13.07.2015 Views

Filipino version - Canvas

Filipino version - Canvas

Filipino version - Canvas

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Noong panahon ng digma, may isang maliit na nayon. Liblib ito at napaliligiran ng matatarik nabundok. Tila nabubuhay sa ibang daigdig ang mga tagarito: isang mundong puno ng halakhak, awit, atligaya. Nagbibiruan ang mga kalalakihan habang nagtatrabaho. Umaawit ang mga kababaihan habangtinatapos ang mga gawaing-bahay. At ang paligid ay puno ng ingay ng mga batang naglalaro mulaumaga hanggang gabi.


Ngunit natatangi ang nayongito dahil sa mga bulaklak. Hitiksilang namumukadkad sa mayamanglupa ng lambak, at sumasambulatang kanilang iba’t ibang mga kulay.May matitingkad na amapola,matatayog na rosas, maririkit na liryo,at mga kaaya-ayang mirasol. Higit parito, may mga malalaking asul na bulaklakna nagkalat sa walang hanggang lawak ngdamuhan. Mula sa kalayuan, nagniningningsila na tila mga bituing nalaglag mula sa langit.


May tagapag-alaga ang mgabulaklak na ito. Isang batang babae nanagngangalang Nadia.Tuwing umaga, bago pa mansumikat ang araw, dinidiligan naniya ang mga ito. Pagsapit ng hapon,binubulungan niya ang mga ito ngmga kuwento. At sa gabi, bago siyamatulog, idinadalangin niya angmahimbing nilang pagtulog.Kaya naman namukadkad sila atdumami, dahil walang ibang bagayna lalong nagpapabukadkad tulad ngpagmamahal. At ang ligaya ni Nadia aynaging ligaya ng nayon. At sa matagal napanahon, ganito ang siyang nakagawian.


Ngunit panahon ito ng digmaan.Isang gabing pusikit, habang nasa parang ng bulaklak si Nadia, narinig niya ang isang malalimna dagundong, na parang tunog ng mga tambol sa kalayuan. Nang tumalima siya sa pinagmumulanng ingay, natanaw niya ang mapulang liwanag ng apoy.


Tumakbo si Nadia. Ibinalita niya sa kaniyang mgamagulang ang kanyang nakita, at sila naman angnagpaabot ng pangyayari sa buong nayon. Simula sasandaling iyon, maraming bagay ang nagbago.


Di naintindihan ng batang babae ang takot naipinakahulugan ng mga ingay na iyon, ngunit batidna ito ng mga taganayon. Inakala nilang mananatilisilang ligtas sa tulong ng mga bundok, ngunitnagkamali sila.Parating na ang mga eroplano at mga bomba.Parating na ang digmaan sa kanila.


Naglaho na ang halakhak sa nayon, atwala nang panahon para umawit o magsayawo maglaro sa lansangan.Paroo’t parito ang mga taganayon sapaghahanda sa kanilang paglikas. Bawataraw, nag-imbak sila at nagplano. At bawatgabi, minatyagan nila ang unti-untingpaglapit ng mga sunog.


Ngunit sadyang matindi ang pagtangi ni Nadia para sa mgabulaklak. Kahit siya’y natatakot, lagi niya silang inaalala. Kayatuwing umaga, bago pa man sumikat ang araw, bumabangon siyaupang diligan sila. Pagsapit ng hapon, binubulungan pa rin niyasila ng mga kuwento. At sa gabi, sa pagsabog ng mga bomba atpaglagablab ng mga ito sa kalayuan, dalangin niya ang mahimbingnilang pagtulog.


Kaya patuloy na namukadkad angkaniyang maririkit na bulaklak, puno ngbuhay at ligaya. Sa isang saglit, nalilimotng mga taganayon ang mga bomba,barilan, at pagliyab sa tuwing nasisilayannila ang mga ito. Kahit sandali ay di nilanamalayan ang digmaan.


Ngunit isang gabi, habang nahihimbing si Nadia, dumating sa wakas ang digmaan.


Wala nang panahon.Habang niyayanig ng pagsabog ang buong paligid, nagsilikasang mga taganayon upang sumilong sa kabundukan. Buong gabingnangunyapit sa dilim si Nadia, kapiling ang kaniyang pamilya,pinakikinggan ang dagundong ng mga bomba at pagsambulatng apoy habang tinutupok ang nayon.


