30.01.2013 Views

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

JADRAN PISMO d - Daily Local News on Board

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

<strong>JADRAN</strong> <strong>PISMO</strong> d.o.o

FILIPINO/TAGALOG

KARAPATANG MAGPALATHALA © 2008 – Ang maiigsing balitang nalalathala sa Jadran pismo ay mula

sa mga nakalap na ulat sa radyo, telebisyon at dyaryo sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, hinihimok ng

ahensya na ibahagi ang siping ito sa mga kababayang nagnanais na makibalita. Maliban lamang sa

mga impormasyong libre, ang mga bagay na may direktang kopirayt ang Jadran pismo d.o.o, Rijeka ay

hindi maaaring sipiin, gamitin, kopyahin o paramihin sa kahit anong paraan ng walang lisensya o

pahintulot mula sa tagapaglathala, o ipamigay, o ipadala sa mga indibidwal

o mga barkong hindi suskritor nito.

FOREX

P48.85 sa US$1 (P48.46 kahapon)

MAGANDANG UMAGA PO SAINYO!

Ang mga sumusunod na balita ay nailathala sa mga

pangunahing pahayagan sa Pilipinas ngayong araw,

MARTES, 11 NOBYEMBRE 2008.

MGA ULO NG BALITA SA WIKANG INGLES

National <strong>News</strong>

• Binay announces plan to run for president in 2010

• Senate to start probe on Bolante on Thursday

• Palace confirms junior officers disappointed

• Pimentel says gov’t behind ‘destabilization’ rumors

• PAGC reveals Sabio’s P47-M foreign trips

• Libanan: ‘I won’t allow foreigners to take Pinoys’ jobs’

• P11/liter rollback in LPG prices

• Arroyo to meet Pinoys in US

• Versosa apologizes for ‘blotter ban’

OFW <strong>News</strong>

• Pirates hijack RP tanker with 23 Pinoy crews

• DFA acts on request to accommodate OFWs in UAE

• 2 Pinoys still missing

Regional

• UP tightens security policy after bloody heist

• 10 killed,15 wounded in Lanao del Sur encounter

• PNP academy explosion claims 1, wounds 13 others

• Duterte calls for ceasefire

• Cory out of hospital

• PNP to deploy ‘Santa cops’

• Coast guard relieves Masbate chief

• Flashflood claims 5 in Quezon City

• E-trike in Bulacan launched

• Biggest hangar to be constructed inside Clark

Foreign <strong>News</strong>

• 93 casualties in Haiti school building collapse

• Bush, Obama finally meet in White House

• 2 nuns kidnapped in Kenya

• 90-year old being investigated for keeping 3 dead sisters

Sports

• Too much training for Pacquiao is bad—Roach

• PBA dismisses Air21 complaint

• RP bowlers in big setback

• Pistons, Iverson lose in home debut

Showbiz

• Pops would have considered Gabby

• Aiko’s ex-hubby looking for another partner

• Billy Crawford caught kissing Nikki Gil

• Lindsay Lohan admits she’s bisexual

Odds and Ends

• Missing black bikini

Pinoy Trivia

• ‘Citadel’ in Carlo J. Caparas’ life

BUOD NG MGA BALITA

PAMBANSA

Makati Mayor Binay nais tumakbong presidente sa 2010

INIHAYAG ni Makati City Mayor Jejomar “Jojo" Binay nitong Martes ang kanyang plano

na tumakbong presidente sa 2010 elections. Inanunsyo ni Binay ang kanyang plano sa

pagdiriwang ng kanyang ika-66 kaarawan sa Makati City Hall. Ayon kay Binay, hindi

niya tatanggihan kung siya ang pipiliin ng United Opposition (UNO) na maging standard

bearer sa 2010. Si Binay ang presidente ng UNO. Sinabi ni Binay na ipinaalam na niya

ang kanyang plano sa 2010 kay dating Pangulong Joseph Estrada. Bukod kay Binay,

nagpahayag na rin ng intensyon na tumakbong presidente sa 2010 sina Senate

President Manny Villar at chairman Bayani Fernando ng Metro Manila Development

Authority. Ang iba pang itinuturing “presidentiables" ay sina Vice President Manuel

“Noli" de Castro, Sens Manuel “Mar" Roxas II, Panfilo Lacson, Richard Gordon, at Loren

Legarda. Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), nangungunang

pinagpipilian para maging susunod na presidente ng bansa sina De Castro, Villar at

Legarda.

Imbestigasyon kay Bolante, sisimulan na ng Senado sa Huwebes

SISIMULAN na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon nito kay dating

Agriculture Secretary Jocelyn “Joc-Joc" Bolante sa Huwebes matapos pumayag ito na

dumalo sa isasagawang pagdinig ng Senado hinggil sa nawawalang pondo ng

Department of Agriculture na nakalaan sana sa pagbili ng abono. Nauna dito,

nagkasundo ang anim na miyembro ng Rules Committee na ipagpatuloy ang

imbestigasyon sa naturang dating opisyal. “Wala nang magiging excuse si Bolante

kapag hindi siya dumalo sa isasagawang pagdinig sa Huwebes. May dalawang araw

siya para mapaghinga," sabi ni Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Blue

Ribbon Committee. Dalawampung senador ang dumalo sa naturang all senators caucus

“Finally and hopefully, magkakaroon nang linaw sa isyung ito. Isa ako sa naging

biktima ng fertilizer scam, ang aking constituents sa Tarlac at buong sambayanan.

