11.11.2014 Views

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT 2011-12 ...

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT 2011-12 ...

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT 2011-12 ...

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT

2011-12

Taonang Pagbibigay-Alam

Sandigan ng Pag-aaral

David Bejarano • Russell Y. Coronado • Larry Cunningham

Douglas E. Luffborough, III • Pamela B. Smith

Tagapamahala

Francisco Escobedo, Ed.D.

PANTAY NA PAGKAKATAON NG MGA TAGAPANGASIWA

Ang Chula Vista Elementary School District ay nakapangakong magkaloob ng pantay na pagkakataon sa pagaaral,

kasunduan, at pagpapatrabaho sa lahat ng mahigpit na pagpapatupad sa lahat ng nakalapat na batas at

patakaran ng estado at bansang pamahalaan. Ang kagawad ng Distrito na sumusubaybay sa pagpapatupad ay si

Sandra Villegas-Zúñiga, Pangalawang Tagapamahala ng Human Resources Services and Support, 84 East J

Street, Chula Vista, CA 91910, telepono 619-425-9600, ekstensiyon 1340. Ang sinumang naniniwalang siya ay

isang biktima ng paglabag sa batas na pamumukod-tangi sa patrabaho, kasunduan, o sa mga programa sa pagaaral

ay maaaring maglatag ng reklamo sa Tanggapan ng Human Resources ng Distrito.

TUNGHAYAN ANG KOPYA NG DOKUMENTONG ITO SA http://www.cvesd.org/parents/notifications.aspx

818080 A (05/11)

2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM

LISTAHAN NG NILALAMAN

PAG-AMING NATANGGAP ANG DOKUMENTO

Taonang Pagbibigay-alam .................................... 1

Paggamit sa Internet ng Mag-aaral ........................ 2

PAGPASOK

Pagliban Dahil sa Pananampalataya ...................... 3

Pagliban ................................................................. 3

Mag-aaral na May Pansamantalang Kapansanan:

Bukod na Pagtuturo ............................................. 3

Pagbibigay-alam ng Pinaikling Araw at Walang

Mag-aaral sa Araw ng Paglinang ng mga Kawani .. 3

Pagbibigay-alam ng Kahaliling Paaralan ................ 3

DISIPLINA

Tungkulin ng mga Mag-aaral .................................. 3

Pananamit .............................................................. 3

Disiplina ng Mag-aaral ............................................ 3

Pagdalo ng Magulang sa Klase ng Anak ................ 3

Tungkulin sa Inaasal ng Mag-aaral ......................... 3

Pambubuska sa Kasarian ....................................... 3

Pagbawal sa Gawaing “Hazing” ............................. 4

Pagbawal ng Pangungulit ....................................... 4

NAKATAKDANG PAMALAKAD SA PROTEKSIYON AT

REKLAMO

Pagbibigay-alam ng Pansariling Karapatan ng

Magulang at Mag-aaral ...................................... 4

California School Information Services ................... 4

May Kapansanang Mga Mag-aaral ......................... 4

Paglalahad ng Walang Pamumukod-tangi ............. 4

Batas sa Proteksiyon sa Karapatan ng Mag-aaral .. 4

Talaan ng Mag-aaral: Karapatan ng Magulang ..... 4

Pag-iingat sa mga Kaalaman Tungkol sa Mga

Taong May Pambihirang Pangangailangan ........ 5

Patakaran sa Pantay na Pagrereklamo .................. 5

MGA PROGRAMA SA PAG-AARAL

Pag-aaral sa Pangkalusugang Kasarian ................ 5

Pantay sa Kasarian sa Pagbalangkas ng

Hinaharap na Pangkabuhayan ........................... 5

Araling Nakakapinsalang Paggamit sa Hayop ........ 5

WALANG BATANG NAPAG-IIWANAN

Pagpapanatili .......................................................... 5

Mga Paunawa sa mga Magulang sa Wikang Hindi

English ................................................................ 5

Antas na Nagagawa ng Mag-aaral ......................... 5

Pagbibigay-alam sa Magulang ng Nag-aaral ng

English ................................................................ 5

Mga Katangian ng Guro ......................................... 5

TITLE I

Programang Pagpapabuti sa Kalagayan ng

Paaralan ............................................................. 6

PAGLILINGKOD SA KALUSUGAN

Bakuna sa mga Nakahahawang Sakit .................... 6

Panggagamot ......................................................... 6

Pagpapatuloy na Panggagamot ............................. 6

Programang Pangkalusugan at Paghadlang sa

Mga Kapansanan ng Bata .................................. 6

Pagsusuri sa Kalusugan sa Bibig ........................... 6

Pangangatawang Pagsusuri ................................... 6

Madaliang Panggagamot ........................................ 6

Pampurok Palistahan ng Bakuna sa San Diego ..... 6

Paggamit ng Gamot Pamahid ................................ 6

Sariling Pangangasiwa ng Kusang Itinuturok na

Epinephrine ........................................................ 6

Sariling Pangangasiwa ng Gamot na Nilalanghap

sa Hika ............................................................... 6

Inilihim na Pagpapagamot ...................................... 6

Seguro ng Mag-aaral .............................................. 6

Asbestos................................................................. 6

PAGLILINGKOD SA MGA KABATAANG WALANG

TAHANAN

Karapatan ng mga Mag-aaral na Nasa Kalagayang

Walang Tahanan ................................................ 7

PAGLILINGKOD SA MGA ALAGANG KABATAAN

Mga Karapatan ng Alagang Mag-aaral ................... 7

KATIWASAYAN

Banghay ng Katiwasayan sa Paaralan ................... 7

Paaralang Sasakyan: Katiwasayan ng Pasahero ... 7

Katiwasayan ........................................................... 7

Nanganganib na Paaralang Pamilian ..................... 7

Kasangkapang Naghuhudyat na Elektronik............ 8

Pantutok na Laser .................................................. 8

Paaralang Walang Droga/Alak/Tabako .................. 8

Kapaligiran ng Paaralang Walang Tabako ............. 8

Huwad na Sandata ................................................. 8

Pag-uutos ng Hukuman .......................................... 8

Pagbibigay-alam ng Namamaslang ng Kasarian .... 8

Programang Pagpapaprinta ng mga Daliri ............. 8

MGA TALAAN AT NAGAWA SA PAARALAN

Pagsusulit sa Paglabas sa Mataas na Paaralan .... 8

Mga Tarhetang Ulat na Pananagutan ng Paaralan 8

Mga Reklamo tungkol sa Kakulangan kaugnay sa

Mga Kagamitan sa Pagtuturo at Kalagayang

Mahigpit na Pangangailangan ng mga Gusali .... 8

MGA PAGLILINGKOD SA MAG-AARAL

Paggamit sa Paaralang Internet at Linya sa

Kompyuter .......................................................... 8

Pinamurang Halaga ng Pananghalian .................... 8

NATATANGING PAG-AARAL

Pagkilala sa mga Mag-aaral na May Kakaibang

Pangangailangan ................................................ 8

Natatanging Pag-aaral ........................................... 8

Mga Reklamo sa Natatanging Pag-aaral ................ 8

MGA NAGKUKUSANG-LOOB ......................................... 8

KALAKIP A

Pambubuska sa Mag-aaral ..................................... 9

KALAKIP B

Pagbibigay-alam ng mga Saligang Batas sa

Pagpili ng Paaralang Papasukan ..................... 10

KALAKIP C

Pagbibigay-alam sa Mga Pamatay/Pamuksa sa

Insekto ............................................................ 11

Gagambang “Black Widow” .................................. 12

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT

84 East J Street, Chula Vista, CA 91910 PHONE (619) 425-9600 FAX (619) 427-0463

2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA

Ang batas ng estado at bansang pamahalaan ay nag-uutos na ang mga paaralang distrito ay magbigay-alam sa

mga magulang at tagapag-alaga ng mga batang mag-aaral ng kanilang mga karapatan bilang magulang (California

Education Code 48980). Kapag ginamit dito sa pagbibigay-alam, ang salitang “magulang” ay nangangahulugang

magulang o tunay na tagapag-alaga. Ang kautusang ito ay hinihiling na lagdaan ng mga magulang ang

papel ng pagbibigay-alam at ibalik sa paaralan. Ang lagda ay pagtanggap na ang mga magulang ay

binigyang-alam ng kanilang mga karapatan subali’t hindi ito nangangahulugang ang pahintulot ng pagsali

sa anumang partikular na programa ay ipinagkaloob o binawi.

Sa panahon ng paaralang taon, ang ibang pag-uutos ng batas ay naghahanap ng karagdagang pagbibigay-alam

sa mga magulang ng tungkol sa mga tuwirang gawain o klase. Isang hiwalay na sulat ay ipadadala sa mga

magulang ng hindi kukulanging 15 araw bago mangyari ang mga gawain o klase, at ang isang mag-aaral ay

maaaring bigyang paumanhing hindi sasali kapag ang mga magulang ay magbibigay ng nakasulat na pahayag sa

punong-guro na hinihiling na ang kanilang anak ay hindi sasali. Ang batas ay nagpapahintulot din ng ilang ibang

karapatang nakalahad sa kasulatang ito.

Ang mga karapatan, tungkulin, at pananggalang ng mga magulang/tagapag-alaga ay ipinagkakaloob mula

sa mga sumusunod ng legal na maykapangyarihan: Title 20, United States Code (20, USC), Title 5,

California Code of Regulations (5, CCR), California Education Code (EC), Title 40, Code of Federal

Regulations (40, CFR), Family Education Rights and Privacy Act (FERPA), Health and Safety Code (HSC),

Individuals with Disabilities Education Act (IDEA), Penal Code (PC), at Chula Vista Elementary School

District Board Policy (BP) at Administrative Regulation (AR).

“BAWA’T BATA AY ISANG NAPAKAHALAGANG NILALANG”

KATUNAYANG NATANGGAP NG MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA ANG TAONANG PAGBIBIGAY-

ALAM / LAGDANG PAGPAPATUNAY NG PAGTANGGAP SA MGA DOKUMENTO

Itong katunayan ng pagtanggap ng pagbibigay-alam sa paaralang taong 2011-12 ay dapat

tapusin, lagdaan at ibalik sa paaralan para sa bawa’t mag-aaral.

Ang inyong lagda sa papel na ito, sa kautusang EC §48982, ay nagpapatunay na napagsabihan kayo ng inyong

mga karapatan, tungkulin at pananggalang. Hindi ito nangangahulugan na ang inyong pagsang-ayon ay ibinibigay

o binabawi.

Naritong kinikilala kong aking natanggap ang mga kaalaman tungkol sa aking mga karapatan, tungkulin at

pananggalang.

(Pakiusap na Iprinta)

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________Paaralan_________________________Baitang___________

Pangalan ng Magulang___________________________________________________________________________

Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga___________________________________

Petsa___________________________

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 1 of 12

CHULA VISTA ELEMENTARY SCHOOL DISTRICT

MGA GABAY/KASUNDUAN SA PAGGAMIT NG INTERNET NG MAG-AARAL

Ang Internet ay isang pakikipag-ugnayang paggamit sa lokal o buong kompyuter network ng distritong Chula Vista Elementary

School District. Ang mga mag-aaral at guro ay nakagagamit nito bilang isang napakalakas ng kasanggapan sa pagkalap ng

mga kaalaman at pananaliksik sa isang gamundong aklatang elektronik sa network. Sa pamaraang ito, ang mga gumagamit ay

nakakapag-ugnay sa mga mangangalakal, aklatan, museo, tanggapan ng pamahalaan, at ibang mga paaralan sa buong

mundo.

Ang Internet ay isang publikong ugnayan kung saan ang mga gumagamit ay nagbibigayan ng kaisipan at kuro-kuro sa

maraming mga ibang tao. Marahil, libo o baka milyong mga gumagamit ay maaaring subaybayan ang pakikipag-usap sa

internet ng mga tao sa loob ng Chula Vista Elementary School District. Gayun din, ang mga gumagamit mula sa Distrito ay

maaaring masubaybayan ang pag-uusap ng ibang tao sa network. Ang mga tao ay hindi dapat gumamit, magpahayag,

makapagbigay, at makalathala o makapagtanghal ng nakakasakit o hindi tamang bagay na nananakot, malaswa, nakakasira, o

yaong maaaring nakakayamot. Ang mga tuntuning karaniwang lapat sa tamang asal sa paaralan ay iniuugnay sa tamang

pakikipag-usap sa internet at sa paggamit ng anumang pakikipag-ugnayan sa teknolohiya.

Ang Internet, kagaya ng mga pahayagan, aklat, TV, ang numerong 900 sa telepono, at kahit na ang mga karaniwang

pamamahayag sa telebesiyon, kalimitan ay naglalaman ng hindi nararapat na kaalaman. Kung gayon, ang paggamit nito ng

mga mag-aaral ay susubaybayan. Pakikitunguhan ng Distrito ang mga hindi tamang kaalaman sa internet kagaya ng alinmang

ibang uri na kalimitang nakasisirang bagay o kaalaman sa pamamahayag. Ang Chula Vista Elementary School District ay

hinihikayat ang paggamit ng ganitong mahalagang kagamitan sa pag-aaral, subali’t hindi papayagan ang hindi kanaisnais na

pakikipagpalitan ng kaalaman sa internet.

Ang sinuman ay hindi dapat manadyang manguha, maglipat, o lumikha ng mga nakasisira sa kompyuter at/o

magtangkang maminsala o manira ng kagamitan ng Distrito o mga bagay o talaan ng sinumang ibang gumagamit,

kabilang ang tinatawag na “hacking.”

Sa karagdagan, habang gumagawa ng pananaliksik, ang mga gumagamit ay dapat gawing iwasan ang pangongopya ng mga

kaisipan o mga panulat ng ibang tao na hindi binibigyang pagpapahalaga. Ang pangongopya, kahit na sa mga naiprinta o hindi

naiprintang pahayag, at ang paglabag sa batas na pangongopya ay hindi palalampasin.

Sa pagpatunay ng pagtanggap at pag-unawa sa mga gabay sa paggamit ng internet, ang mga mag-aaral at ang kanilang mga

magulang/tagapag-alaga ay dapat na lumagda sa dokumentong ito. Ang lahat ng kawani ng Chula Vista Elementary School

District na gumagamit ng internet ay dapat ding magkaroon ng patunay ng pagtanggap at ang kaalaman ng mga tuntuning ito.

Paunawa: Ang mga Gabay/Kasunduan sa Paggamit ng Internet ng Mag-aaral ay isang tunay na bumibigkis sa

kasunduan. Ang mga gumagamit ay dapat na lumagda rito sa kasulatan upang tumanggap ng karapatan sa Internet.

Pakiusap na basahing mabuti, tapusin at lagdaan ang ibabang bahagi nitong papel at ibalik sa inyong paaralan.

Nauunawaan ko at sunsundin ang mga nakalahad at kalagayang nakabalangkas sa Mga Gabay/Kasunduan ng Mag-aaral sa

Internet, at tatanggapin ko ang mga tungkulin sa tamang paggamit ng Internet. Kabilang dito ang tungkulin sa pagsumbong sa

anumang maling paggamit ng mga kagamitang teknolohiya ng Chula Vista Elementary School sa tamang kawani ng Distrito.

Mag-aaral:

Pangalan (pakiusap na iprinta) Lagda Petsa

KASUNDUAN SA TUNGKULIN NG MAGULANG O TAGAPAG-ALAGA SA NETWORK

Bilang magulang o tagapag-alaga ng gumagamit na mag-aaral na nakapangalan sa itaas, nabasa ko ang Mga

Gabay/Kasunduan sa Paggamit sa Internet ng Mag-aaral. Nauunawaan kong ang paggamit ng Internet ay nabalangkas para

sa pag-aaral, at ang CVESD ay gumawa ng pag-iingat na tangkang iwasan ang mga maseselang bagay. Gayunpaman,

inaamin kong mahirap para sa CVESD na ipagbawal ang paggamit sa lahat ng maselang bagay, at hindi ko pinanghahawakan

na pananagutan ng Distrito ang mga bagay na nalikom o nakuha sa network.

