You also want an ePaper? Increase the reach of your titles
YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.
Ang Kuwento ni Uwak
Isang araw, si Uwak ay nakakita ng mga lagas na balahibo
ni Kalapati sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan
siya sa napakaputing kulay na taglay nito. Dahil sawa na siya
sa pagiging isang itim na ibon at dahil sa paghanga niya sa
malalambing na lipad ng isang kalapati, iyon ay kaniyang
pinulot isa-isa at saka idinikit sa kaniyang katawan.
Dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga kalapati
at nagpakilala bilang isa sa mga kauri nito.
Ngunit sadyang kilala ng mga kalapati ang kanilang kauri,
kaya naman hindi rin nagtagal at nabisto ng mga kalapati
ang nagkukunwaring si Uwak.
Dahil dito, tinuka ng mga kalapati ang mga balahibong
nakadikit sa katawan ni Uwak. Pagkuwa’y pinag-aalis nila
ang mga ito hanggang sa takot na lumisan ang itim na ibon.
Nang makabalik si Uwak sa kaniyang mga kauri, hindi
na rin siya tinanggap ng mga ito at sinabing, “Hindi namin
kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa
sariling anyo!”
6. Bakit nasiyahan si Uwak nang makita nito ang mga
nakakalat na balahibo ni Kalapati sa lupa?
7. Bakit pinulot ni Uwak isa-isa ang mga balahibo ni Kalapati
at saka idinikit ang mga ito sa kaniyang katawan?
18