12.05.2016 Views

May 12, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

4

Gustong malaman kung

may parte pa sa bahay ng

live-in partner after ng

hiwalayan

Dear Chief Acosta,

Naghiwalay kami ng aking live-in partner.

Noong kami ay nagsasama pa, mayroon kaming

naipundar na bahay. Mayroon ba akong

karapatang maghabol ng parte ko sa bahay na

iyon?—Terry

Dear Terry,

Bagamat, hindi itinataguyod ng ating pamahalaan

ang legalidad ng mga pagsasamang walang basbas

ng kasal o iyong tinatawag na common law relationships,

kinikilala rin naman ng ating pamahalaan

ang gayung mga relasyon at binibigyan ng kaukulang

proteksiyon ang kanilang mga karapatan. Patunay

dito ang mga probisyon ng batas na nagtatakda ng

mga panuntunan sa indibidwal na karapatan ng mga

ni PABS HERNANDEZ III

BODYGUARD NG PULITIKO

BINUGBOG

LA UNION—Isang bodyguard ng isang pulitiko

ang binugbog ng apat na armadong lalaki

kamakalawa sa bayan ng Balaoan sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Balweg,

residente ng nabanggit na bayan.

Nakatayo umano malapit sa isang paaralan si

Balweg nang dumating ang mga suspek at bigla

siyang binugbog.

Ginagamot na sa ospital si Balweg at

pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang mga

suspek.

DRIVER NADAGANAN NG

TRAK

QUEZON—Isang driver ang namatay nang madaganan

ng kinukumpuni niyang trak kamakalawa sa bayan ng San

Antonio sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Nestor Rosales, residente

ng Sariaya sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, habang may kinukumpuni sa ilalim ng

minamaneho niyang trak si Rosales ay aksidenteng

nabangga ito ng isang jeep.

Dahil dito, nadaganan ng kalahati ng trak ang ulo ni

Rosales na agad nitong ikinamatay.

SEAMAN DEDO SA

KARAMBOLA

BATANGAS CITY—Isang seaman ang namatay sa

naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa lungsod na

ito kamakalawa.

Ang biktima ay nakilalang si Jayson de Lara.

Ayon sa ulat, minamaneho ni De Lara ang kanyang

kotse nang aksidenteng mabangga ito ng magkasalubong

na trak at bus sa nasabing lugar.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan pero idineklara

itong dead-on-arrival.

nagsasama nang walang basbas ng

kasal sa mga ari-ariang kanilang

naipundar.

Upang bigyang-sagot ang problema

tungkol sa hatian ng mga ari-arian

sa pagitan ng dalawang taong nagsama

nang walang basbas ng kasal,

minarapat ng ating mga mambabatas

na maglagay ng mga probisyon sa

ating Family Code na tatalakay dito.

Ito ay ang Articles 147 at 148 ng

Family Code.

Ang Article 147 ang nagtatakda

ng panuntunan sa relasyon sa pagitan

ng dalawang taong malayang magpakasal

ngunit, pinili nilang hindi magpakasal

o kaya ay nagpakasal ngunit,

wala naman itong bisa. Sa ganitong

sitwasyon, ang kanilang mga sahod

ay magiging kanila sa pantay na

hatian at ang mga ari-arian na

kanilang mabibili ay mapasasailalim

sa co-ownership. Ibig sabihin,

pareho silang may habol bilang coowner.

Ayon din sa nabanggit na

probisyon ng batas, ang mga ariariang

nabili habang nagsasama pa

sila ay ikokonsidera na nabili nilang

dalawa at tigkalahati sila rito kahit

pa ang isang partido lamang ang nagambag

para bilhin ang mga ito.

Ang ibang mga relasyon na hindi

lehitimo at hindi sakop ng Article

147 ay mapapaloob sa probisyon ng

Article 148 ng Family Code na

nagtatakda na magkakaroon lamang ng

co-ownership kung maipakikita na

parehong nag-ambag ang nagsasama sa

pagbili ng isang bagay. Kailangan ang

aktuwal na kontribusyon para

magkaroon ng habol. Kung ano ang

personal na binili o ibinahagi ng isang

partido, 'yun lamang ang maaari niyang

habulin.

Base sa nabanggit, kung malaya

kayong magpakasal ng iyong dating

kinakasama noong panahon na kayo ay

nagsama pa, may habol ka bilang coowner

sa mga naipundar ninyong ariarian

kahit siya lamang ang bumili o

gumastos para sa mga ito sa bisa ng

Article 147 ng Family Code. Sa

kabilang banda, kung may legal na

hadlang sa inyong pagpapakasal,

maaari mo lamang habulin ang mga

ari-arian na mayroon kang ambag sa

pagbili alinsunod sa Article 148 ng

Family Code.

Nawa ay nasagot namin ang inyong

katanungan. Nais naming ipaalala sa

inyo na ang opinyong ito ay nakabase

sa inyong mga naisalaysay sa inyong

liham at sa pagkakaintindi namin dito.

Maaaring maiba ang opinyon kung

mayroong karagdagang impormasyong

ibibigay. Mas mainam kung personal

kayong sasangguni sa isang

abogado.

