13.09.2015 Views

PAGSISIYAM KAY SAN LORENZO RUIZ

PAGSISIYAM KAY SAN LORENZO RUIZ - Bahay Kubo Strasse

PAGSISIYAM KAY SAN LORENZO RUIZ - Bahay Kubo Strasse

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Pagsisiyam para kay San Lorenzo Ruiz de Manila

Pahina 12

IKA-PITO NA ARAW

Ito ang sinasaad sa Aklat ng Karunungan: Ang mga

matuwid ay nasa kamay ng Diyos at di sila makararanas

nang kaunti mang paghihirap. Sa akala ng mga hangal

ang mga matuwid ay namamatay, iniisip nilang ang

kamatayan ay kapahamakan, at ang pagpanaw nila ay

tuluyang paglaho. Ngunit ang totoo, sila’y nananahimik

na. Bagama’t sa tingin ng tao sila’y pinarusahan, ngunit

ang totoo, sila’y nasa buhay na walang hanggan. Ang

kaunti nilang pagtitiis ay tutumbasan ng malaking

pagpapala sapagkat napatunayan ng Diyos na sila’y

karapat-dapat (Karunungan 3:1-5).

Ito ang pahayag ng mga Obispong Pilipino

tungkol kay San Lorenzo Ruiz: Ibinilanggo siya sa

Nagasaki noong September 21, 1637. Nang siya’y

litisin, matapang niyang itinugon: “Ako’y isang

Kristiyano at ito’y pinaninindigan ko hanggang ako’y

mamatay; sa Diyos ko lamang iaalay ang aking

buhay; kahit isang libo mang buhay mayroon ako ay

iaalay ko pa rin sa kanya. Kayo na ang bahala kung

ano ang gusto ninyong gawin sa akin.”

Sa ganitong halimbawa ng pagiging martir ni

San Lorenzo Ruiz, mababakas natin sa mga kataga

ng mga Obispo na kung nararapat ang katapangan

para sa kamatayan alang-alang sa pananampalataya,

kailangan din natin ng tapang upang lumakas at

tumatag sa harap ng mga pagsubok at tukso sa

mundo na walang kinikilalang Diyos.

(Tumigil sandali, ikapit ang sarili sa mga halimbawa ni San Lorenzo Ruiz at

ipaalam sa kanya ang mga biyayang kailangan natin.)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!