Sa pagpapatuloy, tinatanggap ko ang lahat ng pananagutan sa pangangasiwa kung at kapag ang ang paggamit ng aking anak

ay walang kinalaman sa pag-aaral. Narito akong nagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng aking anak at pinatutunayan na ang

lahat ng kaalamang nakalagay sa papel na ito ay totoo.

Magulang o Tagapag-alaga:

Pangalan (pakiusap na iprinta) Lagda Petsa

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 2 of 12

PAGPASOK

PAGLIBAN DAHIL SA PANANAMPALATAYA (EC §§ 46014 at 51240): Ang mga mag-aaral, sa kapahintulutan ng kaniyang mga magualng, ay maaaring lumiban

sa paaralan upang sumali sa mga gawain sa pananampalataya o upang tumanggap ng mabuti at banal na pagtuturo sa kanilang sariling lugar ng pananampalataya

o ibang karapatdapat na lugar na malayo sa paaralan na itinakda ng lupon ng pananampalataya, simbahan, o relihiyon. Ang bawa’t mag-aaral na pinayagan ay

papasok sa paaralan ng kahit maikling araw para sa kaniyang marka. Walang mag-aaral ang papayagang lumiban sa paaralan sa anumang dahilang higit na apat

na araw sa bawa’t paaralang buwan.

PAGLIBAN (EC §§ 48205 at 48980(a)): Ang batas ng estado ay nagpapahintulot sa isang mag-aaral na lumiban sa makatuwirang pansariling mga kadahilanan.

Batay sa Sandigang patakaran, ang paghiling ay dapat na nakasulat at may sang-ayon ang punong-guro ng mag-aaral. Walang mag-aaral na ang kaniyang marka

ay bumaba o nawalan ng puntos sa pag-aaral dahil sa anumang pinayagang pagliban batay sa EC §48205, o dahil sa hindi nagawang takdang-aralin/ pagsusulit na

maaaring maibigay/natapos.

Ang buong nilalaman ng EC § 48205 ay nakalahad sa ibaba:

(a) Maliban sa §48200, ang isang mag-aaral ay papayagang lumiban sa paaralan kapag ang pagliban ay:

(1) Dahil sa kaniyang karamdaman.

(2) Dahil sa ikukulong sa ilalim ng pag-uutos ng lalawigan o bayang kagawad ng kalusugan.

(3) Para sa paglilingkod na ipagkakaloob ng manggagamot, dentista, doktor sa mata, o manghihilot.

(4) Para sa dahilang pupunta sa libing ng isang kamag-anak, hangga’t ang pagliban ay hindi hihigit ng isang araw kung ang libing ay gaganapin sa

California at hindi hihigit ng tatlong araw kung ang libing ay gaganapin sa labas ng California.

(5) Para sa dahilang paglilingkod sa hukuman na gawaing ipinag-uutos ng batas.

(6) Dahil sa karamdaman o pakikipagkita sa manggagamot sa panahong oras ng pag-aaral ng isang bata na ang mag-aaral ay umaarugang magulang.

(7) Sa makatarungang pansariling mga kadahilanan, kabilang, subali’t hindi humahangga sa, pagharap sa hukuman, pagpunta sa libing, pagsunod sa

araw ng pangilin o pagdiriwang ng kaniyang pananampalataya, pagdalo sa pananampalatayang pamamahinga, pagdalo sa mga panayam sa

trabaho, kapag ang pagliban ng mag-aaral ay hiniling na nakasulat, ng magulang o tagapag-alaga na pinagtibay ng punong-guro o ng naturang

kinatawan batay sa pantay na mga patakarang nilikha ng nangangasiwang sandigan.

(8) Para sa dahilang paglilingkod bilang kasapi ng sandigang presinto para sa halalan ayon sa §12302 ng Batas sa Halalan.

(b) Ang isang mag-aaral na lumiban sa paaralan sa ilalim ng bahaging ito ay papayagang matapos ang lahat ng takdang-aralin at pagsusulit na hindi nakuha

sa panahon ng pagliban na makatuwirang maibibigay at, kapagka natapos sa loob ng panahon, ay mabibigyan ng buong puntos. Ang guro ng anumang

klase kung saan ang mag-aaral ay lumiban ay titingnan ang mga pagsusulit at takdang-aralin na makatuwirang kahambing sa, subali’t hindi kailangang

magkapareho sa, mga pagsusulit at takdang-araling hindi nakuha ng mag-aaral noong siya ay lumiban.

(c) Para sa layunin ng bahaging ito, ang pagdalo sa mga pamamahinga sa pananalampataya ay hindi lalabis ng apat na oras bawa’t semestre.

(d)

(e)

Ang mga pagliban ayon sa bahaging ito ay ibibilang na mga pagliban sa pagkuha ng arawang pagpasok at hindi sa pangolekta ng bayad mula sa estado.

Ang “malapit na kaanak” na ginamit bahaging ito, ay may kaparehong kahulugan sa nakalahad sa §45194, maliban yaong tumutukoy doong “kawani” na

ibinibilang na “mag-aaral”. Ang malapit na kaanak na nakalista sa §45194 ay: nanay, tatay, lolo, lola, o isang apo ng kawani (mag-aaral) o ng asawa ng

kawani (mag-aaral), at ang asawa, anak, manugang, o kapatid ng kawani (mag-aaral), o sinumang kamag-anak na nakatira sa malapit na kasambahay ng

kawani (mag-aaral).

MGA MAG-AARAL NA MAY PANSAMANTALANG KAPANSANAN: BUKOD NA PAGTUTURO (EC §§ 48206.3, 48207-48208, 48980 (b)): Ang bukod na

pagtuturo na nakalaan sa mga mag-aaral na nasa pagamutan o ibang tirahang pangkalusugan ay ipagbibigay-alam sa Distrito sa lugar kung saan ang mag-aaral ay

tumatanggap ng pag-aaruga kung ang programang bukod na pagtuturo ay ninanais. Ang mga mag-aaral na nasa pagamutan dahil sa pansamantalang kapansanan

ay naturingang mga nakatira sa distritong lugar kung saan naroroon ang pagamutan.

PAGBIBIGAY-ALAM NG PINAIKLING ARAW AT WALANG MAG-AARAL SA MGA ARAW NG PAGLINANG NG MGA KAWANI (EC § 48980 (c)): Ang mga

magulang ay sinasabihan (ng hindi lalampas ng isang buwan bago) ng anumang nakatakdang pinaikling mga araw o walang mag-aaral sa mga araw ng paglinang

ng mga kawani. Ang tanggapan ng paaralan ng mag-aaral ay magbibigay-alam ng lahat ng pinaikli at talakdaan ng mga araw ng paglinang ng mga kawani.

PAGBIBIGAY-ALAM NG KAHALILING MGA PAARALAN (EC §§ 58501 at 58502): Ang batas ng Estadong California ay nagpapahintulot sa lahat ng paaralang

distrito ang pagkakaloob ng kahaliling mga paaralan. Binibigyang kahulugan ng EC ang kahaliling paaralan bilang isang paaralan o hiwalay na lupon ng klase sa

loob ng isangg paaralang pinangangasiwaan sa paraang nakabalangkas na:

(a)

(b)

(c)

(d)

(e)

Palawakin ang pagkakataon ng mga paaralang na malinang ang magandang pagpapahalaga sa sariling pagtitiwala, pagsusumikap, kabutihan, katapatan,

palaisip, lakas ng loob, malikhain, may pananagutan, at masigla.

Kinikilala na ang mahusay na pag-aaral ay nagaganap kung ang mga mag-aaral ay natututo dahil sa kanilang kagustuhang matuto.

Panatilihin ang isang kalagayang pag-aaral sa pagpapalaki ang sariling pagsisikap ng mag-aaral at hikayating ang mga mag-aaral na sundin ang kanilang

sariling hilig sa kanilang sariling oras. Ang mga hilig na ito ay bunga ng buo o bahagi mula sa paglalahad ng kanilang mga gurong nagugustuhan sa mga

gawaing aralin.

Palawakin ang pagkakataon para sa mga guro, magulang, at mag-aaral na makipagtulungang malinang ang paraan ng pag-aaral at ng kaniyang paksangaralin.

Ang pagkakataong ito ay magiging walang patid at permanenteng pamaraan.

Palawakin ang pagkakataon para sa mga mag-aaral, guro at mga magulang na magpatuloy na makipagtunggali sa nagbabagong mundo, kabilang subali’t

hindi humahangga sa, bayang kinaroroonan ng paaralan.

Sa pagkakataong ang sinumang magulang, mag-aaral, o guro na nagnanais ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga kahaliling paaralan, ang mga kopya ng

batas ay makukuha sa Tanggapan ng County Superintendent of Schools, sa Education Service and Support Center ng Distrito, at sa tanggapan ng punong-guro.

Ang tuwirang batas na ito ay nagpapahintulot sa mga interesadong taong humiling sa Nangangasiwang Sandigan ng distrito na lumikha ng mga kahaliling paaralang

programa sa bawa’t Distrito. Ang magulang ng sinumang mag-aaral ay maaaring humiling sa Nangangasiwang Sandigan ng Distritong magkaroon ng isang

kahaliling paaralang programa o mga programa sa distrito.

DISIPLINA

TUNGKULIN NG MGA MAG-AARAL (5 CCR § 300): Ang mga mag-aaral ay kailangang pumasok sa paaralan tuwina at sa tamang oras; sumusunod sa mga

patakaran ng paaralan, sumusunod kaagad sa lahat ng pag-uutos ng guro at mga ibang nasa kapangyarihan; sumusunod sa mabuting pag-uutos at wastong paguugali;

masikap sa pag-aaral; maging magalang sa mga guro at ibang nasa kapangyarihan; mabait at mapitagan sa mga kamag-aral; at umiwas sa paggamit ng

malaswa at masamang salita.

PANANAMIT (EC §§ 35183 at 35183.5, BP 5132): Magsuot ng pananamit na angkop sa mga gawain sa paaralang kasali ang mag-aaral. Ang damit ng mag-aaral

ay hindi dapat magbibigay ng panganib sa kalusugan o nakakatawag-pansin, na magiging sagabal sa pag-aaral. Maraming paaralan ang piniling magkaroon ng

uniporme. Dapat magpahintulot ang mga paaralan para sa panlabas na pananamit, sa araw ng pag-aaral, ng mga pananamit na pananggalang sa araw. Ang

paaralan ay magkakaroon ng pamalakad tungkol sa uri ng pahihintulutang pananamit. Ang mga mag-aaral ay maaaring maglagay ng pamahid laban sa araw sa

pasukan na walang sulat o hatol ng manggagamot. Bawa’t paaralan ay magkakaroon ng isang pamalakad tungkol sa paggamit ng sunscreen.

DISIPLINA NG MAG-AARAL (EC §§ 35291 at 35291.5): Ang mga alituntunin tungkol sa disiplina ng mag-aaral, kabilang yaong nasasakop ng pagsuspende at

pagpapatalsik, ay nakabalangkas sa EC §48900 et seq. at makukuha sa punong-guro ng paaralan. Ang mga ito ay taonang ipinaaalam sa lahat ng mag-aaral.

PAGDALO NG MAGULANG SA KLASE NG ANAK (EC § 48900.1): Kapag sinuspende ng guro ang isang mag-aaral sa mga kadahilanang nakalahad sa

patakarang (j) o (k) ng EC § 48900, ang guro ay maaaring hilinging ang magulang ng mag-aaral na dumalo ng isang bahagi ng araw sa klase ng batang

nasuspende. Ang mga kawani ay hindi maaaring mamukod tangi laban sa mga magulang na tumutupad ng kahilingang ito.

TUNGKULIN SA ASAL NG MAG-AARAL (EC § 44807): Bawa’t guro sa publikong paaralan ay may panghahawakang pananagutan sa mga mag-aaral sa kanilang

asal sa pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan, sa mga palaruan, at sa panahon ng reses.

PAMBUBUSKA SA KASARIAN (EC §§ 231.5 at 48980 (g), 5 CCR § 4917): Ang Distrito ay nakapangakong magkakaloob sa mga mag-aaral ng isang natututong

kapaligirang walang pambubuska sa kasarian at hindi pumapayag ng gayong asal sa panig ng sinumang kawani o mag-aaral ng Distrito. Isang kopya ng Board

Policy 5145.7 at Administrative Regulation 5145.7. Ang Pambubuska sa Mga Mag-aaral, ay taonang ipinadadala sa mga magulang (Tunghayan ang Kalakip “A”).

Sinumang mag-aaral na may reklamo sa pambubuska sa kasarian ay dapat isumbong ito kaagad sa punong-guro na magsasagawa ng paglilitis sa reklamo na

nakalagay sa Board Policy 1312.3, kung saan makukuha sa bawa’t paaralan. Walang sinuman ang dadanas ng paghihiganti sa pagsumbong ng anumang

pangyayari sa kasariang pambubuska o sa paglagay ng reklamo. Ang Distrito ay kaagad at ganap na magsisiyasat sa anumang reklamo sa kasariang pambubuska

at gagawa kaagad ng pagsasagawa upang malutas ang reklamo.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 3 of 12

PAGBAWAL SA GAWAING “HAZING” (EC § 48900(q)): Ang mga mag-aaral o ibang taong pumapasok sa alinmang publiko o pribadong paaralan ay dapat

umiwas sa pakikipagsabuwatan sa pagsali sa gawaing “hazing”. Ang pagsali sa “hazing” ay isang batayan sa pagsuspende o pagpatalsik sa isang mag-aaral. Ang

EC §48900(q) ay naglalarawan na ang “hazing” ay isang paraan ng pagsubok sa pagpasok o simulang pagpasok sa isang samahan o kinatawan ng mga mag-aaral,

kahit na o hindi ang samahan o kinatawan ay totoong kinikilala ng isang paaralan, kung saan maaaring maging dahilan ng malubhang pinsala sa katawan o

pagbaba ng katauhan o kahihiyan na ang kahihinatnan ng ikasasama ng katawan o pag-iisip ng isang nakalipas, kasalukuyan, o hinaharap ng mag-aaral. Hindi

kasali sa EC §48900(q) ang mga pampalakasang mga gawain o mga pangyayaring may kinalaman sa paaralan sa mga katuturan ng “hazing”.

PAGBAWAL NG PANGUNGULIT

Ang Distrito ay maaaring magsuspende o magpatalsik ng mga mag-aaral sa pambubuska (EC § 48900(r)). Ang pambubuska ay kabilang ang panungutya na

isinagawa sa katauhan, pananalita, o sa kompyuter. Ang pagsasagawa ng pambubuska na ginawa sa Internet (hal. panlipunang networking sa paaralan, emayl),

pagpapadala ng text, o ibang kagamitang elektronik (kabilang ang telepono) ay maaaring batayan sa pagdisiplina (EC §32261(f at g)). Ang EC § 48900(r) ay

naglalarawan na ang pambubuska bilang isang gawa ng isang mag-aaral o lupon ng mga mag-aaral na sinadya laban sa tuwirang ibang mga mag-aaral o kawani

ng paaralan na binubuo ng kasariang pambubuska (EC §48900.2), dahas sa pagkamuhi (EC § 48900.3), o malubha o nananalakay na sinadyang pambubuskang

pananakot, o pagsindak na nakakabalisa, nagdudulot ng gulo, at nananalakay sa karapatan ng iba sa paglikha ng nananakot o magulong kapaligiran sa pag-aaral

(EC §48900.4).

