10.07.2015 Views

Filipino version - Canvas

Filipino version - Canvas

Filipino version - Canvas

SHOW MORE
SHOW LESS
  • No tags were found...

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

A complete range of giftware featuring the paintings in SOLis available at www.canvasdownstream.com.We enjoy hearing from our readers.Please feel free to let us know what you think of this book byemailing us at info@canvas.ph, or by mail at CANVAS, No.1Upsilon Drive Ext., Alpha Village, Diliman, Quezon City,Philippines 1119.First published in hardcover by UST Publishing House, 2007First paperback edition, 2007Online <strong>version</strong>, 2009Printed in the Republic of the PhilippinesBook and Layout Design by Daniel Palma TayonaCover Illustration (Sol) by Farley del RosarioAll illustrations originally rendered in oil on canvasPhotography by Mike Cheung / Northlight Studio


written byAGAY LLANERAillustrated byFARLEY DEL ROSARIO<strong>Filipino</strong> translation bySUSAN DE GUZMANedited byJOSELITO ZULUETA


Noon, sumisikat ang Araw hindi lamang ng may banayad na liwanag, kundi pati na rin ng maykabigha-bighaning ganda. Maamo ang kanyang mukha at ang mga mata niya’y may bahid ngbahaghari, habang ang kanyang ngiti nama’y nakapapawi ng lamig. Sa tuwing ilaladlad niya angmahaba at kulay-mais niyang buhok, nababalot ang mundo ng isang mainit at manilaw na yakap.Hindi lihim sa buong kalangitan kung gaano kamahal ng Buwan ang Araw. Ganoon din angdamdamin ng libu-libong bituin para sa Araw, at kapag sila’y di pinansin nito, ang ilan sa kanila’ybumubulusok patungong daigdig at kusang pumapanaw. Inalay ng Saturno ang kanyang mga singsing,ngunit ito’y tinanggihan ng Araw. Mula noon, ang kawawang planeta’y palutang-lutang na lamang sakawalan at nagsusulat ng mga tula ng pag-ibig.Maging ang mga nilalang sa mundo ay nahuhumaling din sa Araw. Ngunit sadya itong hindimaabot kung kaya’t sila’y nawalan na rin ng pag-asa - lahat maliban sa isa.


Habang tumatagal, lalong umiigting angpag-ibig ni Amorsolo sa Araw.Mula noong siya ay bata pa, naaakit nasi Amorsolo sa Araw. Tuwing bukangliwayway,pinagmamasdan niyang sumikatang Araw habang pinupuno ng mga hikabnitong kulay rosas at kahel ang pilak atbughaw na langit. Mataposnitong suklayin ang ginituangbuhok, hudyat na ng isangpanibagong araw. Dali-dalinglumalabas si Amorsolo upangtingnan ang pagliwanag ngAraw sa mga bukid.Papasok lamang siya ng tahananupang kumain at mag-aral.


Ang pinagsisikapang pag-aralan ni Amor-soloay ang pagtugtog ng biyolin ng kanyang ina.Kinupas na ng panahon ang kulay nito, ngunit angtunog ng bawat kuwerdas ay nananatiling dalisay.Nang isinilang si Amorsolo, tiningnan ngkanyang ina ang mga daliri niya at nabatid nitokaagad na magiging isang biyolinista rin ang anaktulad niya. Dahil dito, araw-araw niyangmatiyagang tinuturuan ang masikap ding matutona anak. Matapos ang bawat leksiyon, makikita parin si Amorsolo na tumutugtog ng biyolin sabukid habang nakatingala siya sa Araw.Noong una, natutuwa ang mga taum-bayan sakakaibang paghanga ng bata sa Araw. Inakalanilang ito’y lilipas din. Ngunit sa pagdaan ngmga taon at habang lumalaki si Amorsoloay lalo lamang tumindi ang dam-daminnito. Aksaya lamang ito ng panahonpara sa ilan ngunit para kay Amorsolo,ito ay tunay na pag-ibig.


