07.12.2012 Views

Untitled

Untitled

Untitled

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Nilalaman

1 Alamin ang kapaligiran ng inyong pinagtatrabahuan 2

2 Ang mga pang araw - araw na katungkulan ng isang nagtatrabaho sa pamamahay 3

3 Mga trabahong mapanganib at mga pamamaraan sa pag-iwas peligro

Paglilinis ng bintana at ang pagtatrabaho sa matataas na lugar

Paggamit ng mga kasangkapang elektrikal

3

Pag-alis ng mga sagabal/bara sa mga tubo at ang

paggamit ng mga kemikal

4 Mga Iba pang peligro at pamamaraan kung paano maiwasan ito

Karamdaman sa kalamnan at mga buto

Pagkadulas at pagkatalisod

Mga sugat at laslas

Pagkabanli at pagkasunog

Mga peligrong biyolohikal

Istres

7

5 Pagiging malinis sa sarili 12

6 Tamang paggamit ng kagamitang pamproteksiyon 14

= Kagamitan para pang proteksiyon ng baga

= Mga pansangga sa mata / maskara

= Mga guwantes

7 Konklusyon 16

1

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Sa Hongkong, maraming pamilya ang nagpapasuweldo ng mga

nagtatrabaho upang makatulong sa mga gawaing-bahay. Maaring

sa tingin mo ay simple at madali lang ang mga trabahong ito, ngunit

iba’t ibang mga panganib ang maaring nasa paligid ng tahanan. Dapat

tingnang mabuti ng nagpapatrabaho at ang nagtatrabaho sa bahay

ang kaligtasan at kalusugan habang gumagawa ng mga gawaingbahay.

Ang anumang pagpapabaya ay maaaring magdulot ng

aksidente at sakuna. Ang libritong ito ay naglalarawan ng mga

pangunahing isyu ng kaligtasan at kalusugan para sa mga

nagtatrabaho sa bahay at ang mga kaugnayang pamamaraan sa pagiwas

sa pinsala na maaaring mangyari.

1 Alamin ang kapaligiran ng inyong pinagtatrabahuan

Ang mga nagtatrabaho sa bahay ay malimit na kinakailangang

magtrabaho sa iba’t ibang kapaligiran. Maaring hindi nila lubos na alam

ang mga kondisyon sa palibot ng lugar na kanilang pinagtatrabahuan,

kagaya ng hagdang - takasan pag may sunog, ( “fire escape”), daan

papasok at labasan, (entance and exit) kagamitan kagaya ng hagdan,

mga kasangkapang elektrikal at

saket, atbp. Habang ang mga

nagpapatrabaho (employers)ang

mananagot upang masiguro ang

kaligtasan at kalusugan ng mga

nagtatrabaho sa pamamahay,

kailangang pag-aralan din ng

mga nagtatrabaho sa pamamahay

ang kapaligiran ng kanilang

pinagtatrabahuan, intindihin at

sundin ang mga patnubay sa

kaligtasan sa pinagtatrabahuan.

¤« ⁄ı ‚ ‰u „ˇ

2

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

2 Ang mga pang araw - araw na katungkulan ng isang nagtatrabaho sa bahay

Ang nagtatrabaho sa bahay ay karaniwang naaatasang gawin ang

mga sumusunod:

◆ Panatiling maayos at malinis ang pamamahay:

maglinis at ayusin ang isang pamamahay,

kasama na ang banyo, sahig, mga pader

at mga bintana, pati na rin ang paglilinis at

pagpapakintab ng mga muwebles at kotse.

◆ Gawain sa kusina:

bumili ng mga pagkain, magluto,

maglinis ng kusina at maghugas ng mga

pinggan at kubyertos.

◆ Labada: maglaba, magpatuyo at magplantsa ng mga damit at

magtahi nito kung kinakailangan; dalhin at kolektahin ang mga

labada para sa dry-cleaning.