Now, we can fill all the blanks left unanswered," ayon naman kay Sen. Benigno Aquino

III. Samantala, sa kanyang liham kina Sen. Edgardo Angara at Cayetano, sinabi naman

ni Bolante na nakahanda siyang dumalo sa anumang pagdinig. “Considering that the

Senate 14th Congress has yet to commence an inquiry on the matter of the “ Fertilizer

Fund of the Department of Agriculture’s Ginintuang Masaganang Ani Program, I would

like to respectfully request the Honorable Committee to allow me to stay in the hospital

for continued rest as advised by my attending physician," ayon kay Bolante.

Junior officers dismayado na naman

KINUMPIRMA ng Malacańang na nakarating na sa kanilang kaalaman ang panibagong

pag-aalboroto ng mga junior officers ng militar at pulisya ngunit wala raw itong

kinalaman sa idinaos na ‘midnight mass’ sa palasyo noong Biyernes. Ayon sa isang

insider, mismong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-request ng naturang

Holy Mass at kataka-taka rin umanong ibinukas pa ito sa media coverage. Imbitado sa

naturang midnight mass ang ilang kaalyadong pulitiko ng pamahalaan mula sa

Kongreso at local government units (LGUs). Nang matanong si Press Sec. Jesus Dureza

kung gaano katotoo ang lumabas na insinuwasyong may kinalaman sa panibagong

destabilization o coup threat ang naturang pamisa, mariin itong itinatwa ng kalihim.

Nilinaw ni Dureza na walang ibang dahilan ang pamisang ito noong hatinggabi ng

Biyernes kundi ang pagiging First Friday nito ngayong buwan ng Nobyembre.

Gayunpaman, kinumpirma nitong nakarating na sa kanilang kaalaman ang panibagong

panawagan ng isang grupo ng diumano’y nagpakilalang mga batang opisyal ng Armed

Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa isang

malawakang pag-aalsa laban sa matinding corruption sa kasalukuyang pamahalaan.

Noong Sabado ipinoste sa Sundalo website ang “Statement of Awareness and Action”

ng grupong nagpakilalang mga miyembro ng PNP, Philippine Army, Air Force, Marines

at Navy Fleet. Partikular sa ipinananawagan nito sa mga kapwa sundalo at pulis at sa

publiko ay ang pag-aalsa laban sa tinawag nilang ‘illegitimate’, mapang-abuso at

maduming administrasyon ni Arroyo. Hindi naman natinag ang palasyo sa naturang

pag-aalboroto at kahapon ay buong kumpiyansang sinabi ni Dureza na hindi

magtatagumpay ang nasabing “constitutional shortcut” dahil hindi na umano

nagpapadala ang publiko at ang kasundaluhan at kapulisan sa ganitong mga

propaganda.

Gobyerno nasa likod umano ng pagkakalat ng pangamba sa ‘destabilisasyon’

KINASTIGO ng tatlong mambabatas ang ipinalutang na panibagong destabilization plot

laban sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagsasabing

“lumang tugtugin" ito. Tahasang ipinahayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Nene"

Pimentel Jr na lumang tugtugin na ang napapabalitang destabilization plot laban sa

administrasyon. “Panahon na naman ng budget hearing kaya lumalabas na naman ang

ganitong usapin," ani Pimentel. Sinabi naman ni Sen. Francis Escudero na walang ibang

gumagawa nito kundi ang gobyerno mismo ni Arroyo. Aniya, ginagamit ng Palasyo ang

ganitong senaryo upang itaboy ang kritisismo sa lumalalang corruption charges laban

sa administrasyon. "It's the oldest trick in the book. If you are being criticized, create a

diversion. Invent tales so that from an aggressor you become the aggrieved party and

people will start casting their sympathies at you," aniya. Sa dako naman ng

sandatahang lakas, sinabi ni AFP spokesman Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na wala silang

nakikita sa kanilang hanay muling mag-aalsa ang mga sundalo laban sa gobyerno.

"They are dragging the military organization to follow their position or to support their

position and what I'm saying now is that yung mga nilalabas nila dun na mga ano, na

mga opinion ay hindi yan representative ng military organization," wika ni Torres Una

rito ay napaulat na may panibagong nilulutong pagpapabagsak sa Arroyo

administration na umano'y isinusulong ng grupong "Sundalong Tagapagtangol ng

Pilipino" na kinabibilangan ng mga kritiko ng administrasyon.

P47M foreign trips ni Sabio binuyangyang

WALA pa mang resulta ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) pati na ang

Commission on Audit (COA) hinggil sa P10.35 million cash advance, sumambulat na

naman ang US$958,751.06 o kulang-kulang na P47 milyon na nilustay ng opisina ni

Camilo Sabio, ang naka-leave na chairman ng Presidential Commission on Good

Government (PCGG), para lamang sa anim na foreign trips nitong taon lamang.?Ayon

kay dating Akbayan Rep. Loreta Ann “Etta” Rosales, kanyang nabatid ang nasabing

halaga nang makakuha ito ng kopya ng reklamo na inihain ng PCGG employees at

PCGG Special Legal Counsels sa Office of the Ombudsman na may petsang Oct. 31,

2008 kung saan kalakip ang kopya ng financial statement mula umano sa Philippine

National Bank (PNB) hinggil sa status ng US$34.14 milyon na itinuturing ng PCGG na

“litigation fund”. Ang nasabing pondo na nagsimula sa US$22 milyon na nakadeposito

in escrow sa PNB mula sa sinikwester na Swiss account ng namayapa nang diktador na

si Ferdinand Marcos. Matatandaan na kamakailan lamang, idineklara ng COA na

hanggang sa ngayon ay hindi pa itine-turnover ng PCGG ang nasabing halaga sa

National Treasury kahit nagbaba ng writ of execution para rito noong Enero 22, 2004

ang Sandiganbayan. Noong Hunyo lamang, gumastos ng US$310,163.76 o

tumataginting na mahigit P15 milyon sa isang foreign trip lamang ang opisina ni Sabio.