Araw-araw, binabaybayni Amorsolo ang gubat sa gilid ngbayan hanggang marating niya ang ilog, kungsaan hinahangaan ng Araw ang sariling anyo saharap ng malinaw na tubig.Pagsapit ng dapithapon, kapag ang Araw ayhanda nang umidlip, inilabas ni Amorsolo angkanyang biyolin upang tumugtog na tila gamitang sariling kuwerdas mula sa kanyang puso.Kadalasan, napapatid at bumabaluktot ang ilangkuwerdas ng biyolin dahil sa kanyang masidhingpagtugtog. Walang pag-aalinlangang binunot niAmorsolo ang ilang hibla ng kanyang mahabangbuhok at iniunat nito sa kaniyang panghilis.Matapos nito ay tutugtog siyang muli, napara bang hinihimok niyang lumabas angmatatamis na himig mula rito.Ganito ang gawain ni Amorsolo sabawat araw. Sa bawat pagbunot at pagtugtoggamit ang sariling buhok, tila ba pinamamalasniya sa Araw ang kanyang pagpapakasakit.Ngunit sa katotohanan, walang nakakakita nito.


Walang nakakakita maliban lamang sa Haring Kahoy. Ang gubat na nakapalibot sa ilog aynaroon na mula pa noong unang panahon, ngunit walang ibang nakapagtagos sa puso nito nagaya ng musika ni Amorsolo.Dinala ng Haring Kahoy ang himig gamit ang kanyang mga sanga at ito’y ikinalat niya sabuong kagubatan. Sa palagay niya, nakapanghihinayang sapagkat hindi ito naririnig ng Araw.Tulad ng dati, abala pa rin ang Araw sa pananalamin sa ilog atpaghanga lamang sa sarili. Pinili na lang ng Haring Kahoy nahuwag nang makialam pa.Subalit isang araw, nagpalit ito ng isip.Sa gitna ng kanyang pagtugtog, huminto nangpanandalian si Amorsolo at tumingin sa Araw. Lagi niyangpinapangarap na makita siya ng Araw. Ngunit ngayon,tanggap na niyang niloloko lamang niya ang kanyang sarili.Dahil sa poot, inihagis ni Amorsolo ang biyolin at tumama itosa isang malaking bato. Nagulat siya nang makita ang isang bitaksa likod ng kaniyang biyolin. Dahil dito’y humagulgol siya dala nglabis na pagsisisi.


Matutulungan kita.Nabigla si Amorsolo.“Sino ‘yan?”Matagal na akong narito, bago ka pa manisilang at maging matapos kang pumanaw.Natulala na lamang si Amorsolo nangmakita sa kaniyang harapan ang isangmatandang may balbas. Napapalibutan ngmga dahon ang bisig nito habang ang ulonama’y puno ng maliliit na sanga. Sa dibdibnito’y walang katapusan ang bilang ngmga singsing na nakapaloob sa maramipang malalaking singsing.Ako ang Haring Kahoy,nakangiting sabi nito. Narinig kona ang iyong himig at natutuwaako sa instrumentong iyongtinutugtog.


“P-paumanhin po,” nanginginig na tugon niAmorsolo habang pinupulot ang sira-sirangbiyolin at ibinigay ito sa Haring Kahoy. “Hindiko sinasadyang itapon ito.”Dagling hinawakan ng Haring Kahoy angnasirang instrumento. Maya-maya’y ibinalik itokay Amorsolo at sinabing, Buo na itong muli.Sa pagtataka, hinawakan ni Amorsolo angbahaging dating nabitak. Nawala na ang biyak.Nanumbalik ang dating kamagong na kulay nito atnaging kasintibay ito gaya noong una itong ginawa.Kaya kong mangumpuni ng mga bagay na mayhalintulad sa aking kaanyuan, paliwanag ng HaringKahoy. Bumalik ka sa ilog na ito bukas attutulungan kita.“Hindi ko maunawaan,” bulong ni Amorsolo.Maniwala ka sa Haring Kahoy. Maaaringmatanda na ako ngunit may taglay pa rin akongkapangyarihan.Matapos nito ay bigla na lamang siyangnaglaho. Pagtingin ni Amorsolo sa paligid aynababalutan na ito ng kadiliman. Gabi na pala.Dali-dali siyang tumakbo pauwi.


