08.12.2012 Views

Alegre_BANYAGANG TAYO - fil40 online

Alegre_BANYAGANG TAYO - fil40 online

Alegre_BANYAGANG TAYO - fil40 online

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

TAYO SA MGA MATA NG BANYAGANG TAYO

Edilberto N. Alegre

1.

Noong nakaraang buwan napadako ako sa isang colloquim sa Ateneo tungkol

sa aklat ni Vince Rafael, Contracting Colonialism (Cornell University Press, 1988),

na kanyang dissertation sa pagkadoktorado niya sa pilosopiya sa pamantasan ng

Cornell. Ang ilan sa mga naatasang magbigay ng maiikling puna sa aklat ay

masugid na binigyang pansin ang libro mula sa pananaw ng mga “post-structuralist”

at mga bagong Marxista. Sa diskusyon ay nagbalibagan sila ng mga pangalang uso

ngayon sa mga ganitong pagpupulong – Foucault, Derrida, Jameson, atbp. Palagi

na lang tayong naghahabol sa kung anong uso sa Amerika at Europa sa masidhing

pagnanais nating hindi tayo maiwan sa moda. Walang pagkakaiba sa pagkakahilig

ng di kakaunti sa atin kay Bruce Sprinsteen o kay Madonna.

Ang masakit dito’y ang pagkakaiba ng ating sitwasyon. Sila Foucault ay

nakaugat sa isang napakahabang tradisyong intelektwal sa kanluran; kahit nga si

Madonna’y nakaugat din sa tradisyong “pop” sa tugtuging Amerikano. Ang mga

tradisyong ito ay wala sa atin, kasi wala naman tayo sa kanluran. Ang kultura’y

space-bound. Masakit kasi nakakatuwa – nagpupumilit pa rin tayong unawain ang

ating sarili mula sa banyagang pananaw. Nakakulong pa rin tayo sa loob ng

“quote…unquote” ng mga sinulat nila – ang mga nagbasa ng puna nila sa colloquim

ay abalang-abala sa pagtataas ng dalawang kamay at dalawang daliri sa bawat

kamay nila sa paggaya sa dalawang tuldok ng quotation marks. May ritwal na ang

panghihiram natin kapag tuwiran ito.

Kahit na mayroon nang laganap na paggamit ng pagsusulat na natibo

(indigenous script) sa ating mga pulo bago dumaong sila Magellan at Legaspi dito,

ito’y halos nawalang parang nakasulat lamang na mga titik sa dahon ng niyog. Sa

pag-aaral kung ano tayo, o paano dito sa atin noong naghahari dito ang mga

Kastila’t Amerikano at iba pang puti, ang batayan natin ay ang mga sinulat nilang

libro: mga diksyunaryo, gramatika, talata, obserbasyon, atbp. Ang mga ito kasi ay

hindi inanay at nilamon ng panahon.

Sa isang panig, sang-ayon ako sa paggamit ng mga dokumentong

pangkasaysayan. Ang pagbasa ay nasa nagbabasa din naman. Ang

makasaysayang disertasyon ni Dr. Bienvenido Lumbera (Tagalog Poetry 1570-1898)

ay batay sa mga ganitong aklat. Bakit nga ba di natin halughugin at pigain ang mga

ito kung makatutulong sa ating pananaliksik tungkol sa kung ano nga ba tayo at ang

kultura natin? Mga ganitong libro rin ang ginamit nina Dr. Reynaldo Ileto at Dr. Vince

Rafael sa kanilang makabagong pag-unawa sa ating nakaraan.

2.

Yon lang, kapag ang ginamit ay isang paraan na nakaugat at lumago sa

kulturang kanluranin, siyempre may mga hindi ito masasaklaw sa ibang kultura.

Maaari pa ngang palihis ito.

