NOL LAYOUT FOR HB-page1-9
You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Mechanic_lady

Fire and Rain

Dee’s Point of View

NATIGILAN AKO pagbaba ko sa maluwang na sala ng mansyon nang marinig

ang tawanan sa ibaba. Kumunot ang noo ko atsaka bahagyang inayos ang suot na

uniporme. Napatingin ako sa orasan, maaga kasi akong nakauwi mula sa klase ko at

nakatulog pagdating. Ngayon, nagugutom na ako at hindi na nag-abalang magbihis.

“My brother will be pissed, Nic! Saka isa pa, hindi ako papayagan no’ng umalis.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. Naka

ngiting tumakbo ako pababa ng hagdan.

“Stephie!”

Parehong napatingin sa akin ang dalawa. The girl is in her high school uniform

while my big brother, Dominic, in his jeans and plain polo shirt. Halos dalawang

taon lamang ang tanda sa akin ni Stephanie who is looking so pretty and charming

in her school uniform. Kahit magkaiba kami ng school, we still managed to chat

sometimes. Madalas kasi siyang isama ni Kuya sa mansyon.

She smiled when she saw me. “Hi, Dee.”

I looked at her and my brother suspiciously. Mukha kasing may pupuntahan na

naman sila na hindi ako kasama.

“Saan kayo pupunta, ha? May lakad na naman kayo ni Kuya,” nakanguso ko’ng

sabi. Paano lagi na lamang nila akong iniiwan. Halos hindi naman nagkakalayo ang

mga edad namin. One year lang ang tanda ni Kuya kay Steph.

My brother glared at me warningly.

9