Bago magbukang-liwayway, natigil angpagbomba at tumahimik ang lahat. Dahandahangbumalik ang mga taganayon. Walangkibo nilang tinahak ang mga guho ng digmaan.At sa huli, narating nila ang parang. Naabona ang mga amapola at rosas, at tupok natupok ang mga liryo at mirasol.Ngunit ang pinakamasaklap…


“Ang mga bulaklak ko… wala na!”bulalas ni Nadia. Tumakbo siya sa sunogna damuhan at naghanap ng talulot,palumpong, o bakas ng kahit isang asulna bituin, ngunit wala na. Wala ni bakasng mga mariringal na asul na bulaklakna pinaglaanan niya ng pagmamahal atpag-aaruga.Napaluhod si Nadia at nagsimulangumiyak.


Nagsimula ring tumangis ang kaniyang mga kanayon nang masilayan ang kaniyangpagtangis. Ipinagluksa nila ang mga bulaklak. Ipinagluksa nila ang buong nayon. Ngunit higitsa lahat, ipinagluksa nila ang ligayang sa palagay nila’y di na kailanman babalik.


Tanging angkalunus-lunos na tinigng pagtangis ang narinig sanayon sa loob ng apat na araw.Ngunit sa ikalimang araw,maagang bumangon si Nadiabago pa man sumikat ang araw.Tumungo siya sa parang atnagsimulang diligan ang sunog nalupa. Sa hapon ay binulungan niyang mga kuwento ang natitirangsibol ng damo. At sa gabi, dalanginniya rito’y mahimbing napagtulog.Ilang ulit niya itong ginawasa ikaanim na araw, saikapito, sa ikawalo, atikasiyam…


At sa ikasampung araw, nang muli niyang binisita angparang, napansin niya ang malamlam na ningning ng asul nabituin sa sumisibol na damo. Sa labis na tuwa ay napahiyaw siyanang malakas na gumitla sa mga taganayon, na agad tumungoupang alamin kung saan ito nagmula. At nang masilayannila ang nag-iisang bulaklak, nagsimula silang magdiwang,at napangiti si Nadia.


Sinimulan ng mga taganayon ang kanilang pagbangon. Nagbiruanang mga kalalakihan habang nagtatrabaho. Nagsiawit ang mgakababaihan habang tumutulong sa gawain. At muling napuno angmga lansangan ng masasayang tinig ng mga batang naglalaro mulaumaga hanggang gabi.Sa isang buwan, naging luntian muli ang mga damo…Sa dalawang buwan, nagsimula nang sumilip ang mga usbongmula sa lupa…


Maraming taon ang lumipas at maramingbagay na ang nagdaan. Ang batang si Nadiaay lumaki, tumanda, at sumakabilang-buhayrin paglaon. Ang nayon ay nagbago na rin:ang mga bundok ay nagbigay-daan sa mgakalsada, at ang dating maliit at liblib na nayonay isa nang maunlad na bayan.Ngunit nananatili pa rin ang mga asulna bituin, namumukadkad na tila mgabiyayang hulog ng langit. At araw-araw,may grupo ng mga batang dinidiligan silasa umaga, kinukuwentuhan sila sa hapon, atidinadalangin ang kanilang mahimbing napagtulog sa gabi.


THE AUTHORFrankie Torres loves telling stories. Her full name is Francesca Nicole Chan Torres, which is French, but whensaid backwards sounds like German. (“Frankie” backwards is pronounced “icknarf.”) A believer in fairy tales, she has learnednever to underestimate the power of little girls (or of kids in general), and that hope is stronger than any magic. When she’snot trying to be a responsible student, Frankie can be found performing in theater, singing, or scribbling in one of her vastcollection of notebooks. “Nadia and the Blue Stars” is her first book, but rumor has it she’s keeping a novel locked up in atrunk somewhere…THE ARTISTLiv Romualdez Vinluan was born in the city of Manila in the late 1980’s. Since graduating cum laudefrom UP Diliman, she has exhibited all over Southeast Asia and Switzerland. When not occupied by painting, Livstudies French, cooks spaghetti, collects books, and sews. Juan Luna’s “Spoliarium” is her most favorite painting, andshe hopes to someday create a worthy tribute to it. “Nadia and the Blue Stars” is her first children’s storybook.


We enjoy hearing from our readers.Please feel free to let us know what you think of this bookby emailing us at info@canvas.ph, or by mail atCANVAS, No.1 Upsilon Drive Ext., Alpha Village, Diliman,Quezon City, Philippines 1119.© CANVAS - All rights reserved.First published in hardcover by CANVAS, 2012In the Republic of the PhilippinesBook and cover design by Daniel Palma TayonaPhotography by Ocs Alvarez

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!