19.05.2013 Views

SAkit SA PUSO At DiAbEtES - Drs. Willie and Liza Ong - Pinoy

SAkit SA PUSO At DiAbEtES - Drs. Willie and Liza Ong - Pinoy

SAkit SA PUSO At DiAbEtES - Drs. Willie and Liza Ong - Pinoy

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain

Solusyon sa Mahina ang Puso (o Heart Failure)

May sakit na kung tawagin ay “heart failure” kung saan ay humihina ang masel

ng puso. Dahil dito, nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa buong

katawan.

Bakit nanghihina ang puso? Ang karaniwang sanhi ng heart failure ay ang

pagbabara ng ugat sa puso dulot ng altapresyon, diabetes, paninigarilyo at

pagkain ng matataba. May mga batang pasyente na may rheumatic heart disease

ang nagkakaroon din ng heart failure.

Paano malalaman kung may heart failure?

Ang pinakamagandang test para malaman ang kondisyon ng puso ay ang 2D-

Echo, kung saan lalabas sa telebisyon ang hugis ng puso. Nagkakahalaga ito

ng P1,500 hanggang P4,000 depende kung saan gagawin. Base sa 2D-Echo,

malalaman kung may heart failure ang pasyente.

Ang sintomas ng heart failure ay ang pamamanas ng paa, paghingal lalo na

kapag nakahiga. Parang nalulunod ang pakiramdam at kailangan nilang gumamit

ng maraming unan.

Ano ang gamutan?

Kailangan magpa-check up agad sa isang cardiologist. May mga gamot na

ibinibigay tulad ng:

1. Furosemide 40 mg tablet – Ito ay gamot na pampaihi. Dahil mahina ang

puso, nag-iipon tuloy ang tubig sa buong katawan.

2. Ace-inhibitors tulad ng Enalapril 10 mg o Captopril 25 mg tablet – Mabisa

ang gamot na ito para mapaliit ng bahagya ang lumalaking puso.

Paano matatanggal ang sobrang manas ng heart failure?

1. Limitahan ang pag-inom ng tubig at likido sa 4 hanggang 5 baso lang

sa isang araw. Kabilang na dito ang sopas, juice, at matutubig na prutas.

Kapag uminom ka ng isang tasang sabaw, 4 na baso na lang ng tubig ang

puwede mong inumin.

2. Sukatin ang iniinom at iniihi bawat araw. Ilista ito sa papel. Gumamit ng

6

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!