Mayroon akong ganitong karanasan sa U.P. Ang kaunaunahang pinasulat

noon sa amin sa English 1 ay isang diagnostic theme na may pamagat na “I, Myself

and Me”. Bagong salta lang ako noon, hindi lang sa Pamantasan kundi sa Maynila

na rin. Na-culture shock talaga ako. Papaanong magiging iba-iba yong “Ako, sarili

ko, ako o akin”? Sa “me” nga ako gulong-gulo kasi maaaring ito’y ako sa Tagalog

(“kinausap niya ako” = “He talked with me”) o “akin” (“Sa akin niya ibinigay yan” =

1

“He gave that to me”). Ang gulo, kako. Samantalang ang tatlong panghalip na

pamagat ay may iba-ibang tinutukoy, sa aki’y iisa silang tatlo – ako, at ako, at ako pa

rin.

Naawa sa akin ang titser kasi ang lahat ng kaklase ko’y sulat na nang sulat,

samantalang ako’y nakatunganga lang. “Follow the grammatical cases,” ang payo

niya. A, ganon, kako, at mabilisan ko nang inilahad ang iba’t ibang aspeto ng sarili

ko – bilang nominative (o subject), bilang reflexive at bilang objective. Nagustuhan

niya ang aking sinulat, at mataas ang markang ibinigay niya. Ako nama’y kampante

na sa napakahusay nang pagkakahimay ko sa “I”–persona. Sa Ingles, masinop ang

categories na subject, object, reflexive (self).

Ngunit pagkaraan ng ilang dekada, dahan-dahan na akong nahirapan sa

pagpapaliwanag ng kung ano tayo bilang indibidwal. Doon kasi sa “I, Myself and

Me” hiwalay na hiwalay ka mula sa ibang tao. Self-defined ka; self-contained ka.

May mga maiikling kwento nga sa Ingles na ang mga tema ay “self-discovery,”

“growth,” “self-awareness,” “epiphany.” At may mga krisis sila sa kanluran na

talagang pampersonal – nakatuon o nakasentro sa sarili: “identity crisis,” “crisis of

faith. Parang palagi silang nawawala sa sarili at hinahanaphanap nila nawawalang

sarili. Ang pakiramdam ko nama’y samantalang ako nga si “I, Myself and Me,” hindi

ito ang kabuuan ko. Parang may kulang; masinop man ang grammatical categories

of the self, hindi sapat.

Sa madaling salita, sa kalaunan, hindi ko na maipaliwanag ang sarili ko sa

balangkas na ito. Hindi lang sa may puwang, ang pakiramdam ko’y nalilihis ang

ganitong pananaw, hindi ko masapul kung ano ako talaga.

Mabuti na lang at hindi naigupo ng mga Kastila’t Amerikano ang ating mga

wika. Pumasok lang sa iba’t ibang wika natin ang Español at ang American English

bilang mga kataga, mga banyaga o hiram na salita. Hanggang sa antas lang sila ng

vocabulary. Hindi nila nawasak ang istraktura ng ating mga wika. Buong-buo pa rin

ang mga ito. Kaya naman kung gagamitin ang wika bilang isang susi sa

pananaliksik at pag-unawa sa ating kultura, marami pa tayong matatagpuan

sapagkat tayo’y buo na sa antas ng wika.

At kung buo tayo, ano ang masasabi ng wika tungkol sa kung ano tayo?

Yong “I”–persona, ano ba iyon? Ganito ang ginawa ko: pinag-aralan ko ang mga

panghalip na may kinalaman sa “ako”.

Sa nominative case, ito’y apat: ako, kita, kami, tayo. Ang “ako” ay kahawig ng

“I” sa Ingles. Ang “kita” ay wala sa mga kanluraning wika. Ito’y tinataguriang

“exclusive dual”, yong one-on-one, o di kaya’y one-and-only-one-other. Kaya kapag

sinabi mong “Mahal kita,” yong “I” at saka “you” (singular) ay nakapaloob na sa

panlaping “kita” [I-you(singular)] kaya hindi natin sinasabing Ako mahal (ko) ikaw”.