◆ Pangangalaga ng mga sanggol at matatanda:

mag-alaga ng mga sanggol, palitan at labhan ang

kanilang mga lampin at iba pang mga damit,

paliguan at pakainin ang mga bata at magmasid

sa kanilang mga kinikilos; ihatid ang mga bata sa

paaralan at kunin sila pagkatapos ng eskuwela;

alagaan ang matatanda, masdan sila, tulungan

silang maligo, makipagkuwentuhan sa kanila,

dalhin sila sa doktor sa upang maipagamot, at

bigyan ng simpleng pangangalaga.

3 Mga trabahong mapanganib at mga pamamaraan sa pag-iingat

Paglilinis ng bintana at ang pagtatrabaho sa matataas na lugar

Kung nagsasampay ng mga damit o naglilinis ng

mga bintana, aircon, ilaw at kisame, may

malaking peligro na matapilok o mahulog mula

sa mataas na lugar kung walang mga kagamitang

nagsusuporta kagaya ng mga kasangkapang may

mahahabang hawakan, posteng pagsasampayan

ng mga damit, matitibay na tablang tutuntungan

ng mga paa o mga hagdan.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Kung magsasampay ng mga damit o maglilinis ng mga bintana,

huwag kailanman bubuksan ang bintana o sumandal sa salamin

ng bintana.

◆ Gumamit ng mga kagamitang may mahabang hawakan, huwag

sumandal palabas sa bintana upang maglinis.

3

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Kung nag-aalinlangan kayo sa tibay o pagkayari ng bintana,

sabihan kaagad ang iyong amo at tumawag ng propesyunal na

magkukumpuni nito.

◆ Gumamit ng matatag na bangkitong tuntungan

o hagdan habang naglilinis ng mga bagay na

nakalagay sa lugar na mas mataas.

◆ Siguraduhing buo pa at hindi sira ang hagdan

bago ito gamitin. Tingnan ang anumang bitak

o biyak sa kahoy ng hagdan.

◆ Harapin ang hagdan habang umaakyat pataas

o pababa nito, habang hawak ng dalawang

kamay ang dalawang gilid upang mapanatiling

mahigpit ang hawak sa tatlong bahagi nito.

◆ Huwag iunat ang iyong katawan mula sa anumang gilid ng hagdan

upang abutin ang isang bagay o lugar. Mas maiging ilipat ang

hagdan sa wastong posisyon.

Paggamit ng mga kasangkapang elektrikal

Ang panglinis na vacuum cleaner, mga

kagamitang pampakintab ng sahig, at iba pang

mga kasangkapang elektrikal ay malimit na

gamitin sa gawaing-bahay. Kung ang mga ito

ay sira na o hindi nagagamit sa wastong paraan,

mga aksidenteng sanhi ng yanig-elektrikal

(electric shock) ay maaaring mangyari.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Bago gumamit, tingnan muna kung ang mga elektrikal na kawad

ay hindi sira o buhul-buhol at kung ang plug ng kuryente ay nasa

magandang kondisyon.

◆ Gamitin ang pinakamalapit na saksakan na nakadikit sa pader

upang maiwasang ang pagpahaba pa ng kawad at mabawasan

ang tsansang masira ang kawad dahil sa pagtapak dito.

◆ Sa pag-alis ng plug mula sa saksakan,

hawakang mabuti ang plug at huwag

hilain ang kawad. Huwag alisin ang

plug na basa ang iyong mga kamay.

◆ Ang lahat ng mga instalasyong elektrikal, mga koneksiyon at

pagkukumpuni nito ay dapat gawin lang ng mga kwalipikadong electrcian.

