05.11.2014 Views

SAN YSIDRO SCHOOL DISTRICT - Chula Vista Elementary School ...

SAN YSIDRO SCHOOL DISTRICT - Chula Vista Elementary School ...

SAN YSIDRO SCHOOL DISTRICT - Chula Vista Elementary School ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT

84 East “J” Street Chula Vista, CA 91910 (619) 425-9600

Mahal na mga Magulang,

MGA PAGLILINGKOD SA KALUSUGAN Ika-21 ng Hulyo, 2010

Ang ating paaralan ay may mga mag-aaral na napakadaling mahawahan ng mikrobiyo at sakit at may

kahinaan ang katawang lumaban sa mga sakit. Ibig sabihin nito na ang mga batang ito ay madaling kapitan

ng nakahahawang sakit at mikrobiyo. Ang inyong tulong ay kailangan upang matiyak na ang mga batang

may karamdaman ay hindi dapat papasukin sa paaralan.

Huwag papasukin sa paaralan ang isang batang may mga sintomas na:

Lagnat na 100.5°F o higit pa, kinuha sa bibig (o 101°F kuha sa tainga, sa puwit o sa sintido).

Dapat malaman na ang temperatura na kuha sa tainga ay hindi tiyak na tama at dapat kunin ang

temperatura sa ibang paraan, kung ang init ay mataas. Kapag ang lagnat ay may kasamang mga

pantal, nananakit ang tainga, nananakit na lalamunan, matamlay, o nasusuka, ang lagnat ay

maaaring nakakahawang sakit. Panatilihin sa bahay ang bata hangga’t wala nang lagnat. Huwag

bigyan ng aspirin ang mga bata at kabataan para pang-alis ng katamlayan o lagnat na hindi muna

isinasangguni sa manggagamot ang tuwirang gamot. Ang aspirin at mga gamot na may aspirin ay

maaaring tumaas ang pagkakataong magkaroon ng Reye’s Syndrome.

Ubo at hirap sa paghinga – panatilihin sa bahay kapag ang bata ay nahihirapang huminga

(umaangat ang dibdib sa bawa’t paghinga), mabilis ang paghinga kapag nakahiga, nagiging asul

ang kulay ng balat, humihingal (kapag hindi pa nasuri at nagamot), napagkilala itong ubong tuyot o

pertusis / whooping cough (maliban kung 5 araw nang umiinom ng gamot), o napagkilalang

tuberkulosis (hanggang sa magamot).

Pantal na hindi alam, lalo na kung mayoong lagnat at kakaibang pag-uugali.

Namumulang mata, hindi ginamot, na may pananakit sa mata at mapula, kalimitang may puti at

dilaw na lumalabas, may muta sa paligid nito pagkagising, mahapding mata, at mapula.

Bulutong-tubig - panatilihin sa bahay hanggang lahat ng butlig ay natuyo at walang palatandaang

may sakit.

Nagtatae – panatilihin sa bahay kapag ang mag-aaral ay gumagamit ng saplot, kapag mayroong

dugo o uhog sa pagdumi (maliban kung galing sa gamot o matigas na pagdumi), kung ang pagdumi

ay itim lahat o maputla, o kapag ang pagdumi ay malabnaw at nagiging malimit. At saka,

magpatingin sa manggagamot kaagad at huwag papasukin ang bata kapag ang pagtatae ay

kasama ang: hindi makaihi sa loob ng 8 oras, namumutlang balat, o ang bata ay mukhang

maysakit.

Sumusuka nang higit na minsan sa isang araw o may kasamang lagnat, pantal o panghihina.

Impetigo – Panatilihin ang bata sa bahay ng 24 oras makatapos sa simulang pag-inom ng gamot.

Buni (nakahahawang sakit sa balat). Panatilihin ang bata sa bahay hanggang nasimulan ang

panggagamot, sa hayagang lugar. Ang buni sa katawan ay maaaring gamutin ng kremang

inilalapat sa tuwirang bahaging may buni at takpan ng benda. Ang buni sa ulo ay nangangailangan

ng pag-inom ng gamot, subali’t ang bata ay maaaring bumalik sa paaralan kung may tamang gamot

o natakpan.

Namimitak na labi o ilong dahil sa sipon – Ang namimitak na labi o ilong ay maaaring

nakakahawa buhat sa isang tao sa ibang tao, subali’t sa pamamagitan ng tuwirang pagkadampi

lamang. Ang mga batang naglalaway o inilalagay ang laruan sa kanilang bibig kapag may bitak sa

ilong/bibig ay dapat manatili sa bahay. Ang ibang mga bata ay maaaring papasukin sa paaralan.

Ang mga mag-aaral na may sintomas ng mga nasa itaas ay dapat lumiban

kahit 24 oras bago bumalik sa paaralan.

DISTRITO ESCOLAR PRIMARIO DE CHULA VISTA

84 East “J” Street Chula Vista, CA 91910 Tel. (619) 425-9600

Antibayotik

Ang mga batang binigyan ng antibayotik dahil sa mga nasa itaas na sakit ay dapat nasa pagkalinga ng

isang BUONG 24 oras (mas matagal sa ubong tuyot at kumakahol na tinatawag na Pertussis/Whooping

Cough) bago bumalik sa paaralan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Kung sa anumang oras na hindi ninyo matiyak kung ang inyong anak ay may sakit na nakakahawa, maaari

kayong tumawag sa manggagamot ng inyong anak. Kung mayroon kayong karagdagang mga tanong,

pakitawagan ang inyong paaralan upang makipag-usap sa nars ng paaralan.

Salamat sa inyong patuloy na pagsuporta sa mga pamilya ng ating bayang paaralan.

Sandigan ng Edukasiyon:

DAVID BEJARANO RUSSELL Y. CORONADO LARRY CUNNINGHAM DOUGLAS E. LUFFBOROUGH, III PAMELA B. SMITH

Tagapamahala:

LOWELL J. BILLINGS, Ed.D.

Binago: 3/10

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!