NAKATAKDANG PAMALAKAD SA MGA PROTEKSIYON AT REKLAMO

PAGBIBIGAY-ALAM NG PANSARILING KARAPATAN NG MGA MAGULANG AT MAG-AARAL FERPA (EC §§ 49061, 49063 at 49073, 34 C.F.R. § 99 et seq.):

Ang mga batas ng bansang pamahalaan at estado ay nagkakaloob ng ilang mga karapatang personal at karapatan sa paggamit ng tungkol sa mga mag-aaral at

magulang. Ang ganap na makakuha sa lahat ng personal na kaalamang nakasulat na mga talaang pinangangalagaan ng Distrito ay dapat na maipagkaloob sa (1)

mga magulang ng mga mag-aaral sa gulang na 17 at mas bata; (2) mga magulang ng mga mag-aaral na may gulang na 18 at higit pa kapag ang mag-aaral ay

isang nagsasarili para sa dahilang pagbayad ng buwis; at (3) mga mag-aaral na may gulang na 18 o mas higit, o mga mag-aaral na pumapasok sa mga paaralang

pagkatapos ng mataas na paaralan (tinatawag na “karapatdapat na mga mag-aaral”).

Ang mga magulang ng isang karapatdapat na mag-aaral ay maaaring pag-aralan ang bawa’t talaan sa pamamagitan ng paghiling sa punong-guro. Ang punongguro

ay titiyaking ang mga paliwanag at pagbibigay kahulugan ay ipagkakaloob. Ang mga kaalamang sa palagay ay hindi tama at hindi dapat ay maaaring

matanggal sa pakiusap. Ang mga magulang ng karapatdapat na mag-aaral ay maaaring tumanggap ng kopya ng anumang kaalamang nasa talaan sa

makatuwirang bayad bawa’t pahina. Ang mga patakaran at pamalakad ng Distrito na may kaugnayan sa lugar ng at uri ng mga talaan, mga uri ng mga kaalamang

itinago, mga taong may pananagutan sa mga talaan, kaalaman sa mga listahan, pagkuha ng ibang tao, pagsuri at paghamon sa mga talaang nakalaan sa

pamamagitan ng punong-guro at bawa’t paaralan. Kapag ang isang mag-aaral ay lumipat sa isang bagong distritong paaralan, ang mga talaan ay ipadadala

kapagka hiniling ng bagong distrito. Sa oras ng paglipat, ang magulang o ang karapatdapat na mag-aaral ay maaaring suriin, tumanggap ng kopya (sa dapat na

bayad) at/o maaaring hamunin ang mga talaan.

Ang Distrito ay gagawing ang listahan ng kaalaman ng mag-aaral ay nakalaan batay sa mga batas ng pamahalaan at estado (EC § 49073). Ibig sabihin nito na ang

bawa’t pangalan, kapanganakan, tirahan, telephono, pangunahing kurso ng pag-aaral, pagsali sa mga gawaing paaralan, mga petsa ng pagpasok, mga gantimpala,

mga pinakahuling nakaraang pinasukang paaralan, at taas at timbang bilang isang manlalaro ng mag-aaral ay maaaring ipamigay batay sa Sandigang Patakaran.

Ang nararapat na listahan ng kaalaman ay maaaring ipagkaloob sa alinmang sangay o tao maliban sa mga samahang pribado, mga samahang nakikinabang

(maliban sa mga nagpapatrabaho, may kakayahang magpatrabaho, mga mamamahayag). Ang mga magulang at karapatdapat na mag-aaral ay bibigyang-alam

bago ang pagsira sa anumang talaan sa natatanging pag-aaral. Kapagka tanggap ng nakasulat na paghiling mula sa magulang ng isang mag-aaral na may

gulang na 17 o mas bata, ang Distrito ay tatangging magbigay ng listahang kaalaman tungkol sa mag-aaral. Ang mga kahilingan ay dapat ibigay sa loob

ng 30 kalendaryong araw ng pagkatanggap nitong pagbibigay-alam.

Kung kayo ay naniniwalang na ang Distrito ay hindi sumusunod sa batas ng pamahalaan tungkol sa pangangalaga, maaari kayong magbigay ng reklamo sa Kalihim

ng Edukasiyon ng Estado Unidos.

CALIFORNIA SCHOOL INFORMATION SERVICES (CSIS): Ang Chula Vista Elementary School District ay sumasali sa programang CSIS sa elektronik na

paglipat ng talaan ng mag-aaral para sa estadong pag-ulat sa California Department of Education at sa mga distrito at/o sa mga paaralang publiko makatapos ng

mataas na paaralan kung saan ang mag-aaral ay lumilipat o naghangad na matanggap. Ang lahat ng talaang nasa pangangalaga ng programang CSIS ay sa

pagsunod sa kinakailangang pangangalaga at paglilihim ng bansang pamahalaan at estado sa mga talaan. Ang mga kaalaman tungkol sa mag-aaral ay

namarkahan kung kaya walang pansariling pagkilalang kaalaman ay nasa pag-iingat ng CSIS.

Ang pakinabang sa pagsali ng mag-aaral at magulang ay ang mga talaan ng mag-aaral ay maaaring ilipat nang madalian, at ang mga kaalaman tungkol sa panukat

at ang paglalagyan sa mag-aaral ay magiging nakalaan sa oras ng paglipat. Ang mga paaralan at distrito ay nakikinabang sa pagbabago at pagbabawas ng

kailangang pag-uulat sa estado. Ang mga magulang ay may karapatang siyasatin ang mga kaalaman ng mag-aaral na pinangangalagaan ng programang CSIS.

Tawagan si Susan Fhale, Assistant Superintendent Business Services and Support, na simulan ang patakarang ito.

MGA MAG-AARALNA MAY KAPANSANAN (34 CFR §§ 104.32 at 104.36, Vocational Rehabilitation Act of 1973, § 504): Ang Distrito ay hindi nag-iisangtabi

batay sa kasarian, lahi, kulay, bansang pinagmulan, o kakulangan sa kakayahan sa English. Makatuwirang pagsasaayos ay nakalaan para sa mga may

kapansanang mag-aaral. Maaaring suriin ng mga magulang ang mga talaang may kinalaman at pagsali sa walang kinikilingang paglilitis, kabilang ang pagkakataon

upang itayo ng kinakatawang tagapayo, at suriin ang patakaran.

PAGLALAHAD NG WALANG PAMUMUKOD-TANGI (Title VI ng Civil Rights Act ng 1964 at Title IX ng Educational Amendment Act ng 1972): Ang Distrito

ay may isang pamalakad ng walang pamumukod-tangi batay sa lahi, kulay, pananampalataya, bansang pinagmulan, kasarian, o kapansanan. Ang pamalakad na

ito ay angkop sa lahat ng mag-aaral sa pagsali sa mga programa at gawaing pinag-uusapan hindi kabilang ang ilan kagaya ng may kasunduang palakasan. Sa

pag-uutos ng batas ng bansang pamahalaan, ang mga reklamo sa mga hindi pagtupad sa pamalakad na ito ay dapat na ibigay sa punong-guro ng paaralan. Ang

mga panawagan ay maaaring gawin sa panulat sa Tagapamahala ng Distrito o kaniyang kinatawan. Ang Distrito ay gagawa ng hakbang upang tiyaking ang

kawalan karunungan sa English ay hindi magiging balakid sa pagkatanggap sa at pagsali sa mga programa ng Distrito.

BATAS NA PANANGGALANG SA KARAPATAN NG MAG-AARAL (20 U.S.C. § 1232h. EC § 51513): Ang Distrito ay nangangasiwa ng California Healthy Kids

Survey sa mga mag-aaral ng ikalimang baitang bawa’t ikalawang taon. Ang surbey na ito ay kabilang ang walang nakaaalam na pananaliksik sa mga kaugalian at

panganib sa kalusugan ng mag-aaral. Ang mag-aaral ay maaaring hindi sasali sa alinmang walang nakaaalam, kusang pagsali, at pangangalaga ng pagsusulit, mga

pagtatanong, o surbey sa mga kaugalian at panganib sa kalusugan ng mag-aaral kung ang paaralan ay nakatanggap ng nakasulat na paghiling mula sa magulang

ng mag-aaral na nakikiusap ng hindi pagsali ng mag-aaral, at sa isang kahaliling gawain sa pag-aaral ay magagawang maibigay. Ang mga magulang ay may

karapatang suriin ang surbey at ipagkakaloob na makuha sa makatuwirang panahon pagkatapos na ang paghiling ay natanggap. Ang karagdagang kaalaman

tungkol sa surbey na ito ay ipadadala sa mga magulang ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang bago ang pangangasiwa ng surbey.

TALAAN NG MAG-AARAL: MGA KARAPATAN NG MAGULANG (EC §§ 49063, 56043(n) at 49069, 5 CCR § 431(e), at FERPA): Ang Family Educational Rights

and Privacy Act (FERPA) ay nagkakaloob sa mga magulang at mag-aaral na higit sa 18 taong gulang (“karapatdapat na mag-aaral”) ang ilang karapatang may

kinalaman sa talaan sa pag-aaral ng mag-aaral. Ang mga karapatang ito ay:

(1) Ang karapatang siyasatin at suriin ang talaan sa pag-aaral ng mag-aaral at/o makuha ang mga kopya ng talaan sa pag-aaral ng mag-aaral sa loob ng 5

araw ng pangangalakal na natanggap ng paaralan ang hiling na makuha. Ang mga magulang o karapatdapat na mag-aaral ay dapat magbigay sa

punong-guro ng paaralan (o nararapat na kagawad ng paaralan) ng nakasulat na paghiling na makita ang mga talaan na kanilang nais na masiyasat.

Ang kagawad ng paaralan ay gagawa ng pagsasaayos upang makuha at ibigay-alam sa magulang o karapatdapat na mag-aaral ang oras at lugar kung

saan ang mga talaan ay maaaring matingnan o makuha ang mga hinihiling na talaan.

(2) Ang karapatang humiling na mabago ang talaan sa pag-aaral ng mag-aaral kapag ang magulang o karapatdapat na mag-aaral ay naniniwalang ang

alinman sa sumusunod: (1) hindi tama; (2) hindi napatunayang sariling paghatol; (3) ang paghatol o hakahaka sa labas ng karanasan ng nagmamasid;

(4) hindi batay sa sariling obserbasiyon ng naturingang tao sa loob ng panahon at lugar ng naturang pagmamasid; (5) nakaliligaw; o (6) o kaya

lumalabag sa pansariling karapatan ng mag-aaral. Ang mga magulang o karapatdapat na mga mag-aaral ay dapat magbigay ng nakasulat na paghiling

sa sa punong-guro ng paaralan (o karapatdapat na kagawad), ng maliwanag na pagpapahiwatig ang bahagi ng talaan na nais mabago, at

pagpapaliwanag kung bakit ito mali at nakalilito. Kung ang paaralan ay nagpasiyang huwag baguhin ang talaan gaya ng hinihiling ng magulang o

karapatdapat ng mag-aaral, ipagbibigay-alam ng paaralan sa magulang ang pasiya at pagpayo sa kanilang karapatan sa isang paglilitis tungkol sa

hiniling na pagbabago. Ang karagdagang kaalaman tungkol sa mga patakaran sa paglilitis ay ipagkakaloob sa magulang kapag ibinigay-kaalaman ang

mga karapatan sa paglilitis.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 4 of 12

(3) Ang karapatang magbigay ng kaalaman sa pansariling katauhang nakalagay sa talaang pag-aaral ng mag-aaral, maliban sa abot na pagpapahintulot ng

FERPA ng pagbibigay na walang paalam. Isang kaibhan, ng pagpayag ng pagbibigay na walang paalam, ay ang pagbibigay sa mga kagawad ng

paaralan na may tunay na pagnanais sa pag-aaral. Ang isang kagawad ng paaralan ay isang taong nagtatrabaho sa paaralan bilang tagapangasiwa,

tagapamatnugot, tagapagturo, may kaugnayang naglilingkod na tagapagkaloob o sumusuporta sa mga kasaping kawani (kabilang ang kawaning

pangkalusugan at manggagamot at mambabatas); isang taong naglilingkod sa paaralang sandigan; isang tao o kompanya kung kanino ang paaralan ay

may kasunduang gumawa ng isang natatanging gawain (kagaya ng abogado, auditor, tagapayong medikal, o therapist, o isang magulang o mag-aaral

na naglilingkod sa isang lupon, gaya ng lupong pangdisiplina o pagdaing, o pagtulong sa ibang kagawad ng paaralan sa pagganap sa kaniyang

gawain). Ang kagawad ng paaralan ay may makatuwirang paghahangad kapag ang kagawad ay kailangang masuri ang talaan sa pag-aaral upang

gawin ang kaniyang mabuting tungkulin. Kapag hiling, ang paaralan ay magbibigay ng mga talaan ng pag-aaral na walang paalam sa mga kagawad ng

ibang paaralang distrito kung saan ang isang mag-aaral ay humihingi o nagbabalak na pumasok.

(4) Ang karapatang maglagay ng reklamo sa U.S. Department of Education tungkol sa naturingang pagkabigo ng paaralang sumunod sa mga hinahanap ng

FERPA. Ang pangalan at lugar ng tanggapang nangangasiwang FERPA ay:

Family Policy Compliance Office

U.S. Department of Education

400 Maryland Avenue, SW

Washington, DC 20202-5920

Ang Distrito ay maaaring maningil ng makatuwirang bayad na hindi lalabis sa talagang halaga ng pagbabayad sa kopya ng alinmang talaan ng mag-aaral,

gayumpaman, walang mababagong bayad sa pagbibigay ng (1) hanggang dalawang transkrip ng nakaraang talaan ng mag-aaral; o (2) hanggang dalawang

pagpapatunay ng magkakaibang talaan ng dating mag-aaral. Walang magiging bayad ang paghanap para sa o pagkuha sa alinmang talaan ng mag-aaral.

Maaaring siyasatin ng mga magulang at suriin ang mga talaan sa mga oras ng karaniwang araw ng pag-aaral. Ang pagkuha ay ipagkakaloob na hindi lalampas sa

5 araw ng trabaho kasunod ang petsa ng paghiling. Ang mga talaan ng mag-aaral ay matatagpuan sa paaralan at maaaring makuha sa Education Service and

Support Center. Ang mga may kakayahang kawaning lisensiyado ay naroroon upang magbigay kahulugan sa mga talaan kapag kailangan

PAGBIGAY NG KAALAMAN ALINSUNOD SA KAUTUSAN NG HUKUMAN O SOBPENA (EC § 49077): Ang kaalaman tungkol sa isang mag-aaral ay ibibigay sa

pagpapatupad ng kautusan ng hukuman o alinsunod sa batas na subpoena. Makatuwirang pagsisikap ay gagawin upang paunang ipagbigay alam sa magulang at

mag-aaral.

PAG-IINGAT SA MGA KAALAMAN TUNGKOL SA MGA TAONG MAY PAMBIHIRANG PANGANGAILANGAN (EC § 56515(c)): Ang Distrito ay maaaring hindi

magbigay ng kaalaman sa mga talaan ng pag-aaral ng isang taong may pambihirang pangangailangan sa alinmang sangay ng publiko na walang kapahintulutan ng

magulang maliban kung ang kaalaman ay nakalakip sa talaan sa pag-aaral at ang pagkakaloob ay binigyang pahintulot ng magulang sa ilalim ng FERPA.