Pagtanggal ng mga sagabal o bara sa mga tubo at ang paggamit ng mga kemikal

Ang mga tubo sa kusina at para sa mga lababo, mga alulod at mga

lababo ng kasilyas ay maaaring magbara at mangangailangan ng

paglilinis. Ang mga kemikal na nag-aalis ng bara o sagabal sa mga

tubo na pangkaraniwang mabibili sa tindahan ay maaring mga purong

4

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

asido o purong alkali na likido o pulbos. Ang direktang kontak sa mga

ito ay makakaresulta sa pagkasunog ng balat. Ang mga kemikal na

nag-aalis ng sagabal sa mga tubo ay puwede ring magkaroon ng

reaksiyong-kemikal sa mga sumasagabal na mga bagay at magbubuga

ng nakalalason na gas.

Samantala, ang mga kemikal na nagpapaputi ng mga gamit ay maaari

ring magkaroon ng reaksiyong-kemikal sa mga asido at magbuga ng

mga nakalalasong gas na magiging sanhi ng pagkalason. Kung kaya,

ang mga lugar kung saan ginagamit ang mga kemikal na ito ay

kailangang nadadaanan ng sariwang hangin. Huwag na huwag

gumamit ng kalabisang dami ng mga kemikal na nag-aalis ng sagabal

sa mga tubo o kaya paghaluhin ito sa iba pang mga kemikal na

panglinis, upang maiwasan ang mga reaksiyong-kemikal. Kung

malubha ang bara, dapat ipagawa na lang sa isang propesyonal na

tubero na mag-aalis sa mga bara ng tubo.

Iba’t ibang mga kemikal ang ginagamit sa

bahay, kagaya ng sabong panlaba, mga

nakakatunaw na pampapaputing kemikal,

mga pamatay-insekto at iba pang kagaya

ng mga ito. Karaniwang may potensiyal na

peligro ang mga kemikal na ito at ang hindi

wastong paggamit at makaka-apekto sa

kalusugan o magreresulta sa aksidente.

◆ Ang mga sabong panlaba o mga kemikal na panlinis ay masama

sa balat, pinatututyo nito ang balat at nagreresulta sa mga paltos

na maaaring ma-impeksiyon o mamaga.

◆ Ang mga likidong nagpapaputi na may lamang asin ay

magreresulta sa pangangati o pag-aagnas ng balat, na

magreresulta sa alergi sa balat, pamamaga at pati na rin mga

pasong-kemikal. Kung ihahalo ito sa likidong asido, ang mga

likidong pampapaputi ay magkakaroon ng reaksiyong-kemikal dito

na magbubuga ng nakalalason na mga gas.

◆ Ang mga pamatay-insekto ay nakakapatay ng mga surot subalit

ito ay pahamak sa katawan ng tao, depende sa lakas ng lason, sa

dami ng gas na nalanghap at sa paraan kung paano ito pumapasok

sa katawan. Bukod dito, ang mga pamatay-insekto ay masama

rin sa iba pang aspeto, kagaya ng pagiging sanhi ng sunog,

pagsabog at pag-aagnas.

Ang isang kemikal ay

maaaring pumasok sa

katawan sa tatlong

paraan: paglunok, sa

balat, at paglanghap.

Sa pamamagitan ng paglanghap

Sa pamamagitan ng paglunok

Sa kontak sa balat

5

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Ang mga panganib sa kalusugan na dulot ng mga kemikal matapos

magkaroon ng kontak sa mga ito o sa pagpasok nito sa katawan ay

nasasaklawan ng mga sumusunod:

◆ Balat - mga paso, pangangati, alergi, panunuyo,

at pamamaga.

◆ Mga mata - paso, pamumula at pamamaga,

pagluluha o pagkabulag sa mga malubhang kalabisan.

◆ Baga at daanan ng hininga - iritasyon na

nagreresulta sa pag-ubo at ang daanan ng hangin

at ang baga ay maaari ring maapektuhan.

◆ Nervous System (Utak, Spinal Cord) - sakit sa ulo,

pagkahilo, at pagkapapipi.

◆ Iba pang bahagi ng katawan - ang atay at bato

ay maaaring maapektuhan.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Bago gumamit ng anumang kemikal, basahin munang mabuti ang

etiketa sa lalagyan kung saan nakasaad ang mga potensiyal nitong

panganib. Ilayo ito sa apoy.