Sa sumatutal, kung ibabatay sa US$49 kontra sa P1, umaabot sa P47 milyon ang travel

expenses ng opisina ni Sabio sa anim na biyahe lamang sa ibang bansa nitong taon.

Trabaho para sa Pinoy ‘di pwedeng nakawin ng mga dayuhan -- Libanan

“HINDI ko hahayaan na nakawin ng mga dayuhan ang trabahong nakalaan sa mga

Pinoy.” Ito ang pangakong binitiwan ni Bureau of Immigration (BI) chief Commissioner

Marcelino Libanan, na nagsabing ang buong puwersa ng batas ay ipatutupad sa lahat

ng lalabag sa immigration regulations upang matiyak na ang mga karapatan ng Pinoy

ay napoprotektahan sa sariling bansa. Binalaan din ni Libanan ang mga lokal at

dayuhang negosyante na itigil ang sistema ng pagdadala ng kamag-anak mula ibang

bansa upang magtrabaho bilang storekeepers at office workers sa Christmas season,

na malinaw na paglabag sa batas na nagbibigay prayoridad sa lokal na paggawa sa

pagkuha ng trabahador. Ipinaliwanag ni Libanan na ang pagkuha ng foreign nationals

bilang trabahador ay pinapayagan lang kung ang kakayahang hinahanap ay hindi

makita sa lokal na manggagawa. Ibinabala pa ng opisyal ang mabigat na parusang

dapat harapin ng sinumang lalabag sa resulta ng kanilang magiging pagkilos, kasama

ang agarang pagpapatapon sa mga dayuhan. Isinatinig ito ni Libanan matapos

tumanggap ng ulat mula sa mga field offices ng BI na maraming dayuhan ang

nagbabantay ng ilang retail outlets sa Chinatown sa Metro Manila at iba pang

paboritong shopping centers sa mga lalawigan.

P11 rollback uli sa LPG ipinatupad

NAGTAPYAS na muli ng P1 kada kilo ng kanilang produkto ang Liquefied Petroleum Gas

Marketers Association (LPGMA) na naging epektibo kaninang hatinggabi. Ayon kay

Arnel Ty, pangulo ng LPGMA, nangangahulugan aniya ito ng pagbabawas ng P11 bawat

tangke ng kanilang mga produkto kaya’t makakaasa aniya ang mga consumers na higit

na mababa ang ibinebentang LPG ng mga small players kumpara sa malalaking

kompanya ng langis. Hindi naman nilinaw ni Ty kung ang ginawa nilang pagbabawas sa

presyo ng kanilang LPG ay bunsod ng patuloy na pagbaba ng contract price sa

pandaigdigang pamilihan o sanhi ng panawagan ni Department of Energy Secretary

Angelo Reyes na bilisan nila ang pagpapatupad ng rollback sa presyo ng kanilang

produkto. Napag-alaman na kabilang sa mga miyembro ng LPGMA na susunod sa

pagtatapyas ng presyo ng kanilang produkto ang Pinnacle Gas, Cat Gas, Omni Gas,

Nation Gas at Island Gas na sabay-sabay nagpatupad ng rollback sa presyo kaninang

hatinggabi. Bagama’t nagpatupad naman ng P1 rollback sa presyo ng gasolina at kerosene

ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis noong nakaraang Biyernes, wala

pang indikasyon na susunod sila sa pagtatapyas ng presyo ng LPG. Magugunita na

nagpahiwatig na si Secretary Reyes sa mga kompanya ng langis na dapat ay umaabot

na sa kabuuang P191 ang kabuuang halagang ibabawas ng mga kompanya sa bawat

tangke ng LPG subalit hindi pa ito naaabot, ma-ging ng LPGMA.

Arroyo makikipagpulong sa mga Pinoy sa US

TUMULAK kagabi si Pangulong Arroyo patungo sa Estados Unidos para sa kaniyang

dalawang araw na pagdalo sa isang inter-faith forum sa New York. Makakasama naman

ng Punong Ehekutibo si Trade Secretary Peter Favila para sa pakikipagpulong sa

Filipino community sa Amerika. Una dito, nakipagpulong ang Pangulo sa dumalaw na

Thai Prime Minister na si Somchai Wongsawat kaugnay sa ilang usapin sa rehiyong

Asya. Pinagtibay ng Thailand at Pilipinas ang ugnayan sa trade, energy at food security

kasabay ng pagbisita ni Somchai sa Malakanyang. Sa ginanap na bilateral meeting sa

Palasyo, kapwa inihayag ng dalawang lider ang mabungang pag-uusap na umabot ng

halos isang oras.