PATAKARAN SA PANTAY NA PAGBIBIGAY NG REKLAMO (BP/AR 1312.3, 5 CCR § 4622, EC § 35186): Ang Distrito ay tumutupad sa batas at alituntunin ng

bansang pamahalaan at estado na sinasaklaw ang mga programa sa pag-aaral at sisiyasatin at hahanap ng kalutasan sa mga reklamong nagpapahayag ng labag

sa batas na pamumukod-tangii/pantay sa kasarian o hindi pagtupad sa batas ng bansang pamahalaan o estado sa mga sumusunod na programa: pinagsamasamang

uri ng tulong, dayuhang pag-aaral, pag-alaga at pagpalaki ng bata, kalusugan ng bata, hindi pagtupad sa mga kagamitang nakabalangkas na kailangan sa

kaligtasan ng paaralan, at Natatanging Pag-aaral. Ang Distrito ay dapat gumamit ng paraang pantay na pagreklamo upang tulungang makilala at malutas ang

anumang kakulangan kaugnay sa mga kagamitan sa pagtuturo, kalagayan ng mga gusali sa oras ng pangangailangan na nagbabadya ng takot sa klusugan at

kaligtasan ng mga mag-aaral o kawani, bakanteng puwesto ng guro o pagkalagay sa maling puwesto at masidhing pagtuturo at paglilingkod sa mga mag-aaral na

hindi nakapasa sa isa o kapuwa bahagi ng mga pagsusulit upang makatapos sa mataas na paaralan pagkatapos ng ika-12 baitang. Ang mga reklamo tungkol sa

mga programang Natatanging Pag-aaral ay pag-uusapan batay sa mga alintuntunin at patakaran na magkasamang binuo ng Special Education Local Plan Area.

Ang kopya ng Board Policy and Administrative Regulation at/o ang pakete sa pagreklamo na kasama ang kaalaman sa mga panlunas sa batas na sibil na

maaaraing makuha at ang panawagan at pagsusuri ng mga patakaran ay maaaring makuha sa paaralang punong-guro ng inyong anak o sa kinatawan ng Distritong

Tagapamahala, 84 East J Street, Chula Vista, CA 91910, telepono (619) 425-9600, ekstensiyon1325.

Ang sinumang nagreklamong hindi nasiyahan sa kapasiyahan ng punong-guro o kinatawan ng Distritong Tagapamahala ay may karapatang ipahiwatig ang reklamo

sa Nangangasiwang Sandigan ng Distrito sa isang karaniwang nakatakdang paglilitis ng Nangangasiwang Sandigan. Sa mga reklamong kaugnay sa mga

kalagayan ng gusaling nagbabadya ng madaliang babala sa kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral o kawani, ang isang nagrereklamong hindi nasiyahan sa

kalutasang inialok ng punong-guro o kinatawan ng Distritong Tagapamahala ay may karapatang manawagan sa Estadong Tagapamahala ng Publikong Pagtuturo.

MGA PROGRAMA SA PAG-AARAL

BAYAD SA PAGSUSULIT SA ADVANCED PLACEMENT (Ec §§ 48980(k) at 52244) Ang mga karapatdapat na mataas na paaralan ay maaaring tumanggap ng

tulong sa pananalapi upang magamit sa gastos na pambayad sa pagsusulit ng advanced placement.

PAG-AARAL NG PANGKALUSUGANG KASARIAN (EC §§ 51933, 51938, at 51939): Ang paaralang distrito ay maaaring magkaloob ng isang malawak na aralin

sa kalusugan sa kasarian na binubuo ng karapatdapat-na-gulang at kaalaman sa tama at maayos na panggagamot, ng mga sinanay ng tagapagturo sa mga

nararapat na mga aralin. Ang pagtuturo at mga kagamitan ay maghihikayat sa mag-aaral na makipag-ugnayan sa kaniyang mga magulang tungkol sa kasariang

katauhan at magtuturo ng paggalang sa pag-aasawa at pagkakaroon ng kaugnayan. Ang mga kawani ng Chula Vista Elementary School District ay magkakaloob

ng Adolescent Growth Education sa mga Baitang 4, 5, at 6. Ang mga nakasulat at mapapanood na mga kagamitan sa pag-aaral na gagamitin sa malawak na mga

araling pangkalusugan sa kasarian ay nakalaan sa pagsusuri ng mga magulang. Ang mga magulang ay maaaring humiling sa panulat na ang kaniyang anak ay

hindi tatanggap ng malawak na pag-aaral sa kasariang pangkalusugan at nakalaan ang kahaliling gawaing aralin. Ang mga magulang ay may karapatang humiling

ng kopya ng California EC Chapter 5.6.

PANTAY SA KASARIAN SA PAGBALANGKAS NG HINAHARAP NA PANGKABUHAYAN (EC § 221.5(d)): Nag-uutos ng pagbibigay-alam sa mga magulang ng

distrito ng paunang pagpapayo sa karera at pagpili ng kruso panimula sa kursong pagpili sa Baitang 7, upang maitaguyod ang pantay sa kasarian at magawang

sumali ang mga magulang sa mga pagpapayo at pagpapasiya.

MGA ARALAING NAKAPIPINSALANG PAGGAMIT NG HAYOP (EC §§ 32255-32255.6): Ang sinumang mag-aaral na may isang makatuturang pagsalungat sa

pagkatay o kaya pananakit o pagpatay sa hayop o anumang bahagi nito ay maaaring piliing tumangging sumali sa gayong gawaing-aralin. Ang mag-aaral ay dapat

ipagbigay-alam sa kaniyang guro ang pagtutol. Ang pagtutol ay dapat patibayan ng sulat mula sa magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral. Ang mag-aaral na

nagnanais na umiiwas lumahok sa mga gawaing pag-aaral na makasali sa nakakapinsala at karumaldumal na paggamit ng hayop ay maaaring tumanggap ng

kahaliling aralin upang ang mag-aaral ay magkaroon ng karunungan, kaalaman, karanasanng kailangan sa kurso ng pag-aaral na pinag-aralan.

WALANG BATANG NAPAG-IIWANAN

PAGPAPANATILI (EC § 51101 (a)(16)): Maliban kung ibinigay sa bahaging (d) ng EC 51101, ang mga magulang at tagapag-alaga ay may karapatang malaman,

sa unang bahagi ng paaralang taon kung ang kanilang anak ay nakikitang nanganganib na hindi makakapasa at ang kanilang karapatang humingi ng payo sa mga

kawani ng paaralan.

MGA PAUNAWA SA MGA MAGULANG SA WIKANG HINDI ENGLISH (EC §§ 48985): Kapag 15 kabahaginan o higit sa mga pumapasok na mga mag-aaral sa

isang paaralang publiko na nagkakaloob ng pagtuturo sa kindergarten o anuman sa baitang 1 hanggang 12 ay nagsasalita ng nag-iisang pangunahing wika maliban

sa English, ang lahat ng paunawa, ulat, pahayag, o talaang ipinadadala sa magulang o tagapag-alaga ng sinumang mag-aaral ng paaralan o paaralang distrito ay,

sa karagdagang nakasulat sa English,ay dapat nakasulat sa naturang pangunahing wika, at maaaring sagutin alinman sa English o pangunahing wika.

ANTAS NA NAGAGAWA NG MAG-AARAL (20 USCS § 6311 (h)(6)(B)): Dapat magkaloob ang paaralan sa bawa’t magulang ng kaalaman sa antas ng nagagawa

ng kaniyang anak sa bawa’t araling panukat ng Estado at tamang panahong paunawa na ang bata ay nabigyan o tinuruan sa apat o higit na magkakasunod na

linggo ng isang gurong kulang ang kakayahan sa pagtuturo.

PAGBIBIGAY-ALAM SA MAGULANG NG NAG-AARAL NG ENGLISH (20 USCS § 7012(a)(8)(A)): Kailangang ipagbigay-alam ng paaralan sa mga magulang ng

hindi lalampas sa 30 araw makalipas ang simula ng paaralang taon para sa bata, ng programa sa pagtuturo sa wika at karagdagang kaalaman sa hindi

nagpapalista, taonang pagbibigay-alam sa programa sa taonang pagpulong sa mga layuning panlunas ng paaralan, at pagsisikap na tulong para sa mga magulang.

MGA KATANGIAN NG GURO (20 USC § 6311(h)(6)(A), 34 CFR 200.61): Isang kondisyon ng Batas na Walang Batang Napag-iiwanan ng 2001 (NCLB) ay

kinakailangang ang lahat ng distrito, sa simula ng paaralang taon, ay magbigay alam sa mga magulang ng mga bata sa paaralang tumatanggap ng pondong Title I

na sila ay may karapatang humiling at tumanggap ng tama sa panahong kaalaman sa karapatdapat na dalubhasang guro sa silid-aralan at mga paraprofessionals,

kabilang ang mga karapatdapat na katangian sa estado, may lisensiya para sa antas na baitang o sa araling itinuturo, anumang kadahilanan sa mga naturingang

katangian, pangmadaliang kondisyon, pangunahing pinag-aralan sa kolehiyo, natapos na titulo at paksa, at kung paraprofessional o katulong sa silid-aralan o kung

ano ang kanilang katangiang kakayahan. Ang mga paghiling ay dapat na nakasulat at ibinigay sa paaralang punong-guro.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 5 of 12

TITLE 1

PROGRAMANG PAGPAPABUTI SA KALAGAYAN NG MGA PAARALAN: Ang mga magulang ay bibigyang-alam sa kalagayan ng mga programa, mga

ginawang hakbang, tulong na paglilingkod sa pagtuturo para sa paaralan sa dalawa o higit na taon sa Programang Pagpapabuti; mga pamalakad sa pakikilahok ng

mga magulang sa Distrito. Ang mga magulang ng mga Nag-aaral ng English ai bibigyang-alam sa: mga programang paglinang sa wikang English, mga

pagkakataong makilahok, ang kahalagahan ng mataas na magagawa sa mga pangunahing paksang-aralin, at ang pagpasok tuwina sa paaralan ng mag-aaral.

MGA PAGLILINGKOD SA KALUSUGAN

BAKUNA PARA SA MGA NAKAHAHAWANG SAKIT (EC § 49403): Sa kapahintulutan ng magulang, ang Distrito ay maaaring magbigay ng bakuna sa mga magaaral

upang maiwasan o masawata ang nakahahawang sakit.

HINDI PAGSALI; MGA BAKUNA (EC § 48216): Ang tanggapan ng lalawigan ng edukasiyon o ang Distrito ay hindi isasali ang sinumang mag-aaral na hindi

tamang nabakunahan. Ipagbibigay-alam ng Distrito sa magulang o tagapag-alaga ng mag-aaral na mayroon silang dalawang linggong magbigay ng katunayan na

nabigyan ng tamang bakuna ang mag-aaral, o katibayan na ang bata ay hindi dapat mabakunahan.

PANGGAGAMOT (EC § 49423): Ang sinumang mag-aaral na kailangang uminom, sa panahon ng pag-aaral, ng gamot na inihatol ng manggagamot para sa isang

bata, ay maaaring tulungan ng paaralang nars o ibang nakatakdang kawani ng paaralan kapag ang paaralang distrito ay nakatanggap ng (1) isang nakasulat na

pahayag mula sa naturang manggagamot na nakalagay ang paraan, sukat, at oras na itinakda ng gayong gamot ay dapat inumin at (2) isang nakasulat na pahayag

mula sa magulang ng mag-aaral na nagsasabi ng kaniyang pagnanais na ang paaralang distrito ay tulungan ang mag-aaral sa mga bagay na nakalagay sa

pahayag ng manggagamot. Ang gamot ay dapat na nasa tunay na may itiketang lalagyan, na inihatol ng isang lisensiyadong manggagamot sa California at binili

sa Estados Unidos.

PAGPAPATULOY NA PANGGAGAMOT (EC § 49480): Ang magulang ng isang mag-aaral na patuloy ng panggagamot na hindi nahinto ay ipagbibigay alam sa

paaralang nars o ibang nakalagay na sertipikadong kawani ng paaralan ng gamot na iinumin, ang kasalukuyang sukat, at ang pangalan ng nangangasiwang

manggagamot. Sa pahintulot ng magulang ng mag-aaral, ang paaralang nars ay maaaring makipag-usap sa manggagamot at maaaring magpayo kasama ang

paaralang kawani tungkol sa posibleng ibubunga ng gamot sa pangangatawan, kaisipan, at katauhan ng bata, gayundin ang palatandaan at sintomas na maaaring

mangyari, ang hindi pag-inom, at ang sobrang pag-inom ng gamot.

PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT PAGHADLANG SA MGA KAPANSANAN NG BATA (HSC §§ 124085, 124100, 124105, at 120475): Lahat ng bata ay

dapat magkaroon ng dokumento ng isang nararapat na pangkalusugang pagpapatingin at pagsusuri sa loob ng 18 buwan bago pumasok sa uang baitang o sa loob

ng 90 araw pagkatapos na pumasok ang mag-aaral sa unang baitang. Ang kaalaman ay nakalaan sa tanggapan ng paaralan tungkol sa libreng pagpapatingin sa

kalusugan. Kung ang magulang ay hindi nais na ang isang bata ay tumanggap ng pangkalusugang pagsusuri, isang nilagdaang pagtanggi ay dapat ibigay sa

paaralan. Ang hindi pagbigay ng katunayan o nilagdaang pagtanggi ay maaaring magbunga ng hanggang limang araw ng hindi pagpasok sa paaralan.

PAGSUSURI SA KALUSUGAN SA BIBIG (EC § 49451): Ang batas ng California ngayon ay nag-uutos na ang isang bata sa kindergarten, o unang baitang, kung

alin ang kaniyang unang taon sa publikong paaralan, ay magkaroon ng pagsusuri sa kalusugan sa bibig bago ika-31 ng Mayo. Ang batas ay tuwirang nagsasabing

ang pagsusuri ay dapat ginawa ng isang lisensiyadong dentista o ibang lisensiyado o nakarehistrong dalubhasa sa pangkalusugang dental. Ang pagsusri sa

pangkalusugan sa bibig ay dapat na ginawa sa loob ng 12 buwan bago pumasok ang bata sa paaralan. Ang mga kaalaman ay nakalaan sa tanggapan ng paaralan

upang tulungan kayong maghanap ng dentista. Kung hindi ninyo madala ang inyong anak para sa pagsusuri, maaari kayong mabigyan ng paumanhin sa utos na ito

sa pagbigay ng isang papel na makukuha sa tanggapan ng paaralan.

PANGANGATAWANG PAGSUSURI (EC § 49451): Ang isang magulang ng isang mag-aaral ay maaaring magbigay ng taonan sa punong-guro ng paaralan kung

saan siya nakapalista ng isang pahayag na nakasulat, nilagdaan ng magulang, nagsasabing siya ay hindi pamapayag ng isang pangkalusugang pagsusuri sa bata,

at ang bata ay hindi sasali sa anumang pangangatawang pagsusuri, subali’t kapag mayroon isang magandang dahilan na paniniwalaang ang bata ay naghihirap sa

isang kilalang nakahahawa o malubhang sakit, siya ay pauuwiin at hindi papayagang bumalik hanggang ang mga maykapangyarihan sa paaralan ay nasisiyahan na

ang anumang nakahahawa o malubhang sakit ay wala na.

MADALIANG PANGGAGAMOT (BP/AR 5141.1): Ang isang mag-aaral na nakilalang may umiiral na anaphylactic (allergic) ay bibigyan ng epinaphrine ng sinanay

na kawani ng paaralan at ang 911 ay tatawagin.