◆ Sundin ang paraan kung paano ito

gamitin at ang mga pagiingat na

nirerekomenda ng maygawa nito.

Huwag itong basta basta na lang ihalo

sa ibang kemikal na pamataymikrobyo

o mga kemikal na panlinis.

◆ Itabi ang mga kemikal sa isang lugar na maytabing, kalamigan,

tuyo at napapasukan ng hangin.

◆ Takpang maigi ang lalagyan.

◆ Siguruhin ang magandang

bentilasyon sa lugar na

pinagtatrabahuan.

◆ Huwag manigarilyo sa lugar na

pinagtatrabahuan.

◆ Magsuot ng wastong damitpamproteksiyon

kagaya ng

guwantes, pansangga ng mata,

respirador, mga bota at apron.

◆ Hugasan kaagad ang mga kamay,

mga braso at mukha pagkatapos

ng trabaho o bago kumain.

6

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Ipagbigay alam sa amo ang ano mang problemang maaring

mangyari.

Mga pamamaraan sa oras ng emerhensiya

Sa oras na nabahiran ka sa isang kemikal, sundin ang sumusunod na

mga pamamaraan sa oras ng emerhensiya:

◆ Balat - Banlawang mabuti ng umaagos, marami at malinis na tubig

ng higit sa 15 minutos. Hubarin ang mga damit na nakontamina.

◆ Mga mata - Itulak ang takip ng mata

upang mabuksan ito at banlawan ng

malinis na tubig na mahina ang agos

ng higit sa 15 minutos. Iwasang

matilamsikan ang hindi nakontaminang

mata habang nagbabanlaw.

◆ Bibig - Magmumog ng maraming tubig.

◆ Paglanghap - Buksan ang mga bintana at buksan ang bentilador

na pampasingaw. Umalis sa lugar kung nasaan ang kemikal na

ginagamit.

◆ Kumunsulta sa Doktor kung kinakailangan.

4 Mga karaniwang peligro at mga pamamaraan sa paghadlang nito

Karamdaman sa kalamnan at kalansay

Ang gawaing-bahay ay kadalasang nagsasangkot ng madalas at

pabalik-balik na aksiyon. Anumang hindi angkop na pisikal na

pagtatrabaho o hindi wastong pustura habang nagtatrabaho sa ilalim

ng sumusunod na mga kalagayan ay mareresulta sa karamdaman sa

kalamnan at kalansay:

7

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Pagbaluktot sa braso upang suportahan

o hawakan ang isang matanda o bata;

◆ Paglipat ng muwebles;

◆ Paglinis ng bintana;

◆ Pag-bakyum, pagkuskos at pagwaks sa

sahig, na magreresulta sa sakit sa

bukung-bukong, likod at gulugod.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Ugaliin ang tamang pustura sa pagbuhat at pagdala ng mga

bagay. Iwasan ang madalas at pabalik-balik na aksiyon.

◆ Hanggang makakaya, tumayo ng malapit sa bagay bago ito buhatin.

◆ Tumingkayad na ang isang paa ay mas malapit sa bagay na

bubuhatin at ang isang paa ay medyo malayo. Panatilihing tuwid

ang iyong likod.

◆ Mahigpit na hawakan ang bagay at ilapit sa katawan. Tumayo ng

dahan-dahan sa pamamagitan ng mga binti, habang

pinapanatiling tuwid ang likod.

◆ Ang pagbuhat ay dapat matatag at matatas at huwag haltakin

pataas ang bagay. Umikot na gamit ang mga paa, at hindi ang

baywang.

◆ Panatilihing tuwid ang likod habang tinutukod paitaas ang isang

tao o habang nagwawalis ng sahig. Iwasang baluktutin o balikuin

ang baywang, o sobrang inatin ang katawan.