Kung kayo ay may katanungan o nais ihingi ng payong legal, sumulat sa

MAGTANONG KAY ATORNI, c/o Atty. Persida Acosta sa BULGAR

Bldg., #538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa

magtanongkayatorni@bulgar.com.ph

Lagpas pa ng 150/90 ang

presyon kaya worried na

may high blood

Dear Doc. Shane,

Dahil sa sobrang

init ng panahon, napapansin

kong tumataas

ang aking presyon

na dati ay hindi

naman. Ngayon umaabot

na ng 150/90 at

minsan ay mas mataas

pa. Wala naman akong

iniinom na maintenance

tulad ng sa

kakilala kong may

high blood talaga.

May alta-presyon na

ba ako?— Gerry S

Sagot

Kung ang presyon o

blood pressure ninyo ay

palaging lampas sa 150/

90, ibig sabihin ay may

alta-presyon na kayo.

Kung ang blood

pressure ninyo ay lumagpas

lamang ng

bahagya sa 140/90 at

wala naman kayong

nararamdaman, maaaring

makuha pa ito sa

pamamagitan ng pagbabago

ng pamumuhay o

lifestyle, subalit, kapag

ang presyon ay lampas

na sa 150/100, kinakailangan

nang uminom

ng gamot para sa high

blood.

Ang tinutukoy na

healthy lifestyle ay ang

tamang pag-iwas sa

maaalat at matatabang

pagkain, mag-ehersisyo

ng 3-5 beses bawat

linggo kahit 30 minuto

lamang o isang oras

lalo na kung kinakailangang

magbawas ng

timbang (malaki ang

magagawa nito sa

inyong presyon kapag

nabawasan ang inyong

timbang lalo kung overweight

kayo), iwasang

ma-stress o palaging

galit,matulog ng 7-8

oras, iwasan ang paninigarilyo

at pag-inom ng

alak.

Maipapayong magpatingin

kayo sa doktor

para kayo ay ma-checkup

at kung kinakailangang

bigyan kayo ng

maintenance, inumin

lang ito nang regular.

Mahirap din kasing magself-medicate

lang tayo

na kung ang kilala n’yo

ay may high blood at

ganito ang iniinom niya

ay ‘yun na rin ang

iinumin ninyo at iwasan

nating lumabas lalo na sa

kainitan ng panahon.

PARA sa inyong mga katanungan, maaari pong

sumulat sa SABI NI DOC c/o Shane Ludovice

BULGAR Bldg., #538 Quezon Avenue, Quezon City, o

mag-email sa dok@bulgar.com.ph

MAYO 12, 2016

KAPANGYARIHAN NG MGA

BANGKO SA IYONG

CREDIT CARD

BAGO natin ituloy ang mga tanong at sagot

tungkol sa credit card, nais nating magbigay ng

mensahe tungkol sa ating bagong presidentelect.

Sa isang malinaw at kapani-paniwalang

halalan, nagsalita ang taumbayan at pumili ng

bagong lider para sa sambayanang Pilipino.

Tanggapin na nating lahat at igalang ang resulta

ng eleksiyon. Panahon na upang isantabi ang

ating mga pasubali at magsama-sama bilang

isang nagkakaisang bansa.

Ibigay natin kay President-elect Rodrigo

Duterte ang suportang kailangan niya, ngunit,

huwag nating kalimutan ang pananagutan nating

ipahayag ang ating mga hinaing para magsilbing

gabay niya upang patakbuhin niya ang ating

bansa sa tamang landas, na nakatuon sa

matutuwid na prinsipyo ng pamamahala at

maayos na ekonomiya.

Sa huli, nakasalalay ang lahat sa biyaya ng

Poong Maykapal. Patuloy nating hilingin ang

Kanyang paggabay at manalangin na patuloy

Niyang paliwanagin ang isipan ng ating mga

lider para makapagpatupad sila ng mga

programang makapagdudulot ng pag-angat sa

Pamilyang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas!

Ngayon, ituloy natin ang paksa tungkol sa

credit card sa website ng Bangko Sentral ng

Pilipinas (BSP) na mayroong mga “Frequently

Asked Question” (FAQ). Ibinabahagi natin ang

mga ito sa mga nakaraan at mga susunod na isyu.

ito ang ikapito ng labindalawang FAQs.

Puwede bang suspendihin o itigil ng mga

credit card company ang credit card ko nang

mag-isa?

Oo. Alinsunod sa BSP Circular No. 398,

puwedeng bawiin, suspendihin o itigil ng mga

bangko o ang kanilang mga pinanghahawakang

credit card company ang pagkabisa

ng isang credit card, depende sa mga sitwasyon.

Dapat may mga batayan sa pagpapasya o sukatan

para sa pagsususpinde, pagbawi at pagbabalikbisa

ng karapatang gumamit muli ng credit card,

at ang awtoridad ng pagpataw na suspendihin o

itigil ang pagkabisa ng mga credit card ay dapat

nakasaad sa kontrata nila sa mga may hawak ng

credit card.

Magpasyal sa www.colaycofinancial

education.com at www.franciscocolayco.com

at www.youtube.com/colaycofoundation o

tumawag sa 637 3741 o 637 3731 o 0917 863

2131 para sa mga libro at seminar. Ang

susunod na seminar ay sa Sabado, Mayo 28.

Makinig sa Pera Mo, Palaguin Mo tuwing

Lunes sa DZXL 558 mula alas-11 ng umaga

hanggang alas-12 ng tanghali. Mapapanood n’yo

rin kami sa Pisobilities RealiTV tuwing Martes

ng alas-8:30 ng gabi sa Light Network Channel

33 at tuwing Sabado sa GMA News TV 11

ng alas-6:00 ng umaga.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!