PAMPUROK PALISTAHAN NG BAKUNA SA SAN DIEGO (BP/AR 5141.1): Itong sistema ay nagpapahintulot ng pamamahagi ng talaan sa kompyuter ng mga

petsa ng bakuna ng inyong anak upang sa anumang oras kayo at ang inyong manggagamot ay makita kung anong bakuna ang natanggap na ng inyong anak at

kung alin ang mga kailangan sa kasalukuyan. Ang kaalaman sa Listahan sa kompyuter ay pinangangalagaan. Ang mga kasaping binigyang karapatan lamang ang

maaaring makapagsuri nito. Ang talaan sa bakuna ng inyong anak ay maaaring nakalagay sa Listahan. Kung ang talaan ng inyong anak ay nasa Listahan,

mayroon kayong karapatang: suriin ang talaan ng bakuna ng inyong anak at iwasto ang mali sa Listahan, tumangging ibahagi ang talaan sa bakuna ng inyong anak

sa ibang binigyang karapatang kasaping mga samahan, tumangging tumanggap ng mga paalaala sa mga bakunang kailangan, at malaman kung aling mga

kasaping samahan ang binigyang karapatang makita ang talaan sa bakuna ng inyong anak.

PAGGAMIT NG GAMOT PAMAHID: Ang Desitin o A&B ointment ay maaaring gamitin kapag kailangan sa pagpapalit ng sapin upang pangalagaan ang balat.

Kung ang inyong anak ay kailangang magpalit ng sapin sa paaralan at ayaw ninyong gamitan siya ng gamot pamahid, maaari kayong maglagay ng paghiling sa

panulat at ibigay ito sa paaralang punong-guro.

SARILING PANGANGASIWA NG KUSANG ITINUTUROK NA EPINEPHRINE (EC § 49423): Ang isang mag-aaral ay maaaring magdala at sariling mangasiwa ng

inihatol na kusang itinuturok na epinephrine kapag ang Distrito ay tumanggap ng karapatdapat na nakasulat na pahayag. Upang ang isang mag-aaral ay

makapagdala at sariling mangasiwa ng inihatol na kusang itinututrok na epinephrine, ang Distrito ay dapat tumanggap ng nakasulat na pahayag mula sa parehong

pangunahing manggagamot at doktor na tumistis na nagbibigay ng pangalan ng gamot, paraan, sukat, at oras na naitakdang iinumin ang gamot, at pinatutunayan

na ang mag-aaral ay kayang sariling pangasiwaan ang kusang itinuturok na epinephrine, at isang nakasulat na pahayag mula sa magulang, nangangalagang

magulang, o tagapag-alaga ng mag-aaral na nagpapahintulot ng sariling pangangasiwa, binibigyang laya ang paaralang nars o ibang nakalagay na paaralang

kawani na sumangguni sa mga manggagamot ng mag-aaral tungkol sa anumang katanungan na maaaring dumating tungkol sa gamot, pinalalaya ang paaralang

distrito at paaralang kawani sa pananagutan kung ang sariling-pangangasiwa ng mag-aaral ay daranas ng masamang ibubunga bilang resulta ng sariling

pangangasiwang panggagamot batay sa talatang ito. Ang nakasulat na pahayag ay dapat na ibigay ng taonan at mas madalas kung ang gamot, sukat, kadalasan

ng pangangasiwa, o dahilan ng pagbabago ng pangangasiwa. Ang isang mag-aaral ay maaaring mabigyan ng kaparusahan batay sa EC §48900 kapag ang magaaral

ay gumamit ng kusang itinuturok na epinephrine sa isang paraang kakaiba sa inihatol.

SARILING PANGANGASIWA NG GAMOT NA NILALANGHAP SA HIKA (EC § 49423.1): Ang isang mag-aaral ay maaaring magdala at sariling-mangasiwa ng

nilalanghap na gamot sa hika kapag ang Distrito ay nakatanggap ng nararapat na nakasulat na pahayag. Upang ang isang mag-aaral ay makapagdala at sarilingpangangasiwang

inihatol na nilalanghap ng gamot sa hika, ang Distrito ay dapat magkaroon ng parehong nakasulat na pahayag mula sa manggagamot at manlilitis

na nagsasabi ng pangalan ng gamot, paraan, sukat, at oras ng pagtakda kung saan ang gamot ay iinumin, at pinatutunayan na ang mag-aaral ay kayang magbigay

ng sariling-pangangasiwa ng gamot na nilalanghap sa hika, at isang nakasulat na pahayag mula sa magulang, nangangalagang magulang, o tagapag-alaga ng

mag-aaral na nagpapahintulot ng sariling pangangasiwa, nagpapalaya sa paaralang nars o ibang nakalagay na kawani ng paaralang sumangguni sa manggagamot

ng mag-aaral tungkol sa anumang katanungan na maaaring dumating tungkol sa panggagamot, at pinalalaya ang paaralang distrito at paaralang kawani sa

pananagutan kapag ang sariling nangangasiwang mag-aaral ay daranas ng masamang ibubunga ng panggagamot batay sa bahaging ito. Ang nakasulat na

pahayag ay dapat ibinigay ng taonan at mas madalas kapag ang gamot, sukat, kadalas ng pangangasiwa, o ang dahilan ng pangangasiwa ay magbabago. Ang

isang mag-aaral ay maaaring mabigyan ng kaparusahan batay sa EC §48900 kapag ang mag-aaral ay gagamit ng nilalanghap na gamot sa hika sa paraang

kakaiba sa inihatol.

INILIHIM NA PAGPAPAGAMOT (EC § 46010.1): Ang mga mag-aaral ay maaaring hindi pumasok sa paaralan sa dahilan ng pagkuha ng inilihim na

pagpapagamot na walang kapahintulutan ng magulang, Ang California State Attorney General ay nagpahayag (No. 04-112) na ang mga paaralang distrito ay dapat

payagang lumiban ang mga mag-aaral sa mga lihim na paglilingkod sa pagpapagamot na walang pagbibigay-alam o kailangang pahintulot ng magulang.

SEGURO NG MAG-AARAL (EC § 49472): Ang Chula Vista Elementary School District ay hindi nagbibigay ng pangkalusugang seguro para sa mga sakuna sa

paaralan. Ibig sabihin nito na tungkulin ng mga magulang na magbayad sa pagpapagamot ng kanilang anak kapag nasaktan sa sakunang nangyari samantalang

ang mag-aaral ay nasa kapaligiran ng Distrito o ibang mga distrito sa panahong ang mag-aaral ay kailangang naroon para sa pagpasok sa karaniwang paaralang

araw. Samantalang inihahatid ng Distrito o mga distrito papunta o buhat sa paaralan o ibang lugar ng pag-aaral, o saanmang ibang lugar na paggaganapan ng

itinaguyod na gawain sa pag-aaral at habang nakasakay papunta, pauwi at sa pagitan ng mga lugar. Ang mga banghay ng seguro sa aksidente/pangkalusugan ng

mag-aaral ay iniaalok upang tulungang mabayaran ang dapat bayaran. Maraming pagpipiliang saklaw ng seguro ang nakalaan. Ang mga banghay ng seguro ay

maaaring suriin sa Human Resources Services and Support Office sa Education Service and Support Center sa 84 East J Street, Chula Vista.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 6 of 12

ASBESTOS (40 CFR § 763.93): Ang Distrito ay may isang panukala para bawasan ang pangkalusugang panganib na ibinibigay ng pagkakaroon ng asbestos sa

mga paaralang gusali. Ang panukala ay maaaring masuri sa tanggapan ng inyong punong-guro o sa tanggapan ng Business Services and Support sa Education

Service and Support Center sa 84 East J Street, Chula Vista.

PAGLILINGKOD SA MGA KABATAANG WALANG TAHANAN

MGA KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL NA NASA KALAGAYANG WALANG TAHANAN (NCLB, McKinney-Vento Homeless Assistance Act of 2001):

• Kahulugan ng Walang Tahanan:

o Mga batang walang palagian, kagawian, at sapat na tirahan sa gabi.

o Mga batang mayroong pangunahing tirahan sa gabi na isang lugar na publiko o pribadong nakahanay para sa, o karaniwang ginagamit bilang, isang

karaniwang tinutuluyan ng madla.

o Mga batang nakatira sa kotse, liwasang-bayan, publikong lugar, napabayang mga gusali, nasa kahirapang bahay, estasyon ng bus o tren, o mga lugar na

katulad.

o Lumalaboy na mga bata na matataguriang walang tirahan dahil sila ay nabubuhay sa mga kalagayang nakalarawan sa itaas.

• Pamimili ng Paaralan – Ang mga Distrito ay dapat, sa abot ng makatuwiran, tanggapin ang mga mag-aaral na walang tahanan sa kanilang paaralang

pinanggalingan (ang paaralan ng permanenteng bahay, o ang huling pinasukang paaralan), maliban kung labag sa kagustuhan ng magulang. Ang mga magaaral

ay maaaring manatili sa kanilang pinanggalingang paaralan sa buong panahong sila ay walang tirahan, at hanggang sa katapusan ng alinmang taon ng

pag-aaral hanggang sila ay lumipat sa permanenteng tirahan. Ang mga mag-aaral ay maaari ring piliing pumasok sa alinmang publikong paaralan na ang

mga mag-aaral na nakatira sa parehong lugar na papasukan ay karapatdapat na pumasok. Kung ang isang mag-aaral ay ipinadala sa paaralan maliban sa

paaralang pinanggalingan o ang paaralang hiniling ng magulang, ang Distrito ay dapat magkaloob ng nakasulat na paliwanang ng kaniyang pasiya at ang

karapatang manawagan, kahit na o hindi ang magulang ay ipaglalaban ang pagkakalagay. Ang District Homeless Liaison ay dapat tulungan ang walang

kasamang kabataan (kabataang walang nangangatawang magulang) pumili at pumasok sa isang paaralan, pagkatapos na pagkinggan ang mga nais ng bata,

at bigyang paunawa ng kaniyang karapatang manawagan ng pagpili sa papasukan na taliwas sa kaniyang nais.

• Pagpapalista – Ang mga paaralang distrito ay dapat kaagad tanggapin ang mga mag-aaral na walang tirahan, kahit na wala sila ng mga hinahanap na mga

dokumento, kagaya ng talaan sa paaralan, talaan sa kalusugan, patunay sa tirahan, o ibang mga dokumento. Ang mga papasukang paaralan ang dapat

kumuha ng mga talaan sa pag-aaral buhat sa nakaraang paaralan, at ang mga mag-aaral ay dapat papasukin sa paaralan habang ang mga talaan ay

kinukuha. Kapag ang isang mag-aaral ay walang mga bakuna o talaan ng bakuna, ang District Homeless Liaison ay dapat kaagad tumulong sa pagkuha ng

mga ito, at ang mag-aaral ay dapat pansamantalang papasukin sa paaralan.

• Kalutasan sa Pakikipagtalo – Kapag may dumarating na pagtatalunan, ang mag-aaral ay dapat na kaagad tanggapin sa paaralang pinili habang ang

pinagtatalunan ay nilulutas. Isang nakasulat na paliwanang sa kapasiyahan ng paaralan ay dapat na ipagkaloob kapag ang isang magulang o walang

kasamang bata ay makikipagtalo sa pagkakalagay o kapasiyahan sa papasukan. Ang paaralan ay dapat isangguni ang mag-aaral o magulang sa District

Homeless Liaison na mag-aasikaso sa paglutas sa pakikipagtalo nang madalian at dapat tiyakin ng liaison na ang namamagitang pamamalakad ay susundin

para sa batang walang kasama.

• Sasakyang Maghahatid – Sa kahilingan ng magulang at kung saan makatuwiran, ang mga mag-aaral na walang tirahan ay dapat pagkalooban ng sasakyang

maghahatid papunta at pauwi mula sa kanilang paaralang pinanggalingan. Para sa walang kasamang bata, ang sasakyang maghahatid papunta at pauwi

mula sa paaralang panggagalingan ay dapat ipagkaloob sa kahilingan ng District Homeless Liaison. Kapag ang pansamantalang tirahan ng mag-aaral at ang

paaralang panggagalingan ay nasa parehong distrito, ang distrito ay dapat magkaloob ng maghahatid. Kapag ang mag-aaral ay naninirahan sa labas ng

distritong paaralang panggagalingan, ang distrito kung saan ang mag-aaral ay nakatira at ang distrito ng paaralang panggagalingan ay mag-uusap kung

papaano hahatiin ang tungkulin at ang bayad ng sasakyang maghahatid, maghahati sila ng tungkulin at bayad. Ang Distrito ay dapat magkaloob sa mga magaaral

na walang tirahan ng sasakyang maghahatid kagaya ng mga ibang mag-aaral napinagkakalooban.

• Paghihiwalay – Ang mga distrito ay ipinagbabawal ang paghiwalay sa mga mag-aaral na walang tirahan sa nakabukod na paaralan, o nakabukod na lugar sa

loob ng mga paaralan na humihiwalay sa mga batang walang tahanan at sa ibang mga bata maliban kung kinakailangan sa maikling panahon para sa

kalusugan at kaligtasang sa mahigpit na pangangailangan, o upang magbigay ng pansamantala, natatangi, at tulong na paglilingkod. Ang mga mag-aaral na

nasa kalagayang walang tirahan ay dapat magkaroon ng parehong mga paglilingkod sa pag-aaral gaya ng ipinagkakaloob sa ibang mga mag-aaral. Ang mga

magulang ay dapat pagkalooban ng may kahulugang mga pagkakataong sumali sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Pakiusap na tawagan ang Department of Operations and Communications Services and Supoort tungkol sa karagdagang kaalaman.

MGA PAGLILINGKOD SA ALAGANG KABATAAN

MGA KARAPATAN NG MGA ALAGANG MAG-AARAL (EC § 48853-48853.5, McKinney-Vento Homeless Assistance Act ng 2001):

• Pagpili ng Paaralan – Ang mag-aaral ay may karapatang manatili sa kaniyang paaralang pinaggalingan sa tagal ng panahong paaralang taon. Ang

magulang o ibang taong humahawak ng karapatang gumawa ng kapasiyahan sa pag-aaral para sa mag-aaral ay magpapasiya kung ito ang makabubuti para

sa mag-aaral na mailagay sa ibang programa sa pag-aaral. Ang District Foster Liaison, sa kagustuhan ng at pagsang-ayon ng inaalagaang bata at ng taong

humahawak sa karapatang gumawa ng pagpapasiya sa pag-aaral para sa inaalagaang bata, ay maaaring, batay sa kagustuhan ng inaalagaang bata,

magtagubilin na ang karapatan ng inaalagaang batang pumasok sa paaralang pinanggalingan ay huwag ibilang at sa halip ang inaalagaang bata ay pumasok

sa publikong paaralan kung saang kapaligiran sila kasalukuyang naninirahan. Bago magbigay ng anumang pagpayong lumipat ang isang inaalagaang bata

mula sa kaniyang pinanggalingan paaralan, ang liaison ay magkakaloob sa inaalagaang bata at ang taong humahawak ng karapatang gumawa ng

pagpapasiya sa pag-aaral ng inaalagaan bata, ng isang nakasulat na paliwanang na nagpapahayag ng batayan para sa rekomendasiyon at kung papaanong

ito ay nakakatulong sa kabutihan ng inaalagaang bata.

• Pagpapalista – Ang isang inaalagaang bata ay kaagad tanggaping papasukin kahit na ang bata ay may mga utang na babayaran, multa, mga aklat, o ibang

bagay o perang babayaran sa paaralang huling pinasukan o hindi makakuha ng mga talaan o gamit na karaniwang kinakailangan sa pagpapalista, kabilang

ang mga talaan sa pag-aaral, pangkalusugang talaan, katunayan ng tirahan, ibang mga dokumento, o uniporme ng paaralan.

• Pagkuha ng Talaan – Ang liaison ay tatawagan ang paaralang huling pinasukan ng inaalagaang bata sa loob ng dalawang araw ng paghiling sa pagpapalista

upang kunin ang lahat ng talaan sa pag-aaral at iba pang talaan.