◆ Habang tumutukod paitaas o

humahawak paitaas ng isang

matanda o bata, makipagusap

sa kanila ng madalas

upang matugma ninyo ang

mga pustura.

8

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Pagkadulas at pagkatalisod

Isa sa mga pinaka-karaniwang

dahilan ng aksidente sa trabaho ay

ang pagkadulas sa basang sahig o

ang pagkatalisod sa kawad ng

elektrisidad o iba pang mga bagay.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Gumamit ng mga kagamitan na may

mahabang hawakan sa mga gawaingbahay

kagaya ng pagwawalis. Iwasan ang

sobrang pag-inat ng katawan.

◆ Gumamit ng mga kasangkapang elektrikal

para sa gawaing-bahay kagaya ng pagbakyum

at pagwaks sa sahig upang maiklian

ang oras sa pagtingkayad o pagluhod.

Hanggang maaari, gumamit ng almohadon

para sa tuhod.

◆ Mag-ehersisyo ng pag-iinat ng katawan bago

magtrabaho o habang namamahinga.

◆ Alisan sa lugar na pinagtatrabahuan ng mga kalat na bagay.

◆ Gamitin ang pinakamalapit na dikit-sa-pader na saket upang

maiwasan ang sobrang pagpahaba ng kawad o pagkalatay nito

sa daanan.

◆ Punasan kaagad ang anumang tubig o

ligwak sa sahig. Panatilihing malinis at

tuyo ang sahig sa bawa’t oras.

◆ Lagyan ng mga kontra-dulas na mat ang

pasukan papuntang kusina at banyo

upang maiwasan ang pagkadulas

habang naglalakad na basa ang mga

paa o sapatos.

Mga sugat at laslas

Ang mga sugat at laslas ay karaniwang

aksidente na nangyayari habang

nagtatrabaho sa kusina, higit sa lahat

dahil sa maling paggamit at paghawak

ng kutsilyo.

9

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Pamamaraan ng Pag - iingot

◆ Dapat panatilihing matulis at nasa magandang kondisyon ang mga

kutsilyo.

◆ Gamitin ang tamang uri ng kutsilyo para sa iba’t ibang hangarin

sa paghiwa.

◆ Makakaiwas sa aksidente ang paghiwa sa wastong paraan,

halimbawa, sa pamamagitan ng paghawak nito ng mahigpit at

paghiwa sa bagay ng palabas at pababa, at hindi iba pa.

◆ Ang mga kutsilyo ay dapat gamitin lang

sa paghiwa at pagputol at hindi sa iba

pang mga layunin kagaya ng pagbukas

ng lata.

◆ Ang paghiwa ay dapat gawin sa ibabaw

ng isang tablang panghiwa o isang

matatag na patag na paghihiwaan.

◆ Panatilihing malinis at maayos ang patag na pinagtatrabahuan at

ang sahig upang mapadali ang trabaho habang naghihiwa.

◆ Ingatan kung saan ilagay ang kutsilyo. Huwag ito ilagay sa mesa

na malapit sa gilid o na ang panghiwang bahagi ay nakaturo

palabas. Ilagay ito sa wastong paglagyan ng mga kutsilyo matapos

gamitin.

◆ Huwag magtangkang saluhin o tigilan ang isang nahuhulog na

kutsilyo.

◆ Ang mga kutsilyo ay hindi dapat hugasan kasama ang iba pang

mga kagamitan, pinggan at mangkok upang maiwasan ang

anumang aksidenteng hiwa at laslas habang naghuhugas.

Pagkabanli at pagkasunog

May maraming maiinit na mga kagamitan

at pagkain sa kusina. Ang pagpapabaya

ay maaaring madaling magresulta sa mga

sunog at banli sa katawan. Ang kumukulo

o mainit na materyal ay kailangang

hawakan ng may pag-iingat.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Siguruhin na ang hawakan ng anumang kaldero at kawali ay hindi

umuusli sa daanan at hindi nakalagay sa itaas ng nagliliyab na

kalan.

