23.05.2016 Views

May 23, 2016 BULGAR: BOSES NG PINOY, MATA NG BAYAN

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

2 News Editor: JOY REPOL - ASIS

Magkakahiwalay, nawalan ng malay

5 PATAY SA CONCERT SA MOA

LIMA katao ang nasawi matapos dumalo

sa isang concert na ginanap sa open parking

area sa SM MOA sa Pasay City kahapon

ng madaling-araw.

Sa initial report mula sa tanggapan ni Southern

Police District (SPD) Director Chief Superintendent

Eusebio Mejos, nauna nang kinilala ang apat na nasawi

na sina Ariel Leal, 22; Lance Garcia, 36, ng Pasig City;

Bianca Fontejon, 18, at Eric Anthony Miller, 33, American

national.

Namatay naman habang ginagamot sa San Juan

De Dios Hospital ang isa pang biktima na si Kim Migawa,

18, ng Antipolo, Rizal.

Dumalo ang mga biktima sa “Close Up Forever

Summer Concert-One Last Time” na ginanap sa open

parking area ng SM MOA na nagsimula bandang 3:00

ng hapon at natapos 3:00 kahapon ng madaling-araw

kahapon.

Bago maupong pangulo

BANTA NI DUTERTE: BAHO NG

SIMBAHAN PASASABUGIN

TINAWAG na “most

hypocritical institution” ni

presumptive President Rodrigo

Duterte ang Simbahang-

Katolika kasabay ng banat

sa mga Obispo na nagtangka

umanong sirain ang suporta

sa kanya ng publiko bago

sumapit ang May 9 elections.

Partikular na tinukoy ni

Duterte ang ipinalabas aniyang

pastoral letter ng Catholic

Bishops’ Conference

of the Philippines (CBCP),

ilang araw bago maghalalan

na ang layon ay huwag siyang

piliin ng mga botante.

Partikular pang tinukoy

ng alkalde ang inihayag ng

CBCP nitong nakaraang,

Mayo 1 kung saan hinimok

ang publiko na huwag iboto

ang mga “morally reprehensible”

candidate na naglalapastangan

sa karapatan ng

ibang tao at sa turo ng Simbahan.

Una nang binatikos ni

CBCP President Lingayen-

Dagupan Archbishop Socrates

Villegas si Duterte dahil

sa pagmumura nito sa Santo

Papa matapos siyang magalit

dahil sa idinulot na matinding

trapiko ng pagbisita

ni Pope Francis sa Metro

Manila noong Enero ng

2015 at sa mga naging pahayag

ng alkalde hinggil sa

pagpatay ng mga kriminal.

“You have been castigating

me or criticizing me

— you want a debate before

I become president? Okay!

Sinong lahat ng bishops

d’yan, tumindig kayo. I will

tell you the sins of the Catholic

Church beginning from the

time the institution of the

papacy was established,” ani

Duterte.

“I will lecture until June

29 the sins of the Catholic

Church, and whether or not

you are still relevant. Alam

mo, the most hypocritical

institution is the Catholic

Church.”

“If I start to name the

bishops who got married or

about the women in their

lives, sasabog itong Katoliko.

Do not think you are

the moralizing agents of the

Habang ginaganap ang concert, nakita umanong

sunud-sunod na nawalan ng malay ang mga biktima

mula sa iba’t ibang lugar ng concert area.

Agad isinugod ng mga medical team ng event ang

mga biktima sa naturang lugar subalit, binawian ito ng

buhay.

Ayon sa ulat ng pulisya, pinapayagan umano ang

mga nanonood ng konsiyerto na bumili ng kanilang

mga inumin mula sa iba’t ibang concessioners sa loob

ng naturang concert area.

Agad nakipag-ugnayan ang mga imbestigador ng

Investigation Detective & Management Branch

(IDMB) sa pamunan ng SM Event organizer upang

isumite ang pangalan ng kanilang mga concessioner

bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya

sa insidente para mabatid ang naging dahilan ng

ikinamatay ng mga biktima. Ilan naman sa mga anggulong

tinitingnan ay heat stroke at dehydration habang

sa social media ay pinag-uusapan ang kaugnayan

sa ilegal na droga.

(Gina Pleñago)

Tiniyak ni Digong

“HINDI AKO NABOBOLA”

“HINDI ako nabobola.” Ito ang tugon ni presumptive

President Rodrigo Duterte sa gitna ng mga puna

hinggil sa paraan ng pagpili niya ng mga bubuo sa

kanyang gabinete.

Aniya, nagpapasya siya para sa kanyang sarili at

lalong wala siyang kinukonsulta.

Hindi umano niya ikinukonsidera ang ‘friendship’

dahil ang kanyang loyalty ay para sa buong bansa.

Sa tagal na umano niya sa gobyerno, mula noong

maupong mayor hanggang sa maging kongresista at

balik-alkaldeng muli, hindi umano siya nabobola o

naiimpluwensiyahan ng sinuman.

Bagama’t, hindi raw niya kailangang kumonsulta

sa ibang tao, sinabi ni Duterte na nakikinig naman siya

sa kanyang transition team, partikular sa mga pangalan

ng mga taong gustong makapasok sa gabinete.

Nauna nang umani ng batikos ang pagkakatalaga

ni Duterte kay Atty. Salvador Panelo bilang presidential

spokesperson at Las Piñas Rep. Mark Villar bilang

DPWH secretary.

Napaulat din na nagtampo kay Duterte si Pastor

Apollo Quiboloy dahil hindi umano siya nakonsulta

sa pagsala sa mga posibleng cabinet member.