Kinabukasan, tumungo si Armosolo sailog na suot ang kaniyang pinakamagarangdamit. Noong nakaraang gabi, pinagmasdanniya ang sarili sa salamin at napagtantongkatawa-tawa ang kaniyang hitsuradahil bagama’t mahaba ang kaniyangbuhok, may mangilan-ngilang kalbongbahagi ang kaniyang ulo sanhi ng pagbubunotng sariling buhok. Kaya’t nangumaga’y napagpasiyahan niyang ahitin nalamang ang buong ulo.Sa tabi ng ilog, pabalik-balik siyangnaglakad tangan ang kaniyang biyolin atarko.Nang kalauna’y nagpakita rin angHaring Kahoy.Mayroon pa akong isang handog sa iyo.


Narinig ni Amorsolo ang pag-ingit ngkahoy. Maya-maya’y nakita niya ang isangkabayong lumabas mula sa halamanan attumatakbong patungo sa kaniya. Kumikinangang kayumangging kiling nito sa liwanag ngAraw, subalit sa palagay ni Amorsolo ay maykakaiba sa ikinikilos nito. Nang ito’y lumapit pasa kaniya, napagtanto ni Amorsolo na isalamang pala itong kabayong tumba-tumba.Noong una ay nagulat siya at pagkatapos aynamangha. Ngunit sa bandang huli, siya’ynagalit.Laruan lang pala ang ibibigay mo sa akin!Umiling ang Haring Kahoy atbumuntong-hininga.‘Di ba’t sinabi ko sa iyo na ako’y nakagagawalamang ng mga bagay na hango sa aking katauhan?Binigyan kita ng tumba-tumba dahil hindi akonakabubuo ng tunay na kabayo. Nakasaalang-alangsa iyo na buhayin at gawin itong totoo.Nanlaki ang mga mata ni Amorsolo.Paano?Itinuro ng Haring Kahoy ang biyolin.Sa paggawa ng sarili mong mahika.


Tiningnan ni Amorsolo ang kanyangbiyolin at arko. Umihip ang hangin atumusad papalapit sa kanya ang kabayongtumba-tumba. Nang titigan niAmorsolo ang mga mata nito, mayroonsiyang naalala mula sa kanyang kabataan.Nagkaroon siya ng laruang tumbatumbanoong siya ay paslit pa, noongnagsisimula pa lamang siyang mag-aral ngbiyolin. Noon ay nakagawian niyang tumugtogng biyolin habang nakasakay sa kabayo.Nang mga panahong iyon ay iniisip niyang siyaay nakararating sa isang malayong lugar kung saanang lahat ng pangarap ay nagkakatotoo.Sumakay si Amorsolo sa likod ng kabayongtumba-tumba nang walang pag-aalinlangan. Mistulangnakaduyan ang biyolin sa kaliwang bisig, iniangat niyaang arko at nagsimulang tumugtog.Itinugtog ni Amorsolo ang lahat ng kaniyangnararamdaman. Taos-puso niyang sinaliwan ang mgapangarap na kaniyang hiniling sa mga pumanaw nabituin. Lumutang siya sa pagitan ng panaginip atkatotohanan. Napunta siya sa isang palasyong maykurtinang gawa sa pulang pelus at may alpombrangkulay luntian. Lumilipad siya sa alapaap. Hinaharananiya ang Araw na ngayon ay nakikinig.


Ngunit bigla na lamang naputol angisang kuwerdas ng biyolin. Dapat sana’ypapalitan ito ni Amorsolo ng kaniyangmahabang buhok gaya ng nakagawian.Ngunit bago pa man maalalang siya aykalbo na, nagulat siya nang mapansing siyapala’y lumulutang na sa mga ulap.“Ahh!”Muntik nangmahulog siAmorsolo mula sakanyang kabayo. Nangtingnan niya ang ilog sa ibaba, mistulanitong isang maliit na lubak na napuno ngtubig-ulan. Humalinghing ang kabayo;iginalaw nito ang buntot at marahangtinapik ang likod ni Amorsolo.