◆ Kontrolahin ang apoy upang hindi ito sobrang uminit.

◆ Mag-ingat habang tsinitsek ang pagkain na iniinit o niluluto sa

mataas na temperatura upang maiwasan ang pagkabanli sa

singaw. Halimbawa, gumamit ng isang pares ng pangkusinang

guwantes o tuyong tuwalya kung hahawak ng mainit na sisidlang

10

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

may takip. Marahang tanggalin ang takip sa mas malayong banda

at palayo sa katawan.

◆ Ang mga pagkain ay dapat patuyuin muna bago prituhin upang

maiwasan ang mga talsik sa katawan na resulta ng pagkakaroon

ng tubig sa mantika.

◆ Huwag magmadaling ipalabas

ang mga pagkaing sa sobrang init

ay sumisingaw. Mag-ingat at kung

kinakailan ay bigyang-babala ang

sinumang malapit upang

maiwasan ang pagbangga sa

mainit na pagkain na reresulta sa

pagkabanli.

Mga biyolohikal na Panganib

Sa gawaing bahay, maaaring mabilad sa iba’t ibang klase ng peligrong

biyolohikal, kagaya ng mga birus, mikrobyo, halamang-singaw, at

parasito. Ang mga patogen ay malimit na pumapasok sa katawan ng

tao sa pamamagitan ng daanan ng hininga o sa kontak ng likido ng

katawan na may impeksiyon. Ang kontak sa nakontaminang bagay ay

maaari ring magdulot ng impeksiyon. Ang peligrong biyolohikal at

maaaring ipangkat sa tatlong tipo: impeksiyon, alergi, at lason.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Bigyang pansin ang pagiging malinis

habang inaalagaan ang mga bata o

matatanda. Partikular na ang

paghugas ng lubusan sa mga kamay

matapos makahawak ng tae. Ang

mga nakontaminang bagay ay

kailangang itapong mabuti sa isang

may takip na sisidlan ng basura.

◆ Labis na pag-iingat ang kinakailangan habang naglilinis ng mga

sinuka at dumi. Kung kinakailangan, gumamit ng buong set ng

personal na kagamitang pamproteksiyon (maskara, guwantes,

epron, at pananggalang sa mata.) Siguraduhing wasto ang

paggamit ng maskara.

◆ Protektahan ang iyong sarili habang nag-aalaga kayo ng mga

maysakit na may lagnat, nagsusuka, o nagtatae. Magsuot ng

maskara at mga guwantes kung kinakailangan at hugasang mabuti

ang mga kamay pagkatapos ng trabaho.

11

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Istres

Ang istres ay nagreresulta sa

pagmamadaling tatapusin ang trabaho

sa loob ng maikling panahon,

mahabang oras ng pagtatrabaho,

kulang na pahinga at pagkalayo sa

pamilya at komunidad. Ang kalusugan

ay maaaring maapektuhan.

Pamamaraan ng Pag - iingat

◆ Talakayin ninyo ng iyong

amo ang mainam na dami

ng trabaho at oras ng

pagtatrabaho.

◆ Makipag-usap at magkaroon

ng komunikasyon sa iyong

pamilya at mga kaibigan

upang mapanatili ang

turingan ninyo ng pamilya

mo at mga kaibigan.

◆ Ingatan ang iyong personal na

kalinisan habang nangangalaga

ng mga hayop sa bahay. Magsuot

ng maskara o guwantes.

◆ Kung ikaw ay alergik sa mga

hayop, makipag-usap sa iyong

amo at bawasan ang kontak sa

mga hayop.

◆ Ang pagpapahinga ay isang mabuting paraan upang mahupa

ang istres.

◆ Kumuha ng propesyonal na tulong kung ang istres ay malubha.