Verzosa, nag-sorry sa blotter ban

KASUNOD ng paghingi ng paumanhin sa media at sa publiko, nangako kahapon si

Philippine National Police (PNP) chief Director General Jesus Verzosa na kanyang

rerebisahin ang ibinabang memorandum na nagbabawal na ibukas sa publiko, at maging

sa media, ang police blotter sa alinmang himpilan ng pulisya sa buong kapuluan.

“I am sorry, we just want to protect the sanctity of the police blotter especially on

crimes against chastity, when it comes to women and children, we don’t want to

compromise the ongoing operations like in kidnapping for ransom case, we hope you

understand,” ani Verzosa sa pagharap nito sa mga mamamahayag.?Ikinatuwa naman

ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang pagbabagong-isip ni Verzosa. Matatandaang

iniskedyul na ng Senado ang pagpapatawag sa heneral upang pagpaliwanagin sa

tinawag na mala-Martial Law na pagkakait ng police blotter sa mga mamamahayag.

BALITANG OFW/KWENTONG MARINO

RP tanker kinomando ng mga pirata; 23 Pinoy seaman bihay

KUALA LUMPUR, Malaysia – Sinabi ng isang maritime executive na binihag ng mga

pirata sa Somalia ang isang Philippine-flagged chemical tanker kahapon ng umaga na

may lulan na 23 Pilipinong crew member. Binanggit ni Noel Choong ng International

Maritime Bureau na ang barko ay patungong Asya nang ito’y biglang atakihin ng mga

pirata na pawang armado ng matataas na kalibre noong Lunes sa gitna ng Gulf of

Aden. Nagpalabas na ang IMB ng kalatas na nagbabala sa mga barko na gumawa ng

mga paraan upang makaiwas sa mga pirata.

Embahada nangakong kikilos para sa kapakanan ng mga OFW sa UAE

NANGAKO ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) na

gagawa sila ng mga hakbangin upang ayusin ang sitwasyon ng mga tirahan ng mga

OFW sa naturang bansa. Ayon kay Consul-General Noel Servigon, kikilos sila upang

maibsan ang epektp sa mga OFW ng krisis sa pabahay sa UAE kun saan napipilitan ang

mga ito na magsiksikan sa mga dormitoryo upang makatipid dahil sa mataas na renta

sa pabahay. "The old timers who arrived in the UAE before the present housing crisis

and opted to get a house rent allowance should either go back to company

accommodation or request their employers to increase the the HRA," ani Servignon.

2 Pinoy, kabilang sa 19 tripulante ng fishing boat na nawawala sa Taiwan

KASALUKUYANG sinusyod ng coast guard ng Taiwan ang baybayin ng Kaohshiung sa

paghahanap ng 19 na nawawalang tripulante ng lumubog na fishing boat na "Fu Ji

Hsiang 767." Ayon sa mga ulat, kabilang sa mga nawawala ay dalawang Pinoy.

Mabatid na nagpadala ng distress signal ang naturang fishing boat nitong araw ng

Lunes at ibinigay nito ang huling lokasyon nito sa 80 kilometro South ng Kaohshiung sa

Southern Taiwan.

REHIYON

UP naghigpit ng seguridad natapos ng madugong pagnanakaw sa bangko

PINAG-AARALAN na ngayon ng University of the Philippines (UP) officials ang ilang

pagbabago sa security plan na ipinatutupad sa loob ng kanilang campus matapos ng

madugong pagnanakaw sa sangay ng Philippine Veterans Bank sa loob ng pamantasan

nitong Lunes ng tanghali. Ito ang naging pahayag ni Dr. Cynthia Gregorio, Vice-

Chancellor for Community Affairs ng UP Diliman. Sinasabing hindi naaresto ang mga

suspek dahil sa kakulangan ng tulong mula sa pulisya. Depensa naman ng Quezon City

Police District (QCPD) wala silang direktang access sa loob ng UP campus at iniwasan

din nilang maglagay ng mga tauhan sa gate nito dahil ilang beses nang inireklamo ng

mga estudyante ang pagsikil sa karapatan dahil sa presensiya ng pulis at militar sa

naturang paaralan. Nabatid na dalawang security guard at isang teller ang napatay

nang tambangan ng apat na armadong lalaki ang isang armored van sa loob ng UP.

Tadtad ng tama ng bala ng M-16 rifle sa katawan ang tatlong biktima. Sa inisyal na ulat

ng QCPD, naganap ang insidente dakong ala-1 ng tanghali malapit sa Bahay ng Alumni

sa UP compound sa Diliman.

10 patay, 15 sugatan sa engkwentro sa Lanao del Sur

UMABOT na sa 10 ang patay at 15 ang nasugatan sa panig ng 103rd base command ng

rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa naganap na sagupaan sa pagitan nito at

militar sa bayan ng Wao, Lanao del Sur. Ito ang pahayag ni Lieutenant Colonel Benedict

Arevalo, commanding officer ng 29th Infantry Battalion ng Philippine Army na siyang

tumugis ngayon sa pinaniniwalaang grupo ni MILF Commander Pangalian. Ayon kay

Arevalo na gumamit sila ng mga kanyon kahapon at pinutukan ang kinalagyan ng mga

rebelde dahilan sa maraming casualty sa panig nito. Hindi naman sinabi ni Arevalo

kung may patay o sugatan sa panig ng militar bagamat patuloy pa nilang tinutugis

ngayon ang mga rebelde sa nasabing probinsya.