(Allan Lopez)

society. As long as you are a

human being, you are up to

fall down... You’re all

pageantry.”

Inakusahan din nito ang

Simbahan sa paghingi ng

pabor mula sa administrasyon

ni former President

Gloria Macapagal-Arroyo.

“Panahon ni Arroyo

naghingian kayo... That is

graft and corruption, hindi

PINAWI ng Malacañang ang pangamba

ng mga magulang sa gastusin ng kanilang

mga anak na papasok sa senior high

school sa pagsisimula ng K to 12 Program.

Ayon kay Presidential Communications

Secretary Sonny Coloma, libre ang

mga estudyanteng papasok sa senior high

school program sa mga pampublikong paaralan

sa buong bansa kaya walang dapat

alalahanin sa gastusin ang mga magulang

ngayong pasukan.

Aniya, naglaan ang Department of

Education ng humigi’t-kumulang na P12

bilyon para pondohan ang may 1,500,000

APAT katao ang patay

matapos salpukin ang kanilang

sinasakyang traysikel ng

isang pampasaherong bus

sa kahabaan ng national highway

sa Barangay Alibagu sa

Ilagan City nitong Sabado.

Dead-on-the-spot sa pinangyarihan

ng aksidente ang

mga biktimang sina Leonardo

Ander, 35, ang driver ng traysikel;

Elmer Ignacio, 29, Jerome

Galasinao, 33, at Malito

Manalo, 39, na pawang

mga pasahero. Ayon kay Police

Supt. Manuel Bringas, nangyari

ang insidente 10:00 ng gabi.

Nabatid na nag-overtake

umano ang traysikel sa isang

kotse pero sa sobrang bilis

ng andar ng Florida Busline

na kanilang kasalubong ay

hindi na nakaiwas pa ang mga

biktima at tuluy-tuloy silang

nasalpok nito.

Agad namang sumuko

MAYO 23, 2016

May P12 billion budget — Palasyo

SENIOR HIGH SCHOOL, LIBRE

ASAHAN na ang taas-singil sa kuryente

sa Hunyo, matapos aprubahan ng

Energy Regulatory Board o ERC ang

P0.065 per kilowatt hour na power rate

adjustment.

Ayon kay ERC Spokesperson Florensinda

Digal, ang dagdag-singil ay mapupunta

sa differential ancillary services

charge.

Paliwanag ni Digal, ito ang bayarin para

sa ancillary services o back-up services,

na ‘unpaid’ umano mula 2008 hanggang

2009.

Noong May 20, 2009, inihain ng National

Grid Corp. of the Philippines (NG-

CP) sa National Power Corp. ang approval

para sa Ancillary Service Procurement.

estudyanteng papasok sa senior high

school program. Lahat aniya ng mga nagtapos

ng Grade 10, makatutuntong sa

senior high school kaya walang dahilan

para magreklamo ang mga magulang.

Para naman sa mga Grade 11 na papasok

sa mga pribadong eskuwelahan, sinabi

ni Coloma na mayroong subsidiya ang

gobyerno para sa mga ito sa pamamagitan

ng voucher system kung saan 90% ng lahat

ng enrollees sa private schools, State Universities

and Colleges at Local Universities

and Colleges ay magiging voucher beneficiaries.

(Aileen Taliping)

Tricycle sinalpok

4 TODAS SA KILLER BUS

sa pulisya ang 50-

anyos na driver ng bus

na si Joseph Pasaraba

na nahaharap sa kasong

reckless imprudence

resulting in multiple

homicide with damage

to property.

Iginiit ni Pasaraba

na hindi na siya nakaiwas

sa aksidente dahil

sa bilis ng pangyayari.

(Jeff Tombado)

TAAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG HUNYO

Napagpasyahan na ang kaso noong

March 2010, kasabay ng approved rates.

Sinimulan ng NPC ang ancillary services

mula noong March 2008 hanggang

October 2009, pero taliwas sa rates na

awtorisado.

Sinabi ni Digal na ang P0.065 ay batay

sa translation ng ERC na kabuuang differential

amount na aabot sa P5.2 billion,

kasama na ang Value Added Tax o VAT.

Dagdag ni Digal, ang aprubadong recovery

scheme para sa Luzon ay anim na

buwan, habang tatlong taon para sa Visayas

at Mindanao.

Ang adjustment ay magre-reflect na

sa June billing ng mga power consumer.

(BRT)

SA bisa ng warrant of arrest, nasakote sina Gil Barbadillo Y Bautian at Ronald

Abad Y Baronia kapwa may kasong estafa at illegal recruitment matapos mabulaga

ng mga operatiba ng MPD-Warrant and Subpoena Section sa Maynila. O,

kilalanin na, dali!

(Jun Guillermo)

niyo alam ‘yan, plus separation

of church and

state.”

“Iyung ibang tao sa Pilipinas

walang makain, walang

medisina and you were

enjoying the money of the

god**** people of the Philippines

by riding on that.

Hindi na kayo nahiya n’yan.

P******** kayo.”

At maging sa kanya

umano.

“You ask so many favors

even from me. I can show

you the letters... ‘Pag mayroon

kayo, hingi rito, hingi

[doon] tapos kung magsalita

kayo, kayo lang ang marunong.”

“I have this deep,

abiding faith in God

but that does not mean

that you have to have a

religion, you have to

follow somebody, that

you have to get a message

from this and

that,” dagdag pa nito.

(Mylene Alfonso)

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!