Dalawa kasi ang nilalaman ng “kita”: “ako” at “ikaw” sa isang ugnayang pansarili lang

nila. Sa “kami” ay hindi kasali ang kausap. Pag sinabi nating “Aalis na po kami,”

tayong mga bisita lang ang aalis, hindi kasama ang maybahay. Ngunit pagkasinabi

nating “Umalis na tayo” kasali siya. Sa “tayo” kasali ang kausap.

Kaya kung tatanungin natin kung ano yong “ako”, ang sagot dito’y hindi “I,

Myself and Me”, at hindi rin yong apat na panghalip (ako, kita, kami, tayo) lang.

Kung nais mo akong makilala, hanapin mo yong mga ugnay ko. Ako ang mga ugnay

ko.

3.

2

Kung ganoon, ang kabuuan nati’y wala lang sa “ako”. Ang “ako” ay ang

sariling hiwalay sa iba; malapit nga ito sa “I, Myself and Me.” Ito yong “individual

self” – pinanganak sa ganitong petsa, nag-aral ng kung ano sa ganitong

pamantasan, ngayo’y ganito ang ginagawa, atbp. ngunit ito’y isang bahagi lang ng

ating kabuuan.

Ang isa pa’y yong bahagi nating nasa “kita” – yong sariling nakikipag-ugnayan

lamang sa isa pa, yong nabubuo lamang sa pakikipag-ugnay sa isa pa, yong

nagmamahal kay “ikaw” sa pagsabi niyang “Mahal kita”. Ito yong palagi na lamang

naghahanap ng katuwang, kabiyak, kahati, kaisa. Ito yong pinaka-“romantikong”

bahagi natin, yong hindi talaga mapakali kung nag-iisa lang. Ito yong si Gabby o si

Sharon sa Gabby-Sharon loveteam o ang magkatuwang doon sa Nora-Pip o kay

Ramon-Lotlot, kaya patay na patay tayo sa love teams. At kiliting-kiliti tayo sa love

stories. Tayo ang mga love stories na ito. Kaya culturally valid ang dagsa-dagsang

sine at programang pantelebisyon na ang tema’y napakaraming tula sa wikang

Ingles tungkol sa pag-ibig. Hindi lang ito hilig; ito’y tunay na bahagi ng ating

pagkatao.

Sa “kami” at “ako” ay nakapaloob sa isang grupo na pangkanila lang – ang

pamilya, ang barkada, ang fraternity o sorority, ang religious group niya, ang political

party affiliation niya, ang ethno-linguistic grouping niya, o di kaya’y ang pagkapinoy

niya (na naiiba sa ibang nasyon) – hindi nakapaloob dito ang kausap. Ang

distinction ay I/we-BUT-NOT-you. Ang sa “tayo” ay grupo din ang kinapapalooban ni

“ako”, ngunit kaisa niya ang kausap, parang sinasabi niyang “ikaw din” (you too),

kaya I/we-AND-you.

Matingkad talaga ang ating sense of grouping, of belonging to a group, of

group membership. Nasa ugnay natin sa isang grupo (“in-group”) ang isang bahagi

ng sarili nating nabubuo lang sa pakikisalamuha’t pakikiisang loob sa iba.

Sa antas ng sosyo-politikal, makikita ang madiin at matingkad na pagkakaiba

ng “kami” at “tayo”: ang mga Muslim bersus mga Kristiyano, ang mga RAM laban sa

mga hindi nila kasanib, ang mga O-X-O laban sa Sigue-Sigue gang. Malakas pa rin

ang kaisipang “kanya-kanya”. Nasa antas pa tayo ng kami-kami; malakas pa rin ang

hila ng kinasasapiang grupo. Ito pa nga ang dahilan kung bakit hindi natin naiisip na

Pilipino tayong lahat. Hindi pa tayo umaabot sa kaisipan o kamalayang pampulitika

na pangbuong sambayanan. Hindi pa tayo nakakaangat mula sa “kami” patungong

“tayo”.

3

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!