• Kalutasan sa Pagtatalo – Kung may darating na anumang pagtatalo sa itinakdang paaralan ng distrito sa isang mag-aaral, may karapatan ang mag-aaral na

manatili sa kaniyang pinanggalingang paaralan, habang naghihintay sa kalutasan ng pagtatalo. Ang pagtatalo ay malulutas batay sa pamaraan ng paglutas

ng kasalukuyang pagtatalong nakalaan sa sinumang mag-aaral na pinaglilingkuran ng Distrito. Sa lahat ng kalagayan, ang kapasiyahan sa pag-aaral at

pagtatakda ng paaralan ay ibabatay sa kabutihan para sa bata.

• Mga Batang Inaalagaang Tinaguriang “Walang Tirahan” – Ang kahulugan ng “walang tirahan” ay pinalalawak na kabilang ang mga batang inaalagaang

“lumilipat” hal. pansamantalang nakatira sa pamahalaang tirahan, madaliang tirahan, grupong tuluyan o tuluyan para sa mga inanunuluyang may mga

“panandaliang” tulugan. Sa karagdagan ang mga inaalagaang bata ay nagtataglay ng lahat na karapatan ng walang tirahang bata.

KATIWASAYAN

BANGHAY NG KATIWASAYAN SA PAARALAN (EC §§ 32281, 32286, at 32288): Bawa’t paaralan ay taonang sinusuri at binabago ang sariling ganap na

Banghay ng Katiwasayan ng Paaralan sa ika-1 ng Marso. Ang isang paaralan ay nagtitibay ng isang bagong ganap na Banghay ng Katiwasayan ng Paaralan sa

loob ng taong simula ng pangangasiwa, at sinusuri at binabago ang kaniyang banghay tuwing ika-1 ng Marso bawa’t taon. Bago pinagtitibay ang Banghay sa

Katiwasayan, kayo ay bibigyang-kaalaman na ang paaralan ay magkakaroon ng pambayang pulong sa paaralan upang pahintulutang ang mga kasapi ng bayan ng

pagkakataong maipahiwatig ang kaisipan tungkol sa pagnbalangakas. Bawa’t paaralan ay mag-uulat ng kalagayan ng sariling Banghay ng Katiwasayan ng

Paaralan tuwing Hulyo, kabilang ang paglalarawan ng kaniyang mahahalagang bahagi, sa taonang Tarheta ng Ulat sa Pananagutan ng Paaralan.

PAARALANG SASAKYAN: KATIWASAYAN NG PASAHERO (EC § 39831.5): Ang Distrito ay may isang Banghay sa Katiwasayan ng Pasahero sa Sasakyan.

Sa pagpapalista sa paaralan, ang mga pre-kindergardener, kindergartener, at ang mga mag-aaral sa ika-1 – 6 na Baitang na nangangailangan ng sasakyang

maghahatid ay bibigyan ng nakasulat na kaalaman sa katiwasayan sa pagsakay sa paaralang sasakyan. Ang Banghay sa Katiwasayan sa Paaralang Sasakyan ay

maaaring suriin sa paaralang tanggapan ng mag-aaral o sa Transportation Department sa Education Service and Support Center.

KATIWASAYAN (BP 4057): Ang Distrito ay hindi magpapabaya ng anumang pagsalakay/paglusob o pananalita/di-pananalitang pananakot laban sa sinumang tao.

NANGANGANIB NA PAARALANG PAMILIAN (5CCR §§ 11982 at 11993(k)): Ang mga magulang/tagapag-alaga ay bibigyang-kaalaman ng mga paaralang

elementarya at/o mataas na paaralang inaakalang “patuloy na mapanganib” sang-ayon sa alintuntun ng California Department of Education at ng mga nakalaang

pamimilian. “Anumang paglabag sa sandata” ay isang pangyayaring dapat kilalanin kung ang isang paaralan ay nakikipagsapalarang matataguriang patuloy na

nanganganib.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 7 of 12

MGA KASANGKAPANG NAGHUHUDYAT NA ELEKTRONIK (EC § 48901.5, BP 5131): Ang Distrito ay hindi nagpapahintulot ng mga kasangkapang elektronik

na naghuhudyat na ginagamit sa pamamagitan ng pagpapadala o pagtanggap ng radyo, kabilang, subali’t hindi hahangga sa, teleponong selular, pager, beeper, at

mga kagamitang naghuhudyat, ng mga mag-aaral ng Distrito habang ang mga mag-aaral ay nasa paaralan, habang nasa mga gawaing itinaguyod ng paaralan, o

habang nasa pangangasiwa at nasa pag-aaruga ng mga kawani ng paaralang Distrito. Walang mag-aaral ang pagbabawalan sa pagkakaroon o paggamit ng

naghuhudyat na elektronik na inihatol ng lisensiyadong manggagamot na mahalaga sa kalusugan ng mag-aaral at ang paggamit ay limitado sa dahilang kaugnay sa

kalusugan ng mag-aaral.

PANTUTOK NA LASER (PC § 417.27): Ang PC ay nagbabawal ng pagkakaroon ng isang pantutok na laser ng sinumang mag-aaral sa paaralang mababa o

mataas na paaralan, maliban kung ang pagkakaroon ay ayon sa batas sa pag-aaral o ibang dahilang kaugnay sa paaralan. Ang PC ay karagdagang nagbabawal

ng pagtutok ng sinag ng pantutok na laser sa mata ng iba, sa isang tumatakbong sasakyan, o sa mga mata ng asong tagaakay.

PAARALANG WALANG DROGA/ALAK/TABAKO (Chemical Abuse/Tobacco/Drug Prevention Education) ((EC §§ 51203, 51210, 51260, AR 5131.6, BP/AR

5131.62): Ang pagkakaroon, paggamit, o pagtinda ng alak, tabako, bawal ng droga, o ibang labag sa batas na sangkap ay ipinagbabawal at mahigpit na pinaiiral sa

lahat ng mga gawaing pampaaralan. Ang mga kaalaman tungkol sa mga programang pagtigil sa paggamit ng mga ito ay nakalaan mula sa kinatawan ng Distritong

Tagapamahala.

KAPALIGIRANG PAARALANG WALANG TABAKO (HSC § 104495): Ang paninigarilyo o ang paggamit ng anumang may kinalaman sa mga produktong tabako

at pagtapon ng anumang may kaugnayan sa tabako sa loob ng 25 talampakan ng isang paaralang palaruan, maliban sa lakarang publiko na nasa loob ng 25

talampakan ng palaruan ay ipinagbabawal.

HUWAD NA SANDATA (PC §§ 12550 at 12556): Isang pagkakasalang salarin ang hayagang pagpapakita o paglabas ng anumang huwad na sandata sa balana

kabilang ang paaralang publiko.

PAG-UUTOS NG HUKUMAN: Katungkulan ng (mga) magulang na magbigay sa paaralan ng isang tunay na kopya ng anumang pag-uutos ng hukuman na dapat

malaman ng paaralan.

PAGBIBIGAY-ALAM SA NAMAMASLANG NG KASARIAN (“Megan’s Law”) (PC § 290.45): Kung ang isang sangay ng nagpapairal sa batas ay makatuwirang

naghihinalang ang mga bata ay maaaring nasa panganib sa isang rehistradong namamaslang sa kasarian, ang isang sangay ay maaaring ipagbigay-alam sa

kapulungan sa pag-aaral. Sinumang taong nakatanggap ng gayong kaalaman ng namamaslang sa kasarian mula sa isang sangay na nagpapairal ng batas ay

maaaring mag-utos na gumawa ng pinakamabuting paraan sa pakikipag-usap. Ang karagdagang kaalaman sa “Megan’s Law” ay maaaring matagpuan sa websayt

na www.meganslaw.ca.gov.

PROGRAMANG PAGPAPAPRINTA NG DALIRI (EC §§ 32390 at 49890(f)): Ang mga paaralang nais mag-alok ng programang kusang pagpapaprinta ng mga

daliri ay dapat ipaalam sa mga magulang sa pagpapalista ng mag-aaral, at bawa’t taon, na ang programa ay nakalaan. Ang Namamahalang Sandigan ay tatasa ng

bayad sa magulang ng nagpapaprintang mag-aaral, kakalkulahing pambalik-bayad sa Distrito ng tamang gastos lamang na may kinalaman sa programa. Ang

pagpaparinta ay nagnangailangan ng nakasulat na pahintulot ng magulang, at ang dokumento ay ipagkakaloob sa magulang.

MGA TALAAN AT NAGAWA SA PAARALAN

PAGSUSULIT SA PAGLABAS SA MATAAS NA PAARALAN (EC § 48980(e)): Ang bawa’t mag-aaral na nagtatapos ng ika-12 Baitang ay nangangailangang

matagumpay na naipasa ang pagsusulit sa paglabas sa mataas na paaralan bilang isang hinahanap sa pagtanggap ng diploma sa pagtatapos o isang hinahanap sa

pagtatapos ng mataas na paaralan. Ang bawa’t mag-aaral ay kukuha ng pagsusulit sa paglabas sa mataas na paaralan simula sa ika-10 Baitang at maaaring kunin

ang pagsusulit sa bawa’t sumusunod na pagbibigay, hanggang ang bawa’t bahagi ng pagsusulit ay naipasa. Ang mga petsa ng pagsusulit at mga araw ng pag-ulit

ay itinakda ng Tagapamahala ng Publikong Pagtuturo. Ang isang mag-aaral ay maaaring kumuha ulit lamang ng mga bahaging hindi niya naipasa at maaaring

hindi na kunin ang bahaging kaniyang nakalipas na naipasa. Karagdagang kaalaman ay matutunghayan sa websayt na www.cde.ca.gov/ta/tg/hs/.

MGA TARHETANG ULAT NA PANANAGUTAN NG PAARALAN (EC §§ 33126, 35256, at 35258): Ang Tarhetang Ulat na Pananagutan ng Paaralan ay

nagkakaloob ng talaan kung ssan ang mga magulang ay maaaring gumawa ng napakahalagang paghahambing sa mga paaralang publiko na magbibigay kaalaman

sa kanilang pagpapasiya kung saang paaralan papasukin ang kanilang mga anak. Ang mga ito ay nakalaan sa paghiling sa tanggapan ng paaralan o makukuha sa

websayt ng Distrito na (www.cvesd.org).

MGA REKLAMO TUNGKOL SA KAKULANGANG KAUGNAY SA MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO AT KALAGAYANG MAHIGPIT NA PANGANGAILA-

NGAN NG MGA GUSALI (EC § 35186): Ang umiiral ng batas ay nag-uutos ng pagbibigay-alam na nakapaskil sa bawa’t silid-aralan ng bawa’t paaralan ng Distrito

tungkol sa kakulangang may kaugnayan sa mga kagamitan sa pagtuturo at mga gusali. Ang pagbibigay-alam ay kabilang na:

1. Dapat mayroon sapat na araling-aklat at mga kagamitan sa pagtuturo. Ibig sabihin nito na bawa’t mag-aaral, kabilang ang mga nag-aaral ng English, ay dapat

magkaroon ng araling-aklat at mga gamit sa pag-aaral, o kapuwa, na gamit sa klase at madadala sa bahay.

2. Ang mga gusali ng paaralan ay dapat na malinis, matiwasay, at pinanatiling nasa mabuting pangangalaga.

3. Dapat na walang bakanteng puwesto ng guro o maling pagkakalagay sa puwesto. Dapat na may isang gurong nakatakda sa bawa’t klase at hindi hanay ng mga

kahalili o ibang pansamantalang mga guro. Ang guro ay dapat nagtataglay ng tamang lisensiya na magturo sa klase, kabilang ang patunay na kailangang

magturo sa mga nag-aaral ng English kung mayroon. Ang ibig sabihin ng bakanteng guro ay isang puwesto kung saan ang isang nakatakdang lisensiyadong

kawani ay hindi itinalaga sa simula ng taon para sa buong taon o, semestre para sa buong semestre. Ang ibig sabihin ng maling pagtakda ay ang paglagay sa

isang lisensiyadong kawani sa puwestong pagtuturo o paglilingkod kung saan ang kawani ay hindi nagtataglay ng tunay na kilalang lisensiya o kredensyal, o ang

pagkalagay sa lisensyadong kawani sa isang puwesto ng pagtuturo o paglilingkod na ang kawani ay pasubaling hindi pinahihintulutan batay sa batas na

magkaroon.

Ang papel ng pagrereklamo ay maaaring makuha sa tanggapan ng paaralan, tanggapan ng Distrito, o kunin sa websayt ng paaralan sa (www.cvesd.org). Maaari

rin ninyong kunin ang kopya ng papel ng pagreklamo ng California Department of Education buhat sa sumusunod na websayt: http://www.cde.ca.gov/re/cp/uc/.

MGA PAGLILINGKOD PARA SA MAG-AARAL

PAGGAMIT NG PAARALANG INTERNET AT LINYA SA KOMPYUTER: Isang kopya ng nakasulat na pinagtibay ng pamalakad ng Distrito tungkol sa paggamit ng

mga mag-aaral sa Internet at paaralang kompyuter ay dapat taonang ipagkakaloob sa mga magulang. Ang BP at AR 6162 ng Distrito ay nakalaan upang masuri sa

websayt ng Distrito o sa Education Service and Support Center. Mga katanungan tungkol sa paggamit ng Internet at paaralang kompyuter ay dapat tuwirang ibigay

sa paaralang punong-guro ng mag-aaral o Network Services, Computer Hardware Support Manager sa Education Services and Support Center.

PINAMURANG HALAGA NG TANGHALIAN (EC §§ 49510 et seq.): Ang mga mag-aaral ay maaaring karapatdapat sa masaganang sapat, libre o pinamurang

halaga ng pagkain. Ang mga detalye tungkol sa kabuhayang karapatdapat ay nakalaan sa paaralan ng inyong anak.

NATATANGING PAG-AARAL

PAGKILALA SA MGA MAG-AARAL NA MAY KAKAIBANG PANGANGAILANGAN (EC §§ 56301 at 48980(b)): Ang mga magulang na naghihinala sa isang

batang may kakaibang pangangailangan ay maaaring humiling ng pagsusuri sa karapatdapat na paglilingkod ng natatanging pag-aaral sa pamamagitan ng

paaralang punong-guro.

NATATANGING PAG-AARAL (IDEA & EC § 56301): Ang batas ng bansang pamahalaan ay nag-uutos na isang libre, karapatdapat na publikong pag-aaral sa

pinakawalang pangangalagang kapaligiran ay ipagkaloob sa mga karapatdapat na mag-aaral na may kapansanan at mga maagang pamagitang paglilingkod para

sa “nanganganib na mga sanggol at batang paslit” na wala pang tatlong taon gulang. Tawagan ang Direktor ng Special Education sa Education Service and

Support Center sa kaalaman tungkol sa mga ganitong paglilingkod.

Ang San Diego South County special Education Local Plan Area (SELPA) at ang kaniyang mga kasaping distrito ay hindi namumukod-tangi batay sa lahi, kulay,

bansang pinanggalingan, pananampalataya, kasarian, o may kapansanan sa mga programa at gawaing pag-aaral o pamamalakad sa pagpapatrabaho na ipinaguutos

ng Title 6 ng Civil Rights Act ng 1964, Title 9 ng Educational Amendments ng 1972, at Section 504 ng Rehabilitation Act ng 1973.