5 Pagiging malinis sa sarili

◆ Ang paghuhugas ng mga kamay ay ang pinakasimple at

pinakapangunahing paraan upang maiwasan ang impeksiyong

dulot ng bakterya, subalit kadalasan ito ay nakakaligtaan.

Maghugas ng kamay matapos ang trabaho, matapos pumunta sa

kasilyas, matapos hawakan ang dumi galing sa daanan ng hininga,

at bago rin magluto, kumain o hawakan ang mukha.

12

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

◆ Panatilihin ang mga alituntunin sa pansariling kalusugan. Takpan

ang iyong ilong kung napapabahing o nauubo at pagkatapos ay

hugasan ang iyong mga kamay ng likidong sabon.

Ang tamang pamamaraan sa

paghugas ng kamay

Para lubusang maging malinis ang

kamay, alisin ang anumang relo,

singsing o alahas bago maghugas

ng mga kamay.

Ang tamang paraan sa paghugas ng mga kamay

N O

Basain ang mga kamay at

palad.

P

Banlawan ng umaagos na

tubig.

Lagyan ng konting sabon ang mga

kamay. Hagurin ang mga kamay ng

higit pa sa mga 10 segundo. Hagurin

ang lahat ng mga daliri, palad at ang

likod ng mga kamay, ang loob ng mga

daliri at ang pulso.

Q

Tuyuing lubos sa pamamagitan ng

kagamitang pantuyo o mga papel na

tuwalya.

13

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

6 Tamang paggamit ng kagamitang pamproteksiyon

Kagamitan para maproteksiyonan ang baga

◆ Maskara laban sa alikabok - upang maiwasan ang paglanghap

ng mga alikabok na dala ng hangin, habang nag-aalis ng alikabok.

◆ Maskarang pang-opera - upang maiwasan ang mga patogen na

dinadala sa pamamagitan ng mga maliliit na patak sa hininga.

◆ Respirador - gumamit ng wastong respirador kung may mga

singaw ng kemikal.

Kahit na anong klase ng kagamitang pamproteksiyon sa hinihingaan

ng tao ang gamitin, ang pinaka-importante ay ang paggamit nito sa

wastong paraan. Ang wastong paraan sa paggamit ng maskara para

sa alikabok at maskarang pang-opera ay ipinapakita sa sumusunod

na paraan:

Paano magsuot ng N95 na maskara

N O

Piliin ang maliit o katamtamang

laki ng maskara na kakasya sa

iyong mukha. Hilahin ang

dalawang pamigkis ng ulo

upang ito ay lumuwag.

Siguruhin na ang metal na bigkis

ay nasa itaas. Isingit ang isang

kamay sa pamigkis ng ulo at

hawakan ang maskara.

P Q

Idiin ang metal na bigkis sa

dalawang gilid gamit ang mga

daliri ng dalawang kamay at

ayusin upang masiguro na ito

ay hakab sa ulo.

14

Suotin ang maskara, takpan ang ilong

at bibig. Pagkatapos, hilahin ang mga

pamigkis. Ang mga pang-ibabang

pamigkis ng ulo ay dapat hilahin sa

itaas ng ulo papuntang ibaba sa likod

ng leeg. Ang pang- itaas na pamigkis

ng ulo ay dapat nasa itaas ng mga

tainga.

Siyasatin:

Pagsisiyasat sa positibong presyon:

marahang takpan ang maskara ng

dalawang kamay. Dapat walang

hangin ang lalabas sa gilid ng maskara.

Pag-tsek sa negatibong presyon:

marahang takpan ang maskara ng

dalawang kamay. Huminga ng

malalim. Ang kalagitnaan ng maskara

ay hindi dapat kumapit sa mukha.

Paalala: Para sa mga maskarang may balbula, tiyakin na ito ay alinsunod sa

mga atas ng mga gumawa nito.

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Paano magsuot ng maskarang pang-opera

N O

Ilagay ang maskara sa harapan

ng mukha, na kung saan ang

metal na bigkis ay nasa itaas.