“Huwag kang huminto.”Noon lamang nakita ni Amorsolo nasiya pala’y nasa harap na ng kanyangsinisintang Araw - ang dahilan ng kanyangwalang-sawang paglikha ng musika.“Ipagpatuloy mo.”Hindi siya makagalaw. Nalunod siya sapaikot-ikot na mga kulay ng mata ngAraw. Doon ay nakita ni Amorsolo angnapatangang anyo ng sarili. Pinilit niyangmagsalita.“I-ipagpaumanhin n’yo. Napatid angaking kuwerdas at wala na akong buhokupang palitan…aaw!”Hinampas siya ng kabayo ng buntotnito.“…ang putol na kuwerdas…aaw!”


Ngayon ay talagang pinalo na nangmariin si Amorsolo ng buntot ng kabayo.Mabilis niyang hinawakan ang buntot atnang ito’y maisaayos sa dati nitongpuwesto, nakita niyang may mga naiwanghibla sa kanyang kamay. May bigla siyangnaisip.“Sandali lamang.”Agad niyang itinali ang buhok ngkabayo sa kanyang arko. ‘Di nagtagal aytumugtog siyang muli.Nang matapos si Amorsolo, napatitigang Araw sa kanya. Bakas sa mukhanito ang labis na paghanga.


Nakabibighani! Ano ang tawag mo roon?“Isang awit,” sagot ni Amorsolo. “Nilikhako ito para sa iyo.”Para sa akin? Nagtatakang tanong ngAraw. Wala pang lumilikha ng awit para saakin. Ngumiti ito. At ang isang awit aynabubuo ng mga iba-ibang tunog,hindi ba?“Ah, ang ibig mong sabihin ay ang mganotang tulad nito.”At ipinarinig ni Amorsolo ang isangnotang maigting ang tunog.Napakaganda.“Ngunit hindi kasingganda mo.”Napahalikhik ang Araw sa tuwa.


“Ang bawat nota ay may sarilingpangalan,” paliwanag ni Amorsolo.Nahihiya siya ngunit nagulat sa kanyangkapangahasan.Ano ang pangalan ng tunog na iyon?“Sol.”Dahil higit na maganda pa ako satunog na iyon, dapat lamang ay ako angmagtaglay ng kanyang pangalan,pagbibiro ng Araw.Namula si Amorsolo.Mula nang araw na iyon, lagi nangsinasakyan ni Amorsolo ang kabayo athinaharana ang Araw, na siya namingmadaling nahumaling sa kaniyang mgahimig.


Napaismid ang Buwan sa lahat ng kaniyang nasaksihan. Nag-isipito ng paraan upang mabawi ang minamahal. Alam niyangkailangang kumilos kaagad.Nang araw ding iyon, habang naghahandang magpahinga angAraw ay sumikat naman ang Buwan.Nabihag na pala ng binatang iyon ang puso mo.Napabuntong-hininga ang Araw. Mayroon siyang taglay nakakaibang halina. Inalayan niya ako ng kanyang mga awit. Iba siya saating mga nilalang sa kalangitan.Ngunit mahal ko, tao lamang siya, Hinawakan ng Buwan angkamay ng Araw. Kay tagal na kitang minahal, mula pa noong unangnilikha ang langit.Sumimangot ang Araw at inalis ang kamay sa pagkakahawak ngBuwan. Wala ka namang bagong maiaalay sa akin.Diyan ka nagkakamali. Mayroon akong maaaring ibigay sa iyo.Inilabas ng Buwan ang isang koronang ginto na ubod ng kinang,kung kaya’t kinailangan pang takpan ng Araw ang kanyang mga mata.