MGA REKLAMO SA NATATANGING PAG-AARAL (5 CCR § 3080 at EC § 56502): Ang mga alituntunin ng Estado ay nag-uutos na ang Distrito ay magkaroon ng

mga pamamalakad na tumutugon sa mga reklamo tungkol sa natatanging pag-aaral. Kung kayo ay naniniwalang ang Distrito ay lumalabag sa batas ng bansang

pamahalaan o estado na sumasaklaw sa pagkilala o paglagay sa mga mag-aaral ng natatanging pag-aaral, o kahawig na usapin, maaari kayong maglagay ng

nakasulat na reklamo sa Distrito. Ang alituntunin ng Estado ay nag-uutos na ang Distrito ay ipadala ang inyong mga reklamo sa State Superintendent of Public

Instruction. Ang mga alituntunin ay makukuha sa inyong punong-guro.

MGA NAGKUKUSANG-LOOB (EC § 51101(a)(3)):

MGA HINAHANAP SA MGA NAGKUKUSANG-LOOB (EC § 51101(a)(3)): Ang mga nagkukusang-loob ay kailangang sagutin ang papel ng katanungang

makukuha sa tanggapan ng bawa’t paaralan. Ang bawa’t nagkukusang-loob ay dapat tumupad sa pagsusuri ng tuberkulosis (TB) at katapatan sa katangiang

panunumpa. EC § 45347 and 45349). Ang mga palagiang nagkukusang-loob (higit na dalawang araw sa isang linggo) ay dapat tumupad sa kailangang EC § 45125

fingerprinting.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 8 of 12

TAONANG PAG-BIBIGAY-KAALAMAN SA MGA MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA

Kalakip A

SANDIGANG PAMALAKAD 5145.7 – PAMBUBUSKA SA MAG-AARAL

Ang Chula Vista Elementary School District ay kumikilalang ang pambubuska sa kasarian ay isang paglabag sa batas batay sa pamumukod-tangi sa

pagpapatrabaho sa bansang pamahalaan at estado. Ang Distrito ay umaasang lahat ng mag-aaral ay magkaroon ng isang kapaligirang natututo na walang

pambubuska sa kasarian o pagbabantang pambubuska sa kasarian. Ang pambubuska sa kasarian ay hindi pinahihintulutang gawin ng mga mag-aaral sa kapuwa

mag-aaral o ng mga nakatatanda sa oras ng mga gawaing kaugnay sa pag-aaral.

Ipagbibigay-alam ng mga guro sa mga mag-aaral na may tamang gulang kung ano ang pambubuska sa kasarian, na hindi nila dapat tiisin at hindi ito pahihintulutan.

Ipagbibigay-alam din ng mga guro sa mga mag-aaral ang mga patakaran ng distrito sa pagsisiyasat ng mga reklamo.

Kapag ang sinumang mag-aaral ay nakaramdam ng mga salita, galaw, o kilos, mula sa sinumang ibang mag-aaral o nakatatanda sa oras ng mga gawaing may

kaugnayan sa pag-aaral ng pambubuska sa kasarian, ang mag-aaral ay hinihikayat, subali’t hindi pinipilit, na tuwirang sabihin sa taong gumagawa ng gayong asal

na ang kaniyang inaasal ay nakakainis at dapat na itigil. Kapag ang pakiusap ay hindi pinakinggan at/o hindi pinansin, kailangang isumbong sa guro at/o punongguro.

Ang mga kawani ng paaralan na nakaaalam, o nagkaroon ng kaalaman, ng pambubuska sa kasarian o anumang pagbabanta sa pambubuska sa kasarian ay

dapat isumbong sa guro o punong-guro. Ang guro/punong-guro ay kaagad na gagawa ng mga hakbang na siyasatin ang anumang reklamo sa pambubuska sa

kasarian sa paraang ginagalang ang kasarinlan ng lahat ng panig na nasasangkot. Ang kawani ay gagawa kaagad ng hakbang na gawan ng paraan ang gayong

reklamo at tawagan ang nararapat na mga magulang. Ang punong-guro ay gagawa kaagad ng hakbang na siyasatin ang anumang reklamo sa pambubuska sa

kasarian na iginagalang ang pagkatao ng lahat ng nasasangkot na panig. Kasunod ng kaniyang pagsisiyasat, ang punong-guro ay maghahanda ng nakasulat na

ulat ng kaniyang natuklasan at magsusubaybay alinsunod sa Administrative Regulation 514.7.

Sa anumang pangyayaring pambubuska sa kasariang nasasangkot ang punong-gurong pinagsumbungan ng reklamo, ang kawaning tumanggap ng reklamo o

nakakita sa pangyayari ang magsusumbong sa Tagapamahal o sa kaniyang kahalili.

Walang mag-aaral, kawani, magulang o ibang nilalang ang daranas ng paghihiganti sa pagbibigay ng mga pangyayari ng pambubuska sa kasarian o sa pagbigay

ng reklamo.

Ang sinumang mag-aaral sa ika-4 hanggang ikaa-8 na baitang na napag-alamang may kinalaman sa pambubuska sa kasarian kaninuman sa loob o mula sa

Distrito, ay lalapatan ng nararapat na disiplinang nakalahad sa pamalakad sa disiplina ng paaralan. Ang kalubhaang gagawing hakbang na pagdisiplina ay ibabatay

sa nagawang kasalanan.

Paglilihim at Pag-iingat ng Ulat

Kapag ang mag-aaral o magulang ng mag-aaral na nagsusumbong ng nasabing kasariang pambubuska ay naniniwala na ang pangyayari ay hindi malulutas sa

paaralan, maaaring tawagan ng mag-aaral o magulang ang Tagapamahala o ang kaniyang kahalili o maaaring maglagay ng reklamo alinsunod sa Board Policy

1312.1.

Ang lahat ng reklamo at pagsuplong ng pambubuska sa kasarian ay ililihim maliban kung kailangan sa pagsisiyasat o paglapat ng kasunod na hakbang. (5 CCR

4964).

Ang Tagapamahala o ang kaniyang kahalili ay mag-iingat ng ulat sa lahat ng naiulat na pambubuska sa kasarian upang ang Distrito ay masubaybayan, maasikaso,

at maiwasang maulit ang pambubuska sa mga paaralan at sa oras ng mga gawaing kaugnay ng pag-aaral.

PANGASIWAANG ALITUNTUNIN 5145.7 – PAMBUBUSKA SA MAG-AARAL

Ang pambubuska sa kasarian ay kabilang, subali’t hindi hahangga sa, hindi pinahintulutang pagsasamantala sa kasarian, o ibang hindi pinahihintulutang mga salita,

pagtingin o asal na paghipong ginawa sa ibang taong kapareho o kasalungat na babae/lalaki sa lugar ng pag-aaral, kapag ginawa may kalasuwaan o nasasakop ng

anumang sumusunod na kalagayan (Education Code 212.5; CCR 4916)

1. Ang pagkakaloob ng asal na malaswa o masagwang nagawa sa oras o kalagayan sa kahinantnan o pagsulong ng pag-aaral ng mag-aaral.

2. Ang pagkakaloob sa, o pagtanggi sa, asal ng tao ay ang naging batayan sa anumang pagpasiya sa pag-aaral na nakakaapekto sa mag-aaral.

3. Ang pambubuska ay may layunin o nagbibigay ng masama sa nagagawa ng mag-aaral, o lumikha ng isang nakakatakot, nakakagalit, o nakakainis na

kapaligiran sa pag-aaral.

4. Ang pagsunod sa, o pagtanggi sa, asal ng tao ay ang batayan sa anumang pagpapasiyang nakakasagabal sa mga pakinabang, paglilingkod, karangalan,

programa, o ibang mga gawaing nakalaan sa Distrito.

Ang mga halimbawa ng mga uri ng asal na ipinababawal sa Distrito at may kinalaman sa pambubuska sa kasarian ay kabilang, subali’t hindi hahangga:

1. Nakakayamot na irapan, panunukso sa kasarian, o nagbibigay ng pahiwatig.

2. Nakakayamot na paghamak sa kasarian, pagbigay ng pangalan, pananakot, pananalitang humahamak, o paglalarawang nakakababa ng kapurihan.

3. Mga pagpunang naglalarawan tungkol sa katawan ng isang tao o sobrang personal na pakikipag-usap.

4. Mga biruan sa kasarian, nanghahamak na mga larawan, mga sulat, mga kuwento, mga cartoons, pagguhit, malaswang galaw, o mga imaheng gawa sa

kompyuter na may kinalaman sa kasarian.

5. Nagkakalat ng tsismis sa kasarian.

6. Nanunukso o nagbibigay ng malaswang salita sa kasarian tungkol sa mga mag-aaral na pumapasok sa iisang kasariang klase.

7. Nagmamasahe, nanununggab, nanghihipo, kumakanyod, o humahaplo ng katawan.

8. HInihipo ang katawan o damit ng tao nang malaswa.

9. Nanghaharang o humahadlang sa mga pagkilos o ng anumang pagbalakid sa mga gawain ng paaralan kapag isinagawa ng isang tao kaugnay sa kasarian.

10. Nagpapakita ng malaswang mga bagay.

Mga Hakbang sa mga Reklamo sa Paaralan

Isang pahayag na naglalahad na hindi nagpapahintolot ang Chula Vista Elementary School District sa kasariang pambubuska ay makikitang ipapaskil sa bulwagan

ng bawa’t paaralan. Ang mga patakaran sa disiplina sa paaralan ay magbibigay ng mga hakbang na gagawing pagdisiplina sa mga kasong kasariang pambubuska.

Ang mga guro sa ika-4 – 6 Baitang ay pagkakaloobang ng panimulang aralin upang tulungan silang matulungang matuto ang mga batang gumalang sa iba at

iwasan ang pambubuskang asal.

Ang Nakasulat na Kasagutan sa Pagsisiyasat at Pagsubaybay: Hindi hihigit na 30 araw sa kalendaryo pagkatapos na matanggap ang reklamo, ang punong-guro ay

magsisiyasat sa isinuplong na pambubuska sa kasarian at maghahanda ng nakasulat na ulat sa kaniyang napag-alaman. Ang palugit ng panahon ay maaaring

mapahaba dahil sa mabuting kadahilanan. Kung kinakailangan ng mas mahabang panahon, ipagbibigay-alam ng punong-guro sa mag-aaral na nagreklamo at

ipaliwanang ang mga dahilang ng pagpapahaba ng panahon.

Ang ulat ay kasama ang kapasiyahan, ang mga dahilan ng kapasiyahan, ang isang kabuuan ng mga hakbang na ginawa sa panahon ng pagsisiyasat. Kung ang

pambubuska sa kasarian ay nangyari, ang ulat ay kasama rin ang anumang hakbang na dapat gawin o gagawin sa pagtama sa pambubuska at maiwasan ang

paghihiganti o karagdagang pambubuska. Ang ulat na ito ay ilalahad sa mag-aaral na nagreklamo, ang mag-aaral na pinaratangan, ang mga magulang/tagapagalaga

ng mag-aaral na nagreklamo at ng mag-aaral na pinaratangan, at ang Tagapamahala o ang kaniyang kahalili. Sa karagdagan, titiyakin ng punong-guro na

ang mag-aaral na nagreklamo at ang kaniyang mga magulang/tagapag-alaga ay binigyang-alam ng mga patakaran sa pag-ulat ng maaaring mga kasunod na

problema. Ang punong-guro ay dapat ding gumawa ng pagsubaybay na malaman kung mayroon mang mga bagong pangyayari o paghihiganti at magkaroon ng

ulat sa kaalamang ito.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 9 of 12

TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA

Kalakip B

PAGBIBIGAY-ALAM NG MGA SALIGANG BATAS SA PAGPILI NG PAPASUKAN

Inihanda ng CALIFORNIA DEPARTMENT OF EDUCATION

PAGPILI NG PAARALAN NG INYONG ANAK

Isang Kabuuan ng Kahaliling Paaralang Papasukan sa California

Ang batas ng California ay nag-uutos na lahat ng paaralang sandigan ay ipagbigay-alam sa bawa’t magulang ng mag-aaral sa simula ng paaralan taon ang mga

iba’t ibang paraang sila ay maaaring pumili ng mga paaralang papasukan para sa kanilang mga anak liban sa mga itinakda ng mga paaralang distrito. Ang mga

mag-aaral na pumapasok sa mga paaralang liban sa mga itinakda ng Distrito ay tinatawag na “lumipat na mga mag-aaral” sa buong dokumentong ito. Mayroong

isang paraan sa pagpili ng isang paaralan sa loob ng Distritong tinitirhan ng magulang (paglipat sa loob ng Distrito) at tatlong makahiwalay na pamaraan ng pagpili

ng mga paaralan sa ibang distrito (paglipat sa labas ng distrito). Ang mga pangkalahatang kailangan at hangganan ng bawa’t paraan ay inilalarawan sa ibaba.

Pagpili ng Paaralan sa Loob ng Distritong Tinitirhan ng Magulang

Ang batas (EC §35160.5[b]) ay nag-uutos sa paaralang sandigan ng bawa’t distrito na lumikha sa ika-1 ng Hulyo 1994, ng isang patakaran na nagpapahintulot sa

magulang na pumili ng mga paaralang papasukan ng kanilang mga anak, na hindi ibinibilang kung saan nakatira ang magulang sa Distrito. Ang batas ay

binibigyang hangganan ang pagpili sa loob ng paaralang distiro na sumusunod:

• Ang mga mag-aaral na nakatira sa saklaw ng papasukang paaralan ay dapat bigyan ng pangungunang pumasok sa naturang paaralan kaysa sa mga magaaral

na hindi nakatira sa saklaw ng papasukang paaralan.

• Sa mga pagkakataong labis ang humihiling na pumasok sa isang paaralan kaysa sa nakalaang upuan, ang paraan ng pamimili ay dapat na “hindi sinadya at

walang pinapanigani” kung saan ang ibig sabihin na ang mga mag-aaral ay napili sa pamamagitan ng palabunutan kaysa sa una-unahan. Ang isang distrito

ay hindi maaaring gamitin ang kagalingan sa dunong o sa larangan ng palaruan ng mag-aaral bilang dahilan sa pagkatanggap o pagtanggi ng paglipat.

• Ang bawa’t distrito ay dapat magpasiya sa bilang ng tatanggapin sa bawa’t paaralan para sa mga lumilipat na mag-aaral.

• Ang isang distrito ay hindi hinahanapang magkaloob ng sasakyang maghahatid sa isang mag-aaral na lumipat sa ibang paaralan ng distrito sa kautusang ito.

• Kapag ang paglipat ay tinanggihan, ang magulang ay walang kusang karapatang manawagan sa kapasiyahan. Ang distrito ay maaarng, gayunman, kusang

magpasiyang maglagay sa tamang lugar ng isang paraaan para sa mga magulang na manawagan sa isang kapasiyahan.

Pagpili ng isang Paaralan sa Labas ng Distrito Kung Saan Nakatira ang Magulang

Ang mga magulang ay may tatlong pamimilian para sa pagpili ng isang paaralan sa labas ng distritong kanilang tinitirhan. Ang tatlong mga pamimilian ay

nakalarawan sa ibaba:

(a) Mga Distritong Pamimilian

Ang batas (EC §§ 48300-48315) ay nagpapahintulot, subali’t hindi naghahanap, na bawa’t paaralang distrito ay maging isang “distritong pamimilian” – na,

isang distritong tumatanggap ng mga lumilipat na mag-aaral mula sa labas ng distrito sa ilalim ng mga kasunduang napagpasiyahan. Ang paaralang

sandigan ng distrito na nagpapasiya na maging isang “distritong pamimilian” ay dapat magpasiya ng bilang ng mag-aaral na handang tanggapin sa ganitong

kategorya bawa’t taon at tiyaking ang lahat ng mag-aaral ay pinili sa isang paraang “hindi sinadya at walang pinapanigan”, na ang ibig sabihin ay isang

palabunutang paraan. Ang mga mag-aaral ay dapat humiling ng paglipat sa isang distritong pinili pagkatapos ng ika-1 ng Mayo ng nakalipas na paaralang

taon. Ang pinakahuling batas ay nagpapahintulot ng isang mag-aaral na lumipat sa ilalim nitong mga kautusan sa paaralang taong 2009-10. Ang ibang

kondisyon ay kabilang:

• Ang distritong tirahan ay maaari ring limitahan ang bilang ng mag-aaral na lumilipat sa labas ng distrito bawa’t taon sa naturingang kabahaginan ng

kaniyang kabuuang nakapalista, depende sa laki ng distrito.