P Q

Marahang idiin ang metal na

bigkis sa harapan ng ilong.

Paalala: Huwag hipuin o hawakan ang maskara habang ito ay nakasuot na

sa mukha upang hindi mabawasan ang proteksiyong dulot nito. Kung

kinakailangang hawakan ang maskara, ang mga kamay ay

kailangan munang hugasan bago at matapos hawakan ang maskara.

Sa normal na kalagayan, ang maskarang pang-opera ay

kailangang palitan araw-araw. Palitan kaagad ang maskara kung

ito ay nasira o nadumihan.

Mga pansangga sa mata / maskara

◆ Pinoprotektahan ng mga pansangga para sa

kaligtasan ng mata ang mga mata laban sa mga

maliliit ng patak ng hininga o mga kemikal.

◆ Ang mga salamin sa mata ay humahadlang sa

mga bubog na galing sa matitigas na mga

bagay upang hindi ito mapunta sa mga mata.

◆ Protektahan ang mukha gamit ang pansangga sa mukha kung

kinakailangan.

◆ Regular na hugasan at linisin ang pansangga sa mukha, pansangga

sa mata o salamin sa mata.

◆ Regular na siyasatin ang mga kagamitang pansangga. Palitan ang

mga ito kung sila ay nawalan na ng hugis, may bitak, nagasgas o

nanlabo.

15

Itali ang mga panali sa likod ng

ulo at leeg.

Ang maskara ay dapat tumakip

mula sa ilong hanggang sa baba

at dapat ay hakab sa mukha.

Kaligtasan at Kalusugan para sa mga Nagtatrabaho sa Bahay

Mga guwantes

◆ Pinoprotektahan ng latex na nasa gwantes ang mga kamay laban

sa mga didikit na kemikal o mga likidong lumalabas sa katawan.

◆ Ang mga guwantes ay dapat hakab sa kamay at hindi ito dapat

pipigil sa galaw o makakaapekto sa pagiging sensitibo ng mga

kamay.

◆ Panatilihing maikli ang mga kuko upang maiwasan ang pagtusok.

◆ Hugasang mabuti ang mga kamay bago at matapos itong gamitin.

◆ Siyasatin kung may butas bago ito gamitin. Upang gawin ito,

maaari ninyong lislisin ang ilalim ng guwantes upang tingnan kung

maaring pamakapasok ang hangin sa loob. Tingnan ang mga

guhit sa ibaba. Kailangang palitan kaagad ang guwantes na may

butas. (Babala: Huwag direktang magbuga ng hangin sa loob ng

guwantes upang maiwasan ang kontak nito sa iyong bibig at ilong.)

Tiklupin ang ibabang bahagi ng

guwantes at lislisin ito upang

makabihag ng hangin sa loob.

Ang lahat ng personal na kagamitang pamproteksiyon ay

nangangailangan ng wastong pagpili at paggamit, kasama na rin ang

tamang pagpapanatili at sapat na pag-iingat, upang maprotektahan

kayo laban sa mga peligro. Ang mga kagamitang pamproteksiyon na

maaaring gamitin muli ay kailangang linisin at i - sterilize ng mabuti

bago ito gagamiting muli. Ang mga kagamitang sira na ay dapat palitan

kaagad.

7 Konklusyon

Kailangang bigyang pansin ng mga nagtatrabaho sa bahay ang

kanilang kaligtasan at kalusugan sa trabaho. Dapat makilala ng mga

nagpapatrabaho, mga tagapamahala, at ng mga nagtatrabaho ang

mga posibleng panganib na kaugnay sa kanilang gawain sa

pamamagitan ng pagsisiyasat sa katangian ng kanilang tungkulin at

ang kapaligiran kung saan nila ginagawa ito. Dapat gumawa ng mga

nararapat na hakbang upang pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan

ng mga nagtatrabaho.

16

Kung ang guwantes ay lumobo,ibig

sabihin, may hangin sa loob at wala

itong butas.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!