10.06.2023 Views

SCRIBE 2023 Mayday

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

SCRIBE MAYDAY

Mga Nagbabagang Eksena sa Osona

Ni Drexel John N. Amit

Minsan nang mapadpad silang mga naka-toga

Sa isang disko sa may Katimugang Abenida.

Inilabas ang nagyeyelong alak,

Magpakalasing ang balak,

At sila ay nagpakasaya!

Bagama’t siksikan sa may Osona,

Pilit pinagkasya ang tatlong daan sa espasyong pang-trenta.

Tila delatang sa kasikipan ay labis,

Mga katawan ay tumatagaktak sa pawis,

Walang tigil na tumaas ang temperatura!

Sa pagtugtog ng naka-iindayog na La Luna,

Sumabay ang madla sa saliw ng musika.

Patuloy na lumalim ang gabi,

Pagkalango ay hindi na maikubli,

Umpisa na ng mga nagbabagang eksena.

Ngunit nang ang kasiyahan ay umabot na sa rurok,

Sumakop ang usok hanggang apat na sulok.

Tumigil sa pagkislap ang patay-sinding ilaw,

Napako sa kinatatayuan ang mga mananayaw,

At sila ay inatake ng matinding dagok!

Sa pagdaluhong palabas sila ay humahangos,

Ngunit sa hangin sila ay naghikahos.

Ang gabi ng selebrasyon at kasiyahan,

Tinupok ng kapabayaan,

At ang mga nagsitapos ay natapos!

Art by Carl Hason T. Gerale

2

21

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!