• Ang napiling distritong ay maaaring hindi ipagbawal ang paglipat batay sa karagdagang kabayaran sa pag-aaral ng mag-aaral subali’t maaaring

ipagbawal ang paglipat kung ito ay nangangailangan sa distritong lumikha ng bagong programa.

• Walang mag-aaral na kasalukuyang pumapasok sa isang paaralan o nakatira sa loob ng saklaw ng isang papasukang paaralan ang maaaring piliting

umalis sa naturang paaralan upang magkaroon na lugar para sa isang mag-aaral na lumilipat sa ilalim mga kautusang ito.

• Ang magkakapatid na mag-aaral na pumapasok sa paaralang distritong napili ay dapat bigyan ng pangunguna sa paglipat.

• Ang isang magulang ay maaring humiling ng tulong sa sasakyang maghahatid sa loob ng distritong napili. Ang distrito ay maaaring magkaloob ng

sasakyang maghahatid lamang sa abot ng nasasakop.

(b) Pahintulot na Lumipat sa Ibang Distrito

(c)

Ang batas (EC §§ 46600 - 46607) ay nagpapahintulot ng dalawa o higit na distrito na pumasok sa isang kasunduan, sa takdang panahong hanggang limang

taon, para sa paglipat ng isa o higit na mag-aaral sa mga distrito. Ang kasunduan ay dapat banggitin ang mga itatagal at kalagayan sa pagkaloob o pagtanggi

ng paglipat. Ang Distrito kung saan ang magulang ay tumitira ay magbibigay ng isang bukod na pahintulot sa ilalim ng mga hinihingi ng kasunduan, o

pamamalakad ng distrito, para sa paglipat at sa nararapat na takdang panahon. Ang isang pahintulot ay may katuturan sa oras na ibinigay ng distrito ang

iminungkahing pagpasok. Ang batas sa paglipat sa ibang distrito ay nagkakaloob din ng mga sumusunod:

• Kapuwa distrito ng iminungkahing papasukan at ang distrito ng tirahan ay hinihikayat na pagbigyan ang pangangailangang tagapag-alaga ng mag-aaral.

Ang isang mag-aaral sa Kindergarten hanggang ika-6 na Baitang na tumatanggap ng paglipat batay sa pangangailangang tagapag-alaga ay maaaring

hindi kailangang maglagay ulit ng paglipat maliban kung siya ay tumigil sa pagtanggap ng tagapag-alaga sa distrito. Ang paaralang distrito ay patuloy

na hinihikayat na pahintulutan ang sinumang mag-aaral na manatili sa bagong distrito o sa mataas na paaralang distrito kung saan dumadaloy

hanggang ika-12 baitang, batay sa ilang mga kalagayan.

• Kapag ang alimang distrito ay tumanggi ng isang paghiling ng paglipat, ang magulang ay maaaring manawagan sa kapasiyahan sa lalawigang sandigan

ng pag-aaral. Mayroong mga naturingang palugit sa batas sa paglagay ng panawagan at sa lalawigang sandigan ng pag-aaral na gumawa ng isang

kapasiyahan.

• Walang distrito ang kinakailangang magkaloob ng sasakyang maghahatid sa isang mag-aaral na lumilipat ng distrito.

Trabaho ng Magulang sa Halip na Tirahan sa Paglipat

Ang batas (EC § 48204(b)) ay nagpapaubayang ang isang paaralang distrito ay maaaring maturingang ang isang mag-aaral bilang nakatupad sa mga

kailangan sa tirahan para sa paaralang papasukan kung ang isa o kapuwa magulang ng mag-aaral ay pumapasok sa trabahong nasa loob ng distrito. Ang

isang paaralang distrito ay hindi kailangang tumanggap ng isang lumilipat na mag-aaral sa ganitong batayan, subali’t ang isang mag-aaral ay maaaring hindi

tanggihan batay sa lahi, lipi, kasarian, kabuhayan ng magulang, nagawang pag-aaral, o anumang kalagayang hindi makatuwiran. Ang ibang mga kondisyon

ng EC § 48204(b) ay kabilang:

• Alinman sa distrito kung saan nakatira ang magulang o ang distrito kung saan pumapasok sa trabaho ang magulang ay maaaring ipagkait ang paglipat

kung napagtantong ang paglipat ay makakasama sa pag-uutos ng hukuman o banghay ng distritong kusang pagkikipag-isa.

• Ang distrito kung saan ang magulang ay pumapasok sa trabaho ay maaaring tanggihan ang paglipat kung napagtanto nitong ang karagdagang gastos

sa pag-aaral ng mag-aaral ay lalabis sa halagang pamahalaang pondong tinatanggap ng distrito bilang resulta ng paglipat.

• Mayroong mga nakalapat na hangganan (batay sa kabuuang nakapalista) ang bilang ng mag-aaral na maaaring lumipat sa labas distrito sa ilalim ng

batas na ito, maliban kung pinagtibay ng distrito ang mas malaking bilang ng lumilipat.

• Walang kinakailangang paraan ng panawagan para sa paglipat na tinanggihan. Gayunpaman, ang distritong tumatangging tumanggap ay hinihikayat na

makipag-usap sa pagsulat sa magulang ng naturingang mga dahilan ng pagtanggi sa paglipat.

Ang kabuuan ng mga mapamimilian sa pagpasok sa itaas ay hinangad upang magkaloob ng isang kabuuan ng mga batas na nararapat sa bawa’t pamimili. Ang

sinumang magulang na nais magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga pamimili, mga pamalakad at patakarang ng paaralang distrito, at mga palugit sa

paglipat ay dapat tawagan ang kanilang paaralang distrito, o ang distritong kanilang binabalak na lipatan.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 10 of 12

Mahal na Magulang o Tagapag-alaga:

TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG/TAGAPAG-ALAGA

Kalakip C

PAGBIBIGAY-ALAM SA PAGGAMIT NG BAGAY NA PAMATAY/PAMUKSA SA INSEKTO

Ang California Education Code § 48980.3 ay nag-uutos na lahat ng paaralang distrito ng California na magbigaykaalaman

sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga bagay na pamatay/pamuksa ng insekto na inaasahan nilang

gagamitin sa buong taon. Ang mga sumusunod ay maaari naming gamiting pamatay/pamuksa ng insekto nitong

paaralang taon:

Pangalan ng Pamatay/Pamuksa sa Insekto

GLYSTAR PRO GLYPHOSATE PLUS

GRASS GETTER POSTEMERGENCE HERBICIDE SETHOXYDIM 18%

PHANTOM

Mga Sangkap

GLYPHOSATE 41%/SURFARTANT 15%GLYPHOSATE 41% OTHER

INGREDIENTS 59%

CHLORFENAPYR; 4 - BROMO - 2 - (4- CHLOROPHENYL) - 1- (ETHOXYMETHYL)

- 5 - (TRIFLUOROMEITHYL) - 1H- PYROLE -3- CARBONITRILE 21.45%

PRO HERBICIDE ENHANCER PARAFFINIC PETROLEUM OIL 80%

POE NONYLPHENOL 20%

RONSTAR G HERBICIDE OXADIAZON 2% /INERT INGREDIENTS 98%

SEDGE HAMMER HALOSULFURON - METHYL 75%

SURFLAN A.S. HERBICIDE ORYZALIN: 3.5 DINITRO- N - 4, N4 DIPROPYL-SULFANILAMIDE 40.4%

TERMIDOR FIPRONIL; 5 AMINO -1 (2, 6 -DICHLORO - 4 - (TRIFLUOROMETHYL) PHENYL - 4

- (1,R,S) - (TRIFLUOROMETHYL) SULFINYL) - LH - PYRAZOLE - 3 -

CARBONITRILE - 9.1 %

TURFLON ESTER HERBICIDE TRICLOPYR, BUTOXY ETHYL ESTER 61.6%

TURFMARK BLUE MARK IT

NON TOXIC

WASP FREEZE PHENOTHRIN 0.120% D -TRANS ALLETHRIN 0.129%

SPEED ZONE CARFENTRAZONE – ETHYL, 54 %, 2, 4-D, 2-ETHYLHEXYL ESTER 10.49%,

MECOPROP-P ACID 2.66010, DILAMBA ACID, 67% INERT INGREDIENTS

85.64%

BINAGO 06/11

Matutunghayan ninyo ang karagdagang kaalaman tungkol sa mga pamatay at pamuksa sa insektong ginagamit sa websayt ng

Department of Pesticide Regulation na http://www.cdpr.ca.gov.

Bilang magulang o tagapag-alaga, may karapatan kayong humiling na mabigyang-alam ng 72 oras bago ang paglalagay. Ang

mga pahayag ay dapat na nakapaskil 24 oras bago ang paglalagay ng pamuksa at mananatiling nakapaskil 72 oras makatapos

ang paglagay ng pamuksa sa insekto.

Kung nais ninyong mabigyang-alam, pakiusap na tapusin ang ibabang bahagi nitong sulat at ibalik sa paaralan ng inyong

anak. Ang Distritong Tagapangasiwa ng Kapaligiran ay magbibigay alam sa tamang petsa at oras bago ang bawa’t paglagay

ng pamatay/pamuksang gamot. Sa gayong oras, kung kayo’y nakarehistrong tumanggap ng kaalaman, ang paaralan ay

tatawag o magpapadala ng paunawa sa inyong bahay. Walang karaniwang itinakdang paglalagay ang kasunod. Ang paglagay

ay ginagawa lamang kung talagang kinakailangan.

Isang kopya ng Healthy Schools Act of 2000, Material Safety Data Sheets, at kopya ng halimbawang sulat ng pagbibigay-alam

ay nakalaan sa bawa’t paaralan.

LAMANG KUNG NAIS NINYONG MAGBIGYANG-ALAM SA PAGLALAPAT NG PAMATAY/PAMUKSA

IBALIK ANG BAHAGING ITO SA INYONG PAARALAN

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________ Silid #: ___________________Emayl: ______________________

Pangalan ng Magulang: _____________________________________________ Telepono:

Tungkulin ng magulang/tagapag-alagang magbigay ng tamang telepono at tirahang iniingatan sa paaralan.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 11 of 12

PAGBIBIGAY-ALAM NG MGA PRODUKTONG PAMATAY INSEKTO

Papel ng Kaalaman para sa mga Magulang Tungkol sa AB 2260, ang Healthy Schools Act ng 2000, napagtibay na California Education Code §

48980.3.

Noong September 2000, nilagdaan ni Governor Davis ang batas na Healthy Schools Act ng 2000 (Assembly Bill 2260). Itong batas ay naguutos

sa mga paaralang magbigay-alam sa mga magulang at paaralang kawani tungkol sa ginagamit na pamatay insekto sa kanilang mga

paaralan at iniuutos ng Department of Pesticide Regulation na itaguyod ang kusang pagkalingang kaugalian ng pinagsamang pangangasiwa ng

salot sa mga paaralan sa California. Karamihan ng mga pag-uutos ng batas ay pinairal noong ika-1 ng Enero, 2001. Bawa’t paaralang distrito

ay pairalin ang mga sumusunod na pag-uutos ng batas:

• Pagbibigay-alam ng lahat ng produktong pamatay-insekto na inaasahang gagamitin ng paaralang distrito sa kapaligiran ng paaralan

ay dapat taonang ipadala sa mga magulang at tagapag-alaga ng lahat na mag-aaral. Ang mga produktong ito ay kabilang ang nabibili

saanmang tindahang makukuha ng tingiang pagbili, subali’t hindi kabilang ang ilang produktong hindi kasali sa ilalim ng batas. Ang

pagbibigay-alam ay dapat nakalista ang mga sangkap ng bawa’t productong pamatay insekto at ang Internet para sa Department of

Pesticide Regulation upang makakuha ng karagdagang kaalaman. Tunghayan ang websayt ng DEP na http://www.cdpr.ca.gov at

pindutin ang School IPM Program.

• Bawa’t paaralan ay lilikha ng isang listahan ng mga magulang o tagapag-alagang nais na mabigyan-kaalaman bago ang bawa’t

paglalapat ng pamatay insekto ay gagawin.

• Bawa’t paaralang distrito ay titiyaking ang mga babalang pahayag ay nakapaskil sa mga lugar kung saang ang pamatay insekto ay

ilalapat. Ang mga pahayag ay ipapaskil 24 oras bago at 72 oras makatapos ang paglalapat ng pamatay insekto at nagtataglay ng

kaalamanng nakalagay sa batas.

• Bawa’t paaralan ay mag-iingat ng talaan ng lahat ng ginamit na pamatay insekto sa paaralan ng apat na taon at ang mga talaan ay

nakalaan sa mamamayan sa kanilang paghiling.

Sa karagdagang kaalaman, tawagang ang District Grounds Manager (619) 425-9600, ektensyon 1424.

KAALAMAN SA GAGAMBANG “BLACK WIDOW”

Ang Chula Vista Elementary School District ay hinihikayat kayong kausapan ang inyong anak tungkol sa pag-iwas na madampian ng mga

gagambang black widow sa bahay man o sa paaralan.

Black Widow

Ang matandang babaeng gagambang Black Widow ay may makintab, itim at bilugang tiyan na may dalawang magkadugtong na pulang

tatsulok sa ilalim na hugis ng salaming orasan. Ang matandang babae ay halos ½ pulgada ang haba, hindi kasali ang mga binti. Ang

matandang lalaking gagambang Black Widow ay hindi nananakit, at halos kalahati ng laki ng mga babae. Ang tiyan ng lalaki ay karaniwang

may pulang mga batik at putting guhit o bar.

Papaano umiwas sa kagat ng gagamba

• Gumamit ng sapatos sa labas.

• Huwag ilagay ang mga kamay sa mga butas, sa ilalim ng mga kagamitan sa bahay at sa mga nakatambak na kahoy na hindi

makita ang mga ito.

• Pagpagin ang mga damit, tuwalya, sapatos, guwantes, at boots bago isuot.

• Mag-ingat sa paggamit ng mga palikuran sa labas, dahil ito ang mga paboritong lunggaan ng mga gagamba.

Mga palatandaan ng kagat ng gagambang Black Widow

Ang pangunahing kirot ng isang kagat ng gagamba ay maaaring dahilan ng matindi at nakakapasong damdam. Ang karaniwang palatandaan

ay kabilang:

• Pinagpapawisan

• Naduduwal

• Mabilis na pagtibok ng puso

• Pulikat sa kalamnan

• Lumalabong paningin

• Nahihirapang huminga at lumunok

Ang mga batang wala pang 6 na taong gulang, mga taong higit na 60 taong gulang, at mga taong may sakit sa puso ay nanganganib kapag

nakagat ng nakamamatay na gagamba. Ang ilan ay maaari ring magkaroon ng allergic reaction na maaaring dahilan ng panghihina bunga ng

hindi mabuting pagdaloy ng dugo. Upang makita kung sila ay magkakaroon ng allergic reaction, kailangan silang maobserbahan ng 24 oras.

Sa karagdagang kaalaman sa mga gagamba o ibang insektong tagapagdala ng sakit tawagan: (858) 694-2888 o vector@sdcounty.ca.gov.

CVESD 2011-12 TAONANG PAGBIBIGAY-ALAM SA MGA MAGULANG PAGE 12 of 12

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!