PNP Academy niyanig ng malakas na pagsabog, 13 sugatan, 1 patay

NIYANIG ng isang malakas na pagsabog ang loob ng Camp General Mariano Castańeda,

Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite kanina lamang. Ito'y

makaraang sumabog umano ang isang rifle grenade sa loob ng shooting range sa hindi

pa malamang dahilan. Ayon kay Police Senior Inspector Rodel Trumata, isa na ang

kumpirmadong patay habang 13 naman ang sugatan. Hindi pa umano mailalabas ang

pangalan ng nasawi dahil nakikipag-ugnayan pa sila sa pamilya ng biktima bago ito

ihayag sa publiko. Sa ngayon ay nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng Scene of the

Crime Operatives sa naturang lugar upang mabatid ang tunay na ugat ng insidente.

Duterte nanawagan sa mga NPA na magbakasyon at itigil ang pananakot

NANAWAGAN si Davao City Mayor Rodrigo Roa Duterte sa mga miembro ng New

People's Army (NPA) na ihinto na ang pananakot sa mga barangay kagawad at mga

barangay kapitan. Kaugnay nito inanyayahan ni Duterte ang mga NPA na sumama sa

kanya na magbakasyon muna sa Maynila. Kailangan umanong magpaputol ng buhok at

magpahinga ang mga ito matapos na halos maubos na ang mga dugo ng mga ito dahil

sa mga linta sa kagubatan na pinagtataguan ng mga rebelde. Kung ipagpatuloy umano

ang pananakot ng mga NPA sa mga sibilyan, mas lalo umanong gugulo dahil batabatalyong

kawal na naman ang ipapadala sa mga apektadong lugar.

Cory nakalabas na ng ospital matapos sumailalim sa pagsusuri

KASALUKUYAN nang nagpapahinga si dating Pangulong Corazon Aquino matapos

nitong manatili sa ospital kung saan sumailalim ito sa series of test bunsod na rin ng

kanyang sakit na colon cancer. Ayon kay Senador Noynoy Aquino, ngayon ay nananatili

na sa tahanan ng isa nilang kapatid ang dating pangulo. Una nang naging emosyonal

ang anak nitong si Kris Aquino dahil sa pinagdadaanan ng kanyang ina. Ayon sa

aktres/TV host, mahirap ang pinagdadaanan ng kanyang mommy ngayon. Ang mga

series of test umanong ginawa nito ay upang malaman kung ano na ang kondisyon nito

ngayon at upang madetermina kung kaya nitong pagdaanan ang iba pang treatment sa

mga susunod na araw. Sa kabila niyan positibo naman ang aktres na gagaling ang

kanyang ina lalo pa't lumalaban ito.

Pulis na nakadamit Santa Claus ipakakalat ngayong kapaskuhan

IPAKAKALAT na ni National Capital Region Police Office Director Jefferson Soriano ang

nasa 300 tinaguriang "Santa Cops" bilang bahagi ng lansangan ng Kalakhang Maynila

pagpapatupad ng seguridad ngayong holiday season. Ayon kay Soriano, idedeploy nila

ang mga police personnel na nakasuot ng costume ni Santa Claus partikular na sa mga

shopping malls. Sisimulan umano ang pagdedeploy ng mga santa cops mula unang

linggo ng Disyembre hanggang Enero ng susunod na taon. Maliban sa mga santa cops,

ikakalat rin umano ang 1,000 kapulisan sa mga matataong lugar sa Metro Manila. Ang

naturang strategy umano ay makakatulong upang mapalapit sa mga mamamayan ang

PNP sa harap ng kabi-kabilang kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.

Coast guard commander sa Masbate sinibak

TULUYANG nang sinibak sa pwesto bilang Station Commander ng Coast Guard Masbate

si Capt. Reynaldo Fabico bunsod na rin ng gagawing preliminary investigation ngayong

araw ng Board of Marine Inquiry. Ayon kay Philippine Coastguard Bicol Commander

Capt. Henry Caballero ang pagre-relieve kay Fabico ay kasunod na rin ng naganap na

trahedya sa karagatang ng Dimasalang, Masbate na ikinasawi ng mahigit sa 40 katao

at 10 katao na nawawala hanggang sa kasalukuyang.

5 biniktima ng flashflood sa Quezon City

LIMANG bangkay ang lumutang sa Tullahan River sa lungsod ng Quezon na

pinaniniwalaang biktima ng lunod dulot ng pag-apaw ng tubig sa naturang ilog dahil sa

malakas na pag-ulan kamakalawa. Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District-

Station 4, dakong alas-2:10 ng Linggo ng hapon nang tangayin ng malakas na tubigbaha

sa Tullahan River ang mag-amang Lucio Moncal, 45; at anak na si Larrylou, 15,

kapwa ng Brgy. Gulod, Novaliches. Pasado alas-10:30 na nang gabi nang lumutang ang

bangkay ng biktimang si Larrylou habang kasunod ring nabingwit ang bangkay ng ama

nito. Dakong alas-3 ng hapon naman nang tangayin rin ng flashflood ang 12-anyos na

si Danilo Equillo, ng Area 5 Exterior, Brgy. Gulod kung saan narekober ang bangkay nito

pasado alas-9:30 na ng gabi. Dakong alas-4:30 naman ng hapon nang marekober ang

bangkay ng 67-anyos na si Ignacio Angeles, residente rin ng naturang lugar. Tinangay

rin ng naturang malakas na agos ng tubig ang 39-anyos na si Ernesto Herbollaro, ng

Lot 1 Block 5 Sta. Isabel St., Brgy. Gulod dakong alas-3:30 ng hapon at narekober ang

katawan nito kamakalawa ng gabi.