Nilikha ko ito mula sa sarili kong sinag,mula sa ningning na galing pa sa akingkaloob-looban. Ito ang aking liwanag atnais ko itong ibahagi sa iyo.Manghang-mangha sa nakasisilawnitong liwanag, kinuha ng Araw angkorona.Kapag tinanggap mo ito, pagsasaluhannatin ang iisang ilaw at habambuhaytayong magiging magkatuwang.Alam ng Araw kung ano ang ibigsabihin nito. Daglian niyang narinig angmusika ni Amorsolo at nakaramdam siyasaglit ng kirot sa puso. Ngunit nangmakita niya sa tubig ang sariling anyo nanakasuot ng makinang na korona, alamna niya kung ano ang kaniyang nais.


Kinabukasan, tumungo muli si Amorsolo sakalangitan. Ngunit bago pa man niya maratingang mga ulap ay nakaramdam na siya ngmatinding init. Hindi siya makahinga. Sa kanyangpagkabalisa, tumugtog siya ng isang nota.Amorsolo?“Sol! Ipakita mo ang iyong mukha upangmabawasan ang matinding init na ito.”Narito ako, nababalot sa liwanag ng Buwan.Hindi ba’t higit pa akong gumanda?Tinakpan ni Amorsolo ang kanyang mga mata.“Nasaan ka? Ano’ng nangyari sa iyo?”Lalo pang lumapit ang Araw, na lubus-lubusansa pagkinang. Ang dati nitong banayad na init aysadya nang maapoy at nakamamatay ngayon.Nakipag-isang dibdib na ako sa Buwan.Pinagsasaluhan namin ang iisang liwanag.Ngayo’y wala nang tatalo pa sa akingningning at kinang!


Kumulot at nagsiputol ang mgakuwerdas ng biyolin ni Amorsolo dahil salabis na init. Ramdam niya sa kaniyangbalat ang init ng apoy. Ang kaniyangkabayo’y nagsimulang umiyak sa sakit nanararamdaman. Bago pa man niyamapansin, nahulog na sila mula sa langit.Isang mayabong na puno ang sumalokay Amorsolo mula sa pagkakahulognito. Nakita niya sa gawing ibaba angkani-yang kawawang kabayo.Nanumbalik ito sa pagiging kahoy nangayo’y nakasambulat, pira-piraso at nagingabo. Maging ang biyolin ni Amorsolo aynatupok. Gusto niya sanang umiyak ngunitmaging ang luha niya’y tinuyo na ng Arawbago pa man ito pumatak.


Ngayon, ubod na ng tindi ang sikatng Araw. Hindi na maaaring tingnan angpambihirang kagandahan nito dahil sanakabubulag niyang kinang. Ang init niya’ynakapapaso at nakasusunog. Ngunit patuloysiyang sumisikat araw-araw. Sa kaniyangpaniniwala, siya ang pinakamagandang nilalangsa langit.Hinahanap-hanap pa rin niya ang mga awitni Amorsolo, kahit ito’y lumisan na at bumaliksa lupa. Ang sabi nila’y may isang malakingpunong tumubo kung saan humimlay siAmorsolo. Ang matipunong pangangatawan ngpuno’y may matingkad na kulay ng kamagong.Kapag umiihip ang hangin sa mga sanga nito,isang tunog ang maririnig at bumabalotsa buong kagubatan. Ngunit hindi na itoumaabot pa sa kalangitan.


ABOUT THE WRITERAgay C. Llanera has always loved everything kiddie. That is why shehas worked in children’s TV shows “5 and Up” and “Art-is-kool.”Currently, she is a segment producer and a freelance writer.Agay is a member of KUTING (Kuwentista ng mga Tskiting), anorganization of writers for children.ABOUT THE ARTISTThe son of a painter, Farley del Rosario’s colorful naïf renditions have graced the annualFookien Times publication, the Philippines Yearbook 2006. There, his works complement theessays of known writers, among them, National Artist F. Sionil Jose.He is proving to be a fast rising favorite of collectors and his recent highly laudedexhibitions in various galleries in Metro Manila, Philippines, have been commercial hits.Farley del Rosario was born on May 14, 1980 and currently resides in Zambales.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!