PILING LARANG MODULE 1
module
module
Create successful ePaper yourself
Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.
Balikan
Panuto:PAGHAHAMBING SA MGA GAWAIN: Sagutin ang katanungan sa sitwasyong ibinibigay .
1.Sa iyong pag-aaral sa K to12, paano mo napag-iiba ang mga gawain sa bahay ,eskwelahan, at
komunidad ? Sumulat ng limang ginagawa mo sa bawat hanay.
Gawain sa Bahay Gawain sa Eskwelahan Gawain sa Komunidad
2.Ano-anong pangkalahatang katangian na ipinagkaiba ng mga ito sa isa’t isa?
_______________________________________________________________________________
3.Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyong mga gawain ? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Makakatulong ba ang mga gawain mo sa eskwelahan sa mga ginagawa mo sa bahay at
komunidad?
Patunayan;_______________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__________________________________________
5. Anong mga pagpapahalaga ang pinauunlad sa bawat isa? Magbigay ng mga halimbawa.___
_______________________________________________________________________________
Tuklasin
Ang Akademikong Sulatin
Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademiya
Ang salitang Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin academia , at sa Griyego
na academeia. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar ,artista, at siyentista
na ang layunin ay isulong ,paunlarin, palalimin,at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong
komunidad ng mga iskolar.Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa ng buhay na may
kakayahang mag-isip nang kritikal o mapanuri ,maging mapanlikha at malikhain at malayang
magbago at makapagbago.Ganito ang isang mag-aaral na lalo pang hinuhubog ng akademiya.
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang
epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay -akademiko at maging sa gawaing di -
akademiko. Nagtutulungan ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa
buhay at pagdedesisyon. Hindi kailangang maging henyo o talentado upang maging malikhain.Sa
Akademiya ,ang mga katangiang ito ay nilinang at pinauunlad sa mga mag-aaral.Malaki ang
maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo , trabaho at araw-araw na
pamumuhay.
Akademiko vs Di-Akademiko
23