De-kuryenteng traysikel inilunsad sa Bulacan

BILANG pagtugon sa lumalalang problema sa polusyon at mataas na presyo ng

gasolina, inilunsad ang kaunaunahang de-kuryenteng traysikel (E-trike) sa bayan ng

Marilao kahapon ng umaga. Dinisenyo at minodify ang E-trike ng mag-amang Antonio

at Councilor Allan Aguilar ng Brgy. Lias sa nabanggit na bayan. Napag-alamang pinaaandar

ng apat na 12 volts rechargeable batteries ang E-trike na tumatagal ng walong

oras at umaabot sa 80 hanggang 100 kilometro ang biyahe. Gaya ng ordinaryong

traysikel, ang E-trike ay nakapaglululan ng apat na pasahero at may bilis na 30

hanggang 40 kilometro bawat oras. Dalawa hanggang anim na oras ang charging time

ng baterya at umaabot ng P150,000 hanggang P175,000 halaga ng kabuuang traysikel,

kasama ang mga aksesorya tulad ng battery charging kit, watt hour meter,

ampere/voltage meter at built in automatic overcharge protection timer. Ayon kay

Konsehal Aguilar, naitala ng DOTC ang hindi bababa sa 2.8-milyong traysikel sa bansa

at ang mga ito ay maituturing na pangunahing contributor ng air at noise pollution.

Ipinaliwanag pa niya na umaabot lamang sa P20 hanggang P25 ang magagastos sa

kuryente ng pagkakarga ng E-trike kumpara sa P200 hanggang P250 gastos sa gasolina

ng isang ordinaryong traysikel sa pamamasada bawat araw.

Pinakamalaking hangar itatayo sa Clark

ANG pinakamalaking hangar sa Pilipinas ay itatayo sa Clark Civil Aviation Complex sa

Diosdado Macapagal International Airport. Ito ay proyekto ng Spirit of Manila, isang

Filipino-owned air carrier na mag-o-offer ng flight sa Asia at Gitnang Silangan gamit ang

Airbus 380-800 at Boeing 747-8. Ang ground-breaking ceremony na ginanap noong

Nobyembre 7 ay pinasinayaan ng mga opisyal ng Clark Development Corporation at

Clark International Airport Corporation sa pangunguna nu Victor Jose I. Luciano at

General Manager Bienvenido G. Manga. Sa inisyal na investment na US$20, mag-ooperate

ng isang in-house aircraft maintenance center, ayon kay Juan Paraiso III,

pangulo ng Spirit of Manila.

BALITANG ABROAD

Bilang ng nasawi sa pagguho ng paaralan sa Haiti umabot na ng 93

MARAMI pang biktima ang nakuha ngayon mula sa gumuhong paaralan sa Haiti,

dalawang araw matapos ng malagim na pangyayari. Ayon sa mga ulat, umaabot na sa

93 ang bilang ng mga nasawi habang patuloy na isinasailalim sa imbestigasyon ang

may-ari ng paaralan na ngayon ay nakadetine na. "Search teams recovered 87 bodies

and 150 injured and also located six additional bodies in the rubble with most of the

victims children," pahayag ni Youth and Sports Minister Evans Lescouflair. Una ng

sinabi ni Lescouflair na hindi bababa sa 150 ang sugatan dahil sa pagbagsak ng mga

semento at bakal. Tumutulong na sa search and rescue operation ang United Nations,

Red Cross, Doctors Without Borders, Haitian police at rescuers mula sa mga bansang

France, US at Canada.

Bush, Obama nagpulong

NAGPULONG sa White House sina US President George W. Bush at President-elect

Barrack Obama. Ayon sa transition team ni Obama, tinalakay sa pulong ng incumbent

at incoming President ang mga isyu sa economiya ng Amerika, partikular na ang

nararanasang financial meltdown, gayundin ang national security at ang giyera sa Iraq

at Afghanistan. Sinamahan naman ni First Lady Laura Bush ang may-bahay ni Obama

na si Michelle para sa pag-iikot sa kanilang magiging official residence simula sa

darating na Enero 20, 2009. Una nang ipinangako ni Bush na magkakaroon ng smooth

trasnsition ang kaniyang liderato patungo sa bagong Pangulo ng Estados Unidos.

2 madre dinukot sa Kenya

INIHAYAG ng isang Somali official na dalawang madreng Katoliko mula sa West ang

dinukot sa Kenya at dinala sa border sa may southern Somalia. Sinabi ng chairman ng

Somalia Elwaqt district na si Sheik Hussein Kotalow na hindi niya alam ang

pagkakakilanlan ng mga armadong kalalakihang gumawa ng pagdukot at kung ano ang

motibo ng mga ito. Nangyari umano ang pandurukot sa bayan ng Qalow sa hilagang

bahagi ng Kenya. Siyam na kilometro umano ang layo nito sa Somali border.

