Rijeka. Kung

nais na patuloy pang makatanggap ng suskrisyon, mag-text o tumawag sa: • Tel. +63 929 669 2598 •

Fax +385 51 403 189 • Email: news@jadranpismo.hr

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!