90-anyos na babae iniimbestigahan sa pagtatago ng bangkay ng 3 kapatid

NADISKUBRE sa pag-iingat ng isang 90 anyos na babae ang labi ng tatlong katao sa

loob ng kanayng bahay sa Illinois. Ayon kay Evanston Police Comander Tom Guenther,

isang senior advocate ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na nasa pangangalaga

ng naturang lola ang hinihinalang labi na ang isa rito ay namatay early 1980’s. Plano

sanang i-autopsy ng Chicago Police ang natagpuang patay pero tiniyak ni Guenther na

walang foul play sa pagkamatay ng mga ito. Nasa obserbasyon ngayon ng isang ospital

ang lola na hindi na pinangalanan na nagtago ng bangkay ng magkakapatid. Kinilala

naman ng Cook County Medical Examiner's ang mga yumaong sina Anita Bernstorff, na

huling nakitang buhay nitong May 2008, Frank Bernstorff, na nasawi taong 2003, at

Elaine Bernstorff, na binawian ng buhay taong 1980.

ISPORTS

Labis na pag-eensayo ni Pacquiao binabantayan

KUNG mayroon mang iniingatan si coach Freddie Roach, ito ay ang sobrang

pagpapalaki ng katawan at walang tigil na pageen-sayo ng Filipino boxing icon na si

Manny Pacquiao. “I’m watching Manny real careful,” wika ni Roach sa kondisyon

ngayon ng 29-anyos na si Pacquiao. “I don’t want him to overdo it.” Sa kanyang

pagakyat sa welterweight class (147 pounds) upang makasagupa ang dating light

middleweight na si Oscar Dela Hoya, inamin ni Pacquiao na lumaki na ang kanyang

pangangatawan bukod pa ang pagbigat ng kanyang timbang.

Reklamo ng Air 21 ibinasura ng PBA

IBINASURA ni PBA commissioner Renauld “Sonny” Barrios ang apela ng Air 21 na idaos

muli ang kanilang kontrobersiyal na laban kung saan natalo ang Express sa San Miguel

noong Nobyembre 5. Ang hatol ay inilatag ni Barrios makalipas ang apat na araw na

pag-aaral at pagrerebisa ng protestang inihain ng Air21. Bagamat inamin ni Barrios na

isang seryosong judgment error ang nagawa ng game officials, binigyan diin nitong ang

pagkakamali ay hindi naging dahilan sa naging resulta ng laro. Nagwagi ang Beermen,

130-129 sa double overtime, ngunit pinipilit ng Air21 team officials na iprotesta ito

dahil sa unang overtime pa lamang daw ay sila na ang nagwagi.

RP bowlers sadsad sa opener

HERMOSILLO City, Mexico - - Masama ng naging pagrolyo ng dalawang pambato ng

Pilipinas sa World Cup of bowling sa pagbubukas noong Linggo dito. Matapos ang anim

na laro, ang 1,151 pinfalls ni Kimberly Lao ay sapat lamang para sa 32nd place sa

ladies’ division, habang ang 1,104 ni Jeffrey Carabeo ay pang-63 puwesto sa men’s

side. Tanging ang top 24 players ang aabante sa susunod na round ng torneo. Si Lao,

18-anyos national bowler at freshman sa Diliman campus ng University of the

Philippines, ay 35 pins ang layo para mapasama sa susunod na round.

Pistons, Iverson talo sa home debut

NAPAKAINGAY ang ibinigay na standing ovation bilang pagsalubong kay Allen Iverson

sa Auburn Hills, Michigan, sa sobrang lakas ay hindi na marinig ang public-address

announcer. Pero maya-maya lang ay natahimik ang crowd dahil umagaw ng eksena

ang bumibisitang Boston Celtics. Tinalo ng defending champions si Iverson sa kanyang

home debut bilang miyembro ng Detroit Pistons. Tinuhog ni Tony Allen ang 12 sa

kanyang kabuuang 23 points sa second quarter para buhatin ang Boston sa pag-alpas

sa Pistons, 88-76. Apat na reserves ng Celtics ang umarangkada sa second period para

ma-outscore ang Pistons, 30-10. Hindi na namroblema ang Boston pagkatapos niyon.

Ninerbiyos pa si Iverson nang salubungin ng sigaw mula sa crowd matapos ipakilala.

“That’s all you want when you get traded,” ani Iverson, dalawang beses nai-trade sa

loob ng dalawang taon. “You want to get that initial feeling of how they embrace and

accept you.” Tumapos si Iverson ng 10 points sa 4-of-11 shooting, may four assists at

four turnovers. Ang Pistons ay 0-2 na ngayong nasa kanila ang dating league MVP.

SHOWBIZ

Pops, halos bumigay kay Gabby

HINDI kaya makaramdam ng selos si Jomari Yllana sa sinabi ni Pops Fernandez about

Gabby Concepcion sa The Buzz last Sunday? Tinanong kasi ni Ruffa Gutierrez si Pops if

she would go for Gabby kung single siya. “Every girl would go for him. He looks great.

He actually even looks better now. But obviously, I can’t... for many other reasons,”

pilyang sagot ni Pops. Alam naman kasi nating lahat na bukod sa Gabby is very much

married, si Pops naman ay may Jomari na as a boyfriend. Ewan kung nagbibiro si Pops,

pero kulang na lang ay sabihin niyang type niya si Gabby, kaso, hindi nga puwede.

Dating asawa ni Aiko, naghahanap na ng kapalit

HOW true ang tsikang nakahanap na raw ng bagong mahal si Martin Jickain kapalit ng

kanyang sa ex-wife na si Aiko Melendez. Kung si Aiko ay merong Vice Mayor ng

Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses. Meron namang new lovi-daby si Martin na

isang Charming Fil-Am girl na ang pangalan ay Carmina, isa raw itong kilala at

prominenteng tao sa Pangasinan. At eto pa talagang wala ng pagkakataon

magkabalikan sila ni Aiko dahil mukhang seryoso na raw ang relasyon ni Martin kay

Carmina dahil ipinakilala na siya nito sa kanyang pamilya. At tanggap nga raw ng girl

ang daughter nila ni Aiko na si Martina. Nagsimula raw maging close ang dalawa nang

maging classmates sila sa isang culinary school.

Lovers na singer nahuling sweet sa isang parking lot

MAKULAY ngayon ang lovelife ni Billy Crawford dahil sa rumored girlfriend niyang si

Nikki Gil. May tsika kasi na nanliligaw raw ngayon si Billy kay Nikki at sa ganung stage

ng kanilang special friendship ay parang kontento na ang international singer. Kahit

daw matagal okey lang basta ang important ay masaya siya. Pero how true ang tsika

na na-caught in the act daw ang dalawa na nagki-kissing-kissing sa isang parking lot.

Sa akala nilang gusto nilang umiwas sa makukulit nating friendship na tsikadora,

akalain mong nahuli pa sina nikki at billy na nag-i-smooch sa nasabing lugar.

Lindsay Lohan umaming isa siyang bisexual

IGINIIT ngayon ng Hollywood actress na si Lindsay Lohan na hindi na dapat masorpresa

ang mga tao kahit pa nagde-date sila ng kanyang bestfriend at napapabalitang

karelasyon na si Samantha Ronson. "I think it's pretty obvious who I'm seeing. I think

it's no shock to anyone that it's been going on for quite some time. ... She's a wonderful

person and I love her very much," pahayag ng aktres. Nang tanungin kung

ikinokonsidera niya ang sarili bilang bisexual, sumagot ang 22-anyos na si Lohan ng

"Maybe. Yeah."

BALITANG A-KYUT

Nawawalang bikining itim, dahilan upang salakayin ng pulis ang isang bahay

DAHIL sa nawawalang ‘Black Bikini’ ng kanyang 16-taong gulang na anak, isang ginang

sa Germany ang napilitang humingi ng paumanhin sa mga pulis. Nagulat raw kasi si

Mrs. Sylia Riegler nang makitang magulo ang kanilang bahay at una nang inakalang

ninakawan sila. Agad raw itong tumawag ng mga pulis at nagsagawa naman ng

pagsisiyasat sa kanilang tahanan. Ngunit nang dumating raw ang 16 years old na

dalagita nitong anak, kanyang napag-alamang hindi pala sila ninakawan. Nabatid na

hinahanap lang pala ng anak nito ang kanyang itim na bikini upang gamitin, ngunit

hindi raw nito mahanap kaya ginalugad nito ang buong bahay. Ayon sa anak ni Mrs.

Reigler nagmamadali na raw kaya siya, kaya hindi na nito naayos ang mga ginulo at

hinayaan na lamang kaya ng malaman ang tunay na nangyari sobrang kahihiyan raw

ang inabot ni Mrs. Reigler at super-sorry siya sa mga pulis.. Wala naman raw nagawa

ang mga pulis kundi ngumiti na lamang ng umalis dahil sa nawawalang bikining itim.

ALAM N’YO BA?

Si ‘Citadel’ sa buhay ni Carlo J. Caparas

BAGO sumikat ang karakter nina Joaquin Burdado, Panday, Totoy Bato, Pieta, Bakekang

at iba pa, alam nyo ba na kwento tungkol sa isang babae ang unang nobela ng sikat na

manunulat na si Carlo J Caparas. “Citadel" ang titulo ng unang nobela ni Carlo na

nalathala sa Superstar komiks noong 1970’s. Kwento ito ng tatlong lalaki na nagawang

magpinta ng larawan ng iisang babae. Tinatayang 800 nobela ang nilikha at nalathala

ni Carlo bago nya ipinagpahinga ang kanyang mga kamay paggawa ng kwento noong

1987. Sinabing bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Carlo. Katunayan, hindi niya

isinuko ang kanyang library card nang mag-dropout sa paaralang pinapasukan upang

patuloy na makapasok sa library. Kahirapan ang nagtulak kay Carlo upang tumigil sa

pag-aaral noong 1st year high school at sumabak sa maagang pagtatrabaho. Pinasok

nya ang pag-iigid ng tubig, bangkero sa ilog Pasig, construction at factory worker at

security guard sa isang publishing company sa Makati sa edad na 19. Tinawag ni Carlo

na “1,000 nights of reading" ang kabanata ng kanyang buhay sa pagiging sekyu.

Pagbabasa ng mga libro, magazines at mga script ang pinagkaabalahan ni Carlo tuwing

naka-duty mula 11 pm hanggang 7 am. Dahil sa isang insidente kung saan napinsala

ang kanyang paa, napilitan si Carlo na magbakasyon na naging daan naman upang

matuklasan niya ang talento sa pagsusulat. Mula sa karakter ni Citadel, naging sunodsunod

na ang nobela ni Carlo hanggang mapabilang sa listahan ng mga de-kalibreng

manunulat sa mundo ng komiks.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!